Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31: Betrayal

Chapter 31: Betrayal

Nagmamadali kaming umalis ni Landon sa mansion. Nang makarating kami sa gate nag aabang na doon si River.

Agad siyang lumapit sa amin. Mahigpit parin ang mga kamay kong nakahawak kay Landon.

"Ilayo mo siya dito," sinabi ni Landon.

Bakas sa mukha ni River na may alam na siya sa nangyari. Kumalas si Landon mula sa aking pagkakahawak. I tried to hold him back ngunit hinawakan niya ang aking pisngi at tinitigan.

"Kailangan mo munang lumayo. Ako na ang bahala dito."

I stared at Landon. Alam kong kasalukuyan na kaming pinaghahanap ng mga tauhan ng kanyang Lolo.

"Hey," he consoled me. "I'm a devil. Don't worry about me."

Umiling ako. No, Landon. You... you are no devil. Tinapik ni Landon ang braso ni River.

"Ikaw na ang bahala sa kanya."

Tumalikod si Landon upang bumalik sa pagtitipon. I want to pull him back. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita o maaari ba ulit kaming magkita matapos ang mga nangyari.

Pero hinawakan ni River ang aking balikat. Lumingon ako. Umiling siya.

"Let him handle it."

Bumalik kami sa kanyang sasakyan. River is perflexed as I am. "How's Yllona?" Tanong ko.

"Gulat din siya tulad nating lahat. No one expected this would happen."

Humigpit ang hawak ni River sa stearing wheel. Nagsimula kaming magbyahe palayo sa mansion ni Yllona.

"Will she be okay?"

River chuckled without humor. "Not so human girl, ikaw ang pinaka-delikado dito. Mas mabuting intindihin mo ang iyong sarili sa mga oras na ito."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"The old man loaths everyone who defy his authority. Sa mga oras na ito nakilala mo na siya. He looks like a pleasant man. But he could ruin your life and acts like he's doing you a favor."

Binilisan ni River ang pagmamaneho. "Siya ang may control sa pamilya. Sa kung tama o mali. Ano ang makakabuti sa pamilya at ano ang sisira dito. At sa mga oras na ito sa kanyang mga mata isa ka sa mga sumisira dito."

"But I didn't... mean to."

"This is not your fault, Denise. Sa totoo lang ikaw ang biktima dito. Landon... he fell for you. And we... we're not exactly the type of people who can freely fall for someone."

Humigpit ang hawak ko sa jacket na binigay ni River upang aking maisuot.

"We play around, be an asshole, jump from one woman after another. It's more convenient for us than to fall in love. Dahil kawawa lamang ang babaeng mamahalin namin."

Malayo ang tingin ni River nang banggitin ang bagay na yon.

"It happened before. It could happen again. Paulit ulit itong mangyayari hanggang sa wala nang magawa ang mga taong mahal namin kundi ang sumuko."

I remembered River's story about his Mom. I wonder... up to this moment... if his Mom, or his Dad, still struggles for a love they failed to fight for when someone else has already written the end of their story.

"I'm sorry."

Biglang huminto ang sasakyan dahilan upang tumama ang likod ko sa sandalan.

"I'm not asking for your apology, Denise. If I could save you in this situation, I will. But Landon can turn hell upside down for you. Ang tanging hinihiling ko sayo ay hwag mo siyang sukuan. Dahil kaya niyang mamatay para sayo."

My hands were trembling on my lap. Hindi ko alam. Hindi ko hiningi na maramdaman ko ito. Hindi ko hinihingi na ipagtanggol ako. I don't deserve it.

Tumulo ang aking mga luha. Agad ko itong pinahid. What should I do? This life... this life I have right now... comes with a price... the freedom of someone I couldn't sacrifice.

--

Madaling araw na nang makabalik kami sa apartment. For the past several months I've been involved with the Monaghans, I've been into crazy parties, luxury cars, sparkling dresses, beach houses and mansions. But I always end up with a tear stained face. Will this ever end?

"Make sure your phone is always on. Update me whenever you leave this place," paalala ni River.

"My Mom..."

"Nasa maayos na kamay ang Mama mo. Mula noong nangyari ang kasunduan ni Landon at ni Lolo, naglagay kami ng bantay para sa kanya."

River breathed deeply. The fun, his playfulness was all gone.

"Patawad at nadamay ka sa magulong pamilyang ito. This is the consequence of a Monaghan falling in love with a nouveau. Let us handle it."

--

I was a mess. Papasikat na ang araw nang makatulog ako. My body aches. I was tired, scared. I had a nightmare. And I woke up, confused and disarray, as Elyse stared at me.

Agad akong umupo mula sa kama. Nasisilaw ako sa sikat ng araw mula sa aking bintana. Pinagmasdan ko si Elyse na nakatayo sa tapat ng pintuan at nakatitig sa akin.

"Where have you been last night?"

There's an edge in her voice. It almost sounds accusing. I blinked, trying to register what's happening. Elyse noticed my distress. Her voice soften.

"I was worried."

"I'm sorry," sinabi ko. I had assumed she's out with Landon. Just yesterday I though Landon didn't cared about my existence. I was wrong.

Bigla akong natauhan sa napagtanto. Tinitigan ko si Elyse. Bumaling ang tingin niya sa dress na nakasabit sa pintuan ng drawer. The long silver dress with crystal emblishment I couldn't have afford.

"That was from..."

"You know them don't you? The Monaghans," Elyse asked without peeling her eyes away from the dress. "I saw the invitation. I saw you with one of them last night."

Humarap siya sa akin. "Why didn't you tell me?"

My head is pounding. I want to tell Elyse. I want to clear all of this mess. I want her to know that I'm in love with Landon.

Sinubukan kong tumayo sa gitna ng nananakit kong katawan. Elyse stared at me. Saka siya tumalikod. "Magpahinga ka muna, Denise."

"Wait, Elly!"

Humarap siya sa akin. "I know you have reasons. Tell me all about it when you're okay." Saka niya isinara ang pintuan.

Umupo ako sa kama. If I want to fight for this... I have to clear everything first. And that includes breaking Elyse's heart. Can I do it?

--

Iniwasan ako ni Elyse. It's been days mula noong umuwi ako mula sa party, ngunit hanggang ngayon hindi ko parin siya nakakausap tungkol dito.

Tuwing magkaharap kami, pilit kong bubuksan ang topic ngunit iiwas lang siya. Hindi niya gustong marinig ang aking sasabihin. Hindi niya gustong tapusin ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan.

I want to tell her... but I want to tell her in a right way. Because she deserves it. I won't blurt it out for the sake of relief. I want to give her the time to accept my reasons. I will wait for her.

Sa mga sumunod na araw lagi siyang wala sa apartment. She also purposely left her phone upang hindi ko tanungin kung nasaan siya. Ang tanging pagkikita namin ay sa klase. We are living together, but it seems like we're drifting apart.

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. I was busy with my classes and my part time jobs. I kept myself busy, purposely. Upang hindi ko isipin ang mga bagay na bumabagabag sa akin. But at the end of the day... isang tao parin ang nasa isip ko. How are you, Landon?

River told me that as long as Landon is in the premises and control of their grandfather, hindi ako magagalaw ng mga tauhan nito. My freedom is Landon's cage. And there are nights I had to curse my feelings for him.

--

Friday ng gabi nang mapadaan si Yllona sa coffee shop. Noong una hindi ko siya napansin. I was busy serving a group customers. Ngunit halos lahat ng customer ay napalingon sa kanya nang pumasok siya sa shop. Yllona is a natural head turner, thin, tall, and stylish.

Nag usap sila ni Miss Van sandali. Narinig ko ang aking pangalan. She's asking if she could borrow me. Miss Van smiled and said something. She's pretty close with the Monaghans.

Maya maya pa hinila na ako ni Yllona. I blinked. "Wait, I'm serving."

Napalingon ako kay Maureen nang saluhin niya ang trabaho ko. "Your supermodel friend is waiting for you," she whispered. "Go."

I smiled and thanked her. Sumama ako kay Yllona. It's been days since we saw each other in the party. Umupo kami sa isa sa mga tables sa labas.

"How are you?"

Yllona blinked. She let out an ungraceful snort. "Are you seriously asking me that? Isn't it the other way around, Denise?"

Pinunas ko ang aking mga kamay sa itim na apron. "I was worried. I left the party without saying goodbye."

Natahimik si Yllona nang ilang segundo. "This is why Landon fell for you," she said. "You're selfless, Denise."

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Yllona has a faraway gaze in her eyes.

"You're pure. You are like a precious stone we don't want to stain with our poison."

Huminga siya nang malalim.

"I've realized that this... this isn't a game anymore. Landon fell for you first and he fell hard. Landon is pretty selfish. This is the first time I saw him care this much for someone."

But why didn't it seem like a good thing for me?

"I'll be away for a while."

"What? Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Mga ilang linggo lang. I have to attend some event." Tinitigan niya ako.

"Take care of yourself. River will still be here. Tawagan mo siya kung kailangan mo ng tulong."

"I... I can handle myself."

"Stop lying. Alam kong natatakot ka. Sabihin mo lang kung nahihirapan ka, Denise. And I will get you out of this situation as fast as I could."

Hindi ako sumagot. Alam kong malaki ang binabangga ko dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Kinailangan nang mag-paalam ni Yllona. Binisita niya lang ako upang ipaalam ang kanyang pag-alis sa bayan ng ilang linggo. Siya ang isa sa aking mga kakampi. Pakiramdam ko napilayan ako sa kanyang pag-alis.

Bago siya umalis nasabi niya na ang kanyang pag-alis ay kagustuhan ng kanilang Lolo. I wonder if this is one of his moves. I wonder what is next. I wonder kung kakayanin ko.

--

It was Saturday afternoon. Maagang nagsara ang coffee shop kaya maaga akong makakauwi. Pagdating ko sa apartment, nabigla ako nang makita ang aming landlady. Isang moving van din ang nakapark sa harapan ng apartment.

Napatakbo ako. Pagpasok ko sa apartment ilang mga tauhan ang nagbubuhat ng gamit. Ano'ng nangyayari? Nadatnan ko ang aming landlady na minamanduhan ang kanyang mga tauhan sa paglilipat ng mga gamit.

"Mrs. Harvey," I said. "Ano po ang nangyayari?"

Humarap siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo. Nagtataka.

"Denise, ano pa ang ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Po?"

"Hindi ba nasabi sayo ni Elyse? May nakabili na nitong tinatayuan ng apartment. Sinabi ko ito sa kanya last week pa. Akala ko nakapaghanda na kayo."

Nanuyot ang aking bibig. Last week? Pero walang sinasabi sa akin si Elyse.

"Sinabi ni Elyse na may condo siyang lilipatan. I thought nakapag empake ka na din."

Hindi magsink in sa akin ang kanyang mga sinasabi.

"Can you please... please give me time. Aayusin ko lang po ang mga gamit ko."

Mrs. Harvey stared at me worriedly.

"Kung ganon, bibigyan kita hanggang mamayang hapon. This place must be cleared before this evening. I'm sorry, Althea."

May ilang oras lang ako. Ano'ng gagawin ko?

Huminga ako ng malalim bago tumango. Hindi ako ang tunay na nangungupahan dito. I couldn't demand more other than what was given.

"Pasensya na po talaga. Bibilisan ko ang pag-aayos."

--

Tumigil ang mga tauhan ng landlady sa paghahakot. Sinabi nila na babalik sila bukas. Ngunit kailangan ko ng umalis bago dumating ang gabi.

Wala na akong panahon upang mag isip. Tinuon ko ang atensyon ko sa pag-eempake ng aking mga gamit. Kung tutuusin iilan lang ang masasabi kong akin sa apartment. Almost everything is from Elyse. The carpet, the curtains, the furnitures and appliances.

Naalala ko ang unang beses na inalok niya akong tumira kasama niya. At first I was in doubt. Who would invite a random stranger to live with you just because they saved your life once?

Sa apartment na ito kami naging malapit. Dito namin nalaman ang ugali ng isa't isa. All those shared meals, tv marathons in the living room, late night chats. The cozy summer afternoons, and sleeping in each other's room during thunderstorms. Tatlong taon. What happened, Elyse?

Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha habang nagtutupi ng damit. Pinahid ko ang aking pisngi. I should not doubt her. I know she had her reasons.

--

Gabi na nang matapos akong mag-ayos ng gamit. Habang nasa labas ng apartment hawak ang aking maleta, doon ko napagtanto na wala akong maaaring puntahan. I couldn't contact Elyse. I would be pathetic enough if I would.

Naglakad lakad ako habang hila ang aking maleta. Would Saint Jude's allow me to crash in my Mom's room? Pero hindi ko gustong mag-alala si Mama.

Naghintay ako ng taxi. The maintenance quarter of the university is always open. Doon ako tumira bago ko nakilala si Elyse. The room is a stock room for cleaning equipments. I could crash in there.

Huminga ako nang malalim. Pumasok ang malamig na hangin sa aking dibdib. This isn't that bad. At least I still have a place to go.

Tumanaw ako sa kalye para pumara ng taxi. Isang itim na sasakyan ang papalapit sa aking direction at tuluyang tumigil sa aking paanan. Bumukas ang driver's seat.

"How many times I have to tell you to call someone when you need help?"

Lumabas si River mula sa sasakyan. Napa-buntong hininga siya nang makita ako.

"Ah, hard headed Denise."

Hindi ako nakapag salita. Calling River is the last of my option. Ayokong mawala siya tulad ng panandaliang pagkawala ni Yllona dahil sa akin.

Kinuha ni River ang hawak kong maleta. Binuksan niya ang trunk ng kanyang sasakyan at nilagay ito doon.

"Sandali..." pigil ko sa kanya.

"Denise, I have to show you something."

I blinked. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbabago ng aming pinag-uusapan.

"What?"

"Come with me."

River held my hand and opened the door of the passenger's seat. Naguguluhan ako. Pero wala akong nagawa kundi ang sumunod.

I thought he's going to show me a thing... a small stuff inside his car. Ngunit nagsimula siyang magmaneho.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot. There's a mysterious glint in his eyes.

"Is this considered kidnapping?" Wala sa sarili na sinabi ko. There's a second of silence before River burst out laughing.

"Denise..." Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa halalhak. "I always wonder how you crack a joke, or if you ever crack one. But I realized you're Denise. Your humor is either dark or nonexistent."

I stared at him seriously. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Give me twenty minutes and you'll see."

--

We arrived at a peaceful neighborhood at the outskirts of town, away from the noise of the main city. Semi-victorian houses lined the clean streets with wide open lawns and trees. May bibisitahin ba kami sa lugar na ito?

Napalingon ako kay River ngunit patuloy lang siya sa pagmamaneho. Beneath the golden light of each windows were silhauttes, of families, of elderly people, or people having dinners. Napakapayapa nilang tingnan.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Ang bahay na ito ay may gate hindi tulad ng ibang nadaanan namin. Bumaba si River mula sa sasakyan upang buksan ang gate.

Bumalik siya saka kami dumerecho sa loob. Bumaba kami mula sa sasakyan. My sight was greeted by an elegant house.

The house has a wide lawn like the rest of the neighborhood. It's two-story semi-victorian, slick and classic. Nakasindi ang ilang mga ilaw na pumapalibot sa bahay. But the house looks uninhabited.

"Who's house is this?"

Lumingon si River sa akin nang nakangiti. "Yours."

I stared at him and blinked. Saka ako natawa. "Seriously, River. Why are we here?"

Nanatili ang tingin ni River sa bahay.

"Landon bought this house for you as a graduation gift in the near future."

Tuluyang nawala ang aking ngiti.

"I was with him when he bought the house. He wanted something for your security. Ngunit matapos ang kasunduan nila ni Lolo, alam niyang hindi niya ito maibibigay ng personal sayo," River said.

"He instructed Yllona to give it to you as one of the properties we barely use. Pero mukhang kailangan mo na ito ngayon."

Napaatras ako. "I can't... I can't accept this," sinabi ko.

"I know you would say that," said River. "Hindi mo kailangan na tanggapin ito ngayon. Kailangan mo lang manatili dito upang hindi kami mag-alala. This is better than to see you sleeping somewhere unsafe and open."

Nanghihina ako.

"When a Monaghan fall in love, they fall hard. It's almost a curse in our part. This is nothing compared to what Landon can do. He could kill for you."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro