Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30: Clandestine Kiss

Chapter 30: Clandestine Kiss

Nang kumalma si River ay tumayo siya mula sa bench.

"I have to check on Yllona. Maging siya ay hindi inaasahan ang pagdating ng aming Lolo."

Nakita ko ang matinding pagaalala sa kanyang mukha.

"Will you be okay here?"

Tumango ako. I gave him a half-smile. "Go on," I said. "Your sister needs you."

"Babalik ako agad."

Muling tumungo si River sa pagtitipon. Naiwan akong nakaupo sa tabi ng pool. Tumingala ako sa langit. Natatakpan ng manipis na ulap ang maliwanag na buwan. Payapang kumikislap ang mga bituin.

I'm in a mansion, in a prestigious party, wearing a dress I couldn't have afford. Ngunit lahat ng ito ay balewala. Dahil sa gitna ng engrandeng pamumuhay ng mga taong nasa aking paligid ay tahimik nilang kinikimkim ang kanilang mga puot at pangungulila. Gusto ko silang tanungin.

In a world where everyone dreams about, in a life where everyone aspires to have, how much you and the others get hurt?

Nanatili akong nakaupo sa bench. Patuloy ang kasiyahan sa mansion. Inalis ko ang suot kong sapatos mula sa nananakit kong mga paa. Umapak ako sa damuhan. I instantly felt the relief the moment the cold grass touched the soles of my feet. Pretending to be someone you are not could exhaust your entire system.

Lumipas ang kalahating oras ay wala parin si River. Unti unti na akong nag aalala. Ngunit hindi ko magawang bumalik sa pagdiriwang upang sundan siya dahil alam kong makakasama lang ako sa sitwasyon. I promised to wait for him here, so I'll wait for him here.

Maya maya natanaw ko ang isang taong papalapit sa akin. Napatayo ako mula sa bench thinking it was River. Ngunit nang mapagtanto kong may kasama ito ay doon ako natigilan.

The two men were heading towards me. Malalaki ang mga hakbang ng kanilang paa. Tila nagmamadali. Napa-atras ako nang tuluyan silang makalapit.

"Denise Limerick?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung kokompirmahin ko ba ang kanilang sinabi. Hindi ko sila kilala.

Hinawakan ako sa braso ng isa sa mga lalake. Sibukan kong mag pumiglas. Ngunit sa sumunod na salitang kanilang binitawan, tila binuhusan ako ng nagyeyelong tubig.

"Pinatawag ka ng pinuno ng pamilya."

I blinked a few times to register what he said. Malinaw na ang dalawang lalakeng nasa aking harapan ay tauhan ng mga Monaghan. Bakit... ano ang kailangan niya sa akin?

--

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Sino ako para lapastanganin ang utos ng pinaka makapangyarihan sa angkan. Dinala ako ng mga tauhan sa loob ng mansion. I was shaking to the core.

Ipinasok nila ako sa isang kwarto at doon pinaghintay. Maaliwalas at maliwanag ang paligid. It was a study room wide enough to be a library. Naupo ako sa mahabang sofa habang hawak parin ang aking sapatos at nakayapak sa makapal na carpet.

Mag isa ako sa loob ng kwarto. Ang takot na nararamdaman ko ay hindi ko madepina. It was a different kind of fear. Fear not for myself but for the people around me. If River and the rest is terrified of him, who am I to fake strenght?

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan. Napatayo ako. At halos tumigil ang aking paghinga nang makita ang familiar na mukha ng matandang Monaghan sa aking harapan.

Nakaupo ito sa wheel chair habang tulak ng isa sa kanyang mga tauhan. Hindi ko alam ang gagawin. Kung yuyuko ba ako o babati. Hindi ko ito matingnan ng derecho sa mga mata. Pakiramdam ko wala akong karapatan na tingnan siya ng derecho.

He raised his hand and motioned for me to sit. Agad ko itong ginawa. Ngayon ay ramdam ko na ang tinutukoy na takot ni River. I was grasping my cold hands habang hinihintay sila na makalapit sa akin.

"M-Magandang gabi po," nagawa kong bumati.

Malumanay na ngumiti ang matanda. I was caught confuse by the gesture. Dahil maliban sa takot na aking nararamdaman at sa mga sinabi ni River, the old man looks calm, pleasant, approachable. Meron itong maamong mukha, isang pala ngiting mukha.

Bahagyang lumayo ang kanyang tauhan at nanatili sa tapat ng pintuan. Naiwan akong kaharap ang matandang Monaghan.

"Masaya akong makilala ka."

Sinubukan kong ngumiti. I did everything in my power to hide the fear in me.

"Althea Denise Limerick," sinabi niya. "Kamusta ang iyong ina?"

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking ina. I don't know if it was a threat. It sounded like a threat.

"S-She's fine," I said.

Ngumiti ito. "Good to hear. You know, my grandson is spending a fortune for her recovery."

Tears started to sting my eyes. Not her... please not my mother.

"Landon... he's always been the reckless one, the rebellious one, out of all of my grandchildren."

Kinontrol niya ang kanyang wheelchair gamit ang aparatong nakakabit dito. Lumapit siya sa bintana at pinasmasdan ang pagdiriwang sa labas.

"But no matter how someone sees it, he is still my first pure blooded grandson."

Unti unti kong naramdaman ang patutunguhan ng usapan na ito.

"I would be furious if someone... let's say a woman... cause him to stain this pure and untainted blood of the family."

Lumingon siya sa akin nang nakangiti. Takot ang tanging namumutawi sa akin.

"Don't you think so, Althea Denise?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Muli siyang bumalik sa aking harapan.

"I can deprived him of everything... his staff, his people, his mansion, the luxuries he grow accustomed with. Ngunit maging ito ay tila wala ng epekto sa kanya, Althea Denise." My name roled out of his mouth like venom.

"At kailan lang ay nalaman ko na isang babae ang ginawa niyang nouveau. Imagine how furious I was. Landon could go around messing with anyone. I could give him any whore he wants, blood contracts? I could let it slip."

Bigla niya akong tinitigan sa mga mata. "But to convert someone, especially a woman? Isa itong malinaw na paglabag sa batas ng aking pamilya. I could kill him because of it."

Nanlaki ang aking mga mata. "No. No please... don't... hurt him..."

Napangiti siya sa aking tinuran.

"Pero hindi ko gagawin ito," sinabi niya. "Ano'ng klase akong Lolo kung papatayin ko ang sarili kong apo?"

Tuluyan akong nanghina.

"Maliban nalang kung ipagpapatuloy niya ang kahangalaan para sa babaeng yon."

Tuluyang dumaosdos ang aking mga luha.

"And I'm sure this girl, whoever this filthy girl is, will have the audacity to do the same thing. To stop the stupidity and foolish acts."

Tuloy tuloy ang pagdaloy ng aking mga luha.

"I know these kind of woman. They are all the same, gold digging whores. Naiintindihan mo ba ang punto ko, Althea Denise?"

Tumango ako habang pinapahid ang aking mga luha.

"Y-Yes, Sir."

"Mabuti naman at may isip ka."

I've never felt so low. Napakababa ko... napaka tanga ko para tanggapin ang kanyang mga pang iinsulto. Ngunit nilunok ko ang lahat ng ito at umaktong walang pakiramdam. Dahil yon ang dapat. Dahil yon ang kailangan.

"Now, will you can stand and wait at the corner of the room?"

Even if his words sounded like a request, iba ang sinasabi ng mga salita sa likod nito. Tumayo ako at tumungo sa sulok ng kwarto kahit pa hindi ko alam kung para saan ang kanyang pinapagawa.

Biglang bumukas nang marahas ang pinto. Mabilis na pumasok si Landon sa kwarto. Tumungo agad siya sa kanyang Lolo nang wala nang ibang napapansin. Puno ng puot ang kanyang mga mata.

"Where is she!?" He demanded.

Kalmado na ngumiti ang matanda. "Foolish, grandson."

"Pinangako mo... pinangako mong hindi mo siya gagalawin hanggang sumusunod ako sa gusto mo!"

Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Landon. Halos dumugo ang sulok ng kanyang labi dahil dito.

Natutop ko ang aking bibig habang nakatayo ako sa sulok. Ngunit hindi nagbago ang puot sa mga mata ni Landon.

"I've already avoided her," Landon said in a low voice. "Nagkaroon tayo ng kasunduan. Kaya wag mo siyang gagalawin."

"Ano nga ba ang kasunduang iyong tinutukoy, apo?" Tila mapaglarong tanong ng matanda habang pinagmamasdan ang palad na kanyang ginamit sa pananakit sa sariling apo.

"Ito ba ang kasunduan na ipagpalit ang iyong kalayaan upang hayaan kong mabuhay ang babaeng yon?"

Umiling ako. No, please tell me Landon didn't do it. Hindi niya... hindi niya ito ginawa.

Natahimik si Landon.

"Katulad ka din ng iyong ama. Gumawa ka lang ng sarili mong ikababagsak," sinabi ng matanda. Bumaling ito sa akin. "Maaari ka ng lumabas."

Doon lang tila napagtanto ni Landon na nasa loob ako ng kwarto. Natigilan siya at lumingon sa akin. Tuluyan akong nawalan ng lakas nang makita ang luha sa kanyang mga mata.

"Denise..."

Ngayon ay malinaw na kung bakit ako nanatili sa kwarto. Gustong ipakita ng kanyang Lolo ang sakrispisyong ginawa ni Landon upang muli akong buhayin. Gusto niyang ito din ang gawin ko. Dahil kahit kailan, ano man ang dahilan o aming nararamdaman ay wala itong patutunguhan kundi kapahamakan para sa amin... para sa mga taong mahal namin.

Yumuko ako at nagpaalam. Walang nagawa si Landon kundi pagmasdan ako. Gulat. Puot. Pangamba. Takot. Ang namutawi sa kanyang mukha.

I was ushered out of the room. Nang makalabas ako sa maliwanag na hallway, pilit kong pinahid ang aking mga luha. Kung ito... kung ito ang kapalit ng aking buhay... gugustuhin ko pa ba na mabuhay muli?

Naglakad ako. My bare feet were worn out, trembling, against the cold marble floor. Ngunit masyadong nanghihina ang aking mga binti upang muli pang maisuot ang aking sapatos at maglakad.

This... this isn't some kind of fairytale. This is barely a tale... a story with nothing but heartaches. Landon and I are never meant for each other. We are just one of the twists of fate.

Bumalik ako sa labas. Patuloy ang kasiyahan. Tumungo ako sa isa sa gazebo sa madilim na hardin upang doon ay hayaan ang sarili na umiyak.

Nakatayo ako sa likod ng poste na binabalutan ng makapal na halaman. Ngunit nagulat ako nang malamang na sinundan ako ni Landon. Halos manghina siya nang makita akong umiiyak. Lumapit siya at hinawakan ang magkabigla kong pisngi. Pinagdikit niya ang aming mga noo at pilit pinapahid ang aking mga luha.

"I'm sorry... I'm sorry..." paulit ulit niyang sinasabi. "Whatever he said... I'm sorry. Kung ano man ang banta na kanyang sinabi hindi ko hahayaan na gawin niya yon."

Bahagya siyang lumayo sa akin upang titigan ako. Nanatili ang kanyang mainit na palad sa aking pisngi. I leaned my head against his palms. I miss him. I miss everything about him.

"You need to stay safe, okay?" Paalala niya sa akin. "Stay with River... with Yllona. Hindi ka nila pababayaan. Please... stay safe."

Umiling ako. Tila ako ay pinapaubaya niya sa iba. Hinawi ni Landon ang takas na hibla ng aking buhok.

"This... this is for your safety, Denise. I'd rather see you with somebody else than never at all."

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking pisngi. Tinitigan ko siya.

"I love you... Landon."

Kumurap siya. Napatitig kami sa isa't isa. My mind is screaming to stay away. Everything... everyone was already warding us from each other... even fate was never on our side. Ngunit si Landon parin ang aking hinahanap.

Parehong malalim ang aming paghinga habang nakatitig sa isa't isa. Hanggang sa naramdaman kong bumaba ang mga palad niya sa aking leeg. He held my chin upward. At nang tumingala ako sa kanya ay tuluyang hinalikan ni Landon ang aking mga labi.

It was electrying. Something I've never felt before. Napakapit ako sa kanyang damit habang hinahalikan niya ako. I kissed him back, with all the longing, all the fear and the heartache. Sinandal niya ako sa poste at mas pinalalim ang halik.

Nalulunod ako. I want him. I want him more than how Elyse want him. I want him even if fate is against us. I don't know how I'll fight for this... but I want him.

He saved me. The Devil saved me and was now locked in hell because of me. And I'm deeply... achingly inlove with him.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro