Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Beg For It

Chapter 3: Beg For It

Kung pwede lang hindi pumasok. Kung pwede lang manatili nalang sa bahay at magpahinga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Alas sais na ng gabi pero nasa Library parin ako at naglilinis. Kasama ito sa trabaho ko bilang isang scholar. Sini-swelduhan ako para dito.

Kailangan ko ding puntahan si Elyse. Pero matutulog muna siguro ako sa apartment. Tapos dederecho na ako sa Hospital. Napa-paused ako sa pagma-mop ng sahig at pinagmasdan ang kailangan kong tapusin. Hindi pa ako nakaka-kalahati. Kailangan kong bilisan.

Nagpatuloy ako sa paglilinis. Maliban sa ilang mga Law students na pang gabi ang klase, wala ng iba pang tao dito. Napahawak ako sa noo ko. Naalala ko ang nangyari kanina sa Rowage.

Ilang beses akong tinanong nila Justin kung okay lang ako. Noong una halos magdalawang isip sila na lapitan ako at kausapin. Alam kong na-wirduhan sila at natakot sa naging reaction ko. Para akong nasusunog kapag nagiging malapit ako sa taong yon. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katindi mula noong gabing yon walong buwan na ang nakararaan.

We ended up eating on a fast food instead. Na-disappoint doon ang mga kasama ko pero nag aalala sila kaya sinamahan nila ako. Gusto nilang magtanong tungkol kay Elyse dahil yon naman talaga ang dahilan kaya nila ako sinama. Pero hindi nila nagawa. Wala akong naalala sa pinag usapan namin maliban sa pagtunganga ko sa pagkain ko.

Isang oras din ang lumipas bago ako tuluyang natapos maglinis. Nag paalam ako sa Librarian bago umuwi. Nagpalit akong muli ng normal kong damit at kinuha ang clerk uniform ko para labhan sa apartment.

Ngayon may pera na ako. Pwede na akong bumili ng magiging dinner ko. Dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng kalahating dosena ng instant noodles at canned goods, tinapay at ice coffee.

Binuksan ko ang isang can ng ice coffee habang naglalakad pauwi sa apartment. Madilim na ang paligid pero wala akong kailangang ipag alala dahil nasa loob ng University belt ang mga apartments at dormitory.

My thoughts drifted to Elyse. Unti unti nang namumuo ang takot ko para sa kanyang kalagayan. She's the 13th victim. Kalahati sa mga naging biktima ay wala na sa city dahil pinagamot sa ibang lugar. Ang iba ay nasa rehab dahil akala ay nabaliw o na-drugged. Pero hindi sila mapapagaling ng kahit anong gamot. Wala silang sakit. Hindi sila nabaliw o nadrugs. Alam ko ang totoong nangyari sa kanila.

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa akin. Pasimple kong linibot ang tingin sa madilim na paligid habang hawak ang plastic ng pagkain na binili ko. Walang tao. Nagmadali akong naglakad papunta sa tapat ng isang street light. Muli kong pinakiramdaman ang paligid. Nothing.

Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hangang sa may narinig akong humalakhak. It almost sounds like a devil's laugh. Deep, smooth, warm. It's too flawless to be even allowed. Tumama ang pangin ko sa lalakeng nakatayo sa tapat ng kasunod kong street light. Nakasandal ito sa poste at naka-halukipkip. Hindi ito nakatingin sa akin pero mukhang ako ang pinagtatawanan niya.

"You can run. But you can never escape me. How many times do I have to tell you that?"

Bigla ko nalang naramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Napakurap ako at napagtanto na wala na siya sa harap ko. Nasa tabi ko na siya! His smell envelops my senses. Sweet. Yet there's something in there that makes it smells metallic. Like rose and blood. Natigilan ako. Rose covered in blood.

"Althea Denise," Why does my name sounds so much better whenever he say it? "Already forgot what you owe me?" I can hear the amusement in his smooth, velvety voice. His presence seems lingering in my entire system. His enticing voice filling my ear.

"Don't worry." he whispered. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging reaction ko sa kanya. Kanina sa restaurant halos masunog ako. Ngayon naman pakiramdam ko lumulutang ang isip ko.

"I'll keep my part of the deal." Ngumisi ito. A devil's smirk. "I wouldn't touch you, wouldn't even force you to keep your part." Lumapit ito at halos ramdam ko na ang labi niya sa tenga ko. He lightly bit the tip of my bare ear. Napapikit ako. "Believe me, Denise, you will beg for it."

Saka lamang ako dumilat nang maramdaman ko na wala na ang presensya niya. Ramdam ko ang matinding tibok ng puso ko. It's filling my ear. But there is no palpitation or head ache. Just pure bliss. Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko. Denise, what the fuck are you saying?


Noong gabing yon, tumawag ako sa Mama ni Elyse kung pwede akong bumisita sa Hospital. Sinabi niya na masyado ng late at kailangan na nilang magpahingang mag asawa. Napatingin ako sa orasan nang sabihin niya yon. Halos wala pang nine o'clock ng gabi.

Kahit anong pilit ko ay hindi siya pumayag. Kahit sinabi kong five minutes lang ako. Unang araw na hindi ko nakita o nabisita man lang si Elyse. At natatakot ako na mas dadami pa ang mga araw na yon.

Her parents never like me. Civil ang pakikitungo nila sa akin. Wala pa akong na-experience na harm sa kahit anong paraan na mula sa kanila. Pero kung ayaw sayo ng isang tao, malalaman mo yon, mararamdaman mo. Pilit na pakikisama. At yon ang nararamdaman ko sa kanila.

They think I'm using Elyse. Hindi na bago sa akin yon. Hindi sila ang unang taong nag-isip ng bagay na yon. Mayaman si Elyse. Kilala. Too nice for her own good. Kabaliktaran ko siya. Some people think na kaya ko siya kinaibigan ay dahil sa pera niya.

Pero sa totoo lang, iniiwasan ko siya dati para lang hindi kami maging malapit. Iniiwasan ko ang lahat ng katulad niya. Pero noong nangyari ang insidenteng yon two years ago, hindi niya na ako tinigilan pa. Halos araw araw na siyang sumasama saan man ako magpunta.

She thinks I saved her life. Pero kapag may isang babaeng habol ng habol sa isang lalake to the point na halos masagasahan siya ng kotse habang nasa kalsada, at nagkataon na ikaw ang pinakamalapit, wala ka namang ibang choice kundi ang tulungan siya, hindi ba?

Ilang beses ko itong sinabi sa kanya. Nagkaroon ako ng maliit na injury dahil sa nangyari. Pero wala naman talaga akong ginawa kundi ang hinalin siya palayo sa kalsada. Ginawa ko lang ang dapat. Gagawin yon ng kahit sino. At isa pa, may responsibilidad ako dahil nagta-trabaho ako sa university at nasa loob kami ng university campus noong mangyari yon.

Pero hindi na siya nakikinig. Hindi na niya ako tinigilan. She volunteered to be my best friend. Lagi siyang nakasunod sa akin. At nagkataon na pareho pa kami ng Major at halos lahat ng subjects. She was pretty annoying back then. Sakit sa ulo na halos itaboy ko na siya. Hindi magandang tingnan na ang isang mayaman na tulad niya ay may kaibigang tulad ko.

Pero napagtiisan niya ang ugali ko. Kahit ang pambabara at pantataboy ko. Hangang sa nasanay na ako na lagi siyang nandyan. She was my very first best friend. At hindi ko hahayaan na ganito lang ang mangyari sa kanya. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Nakahiga ako sa bed ko noong gabing yon habang hawak ang phone ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa profile muli ni Landon. May bago siyang status. Halos dalawang oras na ang nakararaan.

Landon Clifford Monaghan.

Damn. You smell so good.

Halos nabitawan ko ang phone ko at tumama sa mukha ko. Aray, shit. Muli kong tiningnan ang oras ng status niya. Two hours ago. Napalunok ako. Two hours. I was walking on my way home two hours ago. I shake my head rapidly. No. Nagkataon lang siguro.

Muli kong binasa ang nakasulat. I can almost hear his voice saying the exact same words to my ears. You smell so good. Pabalang na nilapag ko ang phone ko sa mesa. Sinisingil niya na ba ako? Am I under the devil's trap?


Mas maaga akong nagising kinabukasan. Maayos ko na ding naihanda ang packed lunch ko which is mostly bread and canned tuna. Nagmadali ako sa pagpasok sa University kahit halos mamayang nine pa ang klase ko. Dumerecho ako sa Library para gumawa ng research paper. Seven thirty pa lamang ng umaga at may isa at kalahating oras pa ako.

Habang nasa gitna ng pag gawa, hindi ko maiwasan na maisali sa nire-research ko ang nangyari kay Elyse. Kung ano anong key words na ang ginamit ko. Coventry serial crimes. University Girls in Coventry City. Comatose. Drugged. Articles about the Victims.

Pero lahat ng mga ito ay tungkol sa medical at legal terms. May nagsabi pa na kagagawan ng isang Gang ang sunod sunod na krimen na may kinalaman ang mga University students. Hindi man lang nabanggit ang mga salitang nasa isip ko. Vampires. Blood. Transfixed. Fangs. Body suspension. Lahat ito ay may kinalaman sa nangyari. Pero bakit wala man lang nakaka alam? Nakakainis.

Muli akong nag search. Vampires in Coventry City. May ilang lumabas na search results. Pero tulad parin ito noong unang beses kong ni-search ito. Bumuntong hininga ako. Nawawalan na ako ng pag asa. Isa nalang ang natitirang paraan pero yon ang bagay na hinding hindi ko kayang gawin.

I need to personally approach him. Landon 'the devil' Monaghan.


Bandang lunch nang muli akong tinawag ni Justin, Clomil, at Daniela para makisabay sa kanila. Palabas na ako sa building at papunta na sa cafeteria nang marinig ko ang pangalan ko.

"Thea!" I rolled my eyes. May bago nanaman pala akong nickname.

Humarap ako sa kanila. As usual, mukha silang mga supistikada. Maging si Justin. Hindi siya yong tipo ng bakla na babae kung manamit. Ayos lalake parin siya. Polo shirts, pants o kaya naman minsan shorts, tennis or Van's shoes. Sa totoo lang mas stylish pa siya kesa sa mga totoong lalake.

"Sabay tayo mag lunch." ani Clomil. Ayan nanaman sila sa pagkapit sa braso ko at wala ng balak bumitaw.

"Ah, ano kasi—" Nag isip ako ng bagong idadahilan. Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan ko kahapon dahil nakita nila ako na nangaling na ng Admin building. "May pupuntahan pa ako." Lame reason.

"Oras ng lunch. Syempre pupunta tayong lahat para kumain." nakangiting sabi ni Clomil. Naglakad sila kasama ako. Habang hawak— ngayon naman— ni Clomil ang braso ko. They remind me of Elyse in some way.

Tahimik akong nagdasal na sana hwag sa Rowage kami pumunta. Siguradong nandoon siya. Mukhang madalas siya doon. Kung umasta kasi siya akala mo pag aari niya ang buong lugar.

Nakahinga ako ng maluwang nang sa ibang kainan nila napili. Mas casual kesa sa Rowage. Pero ganoon parin, pangmayaman. Mabuti nalang at may dala akong packed lunch. Nagsimulang mag order ang mga kasama ko. Tiningnan nila ako nang ako nalang ang hindi pa nagsasalita.

"May lunch akong dala."

Bahagya silang nabigla. Humarap sa waiter si Daniela. "Double my order." nakangiting wika nito.

"Pero may lunch akong dala." ulit ko.

"Hindi mo sinabi agad." saway ni Daniela. "Sana nag take out nalang tayo para sa quadrangle tayo pumunta." Our quadrangle is like a park na puno ng mga benches at malalaking acacia tree kung saan madalas tumatambay o kumakain ang mga estudyanteng tulad namin.

"Forget it, kainin nalang natin yan mamaya." said Clomil. "Ano bang dala mo?"

"Tuna sandwich." sagot ko.

Napatingin si Clomil kay Justin. "Hoy, bakla. Favorite mo."

Pero sa halip na sumagot, winagayway niya lamang ang kanyang kamay para patahimikin kami. Seryoso siyang nakatingin sa labas ng katapat naming bintana. "I think I found my new favorite."

Kumunot ang noo ng mga kasama ko. Sumilip sila sa tinutukoy nito. "Sa itaas." tukoy ni Justin.

Pinagmasdan ko ang kalapit na CBA building kung saan sila nakatingin. Mula sa second floor nito, isang lalakeng naka puting tshirt ang nakasandal sa railings at naninigarilyo. Natigilan ako. Biglang na-drain ang kulay mula sa mukha ko. It's him.

"Hindi niya ba alam na no smoking zone ang campus natin?" inosenteng tanong ni Clomil.

Sinipat siya ni Justin. "Not the point, Clomil. Not the point." sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalake.

Binalik ko ang tingin kay Landon. Masyado siyang malayo para maka apekto sa akin. But he really looks more menacing and dangerous seeing he smokes. Nakasandal ang magkabilang braso niya sa railings ng second floor habang nakatalikod. Bumuga siya ng usok at pinagmasdan ito. Tila ba may malalim itong iniisip.

"Damn. He looks devilishly sexy." seryosong wika ni Daniela. "Just look at those biceps."

"I suddenly wanted to be a cigarette." komento ni Justin habang pinagmamasdan itong mabuti.

Napakurap ako na tila ba hindi makapaniwala. Alam ba nila ang mga sinasabi nila? That guy is a—

"That guy is scary." Clomil voiced out. Tuluyan na niyang inalis ang tingin mula sa labas. "I know he's effin hot but I heard he has a bad reputation." Biglang naging interesado si Justin at Daniela sa sinasabi niya.

"Let his rock star face be a warning. Naging kaklase na siya ng Ate ko. He's intimidating. Hindi siya approachable. Masama ang ugali niya. And he is basically a man whore."

"Isn't that a good thing?" tanong ni Justin.

"You're such a sucker for bad boys. Sayo babalik ang karma ng mga ginawang katarantaduhan ng mga yon. Bahala ka." seryosong sabi ni Daniela na mukhang sumang ayon kay Clomil. "But let's just accept the fact that Landon Monaghan is devilishly sexy." dagdag niya.

"Another thing." dagdag ni Clomil. "You wouldn't want to be his girl. Balita kasi sa College nila na yong mga babaeng hinihiwalayan niya matapos gamitin ay halos mabaliw."

Dumating ang order namin na dahilan para tuluyang maputol ang seryoso naming usapan. Hindi nakapagsalita si Daniela at Justin dahil sa mga narinig. Halos napanganga sila. Muli kong pinagmasdan ang taong pinag uusapan namin. Bahagya akong nabigla nang makitang nakatingin ito sa aming direction. Nagtama ang paningin namin.

He's more than scary and intimidating, Clomil. He's a monster.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro