Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: New Beginning

Chapter 25: New Beginning

Madaming boses akong narinig. Sabay sabay na nag-uusap. Bulungan. Sigawan. Mga yapak sa sahig. Mga busina ng sasakyan. Ang mga ingay na ito ang gumising sa akin.

Binuksan ko ang aking mga mata at binati ng matinding liwanag. Nakakairita. Kinurap ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyang naging malinaw sa akin ang lahat. Linaw na maging ang mga imahe sa malayo ay tila hinihila ng aking paningin palapit upang aking maaninag.

Hospital. Nasa loob ako ng hospital. Umupo ako sa kama. Tila namamaga ang aking buong katawan. Ilang minuto ang lumipas na nakaupo lamang ako. Pinakikinggan ang sari-saring ingay, pinag mamasdan ang bawat detalye ng aking puting kwarto.

Bakit ako nandito?

I tried to rock my brain for answers. Subalit naguguluhan ako dahil sa ingay. Paano ko ba ito patitigilin? Tinakpan ko ang aking tenga. Ngunit tila pumapasok ang ingay sa aking utak.

Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa direksyon ng aking kwarto. Nabigla ako nang marinig ang pag-uusap nila mula sa likod ng pintuan.

"Gising na ba ang nasa suite nine?" Tanong ng isang nurse. "Higit isang buwan na din siyang walang malay, hindi ba?"

Higit isang buwan? Linibot ko ang tingin sa kwarto upang tingnan ang tinutukoy nila. Ako ang nasa suite nine. Ano ba ang nangyayari?

Binuksan ng nurse ang pintuan. Nakita niya akong nakaupo, nakakabit ang mga aparato sa aking katawan. Bahagya siyang nabigla bago ako nagawang lapitan.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko. "Ano'ng nangyari?"

Tinitigan niya ako. "May mga taong nagdala sa iyo dito isang buwan na ang nakakalipas."

Napakurap ako sa kanyang sinabi. Naghanap ako nang maaaring patotoo dito. I saw the clock in the table a few feet from me. Nakalagay doon ang oras at date. Isang buwan. Isang buwan akong walang malay.

Umiling ako. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari. Ngunit masyadong magulo ang aking isip. Masakit ang buo kong katawan. Napakaraming ingay ang aking naririnig. Sari-saring bagay ang aking nakikita.

"Miss, huminahon ka."

I found myself struggling from the nurse's grasp. Kailangan kong makalabas sa lugar na ito. Kailangan long malaman ang totoong nangyari.

Nataranta ang nurse nang makita ang iregular na tibok ng aking puso mula sa monitor. Isang bagay ang tinurok niya sa aking braso. Agad kong naramdaman ang pagkalma ng aking paghinga. Tila ako ay hinihele. Nanlabo ang aking paningin at tuluyang pumikit.

--

It was afternoon when I woke up again. The temperature in the room was low. Lights filtered through the room from the window. Muli akong umupo sa kama nang maalimpungatan. Nabigla ako nang makitang may kasama ako sa kwarto. I blinked.

"River?"

Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng libro. Tumigil siya at ngumiti nang makitang gising na ako.

"Hey."

"What's happening?"

River's dimpled smile faded. Bumuntong hininga siya.

"Quite a long story."

Tinitigan ko siya hanggang sa muli siyang magsalita. Wala siyang nagawa kundi ang sabihin ang lahat sa akin.

Tulad ng narinig ko mula sa mga nurse isang buwan akong nawalan ng malay. Ayon kay River naging biktima ako ng lason mula sa taong halos kumitil ng aking buhay noong gabing yon sa museum. The poison was inserted to my body through the cut in my neck.

"You don't need to be bitten to be poisoned. There are vampire clans who specialized in fatal poisons that can get them what they wanted," said River. "One of their tricks is their poisoned blood."

Hindi tulad ng pag-kagat sa biktima na nagdudulot ng agarang epekto, ang lason ay unti unting kumalat sa aking katawan. It caused my body to withdraw. At nagkaroon ito ng parehong epekto tulad ng iba pang naging biktima ng taong yon. Tulad ni Elyse ilang buwan akong nawalan ng malay.

Nakaupo ako at hindi alam ang gagawin matapos ang aking mga narinig. Pinagmasdan ako ni River. With him being laid-back and casual somehow made me feel a little at ease.

"You brought me here?"

"My twin brought you here. Ako lang ang naatasan na bantayan ka."

Isang bagay ang aking naalala. "Si Mama, okay lang ba si Mama? May balita ba kayo sa kanya?"

Isang buwan akong nawala. Walang ibang tatawagan ang center tungkol kay Mama kundi ako.

"Your mother's fine."

"Gusto ko siyang bisitahin."

"Hey, slow down there, sweet heart," natatawang sinabi ni River. "Ikaw ang nasa hospital. Mas makakabuti kong makakapagpahinga ka bago mo alalahanin ang iba pang bagay."

"But-"

"This is your third life, human girl. And not everyone is as lucky as you are. For once, think of yourself first. It's not being selfish, it's a necessity. This is new beginning for you."

Gustuhin mo man na umalis ay alam kong tama si River. I took my life for granted kaya nangyari sa akin ito. Hindi na ako mabibigyang muli pa ng pagkakataon. Ito ay ang bago at huli kong simula.

Ilang araw akong nanatili sa hospital. Madami ang tanong sa aking isip. Ngunit sa unang pagkakataon mula noong nangyari ang lahat ng ito, ginusto kong alisin ang mga bumabagabag sa akin at hayaan ang sarili ko na magpahinga.

Dumating ang araw ng pag labas ko sa hospital. Wala akong binayarang ano mang gastusin. I asked River about it ngunit nagkibit balikat lang siya.

Dumerecho kami sa Saint Jude's kung nasaan si Mama. Agad ko siyang hinanap sa mga nurse na nagtatrabaho doon. Dinala nila ako sa dati niyang kwarto. Nang pumasok ako, nadatnan ko si Mama na nakaupo sa silya at pinagmamasdan ang tanawin sa labas mula sa bintana.

"Mama."

Lumingon siya. Isang bagay ang rumihistro sa kanyang mukha. Pagkilala.

"Denise."

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Si Mama... nakikilala niya na ba ako?

"Mama, ako nga ito."

Kumurap siya ng ilang beses. Hinawakan niya ang kanyang ulo. Dumaing siya. Lumapit ako at pinigilan siya. Nahihirapan parin siyang kilalanin ako. Ngunit sapat nang kahit paano ay namukhaan niya ako, na hindi nalang ako estranghero sa mata ng aking ina.

"Denise... Althea Denise," paulit ulit niyang sinasabi.

Niyakap ko si Mama. "Ako nga... Ako nga po ito. Si Denise."

"She begun to recognize a few faces," said the nurse. "This is her best development."

Wala akong masabi kundi ang magpasalamat. Ayon sa nurse ay maaari siyang makaramdam ng panandaliang sakit ng ulo. Ngunit agad din itong mawawala.

Nanatili si River sa hallway habang kina-kamusta ko ang kalagayan ni Mama. Nang kailangan na niyang magpahinga ay lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si River na nakasandal sa pader at may kausap sa phone. Agad niyang tinapos ang tawag nang makalapit ako.

"How was it?"

"She's in her best condition for months."

Ngumiti siya. "I told you not to worry," he said with a knowing smile.

Ngayon na alam kong maayos ang kalagayan ni Mama, bumalik ang isip ko sa iba pang bagay na aking iniwan.

"How's... Landon?"

River's eyes darted away from me. "The usual," casual na sinabi niya.

"The contract... what happened to our contract?"

Isa ito sa mga bagay na gusto kong itanong mula noong ako ay magising. Nasaan si Landon? Ang huli kong natatandaan ay dapat magkikita kami. I was supposed to end the contract to save my friend Elyse.

Siniksik ni River ang mga palad sa bulsa. Tumikhim siya bago nagsalita.

"Natapos na ang inyong kontrata."

Natigilan ako sa kanyang sinabi.

"You are not Landon's blood source anymore."

Napatitig ako kay River. I never thought that his statement could send me a strange mixture of emotions. Relief, freedom, and longing. I never got the chance to talk to Landon. I never got the chance to hear what he had to say that evening.

"Did the innocent prey fell for the cunning predator?"

Umiling ako. "No! It's just..."

Hindi ko nagawang ituloy ang aking sasabihin. I expected to see Landon, to talk to him one of these days. Dahil pakiramdam ko may kulang, may mga bagay pa kaming hindi nasabi sa isa't isa. But there's no more contract to bind the two of us. We are not each other's responsibility now.

"Does it feel good?" River asked. "The freedom from the devil's trap?"

"I felt relieved." I felt nothing.

River smirked. "A lying girl."

Huminga ako nang malalim.

"Why are you here anyway?" Tanong ko. River's been with me since I woke up from the hospital. Maging sa pagbisita kay Mama ay sinamahan niya ako.

"Ask my twin," he muttered. "Kulang nalang gawin niya akong body guard. I guess you grew on her."

Despite the situation hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Thank you."

"My fee is quite high. I wonder how would you pay me back."

"I take my thank you back."

He chuckled. "You don't know how to take jokes lightly, do you?"

Natahimik ako. Naglakad kami sa hallway. Isang tanong ang namayani sa aking isip. Paano ako babalik sa dati kong buhay na wala ang isang Landon Monaghan? Hindi ko alam.

--

Matapos magpaalam kay Mama ay nagpahatid ako kay River pabalik sa apartment. Nang nasa tapat na kami ng gate, nasabi ko kay River ang una kong gustong gawin matapos makabalik.

"Gusto kong bisitahin si Elyse."

River tapped his slender fingers on the stearing wheel. He whistled anxiously before stating;

"Hindi mo na kailangang gawin yan."

"W-Wala na ba siya sa bansa?" Tanong ko. Dahil ang huli kong natatandaan ay ang kagustuhan ng mga magulang niya na ipagamot siya sa ibang bansa.

Bumaling si River sa apartment. "See for yourself."

Umalis ako mula sa sasakyan ni River at pumasok sa apartment. Unang tapak ko palang sa loob ay alam kong may nagbago dito. Mula sa mantel at kulay ng kurtina, sa mga bulaklak sa vase, sa familiar na amoy ng kanyang pabango. Elyse.

Napatakbo ako sa second floor. Agad kong binuksan ang kwarto niyang ilang buwan na nakasara. Wala na sa dating ayos ang mga gamit na kanyang naiwan. Sa halip ay nagkalat ang mga gamit. Mga sapatos sa sahig, pabango at lipstick sa mesa, mga bagong gamit na nakasabit sa bahagyang nakabukas na cabinet. Si Elyse. Nakabalik na siya.

Wala sa apartment si Elyse kaya muli akong lumabas. Gusto ko na siyang makita. Nadatnan ko si River na naka-sandal sa kanyang sasakyan, hinihintay ako.

"It took you ten minutes to realize," sinabi niya habang nakatingin sa kanyang relo.

"Let's go to Saint Mathew's."

--

Habang nasa byahe papunta sa aking unibersidad, muli kong naramdaman ang bagay na yon. The noises in my ear. It seems like my hearing became hiper sensitive whenever I feel anxious or afraid. Ang mga ingay sa paligid ay nagiging malapit sa aking pandinig. Mula sa mga busina ng sasakyan hanggang sa mga boses ng mga taong aming nadadaanan. Was it a side effect of the poison?

Bumaba ako agad nang huminto ang sasakyan sa parking lot. Sumunod si River sa akin. River's luxurious car and good looks instantly caught several college girl's attention. Nauna akong naglakad papunta sa aking department building.

Pilit kong inaalis sa aking isip ang ingay, ang mga usapan sa paligid, na sa di malamang rason ay aking naririnig.

Nang ilang metro na lang ako sa building huminto ang aking mga paa sa pagtakbo. I saw her once again. My best friend. She was wearing her favorite shade of pastel, pink and purple. Nakangiti siya, ngiti na matagal kong hindi nakita.

Nakabalik na siya. Elyse was walking towards someone in the other side of the parking lot. Sinundan ko ang tingin ni Elyse, ang kanyang mga mata na tila nagniningning. And that's when I realize who it was.

Landon. Landon Monaghan was waiting for her in front of his matte black car. Lumapit si Elyse at humalik sa labi ni Landon. At doon tila huminto ang oras.

My best friend... Elyse... is Landon's new blood source.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro