Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Poison

Chapter 24: Poison

Landon was silent. Derecho ang kanyang tingin sa daan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Every now and then, I could hear a curse from him.

I was sitting on the passenger's seat, covered with the metallic stench of blood. Nanginginig parin ang aking mga kamay at nanghihina ang aking katawan.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment. Kinapa ko ang seatbelt upang alisin ito. But being through hell a few hours ago made me a little disoriented. Lumapit sa akin si Landon at inabot ang clutch ng seatbelt sa aking tabi.

"Clean yourself up and stay in your room," he said before I completely step out of his car. "Be sure to lock your doors."

Tumango lamang ako. I'm tired. Gusto ko ng magpahinga. Iniwan ko si Landon sa kanyang sasakyan. Pumasok ako sa apartment at naglinis ng aking sarili.

But no matter how hard I scrub my skin until it bleed, the smell of the blood from the incident lingered on me. Not on my skin, but on my head. The hellic scene kept taunting me. I can't seemed to clear it out of my head.

Lumabas ako sa banyo at nagbihis. Pagsilip ko sa bintana nandoon parin ang sasakyan ni Landon sa tapat ng apartment. What is he doing? Bakit hindi pa siya umaalis?

--

Hindi ko alam kung ano'ng oras umalis si Landon. Pag gising ko kinabukasan wala na ang sasakyan niya sa tapat ng apartment. Bumangon ako na bahagya masama ang pakiramdam. Mabigat at nanghihina ang aking katawan gawa ng pagod.

Nagluto ako ng aking almusal. Today is my day off at balak kong bumisita kay Elyse sa hospital.

Matapos kumain ay nag handa ako sa pag alis. Nang pababa na ako ng hagdan bumalot sa akin ang kakaibang sakit. The pain only lasted a few seconds. Pero sapat na ito para sandali akong mapahawak sa hagdan at pumikit upang pakalmahin ang biglaang mabilis na tibok ng aking dibdib.

When the pain subsided, kumurap ako upang ibalik sa focus ang aking paligid. Ano ang nangyari?

Noong mga oras na yon, ang tanging nasa isip ko na maaaring dahilan nito ay pagod. Madaming nangyari nitong mga nakaraang araw. It's taking a toll in my body.

Pagdating ko sa hospital, dumerecho ako sa kwarto ni Elyse. Pagpasok ko agad kong napansin na may kakaiba sa kwarto. Wala na ang mga gamit na kadalasan ay nakapatong kung saan saan, mga bags sa sofa, mga pinagkainan sa sink. Hinawi ko ang kurtina kung nasaan ang kama ni Elyse.

Napa-atras ako nang makitang wala siya dito. Where is she? Tumakbo ako palabas ng kwarto at naghanap ng maaaring mapagtanungan sa nangyayari. Isang nurse ang aking nasalubong sa hallway.

"Nasaan ang pasyente sa room 64?" Tanong ko.

"She's undergoing check up para mailipat siya sa ibang hospital."

"Mailipat?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ba kaibigan ka niya? Hindi ba nasabi sayo ng kanyang mga magulang na balak nilang ipagamot siya sa ibang bansa?"

Ibang bansa? Hindi. Hindi siya gagaling doon. I'm under a blood contract because it's what makes her okay. Hindi siya maaaring umalis.

"Kailan siya ililipat?"

"Inaayos na nila ang kanyang paglabas. I think next week maaari na nilang dalhin ang pasyente."

Umiling ako. Hindi nila ito maaaring gawin. Tinanong ko sa nurse kung nasa hospital ang mga magulang ni Elyse. Kailangan ko silang makausap. Kahit konti pa. Matatapos na ang contract. Dito muna siya.

"Wala sila ngayon dito dahil kasalukuyan nilang inaayos ang papeles ng kanilang anak," sinabi ng nurse.

"Matatapos na ang check up ng pasyente. Kung gusto mo siyang bisitahin, pahintay nalang sa kanyang kwarto."

Nagpaalam ang nurse. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto ni Elyse. Lumipas ang ilang minuto ay pinasok nila ang walang malay na si Elyse.

Muli kong pinagmasdan ang natutulog niyang anyo. Nanatili ako sa kanyang tabi hanggang sa makaalis ang mga nurse na nagdala sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.

Elyse, hold on a little longer. Kakausapin ko si Landon. Tatapusin ko na ang kontrata upang mailigtas ka.

Hinintay ko ang pag dating ng mga magulang ni Elyse upang makausap sila. Habang naghihintay muli kong naramdaman ang matinding sakit na tila nilalamon ang aking katawan.

Napahawak ako sa aking dibdib na sandaling tumigil sa paghinga. I gasped as if I've been under water. Habang tumatagal ay tila mas tumitindi ito. Ngunit tulad noong una ay mabilis din itong nawala.

Naghintay ako buong hapon sa hospital. Ngunit hindi dumating ang mga magulang ni Elyse noong araw na yon. Ilang araw nalang ang meron ako bago sila tuluyang umalis. Kailangan ko ng gumawa ng paraan.

--

Sa mga sumunod na araw ay pilit kong ni-contact si Landon. Kung kailangan kong makiusap upang tapusin na ang kontrata ay gagawin ko. He promised to save Elyse, at 'yon ang tanging pinangahahawakan ko.

Pero sa mga sumunod na araw ay hindi ko siya nasilayan. Panay din ang tawag at text ko sa kanya.

"Landon, maaari ba kitang makausap? May importante akong kailangang sabihin."

I've been sending the same messages to him. Ngunit mula noong madaling araw na naghintay siya sa gate ay hindi ko na siya muling nakausap pa.

Pumasok ako sa aking trabaho sa coffee shop noong araw na yon. It's been two days since the incident in the museum. Hindi ko na naramdaman pa ang kakaibang sakit kaya inakala ko na okay na ako.

Ngunit habang naglilinis ng mga table sa shop, napansin ni Maureen ang kakaibang bagay sa aking balikat.

"Ano 'yan?" Tanong niya. Pilit kong sinilip ang kanyang tinitukoy. Mula sa ilalim ng aking blouse isang itim na marka ang makikita sa bahagi ng aking balikat at leeg.

"Mukha itong itim na pasa," komento ni Maureen. "Okay ka lang ba?"

"Yes," agad kong sinabi. Ina-adjust kong muli ang aking damit. "Okay lang ako."

Hindi ko naisip na may kinalaman ang markang nasa aking katawan sa naramdaman kong sakit nitong mga nakaraang araw.

Matapos ang aking shift ay nagbihis ako upang umuwi. Napatitig ako sa salamin nang makita ang marka na tinutukoy ni Maureen. Tila isa itong itim na pasa, nagsimula sa aking leeg papunta sa aking balikat.

Hinawakan ko ito. Napa-daing ako nang makaramdam ng sakit. I don't remember being hurt this bad maliban sa taong sumakal sa akin. But that's days ago.

Habang pabalik ako sa apartment, I tried to text Yllona. Sa kanya ko tinanong kung nasaan si Landon.

I've been reluctant to approach her since I just ignored her recent calls and texts warning me about the monster being in town. Yon ang dahilan kung bakit nasa tapat siya noon ng apartment.

Instead of replying to my text, Yllona called me.

"Hey, Denise!"

I kinda miss her vixen like voice. Sweet, but with edge. I've been avoiding her company, the Monaghans to be exact. Dahil madaling mapalapit sa kanila. Their family might be bizarre, but I wouldn't ignore the fact that they became good friends to me despite the short amount of time. After the contract, would I still be able to see her?

"Yllona," I greeted. "Sorry to call you late. I was just wondering if you know where Landon's been. Ilang araw ko na siyang sinusubukang ma-contact."

There was silence at the other end of the line before Yllona andwered: "He's with River at the Monaghan mansion for two days now."

Monaghan mansion. The family house outside the city.

"Denise?"

"Yes?"

"I'm really sorry about what happened recently. But we're trying to fix things up," she said. "It's a family issue. Hindi ka dapat nadamay sa gulong ito."

Despite miles away I could feel Yllona's concern.

"Sa tingin ko babalik na sila bukas. You can call him once he come back."

"Thank you, Yllona," I said with utmost sincerity. Despite the danger that comes with it, I had fun times with her, her wild antics, the petty fights with her twins, her crazy family.

"See you around?"

I smiled. "See you around, Yllona."

I ended the call and stared at the screen of my phone. Thank you for everything.

I arrived at the apartment with the thought that Landon will be back in the city tomorrow. Makakausap ko na siya bukas. The contract will end tomorrow.

I constantly check on Elyse through her nurse. Nasa Conventry pa si Elyse sa mga oras na ito. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ito magtatagal. Days are passing. I might lose time.

Tinignan ko ang date sa aking phone. Tomorrow is also the day of our enrollment. Huling semester na ng taon. Konti nalang makakaalis na ako sa lugar na ito. Napapikit ako at hinayaan na maglaro sa aking isip ang mga bagay bagay.

Would my life be back to normal once the contract is completed? Tila hindi ko maalala kung may normal akong buhay bago dumating si Landon. The last few months was filled with bizzare, life threatening, heart pumping, and tears inducing days.

I was used to my routines, it's safe, it's comforable, it's predictable. It's the most peace of mind I could get in my distraught life, knowing nothing can go wrong when I stick to my routine.

But somehow the days with Landon are the days I feel most alive.

I sleep that night with the though of Landon's lips, and the taste of his mouth in mine. My heart clenched at the thought that a few days from now, the connection I had with him will completely vanish.

--

Maaga akong nagising kinabukasan upang maghanda para sa enrolment. Nagpaalam ako sa aking trabaho para dito.

Nang hubarin ko ang aking damit habang nasa banyo, nakita kong muli ang marka sa aking katawan. Mas lumaki ito kesa sa huli kong natatandaan. Tumalikod ako upang makita ang aking likuran. Maging ito ay may itim na marka na. Nanuyot bigla ang aking bibig. Ano ba ang bagay na ito?

Pinag isipan ko kung ipapatingin ko ito sa doctor. I've never had this kind of mark before.

--

Buong hapon nagtagal ang enrolment. It was the process every student hated the most. Ang mahabang pila, ang matagal na proseso, ang paghihintay.

Dahil sa aking part time job noong bakasyon naka-ipon ako ng sapat upang bayaran ang aking tuition fee ngayong semester.

Habang nasa pila ng huling proseso ng enrolment, nakatangap ako ng text mula kay Landon.

"I'm back in Conventry."

I texted back. "Can we meet? May importante akong kailangang sabihin."

He texted back after several minutes. "Let's meet at six at the lake. I also need to tell you something."

I typed my reply and shoved my phone back in my bag. We both have something to tell each other. But I was oblivious to the fact that I will never get to hear his.

--

Lampas five o'clock na noong umalis ako sa university. Nasalubong ko sina Justin, Daniela, at Clomil sa pathway. Buong araw ko silang nakikita ngunit hindi kami nag uusap. I was aware we're not in the acquintance basis anymore.

Kaya nabigla ako nang itanong ni Daniela kung ano'ng magiging section ko.

Napasagot ako agad. "Section A."

"Good. We're still classmates."

It was a short conversa tion. But it was enough to know that somehow, they still didn't turn their backs on me. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanilang paglayo.

Kumaway si Justin. "See you sa pasukan, Althea Denise."

I waved back.

I walked across the campus, and for the first time in months, I was mindful of my surroundings. Maybe it's the changes of the season. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Nagiging mas maaga na ang gabi. Malapit ng matapos ang taon.

Or maybe it's the acceptance. The feeling of letting the grudge and negativity go, to admit to myself that I care for other people. I was busy being heartless to protect myself that I fail to notice those people who care for me. I was so busy trying to survive my messed up reality that I fail to notice the people helping me to tidy up the mess.

Huminga ako ng malalim at tumingala sa langit kung saan papalubog na ang araw. It wasn't that bad. My life somehow have good parts. And days from now things will be back to normal.

Nagmadali akong pumunta sa meeting place namin ni Landon. The city of Conventry have a park at the center of the city. The park surrounded an artificial lake. Dito madalas mag jogging at magbiking ang mga taga lungsod. The place wasn't exactly special. But my Mom used to bring me here to watch the sunset by the lake.

I waited for Landon at the small dock where the canoe and small boats were located. Tuluyan nang lumubog ang araw sa di kalayuan. It was a magnificent view, the way the still lake reflected the orange rays of the sun.

Landon was late. I kept checking my phone for his text or call. It's thirty minutes past six but I was determined to wait for him. Naglakad lakad ako sa dock. Umilaw ang mga street light sa paligid ng lake.

I checked my phone once again. I smiled when I saw Landon calling. I was about to tap the answer button when my world was shaken. Nabitawan ko ang phone sa dock. Isang matinding sakit ang bumalot sa akin.

Napaluhod ako at hindi nakahinga. I tried to grab for something, a post, a rail, something to keep me standing, because I was caving in. The pain was too much that it started to numb my skin, my head.

The phone kept ringing. My sight was hazy as I try to grab it. Doon ko napansin ang marka sa aking kamay. Nilislis ko ang aking sleeves at doon nakita ang aking braso na binabalutan ng marka.

"Denise?"

I could hear Landon's voice through the phone. I could hear him calling for me.

"Denise, I'm on my way. Where are you?"

Bumagsak ang katawan ko sa dock. Binalot ako ng kadiliman. Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, nasilayan ko sa huling pagkakataon ang buwan. Not knowing the next time I open my eyes, ang mga bagay na aking babalikan ay tuluyan nang magbabago.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro