Chapter 23: Angels and Devils
Chapter 23: Angels and Devils
Pinagmasdan ko ang mukha ng natutulog na si Elyse. Matagal na din mula noong nagkaroon ako ng pagkakataon na bisitahin ang aking kaibigan sa hospital. These past few months had been a chaotic whirlwind of bad decisions, falling apart, and getting myself back.
Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Habang tumatagal tumatamlay ang mga ito. It's been three months mula noong naconfine siya. I miss her. I miss her cheerful laugh and sweet voice.
What would she say if she's here to comfort me? I need her encouranging words. Dahil maging ako ay naguguluhan na. Things are getting complicated and I don't want to drown in the depths of this murky water.
Umalis ako sa hospital nang malaman na pabalik na ang mga magulang ni Elyse mula sa isang business meeting. Hindi ko gustong makita nila akong binibisita ang kanilang anak. Pinagbawalan na nila akong makita siya.
Bumalik ako sa apartment para maghanda sa aking trabaho sa coffee shop. Pagliko ko sa kanto isang familiar na sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay. Agad akong tumigil sa paglalakad. Yllona was standing in front of the small gate, typing something on her phone.
Kinapa ko ang sarili kong phone sa bulsa. There are several text from her and a missed call. Pinatay ko ang phone ko at muling binalik sa aking bulsa. Tumalikod ako at naglakad. Kung ano man ang pakay niya ay hindi ko ito kailangan sa mga oras na ito. I wasn't supposed to associate myself with them in the first place.
Nakarating ako sa coffee shop. Nagpalit ako ng damit. Dumadami na ang estudyanteng customers namin. Malapit na ang pasukan.
Habang nagse-serve ng kape sa ilang babaeng customers, hindi ko mapigilan na marinig ang kanilang pinag uusap. It was an anxious coversation.
"Nasa Coventry nanaman yong mga taong nangbibiktima ng mga kolehiyala at iniiwan silang nadrugged."
"Hindi ba taga Saint Mathews yong huling biktima?"
Halos mabitawan ko ang tray ng kape na aking hawak. Si Elyse ang kanilang tinutukoy. Huminahon ako at binigay sa kanila ang mga inumin.
Kung ganoon, nasa city ulit ang hayop na yon. The rabid monster who caused all of this mess.
Hindi ko mapigilan na mag-ngitngit sa puot. Maging si Maureen ay narinig ang kumakalat na balita.
"Nakakatakot naman," sinabi niya.
"Balita ko isang gang ang nangbibiktima ng mga kolehiyala," sinabi ng isa pa naming kasama.
"Dina-drugs. Kaya yong iba wala na sa katinuan pagbalik."
"No," sinabi ko. Bumaling sa akin ang aking mga kasama. Umurong ang aking dila at agad nilinis ang aking sinabi.
"Hindi sila na-drugs. Walang ebidensya na ginamitan sila ng drugs."
Nagkibit balikat ang aking mga kasama. "Yon ang bali-balita," sinabi ni Maureen.
"Kaya kayong dalawa mag ingat kayo sa daan."
Tinapos namin ang usapan nang may pumasok na bagong customers. Humarap ako upang batiin sila. Ngunit natigilan ako nang makita ang kanilang mga mukha. Sina Justin, Clomil, at Daniela.
Maging sila ay tila nabigla na makita ako sa ganitong lugar. Clomil smiled at me. The two forced a nod to acknowledge my presence. The lack of communication these past few months created a barrier between us. Umupo sila sa table na katatapos ko lamang linisan.
Pumunta si Justin sa counter upang mag order. Bumalik siya sa mga kasama pagkatapos. Nang maihanda na ang kanilang inumin kinuha ko ang tray para iserve sa kanila.
Napa-paused sila sa usapan nang makalapit ako. Kahit hindi ko tanungin ay alam ko na kung kani-kanino ang order. A green tea cream frappe for Justin, macchiato for Daniela, and strawberry cream frappe for Clomil.
"Thank you," said Daniela.
I miss them the way I miss Elyse. But they are peaceful with their lives. Hindi ko sila gustong madamay sa gulo ng aking kinasangkutan.
Umalis ako upang maglinis ng kabilang table. Habang naglilinis muli kong narinig ang kanilang usapan.
"There's a newly opened bar in south," said Daniela.
"Should we head there tonight?" asked Justin.
"School's fast approaching," said Clomil. "Huling night out ba?"
I gripped the cleaning rug. You shouldn't. Humarap ako sa kanila. They are chatting happily. Gusto ko silang pagbawalan. Pero wala akong karapatan.
It's dangerous. Don't go, Elyse.
That's what I should have said to her that night. Maybe things will be different.
Umalis sina Daniela matapos ang kalahating minuto. Hindi ko mapigilang mangamba habang pinagmamasdan ang kanilang pag-alis.
"Kilala mo ba sila?" tanong ni Maureen nang mapansin ang pagiging balisa ko.
"They are... my schoolmates," tanging sinabi ko.
Tumango siya. A knowing nod. Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho.
We had to do an overtime to accommodate some people who held a seminar nearby. Halos madaling araw na nang natapos ang aking shift. Nang makapag bihis, agad kong binuksan ang phone ko. Naghihintay ako ng text o tawag mula sa kanila. Or maybe I was paranoid. Hindi ko na gustong maulit ang nangyari kay Elyse.
Naglakad ako pauwi. My fingers keep tapping and untapping Clomil's number. Should I check on them?
Ilang mensahe ang pumasok galing kay Yllona. She kept asking me where I am. She needed to tell me something.
Nilampasan ko ito at bumalik sa number ni Clomil. I finally hit the call button. Sa una ay walang sumasagot.
Muli kong sinubukan. Clomil answered. Bumungad sa pandinig ko ang maingay na paligid. Malakas na musika. Nakakarinding sigawan ng mga tao.
"Hello?"
May mga kaluskos bago sumagot si Clomil.
"Oh, hey Denise!" She needed to shout for me to hear her in the midst of the noise.
Her voice seems cheerful. Mukhang walang problema. Maybe I'm overthinking.
"What's up? Why did you call?"
"Nothing," agad kong sinabi. "I'm just checking-"
"Oh, we're great. I hope you're here. Daniela's been getting cozy with this guy. Iniwan nalang kami ni Justin."
"What?"
"Don't worry, she seems to know the guy," casual na sinabi ni Clomil, unaware of the danger that lies ahead.
Ngunit iba ang sinasabi ng aking isip. She seems to know the guy. Yon din ang nangyari kay Elyse. Hindi ito pwedeng maulit. Hindi kay Daniela.
"Please search for her."
Nabigla si Clomil sa anxiousness ng boses ko.
"Denise-"
"Please hanapin niyo siya," sinabi ko. My hand was shaking as I held the phone. "Daniela might be in danger."
"Denise... what are you saying?" Nag aalalang tanong ni Clomil.
"Pupunta ako dyan. Pakiusap hanapin niyo siya."
I ended the call. Nagmadali akong pumara ng taxi. Kumakabog ang aking dibdib. Sinabi ko ang pangalan ng bar kung nasaan sina Clomil. Twenty minutes past, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang parking area.
Sinabi ng driver na hindi na niya maipapasok ang sasakyan sa loob dahil mga pribadong sasakyan lamang ang allowed dito. Bumaba ako matapos magbayad.
The area where the entrance of the bar was located is between two closed establishment. An old art gallery and a small record store. These three establishments shared the same parking lot.
Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang liwanag at party sa itaas. Sa rooftop ng building makikita ang bar na tinutukoy ni Clomil. I can hear the thump of music mixed with the night breeze and the noise of people having good time. It was the perfect spot. Malayo sa mga kabahayan at sa highway.
Tinawid ko ang parking lot papunta sa entrance ng bar. Walang bantay sa pintuan.
Bago pa ako pumasok, isang kakaibang ingay ang aking narinig. Tumigil ang aking mga paa sa paglalakad. Muffled voice. I heared someone's muffled voice.
Sa gitna ng ingay tila pilit itong humihingi ng tulong. Nanindig ang aking mga balahibo. Sinundan ko ang ingay hangang sa dinala ako nito sa tapat ng art gallery.
Tinitigan ko ang heganteng double door na gawa sa kahoy at mga column na nakapalibot dito. Nakaawang ng bahagya ang pintuan. Sira ang lock nito.
I can almost hear my own heartbeat. Siya ba ang nasa loob? Si Daniela?
Natatakot akong kumpirmahin ang aking hinala. Paano kung siya nga? Ano ang gagawin ko? Makikita kong muli ang taong yon... ang sumira sa buhay ko at ng iba pang naging biktima niya.
I was trembling as I held the door in my hands. Saka ko ito dahan dahang tinulak upang buksan.
Binalot ako ng dilim pagpasok ko. I blinked my eyes to adjust. Mula sa kakarampot na liwanag sa salaming bintana, naaninag ko ang laman ng maluwang na kwarto.
Statues. A lot of them. Marble. Stone. Granite. And all of them are in the form of... angels.
Isang kalabog ang aking narinig. My head whipped to the corner of the gallery. I saw someone struggling, pleading, her eyes locked into mine, tears flowing mixed with ink like liquid or blood. Someone was behind her, holding her in place, his head attached to her neck.
It was not Daniela. The girl was a stranger.
Napa-atras ako nang bumaling ang mga mata ng lalake sa akin. Ang mga pula at nanlilisik na mga mata. Unfocused. Deranged.
Nanatiling nakabukas ang mga mata ng babae habang nakatitig sa akin. Ngunit alam ko sa mga oras na yon, sa pagkalas ng naka-kuyom niyang kamao, alam kong wala na siya. Her consciousness was taken away from her. Tulad ni Elyse.
Binitawan ng lalake ang kanyang biktima na tila laruang pinag-sawaan. Blood trickled from his lips. Ngumiti ito at lumapit sa akin. Dahan dahan akong umatras palayo hanggang sa tumakbo ako pabalik sa pintuan.
The door automatically shut before my face. My breathing halted. Lumingon ako sa lalake. Tinutop ko ang isang sigaw nang makitang ilang hakbang nalang siya mula sa akin.
"Muli tayong nagkita..."
Natatakot ako. Hindi ko maipaliwanag ang tindi ng takot na aking nararamdaman. Seeing his face, hearing his voice, it's bringing all those nightmares back.
"... una kong biktima."
The guy jerked his head as if sensing something. The high and lust caused by the girl's blood was now fading and I can see him thinking, fatally wondering.
Muli siyang humakbang. He was taking his time. Tumakbo ako palayo sa kanya. Kinapa ko ang pader para sa kahit anong klase ng pintuan, lagusan.
He slammed me on the wall. My body shook. My breath knocked. My head was in severe pain. Pinunit ng lalake ang sleeves ng aking damit. My shoulder was exposed, giving him a clear view of the mark.
"You are marked... by a Monaghan."
Hindi ko alam kung paano niya ito nalaman. Ang tanging malinaw lamang para sa akin sa mga oras na yon ay makatakas mula sa kanya.
"Kita mo nga naman. Mukhang pagkakataon na mismo ang nagbigay sa akin oportunidad upang makaganti."
Makaganti?
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Muling napuno ng galit ang kanyang mga mata. I struggled from his grasp. Nakawala ako at muling tumakbo. The statues were illuminated by the shadow of the moon from the window. The angels stared at me, watching me bleed and run from hell.
Isa sa mga natumbang estatwa ang pumatid sa akin. Nasobsob ako sa sahig at tumama sa basag na mga parte nito. My skin bleed, my tears flow, as I struggle to stand on my feet in front of an angel with opened wings.
The monster came and pinned me against the statue.
"Minsan niya na itong ginawa sa amin, kaya ako naman ang gagawa ng parehong kasalanan sa kanya."
Dumako ang mga palad niya sa aking leeg. He forced me to face him.
"Hindi maipagkakaila... kamukhang kamukha mo nga ang babaeng yon."
Humigpit ang hawak niya sa aking leeg. Hindi ako makahinga.
"Ang taksil na babaeng yon," nagngitngit na sinabi nito.
Pinilit kong alisin ang kanyang kamay sa aking leeg. I'm chocking. I'm out of breath.
"Please..." ito ang tanging lumalabas sa aking bibig. "Please..."
Unti unti niya akong ini-angat mula sa sahig, hanggang sa maging katapat ng aking katawan ang anghel at mga pakpak nito. Napangiti siya sa nakikita na tila isang laro lamang sa kanya ang lahat. Mula sa liwanag ng buwan tinitigan niya ako, pinanood kung paano ako mawalan ng hininga.
Unti unting kumalas ang aking mga kamay na nakakapit sa kanya. Nanlabo ang aking paningin sa kawalan ng hangin. Nalaglag ang aking mga kamay sa aking tabi. Kasabay ng pagsara ng aking mga mata ay ang pagbukas ng pintuan sa aking harapan.
Isang imahe ang aking nakita, isang anino sa tapat ng liwanag ng buwan. Mabilis ang naging paggalaw nito at sa isang iglap tumalsik ang dugo ng lalakeng nasa aking harapan sa aking mukha.
There was no sound maliban sa paghinga ng lalake na biglang tumigil. Nalaglag ako sa sahig na binabalutan ng kanyang dugo. Landon twisted the neck of the guy and cut open a bite to spray his blood all over the place. The white angels were now stained with blood.
Nanginginig ako at nanatiling nakaluhod at nakatitig sa kawalan dahil sa lahat ng nangyari at nasaksihan. Landon kneeled in front of me. He touched my face and wipe the blood off my cheeks.
"I'm sorry... I'm sorry I'm late... Denise."
I raised my head to stare at him. Tuluyang bumuhos ang aking mga luha.
"I'm sorry," ulit niya.
At sa pagkakataong yon alam kong ang paghingi niyang ito ng tawad ay higit pa sa pagdating niya ng di oras.
Napakapit ako sa kanya. Niyakap niya ako upang pakalmahin. In the midst of angels, I was saved by a devil.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro