Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Missing

Chapter 21: Missing

It's been days. Two freakin days since I woke up in Landon's bed, with a hangover, and wearing one of his t-shirt. Imagine how freaked out I was that morning.

Pero hanggang ngayon hindi parin malinaw sa akin ang mga nangyari. My memories of the night in the resort was hazy. At hindi nakatulong na agad akong umalis sa kwarto pag-gising ko bago pa magising si Landon sa aking tabi.

I remember bits of it. Crying in the hallway, throwing up on Landon's shirt, laughing and crying at the same time. His rough kisses. The burning sensation of his hands as it roamed my body. God, I was crazy.

Naiuntog ko ang aking ulo sa mesa habang umiinom ng kape. Liquor is my greatest enemy. I hate being reckless and out of control, specially in front of Landon.

Nagmadali akong kumain ng breakfast which consist of a single slice of bread and a coffee with too much water. Today is the 24th. I need to get my grading card from the university.

Mangilan'ngilan ang makikitang estudyante sa campus. Some are still on their vacations. Others paused their luxurious travels to get their grades.

Nakita ko sina Clomil pagpasok ko sa department building ng Fine Arts. Daniela looks like she had a tan. Mukhang kagagaling lang nila sa beach trip.

Nakita ako ni Clomil. Bumaba ang tingin niya sa aking pala-pulsuan. Maayos na ito matapos ng nangyari gulo sa gym a week ago. Lumapit siya sa akin nang hindi napapansin nina Daniela at Justin.

"Okay na ba ang wrist mo?" tanong niya.

Tumango ako at pinakita ito sa kanya bilang patunay. "It's healed."

"I'm sorry about what happened, and thank you for saving me, Denise." She does resembles Elyse.

I smiled. "It's fine, Clomil."

Napansin ko na hinahanap na nina Daniela si Clomil.

"Bumalik ka na. Hinahanap ka na nila."

Nagdalawang isip si Clomil. She frowned as if trying to sort out what she has to say. Ngunit kalaunan wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kanyang mga kaibigan.

I prefer to distant myself with their crowd. Yes, I sort of miss their noise that collides with my eerily silent life. But once they realized how messed up my life is, sila na mismo ang lalayo. To be avoided is more painful than pushing some one else away.

Matapos kong kunin ang aking card ay agad akong lumabas ng building. Ilan sa mga blockmates ko ay hindi mapigilang mapa-tingin sa akin. Yes, I was the girl who fainted at the gym. Big deal. But it was indeed a big deal specially if there's a Landon Monaghan atached to the incident. Every woman linked to him somehow develops an image of a slut. At hindi ko gusto ang mga tingin na nakukuha ko lalo na mula sa mga blockmates kong lalake.

Paalis na ako sa campus nang isang familiar na itim na sasakyan ang dumaan sa aking harapan. My heart skipped a beat. Landon's been occupying my mind these past few days, and it made me developed a strange reaction towards him. Gusto kong umiwas. But I also wanted to know what happened that night.

Bumaba si Landon matapos huminto ng sasakyan sa parking lot. Balak ko siyang puntahan. I was about to take a step towards him, when a woman, wearing a pretty yellow sun dress greeted him with a kiss. I stared at my own shabby pants and t-shirt. And that's when I realized something. Nothing happened that night. He... must have been disgusted in the first place.

I was quite relieved with the realization. But the fact that Landon continues with his favorite past time as if that night hadn't messed me up for how many days made me hate him... no, I loathed myself more for allowing him to occupy my mind.

Dumerecho ako sa coffee shop matapos manggaling sa uni. Sa simula ng linggo ay hinayaan na ako ni Miss Van na magtrabaho. Pagpasok ko naka-upo siya sa usual niyang pwesto sa sulok ng coffee shop, typing, inventory, management. Bumaling siya sa akin nang bumati ako sa kanya. She smiled at me, with watchful curious eyes. Hindi ko alam kung bakit pero kapag tumitingin siya sa akin pakiramdam ko may iba ng tao siyang nakikita sa aking katauhan. There was this specific moment last week she called me Helena. Who is Helena?

I spend the entire day at the coffee shop, serving customers, clearing their tables. I love how their faces lit up once they held their drinks. There are times I could hear their talks, catching up, laughs. And there are those people who prefer to sit in the far corners of the shop with their lone cup of coffee, a book or a laptop, undisturbed from the world.

Gabi na nang matapos ang aking shift. Nagpalit ako ng damit saka nagpaalam sa aking mga kasama. Despite some small hassles, this day is quite okay. And it's enough for me. Tiningnan ko ang laman ng aking wallet. Maybe I could still buy some barbeque and drinks, the one outside campus. Maybe I could celebrate on my own tonight.

Habang naglalakad tumunog ang aking phone. Agad ko itong kinalkal mula sa aking bulsa. Natigilan ako nang makita ang caller ID. Saint Jude.

Biglang nanlamig ang aking palad. I was hoping to end this day without hassle. I wasn't even wishing for it to be special. I just want to be spared from problems even just for today. Pero mukhang nagkamali ako. Dahil sa pagsagot ko pa lang sa tawag isang masamang balita ang bumungad sa akin.

"Nawawala si Mrs. Limerick sa premises ng center."

Halos mabitawan ko ang phone ko sa narinig.

"She's been missing for several hours."

Agad akong tumakbo at naghanap ng taxi matapos ang tawag. Abot abot ang tahip ng aking dibdib. Nanginginig ang aking palad. Si Mama... nasaan si Mama.

Walang dumadaan na taxi. Ang mangilan ngilan ay hindi humihinto sa aking kinatatayuan. I was scared, frustrated. I kept cursing while waiting for a taxi to pass by.

Dumako ang tingin ko sa aking phone. Someone... there must be someone who can help me. I scrolled through my contacts. Ngunit halos bilang ito sa aking kamay. I have no one... that's when I realized I have no one to turn to in times like this.

Huminto ang aking mga mata sa pangalan ni Landon. I know I slumped so low when the only person I could think of helping me is the most dangerous guy on campus.

I pressed the dial button. Ilang segundo ang lumipas bago may sumagot.

"Landon!" I said immediately, not doubting who would answer the phone.

"Who's this?" came a female voice. Napakurap ako sa napagtanto.

I heard shuffling of sheets on the background. "Who is it?" came Landon's low bedroom voice.

I ended the call. And for a silent moment tears started streaming down my face. Umupo ako sa sidewalk, nanghihina. I was stupid to think he could help me... and it pains me... for some reason it pains me to realized he couldn't.

Huminga ako ng malalim. I need to put my shit together. Muli akong tumayo at sinubukang muling mag abang ng taxi. The air was chilly, it's stinging my eyes, the night was dark, and my throat is dry.

Hindi ko agad napansin ang pagtunog ng phone ko. When I noticed it, I already received two missed calls from Landon. Sa pangatlong tawag ay sinagot ko ito.

"Where are you? Why did you call?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla.

"Can... can you help me?" Halos bulong ko sa nanghihinang boses. "Landon, my Mom is missing."

--

Landon told me to wait for him at the university gate and that's what I did. Dumating si Landon after twenty minutes sakay ng kanyang sasakyan. Wala na akong pakialam kung ano ang maaari niyang isipin. I need him.

Hindi ako mapalagay habang nasa loob ng sasakyan. Landon kept his eyes on the road. Hindi siya nagtanong maliban sa kung saan pupunta. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo. I didn't expect he would actually come.

Nakatating kami sa Saint Jude's. Masyado akong taranta para mapansin na kilala ng mga tauhan ng center si Landon.

"Mr. Monaghan," bati ng isa sa kanila.

"Where's my Mom?" tanong ko. "Bakit hinayaan niyo na mangyari ito?"

"It's a negligence in our part. We are deeply sorry, Miss Limerick," sinabi ng isa sa mga head ng center.

"It was during her late afternoon strolls in the garden nang makalabas sa premises ng center si Mrs. Limerick. Hinahanap na siya ng mga tauhan ng center."

"But it's been hours!"

Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit sa aking dibdib.

"Hahanapin ko siya."

Napatakbo ako palabas ng herabilitation center. Natatakot ako. Si Mama... hindi siya pwedeng mag isa sa labas.

"Denise!" Narinig kong tawag ni Landon. "Can you fucking calm down for a second?"

"How can I stay calm?!" singhal ko sa kanya. "My Mom is out there, alone, in the middle of the night. Tell me..." Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. "How can I stay calm?"

"We'll find her."

Landon's been impassive on the drive to Saint Judes. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. But I'm willing to accept any help I can get from him.

--

Nagpaikot-ikot kami sa mga kalapit na bahay gamit ang sasakyan ni Landon. Nagtanong tanong ako sa mga nakabukas na tindahan. Habang lumalalim ang gabi mas lalo ang nawawalan ng lakas.

Nang makarating kami sa downtown tuluyan akong bumaba sa sasakyan. Kung kailangan kong suyurin ang buong downtown gagawin ko mahanap lang si Mama.

Pinakita ko ang picture ni Mama sa mga dumadaan, sa mga namamasyal at nagtitinda sa park. Maya maya pa isang sa mga babaeng nagtitinda ng barbeque ang nakakilala kay Mama.

"Nandito siya kanina lang," sinabi niya. "Bumili siya ng ilang tusok ng barbeque."

"Nasaan na po siya?" Nanginginig ang aking boses.

"Sa tingin ko pumunta siya sa park."

Agad akong tumakbo papunta sa park. Madilim na ang paligid at halos wala ng tao. Ang mangilan ngilan ay paalis na. Hinanap ko si Mama sa picnic area, malapit sa fountain, sa mga benches sa ilalim ng mga puno. Hangang sa napunta ako sa playground. I heard the rusty swings creaking at the distant. Mula sa malamlam na ilaw ng lamp post naaninag ko ang isang babaeng mag isang nakaupo sa swing.

Tumulo ang luha ko at napatakbo papunta sa kanya. The woman looked up and smiled at me. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Mama..."

"Denise loves the swing," wala sa sarili na sinabi ni Mama. "Do you know Denise? She's my daughter."

Noong mga oras na yon nakasunod na si Landon sa akin. Alam kong alam niya ang sitwasyon ni Mama. I don't have to hide my fucked up life from him.

"Mama, hindi dapat kayo nandito. Hindi dapat kayo lumabas."

"Bumili ako ng barbeque," sinabi ni Mama. "Paborito ito ni Denise. Birthday niya ngayon."

Natigilan ako. She remembered. Mama remembered my birthday.

"Magce-celebrate kami kasama ang Daddy niya." Ngumiti si Mama. A far away smile. "You should come."

Mama, matagal ng wala si Papa. Hindi na siya babalik pa.

"Denise loves the swing," ulit ni Mama. "Do you Denise? She's my daughter."

Napaluhod ako sa panghihina. Wala akong na gawa kundi ang hawakan ang kanyang kamay at tahimik na umiyak sa kanyang harapan.

"Mama it's my birthday... Mama, I'm here."

--

Madaling araw na nang maibalik namin si Mama sa rehabilitation center. Panay ang hingi ng paumanhin ng mga staff sa akin. They promised to highten the security of the place.

Iniwan ko si Mama matapos niyang makatulog dahil sa tinurok na pampakalma sa kanya. Bukas, tulad ng dati ay makakalimutan niyang muli ang nangyaring gulo.

Umalis ako sa center matapos siyang ihabilin sa kanyang nurse. Nanatili si Landon sa tabi ko buong gabi hanggang sa ihatid niya ako pauwi. Dahil sa pagod nakatulog ako sa passenger seat.

"You look the same, but are way different."

Landon placed his jacket over my exhausted body.

"You endured hard today. Happy birthday, Denise."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro