Chapter 2: No Escape
Chapter 2: No Escape
Dumaan muna ako sa isang fast food chain bago umuwi ng apartment. Kasama kong nakatira doon si Elyse since sophomore pa kami. Pareho kaming nag aaral ng Fine Arts sa Saint Mathew's University. Sa totoo lang kung hindi dahil sa kanya baka sa maintenance quarter ako ng University nakatira.
Pinagmasdan ko ang pagkain na tinake out ko. Siguro sa sobrang gutom kaya ako nahilo kanina sa Library. Bahagya akong pumikit para alisin ang lumulutang na pakiramdam sa isipan ko. Mas nagmadali ako sa paglalakad sa kalye ng village namin.
Nang makapasok ako sa apartment, nabatid ko agad na walang pinagbago ito mula noong iwan ko halos dalawang araw na ang nakararaan. Nandoon parin ang pitsel ng juice sa mesa sa kusina at ang hindi pa nabubuksang instant noodles na kakainin ko sana noong gabing yon.
Umupo ako sa maliit na sofa sa sala at nilapag ang pagkain na dala ko sa mesa. Hindi ko gustong isipin na sa mga oras na ito, ang maingay pero malambing kong best friend ay nasa Hospital.
Pilit akong kumain kahit pa wala akong gana. Bukas kailangan kong pumasok. Siguradong alam na ng mga block mates namin ang nangyari kay Elyse. Bago kasi namatay ang phone ko kahapon wala silang tigil sa pagtawag at text. Hindi ko sila sinasagot. Hindi naman talaga ako malapit sa kanila. Si Elyse lang. Dahil natural na friendly siya.
Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko siya. Magkaibang magkaiba kami ng ugali at gusto. She's this sweet girl na laging nakadress, mahilig sa love songs at romantic movies, mabait at friendly sa lahat, palaging nakangiti. Samantalang ako, mabilis mapikon, nananakit lalo na kapag naa-argabyado, walang emosyon kung makatingin.
Isa pang kaibahan namin, napakayaman niya. Samantalang ako, kaya lang nakapasok sa mamahaling school na yon ay dahil sa scholarship, at kailangan kong magtrabaho bilang student assistance o kaya clerk sa school kapag walang klase para may allowance ako.
Nang matapos akong kumain, chinarge ko ang phone ko at agad na binuksan ang internet nito. Nag search agad ako. Vampires in Coventry City. Kung ano anong links ang lumabas. Merong address ng isang book shop, isang picture ng napakalaking mansion, social media links ng mga taong dito nakatira. Mga post na nabangit ang salitang yon, karamihan based sa librong binabasa, at kung ano ano pa. I rolled my eyes. Hindi ito.
Muli akong pumikit at naalala ko ang mukha niya. His penetrating bloody stare, his intoxicating smile, how he lick his lips while staring into mine. Binuksan ko ang mga mata ko. Damn, Denise. Eight months. Walong buwan na ang lumipas. Ngayon mo pa ba babalikan ang pangyayaring yon?
Huminga ako ng malalim. Fine. There's no harm on checking what he's up to. Pumunta ako sa Facebook at tiningnan ang profile niya. Landon Clifford Monaghan. Lumabas agad ang mukha niya. That familiar smirk of his. Dark, menacing, handsomely evil. Halos walang nakapost sa timeline niya kundi mga status ng mga babaeng nakatag sa kanya.
Thank you for the great night. You're an awesome beast. Rawr.
Halos masuka ako sa latest post na nakatag sa kanya. Filthy man whore. Madaming likes at comment ang huling status niya. Bahagyang kumunot ang noo ko noong nabasa ko ito.
I wanted to taste you so badly.
Madami ang kinilig dahil doon. May nag-volunteer pa na siya nalang ang tikman. Geez, people. Muli akong nag scroll para lampasan ang mga babaeng halos magpakita ng kaluluwa para lang ma-tag siya. Pero masyado itong madami. Nainis na binalik ko nalang ang screen sa pinaka latest sa timeline niya. Kahit isang clue lang. Kailangan kong patunayan na— Napa-paused ang daliri ko sa pag scroll nang makita na may bago siyang status.
Landon Clifford Monaghan
You can hide but you can never escape me.
Binasa ko ang time ng status. Just now. Ibig sabihin online din siya. Muli ko itong binasa. Halos marinig ko ang boses niya sa isip ko na sinasabi ang mga salitang ito. Deep, velvety, husky.
Napailing ako sa walang kwenta kong iniisip. Binalik ko ang phone ko sa mesa. Tatayo na sana ako para umakyat sa kwarto ko nang isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. Napatingin ako sa paligid. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko ang walang katao taong apartment maliban sa akin. Napailing ako. Sobrang pagod na siguro ito.
Umakyat ako sa kwarto. Nang nasa hagdan na ako, isang mainit na hangin ang tumama sa pagitan ng tenga at leeg ko. Noong mga oras na yon, hindi ko alam kung ang mga salitang narinig ko ay nangaling sa pagod kong utak o binulong ng hangin sa akin.
You can never escape me, Denise.
—
Nagising ako kinabukasan na nagpapanic dahil late na ako. Alas otso ang unang subject ko pero halos mag alas nuwebe na ng umaga. Bumangon ako sa kama at nagmamadaling pumunta sa banyo. Bahagya akong nahilo dahil sa ginawa ko. Nasobrahan ako ng tulog. Ang sabi ko babalik pa ako sa Hospital kagabi pero naging tuloy tuloy ang tulog ko.
Hindi ko na nagawa mag agahan. Kinuha ko na lang ang ice coffee na nasa reff at inisang lagok yon. Nagmamadali akong lumabas sa apartment matapos itong i-lock. Halos half-run ang ginawa ko para makarating sa University. Good thing dahil walking distance lamang ito mula sa apartment.
Nang makarating ako doon, inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa Department building namin. Shit. First time kong malate. Yong record ko wasak na. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago kumatok. Pero hindi pa man nakakalapat ang palad ko sa pintuan ay bigla itong bumukas. Automatic na tumaas ang kilay ng Instructor namin nang makita ako. Pinagmasdan ko ang hawak niyang mga libro. Great.Paalis na ito.
"Oh, Miss Limerick. You're too early." aniya sa sarcastic na boses. "Too early for your next subject." saka niya ako nilampasan.
Nawalan ako ng lakas nang makita na maging ang mga block mates ko ay paalis na din. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang para puntahan ang next subject namin. Habang naglalakad napansin ko ang mga tingin nila sa akin. Narinig kong nagbulungan ang iba.
"Hindi ba siya yong best friend ni Elyse Diane?"
"Oo. Pero mag isa yata si Elyse noong pumunta siya sa Bar."
"Kaya naman pala siya nabiktima. Walang kasama."
Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila. Elyse is quite popular in our block. She's almost crowned as Miss Friendly. Kaya hindi maiwasan na mapag usapan ang nangyari sa kanya. Nang nasa Lecture Hall na kami, umupo ako sa pinaka dulo sa itaas. Theater style ang room namin dito.
Nilabas ko ang notebook ko. Karamihan naglabas ng laptop o hindi naman kaya ay tablets. Kadalasan ay si Elyse ang may dala ng laptop sa aming dalawa. Salitan kami sa pagtype habang nagle-lesson at pareho namin yong pag aaralan kapag nasa apartment na. Pero wala siya ngayon at hindi ko gustong galawin ang gamit niya nang walang paalam.
Nagsimula ang lecture. Pinilit kong mag concentrate. Pero mukhang mahihirapan akong gawin yon lalo na nang bangitin ng Instructor namin ang tungkol sa nangyari bago magsimula ang klase. Ngayon, walang tigil sa pagsulyap sa akin ang mga block mates ko.
Nang matapos ang dalawang oras na klase, agad akong nagmadali sa pagligpit ng gamit. Tumayo ako at lumabas ng Lecture Hall. Subalit hindi pa ako nakakalayo sa hallway nang marinig ko ang pangalan ko.
"Althea Denise!" I rolled my eyes. It's just Denise.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila. I forced a smile. Sila yong mga kaibigan ni Elyse sa Art For a Cause Organization. Block mates din namin. Nakakasama ko sila dahil kay Elyse pero hindi kami ganoon kaclose para magkasama kapag wala si Elyse.
"Oh my god. We heard what happened." sabi ng malambot na boses ni Justin. He's gay.
"Is she okay? I cried noong nabalitaan ko ang nangyari." wika ni Clomil, a petite chinita girl.
"Ilang beses ka naming tinawagan. Hindi mo sinasagot. What the hell happened exactly?" ani Daniela, a tall sophisticated girl with a long hair.
Pinagmasdan ko sila. They are all rich kids. Yong tipong laging may hawak na Starbucks kada makikita mo. Lalo na si Daniela. Automatic na naka-reserve ang kanang kamay niya para sa Starbucks.
"Out of battery ang phone ko." sagot ko.
Kahit na sa totoo lang ayoko lang talagang sagutin ang tawag dahil alam kong magtatanong lang sila. Pero mukhang wala akong takas sa mga ito. Hinawakan ni Daniela ang isang braso ko at marahan akong hinila.
"Tara sa Rowage. Gutom na ako."
Pinagmasdan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Nagsimula siyang maglakad. Sumunod naman si Justin at Clomil. Bigla kong naalala na wala nga pala akong naihandang packed lunch ngayon dahil sa pagmamadali ko. May pera pa ba ako? Mabuti pa kunin ko nalang ang sweldo ko sa Admin Building.
"Sandali," Marahan kong hinila si Daniela. "Hindi ako makakasama sa inyo—"
Huminto si Daniela at pumihit para lumingon sa akin. "Why?"
Dahil wala si Elyse at hindi ako komportable na kasama kayo. "May kailangan pa kasi akong kunin. You can go ahead."
Daniela rolled her eyes. "Hindi ba makakapag hintay yan. I'm really hungry." Wala akong pambili ng pagkain. Lalo na sa gusto niyong puntahan.
Bigla akong hinila ni Justin. "Come on, Denise. Baka naman umiwas ka lang na pagusapan ang nangyari kay Elyse? Wag kang unfair. Friend din namin siya."
Mas lalong sumama ang timpla ng mood ko dahil sa sinabi niya. "Please?" sabi ni Clomil.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko dapat sila pagbuntunan ng pagod ko. Biglang nagtaas ng kamay si Daniela— kamay na may hawak na Starbucks. "My treat." sabi niya. Justin and Clomil's face lit up.
"Oh lucky!" masayang sabi ni Justin. "Medyo short pa naman ako ngayon." Muli akong hinila ni Justin. "Come on, Althea."
Magsasalita pa sana ako nang mapagtanto kong wala nang balak bumitaw si Justin sa braso ko. Naglakad kami palabas ng Department Building. Maluwang ang Saint Mathew's University. Merong mga establishment tulad ng coffee shops, restaurants, at bookshop sa loob.
Naglakad kami sa likod papunta sa restaurant na sinasabi nila. Ilang metro lamang ito mula sa building namin at halos labas lang ng gate ng College of Business and Accountancy building. Palapit palang kami ay nakikita ko na ang mga rich kids na papunta doon. I wonder kung alam nila na ang pang 13th victim ay nag aaral sa parehong University kung nasaan sila. It was not the first time. But definitely the worst for me.
Pumasok kami sa restaurant. Mas maluwang ito kesa sa mga pangkaraniwang restaurants para ma-accommodate ang mga university students. Pinaliligiran ng glass wall ang tatlong sulok nito. May mga halaman sa loob nito at napaka-aliwalas ng atmosphere. Hindi katulad ng Cafeteria kung saan kami madalas kumain ni Elyse. I can't help but wonder kung napipilitan lang ba siya na samahan ako dahil kung tutuusin, kahit araw araw siyang pumunta sa kainan na tulad nito siguradong wala siyang magiging problema.
Papunta na kami sa bakanteng upuan malapit sa glass wall nang matigilan ako. Automatic na huminto ang paa ko sa paglalakad nang makita ang lalakeng nakaupo sa sulok. Oh shit.
"What?" tanong ni Justin na nakahawak parin sa braso ko. Tiningnan ko siya. My eyes are almost begging. Hindi ako pwede dito. I need to get out. Hinawakan ko ang palad niya para alisin sa braso ko.
"I— I need to go." I stammered.
Nagpapanic na hinila ko ang braso ko. My eyes still fixed on the guy. Nakaupo ito sa sulok, nakasuot itim na jacket na nakalislis hangang siko, gray v neck shirt at black jeans. May kasama itong isang magandang babae. They are French kissing. Hindi ko alam kung napansin niya ako. Maybe not. His hands are busy traveling up to the girl's exposed legs.
"Please." Halos magmakaawa na ako.
Nagtataka na pinagmasdan ako ng mga kasama ko. "Denise, are you okay?" No. I'm not. Hindi niyo naitindihan. Kailangan kong umalis sa lugar na ito.
Naestatwa ako nang mapalingon sa akin si Landon at nagtama ang mga paningin namin. He smirked as if sensing the fear that's suddenly building inside of me. Pakiramdam ko nahihilo ko. There's the palpitating again.
Nakikipag halikan siya sa babaeng yon. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang palad niyang malayang naglalakbay pataas sa legs ng babae. All while staring directly at me with a snide smirk plastered on his ragged face. Nahihilo ako.Anong nangyayari sa akin?
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. That's it. Halos tumakbo ako paalis sa restaurant. Nang nasa labas na ako, napahawak ako sa dibdib kong halos sumabog sa tindi ng pagpintig. In that moment, I heard the voice again.
You can never escape me, Denise.
***
Author's Note:
Hey, guys! A friendly reminder, this story contains words and languages not suitable for young readers. Read at your own risk.
Anyway, for everyone who will starts school tomorrow— may the odds be ever in your favor haha! And thank you sa mga comments and feedbacks sa previous chapter. Naappreciate ko talaga yon.
How's the story so far? I would love to hear from you.
@april_avery
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro