Chapter 16: Indebted
Chapter 16: Indebted
Binuksan ko ang drawers at cupboard sa kusina. Inabot ko ang natitirang cup ng instant noodles sa loob nito. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, nilabas ko ang pay slip ko at nagkwenta ng aking gastos.
Mula noong maubos ang pera mula sa pinagbilhan ng shop at ng bahay one year ago, ang allowance na nakukuha ko sa scholarship ang ginawa kong pantustos sa mga gamot ni Mama. Kapalit nito kinailangan kong maghanap ng trabaho upang matustusan ang mga gastos ko sa school at sa pang araw araw. Lahat ng sobra ay pinupunta ko sa account ni Mama.
I've been a maintenance clerk, student assistant, library personnel. I had worked part time jobs outside university. Waitress, tutor, staff in a 24/7 convenience store. Lahat ng trabaho na maaari kong isabay sa pagaaral ay ginawa ko na. Pero madalas, lalo na sa mga pagkakataon na ito, hindi ito nagiging sapat.
It would be easy if Dad was here. Pero kung tutuusin siya ang dahilan ng lahat ng ito. Maaaring gumaling si Mama kapag bumalik siya sa amin. Pero tatlong taon ko na siyang hinahanap at hangang ngayon wala parin akong balita kung saan siya makikita. Maaaring nasa ibang bayan na siya. I would know if he's here. Maliit lamang ang siyudad ng Coventry.
I need him because of Mom. Pero kung ako ang masusunod, mas gusto kong mawala na siya ng tuluyan sa aming buhay. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tignan nang hindi maaalala ang lahat ng kasalanan na kanyang ginawa. Dalawang buhay ang nasira dahil sa makasariling desisyon niya.
Tumunog ang takure ng pinapakulo kong tubig. Nitong mga nakaraang araw halos lahat ng kinakain ko ay instant. Instant coffee, instant noodles, take outs. Noong bumisita ako kay Mama doon lamang ako nakapagluto ng maayos. Matapos kumain niligpit ko ang aking kalat at naghanda sa pagpasok. Kailangan kong gumawa ng paraan para makahanap ng mabilis na pera.
--
Maaga akong dumating sa university. May halos isang oras pa ako bago ang una kong subject. Dumerecho ako sa Library kung saan ako nagtatrabaho tuwing hapon. Mangilan ngilan pa lamang ang tao dito. Tahimik ang paligid. Sunlight spilled from the open windows down to the faded wooden floor. It smelled of old book pages and brewed coffee, a sanctuary.
"Denise, napaaga ka yata."
Ito ang bati ng librarian sa akin. Hawak nito ang isang malaking mug ng kape. Kung tutuusin halos dito na siya nakatira. Uuwi siya ng ten ng gabi at darating dito ng six ng umaga. She always had this warm smile on her face, like she's in the place she always wanted to be.
"Maaari po bang humingi ng pabor?"
Hindi ako humihingi ng pabor hangang kaya ko. I don't want to be indebted to anyone. So help was never an option for me. I know this time I sunk deep.
"Ano ang maitutulong ko sayo, Denise?"
"Maaari po ba akong makahiram ng pera."
Natigilan ang Librarian. She knew so well I won't stoop this low if I don't need it so bad.
"Kailangan ko lang, Mrs. Jamieson. Maaari bang bumale ako sa sweldo ko sa susunod na buwan."
Bumuntong hininga siya. Doon palang nanghina na ako. Alam ko na ang kanyang magiging sagot.
"I'm sorry, Denise." She said. "Kalalabas lang ng anak ko sa hospital kahapon. The one I told you last week."
Nawala sa isip ko ang bagay na yon. Last week naaksidente sa daan ang isa niyang anak. It wasn't that serious. But the injuries required him to be admitted in the hospital for a few days.
"I know this is the first time you've ask for a favor. I'm sorry, Denise. This is a bad timing."
I tried to smile. "It's fine, Mrs. Jamieson. Nawala sa isip ko. I'm sorry."
"Kung mahihintay mo maaari kitang mabigyan next week."
Alam kong hindi parin ako makakahabol kung next week ko makukuha ang pera. Kada three weeks sila kung magorder ng gamot. I have to wait for almost a month kung hindi ako makakakuha ngayong linggo. Hindi makakaya ng kondisyon ni Mama.
"Why don't you try your friends? Baka may maitulong sila."
Friends. Naalala ko sina Justin, Daniela, at Clomil. Alam kong tutulong sila kapag nalaman nila ang aking sitwasyon. Pero noon yon. Noong hindi ko pa sila tinutulak palayo. Muli akong nagpasalamat kay Mrs. Jamieson bago nagpaalam.
Nang makalabas ako sa Library napapikit ako upang huminga ng malalim. Tumatama ang liwanag ng araw sa aking mukha. Dumadami na ang estudyante sa campus. Pero sa gitna ng ilang daan taong nakapalibot sa akin, wala akong malapitan.
Pumasok sa isip ko ang isang mukha. The smirking face of Landon Monaghan. Umiling ako. No. Hinding hindi ako hihingi ng tulong sa kanya.
Pumasok ako sa una kong klase. Halos malate ako dahil dumaan ako sa admin building. Umaasa ako na may makukuha pa mula sa aking scholarship fund. Pero maging ito ay nasaid na.
Dumerecho ako sa silya sa mataas na bahagi ng seminar room. Nagbabangayan sina Justin, Daniela, at Clomil sa kabilang dulo ng kwarto. Ang masigla nilang boses ang tanging familiar sa akin sa gitna ng ingay. They used to greet me every morning like the way Elyse would greet me. Cheerful, pleasant. Sa mga pagkakataon na yon, hindi ko man gustong aminin ay gumagaan ang pakiramdam ko. I missed Elyse. I missed them.
Hindi ako makapag concentrate sa klase. Ilang beses akong natawag nang walang naisagot. I remembered nothing from the discussion. My mind was too preoccupied. And the drowning voice from a four walled room reading instructions from a book I've read before was the last thing I need.
Nang matapos ang pang umaga kong klase, agad akong lumabas mula sa classroom. Hinabol ko ang isang babae. Nakatutok ito sa kanyang cellphone habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang aking paglapit.
"Georgina."
Tumigil siya sa paglalakad. She was chewing a gum. She was about to blow a bubble when she stopped to look at me.
"Yes?"
I know her. Isa siya sa mga scholar tulad ko sa department na ito. Madami siyang alam na mabilis na mapagkakakitaan. Umaasa akong matutulungan niya ako.
"Maaari ka bang makausap?"
Hindi ko alam kung nakikilala niya ako.
"Sure." Balewalang sinabi niya. "Pakibilisan lang. May lakad ako e."
I bit my lips and sighed. "Kailangan ko ng mabilis na mapagkakakitaan. May alam ka ba?"
Her perfectly shaped eyebrows perked up in interest. Tinignan niya ako mula ulo hangang paa. Patuloy siya sa pagnguya ng bubble gum.
"May raket ako mamayang gabi." Sinabi niya. "Kung gusto mo sumama ka."
I didn't expect it would be this easy. "Pwede ba?"
Muli niyang sinuri ang aking katawan. "Sure. Promodiser. Per hour ang bayad. Pwedeng magrange from 200 to 500 pesos. Depende sa social skills mo. From 10 pm to dawn."
Promodiser?
"Ano, sasama ka? Ibibigay ko na ang pangalan mo sa manager ko."
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang mag isip. "Sige, sasama ako."
Kinuha niya ang phone ko na nasa kamay ko noong oras na yon. Pumindot siya ng ilang numero.
"Number ko yan. Kita tayo sa labas ng university belt sa tapat ng overpast ng nine ng gabi."
Umalis siya matapos sabihin ang mga salitang yon. I saved her number to my contacts. Nang muli akong nag-angat ng tingin napansin ko si Daniela na nakatingin sa akin. Nakatayo siya malapit sa pintuan. Bumaba ang tingin niya sa phone ko. Tila narinig niya ang usapan namin ni Georgina.
Lumabas mula sa seminar room sina Justin at Clomil. Umakbay si Clomil kay Daniela. Nagsimula silang maglakad papunta sa kabilang dulo ng hallway. Pero bago kami tuluyang maghiwalay muli kong nakita si Daniela na lumingon sa akin. Umiling ito, as if disappointed at me. Saka nagpatuloy sa paglalakad.
--
Nagkita kami ni Georgina sa tapat ng over past. Noong una akala ko hindi siya darating. Late siya ng thirty minutes sa usapan.
"May dinaanan pa ako."
Nakasakay siya sa isang puting van. Tatlo lamang kaming nasa loob. Isang babaeng nasa late fourties ang nagmamaneho sa harapan. She was holding a lit cigarette in one hand. She took a long drag before speaking.
"Siya ba tinutukoy mo, Gina?"
"Yes, Tita." Sagot ni Georgina.
Nakabitin ang sigarilyo ng babae sa labas ng bintana.
"Hanapan mo ng damit. Nandoon na ang iba."
Umandar ang van. Halos tumama ang likod ko sa matigas na upuan dahil sa bilis ng pagmamaniobra ng babae. The woman was a reckless driver. May kinakalkal si Georgina sa mga kahong nasa likod ng van.
"Georgina." Tawag ko.
"Sandali. May ginagawa ako."
I have a bad feeling about the situation. Pero pinili kong hwag husgaan ang mga kasama ko. Nanatili akong nakaupo sa loob ng umaandar na sasakyan. Matapos ang halos isang oras tumigil ito.
Sumilip ako sa labas ng bintana. There were a few establishments and signages. Hindi familiar sa akin ang lugar. It looks like the high street Landon had forced me to go. Pero tila ilan lamang ang mga establishment dito. Walang ingay. It seemed located around a business district.
"Tara na."
Lumabas si Georgina mula sa van. Sumunod ako. The place was eerily silent. Maliban sa ingay ng ilang sasakyan sa parking lot ay halos walang maririnig dito.
"Susunduin ko kayo mamayang alas dos." Sinabi ng babae sa amin mula sa nakabukas na bintana. "Ikaw, Gina. Ayusin mo yang recruit mo."
"Yes, Tita."
Umalis ang van. Naiwan kami ni Georgina sa tapat ng isang establishment. The night sky was clear, and the air was chilly.
"Pumasok na tayo."
Noong una hindi ko alam kung saan ang kanyang tinutukoy. The establishments around us looked sophisticated enough that our cheap clothes would look like rags compared to the posh air of the place.
Dumerecho kami sa likod ng isa sa mga establishment. Dumaan kami sa backdoor. May inabot si Georgina sa akin.
"Isuot mo yan."
Pagpasok namin sa loob halos hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon para magusap. It was chaotic. Georgina was dragging me. Kung saan saan kami lumusot para maiwasan ang mga tao. Upfront the place looked like a facility from a five star hotel. Ngunit sa nakatago ang gulo sa likod ng halos kahanga hangang panlabas nito.
Pumasok kami sa loob ng isang kwarto. It was a dressing room. Ilang babae ang nadatnan namin ditong nagbibihis. They were all over the place. Some were doing make ups, others were trying to fit themselves into their black dresses.
"Bakit ngayon lang kayo?" Singhal ng isa sa kanila. "Kanina pa kami naghihintay dito."
"Pasensya na." Sinabi ni Georgina. "May dinaanan pa ako."
Tiningnan ako ng isa sa mga babae. "Sino yan?"
Hindi ako sumagot. I stared at them, their black fitted dresses as if uniforms, their faces adorned with make ups, their soft hairs purposely styled to look seductive. What am I doing here?
"What exactly is the work you're referring to?"
I heard one of them scoffed. "Eh, nagmamalinis naman pala 'tong recruit mo eh."
Hindi ko ito pinansin. Humarap ako kay Georgina. "Sinabi mo promodiser ang trabaho mo."
Tuluyang nainis ang isa sa kanila.
"Hoy, ikaw-"
Tinulak ako ni Georgina papasok sa isa sa mga stalls.
"Namali ba ako?" She whispered in an almost hiss. Nilayo niya ako sa kanyang mga kasama. "Ganito lang ang bihis natin pero matinong trabaho 'to. Kailangan mo lang mag alok ng alak sa customers ng bar na'to. Maglambing ka kung kailangan. Baka mabigyan ka pa nila ng tip. Hindi ba nangangailangan ka?"
"Pero hindi ganito." Singhal ko pabalik.
She laughed without humor. "Sa tingin mo mabubuhay ang mga katulad natin sa prinsipyo lang? Hindi ka mapapakain niyan. Isa pa, hindi natin ibebenta ang sarili natin. Gagamitin lang natin ang social skills natin upang makabenta ng produkto. Kaya ano ang inaarte mo? Madumi tingnan pero alam natin sa sarili natin malinis tayo."
Natahimik ako.
"Gusto kitang tulungan dahil pareho tayo ng pinagdadaanan. Hindi ako mabubuhay sa scholarship lang."
Sinara niya ang pintuan ng stall. Padabog. Narinig kong nagpaalam ang kanyang mga kasama na mauuna na sila sa labas. Sumara ang pintuan ng dressing room. Tumahimik ang paligid.
"Magbihis ka na dyan." Sinabi ni Georgina mula said kabilang stall. "Sikmurain mo nang magkalaman ang iyong sikmura."
Tinignan ko ang hawak kong paperbag. Laman nito ang damit na binigay ni Georgina. It was a mini black dress. Humigpit ang hawak ko sa malambot na tela nito. Hindi ko magawang gumalaw. Did I really stoop this low? What happened, Denise?
Binaling ko ang tingin sa itaas upang pigilan ang nagbabanta kong luha. Damn it, don't be a baby. Grow up. This is the real world. Huminga ako ng malalim. Kaya ko ito. Isang gabi lang. Makakaya ko ito.
--
The dress was too tight. The previously soft fabric was now a nuisance to my sweaty skin. Halos hindi ako makahinga ng maayos. Panay ang hila ko upang matakpan ang aking nakalitaw na binti. Ngunit kahit anong gawin ko nananatiling ang pang upo ko lamang ang kaya nitong takpan. Inayos ni Georgina ang buhok ko at tinulungan akong maglagay ng make up.
"You're twenty pero maglagay lang ng lipstick hirap na hirap ka pa." Puna niya.
I wanted to come up with a retort. But my mind was too chaotic. Hindi ko gustong tingnan ang sarili ko sa salamin.
"Yong mga customer dito, mga businessman, politiko, at kung sino sino pang sa pera umiikot ang mundo at pagkatao. Bigyan mo ng free taste. Bolahin mo. Konting kwentuhan. Nandito sila para maglustay ng pera. Kapag nakuha mo ang loob, ibibigay nila ang credit card nila. Swipe mo agad sa machine bago pa magbago ang kanilang isip. Maipapadala ang binili nila sa address na nakalagay sa kanilang credit card. We call it social marketing."
Lumabas kami sa dressing room. Kinailangan naming dumaan sa masikip na hallway bago tuluyang makatapak sa bar. Hindi ako komportable sa suot ko. The fabric keep sticking to my skin.
Nauna si Georgina sa paglalakad. Nang muli siyang lumingon may hawak na siya. It looked like a belt.
"Isuot mo ito. Ang mga tray ng alak nasa counter." Tinuro niya ang kabilang dulo ng kwarto. "Bahala ka na."
Iniwan niya ako. Kinabit ko sa aking bewang ang belt na may maliit na aparato kung saan isa-swipe ang card. Pinagmasdan ko ang paligid. Ibang iba ito sa bar na nakikita ko. There were no dancing sweaty bodies or blaring noise, not even laser lights or artificial smokes. There were only drinks, karamihan sa mga tao ay nakatayo at nag uusap, may tumutugtog ng instruments sa maliit na podium.
Kinuha ko ang tray na may lamang iba't ibang klase ng alak na nakalagay sa maliliit na baso. Bawat baso may pangalan. Bawat pangalan at paraan ng pagbigkas nito ay nakalagay sa notes na binigay ni Georgina. Hindi ito nalalayo sa pag aalok ng free taste.
Nakita ko ang iba ko pang mga kasama. Some of them were seating side by side with old businessmen or young bachelors. They giggled as if hearing something amusing. But I can see the roll in their eyes they were trying to hide.
I approached my first table. I tried to smile. It was far from a natural smile but it was better than nothing. Naging mabait ang mga unang customer sa akin. Nakipag kwentuhan sila at tawanan. I even had a few laughs. Nakabenta ako ng dalawa sa apat na nakaupo sa table. They also gave me a hefty tip. Maybe this is not that bad.
Pareho akong nakabenta sa magkasunod na table na pinuntahan ko. Masyado akong nafocus sa aking ginagawa. Gusto kong malaki ang aking kitain ngayong gabi upang maging huli ko na ito. Hindi ko napansin ang pagbabago sa atmosphere ng paligid. Habang lumalalim ang gabi tila mas nagiging mabigat ang hangin. Maybe it was the multiple drinks finally taking effect on the customers. Pero habang tumatagal ang friendly at casual na dating ng lugar ay nagiging mainit at tensyunado. Ang mga kasama ko na kanina lang ay katabi ng mga customers ngayon ay halos yakap o nasa kandungan na sila ng mga ito.
Agad kong hinanap si Georgina. Siguro ay sapat na itong kinita ko ngayong gabi. Kailangan ko ng makaalis. Iniwan ko sa counter ang tray ng mga alak. Hinanap ko si Georgina sa gitna ng mga taong tila wala na sa tamang huwisyo. Napadpad ako malapit sa entrance ng bar. Maya maya pa isang lalake ang nabangga ko.
"Hey, liquor girl."
Tinitigan ko ang lalake. Isa siya sa mga unang naging customer ko. Isa sa mahilig magbiro kanina sa table. He's a bachelor in his mid-twenties. I tried to smile.
"Hi, sir."
He smiled a loop sided smile. Nakapolo ito ng navy blue. Maayos kahit medyo mahaba ang kanyang buhok. Light stubble sprinkled his chin. Nakikita ko sa kanyang mukha na lasing na ito.
"Come sit with me."
"Pasensya na, hinahanap ko ang kasama ko." Mahinahon kong sagot.
He frowned. His gestures became serious. "You were enjoying my company a while ago. Found an old hag wealthier than me?"
Napakurap ako sa kanyang sinabi. "Excuse me?"
He smiled a malicious smile. "Ah, the feisty one."
Hinawakan niya ang aking kamay. Automatic na hinigit ko ito pabalik. He gripped my arm tighter. Halos bumakat ang kanyang palad sa balat ko. Nanlamig ako nang maramdaman ang palad niya sa aking hita. My mind went blank.
Namalayan ko nalang na nasa pader na ako habang kaharap siya. Hindi ako makagalaw. The previous traumatizing experience knocked my senses out.
"I wonder how you sound in bed."
Napantig ang aking tenga. Doon tuluyang bumalik ang aking diwa. Tinulak ko siya ng malakas. Napaatras siya dahil sa pagkabigla. Pero agad siyang nakabawi. He grabbed my hands and pinned both of them on my back. Saka niya ako hinalikan, sa panga, sa leeg, at sa labi. I struggle, I kicked, I even screamed. Pero tila walang naririnig ang mga taong nasa aking harapan. My eyes were blurry as I continue to free myself from his grasp.
"That's enough."
Isang familiar na boses ang aking narinig. Boses na hindi ko inakalang maririnig sa lugar na ito. Naglakad siya papunta sa kinaroroonan namin. There was an half empty glass of liquor in his hand. Binaba niya ang baso sa nadaanan niyang table nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Lumapit siya sa lalakeng nasa harap ko. Walang pasabing hinigit niya ang dalawang braso nito mula sa likod gamit ang isang kamay. The guy's body jerked forward. Napasigaw ito. Halos marinig ko ang pagkabali ng buto dahil sa ginawa ni Landon. Landon's expression remained constant as he stared at me.
"How dare you lay your filthy finger on my property?" He said to the guy. The guy mumbled a curse. Hinampas ni Landon ang mukha ng lalake sa pader na nasa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko.
"Landon..."
"No other man's lips could remain unharmed after kissing you."
Binitawan niya ang lalake. Bumagsak ito ng paluhod sa sahig. Dumudugo ang mukha nito. Wasak ang kanyang labi. Natigilan ang mga taong nakakita sa nangyari. Landon dragged me out of the place. Hindi ko magawang magsalita. Ngayon ko lamang siya nakita nang ganito. He was mad and perilously dark. Halos kaladkarin niya ako papunta sa parking lot. Nang makarating kami sa tapat ng isang familiar na sasakyan pabalang niya akong binitawan. Hinugot ni Landon ang belt na nasa bewang ko.
"Ito ba ang kailangan mo?"
Tukoy niya sa aparatong ginagamitan ng credit card. The calm and composed Landon was gone. Hinampas niya ito sa sementadong parking lot. Nagkanda pira-piraso ito.
"You would go to such extent for this?" He exclaimed. "Magkano ba ang kailangan mo, Denise? Kaya kitang bayaran nang higit pa sa kaya nilang ibigay. Name your price. Magkano ka ba-"
Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa parking lot. Tuluyang tumulo ang aking luha habang nakatitig kay Landon.
"I will never... be that kind of person. You may sold me my life. But my dignity will remain with me."
Tumalikod ako at tuluyang umalis. Pinahid ko ang takas na luha at derechong tumingin sa daan. Sinubukan kong tumawid. Pero masyadong nanghihina ang aking binti at nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha. Tuluyan akong umupo. Wala na akong lakas. Mama, sorry. Hindi ako nag iisip. Hindi ko dapat ito ginawa.
Yumuko ako upang pigilan ang aking luha. Cold morning breeze nipped every inch of my exposed skin. I need to put it together. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon. Hindi pwede...
Isang bagay ang naramdaman kong nalaglag sa aking balikat. A black leather jacket. Bumalot sa aking nanlalamig na balat ang init nito.
"Get up."
It was the voice of Landon. Hindi ko namalayan na sinundan niya ako.
"I'll drive you home."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro