Chapter 14: Drunk and Heated
Chapter 14: Drunk and Heated
Hindi ko na muling nakausap pa sina Justin matapos ang araw na yon. Hindi na nila ako hinihintay o niyayang lumabas matapos ang klase. Tuwing nasasalubong ko sila, humaharap sila sa hawak nilang cellphones, o makikipag usap sa katabi. They acted like I was nothing. And I did the same.
Nakahiga ako sa kama noong gabing yon. The week was almost over. Gusto ko ng magpahinga. Nakaidlip ako habang hawak ang cellphone ko. I was too exhausted I didn't even get to secure the apartment before I hit the hay.
Naalimpungatan ako noong tumunog ang aking cellphone. Kinapa ko ang bed sheet kung saan ko ito nabitawan. I held it against my ear.
"Hello?"
Sinilip ko ang screen ng phone. I winced due to the blinding brightness. Nakita ko ang oras. Ala una ng madaling araw.
"Hello?" Ulit ko.
The number was unrecognized. Narinig ko sa background ang ingay. Ilang mga boses. Beat of loud music.
"Ah, finally. My lady answered the phone."
Sa unang mga salita pa lamang ay alam ko na kung sino ang aking kausap. Siya lamang ang kayang magbigay ng ganitong reaction sa akin. A few words and I was breathless.
The beat on the background was defeaning. But his smooth baritone voice stood out. Automatiko na dumako ang aking daliri sa cancel button.
"Wrong number."
Tatapusin ko na sana ang tawag nang marinig kong humalakhak si Landon. Kahit kausap ko lang siya sa kabilang linya hindi ko maiwasan na mangilabot dahil lamang sa kanyang tawa. That deep, sexy, chuckle of his.
"Come on, Denise. We both know where that dread in your voice is reserved for."
Humigpit ang hawak ko sa telepono. He knew so well his effect on me.
"I own you, every goddamn part of you, and whatever I tell you to do, you do it. Don't be a little bitch."
"I'm not your fucking slave."
"Ah, you and your filthy mouth." sinabi niya. "Too bad you're not in front of me right now so I can shut your mouth with mine until all I have to hear is your voice moaning my name."
My hands trembled due to severe hatred for this man.
"I'll see you in Brenton in fifteen minutes."
Namatay ang tawag. Landon ended the call. Napatitig ako sa kawalan. Damn him.
Nanatili akong gising ilang minuto matapos ang tawag. Ang Brenton ay ang bar kung saan huling nakitang may malay si Elyse. I've never been in that place since the incident. But now I'm forced to go by the devil if I want my bestfriend back.
--
Pinagmasdan ang makukulay na neon signs sa gilid ng daan. Labas pasok ang mga tao sa mga establishment. Alas dos na ng madaling araw pero buhay na buhay parin ang parte na ito ng lungsod.
Pinahinto ko ang taxi sa tapat ng isang familiar na signage. It was a gold and silver signage. The most elegant by far. Brenton is a high end restaurant by morning and a chic club by night.
Bumaba ako sa sasakyan. Halos mabingi ako sa magkahalong ingay at musika mula sa club at bar na makikita sa kalyeng ito. Tanging ang taxi kung saan ako nangaling ang public vehicle na makikita sa lugar. Karamihan sa mga nakaparadang sasakyan ay pribado at mamahalin.
Isang grupo ng mga kababaihan ang nasalubong ko. They were giggling and tipsy as they made their way toward the cars lining the parking lot. They wore flimsy dresses and expensive looking clothes, their hair and face made up for party, smocking, red, and mysterious alluring in the dark.
Brenton has a dress code. Kaya naghanap pa ako ng matinong maisusuot para makapasok. I replaced my jogging pants and oversize shirt with a decent black dress and a jacket on top. That was why it took me more time than intended.
Pumasok ako sa pintuan ng club. Pinagmasdan ako ng matangkad na bouncer mula ulo hangang paa. I don't fit in in this place. I don't intend to. Maya maya pa tumango siya. Tuluyan akong pumasok.
Halos maubo ako sa hangin bumungad sa akin. The smell of alcohol and cocktails, cigarettes and sweats, and those artificial smoke and lighting almost knock me off my feet.
A party song was playing on the background. It was deafening. Pilit akong nakipagsiksikan sa mga tao upang hanapin ang lalakeng dahilan kung bakit ako nandito. Hangang sa nakita ko ang familiar niyang mukha sa gitna ng mga tao.
Nasa kaliwang sulok siya ng bar, sa isang booth na may tatlong mahahabang sofa na nakaharap sa isa't isa. Nakatayo ang ilan sa kanila sa gitna at nagsasayawan habang siya ay nakaupo sa sulok. Isang babae ang nasa kandungan niya at busy na hinahalikan ang kanyang leeg. May hawak siyang sigarilyo sa isang kamay at ang isang palad ay nasa hita ng babae.
I took a step back. Bakit niya ako pinapunta dito? Dahil sa nakikita ko mukhang hindi niya ako kailangan. Naramdaman ko ang pagpintig ng aking sintido. A familiar reaction whenever he's messing with the contract.
Napansin kong tumigil ang babaeng nasa lap niya. Humarap siya kay Landon, nagtatanong. May binulong si Landon sa kanya. The woman frowned. Maya maya pa ay bumulong din ito. Tumango si Landon. Dahan dahang umalis ang babae sa kandungan ni Landon, nang-aakit sa huling pagkakataon. Binaba ni Landon ang hawak na sigarilyo sa ashtray, kinuha niya ang basong may lamang alak at ininom ito.
Kinuha ko itong pagkakataon upang puntahan siya. Nanatili ang tingin ko kay Landon habang dumadaan sa gitna ng mga nagsasayawang tao. Hindi ko gustong tumitig pero hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa gitna ng madilim na paligid ay naaaninag ko lamang ang kanyang mukha. But his mere presence was enough to require attention, to require space in a person's sight.
Nilislis niya ang sleeves ng suot niyang polo hangang siko saka sumandal sa sofa. Hindi ko alam kung nakita na niya ako. Tumatama ang makukulay na ilaw sa kanyang katawan. Napapatingin ang ilang babaeng malapit sa kanilang table. His mysteriously ragged face, ang matatalim na titig ng kanyang mga mata, kung paano siya umupo na tila sa kanya ang lugar at paano siya napapangiti kapag nakikitang may natatakot na salubungin ang tingin niya. He's Landon Clifford Monaghan, the devil, he loves instilling dread to anyone that comes his way.
Napatingin sa akin ang mga babaeng kasama niya noong makalapit ako. Ganoon din ang ilang lalakeng nasa kabilang table. Malamang ay nagtataka sila kung anong ginagawa ng babaeng tulad ko sa lugar na tulad nito. Pinagmasdan ako ni Landon habang prenteng nakaupo sa sofa, his piercing eyes, somewhat more dangerous looking because of the dark surrounding, lazily scanned my body. Napansin ko na tila may kakaiba sa kanya. The playful glint in his eyes was gone.
"Finally, you're here."
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko.
Tila natawa siya sa uri ng pagbati ko. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa sofa at inabot ang kamay ko para hilain. Halos mawalan ako ng balanse dahil hindi ko inaasahan ang physical na galaw na ito. I thought he's going to fire me with the same sordid words.
Napaupo ako sa kandungan niya. Agad kong inalis ang sarili ko mula sa pagkakadikit sa kanyang katawan ngunit hindi niya ako hinayaan. His lean arms snaked its way around my waist.
"Ah, you smell so damn fine."
Natigilan ako dahil sa position namin. I heard a few snicker from the people around us. Ang mga babaeng nakapaligid sa kanya nakakatitig sa akin. They were all the same, bright thin fabrics hugging their curves, wavy hair on their exposed back. Why am I here? My eyes stung from the smoke and the smell.
Nagbulungan ang mga lalake sa kabilang table. They were talking about me. They seemed to be telling me that I'm not as decent as I want myself to believe I am. Pilit akong umalis mula sa lap ni Landon. Naaamoy ko ang alak sa kanya. Ang pinaghalong pabango ng mga babaeng dumikit sa kanya. Pumatong ang mainit na palad ni Landon sa aking binti. My breathe was caught on my throat.
"Let me go," I hissed.
Ngumisi siya, but it was not his usual humorous smirk. There was something about it, something bothersome.
Naramdaman ko ang kamay niyang naglalakbay pataas sa aking binti. I struggled out of his grasp. Nanginginig ang mga kamay ko. Lasing siya. Pero alam ko na alam niya ang ginagawa niya. Alam niyang binabastos niya ako.
Mas umakyat ang palad niya sa nanlalamig kong binti. Halos mapasinghap ako sa kawalan ng hangin. Kinuha ko ang unang bagay na nahawakan ko mula sa table. Isang basong ng alak. Binuhos ko ang laman nito kay Landon.
Liquor dripped down his face. Napasinghap ang mga taong nakatingin. Nagpapanic na lumapit ang ilang babae kay Landon at tinulungan siya. Kumalas ang hawak ni Landon sa akin. Agad akong tumayo mula sa lap niya. I was flustered and heated. His body heat didn't leave my body.
Hinayaan kong paligiran siya ng mga babae bago nagmadaling umalis mula sa kanilang table. Wala na akong pakialam kung may nababanga ako habang nagmamadaling maglakad. Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito.
Naglakad ako hangang sa tuluyan akong makalabas ng Brenton. The sting I felt in my eyes turned into liquid. Warm tears blurred my vision. Marahas kong pinahid ang aking mga luha.
Nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat, huminga ako ng malalim. Pinigilan ko ang aking hikbi. Get yourself together, Denise. You are better than this.
I should have expected this from Landon. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. But it was a new kind of low. Kahit kay Landon ay hindi ko ito inasahan. Muli kong pinahid ang takas na mga luha bago tumungo sa parking lot. Ang larong ito... hindi ko na alam kung kailan ko pa ito matatagalan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro