Chapter 12: The Punishment
Chapter 12: The Punishment
Hindi ako makapag concentrate sa mga sumunod na araw matapos malaman kay Yllona ang nangyari. Landon came back to the party to face his father’s wrath. Ano ba ang iniisip niya? Nababaliw na siya. O baka naman sinadya niya talagang galitin ang kanyang Ama at ginamit niya lang ako. Good for him then. He must have fulfilled his purpose.
Pero kahit ano pang dahilan ang isiksik ko sa isip ko alam kong kahit paano may kasalanan ako sa nangyari. Hindi magiging ganito kalala ang sitwasyon kung naging maingat lang ako. Punishment. Ano ba ang tinutukoy na punishment ni Yllona? Pakiramdam ko talaga may pina-plano ang pinsan niya. I know there is something hidden behind those venomous smile. Maaaring nagsisinungaling lang siya. But knowing the Monaghan’s and their bizarre family, possibleng mangyari ang kanyang sinabi.
Napagdesisyonan kong pumunta sa bahay ni Landon noong araw na yon. Mabuti pang tingnan ko kung buhay pa siya o kung may aasahan pa akong tulong sa kanya pagkatapos ng mga nangyari. Hindi matatapos ang contract namin kung patuloy ang ganitong sitwasyon.
Nang matapos ang lahat ng klase ko nagabang agad ako ng masasakyan sa labas ng campus. Habang nasa taxi inalala ko kung saan nakatira si Landon. Sinabi ko ang address sa taxi driver. Tinitigan niya ako mula sa rearview mirror. Napansin ko na nagtaka siya kung ano ang pakay ko sa lugar. Pero sa halip na magtanong ay nagpatuloy ito sa tahimik na pagmamaneho.
Lumipas ang halos kalahating oras bago huminto ang sasakyan. Sumilip ako sa labas ng bintana. Nasa isang kalye kami na pinaliligiran ng matatatas na puno. Maayos at pantay ang pagkakatubo nito sa gilid ng daan. It looks like we’re on a private property. Kung hindi ako nagkakamali ganito ang daan na patungo sa mansion ni Landon. Secluded. Madaming puno. Makitid ang daan.
“Hangang dito nalang, Miss.” Sinabi ng driver. “Hindi na ako pwedeng lumampas sa paanan ng property na ito. Pribado na.”
Tinuro niya ang daan na nasa harapan namin. Pinagmasdan ko ito. Halos ilang daang metro pa ang kailangan kong lakarin para lamang makarating sa dulo. Hindi ko mapigilan na bumuntong hininga. Rich people with this rich ass properties. Bumaba ako matapos magbayad. Nang makaalis na ang sasakyan bumalot sa akin ang tahimik na paligid.
Ngayon ko lang napansin na napaka secluded ng lugar. I was too occupied with my annoyance with Landon the first time he brought me here. Kaya hindi ko napansin ang mga bagay na tulad nito. Nagsimula akong maglakad. Makulimlim ang langit at nagbabadya ang ulan. Wala akong balak magtagal sa lugar na ito. Gusto ko lang malaman kung may patutunguhan pa ang kontrata namin.
Ilang minuto ang lumipas bago ako nakarating sa tapat ng mataas na gate at pader ng kanyang bahay. Hindi tulad ng family mansion ng mga Monaghan na nakaukit ang pangalan ng pamilya sa gate ng property, sa kanya halos walang desenyonng nakalagay. It’s a black smooth steel. The walls are bare. At tanging ang mga puno sa paligid ang nagbibigay kulay sa lugar.
Pinindot ko ang doorbell. Walang sumagot. Supposed to be ay pagbubuksan na ako ng butler or guard. Pero masyadong tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Sa panglimang subok ko alam kong kahit buong araw pa akong magpindot dito ay walang sasagot. Sinubukan kong kumatok sa gate. Hindi ko inasahan na bumukas ito sa pagkakatulak ko.
Pumasok ako sa loob at muling sinara ang gate sa likuran ko. Ang tunog nito ang tanging sumira sa katahimikan ng lugar. Pinagmasdan ko ang mansion na nasa harapan ko. Hangang ngayon hindi ko parin mapigilan na humanga. This mansion is really huge. It’s a shame na nasasayang lamang ito sa taong tulad ni Landon na umuuwi lamang para maguwi ng babae.
Dumerecho ako sa front door. Nakapagtataka na walang tao akong nakakasalubong hindi tulad noong unang araw ko dito. Where are the maids? The silence was deafening. Masyadong malaki ang lugar na ito para maging ganito katahimik. Now I’m not even sure if there’s someone here.
“Hello?” tawag ko sa loob ng mansion. Even the front door is carelessly unlocked. “May tao ba dito?”
The only response I got is the sound of a lone bird outside the window. Huminga ako ng malalim. I know I should probably get going. Baka makasuhan pa ako ng trespassing sa ginagawa ko. Pero alam kong may hindi tama dito. The sight, the empty mansion, the silence, it’s unsettling. Was this all part of the punishment Yllona is talking about? Sa gitna ng katahimikan isang ingay ang narinig ko. Mahina lamang ito at hindi mo mapapansin kung hindi lamang sobrang tahimik ng paligid.
Umakyat ako sa second floor. Mula sa glass windows ay nakikita ko ang unti unting pagkulimlim ng langit na tila ba ano mang oras ay babagsak na ang ulan. Nagmadali akong hanapin ang pinangalingan ng ingay. Kusang huminto ang paa ko sa tapat ng isang bahagyang nakabukas na pintuan. Mula sa maliit na siwang nito makikita ang isang maluwang na kwarto. Maaliwalas. Mahahalata kung gaano kalaki ang glass window na nasa kwarto dahil sa natural na liwanag na binibigay nito. Isang puting bagay ang napansin ko sa sahig. Tela. A bed sheet. Tuluyan kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. At halos mapaatras ako sa nakita.
Why feet was suddenly glued on my spot. Sa loob ng kwarto ay tatlong bagay lamang ang makikita. A king size bed, a bedside table with a single chair, and a black modern lamp. Pinagmasdan ko ang bed sheet na nasa sahig. Kalahati nito ay nananatili sa kama at nakatakip sa katawan ng isang familiar na lalake. Nakadapa ito sa kama at tanging ang sheet ang tumatakip sa kalahati ng kanyang katawan. From his well-defined biceps up to the bareness of his shoulder, and architectural muscles on his back trickling with blood and sweat.
Landon. Kung hindi lamang sa sitwasyon, iisipin kong isang angel ang nasa harapan ko. A sinful angel. Nakadapa siya sa kama at tanging puting tela ang bumabalot sa kalahati ng kanyang katawan. But this is far from your sweet fairytale. It’s a dark tale. Dahil sa kanyang likod ay makikita ang ilang mahahabang sugat. Whip. Hindi ako pwedeng magkamali. I know a wound cause by a whip when I see one. Mahaba, malalim. It was almost covering his whole back.
Kung ganoon hindi nagbibiro si Yllona. This family is damn crazy. Lumapit ako kay Landon. Hindi ko sigurado kung may malay pa ba siya o buhay pa. Sinubukan kong sipain ang kama baka sakaling malaman niya na nandito ako. Pero nanatili siyang nakadapa. Mukhang matagal ng hindi naaasikaso ang kanyang mga sugat. Kailan pa siya ganyan?
Hindi ko mapigilan na makaramdam ng panic. Bakit walang tao sa mansion? Siya lamang ba ang nandito? This kind of punishment is inhumane. Natigilan ako nang gumalaw ang katawang nasa harapan ko.
“Landon.”
Nothing. No response. Huminga lamang siya ng malalim. Nakahinga ako ng maluwag kahit paano. At least I know he’s still breathing. Lumabas ako sa kanyang kwarto. Kailangan kong mag isip. Kailangan ko siyang dalhin sa Hospital. But are they even allowed? Bumaba ako sa sala at hinanap kung nasaan ang kusina. I have live alone long enough to know what to do in this kind of situation. Nang makapasok ako sa kusina, binuksan ko ang lahat ng drawers at pantry hangang sa makita ko ang hinahanap ko.
Bumalik ako sa kwarto ni Landon. He’s still stationary but breathing. Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang first aid kit. Tuluyang bumagsak ang malakas na ulan sa labas. Alam kong kahit hindi umulan ng malakas ay hindi parin ako makakauwi ng maaga tulad ng plano ko. Hindi maatim ng konsensya ko na iwan si Landon. I may have a sinful vocabulary and a cold personality, but I’m no devil.
Nagsimula akong gamutin ang kanyang sugat. His wounds were disturbingly deep, namumuo ang dugo sa gilid nito, while fresh blood ooze out of his skin. Lumipas ang buong gabi na tanging yon ang ginagawa ko. Hangang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Naalimpungatan na lamang ako na nakasandal ang ulo sa kama at kaharap ang natutulog na mukha ni Landon. Napaatras ako ng bahagya. I was disoriented for a moment. Napatingin ako sa madilim na bintana. I caught sight of the time. Two in the morning.
Bumuntong hininga ako. Nagkalat ang basin, first aid kit, at mga bandages sa sahig. Pinagmasdan ko si Landon. Binabalutan ng makakapal na bandages ang kanyang likod. Napansin ko ang pag iba niya ng pwesto sa kama. Ibig sabihin nagising siya habang tulog ako. It means nagkamalay na siya. Napatitig ako sa kanyang mukha. Even in his sleep he looks intimidating. His thick eyebrows, the sharpness of his jaw, the fullness of his lips, and even the light sprinkle of stubble on his chin. Ragged, brooding, dark. A presence that demands attention even in his sleep. The same sight that women he slept with wake up to.
Napatingin ako sa labas. Umaambon parin. Tumayo ako mula sa silya. Alam kong mahihirapan na akong makatulog ulit nito. Paalis na ako sa paanan ng kama nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa akin. Natigilan ako at halos hindi nakagalaw. Tila bumalik ang familiar na kaba sa dibdib ko tuwing kaharap si Landon Monaghan. Tuluyan akong lumingon sa kanya. Landon’s staring at me. He’s fully awake. Unti unti siyang umupo sa kama. Doon ko napagtanto na tanging bed sheet lamang na nasa kanyang bewang ang maaaring bumabalot sa katawan niya. Mahahalatang nahihirapan parin siya.
“No wonder this room is enveloped in human stench.”
Napaatras ako ng isang hakbang. I admit, Landon is way more intimidating now compare to the last time we had an interaction. Pakiramdam ko ay may nagbago sa kanya. Halos manlamig ako nang muli niya akong hinila. Halos matumba ako sa paanan niya.
“Tell me, Denise. What brought you here?”
Kahit sa nanghihinang boses ay hindi maipagkakaila na ganoon parin ang epekto ng kanyang boses sa akin. The smooth baritone drawling voice of his. Every word that comes out of his mouth seems like a sin.
“Let me go.”
Tila natawa siya sa sinabi ko. Damn it. This is why I would rather see him covered in wounds than this fucked up devil in front of me. Ngayon malaya na ulit siyang nakakagalaw. He’s too unreliable to even know if I’m safe with him.
“You’re playing a dangerous game here, Denise.”
“What are you saying?” Pilit kong tinago ang intimidation sa boses ko.
“You don’t help a beast. You let them suffer. It’s what humans like you should do.” Halos mangilabot ako sa tingin niya. Mas hinila niya ang aking kamay hangang sa tumapat ang kanyang bibig sa tenga ko.
“Run.”
Halos magpumiglas ako. Nang mabitawan niya ako, agad akong lumayo mula sa kanya. Gusto kong matawa. This is the Landon Clifford Monaghan I know. Ngayon sigurado akong bumalik na siya sa dati. Tumalikod ako upang lumabas mula sa pintuan. Ngunit isang kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko at pilit akong pinaharap. The sudden movement caught me off guard. Naramdaman ko nalang na tumama ang aking likod sa salaming bintana. I gasped. The glass rattled with the impact.
“Too late, Denise.”
Landon was staring at me the way a lion stares at his prey. The slight jerk of his head, the predatory lust in his eyes, and his gleaming white fangs. Ngayon ko na lamang ulit nakita ito sa kanya mula noong gabing yon. Ang gabi kung saan nangyari ang kasunduan namin.
“Damn, you smell so fine.”
“Damn you! I should have let you suffer alone!”
“Why didn’t you?”
Sa tanong niyang yon pakiramdam ko gusto niya talagang malaman ang totoong dahilan. Behind the lust in his eyes is confusion, curiosity. He stared at me while both of his arms trapped me in place.
Mariin ko siyang tinitigan. “I fucking hate you. I hate everything you represent. Recklessness, irresponsibility, danger. You go around playing games with people. Stringing women like fucking necklace pieces. I despise you. But unlike monsters like you, I have guilt.”
For a moment tinitigan niya lamang ako. An unrecognizable expression crossed his face. And then he chuckled. A dark menacing chuckle. Like he was expecting it. Like he just proved something.
“Don’t be the saint here, Denise. I need you and you use me. It was a business arrangement, wasn’t it?”
Natigilan ako sa sinabi niya.
“And I fucking need you right now.”
Halos mawalan ako ng hininga nang diniin niya akong lalo sa salaming bintana. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig ulan mula dito. Dumako ang kanyang palad sa bewang ko at ang isa ay sa aking leeg. Landon’s movements were rough. Hindi ko mapigilang uminda. Tuluyang sumayad ang kanyang labi sa aking balat. Halos mapasinghap ako. My first reflex was to push him away. Pero tumigil ang mga kamay ko. Because he was right. I only helped him so I can use him. This is a business arrangement. I’m his blood source.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Pilit kong sinalubong ang titig niya. Hangang sa napapikit ako nang maramdaman ang pag baon ng dalawang matulis na bagay sa aking balat. Kinagat ko ang aking labi at humawak sa salaming nasa likod ko upang pigilan ang pag alpas ng ingay mula sa aking bibig. Narinig ko siyang nagmura ng mahina.
His fangs dug deeper into my skin. Halos umangat ang katawan ko dahil sa sakit. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay. Nanginig ang aking katawan. My breathing became shallow and hoarse.
Halos maluha ako dahil sa sakit. I can almost feel the blood being sucked out of my flesh. Maya maya pa ay isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. A strange nerve-wracking sensation. Napahawak ako sa balikat ni Landon. Hindi ko alam ang aking gagawin. It feels like I’m about to be hit by something. Napatingala ako. Naramdaman ko ang kamay ni Landon sa aking katawan. Gusto kong isigaw ang pangalan niya.
This is like a drug. This is too much.
Tuluyan akong nawalan ng lakas. Halos nakayakap na ako kay Landon. Hinihingal. Pinagpapawisan. Landon retracted his fangs out of my flesh. Naramdaman ko ang patak ng mainit na dugo sa aking balat. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan na tila nakaahon mula sa pagkakalunod. Halos mapaupo ako sa sahig dahil sa panghihina.
Pinanood ako ni Landon. There was a satisfied smile playing on his wicked lips. I stared at him with all the hatred I could muster. Pero tila mas na-amuse lamang siya sa sitwasyon. Umupo siya sa tapat ko. Tinitigan niya ako bago nagsalita.
“Nice having business with you, Denise.”
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro