Chapter 10: A Dance with a Devil
Chapter 10: A Dance with a Devil
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. This is bad. This is so bad. I've never been this presentable my whole life. I've never been in a dress like this. There are only two kinds of garment I usually wear beside the basics; it's either jeans or a shirt. Not this— this silky piece of cloth.
"Did Landon already bed you?" Napanganga ako sa tanong ni Yllona habang pinagmamasdan niya ako sa salamin. "Cause you don't look like those girls he usually associated himself with."
"No!" I exclaimed. "Why would he do that?" Subukan niya lang. Matatapos ang lahat ng ito kapag ginawa niya yon.
"Cause he owns you?" she said in a 'duh' tone.
"It's a blood contract. Not a physical contract." I pointed out. "May mga rules kaming napag usapan."
"Like what?" Inayos niya ang strands ng buhok ko na naka-braids paikot sa ulo ko. To give me a feminine look to moderate the sexy outfit, she said.
"Three months. We only have three months. Kapag natapos na yon, palalayain na niya ako." And Elyse would be the next. My stomach made a deep caving motion as if severely guilty.
"And we will never have anything other than the process of blood contract." I pointed out.
Hindi siya mukhang naniniwala sa akin. "Then why are you here? This is not part of the contract."
Hindi agad ako nakasagot. "Hinila niya nalang ako at dinala dito." sinabi ko. "It's not like I have a choice."
"And that would be the same." she muttered. "Humans are losers when it comes to Landon's manipulative game. You'll eventually give in." Halos mapanganga ako sa sinabi niya.
Bakit ba para sa kanila napaka normal ng lahat? They are too open minded, it's not even funny. Maya maya pa, umalis na ako mula sa harapan ng salamin. Subalit natigilan ako nang muling magtanong si Yllona.
"How many times a week? The blood contract itself?"
"Is there a certain interval?"
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "Of course. He's not going to do it every day. Manghihina ka."
"Oh." tanging nasabi ko.
Napatango si Yllona. "It seems like he's still going easy on you. Consider yourself lucky." she commented before opening the door for the both of us.
Consider myself lucky? I asked sardonically to myself. Is this the uttermost luck I can have? I'm in a household full of vampire. I don't even know if I will make it out alive. Should I feel privileged?
Napahawak ako sa kwintas na binigay sa akin ni Yllona kanina bago umalis si Landon sa kwarto. It was a long thin silver chain necklace with a huge red and blue crystal pendant. Sinabi niya na pang iwas yon sa mga hexes na pwedeng nagkalat sa paligid since every party has its own surprises.
"Don't worry, Denise. Mababait naman ang iba sa kanila." she assured me nang pababa na kami sa hagdan. Iba sa kanila? At least I know I have her, and Landon, and maybe her twin, River— that would be less three people to kill me in this eerie place.
Bumalik kami sa paglalakad sa dimly lit na loob ng mansion. They are already here. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang mga magulang, ang magulang ni Landon, at ang Aunty at Uncle niya, who, according to her, are the hosts of the event.
Tumapat kami sa makapal na tela na naghihiwalay sa amin at sa labas. Ngayon ko napagtanto na isa yong theater style curtain na nakalagay sa glass door papunta sa maluwang na patio sa likod. Vampires, they love drama.
Paghawi niya ng kurtina, agad kong naramdaman ang presence ni Landon sa tabi ko. May isang lalake din ang tumabi kay Yllona. "Where have you been?" narinig kong tanong nito. "Oh, just somewhere." muttered Yllona.
River on the other hand was busy talking to some girl siting on a nearby table. Nakakasilaw ang liwanag, pero nang mag adjust na ang paningin ko, narealize ko na dimly lit pa ito kompara sa normal na party.
Noong una normal lang ang mga tao na tila ba hindi kami napansin. Hinawakan ni Landon ang braso ko at ginaya ako sa malapit na table. It was so eccentric to hold an evening party at the edge of the woods.
Isang lalake ang napansin kong nakatayo sa bandang harap malapit sa amin. Nakikipagusap siya sa dalawang matanda. Ang isa ay medyo chubby na babae na nakasuot ng matingkad na pula at purple na damit. Ang isa naman ay lalakeng matangkad, nakasalamin, at kasalukuyang nagsasalita.
Bumalik ang attention ko sa unang lalake. Litaw litaw ang tindig niya sa gitna ng mga tao. Nakakunot ang noo nito at hindi nagsasalita habang may sinasabi ang kaharap nito. He reminds me of someone. Napalingon ako sa katabi ko. The older version of Landon Monaghan.
Biglang umihip ang hangin sa kakahuyan. Napansin ko na tumigil ang tatlo sa pag uusap. Mas kumunot ang noo ng older version ni Landon. Halos mapasinghap ako nang bigla silang lumingon sa akin. Shit.
Humigpit ang hawak ko kay Landon. Maging siya ay napansin na ang mga tingin nila. Naglakad sa amin ang lalake. Sumunod ang dalawang kausap niya kanina. Pinagmasdan ako nito at bumaling kay Landon.
"A human? Really, Landon?" he asked, his voice coated with venom and sarcasm. They're intimidating. Pakiramdam ko wala akong karapatan na huminga ng parehong hangin kasama sila.
"Nicholai, dear. Hwag naman ngayon." sinabi ng matanda na may makulay na damit. Napatingin ito kay Landon. "Landon, hijo."
"Aunt Madela, Uncle Utsaah." bati ni Landon sa dalawang taong nasa likod ni Mr. Nicholai.
"Mabuti nakapunta ka." said the Uncle. "At sino naman itong kasama mo?"
"A human, Utsaah." si Mr. Nicholai ang sumagot. "My goddamn son brought a human in the premises of my house." Son, oh.
"Calm down, Nicholai. It's not like it's the first time." said Aunt Madela. Hindi ko magawang tingnan sila sa mga mata. I have a feeling that I would be disrespecting them if I do so.
"Landon, if you want to ruin my night, you don't have to bring a filthy human in front of me. Your presence is enough."
Napakurap ako sa sinabi niya. Excuse me? Pakiramdam ko napantig ang tenga ko. It's not the fact that he called me a filthy human. Wala akong pakialam doon. Pero kung itrato niya ang anak niya, wow. I never thought that a father would ever tell his son things like that.
Pero sa halip na matigilan tulad ko, napangisi lamang si Landon. This is what he's natural attitude feels like. Arrogant, confident. Pero sa mga oras na ito, hindi ko maiwasang isipin na lahat ng yon ay defensive mechanism lang. Tulad ngayon, he is trying to be superior para mabalewala ang mga narinig niya.
"I feel privileged, Father. Ruining your precious night is an outmost honor." he retorted. He was menacingly relaxed that it alarms me. I've never seen him this... sinister. Like a sudden movement can kindle him to do a mass murder.
"It looks like you run out of strippers, hoes, and sluts, to bring. So you brought something close to a..." Pinagmasdan niya ako mula ulo hangang paa. "... decent servant."
Servant. Paulit ulit itong tumatakbo sa isip ko. It was still more decent than the other three words but still. Hindi ko gusto na naiipit sa bangayan ng mag ama na ito. Ano bang problema nila? Kung ako ang may ganito kalaking bahay at may high class party sa likod every now and then, mamumuhay ako ng payapa.
Napatango si Landon sa sinabi ng Ama. "That's why I'm here, Father." his smirk became wide as if he already know how to win this conversation. "Please tell your poor excuse for a wife to kindly supply me with her kind. They are getting scarce in the city."
Oh God. Did I hear it right? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga narinig ko? What the hell is this family? Range filled the face of Landon's father as if he just pressed a self-destruct button.
"You foolish son!" he bellowed. "She is your mother!"
Nag panic ang dalawang matandang kasama namin. Pilit nilang pinakalma ang Ama ni Landon. "Nicholai, calm down." Maging ang ibang mga bisita ay napapatingin na sa amin.
Pero hindi natinag si Landon. "She is not my fucking mother." he exclaimed, emphasizing every word. "She is just a woman you married after Mom." Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa kami nag evaporate sa harap ng dalawang taong nasa harapan namin.
At kung sa tingin ko ay wala nang mas lalala sa sitwasyon, nagkamali ako. Dahil biglang dumating ang babaeng pinag uusapan nila. Mula sa loob ng madilim na mansion kung saan kami nangaling kanina, lumabas doon ang isang nakapagandang babae.
Nakasuot ito ng pulang dress na abot hangang sa talampakan. Pero nakalitaw ang kanyang likod at halter neck ang style ng damit. She was gorgeous, with her dark red lips, hair in soft brown waves, black stilettoes, and voluptuous curves in all the right places. She has the aura of a beauty queen.
"Nicholai?" Her voice is soft, warm, like honey mixed with a cup of tea.
"Alexandria." Landon's Father exclaimed.
Alam ko agad na ito ang babaeng tinutukoy nila dahil bumakas ang concern sa mukha ng lalakeng walang pakialam sa kanyang sariling anak. Bumaling ang babae kay Landon at sa akin.
"Nandito ka pala, Landon."
Sinubukan nitong ngumiti sa direction ko. Pero bakas sa mukha niya na narinig niya ang pag uusap ng mag Ama. Landon scoffed with the lady's politeness. Hindi siya naniniwala dito.
"Oh, dear." said Aunt Madela to break the ice. "Ayan na. Oras na ng sayawan." masiglang sinabi niya para pagtakpan ang nangyaring gulo kanina.
Pumailanlang sa paligid ang kanta. Nagsimulang magtayuan ang ilang tao sa party kasama ang mga partners nila. Slow dance.
"Dear, bakit hindi mo isayaw ang date mo?" sinabi ni Aunt Madela kay Landon. "Sige na, pumunta na kayo sa gitna."
Halos itulak niya kami palayo sa mag asawang Nicholai at Alexandria. Alam kong ginawa niya lamang yon para hindi na masundan pa ang gulo. Napa 'tss' si Landon na tila ba asar na asar na.
"Landon, are we going home?" umaasang tanong ko.
"No." mariin niyang sinabi habang nakatitig ng masama sa Ama niya. "Hindi matatapos ang gabing ito hangang nakangiti siya."
Napalingon ako sa tinutukoy niya. Bahagyang nakangiti ang Ama niya habang nakikipag usap kay Alexandria. Pilit lamang na ngiti ito pero at least nawala na ang nakakatakot na aura niya. Hindi tulad ng katabi ko na tila makakapatay na ano mang oras.
"Aray, Landon." sinabi ko nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak niya sa wrist ko. "Yong kamay ko."
Tila doon niya lamang na-realized ang intensity ng pagkakahawak niya sa akin. Marahan siyang bumitaw. Akmang uupo na ako sa isa sa mga silyang nakatapat sa mga wooden table na tinatakpan ng puting tela, subalit bigla nanaman niya akong hinila.
"What?" asik ko. Kanina pa ako nakatayo. Mahirap tumayo sa heels na binigay ni Yllona. Nauuhaw na din ako.
"Let's dance."
Kumunot ang aking noo. "Come on, Landon. You didn't mean that." I rolled my eyes. Tuluyan akong umupo sa silya. Inangat ko ang aking kanang paa at pinatong sa kaliwang tuhod ko. Hinimas ko ang aking talampakan.
Kung gagawin niya ito dahil may balak siyang hindi maganda para makabawi sa Ama niya, hwag niya akong idamay. Naramdaman kong marahas niyang binaba ang paa kong nakapatong sa tuhod ko.
"Sit properly. I don't want them staring what's mine." utos niya. Doon ko narealize ang pwesto ko kanina. The slit, shit. Muli akong hinila ni Landon patayo sa upuan. "Come on, let's dance."
"Landon, I swear if you just—"
"I'm not planning anything, damn it. You're so suspicious." iritableng sagot niya. Can he blame me? He's a vampire. They are vicious, cunning, manipulative in nature. Deceptions are their expertise.
Dinala niya ako sa gitna ng dance floor, which is the cemented circle on the middle of the wide grassy lawn. Isa sa mga rason kung bakit ayaw kong pumayag, dahil mapapalapit ako sa ibang mga bisita. Nasa gitna kami ng party at nakatingin silang lahat sa gitna. Did they know? Can they smell me? O natabunan na ang interest nila ng nangyari kanina?
I stood there, stiff like a stick. "Relax, Denise." he breathed on my bare ear. We are back on the intimidating game. Nasa gitna kami ng mga taong nagsasayawan and Landon is becoming his old conceited self again.
"I'm in the middle of vampires dancing a slow dance." I almost shouted in front of his face. "Tell me, how can I calm down?" I hissed. Pero bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig muli ang halakhak niya. Hindi ito pilit na tila ba may pinapatunayan katulad kanina. It's just his usual, hearty, deep chuckle, combine with the earie song.
--
He said, "Let's get out of this town,
Drive out of the city, away from the crowds."
I thought heaven can't help me now.
Nothing lasts forever, but this is gonna take me down
--
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at pinatong sa balikat niya kasabay ng kanta. Saka niya ako hinapit sa bewang para mas lalong mapalapit sa kanya. Halos mabangga ako sa matigas niyang dibdib.
"You're adorable." he stated in his husky voice, whispering in a way that sent shivers down my spine and made the hair on the back of my neck stand. Naramdaman kong hinawakan niya ang nakalitaw na bahagi ng thighs ko mula sa slit at hinila ako palapit sa kanya.
--
He's so tall and handsome as hell
He's so bad but he does it so well
I can see the end as it begins
My one condition is
--
"I told you not to wear flimsy piece of crap." he whispered.
Pasimple kong inalis ang kamay niya sa binti ko. Muli siyang humalakhak bago marahang bumitaw. "Do I have a choice?" asik ko. We are not even dancing. We are merely swaying slowly through the slow music.
"You're so tempting right now." he whispered with a snide smirk.
--
Say you'll remember me standing in a nice dress,
Staring at the sunset, babe
Red lips and rosy cheeks
Say you'll see me again
Even if it's just in your wildest dreams,
--
Kung may nakakarinig lang sa usapan namin siguradong maaalibadbaran sila sa naririnig. Oh wait. Naririnig kami ni Yllona. Hinanap ko siya sa gitna ng mga nagsasayawan. Pero hinawakan ni Landon ang chin ko para muling iharap sa kanya.
"I require your full attention, Denise."
--
I said, "No one has to know what we do,"
His hands are in my hair; his clothes are in my room
And his voice is a familiar sound,
Nothing lasts forever but this is getting good now
--
"Oh please." I snorted bago nagpatuloy sa paghahanap. But Landon just placed his hand on my left cheek, directing me to face him again. Umirap ako sa hangin. "Come on, Landon. Don't be such a—"
Natigilan ako at napakurap nang maramdaman ang isang bagay. Something was blocking my lips. Nanlaki ang mga mata ko. Landon's cold soft lips were on mine. Pinagmasdan ko siya nang hindi makapaniwala. I felt his lips move at napa pikit ako. Oh shit.
--
He's so tall and handsome as hell
He's so bad but he does it so well
I can see the end as it begins
My one condition is
--
I felt his slow intoxicating smile beneath my lips. Doon ako natauhan. Muli akong dumilat nang ma-realized na hindi pwede ito. Bahaya ko siyang tinulak. Fortunately, humiwalay ang labi niya.
"Landon!" I hissed. "What the fuck is that?"
My mind is in haywire. Anong ginawa ko? I let myself be kissed by Landon 'the devil' Monaghan in front of his family! Linibot ko ang tingin sa paligid. Some people are staring at us. I saw Yllona and River talking while staring at us.
Yllona grinned as if saying something like: see, I told you. Naalala ko ang sinabi niya kani-kanila lang. Humans are losers when it comes to Landon's manipulative game. Halos matampal ko ang noo ko.
No. Not me. I will never.
Wala na akong pakialam sa mga nagsasayawan. Mabilis akong lumayo mula sa pagkakahawak sa akin ni Landon. "Nauhaw na ako." tanging nasabi ko. Naghanap ako ng punch bowl o inumin sa mga nakahandang pagkain sa mga mesa.
Nakita ko ang table sa bandang gilid na may inumin. Isang red-ish na inumin na may prutas sa ibabaw. Pumunta ako doon at nagsalin sa isang baso. Subalit nang makita kong mabuti ang bagay na iinumin ko, natigilan ako at biglang nabitawan ang basong hawak ko.
Tumama ito sa sementadong parte kung saan nakapatong ang table. Nagkandapira-piraso ang baso. Shit. Mabilis akong umupo at pilit niligpit ang mga basag na parte ng baso. Subalit tumama ang dulo ng daliri ko sa matulis na parte na bubog nito. Napadaing ako sa sakit at agad na tumulo ang patak ng dugo mula dito.
Doon ko naramdaman ang tension sa paligid. Patuloy parin ang slow na kanta pero pakiramdam ko tumahimik ang paligid at halos wala ng humihinga. The next thing I knew, narinig ko ang nagpapanic na sigaw ni Yllona.
"GET HER OUT OF HERE, LANDON!"
Ito ang tila sumira sa tension at katahimikan. Doon ko napansin na halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin. Mabilis ang naging pag galaw nila at papunta sila sa akin. Subalit mas mabilis parin si Landon.
In mere seconds, nasa side ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. I almost lose my balance. Binuhat niya ako— bridal style— at halos mawalan ako ng hininga nang maramdaman ko ang mabilis naming pag galaw.
It was worst, much worst, than a car ride with him. Binubuhat niya lang ako pero napakabilis niyang kumilos. Nag blur ang paningin ko at malakas ang pagtama ng hangin sa balat ko. Maya maya pa naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa isang malambot na surface. I was inside his car.
Sinara niya ang pinto at mabilis na umikot sa sasakyan papunta sa driver's seat. Nakarinig ako ng nabasag na bagay sa bandang likod ng mansion. Mukhang nagkakagulo na sila doon. I was trembling in pure fear and dread.
Pumasok si Landon sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito. Tumama ang likod ko sa malambot na leather seat. Tears are now threatening to spill from the edge of my eyes. What did I do? What did I do? Yon ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko.
Bahagyang napalingon sa akin si Landon habang patuloy parin siya sa mabilis na pagmamaneho. I bit my trembling lips at halos hindi makahinga nang maalala ang eksena kanina. Ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib ko sa masikip at mamahaling damit na suot ko.
Denise, what the hell have you done?
***
Song: Wildest Dreams by Taylor Swift (Cover by Madilyn Bailey)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro