Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: The Incident


Chapter 1: The Incident

Pinagmasdan ko si Elyse na nakahiga sa Hospital bed. Wala siyang malay. Yon ang sabi ng Doctor. She looks like in a state of coma. Pero nakabukas ang mga mata niya. At nakikita ko ang pabago bagong expression doon.

Hindi ako naniniwala sa kahit anong scientific explanations na sinabi ng mg Doctor. Hindi nila magawang isara ang mga mata niya. Sinabi nila na dahil ito sa shock sa nangyari. Pero okay lang siya. Parang natutulog lang.

I doubt that. Tumayo ako sa silya para bahagyang takpan ng kurtina ang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. Muli akong bumalik sa tabi ng kama. Alam ko ang maaaring nangyari sa kanya. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa city. But these Doctors always insist on their reasons. Reasons na hindi naman siya pwedeng ibalik sa dati.

Bumukas ang pinto ng kwarto dahilan para mapalingon ako. Pumasok ang Mommy ni Elyse. Mukhang pagod na pagod ito. Naupo ito sa sofa na nasa sulok at bumuntong hininga. Hindi ako nito pinansin. Gusto ko siyang kausapin pero alam kong makakalala lamang ito sa sitwasyon.

Hindi nila ako literal na sinisisi sa nangyari. Pero alam kong may galit sila sa akin. Dapat hindi ko pinabayaan ang anak nila. Kung sana sinamahan ko nalang siya noong gabing yon. Sana hindi siya napahamak. My head palpitated with the thought. Napahawak ako sa sintido ko pero pilit na hindi ito ininda. Dalawang araw na din na halos wala akong tulog.

"Althea, mabuti pa umuwi ka na muna." Lumingon ako sa Mama ni Elyse. I cringed at the name she used. It's Althea Denise Limerick. And I always prefer Denise. Althea is too feminine and fragile sounding.

"Okay lang po, Tita. Dito muna ako." Pinagmasdan kong muli si Elyse. Walang expression na makikita sa maputla niyang mukha. Tanging ang mga nabukas na mata niya lang ang magsasabing nakakaramdam siya.

Kung nakikita niya kami o naririnig, hindi ko alam. For someone to see her current state, it must've look creepy. Yon ang naging reaction ng mga magulang niya noong una siyang nakita. Pero hindi lang siya ang taong nabalitaan na nagkaganito sa city na ito so it's as if it's no big deal.

But for me, it is.

"Althea, please. We want our family's privacy." Natigilan ako. Hindi ko maiwasan na bahagyang masaktan sa sinabi niya. Family. Tumayo ako mula sa silya at bahagyang ngumiti.

"Sige po. Babalik ako mamayang hapon." Kinuha ko ang mga gamit ko na nasa mesa. Tumayo naman siya mula sa sofa para pagmasdan ako. Her eyes are red and puffy. Pero hindi ko maiwasang mapansin ang expression na nandoon. Bakit sa anak ko pa nangyari? Pwede namang ikaw nalang.

Pilit kong nilunok ang masamang pakiramdam na bumara sa lalamunan ko. "Hindi ba may pasok ka na bukas? Kami na ang bahala dito. Mas mabuti pang hwag ka na munang pumunta dito. Baka makasagabal pa ito sa pag aaral mo."

Napakurap ako sa sinabi niya. Ngumiti ako ng bahagya. "Babalik po ako kahit anong mangyari."

Lumabas ako sa private room ni Elyse. Dumaan ako sa hallway kasabay ng mga kamag anak o nurse na nagkalat doon. Sa halip na umuwi, huminto ako sa park na nasa loob ng Hospital.

Umupo ako sa isang swing at bumuntong hininga. Nakita ko ang reflection ko kanin sa glass door ng Hospital. Maputla dahil dalawang araw nang hindi nasisikatan ng araw. Magulong buhok. Walang tulog.

Kumuyom ang mga kamao ko sa inis. Hindi dapat ito nangyari. Hindi sa best friend ko. It was my greatest nightmare. Pinangako namin na hindi kami magiging biktima. But now it's happening at my own best friend. How can I wake up from this nightmare if I'm not even asleep?

Pilit kong inayos ang buhok ko. Pinusod ko ito sa isang magulong bun. Kinuha ko ang phone ko sa bag. Nakapatay ito. Napamura ako. Ilang araw na din pala itong hindi nacha-charge. Umiling na lamang ako at patakbong lumabas sa gate ng Hospital. Pumara ako ng taxi.

"Sa Public Library po."

Tiningnan ako ng driver. Pero wala itong sinabi. Umandar ang sasakyan. Nangalkal ako ng pambayad sa wallet ko. Maging ito halos wala ng laman. Hindi ko pa nga pala nakukuha ang sweldo ko. Bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ang kalahati ng natitirang pera. Huminto ang taxi matapos ang ilang minuto at binigay ko ang pera. "Salamat."

Lumabas agad ako ng taxi at sinurender ang ID ko sa guard, wala pa man itong sinasabi. Tinulak ko ang glass door ng Library at pumasok sa loob. Tulad ng dati napaka tahimik dito. Lalo na tuwing Lingo. May ilan akong nakitang mga taong nakaupo sa mga silya, ang iba nagbo-browse ng mga libro sa aisle ng heganteng mga bookshelves.

Pumunta agad ako sa local section. Nakita ko ang ilang back issues ng mga magazine doon at newspaper. May ilan ding brochures at pamphlet tungkol sa government. Pumunta agad ako sa newspaper section. Inisa isa ko ang mga ito ayon sa date. Kinuha ko ang two days ago at ang nasa pinakailalim nito, one month ago.

Pumunta ako sa pinakamalapit na mesa at nilagay ang mga ito doon. Napatingin sa akin ang matandang nakaupo sa dulo. Pero agad din itong muling binaling ang atensyon sa binabasa. Umupo ako sa silya at nagsimulang mag browse ng mga articles.

A Junior Fine Arts Student of Saint Mathew's University found unconscious at an alley.

Napalunok ako nang makita ang article na tungkol kay Elyse. Binasa ko itong mabuti. Elyse Diane McDermott, a junior student of Saint Mathew's University, found unconscious in an alley two hundred meters away from Brenton Studio and Bar, where she was last seen partying few hours before the incident.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. A few witnesses saw McDermott left the Studio with a guy she seems to know. A witness even saw them having a friendly chat outside the said establishment.

Naibaba ko ang newspaper sa inis. Friendly chat? Who would buy this crap? Sigurado akong may kinalaman ang lalakeng yon. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at nag skim na lamang sa ibang parte.

Found unconscious near a garbage bin. Seems like drugged. Eyes open but not responding to outside provocation. Huminto ang mata ko sa huling mga salitang nasa article.

Familiar crime plot. A student from a prestigious university. Partying with friends. Left the place with a guy. Found unconscious at least one hundred meters away from the place. Eyes open. Not responding.

Hinablot ko ang pangalawang newspaper at ini-scan ito. A Sophomore English Literature Student of Lucida International School found unconscious on a ditch. I can hear my stomach grumbling as I finished the sentence. Halos buong hapon na pala akong hindi kumakain.

Kinalimutan ko muna yon at nagpatuloy sa pagbabasa. Halos pareho ito ng nangyari kay Elyse. Iba lang ang Bar kung saan siya nag party at ang lugar kung saan siya nakitang walang malay. But the pattern is exactly the same. May nabasa ako sa ilalim ng article na dahilan para matigilan ako.

Marie Abigayle Smith— 12th victim of the same crime pattern for the last eight months— was now in a rehabilitation facility in Brooklyn Street. Exactly a month after the said incident she started talking, saying nothing but four words. Blood. Fangs. And Red eyes.

Pakiramdam ko biglang tumahimik ang paligid ko. Halos nakalimutan ko na kung nasaan ako. Napatingin ako sa matandang katapat ko sa mesa. Nagtataka itong nag angat ng tingin bago binalik ang atensyon sa binabasa.

Blood. Fangs. And Red eyes.

Isang imahe ang sumagi sa utak ko. Like a sudden blurry image. Black, hazy, moving, red, blood, with pointed teeth, menacing eyes. Naramdaman ko nanaman ang pagpalpitate ng ulo ko. Pumikit ako ng mariin para mawala ito. Pero halos masuka na ako sa sama ng pakiramdam.

Muling pumasok sa isip ko ang imahe kasabay ng nakakalokong ngiti ng taong yon. Isang salita ang hindi sinasadyang lumabas sa bibig ko.

"Vampires."

***

Author's Note:

Hi! So yep, new story from me. I know I still have two on goings but I sort of need a breather from the two and this genre really fascinates me, vampires.

Anyway, I have to warn you that I'm very busy so don't expect quick updates. But I do hope you also support this one. And oh, anyone who can spare some time to make a cover for this story? I would really appreciate it. Comments or any kind of feedbacks are very much welcome.

@april_avery
twitter username: @breatheapril

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro