Chapter 6. Mystery
Matapos maligo pinusod ko lang ang mahaba at walang suklay kong buhok. Saglit din akong tumingin sa salamin kung ano ang itsura ko. Bwiset pa dahil asiwang-asiwa ako sa damit ko, kahit na anong hila ko ay hindi talaga magawang umabot sa tuhod ang laylayan ng pink dress na 'to. Tapos off-shoulder pa! Kung hihilahin ko pababa, luluwa naman ang dibdib ko. Yung totoo?
Kahit na labag sa loob ko kailangan kong lumabas ng kwarto para kumain. Tinungo ko ang dining room na ibinilin sa akin ng babae kanina. Buong akala ko mag isa akong kakain, kaya napahakbang ako pabalik nang makita ko si Drico na nasa kabilang bahagi ng mahabang mesa at kumakain. Ilan din sa mga staffs niya ang nakalinya sa gilid, nagbabantay sa kung anong kailangan ng kanilang prinsepe.
Kailangan ko pang tumikhim para lang tingnan niya ako. Simpleng paglingon lang niya sa gawi ko pakiramdam ko nag slow motion ang buong paligid at nanonood ako bigla ng commercial ng.... ng drugs... Sinong may sabing kailangan ko pang humithit ng droga para ma-high? Isang lingunan lang ni Drico nag-hallucinate na ako at umakyat ng langit ang kaluluwa ko sa lakas ng tama ko sa kaniya. Nakakalula.
"This way Ma'am..." Iginiya ako ng isang staff na naroon. Pakiramdam ko nasa isang five-star hotel ako sa pag aasikasong ginagawa sa mga staff sa akin. Maid nga bang maituturing ang mga babaeng nasa paligid ko? Kung postura at anyo ang pagbabasehan baka nga mas mataas pa ang pinag aralan ng mga ito sa akin. Ilan pang mga lalaking staffs ang dumating mula sa kusina at hinanda sa harap ko ang mga pagkaing sa litrato ko lang nakikita. Nasa bahay ba ako? O nasa isang first class restaurant?
Ibinalik ko ang atensyon sa lalaking kahit na malayo ang distansya ay matindi pa rin ang epekto sa akin. Wala siyang kaimik-imik, nakatutok lang ang atensyon sa pagkain. Kahit na sobrang sarap ng pagkaing nakahain ang buong atensyon ko ay kay Drico pa rin. Binantayan kong sulyapan niya ako kahit na one second lang, kaso hindi nangyari. Ni hindi ako kausapin. Para akong hangin sa harap niya. Nang akmang tatayo na siya, humabol ako.
"Sandali!" Tawag ko. Sinikap kong harangan ang dadaanan ni Drico dahil alam kong hindi niya ako papansinin. "Ibalik mo na sa 'kin ang cellphone ko. Kailangan ko 'yon!"
He looked down on me. Literal. Ilang inches ba naman ang tangkad niya sa 'kin. Nakalimutan ko ang iba ko pang sasabihin nang napansin kong bumababa ang tingin niya sa suot kong dress. 'Yong damit na kahit anong gawin ko ay kulang talaga sa tela, labas na nga shoulders, labas pa pati malaking bahagi ng legs ko. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Pakiramdam ko bagong labas ako ng banyo at tapis lang ang suot. 'Yon ang feels ng damit na 'to sa 'kin.
"Anong tinitingin-tingin mo ha?" Kunwari palag ko.
"Mas maganda sigurong ganyan na lang lagi ang mga damit mo..." komento niya.
Napamaang ako. Hindi ko inaasahan ang sagot na iyon. Ano raw? Compliment ba 'yon? Sinasabi ba niyang bagay sa akin ang damit na suot ko? Nagandahan yata ang prinsepe sa akin. Damn! Wala pa akong suklay niyan ha.
"...para hindi mo na masipa ang mga tao ko dito."
Naipa-irap ako. Akala ko naman! "Kahit na ano pang damit ko, hindi mo ako mapipigilan kapag gusto kitang sipain sa mukha!"
"Talaga?" Hamon niya.
"Ayoko nang makipag-usap ng nonsense sa 'yo. Balik mo nalang ang cellphone ko!"
Wala siyang sinabi. Umangat lang ang gilid ng labi niya sa isang tipid at makahulugang ngisi. Natulos ako sa kinatatayuan dahil doon.
Puta. Ang gwapo.
Napapamura ako ng wala sa oras dahil sa lalaking 'yon eh. Ang sarap niyang gawan ng kasalanan. Pero sa tingin ko mas masarap gumawa ng kasalanan kasama siya. Haha! Saan kaya tinago ng walanghiya ang cellphone ko? Kailangang maibalik sa akin 'yon!
Kinagabihan, ginugol ko ang buong magdamag sa kakaisip kung paano mababawi ang cellphone. Kailangan ko ng mandatory selfie with the prince of hell para souvenir! Tapos bukod doon, may kailangan akong kumpirmahin. Para kasing naalala ko na kung saan ko nakita ang simbolong nasa painting. Kung hindi ako nagkakamali meron akong naisave na Greek article tungkol doon noon at nasa cellphone ko 'yon.
Saan niya naman kaya ilalagay 'yon? Malamang sa kwarto niya!
Kung papasok ako sa master's bedroom, para na rin akong pumasok sa bunganga ng leon. Pero malalim na ang gabi at sa mga oras na iyon malamang natutulog na ang leon, kaya pwede nang maglaro ang mga daga.
Nagpasya akong kumilos. Pero nadismaya ako nang iawang ko ng konti ang pinto ng kwarto para masilip ang katabing kwarto. Ilang mga tauhan ang nakabantay sa pintuan ni Drico. Hindi ako pwedeng pumuslit at basta nalang pumasok.
Kadalasan, sa mga mansyong ganito, ang master's bedroom ay palaging may adjacent na kwarto, konektado ito sa pinakamalapit na kwarto dito. At ang pinakamalapit sa master's bedroom ay... itong kwarto ko! Malakas ang kutob kong may natatagong pinto dito sa kwarto ko na pwede kong daanan patungo sa kwarto ni Drico! At kung wala, gagawa ako!
Pero mabuti na lang tama lahat ng kutob ko. Dahil sa ilalim ng nakadisplay na painting sa wall ay may nakapa akong secret button. Nang pindutin ko iyon, may isang bahagi ng wall ng kwarto ang nag-slide at gumawa ng puwang.
Gift talaga ni Lord sa akin ang intuition at instincts eh. Palagi akong gina-guide ng mga katangian kong 'yon. Madilim sa kabilang kwarto, kaya para hindi maalarma si Drico na malamang ay natutulog na, pinatay ko lahat ng ilaw sa kwarto ko upang hindi iyon maglikha ng liwanag sa kabilang silid.
Dahan-dahan akong pumasok sa lungga ng demonyo. Pasalamat ako sa liwanag na nanggagaling sa labas dahil gawa sa makapal na glass ang isang bahagi ng wall ng kwarto nito. Sinikap kong hagilapin sa dilim ang may-ari ng kwarto. Pero wala ito! Bakante ang malaking kama sa gitna. Mabuti na lang.
Sinimulan ko ang paghahanap, ang tibok ng puso ko nakakabingi na, hindi ko malaman kung bakit ako kinakabahan ng sobra. Isa sa mga drawer sa study table ang nakalock. Hindi problema sa akin dahil madali ko lang iyong nakalikot para bumukas. Unang tumambad sa akin ang mga importanteng kontrata tungkol sa negosyo. Nanlaki pa ang mga mata ko sa mga figures na nakita ko doon. Milyon-milyong dolyar ang halaga ng bawat papel na naroon. Sa palabas lang ako nakakakita ng mga kontratang ganun kalalaki ang halaga. Dahan-dahan kong ibinalik sa ayos ang mga papel na 'yon bago pa ako mahimatay.
Alam kong bilyonaryo si Drico, pero hindi ko sukat akalaing super mega billionaire pala itong tunay base sa tipo ng mga business transactions na pinipirmahan nito.
Pero hindi 'yon ang kailangan ko. Ang obsolete Alcatel Flash ko lang na cellphone ang kailangan kong mabawi mula dito. Isasara ko na sana ang drawer na 'yon nang may makapa akong isa pang compartment sa loob noon. Dali-dali kong kinuha ang mga papel na maingat na nakatago sa secret compartment. Pinagpawisan ako ng malamig ng maaninag mula sa kakarampot na liwanag ang printed black and white picture na naroon. It was the painter's symbol again.
Ang itsura ng simbolong iyon ay hugis kopita na may nakapaikot na ahas. Maliit lang iyon pero klaro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng simbolong iyon pero malakas ang kutob kong may kaugnayan iyon sa nawawalang goblet ni Drico.
Kalakip ng simbolong iyon ay ang mga litrato ng halatang mga prominenteng Griyego base sa suot na damit at sa hilatsa ng mga pagmumukha. Tingin ko mayayamang tao sa Greece ang mga iyon.
Natuon ang atensyon ko sa panghuling papel—ang painter—Alexo Andreadis. Ngayon naalala ko na. Dahil nga matindi ang tama ko kay Drico, madalas akong magpunta sa mga Greek websites na kahit hindi ko maintindihan ay pilit na kinakabisa baka sakaling may balitang lumutang tungkol kay Drico DiVanne. I remembered I came across this controversial painter named Alexo Andreadis. Controversial ito dahil sa mga painting nitong patungkol sa isang kopitang may kapangyarihang magbigay ng walang katapusang swerte sa pera at sa negosyo. Ang sabi pa ng pintor na ito, ang kopitang iyon ay pag-aari ng isa sa pinakamatatanda at pinakamayayamang angkan sa Greece.
DiVanne Clan. Kung totoo ang kwento, 'yon yata ang dahilan kung bakit maraming nagkakainteres sa nawawalang kopita.
Napatawa ako. Lucky charm ba ika niyo? Tsk. Ang dami sa Binondo, hindi ba alam ng mga Greek na 'to na mas expert na lucky charm ang mga Chinese? Sana bumisita nalang sila sa China!
Isa pang papel ang kumuha sa atensyon ko. Ito ang pinakaluma at pinakagusot sa lahat ng naroon. Isa iyong english article dated March 1934.
......the legend of the ancient goblet, forged out of the thunderbolt of the Great Zeus himself, still haunts and stirs delusional greed to some of Greece's secret societies today. It was claimed that the goblet holds the key to incomparable godlike beauty, unending wealth, and everlasting life....
Anong kalokohan 'tong mga ito? Natawa ako ngunit napaisip din. Gumuhit sa utak ko ang anyo ni Drico na sa sobrang perpekto ay animo sumailalim sa genetic manipulation at sadyang dinisenyo upang maging perpekto ang itsura. Tapos idagdag pa ang halos hindi masukat na kayamanan nito.
Ipinilig ko ang ulo. Ang tanda ko na para magpapaniwala sa mga ganung bagay. Hindi kasalanan ni Drico na maganda ang combination ng genes ng parents niya, at pinanganak siyang nalulunod sa pera. Walang kinalaman sa maganda nitong kapalaran sa buhay sa isang luma at nakakatakot na goblet.
Sa halip, nabuo sa utak ko, bottomline, maraming nagkakainteres sa goblet na yun ng pamilya DiVanne, at imposibleng isang kagaya lamang ni Rebecca ang nakapagnakaw no'n. Hula ko talaga, naipit lamang ang kapatid ko sa paligsahan ng mayayamang taong nag uunahang makakuha ng kopita.
Dapat ay alam ni Drico ang tungkol doon. Nagbubulag-bulagan lang ba siya?
Umahon ang matinding asar sa dibdib ko. Sinamsam ko ang mga dokumentong kailangan. Kokomprontahin ko si Drico tungkol sa bagay na iyon.
Ikinagulat ng mga tauhang nakabantay sa pinto niya ang paglabas ko mula sa loob ng kwarto ni Drico. Wala akong pakialam, sinong mang pumigil sa akin mananagot! Hindi man ako makagalaw ng maayos dulot ng pesteng damit, makakasuntok pa rin naman ako kapag nagkataon.
Hinablot ko ang kwelyo ng isang tauhang nagtangkang humarang sa akin. "Nasaan ang amo mo?" Singhal ko dito.
Tumingin muna ito sa isa pang kasama bago nagsalita. Tila humingi ng permiso. "S-Sa pool."
Matalas ang memorya ko. Nakita ko na ang pool minsan, kaya alam ko ang papunta doon.
It was like an Olympic sized swimming pool. Iginala ko ang mga mata sa paghahanap kay Drico. Nasa kanang kamay ko ang mga papel na gusto kong ipamukha sa kanya. Handang-handa na ako sa giyera, magtutuos kami ni Drico Antonio DiVanne. Ang lakas ng loob niyang pagbintangan ang kapatid kong magnanakaw samantalang sandamakmak naman pala talaga ang mas makakapangyarihang tao ang may interes sa goblet niya. Saan ang ebidensya niya na si Rebecca ang kumuha noon? Wala!
Alam kong nasa ilalim siya ng tubig. Handa na akong bigwasan siya pag-ahon niya doon. Nanggagalaiti pati dulo ng kuko ko na masapak ang lalaking iyon. Kaya naman nang umahon siya mula sa ilalim ng pool......napatunganga ako. Napalunok ng ilang beses habang nakatulos sa kinatatayuan.
P*ta talaga. Ang gwapo.
Wet hair. Water dripping out his beautiful head. He looked like the god of water himself!
Sandali kong nakalimutan ang pakay. Kinailangan ko pang pumikit nang ilang segundo para lang kalmahin ang buong pagkababae ko na naghuhumiyaw sa uhaw nang dahil sa maraming piraso ng abs na naka-ukit sa tiyan niya!
"Drico!" Tawag ko. Hindi magandang ideya dahil nang tumingin siya sa kinaroroonan ko at magtama ang mga mata namin. Mas lalo akong hindi nakahinga. Baka nga totoo ang powers ng goblet. Walang karapatan ang sinumang normal na tao na magkaroon ng ganun kagandang mga mata!
Mas lalong hindi nakatulong sa akin ang pag-ahon niya sa tubig just wearing a black swimming trunks. His body was an anatomy of human male perfection. Perfect arms, broad shoulders, lean yet powerful body, oh so fucking delicious and sexy. Malapit nang tumulo ang laway ko.
"Who gave you the right to invade my privacy?"
Hindi ko namalayan ang paglapit niya dahil abala ang utak ko sa aming maiinit na eksena sa aking imahinasyon.
"Ang private naka-lock. Akala mo naman ang ganda niyang katawan mo!" Pakunwari kong sagot.
"Ito ang tinutukoy ko!" Galit niyang inagaw ang hawak kong mga papel. "How did you get into my room?"
"You forgot your room is connected to mine?"
"You're not supposed to know that."
"Why? You supposed I'm an ordinary woman? Well you're mistaken. Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin ng mga 'yan. Marami ang may interes sa goblet ng pamilya niyo, paanong ang kapatid ko lang ang pinagdidiskitahan mo?!"
"Just because you saw the tip of the iceberg does not mean you understand its nature already. Don't act as if you know everything because you don't! The only reason I'm keeping you here is to catch a thief, at kung hindi ka aayon sa mga plano ko at ipagpipilitan mo 'yang pagkapakialamera mo... I might as well get rid of you!"
"Anong gagawin mo, papatayin mo ko?"
He gave her an evil smile. "That's one brilliant suggestion."
Napalunok ako. Sige suggest pa more. "Paano mo nasasabing si Ate ang may kasalanan sa pagkawala ng goblet mo kung maraming mga underground society sa Greece ang naghahangad no'n? Hindi ba dapat sila ang inuuna mo at hindi ang kapatid ko?"
"This is gonna be the last time I'm warning you about this...wala kang karapatang magtanong, at wala kang karapatan ni kausapin o lapitan ako...kung mahal mo ang buhay mo, bumalik ka sa kwartong binigay ko sa 'yo dahil hanggang doon ka lang nararapat!"
"Kailangan mo akong igapos kung gusto mong manatili ako dun—"
"Wag kang mag-alala, masusunod. Now, get the hell out of here. Ayokong nakikita ka."
Isinantabi niya ang mga papel na dala ko at lumusong na muli sa tubig. Sa paraan ng pambabalewala niya, parang wala na talaga siyang balak na kausapin pa ako. Sa sobrang asar ko parang ipinako ang mga paa ko doon. Wala talagang kasing walanghiya ang lalaking 'to, ang taas ng tingin sa sarili! Alin, kung ako ang biniyayaan ng ganun kaperperpektong panlabas na kaanyuan at yaman, hinding-hindi ako magsusungit. Araw-araw akong magpapasalamat sa Diyos....napaka-ungrateful niyang nilalang.
Ilang sandali pa napansin kong ilang minuto na ang nagdaan hindi pa rin umaahon si Drico mula sa ilalim ng tubig. Ilang minuto lang ba ang maximum na pwedeng itagal ng isang tao sa ilalim ng tubig kapag walang oxygen? Hindi ko alam, depende sa tao siguro, pero sa tagal ni Drico sa tubig, kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko.
Paikot-ikot ako sa pool, pilit hinahanap kung saang parte na siya, pero dahil medyo may kadiliman ang ilalim ng tubig, hindi ko siya makita.
Ilang minuto na ba ang lumipas? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Baka nawalan siya ng malay? O baka may nangyaring aksidente sa ilalim ng tubig! Baka nalulunod na si Drico ko! Walang sabi-sabi kong nilusong ang ilalim ng pool para hagilapin ang katawan niya doon.
Pero sa lawak ng pool, hindi ko siya makita. Ilang beses ko pang kinailangang umahon para huminga. Pero si Drico, hindi ko pa rin nakitang umahon.
"Shit! Shit! Drico!" Napapasigaw at napapamura na talaga ako sa kaba. "Drico DiVanne! Hayop ka wag mo akong pinapakaba ng ganito gugulpihin kita..."
Ilan pang lusong at ahon ang ginawa ko.
"Drico!!"
Nagsimula na akong maiyak. Ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay mawawala na si Drico...at isipin ko pa lang parang napakasakit na. Bago pa man siya dumating sa buhay ko ng ganito, literal na siya na ang nagpaikot ng mundo ko sa loob ng mahabang panahon. Lumusong ako sa ilalim ng tubig nang napakatagal nawala sa isip kong ako mismo ay nasa ilalim ng tubig at kailangang huminga. Hindi ko namalayang ang huling lusong ko ay naging napakatagal sa tindi ng pag-aasam na mahanap si Drico.
I started to fall short of oxygen...hanggang sa...napapikit na ang mga mata ko...nawalan na ako ng lakas na umahon kahit pa gustuhin ko.
Katapusan ko na.
Pero bago ang huling tibok ng puso ko, isang malakas na kamay ang humila sa akin. My body felt numb, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil pumikit na ng tuluyan ang mga mata ko.
Ilang sandali pa kung saan nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa utak ko, naramdaman ko ang biglang pagpasok ng masaganang hangin sa bibig ko diretso sa baga. It supplied me the air I needed to breath on my own. Napasinghap ako at napa-ubo ng malakas. Nagawa kong iluwa ang tubig na nakabara sa paghinga ko.
I felt weak. Breathless. But alive. What the hell just happened?
"Are you ok? Dammit! How do you feel now?" si Drico iyon. Nasa tabi ko. I realized I was on the side of the pool now. My wet dress disheveled, skirt almost on the top of my belly showing off my undies.
Sinubukan kong bumangon upang ayusin ang laylayan ng damit. It was useless, sa sobrang nipis ng damit halos kita na ang buong katawan ko lalo na't basang basa-ito. Kahit gaanu ko kagusto si Drico, hindi pa rin ako komportable sa ideyang magbilad ng katawan sa harap nito.
"Akala ko nalunod ka na...ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya nang makabawi ako.
Tumawa siya ng sarkastiko. "Are you crazy? Why the hell did you jump in the water when you don't know how to swim??"
"Marunong akong lumangoy...hinanap kita! Hinanap kita ng matagal, pero hindi kita nakita kaya...." Hindi niya nagawang ituloy.
"Kaya ano?"
"Ba't ba kasi ang tagal mong umahon? Nagpapakamatay ka ba?" Sa halip ay singhal ko. Hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko para sa kanya.
"Ano ba sabi ko sa 'yo? 'Di ba sabi ko 'wag kang mangialam?" Napabuntong hininga siya. Napatitig sa mga mata ko. Titig na naging napakatagal, parang pinag-aralan pa niya ang kulay ng mga mata ko. Pero ang totoo kinokontrol niya lang ang inis sa akin. Naramdaman kong sa unang pagkakataon nag effort siyang kalmahin ang sarili. "It's called diving reflex. I have innate skill of holding breath underwater for much longer than any average person can. 'Wag ka nang magtanong kung bakit, coz it's the way I am. What I did underwater earlier was a form of an exercise for me... a mental exercise to get control over my own body and over my own biological needs!"
Nyeta. Gusto kong tumawa sa katangahan ko pero hindi ko magawa. Sa sobrang pag-aalala ko sa demonyong 'to muntik na akong mamatay, tapos exercise lang pala ang ginagawa niya! Hindi ko inaasahan ay ang pagdampot sa akin ni Drico mula sa sahig ng pool, he scooped me like I weighed next to nothing. Napakapit nalang ako sa leeg niya nang buhatin niya ako palabas ng pool at dalhin sa kwarto.
Ilang mga tao ni Drico ang sumalubong upang mag-alok ng tulong pero hindi niya ako binigay. Siya ang naghatid sa akin hanggang sa kwarto habang sumisirko kung saan-saan ang puso ko
Hindi ko malaman kung ano ang nakita niya sa mga mata ko ng titigan niya ako kanina at bigla na lang niyang naisipang maging mabait sa akin ng ganito. Dahil sa kakaibang parte ng pagkataong ipinakita niya sa akin, mas lalo akong nagkaroon ng motibasyong alamin ang lahat tungkol sa kanya. Sino nga ba at ano nga ba ang mga nakatagong lihim sa pagkatao ng pangalawang prince of hell na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro