Chapter 4. The Escape
Pagkatapos kong maligo sa mainit na tubig at makapagpahinga ng ilang oras naka-recover na ang katawan ko sa matinding parusang dinanas nito. Sanay naman ako sa mga ganito eh, sanay ako sa bogbogan, sa mga pasa at mga galos. Ang mabigat lang sa akin ngayon ay ang katotohanang si Drico Antonio DiVanne ang dahilan ng lahat ng ito. Syempre sinuman ang lumagay sa kalagayan ko masasaktan ng sobra, 'di ba? Crush na crush ko 'yon. Mahal na mahal ko tapos kung tratuhin ako ganun-ganun na lang? Wala man lang siyang ingat sa akin.
Ilang sandali pa isang unipormadong katulong sa bahay ang pumasok. "Miss, gamutin po natin ang mga sugat niyo, pagkatapos ay kumain po kayo," anito.
"Pagkatapos niya akong saktan, gagamutin niya ako? Pagkatapos gutumin, pakakainin? Pakisabi sa amo mong sira ulo, kailangan niya ng lethal injection sa utak!" Alam ko naman na hindi ko dapat ibunton ang inis ko sa katulong pero pakiramdam ko sasabog na talaga ang dibdib ko.
Impit na ngiti ang isinagot ng babae.
"Pa'no kayo nakakatiis sa ganoong klaseng tao?"
Nagkibit balikat siya at nanatiling nakangiti sa akin. "Malaking sahod at maraming benefits dito. Kahit na nakakatakot siyang Boss, bawing-bawi naman sa lahat ng benepisyo. At saka maraming may gustong pumasok dito...siguro dahil...sobrang gwapo ni Sir Drico?"
Ayun. Ngayon naniniwala na talaga ako sa tsismis. Kahit sukdulan hanggang langit ang sama ng ugali ng mga Prince of Hell, taglay ng mga ito ang katangiang kusang nagpapanikluhod sa kahit na kanino, yun bang galit na galit ka na, mamahalin mo pa rin sila, as if you don't have a choice and that's the only thing you can do. And we're talking about the second on the list here.
"Nasaan siya?" Naisipan kong itanong. Hindi ko sinasabing namimiss ko siya ha, pero parang ganun na nga.
"Umalis po." Sabi ng babae habang nilalagyan ng gamot ang mga gasgas ko sa kamay.
"Saan nagpunta?"
"Hindi ko alam eh."
Bigla akong kinabahan. Baka naman hinahanap na niya ang kapatid ko sa mga oras na ito at ginawa niyang pain ang videong nakunan niya kanina? Shit! Hindi maari. Kailangan kong makaalis sa bahay na ito at mahanap si Rebecca bago pa man ako maunahan ng lalaking iyon! Pasimple akong tumayo at sumilip sa labas. Nagkalat ang tauhan ni Drico sa lahat ng sulok ng mansyon. Ngayong wala ang leon, gaano man karami ang mga tauhang iniwan niya, alam kong makakaalpas ako.
"Beb, sorry ah? Palit muna tayo ng damit, kailangan lang talaga," diniinan ko ang isang ugat sa batok ng babaeng katulong dahilan para mawalan ng ito malay. "Sorry talaga!"
Nang makapagpalit ng damit, yuko akong lumabas ang kwarto. Kalmado ang ginawa kong lakad para walang makahalata. Ginawa ko iyon hanggang sa marating ko ang main gate ng mansyon kung saan monitored ang bawat paglabas at pagpasok ng tao. Ilang minuto kong pinag-aralan kung paano makakapuslit doon. Ngunit tela walang paraan. Malapit na akong mawalan ng pag-asa nang makita ko ang isang lalaking tauhan sa kusina na may dalang isang cart ng basura at papalabas ng gate ng mansyon. Pasimple akong sumunod sa likuran nito na para bang magkasama kami. Bumukas ang gate, malapit na ako sa inaasam na kalayaan!
"Hoy! Saan ka pupunta? Isang tao lang ang pwedeng maglabas ng basura, hindi mo ba alam yun?"
Sigaw ng isang tauhang lumapit mula sa likuran ko.
"Kailangan niya po ng tulong," mahina kong sagot.
"Hindi pwede. Bumalik ka doon," bago pa man niya ako mahawakan sa braso at makaladkad pabalik, isang bigwas sa mukha at tadyak sa tiyan na ang inabot nito sa akin. Hinarangan ako ng dalawa pang lalaki at iyon din ang ginawa ko sa kanila. Bago pa man muling magsara ang gate, nakalabas na ako dito. Madilim na ang paligid kaya naman mas lalong lumakas ang pag-asa kong tuluyang makatakas.
Tumakbo ako nang tumakbo, alam kong nakasunod sila sa akin. Inabot ko ang parteng kasukalan ng mga talahib sa daan, doon ako nagtago ng maigi halos hindi ako huminga. Pinapak na muna ng mga insekto ang balat ko bago tuluyang nakalayo ang mga taong humabol sa akin.
Namataan ko ang isang truck ng gulay na papunta sa Maynila. Hindi ako nag-aksaya ng panahon, hinarang ko iyon. Nagmakaawa pa ako sa driver.
"Manong, parang awa niyo na isabay niyo ako papuntang Maynila. Kailangan kong makatakas sa amo ko! Hinahabol ako ng mga tauhan niya." syempre hindi lang ako magaling sa karate, pang-Oscars din ang acting skills ko.
"Naku, hija, kawawa ka naman. Sige na sakay na, bilisan mo!"
"Ok ka lang ba? Gusto mo bang magreport sa mga pulis?" Alalang sabi nito ng makapwesto ako.
"Wag na po. Gusto ko lang po talagang makauwi ng Maynila. Malakas ang impluwensya ng amo ko, hawak niya sa leeg ang mga pulis sa probinsyang 'to..."
"Ganun ba? Tama ka nga, mas mabuting makalayo ka na lang sa lugar na ito. Tamang-tama papunta rin ako ng Maynila isasama na kita doon, para makatakas ka na..." May pag-aalala sa tinig nito.
Lihim akong natuwa. Hindi sa gusto niyang manloko ng tao, pero kailangan niya talagang makawala sa mga kuko ni DiVanne.
"Teka sandali, sino ba 'yang amo mong sabi mo ay maimpluwensya?"
"Ha eh...foreigner po 'yon...sobrang manyakis...gusto niya akong pagsamantalahan. Kaya bago pa man siya may magawa sa 'kin, tumakas na ako."
"Susmaryosep. Aba'y walanghiya talaga ano? Mabuti na lang at sakto ang pagdaan ko, kundi ay baka napanu ka na..."
"Oo nga po eh, salamat po talaga Mang—"
"Henry. Henry ang pangalan ko."
"Mang Henry. Ako nga po pala si Hannah, salamat po talaga ng marami."
Tumawa ito. "Wala yun, kahit naman sino ay gagawin ang ginawa ko. May mga foreigner talagang mga walang hiya, nakikitira na nga lang dito, nakuha pang mang-agrabyado ng mga Pilipino, dapat sa mga ganyan pinapatapon sa labas ng Pilipinas!"
Tumango-tango ako sa kunwaring pagsang-ayon.
Madilim pa ng marating namin ang Maynila. Kaagad kong pinuntahan ang mga kaibigan ko sa club, kailangan kong makasigurong ligtas sila. Pero mali yata ang desisyon kong iyon dahil hindi pa man ako nakakalapit sa club, pumarada sa harapan ko ang isang magarang kotse. Mula doon umibis ang isang anghel mula sa ilalim ng lupa—si Drico Antonio DiVanne.
Ano ba, nakatakas na ako eh! Tatakbo pa sana ako nang habulin niya ako at hawakan sa tiyan upang di makaalpas.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" panay ang sipa ng paa ko na nakaangat na sa lupa dahil bitbit niya ako sa tiyan pabalik sa kotse niya. "Tulong! Saklolo! Rapist! Rapist!"
"Shut up!" asik niya sa akin.
"Tulong! Rapist!"
Napahinto ang grupo ng mga bakla sa sigaw ko. Feeling ko talaga tutulungan ako, pero nang makita nila ang mukha ni Drico, tinawanan lang ako.
"Ate, rape? Magpa-rape ka na choosy ka pa! Hiyang-hiya naman kami sa 'yo! Ang gwapo niyang kasama mo, jackpot ka d'yan!" sabay tawanan pa silang lahat bago umalis.
"Aba't! Nyeta!!"
"I told you to shut the fuck up!!" Binitiwan niya ako. Inapaakan ko siya sa paa ng sobrang lakas sabay takbo papasok ng club. Magulo doon at madaming tao hindi niya ako mahahanap. Puno ng usok ang paligid at medyo dim ang lugar dahil kulay asul at pula ang liwanag na nagmumula sa mga disco balls lamang ang tumatanglaw sa buong lugar. Nakipagsiksikan ako sa mga nagsasayawan, para pilit na itago ang sarili.
"Oh Hannah! Akala ko hindi ka papasok. Anong ginagawa mo dito eh pauwi na kami, tapos na ang trabaho madaling araw na!" talak kaagad ni Lira nang mabangga ko siya.
"Kailangan kong magtago! Hinahabol ako ni Drico! Itago mo ako!" Bulalas ko.
Tinawanan lang ako ni Lira. "Sabog ka ba? Sabog ka eh. Aga-aga naka-shabu ka, pumasok ka doon sa kusina kumain ka! Nalipasan ka na naman ng gutom. Ganyan ka kapag naghahalucinate eh, puro ka Drico! Tumabi ka nga d'yan ang daming customer oh puro ka Drico, Drico, Drico... Drico DiVanne??!"
Nanlaki ang mga mata ko. Sinundan ko ang tingin ni Lira. Tatakbo na sana ulit ako pero hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat. Sobrang lakas ni Lira parang lalaki hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Drico...?"
"Hi!" Kaswal na wika ni Drico na may kasama pang ngisi. Alam ko ang plano nito. Lulunurin nito sa kagwapuhan ang kaibigan ko para hindi makapalag. Malas lang niya loyal sa akin ang mga kaibigan ko.
"Lira! Masamang tao 'yan!"
"Anong masamang tao! Tumahimik ka nga d'yan. Si Drico Antonio DiVanne nga bes!" namimilipit sa kilig ang katawan ni Lira.
"Hoy ano bang kaguluhan niyo d'yan," lapit ni Mexie na may dalang tray ng alak. Nang makita nito si Drico, in flesh and breathing, hindi na ako nagulat nang bumagsak ang hawak nito sa sahig. "Drico..."
"Ano ba kayo hindi ba kayo nakikinig sa akin? Masamang tao 'yan!" Giit ko pa rin.
"Hinahanap mo siya?" Wala sa sariling tanong ni Lira na nakapungay pa ang mga mata. Hinila niya ako sa braso at tinulak papunta kay Drico sumubsob pa ako sa dibdib nito. Pagdikit ng mukha ko sa dibdib niya, kaagad na pumaikot ang braso niya sa akin. Ramdam ko kaagad ang init ng katawan niya. "Sa'yo na 'yang gagang 'yan, huwag mo nang ibabalik ha?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Lira. Si Mexie naman parang nakalutang lang sa hangin habang titig na titig sa mukha ni Drico. Si Julia nalang ang pag-asa ko pero hindi ko naman makita!
Habang nakakulong sa mga balikat ni Drico, naisip kong wala namang sense kung tatakbuhan ko siya, 'di ba? Mahahanap at mahahanap niya lang din ako. Isa pa, mas mabuti na ang malapit sa kanya para nababantayan ko ang bawat galaw niya. Ika nga, keep your friends close and your enemies closer.
Hoo! Bolahin mo lelang mo, Hannah, ang sabihin mo nag-eenjoy ka sa yakap niya! Sabi pa ng malanding parte ng utak ko. Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong madidistract lang ako sa sarili kong plano. Eh ano ngayon kung ang bango niya? Eh dahil lang naman sa mamahaling perfume 'yon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro