Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3. The Loathsome Prince


Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip. Pakiramdam ko wala na ang epekto ng gamot na naiturok sa akin dahil hindi na ako nahihilo, pero napahawak ako sa tiyan nang bumangon. Naalala kong hindi pa ako kumakain simula nang tangayin ako ng mga tauhan ni Drico. Ang walanghiyang 'yon, balak pa yata akong patayin sa gutom.

Tinungo ko ang pinto. Sinikap kong pihitin ang doorknob ngunit naka-lock iyon. Sinubukan kong sipain at kalampagin ang pinto, baka sakaling may makarinig sa labas.

"Hoy!! May tao ba diyan? Buksan niyo 'to! 'Di niyo man lang ba ako pakakainin, mga walanghiya!" Pero kahit napatid na ang boses ko ay wala pa ring sagot. Ni hindi ako binigyan ng electric fan, kumusta naman! Basa na ang singit ko pati na magkabilang kili-kili ko. Napakawalanghiya ng demonyong 'yon, matapos kong ilaan ang 75% ng buhay ko sa pag-stalk sa kanya sa internet, sa pagpapantasya gabi-gabi at sa pagdarasal ng paluhod sa altar hilingin lang kay Lord na magkita kami tapos ito ang mapapala ko?

"Letse ka DiVanne, tandaan mo ang araw na 'to!" Nanggagalaiti kong bulong habang nakakuyom ang mga kamay. Tagaktak na rin ang pawis sa buo kong katawan at pakiramdam ko kinakain na ng bituka ko ang tiyan ko sa sobrang gutom. Kinalampag ko ulit ang pinto. "Buksan niyo sabi 'to, pag ako nakawala dito sisiguraduhin kong lahat kayo sasamain!"

Hindi ko inaasahan ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa akin ang isang malaking lalaking halos doble ang tangkad ko kailangan kong tumingala ng bongga. May dala itong isang plato ng pagkain. "Oh. Kumain ka. At wag kang maingay!" Singhal nito.

"Anong akala niyo sa 'kin dito, aso? Palabasin niyo ako!"

Hindi nito pinakinggan ang anumang sinabi ko. Pagkalapag ng pagkain sa maalikabok sa sahig ay kaagad nitong isinara ang pinto. Napatitig ako sa plato. Hindi ko alam kung pagkain ngang maituturing ang tira-tirang kanin at ulam ng mga tao sa labas. Gusto kong umiyak at maawa sa sarili.

Pero alam kong kung magmumokmok ako, walang mangyayari sa akin. Kinain ko pa rin ang pagkaing nakahain. Kailangan ko ng lakas para makapag-isip ng maayos at makatakas sa lugar na ito. Lintik lang ang walang ganti at sinisiguro kong malalatayan sa akin si DiVanne, wala akong pakialam kung sobrang gwapo niya sa personal, pipikit nalang ako habang binabali ko ang lahat ng buto niya sa katawan sa ginawa niyang ito sa akin at sa pagtatangka niya sa buhay ng kapatid ko!

Nang matapos kumain, nagpabalik-balik ako ng lakad sa buong kwarto, nag-isip kung papaano makakalabas. Sinuri ko ang pinto. Naka-electronic door lock system ang buong mansyon kasama na ang basement. Napatingin ako sa kisame ng kwarto. Sprinklers. Ibig sabihin kapag nagkaroon ng sunog may posibilidad na awtomatikong magbubukas ang pinto.

Napangisi ako. I fixed my hair in a ponytail. I had to start a fire. Kung sini-swerte nga naman, may dala akong lighter sa bulsa ko. Madalas kong gamitin iyon sa trabaho dahil pala-sigarilyo ang mga taong pumapasok sa club. Hinubad ko ang polo ko, nakasando naman ako sa loob kaya ok lang. Ang mahalaga makagawa ako ng isang malaking sunog para ma-activate ang anti-fire system ng bahay.

Sinindihan ko ang polo ko hanggang sa nagliyab iyon at gumawa ng malaking apoy. Hindi nagtagal, sumaboy ang tubig mula sa sprinkler. Nang magsimulang umusok, hinanda ko ang katawan at isip. Malalaking tao ang kailangan kong pabagsakin para makatakas sa lugar na iyon. Hindi na kailangang ma-deactivate ang lock ng pinto, isa-isang pumasok sa loob ang mga tauhan at isa-isa ko ring pinabagsak ang mga iyon. Ngayong maganda na ang pakiramdam ko, panis silang lahat sa akin. Buong buhay kong pinag-aralan ang martial arts at mas magaling ako ng maraming beses sa average.

Hindi naging madali ang daan palabas dahil sa ilan pang malalaking lalaki ang humarang sa akin. Parang eksena sa pelikula walang katapusan ang dating ng mga kalaban hindi nauubos. Maliit ako pero maliksi. At malakas din ang kamao ko.

Ilang minuto lang tatlong lalaki ulit ang napadapa ko. Tumakbo ako ng mabilis paakyat. Pasalamat ako dahil kahit papaano ay gumana ang plano ko. Nadeactivate lahat ng fire exit doors ng underground. Malaya kong narating ang ground floor ng bahay.

"Letse!" Sa laki ng mansyon hindi ko alam kung saan ang exit. Tumakbo na lamang ako ng tumakbo, sinuman ang humarang binibigwasan ko kaagad sa mukha para wala ng palag. Ilang beses na din akong tinamaan ng sipa at suntok sa katawan ng bawat makasagupa ko pero hindi ko ininda iyon. Kailangan kong makatakas dahil hindi ako papayag na apihin ng ganito lalong-lalo na ng Drico na 'yon!

Nang makakita ako ng malaking pinto. Alam kong iyon na ang exit. Pero napamura ako nang hindi iyon magbukas. Kahit pa ilang sipa na ang ginawa ko. May bahagi ng bahay na gawa sa glass walls. Kailangan ko lang basagin iyon para makaalpas.

My eyes caught a baseball bat! Nagbunyi ang kalooban ko. Tinakbo ko iyon. "Hindi mo ako kayang ikulong, Drico DiVanne. Ubos na ang swerte mo," bulong ko sa sarili, hindi nawawala ang panggigigil ko sa kanya. Sinadya kong basagin ang isang mamahaling vase na nakadisplay doon gamit ang baseball bat. Makaganti man lamang kahit paano. Bago pa man ako makalapit sa glass wall at wasakin iyon gamit ang baseball bat na hawak ko. May humawak sa pulsuhan ko sobrang sakit namilipit ang buong katawan ko, nabitawan ko ang baseball bat.

Drico Antonio DiVanne. It was the devil himself.

"Don't even try to move or you will just hurt yourself!"

Sinubukan kong umikot para sipain siya pero mas lalong sumakit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Pinaharap niya ako sa pader at diniin doon ang katawan ko. Habang ang pulsuhan ko ay nakadikit sa likod ko.

"Aarrayy!" Sigaw ko dahil pakiramdam ko mababalian na ako ng buto.

"Tumigil ka na kung ayaw mong lumpuhin kita!!!" Sigaw niya sa tainga ko halos mabingi ako. Sa unang pagkakataon wala akong nagawa sa sitwasyon ko. Alam ko ang rason kung bakit kayang-kaya akong lumpuhin ng taong ito at kornerin ng walang kahirap-hirap. He was a level 10 black belter himself. Lahat ng mga Prince of Hell, martial arts masters. At sa kasamaang palad, pangalawa sa listahan si Drico DiVanne.

"Wala kang karapatang tratohin akong parang aso dito! Unang una sa lahat, wala akong kasalanan sa 'yo!" singhal ko kahit nakangiwi sa sobrang sakit. "Hayop ka!"

"Matagal na." Mabalasik niyang sagot.

Nang dumating ang mga tauhan niya, muli akong ginapos at sapilitang pinaluhod.

"Makinig ka sa 'kin. Hindi ako natatakot sa 'yo. Subukan mong kantiin kahit na dulo ng daliri ng kapatid ko, ako ang maglalagay ng tingga diyan sa bungo mo! Naintindihan mo?"

Tumawa siya. "Talaga? Ang tapang mo. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin niyang tigas ng ulo mo."





"Welcome to my playroom."

Napasinghap ako sa tinuran ni Drico. Ginala ko ang mga mata. Ang kwartong iyon ay napapalibutan ng barb wires. Sa gitna ay may isang upuan. This was not a child's playroom. This was a torture room. What kind of a man would hide a torture room deep beneath his mansion? Only a Prince of Hell, I guess.

Anong binabalak niyang gawin, i-torture ako at ipadala ang video kay Rebecca para lumabas ito sa lungga nito? Hindi maari!

Gustuhin ko man ang lumaban hindi ko na nagawang ikilos ang katawan ko. Ultimo laway ko natuyo na yata sa takot na dumaloy sa sistema ko nang makita ko ang mga live wires na naghihintay sa akin. Itinali nila ako sa upuan kaharap ng camera.

"Kung alam mo kung nasaan si Rebecca, magsalita ka na ngayon pa lang," saad ng isang lalaking naroon. Itinuon ko ang atensyon sa Boss ng mga ito na prenteng nakasandal sa pader, nakapamulsa habang pinagmamasdan ang kalbaryo ko.

Mula sa likuran ay may nagbuhos sa akin ng isang timbang punong puno ng yelo. Literal na nanginig ang buo kong katawan. Napasinghap ako ng malalim. Pakiramdam ko nagyelo ang puso ko at saglit na hindi nakahinga.

"Ano? Magtatapang-tapangan ka pa rin ba? O sasabihin mo na sa 'kin kung ano ang nalalaman mo?" Dinig kong turan ni Drico.

"Pagsisisihan mo ang araw na 'to, Drico DiVanne!"

Tawa lang ulit ang isinagot niya. Tapos ay muling bumuhos ang isa pang timba ng yelo, pakiramdam ko mas malamig iyon kesa sa nauna. Pinigilan ko ang umiyak.

"All you need to do is fuckin' talk! Nasaan si Rebecca Victoria?!" Dumagundong ang boses ni Drico sa buong basement.

"Hindi ko alam kung nasaan siya, at kung alam ko man, wala akong sasabihin sa 'yo, patayin mo na lang ako!"

Lumapit siya sa akin at marahas na diniin ang mga daliri sa panga ko. "Alam mo ba kung anong mangyayari sa 'yo kapag dumikit sa balat mo ang mga live wires na 'yan? Unti-unti kang mangingisay hanggang sa masunog ang puso mo at tuluyang mamatay! Alam mo ba kung gaano katagal at kasakit ang prosesong 'yon ha, Hannah?"

"Gawin mo! 'Wag puro dada, akala mo natatakot ako sa 'yo!"

"Shit!" Binitiwan niya ang panga ko. "Masyado kang matapang, hindi mo alam kung paano ilugar. Wala na akong magagawa sa 'yo." Nagmartsa siya palabas ng kwarto. "Kayo na bahala," nahintakutan ako nang sabihin niya iyon sa pinuno ng mga tauhan niya.

Isa-isang lumapit sa akin ang mga lalaking halatang nakatutok ang atensyon sa manipis at basang sando na nakatakip sa dibdib ko. Hindi nakatulong ang itim na bra para itago ang bahaging iyon ng katawan ko. Ilang beses sa sumagitsit ang mga live wires na kiniskis sa harap ng mukha ko. Sobrang takot ang naramdaman ko parang mawawalan ako ng malay.

"Hubaran 'yan!" utos ng isa.

"Huwag!" Protesta ko. Hindi nila pinakinggan. Napa-igik ako nang mapunit ang damit ko at tanging bra na lamang ang nakatakip sa dibdib ko. Paano kung gahasain ako ng mga ito? Nanginig ang tuhod at mga daliri ko. Hindi maaring sa ganitong paraan mawawala ang iniingatan kong puri! Pumikit ako at nagdasal na sana may magsalba sa akin.

"Tama na 'yan!" si Drico.

Nagdilat ako ng mata. Nasa harapan ko na siya, nakatitig sa mga mata ko. Halos magdikit ang ilong namin sa isa't isa nang ipulupot niya sa katawan ko ang sariling coat. Nakaramdam ako ng init mula sa katawan niya, pati na rin sa mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko.

"Tama na. Dalhin niyo siya sa taas," utos ni Drico sa mga tauhan bago ako tinitigan. "Ang tigas ng ulo mo."

Napatitig ako sa mukha ni Drico. For a brief moment, I felt as if he had just saved me. Sa ilang sandaling iyon na nagtama ang mga mata namin parang may kakaibang bugso ng damdamin ang dumaloy sa aming dalawa. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyari. Parang kanina lang sinusumpa ko siya tapos ngayon, ang lambot ng puso ko para sa kanya.





Inakyat ako ng mga tauhan niya at dinala sa isang magarbong kwarto. Ilang sandali pa dumating ang ilang mga babaeng katulong, pinaghanda ako ng mainit na tubig sa tub at tinulungang mag-linis ng katawan. Sabay sabay na umalis ang mga ito nang matapos sa trabaho.

Matagal kong hinintay na kumatok sa pinto si Drico. Kailangan ko ng paliwanag sa pabago-bagong timpla ng utak niya. Parang kanina lang halos ipapatay niya ako sa mga tauhan niya tapos ngayon bigla akong parang reyna?

Ano 'to??

Gusto ko siyang suntukin sa mukha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro