Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1. The Abduction


Malakas ang tilian ng mga kaibigan ko sa maliit na sala ng apartment na inuupahan namin. Imbis na busalan ang bibig ng bawat isa sa kanila, nanatili ako sa sulok kutkot ang sariling kuko na sa tingin ko ay malapit nang mamatay ayaw ko pang tigilan. Tensyonado ako. Kung bakit kasi hindi kumpleto ang binigay niyang impormasyon nang tumawag siya kagabi? Pa-mysterious effect pa eh ako 'tong namamatay na sa kaba.

"You heard the latest rumor about Prince of Hell #1? They said the marriage is for real! Hindi stage wedding, mahal talaga ni Jandrix Alexis DiMarco ang asawa niya!" Excited na turan ni maharot kong friend na si Lira na nakatutok sa harap ng laptop at walang sawang nagngongolekta ng kakarampot na impormasyon sa internet patungkol sa apat na miyembro ng Prince of Hell.

"Maniwala ako! Kelan pa nainlove ang isang Prince of Hell eh alam naman nating lahat na gawa sa bato ang puso nilang lahat! Rumors are rumors, Lira. Gawa-gawa lang 'yan ng mga papansin at epal na tao," kontra ni Mexie, ang friend kong pinaglihi sa lahat ng negative sa mundo.

"Ang nega mo din eh 'no?" Taas-kilay na sagot ni Lira. "Anong masama kung maniwala? Malay mo naman totoo. Eh di malaki na ang chance ko na masilo ang isa sa kanila. Naku kapag nangyari 'yon magpapa-misa ako sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas kasama na ang Tawi-Tawi!"

"I hate to break it to you friend, pero sa tingin ko kailangan mo munang magpunta ng South Korea o kaya ng Thailand bago mo masilo isa man sa mga Prince of Hell," natatawang turan ni Julia. Isa ko pang kaibigan na bihira lang magsalita pero kapag bumanat, mapipikon ka at gugustuhin mong tahiin ang bibig niya.

"At ano naman ang gagawin ko sa mga lugar na 'yon? Doon ba sila nakatira?" Bwelta ni Lira.

"Hindi friend. Talamak ang plastic surgery doon mula ulo hanggang paa baka maka-mura ka!" Sagot ni Julia kasabay ang nakakainsultong tawa. Natigil lang ito nang lumipad papunta sa mukha niya ang throw pillow na yakap-yakap ni Lira.

Mabilis uminit ang ulo ni Lira kaya naman kapag nagpapakita na ito ng brutal na side niya tumatahimik na sina Mexie at Julia.

"O sige na, sige na awat na! Mangarap ka na ulit d'yan hanggang sa malunod ka!" Banat ni Mexie habang sinasalo ang lahat ng unan na tumitilapon sa gawi nila.

"Hoy, Hannah! Tulungan mo naman kami dito!" Hingi ng saklolo ni Julia dahil hindi pa rin paawat si Lira. Kutsilyo nalang ang kulang sa tingin ko papatayin na niya ang dalawa. "Sige na, pagpapantasyahan ko na lahat ng Prince of Hell maliban sa Drico Antonio DiVanne mo. Sayong-sayo lang 'yon. Tulungan mo kami dito!"

Lahat ng pangyayari sa loob ng apartment ay blurred sa akin simula kagabi dahil sa tawag na natanggap ko, pero nang banggitin ni Mexie ang pangalang iyon luminaw na ulit ang buong paligid ko. Pangalan pa lang ng lalaking siyang ilaw ng buong kaluluwa at pagkatao ko, kahit na anong tensyon bigla na lang naglalaho.

Katulad ng dati, mga Prince of Hell na naman ang topic ng mga ito. Kung hindi lang ako tensionado sa kaba ay malamang nakipagkulitan na rin ako sa mga ito.

We were first introduced to the Princes of Hell ng mayamang Hapon na madalas tumambay sa club na pinagta-trabahuan naming magkakaibigan. Iniwan nito sa amin ang isang napaka-mahal na magazine ng mga Princes of Hell. Simula noon ay nagsimula nang mangolekta ang mga kaibigan ko ng tungkol sa mga ito. Una ay hindi ako sang-ayon sa kagagahang iyon pero no'ng makita ko ang litrato ng tinaguriang Prince #2 na si Drico Antonio DiVanne kinilig pati balun-balunan ko. Unang sulyap ko pa lang sa picture niya noon na matamang nakatitig sa camera na para bang pinag-aaralan ang buong pagkatao ko ay kakaibang damdamin na ang dumaloy sa akin patungkol sa kanya. Hindi lang siya sobrang gwapo, sobrang kisig at sobrang lakas ng dating, kakaiba ang dating sa akin ni Drico. Hindi na ako teenager para magpantasya ng ganito pero, hindi ko mapigilan ang hiyaw ng puso ko sa tuwing may kakaunting balita akong nasasagap tungkol sa kanya.

Princes of Hell, ito yung listahan ng mga lalaking may mala-diyos na kagwapuhan ngunit may mala-demonyong pag-uugali. Cold-blooded demons ang mabentang adjective sa kanila, mga walang puso sabi pa ng media. Pero sabagay, in fairness naman sa kanila mukhang hindi naman lahat ng member ay confirmed na heartless, kasi ang nauna sa listahan na si Jandrix, ang Prince #1 eh kinasal na, 'di ba? At ang matindi, patay na patay daw ito sa asawa. Syempre rumors lang 'yon. Pero umaasa ang lahat na totoo.

Napabuntong-hininga ako sa pag-asam na sana ang pangalawa sa listahan ay may puso din. Si Drico Antonio DiVanne, ang pinakapaborito kong Prince of Hell, he's called, the paparazzi-shy lion. Hindi lang panga ko ang nalalaglag sa tuwing nasisilayan ko ang mga pictures niya, kundi pati ang puso at matris ko fall na fall dito.

Muli kong sinulyapan ang topless picture niya na naka-frame at nakalagay sa center table ng sala namin. I like him so much hindi ko alam kung bakit, maybe because of the intelligent slant of his brow, the arrogant twitch of his lips or maybe because of the mysterious cold stare in his eyes na para bang tumatagos sa kaluluwa kung tumitig?

"Nakita niyo na, si Drico Antonio DiVanne lang ang magpapabalik sa lupa ng kaluluwa ng isa diyan eh! Nakangising komento ni Mexie na ako ang tinutukoy.

"Uy bes, kanina ka pa tense diyan pino-problema mo pa rin ba ang tawag ng ate mo kagabi?" si Lira.

Napalunok ako ng maalala ang paos at nahihintakutang boses ng kapatid ko kagabi. Nilapitan ako ni Lira. "Alam mo 'wag kang mag-alala doon, malay mo nananakot lang 'yon o kaya nagbibiro. Hindi ka kailangang magtago dahil wala ka namang atraso sa kahit na sino, walang magtatangka sa buhay mo 'no!"

"Papano pala kung ang bruha niyang ate ang may atraso at siya 'tong balikan? Kaya siya pinapatago?" Sabat ni Mexie.

May punto si Mexie, nang sabay na mamatay ang mga magulang namin tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi na rin nagpakita si Rebecca sa akin. Nabalitaan kong nagpunta siya ng Athens at nagsilbing personal assistant ng isang mayamang bilyonaryo. Matalino at ubod ng ganda si Rebecca, hindi na ako nagtaka kung isang bilyonaryo ang kumuha sa serbisyo niya. Sa loob ng mahabang panahon ay wala kaming naging kumunikasyon sa isa't isa.

Ngunit kagabi, tumawag siya. Binalaan akong magtago, umalis sa apartment ko at huwag daw munang makihalubilo sa kahit na sino. Tinanong ko kung bakit pero wala siyang sinabi. Matapos humingi ng tawad sa kung ano mang kasalanan ay pinutol niya ang linya.

Kinabahan ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. Anong nangyari sa kanya sa Athens? Nagkaroon ba siya ng atraso sa boss niya? Hindi ako mapakali sa kaba, dahil kahit naman inabandona niya ako nang mamatay ang mga magulang namin, siya nalang ang natitira kong kadugo sa mundong ibabaw ano. Parang ang hirap naman kung pati siya ay mawawala pa sa akin. Kaya naman kung may magagawa ako, hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya anuman ang problema niya.

"Hindi natin alam kung ano ang nangyari kay Rebecca sa Athens, baka may nakabangga siyang masamang tao, magtago ka na lang kaya?" seryosong komento ni Julia.

Sumimangot si Mexie. "Hay naku! Kung sino man 'yang kinatatakutan ng ate mo, malamang nadamay ka na sa galit no'n. Yang kapatid mo na yan, pahamak!"

"Oiisst!" Saway ni Lira dito. Kinurot pa ang taklesang mga kaibigan.

Gusto kong tulungan ang kapatid ko sa kinasasangkutan niyang problema pero paano? Ni hindi ko alam kung nasaan siya, at kung sino ang kaaway niya. Pinakiusapan ako ng mga kaibigan ko na huwag munang pumasok sa club hangga't wala pang linaw ang lahat ngunit nagpumilit ako. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.





Pagdating sa club ng gabing iyon, naunang pumasok sa loob ang mga kaibigan ko dahil magsusuot pa ng uniform. Ako ay hindi na kailangan, kahit nakasibilyan lang ok na.

"Hannah Victoria?"

Napalingon ako sa tinig na nagmula sa likuran. Naalarma ako ng tatlong hindi pamilyar na lalaki ang nalingunan ko. Panay naka-black suit ang mga ito at malalaking tao! Teka sandali, sila ba'y mga nawawalang Presidential Security Guards ni Duterte?

"Sino kayo?" Lakas-loob kong tanong.

"Pinaiimbitahan ka ni Boss sa bahay niya," sagot ng nasa gitnang lalaki.

"Sinong Boss?"

"Makikilala mo rin kapag sumama ka sa 'min."

Tinaasan ko ng kilay ang mga ito. Anong akala ng tatlong ugok na ito sa akin, kaladkarin? "Eh kung ayokong sumama?" Maangas na supalpal ko. "Bastos 'yang amo mo ah, kung may kailangan siya sa 'kin, siya kamo ang lumapit!"

Tinalikuran ko na sana ang mga ito nang isa-isa silang humarang sa daan ko. Mukhang walang balak pakawalan ako. Nang hawakan ako sa balikat ng isa sa kanila, ubod lakas kong inikot ang braso nito hanggang sa napangiwi sa sakit at ito na mismo ang bumitaw sa akin. Dinaluhan ito sa isa pa ngunit kaagad akong naka-ikot at nasipa ito sa panga. Ganun kataas ang abot ng paa ko, black belter yata ito. At hindi basta-basta. Champion mixed-martial artist din ako ng makailang beses.

Hindi ako patatangay sa mga ito ng ganun-ganun na lang, mamatay muna ako bago madala sa kung saan. Hindi umobra ang tatlo, ilang minuto lang napadapa ko ang mga ito, ngunit hindi ko inaasahan ang pagdating ng sampu pang mga lalaki. Pinagtulungan ako hanggang sa mapagod. Isang lalaki mula sa dilim ang bumaril sa akin kasabay ng pagbaon ng manipis na karayom sa balat ko. Umikot ang paningin ko at nanghina...





Nang magkamalay ako ay nasa loob na ako ng isang magarang van kasama ng mga unipormadong lalaking kumidnap sa akin. Tumingin ako sa bintana, pero may takip iyon at wala akong makita.

"Saan niyo ko dadalhin? Kidnapping 'to ah! Mga tanga wala akong pera, nagkamali kayo ng dinampot!" Pilit akong kumawala ngunit mahigpit ang tali ko sa kamay at paa. Hindi rin ako pinansin ng mga lalaki. Nagtinginan lamang ang mga ito, parang mga piping hindi makapagsalita.

"Pakawalan niyo ako! Sa'n niyo ba ako dadalhin??"

Pero wala pa ring sagot. Naiinis na ako sa katahimikan ng mga ito. Kinabahan ako nang pagkatapos ng mahabang biyahe ay huminto ang sasakyan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal bumiyahe pero pihadong hindi bababa ng anim na oras iyon kasi ay bukang-liwayway na. Kinalagan ng isang lalaki ang tali ko sa paa ngunit hinayaang nakagapos ang mga kamay ko. Todo bantay din ang mga ito sa bawat kakaibang galaw ko. May epekto pa ang gamot na naiturok sa akin dahil nang magsimula akong maglakad ay ramdam ko pa ang panghihina at pagkahilo.

Iginala ko ang paningin sa paligid, bahagya nang maliwanag kaya nakikita ko na ang kapaligiran. Nasa harapan kami ng isang enggrandeng mansyon sa gitna ng kulay berdeng hardin. Kaya pala ang bango dahil ibat' ibang klase ng bulaklak ang nasa paligid ngayon. Sabayan pa ng mala-probinsyang ihip ng hangin. Nasa probinsya na nga siguro ako.

Sosyal at mabusisi ang landscape ng buong mansyon, pihadong ubod ng mayaman ang may-ari ng bahay na ito. Sino naman kaya ang magkakainteres na dalhin ako sa ganitong klaseng lugar? Sino ang boss na gusto akong makilala? Teka sandali, baka isa sa matatandang mayamang nangungursunada sa akin sa club? Langya, 'wag naman sana!

"Pasok na sa loob, the Boss is expecting you now."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Pakiramdam ko mga terorista ang kasama ko at leader ng sindikato ang Boss na tinutukoy nila. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng mga lalaki at sinubukang makawala, pero walang silbi. Talagang mahina pa ako, mas lalo akong nahihilo sa tuwing gumagalaw ako.

"Bitiwan niyo ako! Ayokong sumama sa inyo! Sino ba 'yang Boss niyo na 'yan, bobogbogin ko 'yan kapag nagkaharap kami!" Halos mapaos na ako sa kakasigaw ngunit walang epekto sa mga ito ang pinagsasabi ko. "This is kidnapping, ipapaselya-elektrika ko kayong lahat!!"

Natahimik lang ako nang busalan ako ng lalaking nasa unahan. Mukhang 'yon ang leader, at tandang-tanda kong ito ang bumaril sa akin ng nakakahilong droga.

Pumasok kami sa isang malawak na kwarto na pulos mamahalin ang mga gamit, tingin ko sa iba ay mga Philippine antique. Natigilan ako sa ganda ng sunrise na kitang-kita dahil isang makapal na glass wall lang ang nagsisilbing harang ng bahay mula sa kalikasan. Napakaganda ng kwartong napasukan ko, at napakaganda pa mga tanawin sa labas.

Natuon ang atensyon ko sa lalaking nakaharap sa glass wall at kasabay kong pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Matangkad ito sa karaniwalang lalaki, malapad ang balikat, matikas ang beywang at matambok ang pwet na talaga namang kaiinggitan ng mga kababaihan. Siya ang tipong likod pa lang nakakapaglaway na. Speaking of laway, dinama ko ang gilid ng bibig ko dahil feeling ko tumutulo na iyon. Buti hindi naman, nakakapagpigil pa naman. Isa pa, hindi naman si Drico ang lalaking 'yan. Baka nga 'pag nakatalikod gwapo pero pagharap tsonggo!

"Boss, she's here," sabi ng tauhan sabay tanggal ng busal sa bibig at tali sa kamay ko.

Bumalik ako sa realidad, kinidnap ako ng mga ito at hanggang ngayon wala akong ideya kung bakit. Bahagyang itinango ng lalaking nakatalikod ang ulo. Matapos 'yon ay naiwan kaming dalawa ng tinatawag nilang Boss sa kwartong iyon.

Napangisi ako, lagot ito sa akin. Napakalaking pagkakamaling inalisan ako ng tali sa kamay. Kahit pa sobrang tangkad niya at sobrang lapad ng likod, hindi niya kakayanin kapag nagpambuno kami. Totoo, bibigwasan ko siya ng paulit-ulit hanggang sa sumuka siya ng barya. Ang walanghiya, ang lakas ng loob ipakaladkad ako sa mga tao niya! Walang sinuman ang pwedeng gumawa no'n kay Hannah Victoria!

"Ikaw pala ang Boss, humarap ka nga! Anong kailangan mo sa 'kin?!" Sigaw ko ng walang katakot-takot kahit pa nasa labas lang ang mga tauhan niya.

Hindi siya tumugon. Mas lalo akong naasar.

"Ang yabang mo ah! Sinabi nang humarap ka!"

Inilapag ng lalaki ang hawak na kopita ng kulay pulang alak sa side table. Napipikon na ako dahil mukha siyang walang pakialam sa mga sinasabi ko. Pagkatapos ng power display na pinakita ay aaktuhan ako ng ganito, na parang gusto pang lumuhod ako para tapunan ng kahit na konting atensyon? Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga taong kagaya nitong arogante at mataas ang bilib sa sarili porke mayaman!

"Kung sa tingin mo natatakot ako sa 'yo dahil sa dami ng tauhan mo sa labas, nagkakamali ka! Kung ayaw mong masaktan, pakawalan mo ako ngayon din! Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo!"

Walang sagot. Letche. Kailangan ba English?

"Kapag kinakausap ka humarap ka ha, alien ka ba? Hindi ka makaintindi ng tagalog? Gusto mo bang sapatusin kita?"

Napansing kong kumuyom ang magkabilang kamay niya, siguro ay napikon sa sinabi ko. Aambahan ko na sana nang suntok nang pumihit siya paharap. Nagsalubong ang mga mata namin. Ang kamao kong nasa ere biglang tumiklop at bumalik sa dating pwesto.

Laglag ang panga ko, literal.

Kumabog ng mabilis ang puso ko.

Nanlaki ang mga mata.

Napakurap ng sampung beses.

Namutil ang mga pawis ko sa noo kahit na malamig naman ang paligid.

Those intelligent brows...

Those firm and arrogant lips...

And the icy cold stare...

Totoo ba 'to? Parang pinunit sa pahina ng Prince of Hell magazine at hinarap sa akin si Prince of Hell #2 in flesh and breathing. Utang na loob! Hindi lang panga ang nahulog sa akin, pati na rin puso, atay at mga kidneys! Nagka-riot sa buong sistema ko, dahil ang lalaking pinagnasaan ko ng matagal na panahon nasa harapan ko na ngayon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro