Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

"KEAN'S POV"

"Dito lang po ako manong. " Ani ko sa tricycle driver.

"Bayad mo iha? " Anito habang nilahad ang kanyang kaliwang kamay.

"Sandali lang po manong ha? " Ang saad ko at lumabas na sa tricycle.

Pasensya na talaga manong kung gagawin ko ito, wala na kase talaga akong pera pambayad eh.

At kung maglalakad naman ako sa amin hanggang dito sa bayan baka ma heat stroke ako sa daan sa sobrang layo.

"Mag kano po manong? " Ang tanong ko sa kanya.

"Singkwenta lang iha. " Ang sagot naman nito.

Nag kunwari akong dumukot sa aking bulsa na kahit piso ay wala talaga. Pasensya na po talaga manong dahil ma budol kita ngayon.

"Iha? " Ang tawag nito sakin.

"Sorry po talaga manong, i love you. " Ang sabi ko bago ako tumakbo palayo.

"Hoyyy!!! Ang bayad mo??!! " Ang sigaw pa nito.

Mabilis akong tumakas dahil ito lang talaga ang magagawa ko kase wala talaga akong ma ibayad kay manong.

"Hoyy!! Tigil iha! " Ang sigaw nito at hinahabol niya ko.

Putcha naman oh.

Pag bigyan niyo na po ako manong, please wag niyo na po ako habulin.

Kinakapos na ako ng aking hininga dahil kasing bilis pa ni ultra man ang aking takbo para lang matakasan ko si manong.

Nakokonsensya naman ako sa ginagawa ko dahil masama talaga ito pero no choice ako eh.

Liliko sana ako sa may kanto ng bigla akong mabangga sa isang matigas na pader.

Nyeta naman oh! Panira talaga ng araw. Napahimas ako sa aking noo dahil sa sakit nito.

Tumingala ako sa lalake na nasa harap ko. Naka suit ito na para bang isang business man.

Napakadilim naman ng awra ng lakakeng 'to.

"Hoyy!! Ayon mang gagantso mag bayad ka!! " Ang sigaw ni manong na paparating sa akin.

Anak ng teteng naman oh! Akala ko ba natakasan ko ng isang 'to. Lakas ng resistensya ha?

"Sorry po talaga. " Ang saad ko sa lalake.

Tatakbo na sana ako para makatakas pero pinigilan ako ng lalake gamit ang pag hawak niya sa palapulsuhan ko.

"Hoy! Bitiwan mo nga ako! " Ang galit kong sigaw sa lalake. Pilit akong kumawala sa hawak niya pero ang hirap. Lintik na!

"Wag mong bibitawan 'yan hindi pa yan nag babayad sa akin." Ang sabi naman ni manong na hinihingal dahil sa paghabol nito sa akin.

"Kababae mong tao tapos mang gagantso ka sa mahirap na katulad ko." Ang galit nitong wika na ikinayuko ko nalang dahil sa sobrang kahihiyan.

May mga taong nakatingin na sa amin at nakikinig sa mga sinasabi ni manong.

Mga chismosa talaga!

Lupa please lamunin mo nako now na! Sobrang kahihiyan ito.

"Mag bayad kaba o hindi? Kung hindi ipapakulong talaga kita! " Ang galit na saad nito.

Nanginginig na ang aking mga tuhod. Nag sisilabasan narin ang butil ng pawis sa aking noo.

"Pasensya na po talaga manong wala po kase akong pambayad eh. Sorry po talaga. " Ang nahihiya kong pag hingi ng pasensya kay manong.

"Hindi pwede iyan iha may pamilya akong binubuhay. " Ang sagot nito.

Nakonsenya naman ako dahil sa aking nagawa.

"Ako na ang mag bayad d'yan ito keep the change. " Ani ng katabi ko na hanggang ngayon ay hindi parin niya binitawan ang kamay ko.

Binigyan niya si manong ng isang libo na ikinatuwa nito.

"Naku salamat malaking halaga na ito para sa pamilya ko. " Ang sabi ni manong na ikinatango lang naman ng katabi ko.

Umalis na si manong na may malaking ngiti sa labi nito. Pati narin ang mga nakiki-usyuso.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Tumingala ako sa katabi ko na nakatingin pala sakin.

Madilim ang mga mata nito na kasing dilim ng gabi ng kalangitan.

Makapal ang kilay nito pati narin ang kanyang mga labi na kasing pula ng mansanas.

Matangos ang kanyang ilong habang may mahahabang pilik mata. Naka brush up ang buhok nito na kulay abo.

Matikas ang kanyang pangangatawan sa suot nitong suit. Mabango ang halimuyak niya na nakikibighani ng mga babae.

Sobrang tangkad niya na parang isang basketball player. Hanggang dibdib lang ako sa kanya.

Nahihiya nga ang height ko sa kanya eh.

Medyo may pagka sunog ang balat niya na sobrang na babagay naman sa kanya ang pagiging moreno niya.

In all sobrang gwapo niya. My ideal type of boyfriend.

"Salamat." Ang nahihiya kong sabi sa kanya.

Hindi naman ito sumagot sa akin. Pinukulan niya lang ako ng nag babagang tingin bago niya ko binitawan at umalis.

Ang gwapo niya sobra kaso may pagka weirdo naman ang lalakeng iyon.

Tsk! Makahanap na nga ng trabaho.

---

Nag lakakad ako sa may gilid ng daan. Marami nakong na pag tanungan na pwedeng mapag trabahoan kaso lahat sila ay full na.

Ang malas ko talaga sa araw na to. Pati si manong dinadamay ko pa sa kamalasan ko. Buti nalang talaga nakabangga ko 'yong lalake at siya na ang nag bayad kay manong.

I think his my guardian angel. Hehe..

Gustong gusto ko na talagang makahanap ng bagong trabaho.

Lord please give me a sign.

Please..

Pleaseeeee...

Napatigil naman ako sa aking pag lalakad ng may biglang papel na sumapalpal sa mukha ko.

Tsk! Sa mukha ko talaga? Really?

Mukha ba kong basurahan?!

Nakaka highblood talaga ang araw nato.

Malas!

Malas!

Malas!

MALAAAAASSSS!!!!!

Dahil sa sobrang inis ko ay pupunitin ko sana ang papel na sumapalpal sa mukha ko ng may mabasa ako dito.

Wanted: Maid

10,000 per month

Stay in.

Contact: 099********

Ohmyy!!! Ito na siguro ang sign na binigay ni lord!

Ohmygod!! Thank you lord!

Sobrang thank you talaga.

Ang swerte ko naman ngayong araw. Babawiin ko na po 'yong sinabi na malas ako. Prank lang po 'yon. Ang totoo talaga ay sobrang swerte ko hehe..

Sana ito na nga, ito na nga ang hinahanap kong trabaho na nababagay sa akin.

Malaki ang aking ngiti habang binabagtas pa uwi ang papel na binigay sakin na sign ni lord.

Tatawagan ko mamaya ang number nato. Makiki tawag nalang ako mamaya kay Bruno kahit sobrang sama nito sa akin.

Wala kase akong sariling cellphone. Kaya makikihiram nalang ako mamaya kay Bruno. Sana nga mag papahiram ang damulag na 'yon sakin.

---

At sa wakas nakarating na din ako sa amin. Dumiwalwal na parang aso ang dila ko dahil sa sobrang pagod. Ginabi ako sa paglalakad.

Nadaanan ko ang bahay nila Bruno. Nakita ko siya na naka tambay sa labas nila.

"Uyy Bruno pa inom naman ng tubig d'yan sa inyo oh! " Ang sabi ko sa kanya.

Hindi naman niya ko pinansin at nag bisi-bisihan sa pag tatype sa cellphone nito. Ang sungit talaga.

Hindi ko talaga alam kung baket naging ganito ka cold sakin si Bruno. Magkababata kami nito, sobrang close nga kami noon eh kaso bigla nalang siya naging cold sakin.

Hindi na niya ko pinapansin. Hindi ko nga alam kung baket naratinh sa ganito ang aming samahan ni Bruno. Siguro nga hindi niya ko gusto na maging kaibigan kaya ganito siya sa akin.

"Bruno pwede pahiram ng cellphone mo mamaya may tatawagan lang akong importante. " Ang sabi ko dito at umupo ako sa tabi niya.

Tutok parin siya sa kakatype sa cellphone nito.

"Ayoko." Ang madiin na sagot nito.

"Please naman Bruno, please, please, pleaseeeee... " Ang kulit ko pa dito.

At sa wakas napatingin naman ito sakin. Ngumiti ako sa kanya na ikinaiwas nito ng tingin sa akin.

"No! " Ang pinal nitong sabi.

"Please.... "

"No."

"Please naman Bruno para ka namang others eh. "

"I said no. "

"Please, please, please Bruno gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta papahiramin mo ko ng cellphone mo, sandali lang naman eh may tatawagan lang akong importante." Ang saad ko dito.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa.

Tumingin naman siya sakin ng seryoso.

Ang gwapo mo sana kaso ang panget ng budhi mo. Selfish handsome!

"Lahat? " Ang saad nito.

"Anong lahat? " Ang nag tataka ko namang tanong dito.

Napakamot naman siya sa batok nito na parang na iinis na ito sa tanong ko.

"Gagawin mo lahat para lang ipahiram ko sayo ang cellphone ko." Ang saad nito.

"Oo naman gagawin ko lahat basta wag kalang humingi sakin ng pera kase wala ako no'n. " Ani ko sa kanya.

"Kahit halikan mo ko ay gagawin mo ba? " Ang mabilis nitong tanong sakin.

"Oo naman kahit ano basta gaga-- ANO? " ang gulat kong sigaw sa kanya.

"Magawa mo bang halikan ako? " Ang saad naman niya na nakakapag pakabog ng aking dibdib.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Bruno? " Ani ko habang kunot na kunot ang aking noo dahil sa lalakeng 'to.

"Oo baket ayaw mo ba ede hindi ko ipapahiram 'tong cellphone ko sayo. " Ang saad nito sabay talikod sa akin.

Napa tampal nalang ako sa aking noo. Nahihibang na siguro ang lalakeng 'to.

Nakalaklak siguro ng drugs.

Tsk!

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro