Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"KEAN'S POV"

"Ate Kean kailan po ba ako papasok sa school? " Ang saad ng kapatid ko habang dinidiligan namin ang mga bulaklak sa aming bakuran.

Napaisip naman ako kung sana buhay pa ngayon sina mama at papa hindi siguro kami ngayon nag hihirap ng ganito.

Mag isa ko nalang kasi tinataguyod ang aking kapatid na si Rina. 12 years old palang ito at napatigil sa pag aaral.

Kailangan ko na talagang mag hanap ng bagong trabaho kase hindi sapat ang kinikita ko sa restaurant na pinapasukan ko ngayon sa pantustos sa pag aaral ng kapatid ko ngayong pasukan.

"Wag kang mag alala Rina ngayong pasukan kana mag aaral. Mag hahanap muna ng bagong trabaho si ate ha? " Ang saad ko dito at hinihimas ko ang malaman nitong pisnge.

"Baket pa mag hahanap kayo ng trabaho ate diba may trabaho kana po? " Ang tanong naman nito na ikinangiti ko dahil sa kainosentahan ng kapatid ko.

"Hindi pa kasi sapat iyon Rina para sa pantustos sa pag aaral mo. " Ang sagot ko naman dito. Napa tango naman ito at niyakap ako nito ng mahigpit.

"Salamat ate balang araw pag makapag tapos na po ako sa pag aaral at kapag may trabaho na. Bibili po ako ate ng malaking bahay at may swimming pool at malaking kotse na para sa atin ate." Ang maligalig naman nitong sabi na nag papangiti sa akin.

Ginulo ko naman ang buhok nito. "Totoo ba 'yan i baka binubola mo lang ako Rina? " Ang sabi ko naman dito.

Tinaas naman nito ang kaliwang kamay niya na para bang nangangako. "Promise po ate. Ipagbubuti ko po ang pag aaral para maisakatuparan ko po ang pangako ko po ate." Ang bibong saad nito.

"Osya tapusin na natin 'to para makakain na tayo. " Ang saad ko sa kapatid ko.

Ako po pala si Kean de Leon, nasa edad na bente dos anyos.

Bakla po ako at alam 'yan ng pamilya ko bago sila pumanaw at tanggap naman nila ang pagiging bakla ko.

Kaya ate ang tinatawag sa akin ni Rina. Sinasabi ko nga sa kanya na pwede namang kuya nalang pero ang sabi niya ay hindi daw bagay na tawagin niya akong kuya kundi ate daw itatawag niya sa akin.

Hindi ako nakapag tapos ng pag aaral dahil sa walang pantustos. Kaya sinikap ko nalang na ang aking kapatid ang aking pag papatapusin sa pag aaral.

Dahil alam kong mahirap ang walang kaalaman. Kaya mag babanat ako ng buto para lang makapag aral itong kapatid ko.

Wala na kaming pamilya dahil ang ama't ina namin ay pumunaw na dahil sa isang aksidente.

Yes nong una mahirap talaga tanggapin ang pag panaw ng aming mga magulang. Pero dapat talaga kakayanin kase alam ko naman na hindi kami papabayaan ng diyos.

Isa lang itong malaking pag subok at alam kung malulusutan namin ng kapatid ko ito.

Pagkatapos namin madiligan lahat ng aming mga bulaklak ay pumasok na kami sa loob para makapag umagahan.

--

"Ate ang sarap ng ulam natin noh? " Ang saad ni Rina sa akin habang punong puno ng pagkain ang bibig nito.

Pritong isda lang naman ang ulam namin na binili ko kanina sa palengke buti na nga lang mabait yong tindera kaya pinapatawaran niya ang presyo sa akin.

Tumango naman ako sa tanong nito at pinagpatuloy nalang namin ang aming pagsalo salo.

Pagkatapos naming kumain ay si Rina na ang nag hugas ng mga pinggan.

"Rina maliligo lang muna si ate ha? " Ang saad ko habang hinubad ko ang aking damit at itinira ang short.

Kinuha ko ang timba at kabo sa banyo wala kasi kaming tubig. Matagal na kaming pinuputalan ng tubig dahil wala kaming pambayad.

Mabuti nalang may poso malapit lang dito sa amin kaya doon kami naliligo ni Rina at doon din kami nag iigib ng tubig para pambuhos pag nag babanyo kami at sa paghuhugas narin ng pinggan at doon rin kami umiinom ng tubig dahil malinis naman talaga ang tubig ng poso namin dito.

Tinanggal ko narin ang tali sa aking buhok na hanggang balikat ko lamang.

Maraming nag sasabi na mukha daw akong babae dahil sa maliit kong mukha at sa maputi kong balat.

Ilang beses na akong napagkamalan na babae dahil sa itsura ko. Kulay tsokolate ang aking mga mata ganun din kay Rina na namana namin sa aming ama na may halong kastila.

At sa maputi't kinis naman ng aming mga balat ay na mana naman namin sa aming ina na pure talagang Pilipino.

Kinuha ko ang tuwalya at lagayan ng mga shampoo, sabon at iba pa para makaalis na.

Pagkadating ko sa may poso ay nilagay ko ang timba sa harap. Nag simula na akong mag bomba at nang mapuno na ang timba ay nag simula nakong maligo.

Sa kalagitnaan ng pag sasabon ko ay may umepal sa aking pag ligo.

"Usog ka nga doon mag iigib ako. " Saad nito sa akin. Kaya umusog naman ako ng konte at napatingin sa lalake. Nakita ko pa ang pag sulyap niya sa dibdib ko.

"Uyy ikaw pala yan Bruno. " Ang saad ko sa kanya at hindi naman niya ko pinansin. Patuloy lang ito sa pag bomba.

Ka edad ko lang si Bruno at malapit lang ang bahay niya sa amin. Palaging nakakunot ang noo nito na para bang hawak niya ang lahat ng problema sa mundo.

"Baket ka nag iigib Bruno eh di ba may sarili kayong tubig. " Ang sabi ko naman sa kanya  habang nag shashampoo ako sa mahaba kong buhok. Napasulyap naman ito sa leeg ko at kapag mahagip ko siya ay iiwas naman siya ng tingin.

"Pake mo ba! " Ang galit nitong sigaw sa akin. Hindi ko alam kung baket galit ito sa akin palagi eh hindi ko naman siya ina ano. Guwapo ka pa naman sana kaso ang sungit mo!

Hindi nalang ako nag salita at binilisan ko nalang ang aking pag ligo para makaalis na. Para narin makahanap nako ng bagong trabaho.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik nako sa bahay at hindi na pinansin si Bruno na nag bobomba parin kahit puno ng ang timba niya. Ano kaya ang iniisip nito.

Pagkadating ko sa bahay ay nakita kong nag wawalis sa bakuran si Rina.

"Oh baket ka nag wawalis d'yan na kakawalis lang natin 'yan kanina. " Ang nag tataka kong saad sa kanya.

Tumigil naman ito at napakamot sa ulo nito.

"Eh kase ate nag lalagas na naman ng tuyong dahon ang manggang ito eh." Ang sabi nito sabay turo sa puno ng mangga sa gilid ng bakuran namin.

"Osya pagkatapos mo diyan ay maligo kana ha? Kase ako mag hahanap muna ako ng bagong trabaho diyan sa bayan. " Ang saad ko naman dito. Tumango naman ito sa akin at sumaludo pa na parang isang sundalo.

"Good luck po ate kaya mo 'yan. " Ang saad nito.

Napailing nalang ako habang pumasok sa bahay. Nag suot nalang ako ng isang white T-shirt at pinarisan ko iyon ng black fitted pants at nag rubber shoes na din ako.

Nag lagay lang ako ng konteng pulbo sa mukha at liptint naman sa labi ko. Pagkatapos kong masuri ang itsura ko ay lumabas nako ng bahay.

Nakita ko si Rina na kakatapos lang mag walis.

"Rina aalis na ang ate, diyan kalang sa bahay ah wag kang aalis. " Ang saad ko dito.

"Opo ate." Ang sagot nito.

"At maligo ka pagkatapos mo diyan. " Ang dugtong ko pa na ikinatango nito.

Lumabas nako sa bakuran namin at nag para ako ng tricycle para makahanap na ng trabaho.

Goodluck to me.

Sana nga makahanap ako ng bagong trabaho na may malaking sahod.

At kahit ano pa ang ipapagawa nila sa akin ay gagawin ko.

Basta wag lang ang pumatay ng tao kase iyan ang hindi ko magagawa.

Itutuloy...



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro