Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

*HER NAME IS PRONOUNCED LIKE WIRE *

LIRE

Nagulat ako ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.Nandito ako ngayon sa kawalan at ni hindi ko alam kung nasaan lupalop na ba ako. Sobrang sama ng loob ko. Iniwan na ako ng kinikilala kong Ina , siya ang nagpalaki sa akin sa ampunan. Tama, isa akong Oraphan at kahit na minsan ay hindi ko nakilala ang tunay kong mga magulang. Si Nanay na ang kinilala kong Ina mula pagkabata , sobrang bait at mapagmahal niya. Maraming beses na rin ako gusto ampunin ng mga foster parents ,pero ayoko dahil napamahal na ako kay Nanay at ganoon di siya sa akin, ngunit ngayon wala na siya. Hindi ko matanggap ..

Inangat ko ang tingin ko saka muling pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi, malabo ang paningin ko dahil sa pamumgto ng aking mga mata. Napansin kong papalapit sa akin ang isang grupo ng kalalakihan na humarang sa akin , mga nasa lima ang bilang nila. Mga nakasuot sila ng itim na jacket at hindi ko gusto ang kanilang Aura .

"Hi Ms. Sumama ka samin " sabi ng isa na nangunguna sa paglapit sa akin, paurong naman ako ng paurong. Luminga linga ako sa paligid upang tingnan kung may matatakbuhan ako , sa likod ko may kanto at hindi ko alam kung ano ang nandoon , sa kanan ko ay pader ng isang mataas na building , sa kaliwa ko ay madilim na iskinita at sa harap ko ay ang mga lalaking ito. Kinakabahan ako at natatakot, ano ang maaaring mangyari sa babaeng kagaya ko sa kalaliman ng gabing ito

"L-lumayo kayo sa akin. Anong kailangan niyo ?" Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko na malaman ang gagawin ko nang mapansing may kung anong dinudukot ang lalaking ito mula sa kanyang Jacket.

"Sumama ka na sa amin kung ayaw mong masaktan" muli nitong sabi bago inilabas ang isang baril niya at itinutok sa akin , Parang naging bato ako sa kinakatayuan ko.

"W-wala akong pera maawa kayo , wala kayong mapapala sa akin" Pagmamakaawa ko , wala akong pera at wala talaga akong maibibigay , ni wala nga akong dalang kahit na ano. Agad ko naman pinigtas ang suot kong kwintas at isinilid sa bulsa ng pants ko sa likod. Ito na lamang ang mayroon ako. Mula pa pagkabata ay nasa akin na ang kwintas na ito at sabi ni Nanay galing daw ito sa mga magulang ko.

"Sino may sabing pera ang pakay namin sayo ?" muli nitong sabi at tiningnan ng malagkit ang katawan ko saka ngumiti ng nakakaloko , nagtawanan din ang mga kasama niya. Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa nakalapat na sa noo ko ang kanyang baril. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang bahagyang pagbaon nito sa aking balat.

Nakita kong sinenyasan niya ang kanyang mga kasama na lapitan ako, Nanginginig ang buo kong katawan at hindi na ako makagalaw.Naiinis ako noon sa mga bida ng pelikula na kapag nahoholdup at nalalagay sa ganitong sitwasyon ay hindi man lang magawa ang tumakbo o sumigaw upang manghingi ng tulong. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam, at hindi pala madali gawin iyon.

Pinikit ko ang mata ko nang makitang papalapit na sila at handa na akong hilahin mula sa kinakatayuan ko. Pero bago pa man iyon matuloy , may naramdaman akong humila ng aking kamay  mula sa aking likuran ..

..

NOBODY

Handa ng isuko ni Lire ang sarili sa mga masasamang tao, wala siyang lakas ng loob para subukang iligtas ang kanyang sarili , Napapangunahan at kinakain siya ng takot sa kanyang dibdib. Ipinagpasa Diyos na lamang niya ang mga maaaring mangyari.

Pinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata nang mapansing papalapit na sa kanya ang mga lalaking ito, natatakot siya ngunit blanko na ang isip niya at hindi niya na alam ang mga sumunod na nangyari. Bigla nalang may humigit sa kanya mula sa kanyang likuran at pagkatapos nun ay umalingawngaw ang sunod sunod na putok ng baril. Napahawak siya sa noo niya , wala naman siyang maramdamang sugat. Iminulat niya ang kanyang mata at nakita ang mga lalaking nambastos sa kaniya kanina na nakalupaga na sa kalsada. Nagkalat ang dugo sa paligid. Parang nahilo naman siya bigla dahil sa nakita. Na-oout of balance na siya. Naramdaman niya ang unti-unting pag-aagaw ng kanyang kamalayan, ngunit bago pa siya tuluyang mahimatay, ay nahagip ng mga mata niya ang taong nasa gilid niya lang kanina pa. Napatitig siya sa mga mata nito, mga mata na pag-aari ni Dio Asano, ang Alpha ng pinaka-kinakatakutan na Mafia sa kasalukuyang Henerasyon. ay ang taong nagligtas sa buhay niya... ..Ngunit , Ligtas na nga ba siya ?



Abangan >>>>>

VOTE AND COMMENT

- B L O O D Y V E I N

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro