Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

#TheDayYouSaidILoveYou
CHAPTER THREE

Nandito ako ngayon ng cafeteria sa department namin kasi nagugutom ako, hindi ako nakapag almusal kanina kasi sa sobrang late ko na masyado. Mabuti na nga lang at may vacant kami kasi hindi pumasok si sir at may conferrence daw na e na tenan.

I silently ate my breakfast when I see a group of boys entering the cafeteria. At may kasama pala silang mga babae. Siguro at mga girlfriends nila iyan.

They are exactly 8 people. At napukaw sa aking paningin ang isang lalaking matagal ko nang hinahangaan.

His name is Joshua de Miguel. Fourth year na siya at 21 years old. Paano ko nalaman? Kasi sino ba naman ang hindi makakakilala sa kaniya e sikat kaya siya dito sa school namin.

Anak mayaman, matalino, gwapo at talented. Halos event nga namin e kumanta siya e. Kaya siguro hulog na hulog ako sa kanya.

They sit in front of my table kaya kitang kita ko sila.

Masyado silang maingay kaya medjo nakaka agaw sila ng pansin sa ibang estudyante.

I silently glancing at him kasi natatakot akong malaman niyang tiningnan ko siya. Pero sa hindi inaasahan nag ka tinginan ang aming mga mata. Agad ko rin itong iniwas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan hindi naman ito kumakabog kanina. Tiningnan ko ulit siya at nandoon parin ang mata niya. Ano ba umiwas kana.

Dali dali akong tumayo at umalis na ng cafeteria. Kinakabahan ako.

Pumunta akong cr kasi gusto kong mag hilamos kasi naiinitan ako sa nangyayari.

I washed my face and looked for it. Hindi parin mawala wala ang kalabog na tibok ng puso ko. Why does he has the effect to make my heartbeat fast?

After kong maayos ang postura ko ay aalis na sana ako sa cr ng biglang nakasalubong ko siya sa pintuan ng cr.

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Parang kani kani lang ay nasa cafeteria lang siya at ngayon naman ay nandito na siya.

Hindi ko alam kong paano ako makakadaan ngayon kasi parang anytime mauutal akong magsalita.

"Pa-raan" kinakabahan kong sabi.

"Bakit moko tiningnan kanina?" he said.

"Huh? Tiningnan? Hindi ah, nagkataon lang yon"
"Anong nagkataon? Umamin ka nalang bakla" he agorantly said.

Hindi ako nakapagsalita. Natigilan ako kasi tinawag niya akong bakla. Bakit may problema ba sa pagiging bakla? At ano naman kung bakla ako? Hindi ko naman siya inaano ah?

"Hoy kung maka bakla ka naman! Bakit inaano ba kita?" I angerly said. Hindi ko maintindihan kung bakit nag iinit ang ulo ko. "Bakit hindi kaba bakla? Kasi sakin bakla ka e" he retorted.

"Excuse me? Ano naman sayo kung bakla ako? Bakit inaano ba kita?"

"Wala lang kinompirma ko lang kung bakla ka nga, kasi sa palagay ko bakla ka." he said. "Tama na nga 'yang pagsabi mo na bakla ako." At tuluyan na nga akong nakaalis sa pesting lugar na iyon. Tinabig ko ang braso niya para maka daan ako. "Ewan ko sayo, ang feeling mo masyado!" sabi ko nag tuluyan na akong makadaan sa harap niya.

Nangigil akong pumunta sa klase, kasi diba sino ba namang hindi mangigil kung paulit ulit kang sasabihan na bakla? Eh kung bakla ako? Bakit may problema ba siya? At kung meron man hindi ko na kasalan iyon no! Hello sino siya para mag adjust ako sa kanya, oo gwapo siya pero yung ugali nakaka turn off.

I enter the room with a furrowed eyebrow, at umupo sa favorite upuan ko.

Tiningnan ko ang relo at medjo may oras pa naman bago pumasok ang proffesor namin kaya inabala ko muna ang sarili sa pag bro-browse sa facebook ko at mamaya nga lang ay may biglang nag add request sakin.

Due to my curiosity pinindot ko ang friend request section at tumambad sakin ang lalaking crush ko sana kaso nakaka turn off naman ang ugali.

Joshua de Miguel sent you a friend request.

At sino naman siya para e add ko? Friends ba kami, hindi naman ah! Tsaka hinding hindi ko siya kakaibiganin! Period!!!

Inis akong denecline ang friend request niya.

Ayaw ko sa taong mapaghugas bahala siya diyan!

And after an hour natapos na din ang pasok ko. Wala naman akong ganap kaya uuwi akong maaga ngayon kasi alam kong papagalitan na naman ako ng mommy ko kung late na naman akong uuwi. Hays pero sila kuya okay lang pero ako hindi.

As I walked down the hall may biglang tumama sa ulo ko na kung anong bagay, masakit. Parang feeling ko matutumba ako anytime. Pinilit ko munang e pikit ang mga mata at ibuka ito para maging maayos ang paningin ko. Ang sakit non ha!

At pagkatapos may biglang nagsalita sa aking harapan. "Sorry, ayos ka lang?" pag tatanong niya. Parang alam ko na kung kaninong boses to ah.

"Mukha ba akong ayos? E ang sakit sakit nong tumama sakin! Ano ba iyon?" galit kong sagot sa kanya. Pinipilit ko paring pa aninagin ang paningin ko at nag tuluyan na nga akong makakita ay na kompirma kung si Joshua nga ito.

"Sorry it was my fault, napasobra ata ako sa pag sipa sa bola. Kung hindi ka pa okay I will go with you to the clinic. Siguro bukas pa naman ang clinic sa mga oras na ito."

"Wag na okay na ako, tsaka naman po sana mag dahan dahan naman kayo sa susunod kasi may mga tao pa namang dumadaan dito" galit ko paring sabi.

"Sorry na nga, hindi ko naman sinasadya," mahinahon niyang sabi, "Halika ka at sasamahan kita papuntang clinic baka kasi may kung anong naalog sayo." dagdag niya.

Hindi na ako umimik pa. At ngayon nga ay inaalalayan niya ako pasakay sa kotse niya, medjo malayo layo pa kasi ang clinic na pupuntahan namin.

"Pwede namang wag mo na akong dalhin sa clinic tsaka talagang ayos na ako medjo nahilo lang ako dahil sa lakas ng impak na tumama sa ulo ko." pag uumpisa ko. "O sige kung ayaw mo talagang mag papunta sa clinic, pwedeng samahan mo nalang akong kumain?" sagot niya.

Nabigla ako ng konti. Like ako aayain niyang kumain? Asa siya no! At saka may atraso pa siya sa akin. Anong akala niya makakalimutan ko ng basta basta iyon? Hell no!

Pero dahil traydor ang puso ko sinagot ko siya ng okay. Ang galing diba?

At habang nasa daan kami minabuti kong ni text si mommy baka kasi kung ano na naman ang abutin kong sermon sa kanya mamaya.

"Okay lang ba sa iyo na sa isang fast food nalang tayo kakain?" nagdadalawang isip na sabi niya. "Kasi tingnan mo naman masyadong traffic na at baka kasi kanina ka pa hinahanap sa inyo." sabi niya habang tumitingin sa akin.

"Kahit saan naman okay lang sa akin, ikaw din naman ang kakain e kaya okay lang." Wala talaga akong planong kumain at mag pa libre no? E sino ba namang may sabi na iilibre ka niya Allison? Shet nga no? At kaya ko namang bayaran ang pagkain na kakainin ko. No need to eat free.

Hindi na siya nagsalita pa after kong sagutin ang tanong bagkus ay pinark niya sa isang bakanteng slot sa may parking lot ang sasakyan niyang Austin Martin. Yaman!

Sabay kaming bumababa kasi baka kung ano nanaman ang gawin niya at nahihiya akong may makakita sa gagawin niya. Ang bulgar niya pa naman. We silently walked to the entrance of the fastfood chain and pinauna niya akong pumasok habang ang kamay niya ay nasa metal knob ng pintuan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kong bakit. Shit! Parang kinikilig ako, e kung tutuosin parang normal lang naman ang kilos niya. Ako lang siguro tong malisyosa.

"Ako na ang oorder ng pagkain, maghanap ka nalang ng pwesto doon sa taas" sabi niya. At dahil nga punuan ang lugar dahil na rin sa rush hour na okupado lahat ng upuan at mesa sa first floor. Tumungo ako sa second floor at may nakitang tatlong bakanteng upuan kaya doon ako nagpunta. Sa malapit sa bintana kasi gusto kong tingnan ang kalsada habang kumakain siya.

After some minutes I saw him looking for me and when he finally see's me he immediately walk after me. Nagtaka ako kasi bakit ang rami niyang dalang pagkain sa tray niya at may nakita pa akong dalawang crew na kasunod niya na may bitbit ding tray at nalula ako dahil halos binili niya lahat ng nasa menu ng fastfood na to.

Hindi ko na nga napigilang magtanong. "Bakit ang dami naman ata ng inorder mo Joshua? E ikaw lang naman ang kakain" tanong ko. "No, kakain ka rin. Kaya marami kasi hindi ko naman alam kong anong gusto mong kainin kaya inorder ko na lahat ng nasa menu doon." he said while he puts fried chicken, spaghetti, mango pie, lumpia and drinks sa pwesto ko.

"Diba sabi ko naman sayo hindi na ako kakain" taas boses kong sabi sa kanya. Pero parang hindi naman siya natinag dun. Instead he just shrug his shoulder and pouted his lips and says "kain na at iihatid na kita pagkatapos." Wala na nga akong nagawa at kumain nalang.

Hindi naman ako galit sa kanya o ano. Nasasayangan lang kasi ako sa mga sobrang pagkain na alam kong hindi namin makakain. Marami kayang mga tao sa pilipinas ang walang makain at heto siya nagsasayang ng pera at pagkain.

We silently eat, and paminsan minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ng sandali at ililihis ang tingin at babalik na naman pag karaan ng ilang minuto.

It was past 6 nang matapos kaming kumain at nag talo pa kami sa bayarin. Kasi gusto ko hati kami sa gastos pero sabi niya wag na daw at bayad na naman lahat ng ito. I accepted my defeat kasi alam ko namang kahit anong pilit ko e, siya parin ang mananalo.

"Sayang naman tong natirang pagkain at ang mga hindi na galaw na pagkain Joshua?" nalulungkot kung wika. "Can we just pack this and give it to the street children para naman may makain sila ngayong gabi" I suggested na sinang ayonan naman niya. Wala din naman siyang balak e uwi yung mga pinamili niya at hahayaan na daw ang mga crew sa naiwang pagkain. Ang sama talaga.

After naming makuha lahat ng pinapack namin na mga pagkain ay sumakay na kami sa kotse niya at huminto ng may makitang mga batang palaboy laboy. We gave them the foods and bid goodbye to them and sinabihan na wag nang mag kalkal ng kung anong pagkain sa basurahan dahil hindi iyon mabuti sa kalusugan nila kung sakali.

It's already 7:40 pm ng tuluyan na nga naming naipamigay ang lahat ng pagkain at napagdesisyonan niyang e hatid na ako sa bahay namin. I gave him my address and he silently drive his car until we reach our sudivison's gate. I told him na dito nalang ako baba at malapit din lang naman ang bahay namin sa entrance ng subdivision.

"Thank you sa pagsamahan sa akin Allison." he said. I was stunned kasi wala akong maalala na nag pakilala ako sa kanya bukod sa bangayan na nangyari kanina at pag tama ng bola sa ulo ko e hindi ko binangit ang pangalan ko.

"Bakit mo alam ang pangalan?" nagtataka kong tanong sa kanya. He smile. "In your ID, I saw it earlier. Saka sorry pala sa mga abala na ginawa ko sayo kanina" he lowered his voice pero rinig na rinig ko pa naman. "Hindi na muulit iyon pinapangako ko, friends?" he said.

"Okay lang, saka apology accepted. Allison Francia. Nice to meet you." sabay lahad ng kamay sa kanya.
"Joshua de Miguel. Nice to meet you too. Thank you ulit ah? saka pasensya ulit. Ano see you bukas nalang?"

Again my heart beat fast sa hindi malamang dahilan. It is foreign feeling to me.

"Yeah sure. Thank you din. You made my day nung ibinigay mo ang pagkain sa mga batang walang wala." I sincerly said.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nahihirapang makatulog.

--------------------------------------------------------------
Hey guys salamat sa pagbabasa ng storyang ito. Would you mind kung mag iwan po kayo kahit isang comment lang para naman malaman ko kung may nagbabasa ba ng gawa ko. Don't forget to vote and see you on the next chapter.

Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro