Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Hi it's been a long time since nag update ako. Pero ngayon ayan na may update na, na motivate lang kasi may makacollab na din ako sa wakas kahit na wala masaydong readers. Pero okay lang atleast nandiyan KA na nag babasa parin nito. You can follow him and read his worth of a time to read stories

itsmehappypau

#TheDayYouSaidILoveYou
CHAPTER TEN

Halos mag sasampung minuto na ang lumipas at nandito parin si Joshua sa harapan ko. Hindi ako makakilos ng mabuti kasi na aasiwa ako sa kanya.

Dali dali ko ring tinext si Mina kanina at sinabing kailangan ko ng masasakyan at sana ay masundo niya ako dito.

Mag sampung minuto na din at wala pa akong natatanggap na mensahe galing sa kanya.

Kaya nandito parin ako, kami pala sa harapan ng subdivision namin. Hindi pa naman ako late kaya medjo okay lang na matagalan kasi mamaya pa naman ang klase ko.

Tiningnan ko siya at nakita kung nakatingin pala siya sa akin kaya bigla siyang umiwas ng tingin at ganun din ako sa kanya.

Bakit nandito parin siya? Wala pa ba siyang klase at may oras pa siyang mamalagi dito.

Hindi ko siya kina-usap hindi dahil galit ako sa kanya kundi hindi ko alam kung ano at paano ko siya kakausapin.

Iwas tingin ko siya kung titingnan nag babakasaling siya ang uunang magsasalita.

At makalipas ang ilang minuto ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe akong natanggap.

Dali dali ko yung kinuha at tiningnan kung sinong nag text sa akin.

It was Mina. Binasa ko ang mensahe niya at para akong binagsakan ng langit at lupa ng hindi niya ako masusundo ngayon dahil may lakad din daw sila ng mommy niya.

Shuta paano na ito!

Ibinulsa ko muli ang cellphone ko at tiningnan ko si Joshua na ngayon ay may tiningnan sa kanyang cellphone at medjo nagmamadali ang kilos.

Napalingon ako sa paligid. Nag babakasaling may taxi o jeep man lang pero wala akong nakita.

Bakit ang galing to mang timing ng malas na ito. Hindi naman sa hindi ko gustong sumakay sa kanya pero, arrghhhhh!! Bahala na nga. Hindi naman siguro makakabawas ng pride ang pagsakay ko sa kanya no?

I mean sa sasakyan niya.

Napatingin muli ako sa kanya ng papasakay na sana siya pero dahil tinawag ko siya bigla siyang napahinto.

"Pwedeng sumabay?" nahihiya kung sabi sa kanya. "Hindi daw kasi ako masusundo ni Mina 'e" dagdag ko.

At habang sinasabi ko iyon sa kanya sumilay ang matamis na ngite sa kanyang mga labi.

"Sure, kanina nga rin kita hinihintay 'e" masigla niya sagot sa akin.

I got flattered kasi tama ako na ako nga ang hinihintay nitong lalaking ito.

Sino pa nga ba Allison? E ikaw lang naman ang nandito maliban sa kanya. Napairap nalang ako sa sarili ko. Agad naman akong sumakay nang pinagbuksan niya ako ng pintuan. I thanked him and he just smiled at me bilang tugon.

Agad na rin kaming lumarga papunta ng school. Tahimik lang kaming nakasakay doon dahil nahihiya akong bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"You can bluetooth your phone if you want. You know music." biglang basag niya ng katahimikan. Salamat naman at nagsalita na siya sa wakas. Mapapanis ata yung laway ko kung sakali.

Instead I just shook my head to let him know na okay lang.

Gaga binigyan ka na nga ng pagkakataon na magsalita pero parang napepe ka ata? Sigaw at sabi ng utak ko.

E kasi naman nahihiya talaga ako sa kanya. I can't even looked at him pagkatapos ng nangyari kahapon or ako lang talaga ang nag iisip nun.

It stung in my heart. Ang sakit isipin na umaasa nanaman ako sa wala. Pero ano pa nga ba tao lang naman ako nagmamahal at nasasaktan, ika nga ng marami.

I just diverted my whole body outside his car. Exploring the road that was so long and busy lane. Wala bang katapusan itong daan na ito? Yung tipong kahit sundan mo man ito ng sundan e hindi mo mahahanap ang dead end nito.

Parang yung emotion at nararamdaman ko, sana wala nalang silang katapusan na kung masaya man ako e sana ganun nalang parati.

Pero hindi e, kasi meron talagang bagay na sisira ng nararamdaman natin parang ayaw tayong paliligayahin yung tipong pa sasayahin man e may time limit naman. Tama nga siguro sila na kung masaya ka ngayon bukas hindi na and I'm also the victim of that.

Bumalik lang ako sa ulirat ko nang biglang hinang tinapik ni Joshua ang braso ko. Napapitlag nalang ako dahil sa gagulatan na nadarama.

"Sorry if I startled you." sabi niya at mahinang tumawa. "Kanina pa kasi kita tinatawag pero parang nag sp-space out ka ata diyan e."

"Oh sorry, okay lang. Thank you pala ulit sa paghatid ha." medjo bulong kong sagot sa kanya.

"No worries. Im your friend right? What are friends for? Kung hindi naman ito nagtutulungan." may ngiti niyang sabi sa akin.

Pero hindi roon na baling ang isipan ko. Kung hindi doon sa sinabi niyang 'Im your friend right. And what are friends for.' Ang sakit.

Tama nga ako kaibigan lang. Na hindi na doon hihigit pa ang lahat. At siya na nga ang nagsabi at nagklaro sa aking kahibangan na KAIBIGAN lang.

I just smiled at him bilang tugon kasi nahihirapan akong buohin kung ano mang salita ang dapat kung sabihin.

Gabi na din ang dismissal ng huling klase namin. Kaya dali dali na din akong kuhanin ang mga gamit ko at nagmamadaling umalis ng classroom. May sinabi nga pala si mommy na agahan ko raw ang uwi ngayon at may pupuntahan daw kami. And Im clueless about it.

At nasa hallway na ako ng makatanggap ako ng mensahe galing kay mommy at sinabing e momove nalang daw yung lakad namin at biglang nag aya daw ng isang dinner date si daddy. Napangiti ako sa kawalan dahil minsanan nalang kung mag date silang dalawa dahil nga sobrang busy masyado ni daddy sa kompanya namin. Kaya siguro hindi ito pinalagpas ni mommy.

I just text her back na okay lang at medjo malalate din sana ako ng uwi dahil kakatapos lang ng last subject ko ngayon. At pag ka send ko nun ay wala na akong natanggap na reply galing sa kanya. Siguro nasa date na iyon at ayaw nang mag pa storbo.

Nasa labas na ako ng paaralan ng may umilaw na sasakyan sa hindi kalayuan ng kinatatayuan ko.

At ilang minuto lang ay namatay ang ilaw at may lumabas galing doon.

Hindi ko masyadong maaninag kung sino iyon kasi medjo madilim doon sa kinaroroonan niya.

At nang may ilaw na natumama sa kanya rumehistro naman agad sa akin kung sino iyon.

Joshua in his dashing 3 coat of suit. Ang gwapo niyang tingnan doon sa suot niya. Parang may lakad siyang pinuntahan at hindi pa niyang naisipan na magpalit man lang.

"Hi...uuwi kana?" tanong niya ng nakalapit na siya pwesto ko.

"Oo, uuwi na ako. Ikaw bakit ka nandito?" balik ko namang tanong sa kanya. "Wala. Aayain sana kitang kumain diyan sa malapit. Alam ko namang hindi ka pa kumakain e kasi kakatapos mo lang ng klase." sagot niya at mas lalo pa siyang lumapit sa akin at nang tatanggihan ko na sana siya e bigla nalang niya akong niyakap at doon ko na amoy ang pabangong ginamit niya at may konting halong alak.

Uminom ba ito? Nako naman, ano nanamang problema ng lalaking ito at  bakit naisipang mag inom.
Inamoy ko muna ulit ang katawan niya dahil nakakaadik ang amoy nito na tila nakakahipotesmo.

Tumango naman ako bilang tugon dahil naka yakap parin siya sa akin.

Bumilis naman ang tibok ng aking puso dahil sa ginagawa niya.

At nanalangin nalang ako na sana hindi niya maramdaman kung gaano ako ka tense ngayon dahil sa pagkakayakap niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro