Chapter Eight
Gusto ko lang e promote ang story ng mareng Plumpudding ko hehehe. I will drop the link of his acount.
https://my.w.tt/jzlO5H78dcb
***
#TheDayYouSaidILoveYou
Chapter Eight
Hindi ko namalayan na halos patapos na din pala ang oras ng klase at kunting kembot nalang ay dismissal na for the last subject.
Wala akong ganang kumilos dahil nasa isipan ko parin ang mga katagang sinabi ni mommy kanina.
Oo medjo naawa ako sa kanya. Kasi sino ba naman ang hindi, diba?
Yung anak mong lalaki ay ni wala pang pinapakilalang jowa sa iyo.
Hindi ko naman kasalan na ganito na ako e. All my kuyas were straight man. May mga girlfriends na. At heto ako, stuck parin sa kung ano nga ba talaga ako.
Im fixing my things back to my back ng bigla akong kinalabit ni Mina. I gave her a face. Nagtataka kung bakit.
Instead of answering me, she just turn her head to the right direction na agad ko naman ding sinundan.
And there I was Joshua standing on the wall of our hallway. Nakapamulsa.
Im stucked for a seconds. Titingnan lang siya.
Ang gwapo niya talaga. Lalo na at his smiling from time to time. Kasi sino ba naman ang hindi ngingite kung lahat ng studyante dito e kilala siya.
Nagtataka siguro kung bakit ang isang Joshua de Miguel ay napadpad sa Business Ad Department.
He keeps on smiling to people pag may bumabati sa kanya.
Akala ko nga nung una e ang sungit at suplado niyang tao. Pero nitong nakaraan ko lang din nalaman na hindi pala.
Palagi siyang nakangite at kung hindi man ay tahimik lang.
After a minutes tapos na ako sa pagliligpit ng mga gamit ko at siya namang pag paalam ni Mina sa akin na mauuna na daw siya kase may kikitain pa daw siyang kakilala.
Kaya naiwan akong mag isa. Nalilito pa kung lalabas pa ba ako, kasi parang nabahag ang buntot ko nang makita siya dito.
Pero there were part of me na masaya kase it was just my dream na abangan niya ako sa pintuan ng kung saan ako may klase. Him standing waiting for me to go out and iniate to give him a super duper hug and seeing his hands on his pockets. Parang hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
Nakita ko pa nga siyang kumaway 'don sa babaeng kakausap niya lang kani-kanina lang. His so fame. Kaya nga medjo naiilang parin akong kasama siya.
I started walking to him nang maagaw ko ang atensyon niya. His now smiling widely na para bang ako lang ang nakikita niya ngayon.
Naiyuko ko lang ang ulo ko sa sahig kasi biglang uminit ang pisngi ko sa ngiting iyon.
"Hey! Are you done? Tara na," sabi niya ng nasa harapan niya na ako. Tumango lang ako bilang tungon sa sinabi niya.
At habang palabas na kami ng builing namin hindi ko na mapigilang tanungin siya kung bakit siya nandito.
"Because you say so. Kanina sabi mo sasabihin mo kung ano ang bumagababag sa isipan mo. Kaya kita hinintay," medjo matamlay niyang sabi.
Hindi na lang ako umimik sa turan niya.
"Pero kung hindi ka parin kompartableng sabihin sa akin, okay lang. I can wait 'till you have the courage to say so." sabi niya habang hindi parin inaalis ang paningin sa akin habang kaming dalawa ay nag lalakad.
Nilingon ko siya. At nakita ko sa kanyang mga mata ang kagustuhang pag usapan ang kung anumang problema ko. Para bang nangungusap iyon.
Maraming gustong sabihin ang kanyang mga tingin sa akin. Kaya sinabi ko nalang sa kanya na kakain muna kami at tsaka ko sasabihin ang problema ko.
At agad naman umaliwas ang mukha niya. Na para bang nakarinig ng magandang balita. Napangiti nalang din ako.
Then we continued walking 'till we saw a restaurant near in our University. Wala masyadong tao. Kaya nakahanap kaagad kami ng mauupuan.
We ordered the same food, kase sabi niya kung ano daw yung akin ay yun nalang din ang sa kanya. Walang originality. Joke.
And the waiter said na 20 minutes daw at eseserve na daw yung pagkain.
At nang maka alis na ang waiter ay walang naging imikan sa aming dalawa. Parang naghihintay ng tiyempo kung sino ba ang mauunang magsasalita.
Dumadaan pa ang ilang minuto ng wala paring salitang lumalabas sa aming mga bibig. Kaya ako nalang ang nagsimulang nagsalita.
"My mom." medjo napipiyok kong sabi. "He want's me to have a girlfriend," dagdag ko. "Pero wala naman akong ibang kakilalang babae kundi si Mina lang," medjo naluluha kong sabi sa kanya. Hindi ko na kase mapigilan ang damdamin ko.
I'm frustrated sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko.
I looked him and he just staring me, and there I saw his eyes telling something na nagpapalungkot sa kanya.
Hindi ko mawari kung ano iyon pero ipinagkibit balikat ko nalang.
"Then start getting a long with your girl classmates," sabi niya. Pero parang hindi bukap iyon sa puso niya. Na parang ayaw niyang makipagkaibigan instead.
I look him again.
Then he look me too. Sad emotions were evident in his bare two eyes. Gusto kong tanungin kong ano iyon pero parang natatakot ako.
Natatakot na baka umasa lang ako. Natatakot na baka mali yung mga hinala ko. Natatakot kasi bago ito sa akin. The feelings that I've been felt is new to me.
Masaya pero at the same time malungkot. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. My time na gusto ko nang umamin sa kung ano ba talaga ako, pero meron ding time na parang bahala na kung malaman niya.
Nasa sa kanya din naman kung tatanggapin niya ako o ipagtatabuyan. Nakakatakot magmahal pag alam mong hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa huli.
Lalo na at pareho kaming lalaki. Baka lalong lumayo siya sa akin, kasi nandidiri gaya ng ibang lalaki o di kaya kung mag jowa man kami ay baka hindi niya makayanan ang nga kutya ng ibang tao sa amin.
Natatakot ako sa katotohanang walang lalaki ang seseryoso sa amin. Kasi ganito kami. Ganito ako.
Nabalik ako sa ulirat ng narinig kong sabihin niya ang katagang nagpabago ng pananaw ko sa pag ibig na akala ko ay hindi ko na mararanasan.
"Then, wag ka nang mag girlfriend. Kung iyan ang pinobroblema mo. Nandito naman ako handang maging boyfriend mo," seryoso ngunit may ngiting sabi niya sa akin.
At nang gabing iyon, narinig mismo ng dalawang mga tenga ko ang katagang 'I love you'.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro