Chapte Six
Ayan thank you po ulit sa walang sawang pag subay-bay ng storyang ito.
-------
#TheDayYouSaidILoveYou
CHAPTER SIX
Medjo na estatwa ako sa sinabi niyang iyon. Nabitiwan ko rin bigla yung kutsarang hinahawakan ko.
"A-ano ang sabi mo?" tanong ko sa kanya. Nabigla parin ako doon sa sinabi niya.
"Sabi ko, kakain lang ako kung isusubo moko niyang lasagna na iyan." at klinaro niya pa talaga. Nahiya ako bigla. Waaaahh!! Hindi ako ready.
"La! May kamay ka naman 'e," sabi ko sa kanya. "Ito oh kainin mo." pag aalok ko sa kanya nung lasagna na hindi pa nagagalaw.
"Ayaw ko niyan." pag tatangi niya sa alok ko.
"Ano pala ang gusto mo?" tanong ko ulit sa kanya, ng hindi parin tinatangap ang pagkain inalok ko sa kanya. Ano ba kasing gusto niya?!
"Ikaw." diretso niyang sagot. At dahil sa medjo nabigla ako sa sinabi niya. Nabilaokan ako sa nginunguya kong lasagna.
"Here tubig. Dahan dahan naman sa pagkain." sabi ni Joshua habang inaabotan ako ng tubig at hinihimas ang likuran ko. Shuta! Ano daw sinabi niya?
"O-okay na ako salamat. Ano ulit ang sinabi mo?"
"Sabi ko gusto ko iyang kinakain mo para kasing nahihirapan kang ubusin iyan 'e."
"Akala ko kasi kung ano na."
"E ano ba kasi iyang iniisiip mo?" he maliscious said.
"Wala naman." pag dedeny ko. Allison! Umayos ka nga. Pinapahamak mo yang sarili mo 'e.
"Ito na oh kainin mo na." inilipat ko ang lasagna'ng kinakain ko sa harapan niya.
"Thank you" he firmly said. And after a while he started eating the food. At dumating na nga yung pizza na kanina ko pa hinihintay.
Agad naman din namin iyong nilantakang tatlo.
Wala kaming imik na tatlo habang kumakain.
Busog na busog kaming lumabas sa restaurant at habang nasa loob pa kami kanina ay pinilit namin si Joshua na mag ambagan sa kinain namin kahit pa sinabi na niya na bayad na iyon at libre na daw iyon niya sa amin. At sa sunod nalang daw kami bumawi.
At dahil doon tumalima nalang kami sa sinabi niya kasi kahit anong pilit namin hindi niya rin naman tatangapin ang mga pera namin.
***
Ang bilis lang ng pangyayari. Kani-kanina lang ay kumakain pa kami, naglalaro sa arcade zone, ang saya lang namin na para bang hindi kami nag cut para lang dito.
We decided to stop muna sa isang coffee shop malapit sa subdivision namin.
Kakahatid lang ni Joshua kay Mina sa bahay nila kaya kami nalang dalawa ni Joshua ang naiiwan. At pinilit niya pa talaga akong ihatid sa bahay kahit tumanggi na ako.
Pero dahil may katigasan pala ng ulo 'tong isang taong to ay pumayag nalang ako.
"Anong gusto mo? Ako na ang oorder sa ating dalawa."
"Ahm...coffee jelly nalang akin. And here bayad ko." sabay abot ko sa card ko sa kanya. But instead he just stare it na para bang may hinihintay siyang may lumabas.
"Any cash?" tanong niya nang tinaasan ko siya ng kilay.
"Oo nga pala wala na akong cash." medjo nahiya ako dun sa parte na iyon. Naubos na kase kanina.
"Then saka na magbayad kung may cash kana. Pwede naman card ko nalang gamitin natin 'e, I won't mind it, as long as ikaw." diretso niyang sagot.
At dahil nabigla na naman ako sa sinabi niyang iyon. Iniwan niya na akong wala sa sarili. Pilit prinoseso yung sinabi niyang yun.
Ano daw? as long as sakin? anong ibig sabihin non?
Bumalik nalang siya galing sa counter, at ako? tulala parin ako kasi bigla nalang umuulit yung huli niyang sinabi sa akin.
"Hey? are you okay?" he snapped his finger on my face to get my attention.
"Y-yeah, oo okay lang ako." natataranta kong sagot. "Kanina ka pa ba diyan?" dagdag ko.
"Medjo. Naaaliw kasi akong tingnan ka habang wala ka sa sarili mo."
"E bakit hindi mo'ko tinawag?" medjo galit na tanong ko. Pano ba kasi baka sobrang panget ko kanina at baka anong isipin niya.
"Joke lang ito naman hindi mabiro."
"Anong joke lang! Baka ano na yung itsura ko kanina at baka ma turn off ka." diretso kung sabi sa kaniya at nang nag sink in yung sinabi ko sa kanya ay sinapo ko ang noo ko at nagtungo ang ulo sa lamesa na inuupuan namin.
Nakakahiya. Bakit biglang naging straightforwarded ko? Ano nalang ang iisipin niya!
"No, you're not ugly. You're so cute nga e." ngumite niyang sagot. Parang naaliw sa sinabi ko kanina.
"Cute ka diyan! Hindi ako cute gwapo ako!" galit na saad ko.
Pero hindi ko din alam kung bakit galit ako sa kanya.
"Hey, sorry na. Sige hindi ka na cute, gwapo ka na." he sincerely said. And his eyes were on mine.
Kumabog bigla yung tibok ng puso ko. Out of nowhere kinapa ko ito at dinama ang bilis ng pag tibok nito. Nakakatakot, na para bang hinahabol ka ng kung sinong magnanakaw o di kaya ay nananginip ka ng hindi maganda. It's a foreign feeling for me.
"O-okay lang. Basta gwapo ako hindi ako cute!" sabay kuha ng coffee jelly at walang prenong linantakan iyon.
Shuta ang lamig! Nag ka brain freeze pa nga ako bigla.
"Hinay hinay naman. Wala namang mang-aagaw sa iyo 'e." tumatawa niyang saad. Nakita niya siguro ang itsura ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.
"Ikaw kasi."
"Anong ako? Wala pa nga akong ginagawa." natatawa parin niyang saad. At nakikita ko sa mga mata niya ang saya tuwing nakakasimangot ako at biglang natutulala.
"Tigilan mo na ako Joshua ha! Hindi na kakatuwa." seryoso kung sabi sa kanya.
"Okay okay titigil na."
"After a couple of minutes napag desisyonan na naming umuwi na at baka hinahanap na ako ni mommy at mapagalitan na naman ako. Anong oras na din.
"Thank you ah." sabi ko sa kanya nang makalabas ako sa sasakyan niya. Hindi na ako nagpahatid sa loob kasi wala naman siyang sticker ng subdivision namin kaya hindi siya makakapasok.
"No, ako nga itong dapat magpasalamat kasi isinama niyo ako. Naki thirdwheel tuloy ako sa bestfriend mo." sagot niya habang kumakamot ang kang kamay sa batok niya.
Tumango nalang ako sa saad niya.
"Next time then?" he said after a while.
"Sure, next time. Sige na gumagabi na at baka hinahanap ka na din sa inyo."
"Sige. Good night Alli."
"Good night din. Sige na alis na." natatawa ko nang saad sa kanya. Kasi parang may hinihintay pa siyang gagawin ko.
Naiiling nalang din siyang pumasok sa sasakyan niya at hinatid ko nalang siya ng tanaw habang papaalis.
At nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya, ay siya namang paglakad ko papasok ng subdivision namin.
At ng gabing iyon nakatulog ako ng sobrang himbing na para bang sa tinatagal tagal ng panahon iyon lang ang tulog ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro