Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWO

"I don't get what you mean, Ruth."

Pinaglalaruan ko ang tumakas na sinulid sa manggas ng aking uniform blouse. Hindi ko mautusan ang aking paningin na ibaling kay Boone na siyang nakasandal sa hanay ng mga wooden lockers.

The locker room is outside the school premises. Hindi naman talaga ito parte ng school. The lot was owned by a family na siyang anak ay nag-aaral din sa eskwelahang malapit dito. Nagbabayad kaming mga estudyante sa kanila para sa slot namin. Me and Sue share the same locker.

Kaya hindi bawal ang ginagawa naming pag-uusapan dito. We're outside the school gates anyway, so we're outside the rules, too. Maliit, medyo masikip at madilim nga lang. And besides, Boone is a college boy from another university, a graduating student at that.

"We're breaking up?" patuloy nito sa maliit na boses, tila ba ngayon lang nagsink-in sa kanya at nilubog ang boses niya.

Nagkibit ako. Pinahiwatig ko na iyon sa kanya kanina. He's mature and smart enough to understand.

"Anong ginawa ko, Ruth? At least, let me know before you initiate an end that this relationship doesn't even deserve. Matino naman ako, a?"

But not all things happen because they deserve it. They happen because it has to. Gaano man kaganda ang daloy ng isang relasyon, kung may mga hadlang sa iba't ibang anyo, matatapos pa rin ito. Good things come to an end, ika nga.

I admit, nagi-guilty ako.  Siya pa itong pumunta rito sa school para sunduin kami ni Sue at ihatid pauwi. Kahit kailangan pa niyang maghintay ng apat na oras bago ang dismissal. But then I pulled him here for this.  

Soulful eyes, a voice that sounds like melted butter, a gentle caress that would make hospital patients demand him as their doctor.That's how I could describe Boone Carvajal. The usual tale as being neighbors in our old home was how it all started.

Being five years younger was the root of my insecurities of our relationship. I'm sure the college girls in their school were way hotter and more experienced so they would share a common interest. Ano nga bang laban ko bilang hamak na highschool student lamang?

And you know how the lion's share of the population perceives us. Immature. Irrational. Reckless. Ilang milyang distansiya sa maturity niya.

Six months of being together and here we are. Simula nang binanggit niya sa akin ang pag-proceed niya ng Medicine, I'd decided to cut this out. And another thing, I'm not confident enough to where this relationship would lead us.

Alam niyo na, mga kabataan, kadalasan ay mga salawahan. No one should judge our young hearts and young minds. I embrace this as being part of growing up.

I like him, at alam niyang gusto ko lang siya. We share our differences. He offered me his maturity, I shared to him my youth. Ngunit masyado pa akong bata upang isipin na pag-ibig na itong nararamdaman ko sa kanya.  Love hasn't found me yet. I didn't bother look for it either.

"May iba ba?"

Alinlangan ang kanyang tono at nanghihina. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay iba ang ibinato ko.

"Admit it Boone, you've met girls in your school and thought that they were much better than me."

"D'you think I'm cheating on you?"

Inignora ko ang tila naiinsulto niyang tinig. I didn't intend to pull the trigger for him to sound like that.

Hinila ko ang sarili sa mahabang upuan sa harap. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko dahil sa init dito sa loob. Dinukot ko ang aking panyo at dinampi sa aking mukha at batok.

"You tell me, Boone. Did you?"

"No," agap niya at tinabihan ako. "But almost. Nakainom kami but nothing happened. Ikaw, Ruth.  Did you?"

I appreciated his honesty. That's one thing I like about him.

Umiling ako sa sagot niya. I don't take too kindly to cheating. Sa mga quizzes siguro nagagawa ko iyon pero hindi sa isang relasyon.

"Then why? Bakit ganito, Ruth?" halos tumayo na siya at halata ang pangungusap at desperasyon sa kanyang tinig.

Pinaigting lang nito ang guilt ko at tinutulak akong bawiin ang sinabi ko.

Kahit minsan hindi naman niya pinaramdam sa akin na dapat siya lang ang nagdedesisiyon porke't siya nga ang mas nakatatanda, siya na ang palaging tama. Maturity, as well as decisiveness, isn't an entitlememt. The older ones don't have to own the final say. Young minds could possess some full-grown rationality, too. And this is my decision.

Kasi nga bata ako, I might react aggressively to some situations. Pinapangunahan ako ng aking emosyon. I'll probably sulk for not being able to receive any messages or calls from Boone. I might compete against his time and schedule when he should be spending those in his studies.

Ayokong umabot kami sa ganon. Those instances, I'm sure, would alter what we have right now for the worse.

Bumuka ang bibig ko at akmang sasabihin ang aking rason nang may bultong tumakip sa pang-hapong liwanag mula sa labas.

Ang pamilyar na bango galing sa isang pamilyar na tao ay sinuyo ang ilong ko. Tila ba siya ang bote ng pabango at nag-leak ang laman niya sa buong locker room.

It didn't take long for me to find out the owner of that scent.

Pinigilan kong tawanan ang reaksyon niya pagkakitang may tao pala rito sa loob. He did a double take on me at huminto rin siya sa pagsipol. Hindi niya naitago ang gulat.

In his intense features, I could never imagine him capable of having a vulnerable reaction or feeling. Para bang kung makikita ko man siyang luluha ay mawawasak ako ng pinong-pino. So he better be not vulnerable.

He looked at Boone, then down to our hands in our laps that weren't even touching. Umakyat ang mga mata niya sa mukha ko. Ngumuso siya.

Tatlong araw na rin ang lumipas simula ng pumunta ako kina Cash. I couldn't look at Dean without thinking of what he said to me that sent me running to the hills. Ewan ko kung bakit niya sinabi iyon. Maybe part of his manwhore ways.

Kaya kapag alam kong magkakasalubong kami ay sa kabilang hagdan ako dumadaan.

Ako ang unang bumitaw sa titigan. Pinagpasalamat ko ang medyo may kadilimang kwarto upang hindi niya mahalata ang pamumula ng aking pisngi. Si Boone ang natitigan ko na hinatid ang talim ng mga mata sa bagong dating.

Kumalansing ang susi at binuksan ni Dean ang locker niya.

"Oops..." aniya nang may magsihulugan. Are those letters? May cards pa at bulaklak!

Kahit nakatalikod siya sa amin at kita ko ang lapad ng kanyang balikat, alam kong may binuksan siya sa isa sa mga cards dahil tumunog iyon. Iyong kumakanta sa mga Christmas cards tuwing binubuksan.

Tinago ko ang hagikhik sa likod ng nakatakip kong kamay.

Mabilis at malakas iyong sinara ni Dean at tinapon pabalik sa locker. Hindi maipagkakaila ang kanyang iritasyon. It must be a prank, o gusto lang talagang magpapansin ng nagpadala ng card.

Hinawakan ni Boone ang aking kamay dahilan ng muli kong pagbaling sa kanya.Tumango siya sa labas, gustong doon ipagpatuloy ang pag-uusap. Pero ayaw ko. Walang privacy. Hindi tinted ang sasakyan niya kaya mahuhuli kami ng kung sino mag lalabas na teacher. Hintayin na lang naming lumabas si Dean.

Inasahan kong paalis na siya upang umusad ang pag-uusap namin ni Boone. Ngunit ang makita na may sinusulat ito sa papel at tinukod pa sa pinto ng kanyang locker, malabong lalabas ito.

"Matagal ka pa ba?" tanong ko.

Sa marahan niyang paglingon ay kita ko ang pagnguya niya ng bubblegum. "Gagawa pa ako assignment."

Laglag ang panga ko. Kanina pang alas siyete ng umaga ang pasahan ng assignment! High ba siya?

"Mag-usap lang kayo diyan. Don't mind me." Lumingon siya rito dala ang pilyong ngiti. "Unless, you want to do other things. I could guard the door and keep watch for the both of you. Just keep your voices down." Kumindat siya.

Tumayo si Boone at akmang susugurin ang hindi man lang natinag na si Dean. Hinila ko siya pabalik sa pag-upo at inilingan bago pa siya makahakbang.

Dean's amused look fell to our still enjoined hands.

Muli siyang ngumuso. Humor in his eyes was dead and gone as he did that. Wala iyong halong pagpipigil ng ngiti. It was more like he's irritated and I don't know what for.

Umikot ang mata niya't tumalikod, binalikan ang paggawa ng assignment. Pinasidahan niya ang buhok saka nagsulat.

Mas lalo lang uminit ang buong kwarto sa marahas na hingal ni Boone na ginawa na yatang pampakalma ang paghawak sa kamay ko. At mas lalo akong nailang.

"Sino ba iyan?" Marahas niyang bulong sa aking tenga. Hindi ko man tignan ay alam kong sinasaksak na niya ang likod ni Dean ng matalim na tingin. "Ba't ba siya nangingialam? Can't he give us some privacy?"

Umismid ako at umiling. Ayokong sagutin ang tanong niya. Mas binigyan kong pansin ang iritasyon ko at hindi ko alam kung saan ito galing. Marahil dahil sa init at kinakaibigan nito ang ulo ko.

Mukhang matatagalan pa si Dean sa locker room kaya hinila ko na si Boone palabas. Doon pa lang ako nakahinga nang maayos.

"Usap na lang tayo pagkarating ko. Tatawag ako. Huwag mo na kaming sunduin," wika ko habang tumatawid kami papunta sa pinagparkingan ng kanyang sasakyan.

Wala pa mang dismissal ay mayaman na sa bango ng banana cue, mani at fishball ang daanan.

Nasa gilid na kami ng kabilang sidewalk ay pinigilan ako ni Boone.

Ayaw ko siyang tignan. He is just too good to go through this break-up. And am I being bad being a little too insensitive? Is this part of being young?

Kung ayaw mo na, siyempre una mong iisipin ay kakalas na. Wala naman akong pinirmahang kontrata na dapat akong manatili. And we've never promised anything to each other.

"Sana pag-isipan mo muna 'to, Ruth. I know you're not in love with me but..." Dinilaan niya ang kanyang labi habang malalim na pinag-iisipan ang sasabihin. Bahagya siyang tumango. "Talk to you later, then."

Hinalikan niya ako sa sentido bago tinungo ang kanyang silver Vios. I felt the warmth delivered by that simple gesture, but not warm enough to change my mind.

Hinatid ko ng tanaw ang pag-alis niya hanggang sa lumiko na ito at naglaho. Saka pa lang ako bumalik sa loob ng eskwelahan. 

Thirty minutes rin akong nawala, making me missed our El Fili period. Lecture lang naman ang gagawin kaya doon ko naisipang mag-excuse na may dysmenorrhea para makapunta kuno ako sa clinic.

"So, break na kayo?"

Huminto ako at nilingon ang nakapamulsang si Dean na hindi ko namalayang nakasunod. Mukha siyang nagmaang-maangan. He's not looking at me. Sa kabilang gate siya nakatanaw.

Tumalikod na ako at walang balak sagutin ang tanong niya. Bakit ba niya ako kinakausap? Pinanood ko lang ang band practice nila, naging friendly na siya sa akin. Hindi naman ako pinapansin nito dati.

Hinawi ang pag-aakala kong katuldukan ng usapan nang tumabi siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

It made my heart jump, na para bang ito'y may mata na nakikita siya. Wala akong maintindihan sa panlalambot ng mga tuhod ko nang maamoy ko na naman ang pabango niya.

Humakbang ako sa gitna ng daan at inapakan ang hump doon. Nilingon ko ang gym kung saan nagpa-practice ng sayaw ang mga third year students. I saw Cashiel's one of them. 

Lumingon siya rito at nakita si Dean na tinanguan niya. Lumawak ang ngisi nito at iniwan pa ang partner niyang muntik nang matumba dahil sa suot nitong high heels.

"Ruth and Dean, walking in the street, K-I-S-S-I-N-G!"

Bumuga ng pula ang mukha kasabay ang pamimilog ng aking mga mata. Mabilis kong binaling ang ulo sa harap at binilisan ang mga hakbang. Huwag niyo akong tignan...Hindi ako si Ruth. Hindi ako si Ruth...

Rinig ko pa rin ang ingay ni Cash at ang sumasabay ritong panunukso ng mga kaklase. We only had a friendly encounter once! Once! At ito na? Close na kami? Nagawa na nila akong asarin? 

A grinning Dean was giving his friend the middle finger.  Nang mahagip niyang nakita ko ang kanyang ginawa ay bumagsak ang ngisi nito kasing bilis ng pagbaba ng bastos niyang kamay.

Pumormal siya ng tayo sabay harap sa daan. Inipit niya ang labi at binaon ang mga kamay sa bulsa ng kanyang dark blue uniform pants, parang pinipigilan ang mga itong maging bastos ulit.

Kunwari pang inosente. Huh, walang niisang parte sa kanya na inosente! Ni hibla ng buhok niya ay tila ba nagagahasa sa palaging magulo nito.

I'm used to hearing his misadventures with his friends, so he doesn't have to be formal infront of me. The school is obviously smaller than the world so any hearsay about him travels faster than lightning.

Nang dumaan ako sa harap ng computer lab ay sinabayan niya ulit ako sa paglalakad. Pinanliitan ko na siya ng mata. What is his frigging problem? Nananadya ba siya?

"Saan na assignment mo?" Wala ako nakitang may dala siyang papel. Ballpen lang na nakasabit sa breast pocket ng kanyang polo.

He shrugged like it's no big deal. "I changed my mind. Bukas ko na ipa-pass. Hindi ako makatiyempo sa faculty room."

Hindi pa ako nakabato ng sasabihin ay bigla niya nalang akong hinila sa ilalim ng hagdan na maghahatid sa table tennis court na siyang karugtong ng likod ng faculty room. Pinaghalo ang kabog sa didbib ko't pagdulas ng kanyang sapatos.

Siniksik niya kaming dalawa sa pinakadulo. Impit tili ako nang may makitang lumabas na daga sa isa sa mga kahon!

Mga hakbang at boses mula sa taas ang humadlang sa aking magpatuloy, kasabay na rin nito ang pagtakip ni Dean sa bibig ko.

"Bok, rinig mo iyon? Someone's not speaking English. Report natin nang maka-graduate naman ako. Puno na ng demerits ang records ko dahil sa English drive na 'to."

Hindi pamilyar sa akin ang mga boses. But I know they're seniors like us. Hindi ko naman kasi kilala lahat ng ka-batch ko. Iyong mga sikat lang, katulad na lang ng lalake sa likod ko na todo pulupot ng braso sa aking baywang.

Bumaon na ang strap ng kanyang relo sa pisngi ko sa higpit ng takip niya sa aking bibig. I held his wrist to push his hand away but it only fueled him to tighten his hold on me. His case-hardened hand would sure leave a handprint on the corners of my mouth.

"I think we should report them, too," he whispered in direct to my ear. Alerto na ang mga balahibo kong nanindig hininga pa lang niya ang umatake sa tenga ko.

Bahagya ko siyang nilingon upang marinig niya ako.

"Kung malalaman nilang tayo ang nag-report, isusumbong din nila tayo dahil tayo naman ang narinig nilang hindi nag-English."

Mas nilingon ko pa siya upang tunghayan ang kanyang pagsang-ayon.  Agad ko ring pinagsisihan nang mapagtanto ang distansya ng aming mga labi.

I don't suppose he noticed because he only stared at me and his thin lips shut so tightly.

Now that I can look at it closely given our distance, I shamelessly peered into his eyes. Gusto ko lang makita kung nag-exist ba talaga ang ganyang mga mata. Besides it being intense, the color just seems so unreal to me.

Makulit ang mga mata kong nangungulit sa kanyang mukha. His face is small but angled, with a slight pointed chin and shaved facial hair in there and above his lips.

His nose flared as he breathed. Napakurap ako nang maramdaman ko iyon sa aking mukha.

"Pwede namang ibang tao ang nakarinig sa kanila. They won't assume it's us."

Normal ba talagang may gaspang ang boses niya sa tuwing toned down at bumubulong? I could just want to hear him whisper all day. Pwede niya akong basahan ng reviewer notes na bumubulong siya.

Binaba ko ang kamay niya sa bibig ko't bumulong pabalik, "You would risk it?"

"Yeah, I guess. Nakailang bisita na rin naman ako sa Guidance."

"Well ako, hindi pa. Kaya huwag mo akong idamay."

Bahagya siyang ngumisi at pinadaan ang dila sa ilalim ng ibabang labi. Sa pantay niyang mga ngipin, mas yayaman ang kompanya ng Colgate kapag siya ang model.

Pabalik-balik ang pagdaan ng dila niya sa ibabang labi bago pinatunog at bahagyang tumawa. A spark of amusement twinkled in his eyes.

Bumilog nang husto ang mga mata ko sa paglapat ng index finger ni Dean sa aking labi. He doesn't have to shut me up this way. I can shut up on my own!

"Meron nga kasi! Malapit dito rinig ko! They're not speaking English! Report na natin! Baka isang taon akong cleaners sa klase. Putcha. Kahit nakapikit ako alam ko na kung ano ang wawalisin sa classroom. Lalo na iyong ilalim ng upuan ni Montoya. Tambak sa basura iyon. Ang dami pang dikit na bubblegum sa armchair. Yuck."

"Bok, baka naman hindi tao ang narinig mo? Alam mo namang mga tsismis ditong may multo."

Binaon ni Dean ang mukha sa buhok ko upang putulin ang hagikhik. I turned my head to look away and so his index finger could let go of my lips.

"Huwag ka namang manakot, bok." Halatang pinipigilan nitong iparinig sa kasama ang kaba.

Ramdam ko sa aking likod ang panginginig ng balikat ni Dean. Hindi ko alam kung matatawa rin ba ako o maiihi dahil sa higpit ng pulupot ng braso niya sa aking baywang.

And why are we in this position? Pwede naman akong manahimik na hindi niya niyayakap patalikod.  I can't help but be suspicious of him. He couldn't just insta-backhug me after a one-time conversation about lasagna!

"Psst.Psst..." sitsit ko.

Mabilis bumalik ang kamay ni Dean sa aking bibig at hinila upang idikit ang ulo ko sa kanyang dibdib. Kasabay nito ang pag-igting ng kapit niya sa aking baywang. He's squeezing my intestines! He's backhugging me to the max!

"Putcha bok tara alis na tayo! Tang'na, kinikilabutan na ako!"

Itinuon ko ang pandinig sa naglalaho nilang mga yapak at boses. Huling naulinigan ko ay pinagtatawanan nito ang kasama hanggang sa ingay mula sa mga estudyante sa gym at loob ng computer lab ang umiral sa kapaligiran.

At ang pinakamalapit sa tenga ko, ang bilis na paghinga ni Dean, na kung pwede lang pagpawisan ng buhok ko ay kanina pa ako naliligo sa pawis. I could feel his raging heartbeat against my back so as the rise and fall of his chest.

Inasahan kong papakawalan na niya ako sa paggalaw ng kamay niya. But he didn't give the satisfaction to my expectation. 

"Wala na sila. Bitawan mo na ako," usal ko sa likod ng kamay niya. Pinagpapiwasan na rin ang bibig ko.

"Maya na. Hindi pa tayo sure. Malay mo naman baka nagtago lang iyan sa gilid upang mahuli tayo."

At parang sigurado talaga siya sa hinala niya kaya mas hinigpitan pa niya ang kunyapit sa akin!

Kinurot ko siya sa tagiliran sanhi ng kanyang pagbitaw. Mabilis ko siyang hinarap.

"Tsansing ka na, ha?" akusa ko.

"Nuh."

Inosente niya akong tinitigan kasabay ang pagpapaloob niya ng ibabang labi kaya basa ito nang binitawan. Ang nagusot niyang polo ay hindi maipagkakailang may ginawa ito.

Well, I won't hold myself responsible for that. Siya naman ang nanghila.

Tumatawa man siya o ngumingiti ay may halo pa ring malisya sa mukha niya at mga mata. I don't know. Everything he does, there's no leak of any innocence. Kahit sadyain man niyang magpakainosente ay hindi kapani-paniwala. That's probably why most girls find him sexy.

Kumawala siya sa dumadaloy ko pa ring nanunuring tingin. Inayos niya ang top button ng kanyang uniform at tumikhim bago muling binaon sa bulsa ng pants kasabay ang panunumbalik ng mga mata niya sa direksyon ko. He adjusted his position, tinuon sa kabilang paa ang bigat.

There's finesse in his movements, and laziness at the same time.

"Kung ramdam mong tsansing na, sana nanlaban ka at hindi ako hinayaang magawa iyon. So nagustuhan mo naman?" Nag-angat siya ng kilay at tinutusok ang dila sa ilalim ng pisngi.

Damn his arrogance! Magugustuhan ko lang yata siya kapag kumakanta. He doesn't do well in friendly conversations!

"So inaamin mong tsansing ka nga?"

"Hindi. Pero pwede kong iparanas sa iyo kung ano talaga ang tsansing."

Napamulagat ako. "What the..."

Tumawa siya. Pati iyon ay may gaspang din. My shock just fueled his amusement!

Umisang hakbang pa lang siya ay kumaripas na ako ng takbo. I don't want a repeat of last time when he stepped on my line of privacy.

Sinusundan ako ng kanyang halakhak!

"Bye, Ruth..." tuya niya.

Ayaw kong tanggapin na nasa kanya na naman ang huling salita. Kasabay nito ang napagtantong ako ang palaging unang umaalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro