TWENTY TWO
Kiefer and Erika became the prom king and queen that night. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman para sa kaibigan. Erika won't give me her camera, so nanghiram na lang ako sa classmate ko para kunan sila. I took five shots of them.
"Erika, ano ba! Lapit ka pa..." Sumenyas na ako.
Kulang na lang pasakan ko siya ng baterya para lang kumilos. She won't move a muscle!
Binantaan niya ako ng tingin. Tinutusok tusok niya ang nguso niya na para bang masasaksak ako niyan. Buti nga si Kiefer ay game lang at siya pa ang lumapit. Umakbay pa!
"Ihh...!" pang-aasar namin.
Panay ang ngisi ko habang pinipicturan sila. Hindi talaga siya makangiti nang mabuti. While Kai is being confident and handsome. Bagay na bagay sa kanya ang korona at sash.
Nasa likod ko si Dean na kanina pa tahimik. He follows me every where I move to find a perfect spot to take a picture. Tipid din ang mga sagot niya sa mga kumakausap sa kanya.
"Kung hindi ka lang palaging nagka-cutting class, ikaw sana prom king," ani ng lalake niyang classmate. Muntik na akong tumango upang sang-ayunan ito.
"Okay lang. Ayaw ko rin naman maging prom king. My brother deserves it more."
Nilingon ko siya sa sinabi niya. Bumitaw siya sa pagkakahalukiphip at nilapitan ako.
"Tapos na?" tanong niya sabay lipad ng kamay sa kanyang buhok at bahagyang hinihila-hila ito.
Hindi ko mapigilang tignan siya bilang isang rebeldeng prinsipe na tinakasan ang kanyang kaharian. With his messy sand brown hair, a dazzling white horse with him is sure to complete that image I pictured him to be.
Umiling ako at binalikan ang pag-scan ng mga pictures sa camera. Humantong ako sa mga pictures kanina. Bigla na lang suminghap si Dean sabay hinablot mula sa akin ang camera.
Umikot ako upang makuha sa kanya iyon ngunit binawi ang aking kilos sa nakikitang talim sa mga mata niya. He's murdering the pictures with his stare.
"Bakit kayo may picture ng kapatid ko? Tatlo pa! Tayo wala!" Kasing kintab ng kotse niya ang kanyang iritasyon.
Narinig iyon ng classmate ko na ngayoý tumatawa. Kinuha niya ang kanyang camera at sumenyas sa amin.
"O, mag-pose na kayo diyan at baka umiyak ka pa."
Hindi na nagpatumpik pa si Dean at hinila ako sa floral arch na may mga palamuting bulaklak at series lights. Hinintay pa naming matapos ang iba na nagpa-picture doon bago kami lumapit.
Nang matapos ang huling pair ay nagpatiuna agad si Dean roon hawak ang kamay ko. Agad siyang lumipat sa aking likod.
Kumuha siya ng bulaklak galing sa arch at nilagay sa tenga ko. Bahagya akong natawa sa ginawa niyang pakulo. How did I even allow him to do this is beyond me. Ini-enjoy ko na lang dahil walang mangyayari kung tatanggi ako.
I secretely checked some students looking at us. Mga nag-aabang din na magpa-picture sa arch. Kumunot ang noo ko na may ilang camerang nakatapat sa amin. Or maybe kay Dean lang.
I felt his hands snaked on my waist and they intertwined in my stomache. His breath that has already tickled my nape signals how his face is coming near.
In my vacant shoulder, nilagay niya ang kanyang baba roon. I angled my face to give him more space right there. Aking pinatong ang mga kamay ko sa kanyang nagsiklop nang mga kamay sa aking tiyan.
"Smile!"
I gave the camera the prettiest smile I could afford. Dean's hands tightened as he pulled me cloer to him.
"Isa pa, isa pa," si Dean.
Nilingon ko siya, halos matawa. "Okay na iyon."
"Hindi, isa pa." pamimilit pa niya na sinabayan ng iling. "Limang shots. Nakatatlo nga kayo ni Kai."
Napailing na lang ako at pinagbigyan siya. Hindi ko alam ang mga ginawa niyang poses dahil nanatili lang naman kami sa aming posisiyon.
Lumapit si Rey sa amin upang ipakita ang mga kuha. Dean has a close lipped smile on the first picture. It was a sweet smile. My most favorite one dahil minsan niya lang itong pinapakita.
I saw something in his eyes that I couldn't help but put a meaning to it. Biningi ako ng sariling kaba ko. Dahil alam ko kung ano iyon, I just don't want to give it a name. I might lose the thrill and the great expectation that breeded from my assumption.
Days later I found out, naging wallpaper na niya iyon sa kanyang cellphone.
Maraming quizzes ang nagdaan pagkatapos ng okasyon. Sa sunod sunod na mga activities at events ay naging abala rin ang admin at faculty sa paghahabol ng deadlines para sa exams kaya na-move ang date ng graduation namin. It's going to be on April.
Naging abla rin ang school sa mga bumibisitang college universities. Ang mga nagre-represent na mga students ay ang mga naging graduates na rin ng St. Louis upang ipagmalaki ang unibersidad na kinabibilangan nila ngayon.
We started taking entrance exams from each school. Si Dean ay walang balak. Sky and Wilmer took the exams. I almost forced him then I thought, that's what he wants. Kung hindi nga siya napilit ng mga magulang niya, ako pa kaya?
"Guuuys!"
Tumitiling Skylar ang nagpahiwalay sa akin ng tingin kay Dean na ginugulo ang pila nina Wilmer sa graduation practice.
Walang magawa ang Amerikanong 'to. Pawang mga fourth years lang ang narito sa open court na ngayo'y nagkalat na habang nagbi-break.
Sa ilalim ng puno ng narra ako sumisilong. Pinaliguan na ako ng mga dilaw na bulaklak rito. Lumabas si Erika sa school gate nang makita akong binilhan ni Dean ng banana cue.
"Guys, pakinggan niyo!" Tumatalon si Sky.
Nasa likod niya iyong babaeng may hairclip na may makukulay na hibla ng buhok. I heard the scandal she did on prom regarding her ex. Kaya kilala ko na siya.
Tumayo ako at pinagpag ang likod ng aking palda. Inubos ko na ang huling saging saka tinusok ang stick sa mabatong lupa. Lumapit ako sa kanilang tatlo na nagkukumpulan na. Nakisali na rin ang iba.
Dean and Wilmer have each of the ear piece that Skylar handed to them. Kita kong may pinindot siya sa kanyang walkman upang lumakas ang volume nito.
Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa na concentrated sa pakikinig. Tumabi ako kay Sky na ngayo'y humihingal na habang nakangisi. She always reminds me of this famous female punk rocker.
"Ate Mae, tanggalin mo muna iyong cd. I-tune mo sa radio! " sigaw nung bestfriend ni Sky sa stage. Kinalabit niya si Sky. "Anong station nga iyon?"
Nagtagpo ang paningin namin ni Dean habang sinisigaw ni Indie ang radio station. He smiled at me.
Why do I rather not believe that I was able to receive those smiles at random moments? Iyong ngumingiti siya sa akin na walang dahilan. If not only those smiles didn't look genuine, iisipin kong nagti-trip lang siya.
It's too surreal it's as though snatching for the Holy Grail. His sweet smile is my metaphor for a dream come true. At kapag nalusaw ang ngiting iyon ay binabalik ako sa kasalukuyang mundo.
Naputol ang music sa cd at pumalit ang pagpapalit ng station sa malaking radyo. Hindi tinaggal iyong ginamit sa prom maliban lang s amga decorations. Pinatahimik nina Sky at nung bestfriend niya ang mga nasa court at ibang nagbabasketball. Agad naman silang sumunod.
Dean's voice reigned in the whole place. Nanatili ang titigan namin kaya natunghayan niya ang pamimilog ng mga mata ko. Lumaki ang ngisi niya na tila inasahan na niya iyon.
Hindi pa ako makapagsalita. Doing so would mean wasting my time. Ninanamnam muna ng pandinig ko ang kanta at ang boses niya. It's an original song played in a local radio station that only caters bands and artists from Cebu.
"May regalo galing sa akin si Patrick! He played our song!" masayang sigaw ni Sky at maligayang nakipaghigh five sa kaibigan niya.
"Alam na ba ni Cash?" tanong ni Wilmer na ngumingisi na rin. Nanibago ako. I saw him genuinely happy for the first time.
Tumango si Sky at tinuro ang sophomore building. Naroon si Cash at nakasandal sa ledge. Kumakaway siya rito at sobrang laki ng ngisi. Sumisigaw pa siya kaya naghiyawan din kami rito sa court.
"Kailan pa kayo naka-sign ng contract?" tanong ko kay Dean na kagagaling lang sa biruan nila ng tinatawag niyang Supremo.
"No, we haven't. Remember iyong nagpunta ritong mga universities?"
Tumango ako.
"Patrick, friend ko, he represented from USJR since he graduated Cum Laude. DJ na rin siya ng isang radio station ngayon. We found a private recording studio, nag-ambag ambag kami para sa gastos. Then I passed the cd to him with our recorded songs and made him listen. He has no qualms about it, we negotiate, then..."
Hmm...it sounds so easy. Sa rami ng mga aspiring bands ngayon, getting into radio is immensely competitive. Although, their song was played from a non-commercial radio station. If anything, then it would be close to a tough job for them to get into the airwaves.
"Some kids who have listened us play in gigs had also helped in the radio campaign."dagdag pa niya.
Tumango ako. Still, it seems so easy for them kahit may mga followers na sila. But they deserve this recognition. It was either luck or this opportunity is really meant for them. Kasi kung para sa iyo ang isang bagay, maraming pangyayari ang mag-uugnay sa iyo sa pangarap mo. It was up to you if you're determined enough to cross the connections. Iyon ang nabuo kong paniniwala.
"Wow...congrats! 'Pag sumikat kayo huwag niyo kaming kalimutan, a?"
Medyo nabigla ako nang nasa likod ko lang pala si Erika at kumakain ng turon. Tumabi siya sa akin at nakipag-high five kay Dean na ngiti naman niyang tinugunan.
"Pero dito pa iyan nape-play, e," ani Dean.
"At least nasa radyo na kayo!"
Tumango ako, sumang-ayon sa kaibigan. Getting into the non-commercial radio is all kinds of right when you're aiming to be an independent band.
Nagngiting aso si Erika at bigla akong tinululak sa baywang. Makahulugan niyang kinawag ang mga kilay.
"Bakit?" tanong ko.
Umiling siya at ngumingiti pa rin. Nilinga niya si Dean na pasalit salit ang tingin sa amin ni Erika. Amusement is undeniable on his face.
"E ito," Tinuro ako ng hinlalaki ni Erika. "Iiwan mo kapag nasa Manila na kayo at sikat na?"
Tumingin sa akin si Dean at mula roon, hindi na nagbitiw. Inakbayan niya ako saka bumaling sa aking kaibigan.
"Erika...lahat tayo pwedeng marami ang pangarap. I have my own many dreams, too. Isa na ang kaibigan mo. Kaya bakit ko siya pakakawalan? Ikaw, kaya mo bang pakawalan ang pangarap mo?"
Kinabig niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ako makapagsalita. I just let his words sink in until it felt so heavy in my chest I could hardly take it.
"Depende. We can't have every dream all at once. Isa-isa lang," katwiran ni Erika. "Pero in fairness, kinilig ako dun." Tumili siya.
Nagkandapira-piraso yata ang utak ko sa pag-alog sa akin ni Erika na tila bote akong pinipilit alugin upang makainom ng kahit patak man lang ng tubig.
"Kasing romantic mo ba si Kiefer? Paligawan mo naman sa 'kin, o," pahabol pa niya kay Dean.
Nagtawanan kami. Halos madala ako ni Dean sa pagyukod niya habang tumatawa.
"May nililigawan yata iyon, e. Palaging hinihiram kotse ko."
Nangasim ang mukha ni Erika. "Ay, bakit mo ba sinabi? Nasaktan tuloy ako."
"Hindi ako sure!"natatawang sabi ni Dean. "Si ano na lang..." Ninguso niya si Wilmer na kausap na ang kapatid. Isa rin 'tong pala-asar, e.
"Ang ano mo, Dean! Kapatid mo pantasya ko, irereto mo ako sa iba?"
"We can't have every dream all at once. Isa-isa lang, Kaka..." panunuya ni Dean.
"Shit ka talaga! Porke't nasa radyo na kayo!"
Dean tried to shield himself sa mga pagpalo ni Erika sa kanya sa braso at ulo. Sumasayaw ang tawa niya sa pandinig ko at patuloy ang pagtutulak niya ni Erika kay Wilmer. Niyakap niya ako patalikod habang hinahabol pa rin siya ng mga palo ni Erika kaya pati ako ay natatamaan.
Tumatawa ako at ayaw kong kumawala sa mga sandaling iyon. I then get to question if it's better to not get yourself aware of treasuring the good times like these. If stamping any awareness to it, would it only boil down to being short-lived? Or would it be the other way around? Kasi parang mas madaling matapos kapag hindi mo namamalayan.
"How about iyong music agent na nanood sa inyo noong sembreak? Kinuha ba kayo?" tanong ko kay Dean.
Umiling siya. "That was from Manila. Tinanggihan namin iyon kasi ako lang daw ang kukunin nila. I mean...it was unjust. They saw us play as a band, so dapat kunin nila kami bilang banda rin. Hindi lang ako."
Papalabas na kami ng school gate galing sa practice. He's bringing my light shoulder bag habang dala ko naman ang gitara niyang naka-jacket at sinusuot ko sa likod. Well, it has its weight, pero hindi iyong tipong nakakapagod na bigat.
Sumaglit muna ako sa library upang isauli ang hiniram kong libro. A Shakespeare masterpeice para sa book review project namin na kailangan pang lagyan ng design.
"Close na kami, Simeon." Bungad ng ka-close kong working scholar. Nagliligpit na ito ng mga gamit.
"Sauli ko lang 'to." Sabay taas sa manipis na The Winter's Tale paperback.
"Aw sige, malakas ka sa 'kin, e."
Kinuha niya ang logbook samantalang nilapag ko ang libro upang ma-record ang araw ng pagsauli.
Bigla siyang pumalatak habang nagsusulat. "Tindi talaga ng ganda mo, Ruth. Pati ang isang Ortigoza, nabingwit mo!"
Ngumisi lamang ako at humilig sa counter, pinapanood ang ginagawa niya. Mabuti na lang nakaabot ako sa deadline ng pagsauli kung 'di ay magmumulta ako.
Kinuha niya ang card sa likod ng libro at inabutan ako ng ballpen upang makapirma.
"Ako, kahit sino nang Ortigoza, kontento na. Wala ba siyang mga kamag-anak? Mga pinsan? Isa pang kapatid?"
Bahagya ang aking tawa. I wonder if she knows that Dean is adopted. Anyway, ayaw ko rin namang i-open up iyon. Malay ko ba, baka hindi niya pala alam at pinagkalat ko pa. But I think the whole school knows already. Still, I don't want to open it up. It's not my story to tell.
"Itatanong ko pa kung may single sa kanila," sakay ko sabay tapos sa aking pagpirma.
"Sige ha? Inform mo ako. Ihhh!"
Tumawa ako at tinapik ang counter. "Sige, bye."
Nakalabas ako ng library na hindi mahanap si Dean. He knows I went here pero hindi niya ako hinintay?
Without having to think about it, tumungo ako sa school gate. May ngilan na roong elementary students na katabi ang mga stroller nila habang nag-aabang sa kanilang mga sundo.
I scanned the place until I found Dean after a multicab filled wth students passed by. Nasa kabilang sidewalk siya...nagpupulot ng libro. What?
Tumawid ako upang makalapit. Habang inaadjust ang strap ng guitar jacket sa balikat ko ay doon ko pa lang nakita ang babaeng nakatayo sa harap ni Dean. Halos ikinahinto ko ito sabay hila kong magpakita ng gulat.
"Anong nangyayari?"
I looked at Jillian who seems shock to find me nearing them. Why is she here? Saan na iyong sundo niya? I asked that with a very bitter voice in my head.
"Nahulog ang mga libro niya. Tinulungan ko lang," ani Dean, kita ko ang pagngiwi niya sa pagpulot ng isang mabigat na libro.
At ang totoong may ari ng mga libro ay nakatayo lang? Jillian was just standing there waiting for Dean to finish picking up ALL her heavy and thick books! I don't think that's the right way of asking for help. Kasi kung nanghihingi siya ng tulong, dapat pinupulot niya rin ang mga libro. Hindi tinitignan lang ang hinihingan ng tulong.
Parang sa sunog lang. Manghihingi ka ng tulong, dapat gumagawa ka rin ng paraan upang makalabas. Hindi lang magdepende sa ibang tao na maglalabas sa 'yo sa apoy!
Bakit ba naman kasi siya nagtiis magdala ng ganyan kakapal na mga libro? Some of them aren't even familiar to me. Kahit si Sue ay walang ganyan. Those aren't the books na required sa school.
Bumuntong hininga ako at tinulungan si Dean na pulutin ang iba pang libro. I caught Jillian's shoes move an inch as I pick up this thick unfamiliar Biology book.
Tiningala ko siya, at kitang kita ko ang hiya na rumehistro sa kanyang mukha.
I almost smirk. It's just the right reaction that I want from her. Dapat lang! Tumulong din kasi siya rito, noh. Mga libro niya kaya 'to.
Huli kong napulot bago tumayo ay isang College Algebra book. Seriously? She's just in second year highschool for Pete's sake!
Oh well, Ruth. Bitter ka nga lang talaga. Walang ginagawang masama sa kin iyong bata pero ganito na ako maka-react. This is very unnatural to me.
"Thank you po, kuya Dean..." aniya nang tumayo si Dean. Nag-aalinlangan pa siyang bumaling sa akin. "A-ate..."
My spine trembled hearing what she called me. Gusto kong tanggihan ang panlalambot ng puso ko.
Tinikom ko ang aking bibig at tumango nang tipid. I schooled my face into a hard as a wall surface.
"You should get a locker. Those are a handful," ani Dean at kinuha ang mga inabot kong libro.
"Ah...kuya Dean, since hindi tayo natuloy sa duet noong prom niyo, iyong para sa Mass na lang ngayong Friday. Kailan po pala tayo ulit magpa-practice doon?"
Nag-ipon ako ng hangin sabay halukiphip. Inaabangan ko silang matapos sa pagpaplano. I wanna go home and try wearing my newly bought black shoes for graduation. Iyon lang ang laman ng isip ko.
"Mukhang hindi na iyon matutuloy, e." Si Dean habang sinisilid ang mga libro sa tila attaché case na ngayo'y pinapanatiling bukas ni Jillian.
"Ha?" Natigil si Jillian at parang gulat na gulat. Where are her thick rimmed glasses by the way? "But I asked kuya Wilmer kanina, sabi niya ikaw daw bahala kung kailan ang practice."
"Damn Will..." mariing bulong ni Dean. Kinamot niya ang kanyang buhok dahilan upang magulo ito.
Mukha siyang nahihirapan sa pagpapaliwanag sa bata. Nilingon pa niya ako na tila nanghihingi ng tulong.
Umiwas ako. Bakit ba siya nahihirapan? E kung sabihin niya na lang na ayaw na niyang makipag-duet? Simple! He is known for being candid. What happened to that now?
"Uhmm...hindi na iyon matutuloy. Hindi ko pa nasabi sa kanya."
Sa gilid ng aking paningin ay kita ko ang paglingon sa akin ni Dean. Imbes lingunin siya ay sa bata ako tumingin.
Jillian's silence had me question about her thoughts. Kalmado man ang mukha niya, I'm trying to find a reaction that would make me be suspicious of her. Any attitude I could find that I have known my mother also has.
Nai-zip na iyong bag at lumayo na si Dean sa kanya. Ginhawa akong napahinga at inalis ang pagkakahalukiphip. I'm fully aware that I'm acting like a spoiled brat waiting for my servant to finish the necessary things for me, pero hindi ko lang mapigilang mag-inarte ngayon.
Kinuha ni Jillian ang bag laman ang mga libro. Now I know where the bitterness came from. What she has is a Louis Vuitton Président Classeur attaché case. Good job, mother.
"Uh... sige po." Bahagya siyang yumuko bago umalis. Tinatanaw ko siyang lumabas ng school gate.
I watch her get eaten by the deep afternoon light. Sarado man ang gate ay nakikita ko sa likod nito ang pag-aabang ng gintong Enclave para sa kanya.
Knowing she is being taken cared of like that made me wish bad things about her mother more. Hindi man lang siya bumalik noong inatake si daddy. I know that time has passed, but I'm the one to never forget. And it would take time for me to forgive.
Inakbayan ako ni Dean para igiya na ako palabas. His Tacoma outside is waiting, too. Madalas na iyon ang sinasakyan namin pauwi lalo na't maggagabi na rin kami natatapos sa practice.
"You don't always have to be a gentleman, Dean," sabi ko.
Humina ang mga hakbang niya. Lumuwang ang kamay niya sa braso ko't hinuli ang aking paningin.
"I just helped her pick up her books, Ruth. Tumulong ka rin."
Umiling ako. "Not that. Why can't you tell her the truth that you don't want to have a duet with her anymore? Unless, you still want the duet."
Sandali siyang natigilan at umawang ang bibig. Tila suntok sa tiyan ang pang-aakusa ko.
"What? Ruth ano na naman 'to?"
Nagkibit ako at nagpatiuna na sa paglalakad.
"Hey Ruth, wait!"
Nakalabas ako ng school gate at doon niya ako nahabol. Lumakbay ang panunuri ko sa kakaunting nag-aabang na mga pedicabs na tinatawag ang atensiyon namin upang sumakay.
Bago pa ako makapagdesisiyon kung sasakay ba ako roon ay nasa tabi ko na si Dean.
"Sa akin po siya sasakay!" aniya sa mga pedicab drivers.
Wala akong nagawa nang lumipat siya sa harap ko upang harangan ang aking daanan. Hinawakan niya ako sa balikat.
His eyes are dancing between the tune of fear and worry.
"Kung ikaw ba sinabihan kong ayaw na kitang maka-duet, what would you feel?"
"Appreciation," agaran kong sagot. "I would appreciate your honesty, Dean."
Matagal siyang tumitig tila tinitimbang pa kung iyon nga ba ang gagawin ko. Sa ngayon, oo. Dahil wala ako sa ibang sitwasyon.
But if that would have been the case, honestly I'm not sure. Siguro masasaktan din but I won't let that get the best of me. I would endure the slight hurt more than how the kid would have. Pero hindi ko iyon ipapaalam kay Dean.
Huminga siya ng malalim at saglit na pumikit. "Ruth, bata lang iyon. Nag-kuya pa nga siya sa 'kin."
"What's your point? Na hindi na pwedeng magsabi ng totoo sa bata?" patuloy kong pag-agap ng sagot.
"It would hurt her feelings."
"Why are you so concern?"
Pagod niya akong tinitignan. As if he's tired explaining things to me but my reactions amuses him to the extremes. He's even suppressing a smile! Ako nama'y patuloy siyang sinisimangutan.
May dumaang sasakyan dahilan ng paghangin ng malakas sa gawi namin. Dean's hair was swayed as if chasing the direction of the wind and every strand would follow where it goes. Nauwi lang ito sa pagiging magulo at ilang hibla'y tinakpan ang noo niya. Ang iba'y nag rebelde at nanatiling nakatayo.
It has somehow perfectly framed his angled face.
I looked away. Seeing how royally handsome he looks with it, umikli ang buhay ng iritasyon ko.
Sa pagbuntong hininga ni Dean ay may narinig akong ngisi roon. Bigla niyang kinulong ang leeg ko sa braso niya at nilapit ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ginulo niya ang buhok ko bago hinalikan.
"Gusto na talaga kitang asawahin, Ruth."
Tinulak ko ang sarili pero ayaw niya akong pakawalan. Natatawa na siya sa pangungulit at ako'y pinipigilan siyang sabayan. I don't want to spoil him so much at baka mas yumabang pa siya!
"O, Jillian."
Tumigil ako sa pagpumiglas at tuluyan nang napabitaw kay Dean. Umayos ako ng tayo at pati uniform ay inayos na rin habang tinitignan si Jillian sa harap. Akala ko'y nasundo na siya?
She blinked, at kung hindi ako namamalikmata ay nagliwanag ang mukha niya. She is hugging her attaché case filled with books so tightly as if she is bracing herself from something.
"Kuya Dean..." Napawi ang salita niya nang nakita ako. Lumipat ang paningin niya sa gitara sa likod ko at sa pambabae kong bag sa balikat ni Dean.
"Maggagabi na. May hinihintay kang sundo?" kaswal na tanong ni Dean.
Pumindot ito ng katanungan sa akin. Bakit ba sila nagkakausap nang ganito? I get that it's because of their supposed duet but how about prior to that?
Hindi rin naman kasi ako masyadong interesado kay Jillian kaya hindi ko na naitanong. Ngayon lang.
Bahagyang ngumuso si Jillian. Saglit niyang tinanaw ang daan bago ang muli niyang pagbaling sa amin.
"Nasa Manila sila Mommy kaya hindi ako masundo. Iyong driver naman hindi ko ma-contact. Sasakay na lang sana ako ng taxi pero wala namang dumadaan."
I noticed her accent by the way she speaks. Mukhang hindi sanay sa lenggwahe. Oh, the things France has done to you for what, fourteen years? Tita B told me that all along they knew about her. She was born there. She was hidden right there by her 'mother'.
"Wala na masyadong dumadaan sa ganitong oras."
Kailangan kong huminga ng malalim pagkatapos kong sabihin iyon. There is nothing big in my words but it's all about talking to her that almost forbade me from breathing.
Sabay nila akong nilingon. It suddenly felt awkward to invade their conversation. Oh, well...sila lang ba dapat mag-usap? Hindi na ba ako pwedeng sumali?
Fine. I'll shut my pretty mouth, then.
Taas-noo akong bumaling sa harap ng naka-park na mga sasakyan na parang ayaw ko nang sayangin ang laway ko sa kanila.
Tahimik kong hinahanap ang Tacoma para alam ko na kung saan ako didiretso kapag nauna akong tutungo roon. O pwede namang...sumakay na lang ako sa isa sa mga pedicabs. Mukha kasing matagal pa ang pag-uusap nila.
"Oo nga, Jill. My girlfriend is right. Wala nang dumadaan dito sa ganitong oras."
That made me look at Dean. Kung bakit ko ikinagulat ang sinabi niya ay wala akong mabungkal na sagot. Ngayon niya lang kinumpirma kung ano ako sa kanya. I thought...well...
That gave me the word-go somehow. I'm going to acknowledge him the same.
Nakatingin pa rin siya sa akin. He smiled and I don't know what that was for. Maybe he's waiting for my reaction? Kaya ngumiti na rin ako.
"Uhh...ganon ba?" Bumaling na kami kay Jillian. She shifted her legs to escape from the uncomfortability. Malikot ang mga mata niyang hindi makatingin sa amin. "Hmm...maglalakad na lang siguro ako hanggang eskinita."
Tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ba siya tinuruan ng ina niya kung paano humarap sa mga tao? She seems homeschooled to be acting like she's not comfortable around people at all. Come on! Galing ba talaga siyang France?
"Ihatid mo, Dean." Shit. Kambyo, Ruthzielle!
"Ha?" si Dean.
"Hindi ka ba sanay mag-commute?" tanong ko kay Jillian, completely ignoring Dean's shock.
Bahagya siyang ngumuso. Hindi ko talaga mapigilang makita si mommy sa kanya. What about her? Doesn't she see any resemblance I have from her mother? Or is there even any resemblance at all? I'm sure there is! Iyong mga pagkakahawig siguro na hindi madaling mahalata.
"Hindi po, e. Taxi..." mukhang nahihiya pa siya kaya hindi niya naituloy.
Oh, wow. Prinsesang prinsesa pala. Kung hindi pa ako bitter sa lagay na ito, ewan ko na lang kung ano itong nararamdaman ko.
She won't survive in this real outside world if she keeps on being like that. Tapos magtata-taxi pa siya? Maraming klase ng katalinuhan. She may be smart, but only academically. Not street-smart or people-smart.
Nilingon ko si Dean. "Ihatid mo."
Halatang hindi niya inasahan ang sinabi ko. Nakakulong pa sa bahagyang gulat ay binalingan niya si Jillian saka muli akong nilingon.
"Sumama ka."
Imbes na sagutin ay binalingan ko muli si Jillian. "Saan ba ang inyo...Jillian?"
I made it sound like I only know her now. Hindi ako nagpakita sa kanya noong birthday ni lola. Or kung kilala na niya ako, kami ni Sue, hindi niya naman pinaalam sa amin iyon. There's a possibility na ayaw din niyang may kinalaman sa amin. Or good 'ol mother didn't bother tell her about us at all. There, that's even a bigger certainty.
"Sa Lahug."
Natahimik ako. Ang maigting na pagtikom ng aking bibig ay nais sipsipin pabalik ang aking suhestiyon.
Nilingon ko si Dean. Angat ang dalawang kilay niya, as if he's asking me the next action.
"Drop mo na lang ako sa eskinita,"sabi ko.
Marahang namilog ang mga mata niya. Mukha siyang mabubulunan. "What?"
Isang segundo niyang nilingon si Jillian bago nilapit ang bibig sa tenga ko.
"Ruth, pwede namang hindi na lang natin siya ihatid," pabulong niyang giit.
Pinandilatan ko siya. "Can't you see? She's just a kid, Dean. Taxi lang alam niyang sakyan. Huwag tayong pa-kumpiyansa."
I hate the concern I felt for the kid. Oo, pwede namin siyang hayaan. But I can't help but feel responsible for her. I can't help but resent my mother again dahil iniiwan niyang ganito ang anak niya. She should have taught her commuting skills and not just let her rely on taxis alone!
"You can tell her directions kung anong sasakyan..."
Sa sobrang hina ng boses ni Dean ay hindi siya nagmukhang sigurado. It was an empty suggestion just for the sake of stating a reason.
"No, siya ang ihatid mo," sabi ko. "Same lang naman kayo ng lugar. It would be more convenient. Huwag mo na akong ihatid."
Tinitigan niya ako nang matagal. Lalong lumalim ang mga mata niya sa pagsuko nito. Nahimigan ko ang kagustuhan niyang magprotesta sa pagbuka ng kanyang bibig. Tinikom niya lang muli ito at tipid na tumango.
"Iyan ba talaga gusto mo? You know that what Ruthie wants, Dean wants it, too," malamyos niyang sabi.
Talagang isusulong niya ang kampanyang iyan sa kanya.
I suddenly remember prom night. Recounting the event in my head barely put me to sleep. Nakatunganga kong hinahaplos ang labi kong muli niyang hinalikan habang nakatingala sa kisame. Sa sobrang memorable ng gabing iyon ay tinala ko iyon sa aking journal.
Day 250. February 14, 2009. Valentine's day. The night he kissed me. Again.
Bumuntong hininga ako't pinigilan ang pagngiti. Tumango ako.
Pasinghap siyang bumaling kay Jillian na mukhang nabigla pa. We're making a show for her, I see.
"Sige, hatid kita sa inyo. Let's go."
Nakasunod sa likod namin si Jillian habang tinutungo na ang Tacoma.
Ramdam na ramdam kong hindi pa rin sang-ayon si Dean dito. Hinahaplos niya ang kanyang panga tapos ay tatakpan ang bibig, tila ba humuhukay pa siya ng mas mabisang solusiyon.
He pressed on the key handle para sa pag-unlock ng pinto.
Imbes na sa front seat ay dumiresto ako sa likod ng pick up at akma nang aakyat.
"Hey, hey! What are you doing?"
Ang iritasyon sa boses ni Dean ay nagpabaling sa akin sa kanya, hindi dahil sa kamay niyang nakahawak na sa braso ko. His tone mirrored his expression.
"Dito ako." Turo ko sa likod. It's clean. I think it always is.
"You're always on the front seat, Ruth!" giit niya.
Bumaba ako sa apakan upang maharap siya nang mabuti.
"Ako ang unang bababa, Dean."
May kasaling irap ang pag-iwas niya ng tingin bago pumikit ng mariin. Pinasidahan niya ang buhok mula sa hiblang nasa noo at sinabunutan. In there, I could feel the string of his patience has been cut into two.
Hindi ako nagpatinag. Mas matindi kaya akong mainis kesa sa kanya.
"Huli na 'to ha? Sa susunod na sasakay ka diyan, dapat kasama na ako." Mariin niyang turo sa sarili.
Patuya ko siyang tinignan. "I thought what Ruthie wants, Dean wants it, too?"
"Tsk. Not now, Ruth."
Iritado pa rin siya. Hindi natitibag ang tigas ng kanyang ekspresiyon nang tinango ang likod ng pick up para pasakayin na ako. Kinuha niya ang kamay ko upang makaayat nang maayos.
Dalisay ang takbo ng biyahe papuntang eskinita. Sa kabilang gilid ay nakikita ko ang malawak na lupain na hindi tinatayuan ng mga bahay. The sun has crawled down to give way to the night. Pinag-aagawan ng kahel at rosas ang pag-angkin sa kalangitan.
Why I trusted Dean so much that I can't find myself be bothered, is yet to be a disovery. Maybe because of this grown attachment I have for him. At ilang beses na niyang napatunayan ang sarili sa akin.
At saka isa pa, bata pa nga iyong si Jillian at hindi ka-edad ko. She's not Dean's type. He doesn't do minors. That's what I know.
Magaan ang loob ko sa mangyayari at wala namang masamang kutob. If there is something to get bothered about, I should know.
Bumaba na ako pagkarating sa eskinita. I didn't let Dean cross to the other side at mas matagalan pa lalo't hindi siya makakasikik sa mga sasakyan. Traffic sa oras na ito dahil uwian.
Pagkababa sa Skywalk ay hindi agad ako nakahanap ng masasakyan. Puno ang mga pampaseherong jeep.
Sa tapat ay natatanaw ko pa ang Tacoma, naka-park sa harap ng burger stall. Nakababa ang bintana sa pinto ni Dean at kita kong sinusundan niya ng tanaw ang paparating na mga jeep sa gawi ko na parang nag-aabang rin siyang makakita ng may malaking bakante.
Nahagip ko ang no parking sign sa pinagparkingan pa niya! My God, Dean Cornelius!
Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis nagtipa ng text.
Ako:
Bawal diyan sa pinaghintuan mo.
Pag-angat ko ng tingin ay nakayuko na siya. Not later on ay nag-vibrate ang phone ko.
Dean:
Fuck the rules. I'm on hazard.
Kumunot ang noo ko at dinala sa kanyang sasakyan. He's in hazard ngunit hindi na iyon naging laman ng atensiyon ko kung 'di ang lumalapit na traffic enforcer. Dean's already in legal age. Pwede na siyang makulong!
Ako:
May CITOM!
Hindi ko na makita si Dean dahil hinarangan na ng unipormadong lalake na kulay asul. Napakagat ako sa labi ko at hindi mapakali. Hindi ko na pinansin ang humintong sasakyan sa tapat ko na marahil may bakante.
Tatawid na sana ako sa daan ngunit nakaalis na ang enforcer at bumalik sa pwesto nito sa gitna ng daan. Hindi pa rin umaalis ang Tacoma.
Nakapatong ang mga braso ni Dean sa bintana at sa mga braso niya naman ay pinatong niya ang kanyang mukha roon. Nakatingin siya sa akin. Mukha siyang nagbalik sa panonood ng tv pagkatapos maistorbo.
Ako:
Anong sinabi mo?
Hawak ko pa rin ang cellphone kahit nasa bulsa ko na ito. Habang naghihintay sa reply niya na hindi naman nagtagal ay patuloy ako sa pag-aabang ng hindi na puno na pampasahero.
Dean:
Five hundred bill. And my father is an ex-General. Simple.
Punong-puno ng rebolusiyon ko siyang tinatanaw. Nanginig ang balikat niyang tumatawa, kagat pa ang labi niya na tila mapipigilan nito ang katuwaan na iyan! Pasaway kang bata ka.
May humintong multicab sa tapat ko na galing pang SM. Hindi ko alam kung masisiyahan ako o yayakapin ko ang bumagsak na bato ng kawalan.
Nag-isang tingin pa ako kay Dean habang lumalapit sa sasakyan. Nakahawak na siya sa steering wheel. Tumango siya, sumang-ayon sa multicab na malaki ang bakante.
Sumakay na ako. Kahit nakalarga na kami ay nanatili ang Tacoma doon hanggang sa nag-vibrate muli ang aking cellphone.
Dean:
Text me once you get home.
Nag-iisip pa lang ako ng reply ay may sumunod ulit.
Dean:
Or I'll text you first. You SHOULD reply back.
Parang timang akong nakangiti mag-isa. Tinignan ko ang mga kasama kong pasahero. May isang nakatingin sa akin na agad ding nag-iwas ng tingin nang lingunin ko.
Ako:
Back.
Takip ang bibig ko'y tumatawa kong sinilid ang phone pabalik sa aking bulsa. I can't wait to arrive so I can text him that I'm already home.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro