Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY THREE

Nadatnan ko si Sue na mag-isang ngumingiti sa sofa. Her honeyed voice to whoever she's talking to over the phone had my curiousity inflamed. Hindi ko rin gusto ang pinaparamdam sa akin nito.

Nang hindi niya namamalayan ay tumungo ako sa kusina. Dinala ko ang kinuhang baso at pitchel ng tubig sa island counter. Pinapanood ko siya habang nagsasalin ako ng kalahati sa baso at sumimsim rito.

She's in her tiny cotton shorts and tank top. My sister is growing up into a full-blown lady. At hindi na ako magugulat sa mga nagtatangkang manuyo sa kanya. I bet there are numbers already.

I'd been there once. I'd been aware of myself growing. I've been aware of the changes my body has undergone and my...hormones. Dala dala ko hanggang ngayon ang pagbabago sa sarili ko. Even those changes outside the physical department.

Binaba na niya ang cellphone na ngumingiti pa rin. She's texting now.

"Sino iyan?" tanong ko.

Nakangiti pa rin siya nang mag-angat ng tingin. Mabilis rin iyon at binalikan ang pagtitipa ng mensahe.

"Classmate ko," aniya.

"Lalake?"

Umismid siya saka tumango.

Mabigat ang mga  kamay kong nilapag ang baso pagkatapos uminom. Swallowing the liquid whole means to only spill the water from my mouth. Mabagal ang aking paglunok.

Nilagay ko ang bag ko sa silyang nasa tabi ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib.

"Bawal ka pang mag-boyfriend, Sue," seryoso kong sabi. I expected her to protest at hindi ako nagkamali.

"Bakit ikaw? Fourteen ka noong nagka-boyfriend, a."

Wala akong panangga sa sinabi niya. I embraced it since it's true. And there I get to realize that I have to set as an example for her. 

I do, but not as good as how I should be.

I was being selfish, I admit. Truth be told, we often cement ourselves as the first priority. Huli ko nang naisip na may bunso akong kapatid na ginagawa akong ehemplo. Theres's no one else to stand as a mother figure to her but me.

At dahil ako ang palaging nakakasama niya, I feel like her whole world is my responsibility.

I used to be her. While she is becoming me.

"Hindi ibig sabihin na hindi bawal sa 'yo. Kinse ka pa lang," mahina kong sabi.

It was more like I was talking to my fifteen year old self. This is exactly what I would have told to the younger me.

"Unfair!"

Biglang tumayo si Sue na puno ng pakikipagdigmaan ang mukha. Halos itapon niya ang cellphone sa ginawang pagdabog.

"Sue, hindi mo ikamamatay ang hindi pagkakaroon ng  boyfriend!"

Umiling siya at muling umupo nang tumunog ang kanyang cellphone. She's texting again. Mabilis ang reflexes ng mga kamay niya.

"You're not my mom," I heard her mumble.

Saglit kong nahigit ang aking hininga habang binubugbog ng iritasyon. Kung nairita ako sa sinabi niya ay mas nairita naman ako sa sarili ko. I've never reserved a time to teach her some good manners. Kung may magandang asal man siyang natutunan ay galing sa eskwelahan iyon.

What my sister has learned from me were probably about some bad decisions I made. The things I had done before that I slowly begin to regret now. I have been less exemplary. And now, she's slowly learning to walk the path of my old road.

I was around seven when our mother left us. I was nursing a hate for her that thinking about what to teach to the still four year old Sue never visited my chosen responsibilities. She has no memory of our mother leaving. She never saw her walked out that door! Pero ang malaman na umalis siya't hindi pa bumabalik hanggang ngayon ay sapat na upang magkimkim din siya ng galit at pag-asa sa kanyang pagbalik. 

I trusted myself. This is why. While I don't trust my sister with her decisions. Parang wala siyang sinasaad na pagbabawal sa sarili while I set lots of thou shall nots in each of my experiences. I embraced my mistakes. And somehow I raised thumbs up to myself for not stepping out of the line of my limits.

I don't think Sue can do that. Iba ang kutob ko sa kapatid ko. And if I have to be honest again, yes, I am underestimating her.

Bitbit ko ang iritasyon papunta sa kanya. She is still very well occupied by her phone that she didn't notice me nearing her. Dad's yet to be here, so I'm responsible for her.

"Kung gusto mong masermonan ni mommy huwag ka nang umasa!" Sabay hablot ko sa kanyang cellphone. 

"Ate!"

Mabilis siyang nakatayo at sinubukang agawin sa akin ang phone niya.  I didn't let her as I quickly typed a text to someone named Kean.

Pupuntahan ko 'to bukas sa classroom nila!

'THIS IS HER SISTER. STOP TEXTING HER. BAWAL SIYANG LIGAWAN!'

Tinapon ko ang phone sa sofa at kinuha ang bag ko sa kusina. Papaakyat ako sa hagdan ay sumisigaw na siya't nagdadabog.

Kita ko ang paglagpas ng unan sa tabi ko. Dumiin lang ang kamalditahan niya. If she has finally turned out to be that kind of naughty, for sure she has learned that from me. Damn.

Pinulot ko ang unan at tinapon sa kanya pabalik. Padabog akong naglakad takbo papasok sa aking kwarto.

Mabigat ang loob kong sumampa sa kama. Liquid started to inflame my eyes and nose threatening for waterworks. Inaalala ko na kahit kailan hindi kami naging malapit ng kapatid ko.

If some sisters out there turn out be bestfriends. It is otherwise for me and Sue. We have more fights than good times. I wanted to make up for those years but I don't know where to trace back and start.

Hindi naman kami nag-aangatan so I don't understand any of this. But considering us being stubborn, it's on the both of us. We never welcomed vulnerability. We both never wanted to be weak.

But for me it sounds better that the blame is on me. Just because I am older.  Because I am the 'ate'. Ganon naman talaga, palaging sa panganay ang bintang. We are, if not always, but often as scape goats.

Nagbihis ako ng pantulog at ginawa na ang project namin na didisenyuhan ko pa ng kung ano ano. It's a good thing that art is a therapy, even though this isn't really my element. Leastwise it helped me light up my feelings. Hirap akong makatulog kapag mabigat ang loob.

Nag-inat ako at humiga sa sahig pagkatapos malapat ang huling design sa bondpaper. Inangat ko ang aking project at sinuri. Okay na 'to. Basta makapasa lang at maka-graduate ayos na.

Gumagalaw ang nagva-vibrate kong cellphone sa gilid ng aking ulo. As I saw Dean's name ay kaagad ko itong kinuha at binasa.

Dean:

I'm outside.

"What?"

Kasing bilis ng kidlat ay nasa bintana na ako at hinawi ang puting kurtina.

True enough, Dean's Tacoma is parked outside with its headlights on. Like in a classic romance film, nakasandal si Dean sa gilid at nakahalukiphip. Hair's a gorgeous mess and all buttons of his uniform polo are open revealing his lean torso.

Hindi siya umuwi?

Inangat niya ang kanyang kamao sa bibig upang takpan ang paghikab. Galing sa gilid ay umangat ang paningin niya rito sa bintana. Kumukurap-kurap siya na tila sinubukan akong aninagin.

Kumaway siya. Sinabayan niya iyon ng inaantok na niyang ngiti.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at inasahang makita si Sue sa sala. The sofa is empty so she must be in her room now. Ayaw ko pa siyang makausap. 

Nakatayo na si Dean sa tapat nang buksan ko ang gate. Naabutan ko ulit siyang humihikab. I may feel exalted that he's here, I can't help the concern seeing his tired eyes.

Nagawa pa ako nitong ngitian.

"Huy! Bakit ka nandito? Gabi na!" bungad kong sermon  sa kanya.

Tuluyan na akong lumabas at mahinang sinara ang gate.

"You didn't reply."

Umawang ang bibig ko. Anong reply? Tungkol sa huling text niya? Dapat ko bang replyan iyon kung bababain ko naman siya rito?

Ang halong inis at pagsuko sa kanya ay hindi maitatanggi habang tinitigan ako. Parang gusto niyang all out ilabas ang inis ngunit pagod na siya upang magawa iyon.

"I told you to text me once you're home. You didn't."

"Oh..."

Hindi ko masabing nakalimutan ko dahil sa away namin ni Sue.

Malalim ang buntong hininga ni Dean at hindi tumakas doon ang pagod. Tamad niyang ginulo ang buhok niya. He tried to hide his exhaustion as he looked at me.

"So...I drove here to check if you're home." Nagkibit siya. "Musta?"

"Anong musta?" Pinasidahan ko siya. I'm not imagining it. He is still in his uniform! "Hindi ka pa umuwi?"

Umiling siya. "Hinatid ko pa iyong bata tapos dumiresto ako rito."

Sandali akong tulala, inaalala ang haba ng kanyang biniyahe. Lahug from here is what? An hour away? At kung ikokonsidera pa natin ang traffic ay lagpas isang oras iyon! Almost two hours if to estimate.

"Bakit?" maliit ang boses kong tanong. Sumisikip ang dibdib ko. 

Sa halip na sagutin ako ay ngumisi siya. Hindi sa akin kung 'di sa pajama ko na puno ng ulo ng tuta.

Halos matawa siya hanggang sa natawa na talaga. Muli siyang humalukiphip at dinilaan ang ibabang labi. His crooked smile is back in action as he amusingly shook his head.

"Ilang aso ang pinugutan mo? Buti hindi ka kinasuhan ng PAWS niyan." Tango niya sa aking pajama.

Pabiro ang akma kong pagtadyak sa kanya. Tawang-tawa siyang umatras hanggang sa hood ng kanyang sasakyan. Mukha siyang bata na gusto pang makipaglaro ng habulan.

Hinahanapan ko pa rin ng paliwanag kung bakit siya nandito. It's obvious that he's tired from the long drive. Kaya hindi ko muna siya itataboy dahil pagod pa siya sa biyahe.

"Gutom ako. Kain tayo?" anyaya niya, inangat ang kamao sa bibig at bahagyang umubo.

Kumunot ang noo ko at tiningala ang aming bahay. Nakalimutan kong patayin ang ilaw sa kwarto ko. And from here, I could hear my sister's loud music in her room.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"Nine..." Nilingon ko si Dean at naabutan siyang dumungaw sa kanyang relo. "Yeah, nine fifteen."

Hinigpitan ko ang yakap sa sarili sa biglang ihip ng malamig na hangin. Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok kong inialay ang sarili sa aking bibig.

"Saan ka kakain? May ulam yata sa loob."

Naalala kong hindi pa rin pala ako kumakain. Pero kung mananatili ako sa kusina ay baka magtagpo lang kami ng kapatid ko. Nagtatampo pa ako sa kanya.

"Bili tayo sa convenience store then...punta tayong Bagacay Point? What d' you think?"

Tanda ng suhestiyon niya ang pag-angat ng isang kilay. Bahagya ang tagilid ng kanyang ulo. In that angle, I could trace the sharp edge of his jaw from where I was standing. Nakatulong ang ilaw mula sa poste nina Cash sa tapat upang mas madepina itong tignan.

Half of his face was shadowed. What a perfect angle to capture.

"Sa parola?" untag ko.

"Mm-Hm."

Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. He really looks sleepy. Ang antukin kong prinsipe.

Pilit niyang dinidilat ang nahuhulog na niyang mga mata. Bakit ba kasi siya nagpunta rito? Pwede naman niyang ipagpabukas dahil weekend.

Lumapit ako sa sasakyan ngunit imbes na tabihan siya ay dumiretso ako sa likod. Sinubukan kong umupo sa dulo ng pick-up.

Sa nakikitang pagsa-struggle ko ay hinawakan niya ako sa baywang upang iangat at tulungang makaupo.

"Bukas na lang, Dean..." 

I don't want to disappoint him but he really looks exhausted already.

"Why?" A thin irritation and confusion molded in his tone.

Pumagitna siya sa aking mga binti upang ikulong ang sarili doon.  Dahil sa matangkad nga siya ay halos magpantay lang din kami.

Tinukod niya ang mga kamay sa dulo ng pick-up na inuupuan ko upang ikulong din ako ng mga braso niya. Mas lumapit pa siya at tila makakatulog na sa paghahaplos-haplos ko sa kanyang buhok. He's got soft and scented strands.

"Inaantok ka na," malumanay kong sabi, as if it is a lullaby to help him sleep.

"Hmm..." ugong niya, nakapikit at bahagyang nakanguso ang manipis niyang labi.

Piningot ko ang ilong niya. "Noh?"

He nodded then opened his sleepy eyes. Wala man itong lakas dahil sa pamumungay ay kaya pa rin akong hilain at ikulong sa pagtitig na iyon. That feeling when the door is about to close, you hurry your steps in order to get in.

Those are the kind of eyes that you can always find yourself going back to despite your fears. Again and again. 

Hiniga niya ang kanyang ulo sa mga hita ko. Yumakap siya sa aking baywang. Hinayaan ko siyang ganon. Hinayaan kong ganito kami. Tahimik at malumanay. The night sky, the stars and the lights, I let them record this to their diary on how this kind of simplicity could be our all kinds of comfort.

A home that doesn't always have to be a house, or any structure. It's in these simple nights with someone that would offer you warmth without being asked. A security that could shelter us from the cold emotions, from the rain of bad dreams and nightmares that don't only happen during sleep.

Cherish-worthy moments don't always happen but they belong to the sometimes pile. In a once in a life time bottle.  Kung pwede lang makunan ng litrato lahat ng gusto mong manatiling mangyari at paulit ulit. Oh, what I would give for that to be possible.

Lucky are those who find someone that they can share these warmth that make you forget prior fights and thoughts of goodbyes.

Napahikab ako at tinamaan na rin ng antok. Practices have some thing to do with these. Alam kong mas malala kay Dean na magmamaneho pa.

"Dean, uwi ka na..."

He didn't respond rightaway. Pinakiramdaman ko ang mabagal niyang mga paghinga. Mukhang nakatulog na talaga siya. Ang bigat na ng mukha niya sa binti ko.

"Dean..." Kinamot ko ang kanyang ulo. 

Mabagal siyang suminghap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking tuhod bago siya nag-angat ng tingin. Halos hindi na siya makadilat. I know how it feels so I'm scared for him. I don't think he can drive at that state.

"Gooodnight..." he whispered.

Mukhang ang bulong niya mismo ang nagmando sa malamig na hangin na umihip.I shivered.

Bababa na sana ako ngunit hinawakan niya ang baywang ko at pinirmi sa pagkakaupo.

"Bakit?" tanong ko.

Parang malalasing na ako sa namumungay niyang mga mata. That has nothing to do with him being sleepy anymore. My heart raced from a nameless anticipation.

"I said, goodnight," diin niyang bulong. 

"O, tapos?"

Kinunutan niya ako ng noo, para bang naiirita na siya dahil hindi ko alam. Bakit nga ba?

Sa tagal ng titigan ay wala man lang akong makuhang sagot. Nainip si Dean at humantong ang isang kamay sa batok ko.

Doon ko pa lang nakuha ang gusto niyang mangyari nang hinila niya ako palapit sa kanyang mukha. His lips touched mine and I wasn't even a bit surprised.

I'm just...my heart's on a race as the time stood still. 

I felt his lips moved. Like the first time we kissed, I once again felt the waves in my stomache. Heat wrapped on my face and the sweat threatening at my back were as if they're the kiss's number one biggest supporters.

Sa naging posisiyon ko ay napakunyapit ako sa kanyang palapulsuhan at humalik pabalik. A chaste and slow reply. The warmth of his breath made me forget about the cold.

Naramdaman ko ang gapang ng ngiti niya sa ginawa ko. He reached for my lips again.

Bumuntong hininga ako. This is definitely a semblance to home.

Pagkaalis ni Dean ay bumalik na ako sa loob. Hindi man lang ako binisita ng gutom at wala rin naman akong balak himukin ito.

The kiss left a burning sensation as if I kissed an open fire myself.  Hanggang ngayon nga ay naninindig pa rin ang balahibo ko. Nagbakasyon ang mga imahe ng kanina sa isipan ko.

Papunta sa aking kwarto ay madadaanan ko ang kwarto ni Sue.

Patay na ang music sa loob ng room niya. I heard her laughter once again. Just like the giggling laugh she did a while back.

"Oo nga...pupunta ulit ako diyan. Alam kong pagod ka nga kasi..."

Natigil ako. Maingat sa aking hakbang ay lumapit ako sa pinto niya at dinikit ang tenga ko roon.

"Bukas ulit? Hmm...sige. Sabihin ko ulit na may project." Malambing ang boses niya na nagpangiwi sa akin.

I never talked like that when I was fifteen!

"May project naman talaga kami...hindi malalaman ni Ate iyon. She believed my previous alibi. Hindi nga lang group project."

Nalaglag ang panga ko. She lied to me just for who?!

"Sige, bye...love you."

Suminghap ako at hindi mapigilang masabunutan ang sarili. I thought about my father and what he would have done upon hearing this!

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong makialam dahil buhay ito ng kapatid ko. But for the love of God! She's just fifteen! May love you pa siyang nalalaman!

Nang hindi kumakatok ay binuksan ko ang pinto.Halos mapatalon si Sue sa kama dahil sa gulat. Hindi nagtagal ay napalitan rin ng simangot hawig ng kanina at binaba ang phone sa tabi niya.

"Sino ang pinuntahan mo kanina?" matigas kong tanong.

"Alam mo na iyon."

Ngumuso siya at tinitignan ang kanyang kuko. She's acting like a spoiled brat!

Hindi ko na alam kung saan itatapon ang panggigigil kong pinupuno ako ngayon. 'Di mapapantayan ang pagpipigil kong saktan siya.

"Nagpaalam ka sa 'kin na may pupuntahang group project." Nanginig ang boses ko.  "Tapos lalake pala ang pinuntahan mo? Baka nakalimutan mo kung ilang taon ka pa lang, Sue?"

"Kaka-fifteen ko lang."

Halos matawa ako. And she said that as if what she did is not worth for a rebuke!

"Then does that give you the excuse to go to a guy's house?" Muntik na iyon maging histerikal.

"Can you just stop acting like you're my mother? Kapatid lang kita!" sigaw niya.

Hindi ako nakapagpigil at mabilis siyang hinakbang. Malakas na lumagapak ang palad ko sa kanyang pisngi kaya umanggulo ito sa gilid. Sumosobra na siya!

"Kapag ito malaman ni daddy, you would be responsible for his heart attack again. Gusto mo ba talagang mawalan tayo ng magulang? Ha? Because to tell you what, Sue, she's back. She's back bringing her new fancy family and that classmate of yours Jillian Lopez is her daughter!"

Pistols drawned. Bahagya lang ang kanyang paglingon ngunit kita ko ang labis na gulat sa kanya. Basa ang kanyang pisngi tanda ng tahimik na pag- iyak.

Putting more injury to the wound, I'll tell her what I am so sure will happen. Sa galit ko'y wala na akong pakialam sa mararamdaman niya. If I am to regret about this tomorrow, then I'd let myself be buried by guilt. I don't care anymore!

"She won't acknowledge us, Sue. Hindi ka niya kikilalaning anak," mariin kong sabi bago siya iniwan sa kwarto.

Tinahak ko ang hallway ng mga sophomores. Tatlong araw simula noong pinagalitan ko si Sue and now I am going to their classroom to look for this Kean guy and why did he let my sister do what she did.

Kung matino siyang lalake, hindi niya hahayaang mangyari iyon. Tulad ko'y baka ano na ang pinagsasabi ng ibang tao tungkol sa kapatid ko. She's likely having her share of haters by now.

Bago ko pa marating ang classroom nila ay may nahagip akong pamilyar na isa sa mga nagtatawanan sa ledge.

Shyness didn't bother creep into me. Hindi naman nila ako kilala. Except the tall guy na nakatalikod sa akin at kaharap ang mga kaibigan habang kumakanta.

"Excuse me..."

"I love pretty girls and I love to eat—" Kinalabit siya ng isang kasama at tinuro ako. Napaharap siya sa akin. "Hey! Hi, sister of Sue..."

Ang mga kasama niyang lalake ay nagkakahiyaan na't medyo lumayo sa kanya na para bang tinatanggi na kilala siya. That's my cue.

"Hi...Denver?" I asked, trying to remember if I'm right.

Umawang ang bibig niyang nilingon ang mga naghahagikhikan na niyang mga kaibigan. Pagbaling muli sa akin ay maigi siyang tumango at namimilog ang mga mata.

"Do you have a classmate named Kean?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy.

Sandali siyang natigilan bago sinilip ang ID niya. Sunod niyang ginawa ay tignan ang mga ID ng mga kaibigan niya.

Umiling si Denver. "We don't have that in our class. Maybe he's from the other section."

"You don't know anyone  named Kean?" muli kong usisa.

"Kean...?" Kumunot ang noo niya habang nag-iisip. "Kean....nu Reeves."

Sumabog ang tawanan ng mga kaibigan niya. Tinulak pa siya noong isa. Denver looked at them as if they lost their minds.

Tinakpan ko ang aking bibig upang itago ang pagngiti. Ba't ko ba nakalimutan na hindi ako makakakuha ng matinong sagot sa sophomore na 'to? Mukha pa nga lang ay parang suki na sa guidance.

"Uh...okay—"

"I don't care! And you don't get to tell me what to do! Ano ba kita? You're just my classmate! At transferee ka lang! Ka bago bago akala mo kung sino kang nagmamarunong!"

Nahinto ang buong hallway sa malakas na boses na iyon. A few people have already crowded the doorway of my sister's classroom. Agaran akong lumapit roon.

"S-sorry...I didn't mean to drop it—"

Naabutan kong kinuha ni Sue ang isang simpleng circuit board na gagamitin nila sa isang project sa T.L.E. Tinapon niya iyon sa sahig at inapakan.

"Sue!" tawag ko at mabilis siniksik ang sarili sa kumpulan upang makapasok sa classroom.

"Iyan! Hindi ko rin sinasadya. Nahulog lang kasi siya mag-isa."

"Sue, stop it!" Hinila ko ang braso niya.

Matalim na tingin ang hatid niya sa akin nang ako'y nilingon. As if she's blaming me for everything. It made me see my faults, too.

Isa-isa nang pinupulot ni Jillian ang nasirang proyekto. I knew it's hers. At sa katabi nito'y project ng kapatid ko na bumagsak ngunit hindi naman gaanong nasira. Isang wire lang ang natanggal. While Jillian's in ruins.

Marahas inalis ni Sue ang kamay niya sa pagkakahawak ko at madaling umalis ng classoom.

Hindi ko pa siya kayang sundan hangga't hindi nakahingi ng dispensa kay Jillian. Namumugto ang mga mata niya. I don't like how I get so affected seeing one tear escaped from her sad eyes.

Gusto kong bawiin ang insecurity na naramdaman ko. She didn't know anything, so I should not blame her for this. It's all on...her mother. She's just one of the receiving ends of her offense.

"Sorry..." mahina kong sabi bago sinundan ang kapatid ko sa labas.

Hinanap ko siya nang hindi matagpuan sa hallway. People who saw her pointed on the stairs kaya roon ako tumungo at bumaba.

Nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng driveway, humihingal at nakatingin nang diretso sa harap. Bumagal ang mga yapak kong nilapitan siya at tumigil sa kanyang tabi.

"Sue..."

"Siya iyan, 'di ba?"

Noong una ay hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Her still staring with vigilance on something or someone in front became an arrow to follow.

Tila sinuntok ako ng hangin na makita ang taong nakatayo sa gilid ng kanyang mamahaling sasakyan. That kind of car that's meant for fetching sons and daughters in and out of school. Those kinds of things she never did to us. Namuo ang pait sa aking lalamunan.

"Suzanne, huwag," banta ko sa kapatid kahit wala pa siyang ginagawa.

But hearing her hitched breath told me that she's going to do what I think she's going to do.

At hindi ako nagkamali nang mabilis niyang nilakad ang distansiya patungo sa babaeng iyon. Sinundan ko siya upang pigilan ngunit pinalis niya lang ang kamay ko na hindi niya binabalingan.

"Sue—"

She's already standing infront of her shocking the woman with her deep red lips parted. Nahihirapan na akong habulin ang takbo ng puso ko.

I expected for her to catch some recognition. Pero niisang senyales na kilala niya kami, o kahit ako man lang ay wala akong nakuha.

"I'm Suzanne Marie Simeon. Daughter of Ralph Simeon and....mommy, ako 'to, si Sue...."

Nag-iwas ako nang tingin sa narinig na pagkabasag ng boses niya. Guilt suddenly stabbed me straight to the heart with a pointed tip for shouting at her. For telling her this truth.

At mas bumaon ito nang husto nang marinig ang sinagot niya. Dugo ng pagkamuhi ang dumaloy sa akin.

"I don't know you, sorry."

Singhap ko siyang nilingon. Pinupudpod na ang dila ko ng masasamang salita na gustong pumakawala para sa kanya!

That day, it's me and my sister who have watched her walked away from us. Denying us, for the second time.

If I have been hating her for so many years, I don't know what to call it now.  Is this still hate? I'd consider this as beyond that.

Binago ng araw na iyon ang maraming bagay. Umigting pa ang pagre-rebelde ni Sue. Nire-report ng mga kaklase niya sa akin na inaaway nito si Jillian. Kung hindi sa classroom nila ay sa canteen. She found new friends through those girls who also don't like the new student.

I've never witnessed it until I decided to have our lunch in the canteen. Ipinagtaka man ito nina Dean at Erika ay sumunod na lang sila.

Umalingawngaw ang lagapak ng tray, pagtalon ng mga kubyertos at sigaw ng mga pagbasag. Tumigil ang buong canteen at natuon sa ingay na iyon ang lahat ng atensiyon.

Padarag ang ingay ng silya sa alisto kong pagtayo. There I saw Sue laughing with her friends. Nakaluhod si Jillian sa harap ng grupo nila at isa-isang pinupulot ang mga basag. Her raven hair secluded her probably tear-stained face.

"Ruth, its'your sister," ani Erika.

And to me, sister just didn't refer to one. Dalawa silang kapatid kong naroon.

Tumungo ako sa kanila. I've never been this frustrated as I am treading between two moralities.  Pareho ko silang kapatid at alam ko kung saan ako dapat papanig.

Yet in doing so, I'd dissapoint the other. Sue's been through a lot this week. But that's not going to be an excuse for me to side with her. Mali pa rin ang ginawa niya.

Tumilapon ang tinidor nang akma iyong kukunin ni Jillian. I saw how my Sue kicked it before I could even reach her.

"Sue, tigilan mo na 'to!"

Dumami lang ang nakiusyoso sa sigaw ko sa kapatid. I can't look down at the other girl without feeling a pinch of pity. I felt Dean's presence beside me. Hinawakan niya ako sa braso upang awatin. 

Tumawa nang pagak si Sue habang unti-unti akong hinarap. Nanahimik ang mga kaibigan niya.

"Ano, kakampihan mo iyan, ate?" Namilog ang mga mata niya habang dinidiin sa akin iyon. Lumapit siya at mariing bumulong, "Siya ang dahilan kung bakit hindi na bumabalik si mommy."

"At sa tingin mo babalik siya kung gagawin mo iyan?" ganti kong giit.

"Kaya nga. Hindi siya babalik. And she's going to pay a lifetime for that!" Patalim ang hatid ni Sue sa humihikbi nang si Jillian.  "Tignan natin kung magsusumbong siya sa 'mommy' niya. Pwe! If I know, anak lang iyan sa labas!"

Kinuha niya ang bote ng softdrinks sa baso at binuhos kay Jillian. Sue's people cheered and laughed as their victim basked in the cold drink. Kaagad kong hinila si Sue palayo ngunit mariin siyang nanlaban.

"Tama na!" sigaw ko habang pinipigilan siya.

Tumulong na rin sina Dean at Erika upang awatin ang kapatid ko. She's becoming violent!  Tumatawa siya habang tinatadyakan ang mga bubog papunta kay Jillian. Kung may lakas lang ako ay bubuhatin ko siya paalis dito!

"Dean, please help Jillian get up at ilayo mo muna. I can't drag Sue away!" desperada na ako.

Hindi na tumango si Dean at agarang sinunod ang gusto ko. Tinayo niya ang humihikbing si Jillian.

Watching her like that, nilulunod na talaga ako sa pagsisisi sa sinabi ko kay Sue. The reponsibilty goes down on me. But then, when should be the right time for her to know?

"What is happening here?"

Sa kinakatakutan naming Assistant Principal nanggaling ang boses na nagpatikom sa karamihan. There is no need for an elaboration. It's so obvious on who is to blame, and who is to be favored.

Walang seremonyas ay pinatawag kami sa opisina niya. 

Pinagtatalunan pa namin ni Sue kung tatawagan si daddy kaya hindi kami nakarating sa takdang oras na alas dos.  While Dean is beside me supporting my decision. Hindi na rin siya pumasok sa klase.

"Don't stress your father over this, Sue. Alam mo ang kondisyon ng daddy mo,"si Dean ang nagsabi niyon.

Kapwa namin siya nilingon, surprised by his welcomed interference. Sue then looked at me, questions dancing around her eyes.

I knew what it's all about.  Umiling ako tanda ng aking sagot saka kami pumasok.

Tuloy-tuloy si Sue sa opisina habang nahinto ako sa hamba nang makita ang katabi ni Jillian na nakaupo sa harap ng mesa ng AP. Her face laced with worry until she saw us. Agad pumailanlang ang gulat sa kanya na eksperto niyang naiwaglit. 

She's void of any emotion as we stared at each other. Sa naging ekspresiyon ko'y nais kong ipaalala sa kanya ang araw na iyon. I want her to bury herself in regret.

But her perfectly coiffed bun—not a strand of hair was out of place— elegant pearls around her slender neck, a winged eyeliner tracing the upper lid in her round Spanish eyes that I used to always adore as a child, and likely  a Nordstrom suit hiding her slender frame. Lahat nang iyon naging pader na hindi siya matatamaan ng kahit anong klaseng pagsisisi na pinapaulan ko sa kanya.

"Ruth..."

Tinulak ako ng boses ni Dean mula sa likod. Dumiresto ako sa likod ng silya na inuupuan na ngayon ni Sue.

"Good afternoon, Miss," bati ko. Sumunod si Dean sa mahinang boses.

Kita ko ang kalituhan sa mukha ni Ms. Buenavista nang nilingon kaming dalawa ni Dean. Nag-alinlangan pa siyang tumango. We just both acted as the parents of my sister.

"Where are your parents, Ms. Simeon?" tanong niya kay Sue.

"I am here as my sister's guardian, Miss," pahayag ko.

Tumingin siya kay Dean. "Mr. Ortigoza? Any concern? You can occupy one of the seats at the back while waiting for us to finish."

Umiling si Dean at mas dumikit pa sa akin. "I am here as Sue's guardian, too, Miss."

Nilingon siya ni Sue na pinipigilan ang ngisi. Kung hindi lang din seryoso ang sitwasyon ay baka nang-asar na 'to. At baka tumatawa na rin ako. But right now is not fun o' clock.

Umiling si Ms. Buenavista at hinayaan na ang sinabi ni Dean. Wala na siyang magawa. Si Dean na iyan, e.

"How about your parents?" may inip sa tono niya, as if knowing where our parents are could send Dean away from the office.

Hah! That's never going to happen.

"Our father's in Manila for a tech fair," I lied.

Hindi naman siguro niya pupuwersahin ang ama kong pauwiin dito sa Cebu para  lang sa isang araw na ito. Money is not going to be impaired in travelling back given my father's income. But time and effort would be. Most especially if he's just going to be face to face with his despicable past.

"Your mother?" patuloy niyang usisa.

Sarkastiko akong ngumiti. Nananadya ka ba, Miss?

Matigas kong tinitigan ang ina ni Jillian.  Sa determinado kong mga mata ay tila tinutulak ko ang tigas ng konkreto sa kanya hanggang sa siya ang umatras.

"She's dead."

I said it. Firm. Hard. Cold.

Hindi nakataks sa akin ang lihim niyang pagsinghap. Sumabay ang mahigpit na pagkagat ng kamay ni Dean sa braso ko. I'm deciding on who to cater first. 

But as I saw how her perfectly manicured digits in mauve trembled in her lap, I've made my choice. Nanatili sa kanya ang atensiyon ko.

That's it. Manginig ka. You did not only hurt my sister, woman. You ruined not only a family but its beliefs, too.

I saw her eyes dancing to the tune of resignation and understanding. Umiling ako at agad nag-iwas. I don't need to see more. Her denial was enough for us to perish our desperation for a mother.

"You are both aware, as per your policy book, that the school has zero-tolerance to harassment to a co-student in any kind. Hence, bullying. Miss Simeon?"

Ang tinging hinatid niya sa kapatid ko ay nanghihingi ng paliwanag.

Hindi sumagot si Sue. Kahit ako ay walang maisip na dahilan na pwedeng madikta  sa kapatid ko. Being provoked is an unsound alibi. Jillian didn't even lift a hand against anyone kaya mas may laban siya dahil siya ang inapi.

"Your parents didn't pay for you to be assaulted, much as they didn't pay for you just to hurt another student."

Narindi ako sa malumanay ngunit napakatinis niyang boses. Parang insekto na nagbubungkal sa tenga ko.

"Bakit niyo pa kailangan alamin ang rason kung nangyari na naman, Ms.?"ani Sue. "We're already here, and I'm about to be punished. So what's the use of an explanation?"

Padabog niyang nilapag ang evaluation notebook sa table ng Assistant Principal at agad binuksan sa Behavior page. May nakita akong may nauna na siyang offense doon. I didn't even know about it. Kailan nangyari iyan at bakit? Why did she forge our father's signature?

Ms. Buenavista was obviously taken aback by my sister's approach.  Kahit ako rin naman.

Still shocked, tinignan niya ako. "I have to talk to your father. How do you discipline your sister at home, Miss Simeon?"

Ngayon pakiramdam ko ay susunod ako sa yapak ng inasta ng kapatid ko. Should I be annoyed then? By who? By her or by myself?

"Our father has nothing to do on how we've become as teenagers. Hindi niya naman kami pinabayaan hindi katulad ng ibang magulang diyan na iniwan ang mga anak nila." diin ko, completely forgetting about the school rules. And virtues, too.

Nagngingitngit ang ugat ko habang tinititigan siya. I promise, this will be the last time then I will banish the thought that I have someone like her as a mother.

"And I'm glad our mother's dead. Hindi niya naman kami inalagaang mabuti. She's been neglectful. And I do pray she goes to hell, and from there, since she left her good husband and children, perhaps, she can tie the knot with Satan and start a family with him."

Humihingal siyang nag-iwas ng tingin. She choked on a sob at kita ko ang tumakas na luha sa mga mata niya na agad niyang pinunasan. Wala akong maramdaman.

"Mom?" Jillian's concerned voice didn't make her look at her.

"Miss. Buenavista," nanginginig ang boses niya. Kita ko kung paano niya sinusubukang pakalmahin ang sarili.

"I have a meeting to attend so I think we should end this discussion right here? Hindi ko ipapa-expel ang...si..." She blinked several times while struggling to not meet our eyes. "Just no punishment to anyone."

"Wala ka talagang aaminin..." may pait ang mahinang tawa ni Sue. I squeezed her shoulders.

Magsasalita pa lang si Ms. Buenavista nang tumayo si Mrs. Lopez at hinila na si Jillian palabas ng office. With hurried steps, they were out of the door in approximately three seconds.

Parang inalisan ako ng punyal sa dibdib sa paglabas nila. Binalikan ko ang assistant principal na mukhang wala nang naiintindihan sa nangyayari. Ni hindi niya ako sinita sa inasal ko.

Kinuha ko ang ballpen sa collar ng uniform blouse ko at pinirmahan ang evaluation notebook ni Sue.

''I will sign this in behalf of our father," pormal kong sabi.

"I still need to talk to him, Miss Simeon."ani Ms. Buenavista. "By the next meeting hopefully, together with Miss Jillian Lopez's parents."

Binagsak ko ang ballpen at umayos ng upo. The hell that would happen!

Habang may natitira pa akong pasensiya ay pinili kong tumango para makaalis na kami.

"Tara na, may klase ka pa." Hinila ko na si Sue patayo at tahimik kaming lumabas ng office.

Tahimik, tahimik din naming pasan ang bigat ng loob.

Hindi ako pumasok sa panghapon kong klase. Maliban sa ayaw ko, hindi rin naman ako makakapagconcentrate sa discussion.

Sa mga nangyari nitong nakaraang linggo at lalo na kanina, hindi ko na alam ang aasahan sa mga susunod na araw. Lifting up decisions seems to be lightyears away. You just want to float and let the current carry you wherever it likes you to go.

Plans of transferring to another school visited my mind. Ngunit kinalabit ako ng buwan ng Abril at pinaalala sa akin ang graduation. So I thougt about Sue, pwede pa siyang mag-transfer.

Walang imik si Dean na sinasamahan akong nagliliwaliw sa school grounds.  Pansin ko ang panay sulyap niya, yet he's not talking. He's giving me my space with my thoughts.

Malutong sa mga paa ko ang inaapakang mabatong lupa rito sa likod ng freshmen at senior building. Sa mga classroom sa taas namin nagsisimula na ang mga lectures. I could her our Social Studies teacher talking about iconic countries in Asia.

Inalay ko ang buong bigat sa pader na sinasandalan ko. Malamig iyon dahil hindi naiinitan. Kaharap ko ang konkretong bakod ng eskwelahan.

"Wala ka bang itatanong?"untag ko nang tumabi sa akin si Dean. I'm just not comfortable with this silence. I feels so alone with it.

Kapwa kami nakahalukiphip.  Kita ko sa gilid ng paningin ang paglingon niya sa akin.

"Are you okay? Okay tayo, 'di ba?" malamyos ang tono niya. He has understood what happened back at Ms. Buenavista's office.

I ignored the question, imbes ay mas pinansin ko ang malaking agwat sa pagitan namin. Bakit ang layo niya? I want him to inch closer to me.

"Now I understand..."

Sikreto akong napasinghap sa intensidad ng kanyang pagtitig na pwedeng pumantay sa galit. Parang makikipagpatayan siya sa utak ko hanggang malusob ang kumpirmasyon sa sariling hinala.

Kung paano niya nakuha agad ay hindi ko alam. Probably because...he feels too much, that he can not only feel within himself. Marunong siyang makiramdam.

"Kahit ako rin naman siguro kung iniwan nang ganon. At sa harap mo, hindi ka kikilalaning anak. I do understand more clearly." Pumagilid ang pait sa kanyang tono.

The tortured pain and loss in his eyes was beyond me. Ang naiintindihan ko lang ay parang pinupunit ang puso ko. Para akong sinasakal. It's like I'm having a glimpse to Dean's utmost vulnerability that seeing him broken as a whole would bring me to self-destruction. 

"I was abandoned, too."

Napamura ako. I was thinking too much of my own situation that I forgot Dean has got his issues, too. Dinidikdik ako lalo ng pagiging makasarili ko.

Because maybe, when we hurt, we thought less about other people. I realize that we most often tend to get selfish when we're in pain.  Our heartbreaks become our main reality that other matters just fell to be just a forgettable dream.

"You always...try to look strong." Mapait siyang ngumiti. "But life doesn't require for us to always be strong, Ruth. Weakness and cowardice has its reasons, so it's okay to get scared for a while. Kasi kung natatakot tayo, doon natin maiisipang lumaban. If we get scared, we think about protecting ourselves. That's why some of us don't take risk. We are more about protecting ourselves than brave it out there. You are..."

Shielding yourself could actually be weakness, rather than protecting others is all the ways heroic. So maybe all along, I'm weak. I was always the first one to leave because it's better and the harder it is for my fears to find me.

Kakampi ko ang buong mundo sa pagtatago ko sa takot, ngunit kakampi ng aking takot ang sarili ko. In the end, I would still be the one who's going to go against myself.

"Ruth..."

Unti-unti ang aking pagsuko at panghihina habang nilulukuban sa mga bisig niya. It's like I'm running back to my home and in there, I get to vent everything.

Nasa likod ko ang isang kamay niya habang nasa likod ng ulo ko ang isa. He brought my head to his chest gently.

"Saying you're strong when you don't even do the things that will trigger your fears,that's not being strong, Ruth. Strength doesn't mean being fearless. Strength means you have you're fears but you confront it. You don't step away from it. You get me?"

Dinungaw niya ako habang hindi inaalis ang mga kamay kung saan ito. Namamasa na ang mga mata ko. Humahapdi ang aking bibig. I feel so helpless I can't talk.

"Let's rest from our fears for now. We're okay, baby...We'll be okay..."

Mabilis kong binaon ang mukha ko sa dibdib niya at doon humikbi. There's something in his voice that triggers every emotion to squeeze out of me. Mas umiyak lang ako sa pag-aalo niya sa akin. Sa paghalik niya sa buhok ko. Sa pagtatahan...

This is what a mother should do to her crying kid. Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagiging bata at hinihintay ang ganitong pagkakataon.

"I'm not going to leave like she did." Coming from him, it sounds like a promise.

"Anyone can be like her, Dean..."

Dean's arms tighten around me. I could feel his warm breath in my ear.

"If I were to leave, it would be with you. Not without you, Ruth..."

Nagkatunog na ang iyak ko dahil sa sinabi niya. Umakyat ang mga kamay ko upang ipulupot sa leeg niya. I cried on his shoulder. My face is angled out so I can breath.

May nakasalubong ako ng tingin.  Hindi man lang siya nagatubiling magtago.

I saw Jillian in the corner of the building. Hindi ko alam kung bakit siya nandito at kung sinusundan ba niya kami o nagkataon lang.

But her face told me that she heard us.  She already knows.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro