TWENTY SIX
He's holding a marquise cut white gold ring.
Mas lalong hindi ako nakaimik. Ang katahimikan sa pagitan namin ni Dean ay nagpamulat sa aking pati ang mga hampas ng alon sa bato ay humihina na rin, tila nakaantabay din sa aking sagot.
I took stock of our position. We're at the back of his pick up car, him leaning his back on the car's side while I am in between his thighs and slightly turned to face him. Nakalagay pa ang isang braso ko sa nakatupi niyang tuhod. How offbeat for a proposal.
Pero iisipin ko pa ba ang pagiging pambihira nito kung hindi rin naman ako sigurado?
Habang tumatagal ang pananahimik ko ay nagkatunog na ang tahimik na hingal ni Dean. Marahang umuga ang pick up sa aking pagtayo at sinuot ang sapatos.
Tila inipon niya lahat ng hangin sa mabagal niyang pagsinghap at tumayo na rin at sinundan akong bumababa ng pick-up. Muntik pa akong matapilok dahil sa pagmamadali.
"Ruthzielle..."
Umiiling ako habang naglalakad palayo. Wasak ang pangalan ko sa nabasag niyang tinig. The sting it did to my chest is almost unbearable.
Kung noon pa ito nangyari marahil tinakbuhan ko na si Dean. Leaving is my expertise. I'm afraid to say that old habits die hard because truth be told, running away seems more appealing than facing him. Inaakit na ako ng pagtakbo.
"Ruth..."
Tila hanging dumaan lang ang kanyang mahinang boses. Kung hindi lang niya ako hinawakan sa siko ay nanatili akong nakatalikod sa kanya.
The look I gave him is disappointed. Kung nahagip niya man ito ay maaaring naging dahilan ng nakikita kong sakit sa mga mata niya sa kabila ng balingkinitang liwanag sa tinayuan namin.
But the unadulterated pain in his eyes was just part of it. Naroon pa rin ang intensidad na idiin ang gusto niya. Isipin ko pa lang iyon ay hinatiran na ako ng tumataginting na posibilidad na mapipilit niya ako.
Hinawi ko ang hibla ng buhok na humarang sa aking mukha. I eyed his hand that was forming a fist. I could see the ring right there suffocated by his palm.
"Kanina lang ay nagdesisyon kang hindi na tumuloy sa Spain o sa banda," ani ko nang may napagtanto. "Would you still have offered me the ring, Dean?"
Mahigpit ang tikom ng kanyang bibig. Mabigat ang tingin niya sa akin na parang madadaganan ako nito kung hindi agad ako iiwas.
"Yes..."
Kumabog ang puso ko na wala man lang narinig na pag-aalinlangan sa kanya. So was he planning this all along?
"Why...?" I asked like he's just betrayed me.
Lumambot ang kanyang mukha at mas lumapit pa. "Because I love you, Ruth."
"You can't validate that love through marriage, Dean!" sigaw ko sabay atras.
Hingal akong nag-iwas sa nakikitang gulat niya sa ginawa ko. Remind me again why should I look him in the eyes while I shout some sense into him.
"Ang mapanatili ang nararamdaman sa haba ng taon, sa kabila ng 'di pagkakaunawaan at agwat sa isa't isa, iyon ang patunay ng pagmamahal. Hindi sa kasal."
"Paano kung hindi tay—"
"Kung hindi tayo e 'di hindi! You can't control everything, Dean! We can't!"
I was a little bit guilty for overdoing this. For shouting at him but this is what he needs to understand. Because to talk so calmly would lack conviction.
Matagal kaming naging tahimik. Ni ingay ay hindi tumakas mula sa amin. Sinubukan kong kalmahin ang sarili sa tulong ng haplos ng mas malamig nang hangin dahil sa paglalim ng gabi. At ang hampas ng alon ay nakakatakot na para sa akin.
Laking pasalamat ko na nakayuko si Dean nang nilingon ko. I can see how much it breaks him that I already rejected him without even confirming yet. Hindi pa ako naka-hindi, pero ang mga pinagsasabi ko ay parang ganon na rin. He should have expected my rejection. Hindi naman kasi sapat ang pagmamahal lang upang umabante na agad kami sa pagpapakasal.
Sinubukan kong tanawin ang sarili sa sitwasyon. Me, in a university while him in another country. The impact of the loss has already conquered me just by merely thinking about it. Then when it would finally happen, I bet my life that the loss would be an understatement.
His proposal is tempting. Aaminin ko iyon. Gusto kong pumayag pero mali. Ngunit kaunting kumbinse pa niya ay hindi ko na alam kung saan hahabulin ang paninindigan ko upang amuin ito. Because maybe in love and in wanting, you get to cheat on your resolve despite the decision leading astray yet you still found yourself giving in.
The longer I have thought about this, the more I was rained down by second thoughts.Naitanong ko sa sarili kung mali ba ito para sa akin o mas mali para sa ibang tao?
But why should I care about other people's opinion? Then I thought about my father. I cared for his opinion.
Pinaglalaruan ni Dean ang singsing sa mga daliri niya. Sana lang hindi niya naisipang itapon iyan.
"Pinag-isipan mo ba 'to Dean? Or is this just one of your reckless decisions?" tahimik kong tanong.
"Bibili ba ako ng singsing kung hindi?"
Inignora ko ang naging malamig niyang tono. I would love to melt the cold treatment but not now.
"Anong iisipin ng parents mo? Napilitan na nga sila sa gusto mong magbanda. Tapos—"
"I've already asked permission, Ruth," aniya sabay angat ng tingin. Tumalon ang puso ko sa talim ng tingin niya. "To tell you honestly, it wasn't easy to convince them but I did. Pumayag sila."
Natigilan ako. He could be lying just to persuade me but nothing came. Nanatili ang talim ng mga mata niya na sinasaksak na ako nito nang husto sa dibdib ko.
Dean's parents doesn't have the look to allow their child to marry at eighteen. There is something behind this I'm sure.
"Anong ginawa mo para makumbinse sila?" matigas kong tanong.
"I asked permission—"
"Anong ginawa mo, Dean?" mas mariin kong ulit.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib sa pagsuko. Mukhang naiinis na siya ngunit pagod nang ipakita ito dahil sa hapong-hapo na pagpapasida niya sa kanyang buhok. Alam niyang wala na siyang takas.
"We negotiated. They can decide for my education in exchange of their consent for me to marry you."
"Iyon lang? Sigurado kang iyon lang?" paninigurado ko.
Imbes na sagutin ako ay lumapit siya. Umatras ako ngunit dinakip niya ang aking palapulsuhan upang pigilan. Nagwawala na ang puso ko sa nakikitang pagbabanta sa mga mata ni Dean.
I don't know if he'as angry, disappointed or inhibiting himself to hurt me physically. But I'm not scared. Nasasaktan ako at nag-aalala. One thing to know about Dean, he doesn't take rejections very well.
"Don't you want us together?"
Inipit ko ang labi ko at yumuko. Ang sakit sa tinig niya ay bugbog sa puso ko. Ang hirap huminga. If he is the one breaking , then I am the pieces.
Mas lalo siyang lumapit. Inindiyan ko ang kiliting naramdaman sa paglagay ng hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Pati sa hininga niya maiintindihan mong nasasaktan siya. I...I can't watch him like this.
"Papayag kang hindi maging tayo, Ruth?Kasi ako hindi. I can't allow us not to be together. I can't allow you to let me go. Because true to my words, I won't leave without you. I will only leave with you."
Humihikbi na ako nang iangat niya muli ang singsing, inviting me to nod and say yes. There's no way that I could reject him without having to hurt him. No matter how good your intentions are. No matter how many ways you've thought for this not to be painful. In the end, it's still gonna hurt.
Hinawakan niya ako sa batok at binaon ang mga daliri sa aking buhok. He made me look at him. Panay ang iwas ko ng tingin.
"Aalis akong dala pa rin kita. Dala pa rin ang pangako mo. This ring is our promise. If you say yes, then that means you're with me. Always...while I'm away. Please..."
My breaths are rapid for trying to stop a sob. Hinawakan ko ang kamay niya roon at unti-unting binababa.
"Who bought the ring?"
Dumulas ang kamay niya galing sa aking braso pababa sa kamay ko at hinawakan.
"I did." He whispered.
Nanindig ang balahibo ko. Magkano ba ang kinikita niya sa mga gigs at nakabili siya nang ganyang singsing? It looks like it costs an arm and a leg! Isang insulto ang pagpuri ritong maganda dahil hindi lang ito maganda. Tila buhay ang naging kapalit para lang sa singisng na iyan.
And it would be more of an insult rejecting it.
Mariin akong pumikit habang unti-unti na akong pinapalo ng tukso. Would I be more relieved if I'm going to accept this? Maybe yes. But how about in the imminent future? The repercussions of young marriage?
"Is age an issue for you, Ruth? Why are you so terrified by our youth? I'm not just an eighteen year old typical selfish jerk!Kasi hindi lang ako ang iniisip ko. Tayo. Tayong dalawa! And believe it or not I can't stop dreaming about our future together. Not just mine alone but ours!"
Tumalikod siya at kita ko ang pagbagsak ng malapad niyang balikat. Sa isang gabi lang ay parang nabawasan ang kanyang timbang. His sweatshirt looks loose on him.
"My age won't dictate what I should want. As young as I am, my heart chooses you to be my passion, Ruth."
"Dean..." hinawakan ko ang kanyang braso upang harapin ako.
He did. Ngunit ako naman ang umatras. He looks so fragile and hopeless that touching him would mean breaking him.
"But fine. If you mean to reject me, do it. I'd rather you'd be honest than lie that you want the marriage even when you still have your doubts about me."
"I trust you. I just don't trust the future, Dean. Performing in the stage has been your dream before you even met me. Ngayon, sabi mo ako na ang pangarap mo. See? Hindi mo alam na magbabago iyon. And I'm sure, ganon ang mangyayari sa atin. Hindi natin alam kung ano ang magbabago."
Matagal siyang tumitg. Malalim at tila nananantiya. Sa ganoong sitwasyon ay maingat siyang humawak sa braso ko at hinila ako sa kanya.
"Kung hindi man maging tayo sa hinaharap na natatanaw mo, kalabanin natin iyon. Maging tayo ngayon, Ruth. Marry me."
Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Nang mamalayang lagpas alas onse ay napagdesisiyunan na naming umalis sa parola.
Dean's proposal made itself comfortable in my thoughts. Hindi na iyong graduation ang naging highlight sa gabing iyon. Naisip ko kung may minsan ba sa buhay ng ibang tao na gusto nilang gawin ang isang bagay kahit hindi pa handa. Is this about my fears again? You are either reckless or brave if you take the unknown.
My priorities made the forefront of my responsbilities than getting married. But why do I feel like I have to fulfill it? Gusto kong subukan dahil habang ngayong hindi pa ako pumapayag ay nanghihinayang na ako.
Imagining myself saying yes is not enough for me to know what's gonna happen next. Sa dalawang pagpipilian, I want to experience both choices just so I can decide what to do. To do what's more rational. I'm in doubt saying yes, while I feel unhappy saying no.
I may love him, but it doesn't mean that he's gonna be my priority. Again, aside from marriage, setting someone a first priority is not a validation of love. Sa pagkakataong ito, mas pipiliin ko muna ang sarili ko kesa sa aming dalawa.
I have three months to decide pero parang three days lang ang dating sa akin niyon. Turning eighteen next month, tila pasan ko ang obligasyon upang pigilan ang katapusan ng mundo.
"So anong balak mo? Have you decided?" tanong sa akin ni Erika.
Bumuntong hininga ako at binaon ang mukha sa bukas na libro. Nasa library kami para sa isang activity sa English. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa 'to e nasa college na nga kami.
"Hindi ko alam..." Escaping is tempting para 'di ko na kailangang sumagot.
"Kung nag-propose na siya sa 'yo, nasan ang singsing?"
Nag angat ako at hinawi ang bangs kong humarang sa aking noo. Wala sa sarili kong nilipat ang page. Sa tanong ni Erika ay lalo akong nanlumo.
"Hindi ko tinanggap. Sabi ko pag-iisipan ko muna."
"Payag ka na ba?"
Looking at her, it's like I want her to decide for me. I want to depend my decisions on other peope. Hindi kasi sapat na ako lang ang may opinyon dito. I want to consult every one I know. I thought about tita B. Naiisip ko na ang magiging reaksyon niya.
Bago pa ako makasagot ay nag vibrate ang aking cellphone. It's from Dean. Unang araw pa lang sa semester ay siya na ang hatid sundo ko. Hanggang sasakyan lang siya dahil hindi ko pinapalabas. Pagkakaguluhan lang kasi siya.
Dean:
I'm here. Basement parking.
Magta-type pa lang ako ay may kasunod nang text.
Dean:
Punta ako diyan? Where are you?
"Psst, bawal cellphone," birong sita ni Erika.
Ako:
Pababa na ako. Stay at the basement.
Sinulat ko muna ang pangalan ko sa papel bago inabot kay Erika. "Paki-pass na lang sa class president. Nasa baba na si Dean."
Sinuot ko na ang shoulder bag pagkatapos itong isra. I carried my one and only thick nursing book.
"Binabakuran talaga, e,"panunudyo ni Erika. "Kung pumayag ka na lang kaya, at least hindi ka na mag aalala dahil kasal kayong legal."
Sarado ang bibig ko sa sinabi niya. That may not seem right but it looks like the only choice that's being laid down. O baka iyon na talaga ang desisiyon ko?
"Ano, sama ka pauwi?" imbes na sinabi ko sa kanya habang inaayos ang inupuan na monobloc chair.
Umiling siya. "Sabay na ako kina Scarlet at Leroy."
"Okay, bye!"
Saktong tumunog ang bell paglabas ko ng library. Nag-vibrate ulit ang phone ko habang nakiisa sa mga estudiyenteng bumababa ng hagdan. It's probably just Dean again kaya hindi ko na tinignan. Pababa na rin naman ako.
Kaagad ko siyang nahanap dahil nakasandal ito sa kanyang sasakyan. He's talking to one of the guards. I don't think there's something to get worried about the way they talk casually. Bored lang siguro si Dean kaya naghahanap ng kausap.
Hindi pa ako tuluyang nakalapit ay lumingon na si Dean. Tumuwid siya ng tayo nang makita ako ang papalapit. Napansin iyon ng guard at lumingon na rin.
"Siya iyong girlfrined niyo, Ser?"
Kinuha ni Dean ang kamay ko at hinila ako sa kanyang tabi. Kumapit agad sa akin ang pabango niya.
"Fiancee ko."
Tahimik lamang ako habang pinapangalandakan ang gusto niyang malaman ng iba. Awkward ang aking ngiti sa guard.
I turned to Dean and saw his proud smile. All the more I kept my mouth shut to avoid gainsaying. Mahal ang ganyang klaseng ngiti niya.
"Naks. Congrats po sa inyo ma'am! Kaya naman pala hatid sundo ka ni Ser, e." Ngumisi ito, kita gilagid.
"May mga lumalapit ba?" Tanong ni Dean sabay tango sa gawi ko. Nakahawak na siya sa 'king baywang.
"Nako! Marami, Ser."
Sumbungero rin 'tong guard na ilang gramo kaya ang laman ng bagahe sa ilalim ng mga mata.
At kailan pa niya nakitang may umaaligid sa 'kin? I only talked to my classmates and the guys I have only been interacting with are two gays. The rest are small talks and head-nod encounters.
"Is it true?" Now Dean is sounding like an incoming thunder. Naniwala naman siya?
"Nagjo-joke lang iyan si manong." Tipid kong ningitian para hindi naman siya mapahiya. Tinanggal ko na ang kamay ni Dean sa baywang ko. "Tara na."
"Sige po, Ser ma'am!"
Binuksan ko na ang pinto at pumasok. I put my book in the dashboard like I always do. Bukas na ang pinto ni Dean ngunit nakatayo pa siya sa labas at naghuling biruan kay manong guard.
Pinasidahan nito ang buhok habang umuupo sa driver's seat.
Binuksan ko ang phone ko upang i–check ang message niya kanina. Turns out I also missed three calls from Sue. Inasikaso ko muna ang pag-reply sa kanya.
Ako:
Sue? May ipapabili ka ulit?
Pansin ko lang lately tumatakaw siya at nananaba. Yet we've still maintained being civil despite our gaps. We never bothered told daddy.
Dean:
Ayaw mo talaga akong palabasin noh? Siguro maraming magaganda sa nursing.
Umirap ako at tinignan si Dean upang sana'y sagutin sa naging text nito. But he's staring at me as if he's done that for hours. Hindi pa nga niya nai-start ang sasakyan.
"Bakit?"
Namumungay ang kanyang mga mata. Ang ngiti niya'y tila may inaalalang magandang pangyayari. He leaned his arm at the side of the headrest. Kumalansing ang susi na hawak pa niya.
"You look good in all white," aniya sabay pasida sa uniform ko. "Sa susunod wedding gown na iyan."
Bumaling ang mata niya sa buhok kong naka-hairnet. May balak talaga akong ipagupit ito. Pakiramdam ko umiiyak ang buhok sa tuwing iniikot kahit basa pa.
"And this..." Kinalabit niya ang hairnet ko. "Next time it's going to be a white veil draped in your head."
I could see how those visions danced around in his hazel greens. Sa panay niyang banggit sa kasal ay unti-unti na ako nitong tinutulak na um-Oo. Dean can be very influential. He can pull people around him despite himself. That's his aura. So to be able to get influenced by him won't surprise me.
"Galing kang practice?" tanong ko.
"Nope." Pinasak na niya ang susi sa ignition at binuhay ang makina.'Kinawag niya ang kamay at inaayos ang relo sa palapulsuhan bago minando ang manibela.
"Ba't bihis ka?" untag ko nang mapansin ang suot niyang jeans, itim na muscle shirt at itim na boots.
"Galing akong simbahan. I talked to the priest."
Kumuha siya ng barya sa baba ng handbreak upang iabot sa guard na hinintay makalabas kami sa parking space. Nahihiyang tinanggihan ni manong guard iyon dahil bawal nga but Dean insisted.
"Nangumpisal ka?" tanong ko.
Ngumisi siya at sinulyapan ako. Kinurot niya ang aking pisngi at pinaarangkada na ang sasakyan nang makalabas sa basement.
"Kinausap ko na iyong pari na magkakasal sa 'tin."
Walang sandali na hindi ako pinapatahimik ng usapang ito. Ayoko munang magsalita hanggang wala pa akong huling pasya.
"Though if you want, pwede ring sa huwes muna tayo."
I remained my vow of silence. Pinaglalaruan ko ang red and white striped ribbon ng aking uniform. He's always going to push the matrimony. Kahit yata lumindol sa araw na iyon pakiramdam ko itutuloy pa rin niya ang kasal.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang bibig. He kissed it before putting in his thigh. Nasa harap ang kanyang paningin, bahagyang nanliit ang mga mata sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. He's a vision in a deep day afternoon.
"Then after four years, I'm going to give you the grandest wedding the whole world should know about."
It sounds like a promise. At hindi ko maawat ang sariling maakit nito. Though that was the future he saw us living in.How about the other future? Iyong unang mangyayari.
"Four years ka sa Spain?"
Matagal bago siya tumango, mukhang nag-aalinlangan pang umamin. Kinagat niya ang ibabang labi at pinaglalaruan sa kanyang ngipin.
"Dad wants me to take the Global Entertainment and Music Business. Gusto niya kasi may business. I agreed on it dahil may music pa rin naman."
"Magiging CEO ka?"
"Like that's gonna happen." Mahina siyang tumawa. "Not in this lifetime."
Taas kilay niya akong sinulyapan dala ang baluktot niyang ngiti. Muli niyang hinalikan ang kamay ko at binalik sa kanyang binti. He sighed, para bang ganito lang ay kuntento na siya.
Pinihit ko ang aking kamay upang tignan ang magkadikit naming identical tattooes. Dahil bawal ito sa klase ay nagawa kong itago ito sa pagtakip ng panyo sa ilalim ng aking wristwatch.
I tried to research about the university Dean's going to enrol in. Maganda ang facilities kumpara sa mga narito sa bansa. Masasabi kong magugustuhan niya roon.
But thinking about the Spanish girls siniffing around him because he's that irresistible, isa iyon sa mga nagdidikta sa aking itali na siya.
Habang nasa biyahe ay naisip ko ring konsultahin si Tita B kasama si daddy. Dean is being adamant kahit alam niyang wala pa akong naisagot. Kaya bago ang Agosto kailangan may pasya na ako. And I need the high-up's help so much.
This is only one of the testaments that I can't yet be independent that I'm even in need of their advice. Yet, this is a monumental decision. Though I can easily have my choices on smaller dilemmas but with the likes of this.
"Pinag-isipan niyo bang mabuti 'to? I mean, we all know that the both of you are still young but I think you have enough capacity to think these things through!"
Parang mahihimatay na si tita B habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Dean. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Ang katulong nila ay agad siyang inabutan ng tubig. Umiling si dad nang inalok.
We're in Tita B's house at magkatabi sila sa sofa katapat namin. Tuwid ang upo ni Daddy at parehong nasa tuhod ang mga kamay. He's looking down on the floor. Kabaligtaran sa kalmado niyang mukha ang nararamdaman ko ngayon. Why the heck is he so calm?
Humigpit ang kamay ni Dean sa kamay ko. I replied a tighter grip.
"Gusto niyo ba pareho iyan?" Sa wakas ay umimik si Dad.
"Ralph! You're being slack! Higpitan mo naman ang mga anak mo! Parang wala kang pakialam at hinahayaan mo lang sila sa mga desisiyon nila. It is time that you get to decide for them , too! Haligi ka ng tahanan. Iyon ang obligasyon mo!"
"Tita, tama na po..." mabilis na pigil ni Sue na pumwesto sa likod ni Daddy.
He accepted Tita B's rants through a nod. Assurance din iyon kay Sue na ayos lang siya sa pagtapik nito sa kamay niyang nasa balikat ni daddy.
Tumikom si Tita Bianca at muling bumaling sa amin. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili. Ang reaksyon niya'y banta na hindi ito magiging madali.
"Pumayag na po parents ko...tito, tita," pahayag ni Dean.
Mukhang mas ikinagulat pa ito ni Tita B. Her round wise eyes directed to him. "What? General Ortigoza agreed to this?"
Tumango si Dean. "In exchange of me going to college...In Spain."
Matagal umaligid ang katahimikan maliban sa mga kilos ng katulong sa kusina. All eyes were on me and Dean. Nananantiya ang kay Tita B samantalang kalmado pa rin si Dad na tila binabasa kami.
Sue standing behind him is being unreadable. I wonder if she has her opinion about this, too. I would care for it if only she would voice it out.
"So kaya kayo magpapakasal dahil aalis ka? You're going to leave my niece here? Paano kung makahanap ka ng babae doon at masasaktan ang pamangkin ko? Habulin ka pa naman, iho. Baka hindi mo malabanan ang tukso. Lalo na't dise otso ka pa lang. Young guys like you tend to explore and seek for more."
"I'm not gonna do that..." Dean assured.
"Sa una, siguro hindi. How about years from now? Ilang taon ka ba doon?" Naghahamon ang tono ni Tita.
Nilingon ako ni Dean. Ngayon ay tila hindi na siya sigurado. Pansin ang takot sa mukha ko ay madali niya itong napalitan ng tapang.
"Four years po." He didn't look away.
Nagtaas ng kilay si Tita at tinignan ako. As if she's making her point.
Hindi na ako nagulat na hindi man lang ako kinabahan. Ang mas ipinagalala ko ay si daddy. I hope this won't trigger his attack. Hindi na siya pumapasok lately dahil sinusumpong ng paninikip sa dibdib. So whatever dad's stand on this, tiniyak ko na sa sarili na iyon ang aking tataluntunin. I won't be the one to cause any triggers. Iyon ang prioridad ko.
Umusog si Dean at pinulupot na ang braso sa aking baywang. I looked down as he neared his mouth on my ear to whisper.
"Whatever happens, Ruth, I will marry you. I don't care about their verdict. Basta pakakasalan kita."
Hinalikan niya ang aking sentido at hinarap muli ang mga nakakatanda. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop sa kanyang binti. Kumukuha ako ng kakalmahan sa mainit niyang kamay.
Tita B saw our act. Humigpit ang pag-iisang linya ng kanyang labi. Agad siyang nag iwas ng tingin.
"Hindi ako papayag," mariing hatol niya.
Humigpit ang mga kamay ni Dean sa akin. "It's okay."
Now we're down to dad. His slightly meeting brows is an indication of consideration rather than deep thinking. Pinaglalaruan niya ang ballpen sa kanyang daliri.
"Where's the consent form? I will sign it."
Hindi ko alam kung sino ang kasabay kong suminghap. Sumaklaw ang daloy ng init sa dibdib ko dahil sa gulat.
Tumayo si Dean at inabot kay daddy ang affidavit. Inasahan kong mas mahihirapan kami sa pagkumbinse kay daddy kesa kay Tita B.
"Ralph!"
Humihingal si Tita habang pinapanood ang pag fill-up ni daddy sa affidavit. Tila tumigil ang buong paligid sa nangyayari. I don't need to see Dean's reaction. Siya ang mas nagbunyi ngayon. I know I should be, too, but the incredibility just won't let me go!
'Di ba dito sila nagsimula ni mommy? Hindi naman siguro niya magagawang hayaan akong danasin ang naranasan niya noon. But why agree to this?
Nahagip ko si Sue sa likod ni daddy na nakatingin sa pagfi-fill up niya. She looks disappointed.
Binaba ni dad ang ballpen at binigay sa amin ang form. Si Dean ang kumuha. Umikot si Dad at hinarap si Tita B na nanatiling gulat habang nakatingala sa kanya.
"If they're going to realize sooner or later that this is a mistake, let them learn from it, Bianca. I have already signed the form. They have my permission to get married."
Day 424.
Dalawang araw bago ang kasal. Dean wanted it to happen on his birthday this Saturday kaya hindi namin nagawang i-celebrate ang birthday ko noong Linggo. He wants a double celebration.
Noong Linggo kami huling nagkita. He believes in the tradition at para raw mas matuloy ang kasal ay whole week niya akong hindi sinusundo hatid. Though he keeps on texting me.
Habang papalapit ang araw ay mas lalo akong kinukumbinse na gusto ko itong mangyari. Lalo na 't nakuha namin ang permiso ni daddy at ang parents ni Dean. And I want Dean mine, too! Kaya ayaw ko nang umarte dahil wala na rin namang pipigil.
"You're not mad, dad? Ayaw mo kasing pumunta," satinig ko nang pinuntahan ko siya sa kanyang office sa bahay.
Naging mailap siya simula noong binigay niya sa amin ang permiso.
"I respect that you want to keep the ceremony private."
"But I respect you, too. Kaya...nagpaalam kami sa 'yo."
Bumuntong hiinga siya at tumayo. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang nilalapitan ako.
"Do you want to marry him or not?" May pananantiya sa kanyang tingin.
"I...I want to but—"
"You already have my permission, Ruthzielle. Why are you still in doubt?"
Yumuko ako at pinaglaruan ang aking kamay. Naisip ko na pumayag lang siya dahil ito ang gusto ko. He always spoils us. Kami lang naman itong nagpipigil na ipaalam ang gusto namin. We cared for his opinions, too.
"Baka kasi napipilitan ka lang."
"It's either a yes and a no to me, Ruthzielle. I cannot be forced and I won't be. Kahit gaano pa katama o mali ang desisiyon mo, you're going to make mistakes along the way. Either roads of your choices, I tell you, you don't lose. You learn. Pumayag ka man o hindi, may pagkakamali kang magagawa. There's neither right nor wrong in this. It's all learnings."
And because of the support of the people around me, though some of them are still raising a brow, mas marami naman silang tumatango kaya nagawa ko na ring pumayag nang buo. Their support encouraged me.
Dean is the visionary. Parang siya ang mas excited na magsuot ng bridal gown dahil siya ang nagplano lahat. I didn't oppose since I approved with his ideas.
We both agreed to keep it private and simple. Hindi muna engrande sa ngayon habang nag-aaral pa lang naman kami. I want my dream wedding to happen when I turn twenty five. Kaya sa ngayon ay simple lang muna.
Day 425.
Dean:
Date has changed. I have a scheduled overseas call from Berklee tomorrow.
Ito ang bumungad na text niya nang dinismiss na kami sa huling klase. I am somehow relieved dahil may P.E kami ngayong Saturday. Ayoko sanang umabsent.
Ako:
Hindi na sa birthday mo? Okay. Same time and place?
Dean:
Of course ;)
I texted Erika rightaway. Sila lang ni Wilmer ang dadalo dahil nga iyon ang gusto namin ni Dean. I wonder about his bestfriend's reaction to this. That guy doesn't seem to like me.
Day 426.
Malakas ang ulan nang araw na iyon. Balot na balot ako ng kumot habang bumababa sa kusina upang uminom ng mainit na chocolate drink. Naroon na si Sue at kumakain ng pancakes. Sa palagay ko'y pangatlong piraso na niya iyan.
Walang imik akong umupo sa tapat niya. Tinignan niya ako ngunit hindi siya nagsasalita.
"Bakit?" kaswal kong tanong.
Binalikan niya ang pancake. "Wala.Pinagtimpla na kita ng choco."
Napaatras ako at binalingan ang puting mug. Wala pang bawas iyon. Bigla yata niya akong pinagsilbihan? Ganon ba ang nagagawa ng pancakes sa kanya?
Kinuha ko ang mug at uminom. The warmth liquid soothed my stiff and cold nerves.
"Thanks," mahina kong sabi habang inaayos ang phone sa kamay ko para magtipa ng text kay Erika. Kumunot ang noo ko na hindi pa nakakatanggap ng message mula kay Dean.
Ako:
Papasok ka? Ako hindi. Malakas ang ulan. P.E lang naman iyan.
The message didn't send.
"Shit...walang signal."
"Kagabi pa walang signal. May inaayos yata sa kable pero umuulan ngayon kaya baka hindi muna tinuloy. Pati internet wala."
Napaangat ako kay Sue na mukhang walang pakialam habang pinahayag ito sa 'kin. She's spreading syrup on her nth pancake.
Mukhang balak niyang ubusin ang tatlo pang nasa plato dahil hindi man lang ako inalok kumain. But at least she made a choco drink for me.
Kaya buong araw akong mukmok sa bahay at babad sa tv. When I got bored ay natulog ako sa kwarto ngunit nagising rin nang sumapit ang hapon dahil sa mas paglakas pa ng ulan.
Sumapit ang gabi ay kumalma na ang ulan ngunit may kulog at kidlat pa rin. Hindi ako makatulog. Dalawa lang iyan. Dahil ba sa naging mahaba ang tulog ko kanina o dahil bukas na. Hindi ko alam kung para saan itong namumulaklak kong kaba.
Nakahiga sa kama ay nilingon ko ang off shoulder white dress na gawa sa lace. Naka-hanger ito sa harap ng aking dresser. With that, I'm going to wear a flower crown. Sumilay ang ngiti sa labi ko at mula roon, hindi ko na alam kung paano ako nakatulog.
Alas kuwatro ng hapon kinabukasan ay tapos na akong maghanda. Nakalugay ang hanggang baywang kong buhok na may alon sa dulo. Bumaba ako at noon lang napansin na tahimik ang bahay.
"Sue, alis na ako!"
Dito pa lang ay nanlalamig na ang mga kamay ko. If this is because of excitement, well I don't know dahil kapag excited ka ay kabado ka pa rin. I might mistake this emotion for something else.
"Sue!" muli kong sambit sa kapatid.
Tumungo ako sa kusina at baka nagbe-bake na naman siya. Though I couldn't smell anything. Dinungaw ko ang relo ko at lumukso ang pulso sa nakitang oras. I really need to go now!
May narinig akong kilos sa cr kaya pumunta ako roon. Binuksan ko ang pinto at napagtanto na binuksan rin ito sa kabila.
Napasinghap si Sue sa gulat kasunod ang paglaglag ng isang bagay. Naunahan ko na siya sa pagpulot niyon at hindi ko mapaliwanag ang panginginig ng mga kamay ko nang mapagtanto ang bagay na hawak ko.
"Ate..."
"Kanino 'to?" malamig kong tanong. I want her to deny. I want her to insist that this is not hers. Pero lolokohin ko pa ba ang sarili ko?
"Sue, answer me," mariin kong sabi. Nagbabanta ang galit at pagsisisi sa damdamin ko at hindi ko alam saan galing at ang patutunguhan nito.
Iling siyang humihikbi. Is that her denial o ayaw niyang sagutin?
"Buntis ka?" nanginig ang boses ko. Kumakapit ang luha sa mga mata ko. God, was she raped? Hindi siya ganito ka iresponsable na magpapabuntis lang!
Namumuo ang luha niya at sinubukan akong lapitan. Umatras ako at umiling. Why...why is she pregnant? She's only fifteen for god's sake!
"Ate I'm sorry..."
Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi niya dahil sa kanyang pag- iyak. Iniiwasan ko bawat akma niyang paglapit. I feel like I am responsible for this. Her touching me would mean pressing the mistakes I made. She's my baby sister! God, and she is pregnant!
"Tell me...ni-rape ka ba" Pumatak ang aking luha. Hindi ko kayang isipin na may kayang gagawa niyon sa kapatid ko.
Ngunit nang umiling siya ay tumakas ang hikbi sa aking lalamunan. But she could be lying! Baka takot siyang umamin.
"Wala akong pagsasabihan. You can trust me, ni-rape ka ba?" maingat kong tanong.
Malakas siyang umiling. Walang takot sa mga mata niya para sa sagot ngunity takot na saktan ko siya. Nanginginig ang mga labi niyang sinubukang magsalita.
"I'm sorry..." Lumuhod siya sa harap ko at humagulhol.
Pinagmasdan ko siyang umiiyak. Pinalis ko ang sariling luha na hindi umaawat sa pagbuhos habang patuloy rin si Sue sa panghihingi ng tawad.
"Iyong Kean ba?"
Lumakas ang kanyang hagulhol bago tuluyang tumango.
Tumingala ako at dinama ang daloy ng luha sa pisngi ko. Hindi ko alam saan ibabaling ang galit kaya sa huli ay tinapon ko ang pregnancy kit at tumama ito sa pader. I am so disappointed at her, but even more so to myself.
Inaamin kong nagkulang ako sa kanya bilang kapatid. Dapat tinatak ko na sa isip ko na sana mas nagpaka-ina ako kesa ang nagpaka-kapatid.
"Ruth!"
Hindi agad ako lumingon sa pagtawag ni Erika. Nasa hamba siya at nakabihis na. A phone in her hand.
"Hindi kita ma-kontak kaya pinuntahan na kita..." napansin niya ang humihikbi pa ring si Sue. "Anong nangyari?"
"Si Dean? Have you contacted him?" tahimik kong tanong.
I'm torn between staying here with my sister and going to the lighthouse. Dean is waiting.
Nilapit ni Erika ang phone sa tenga niya. Tinitigan ko lang siya habang may tinatawagn. Ngumiwi siya at umiling. "His phone is off. Kanina ko pa nga siya kinokontak. I'm not close to his friends kaya hindi ko rin alam ang mga numbers nila."
Tumango ako at inayos ang strap ng bag sa aking balikat. Namamanhid ang mga kamay at binti ko. Muli kong tinignan si Sue. I can't leave her like this lalo na't wala si daddy.
Ngunit sa huli ay natagpuan ko na lang ang sariling pumasok sa taxi na sinakyan ni Erika papunta sa bahay. We have an hour to reach the lighthouse. Kinokontak ko na rin si Dean but like Erika said, off ang phone niya.
Inakbayan ako ni Erika nang muli na naman akong humikbi. I just hope that when I see Dean still waiting for me at the bottom of the lighthouse, my doubts would fade away. Hindi ko na kasi alam kung tama pa ba ito. Parang gusto kong umatras at samahan ang kapatid kong buntis. At fucking fifteen!
Hindi pa tuluyang nakahinto ang taxi ay binuksna ko na iyong pinto. Erika cheered for me to go at hindi ko inabala pang tignan ang oras. As long as I reach the lighthouse in time that Dean is still waiting, I would be okay. Hopefully. I pray.
"Dean!" sigaw ko habang naglalakad-takbo at hinahanap ang naghihintay niyang bulto sa dulo ng parola.
The wind picked up. Malumanay ang hampas ng mga puno at alon sa dagat. It's like every living thing is trying to witness how I failed everyone today. How I failed Dean while I still couldn't find him.
Nagsimula nang umalsa ang hikbi sa lalamunan ko. Pinupuno nito ang aking dibdib na unti-unti kong nararamdamang ang pagkawasak habang nililibot ang parola. Sinubukan kong pumasok sa pinto, mainit na pag asa ang lumukob sa puso ko ngunit kung gaano ako inaalsa nito ay mas matindi ang yumakap na pagbagsak. The door is lock.
Namamawis ang mga kamay ko. Umiinit na ang aking mga mata. Humihingal ako at muling nilibot ang paligid. Only swaying plants, standing trees and aggressive waves surround me.
Here is an open field but I couldn't find him. Kahit anino niya ay wala.
"Dean...I'm here..."
Umikot ako at tiningala ang tayog ng parola. Pinag-aagawan na ng araw at gabi ang pag-aliw sa langit sanhi ng kulay kahel na kalangitan.
Kumunot ang noo ko nang mat naramdamang naapakan. I lifted my foot expecting to see a pebble.
Nanlambot ang aking mga tuhod habang unti-unting inaaninag ang pamilyar na bagay sa konkreto. Sa sobrang panghihina ay kaya na akong hawiin ng simpleng ihip ng hangin.
Pinulot ko ang parehong singsing na inalok niya sa 'kin dito mismo ilang buwan ang nakaraan.
He'd been here.
"I'm sorry..."
Humihikbi kong pinagmamasdan ang kumikinang na bagay sa pagitan nag aking mga daliri. Pumatak ang aking luha sa singsing.
Day 427.
I didn't make it.
This could be the day he started to become the man he turned out to be.
Sinara ko ang journal pagkatapos itong basahin. That was my last entry. I never found myself writing in it again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro