TWENTY FOUR
Siguro sa pagiging abala kaya hindi ko na nakikitang hinahatid sundo si Jillian. So the hate triggers became less. Malaki ang naitulong ng pagre-review ko sa exams upang kalimutan ang pangyayaring iyon.
Ngayon ko lang nagustuhan ang pagiging busy since I'd always love chilling.
I found it more easy to move on, not just because of my hands being full. Walang liban ako sa mga gigs nina Dean apat na beses sa isang linggo. So I'm always almost occupied for me to think about the inconsequentials.
Iba nga lang kay Sue na hindi pa rin tinitigilan si Jillian. But her mechanisms are smoother this time. Alam niya ang mangyayari kung sasaktan niya ito. She's going to meet her again.
I should not let the thought of her become the forefront of our issues. Hihigpitan lang ako nito at aagaw sa aking kalayaan. Kaunting buga na rin naman ay hindi ko na siya makikita. When I go to college this June, she'd be out of our reach.
Thinking about these plans makes me feel better. Hindi na rin namin nabanggit ni Sue ang tungkol sa kanya. So everything is okay for us. I just don't like to mind on the duration.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Nagtatawanan kami ni Dean habang hila hila niya ako palabas ng school gate. Ang kaninang ambon ay lumalakas hanggang sa umulan na. Kasabay namin ang ilang estudiyanteng nagdidiwang sa pagtatapos ng examination para sa huling taon namin sa highschool.
I saw some people noisily dancing in the rain. Iyong mga siga sa fourth year na sumikat dahil palaging naga-guidance.
He took off his polo uniform at itinakip ito sa aming mga ulo. Patakbo naming nilusob ang ulan. Nagtalsikan ang mga putik hindi lang sa sapatos kung 'di sa palda ko at sa pants ni Dean. I just go wherever he wants to bring us.
Hinila niya ako papasok sa madilim na locker room. Alam niyang inimpake ko na ang mga gamit ko rito so Sue can have my locker all by herself. He even helped me with my things. So I don't see why we're here.
Dumiin lang ang lamig nang nasa loob kami. Nagtaka ako nang sinara niya ang pinto dahilan ng maigting na kadiliman. Habang ang ulan sa labas ay patuloy na lumalakas.
"Akala ko ba kakain tayo?" angal ko.
Kanina pa ako gutom. Ang sarap pa namang kumain ngayon dahil maulan.
Imbes na sagutin ako ay bigla na lang niya akong sinandal sa pader na malapit sa pinto. I gasped as he slowly trapped me. Sa dilim ay naririnig ko ang mahina niyang tawa.
"Dean, what are you doing?"
Don't tell me...no! hindi niya magagawa iyon sa akin!
"You want thrill, Ruth? Let's get almost caught," he whispered then laughed.
At naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. The warmth of his breath flowed like waves that shielded me from the cold.
Nasa dibdib niya ang mga kamay ko upang itulak sana siya. Mas nadiin lang ako sa malamig na ring pader sa pagtulak niya sa sarili sa akin.
His polo is dear forgotten on the floor. Gusto ko iyong pulutin upang makatakas. Lumipad naman ang kamay niya sa strap ng bag ko. Lumikha ng ingay ang pagbagsak niyon sa aking paanan.
"We can't do this, Dean..." bulong ko, puno ng pagtanggi. Halos natataranta.
Like how everyone knows him, he doesn't take too kindly to taking orders. Ang bulong ng halik niya sa pisngi ko ay kiniliti ako. The flow of electric current followed suit, and it paralyzed me.
"Shh...wala tayong ginagawang masama," malambing niyang palubang loob.
Unti-unting namamaalam ang warning bells sa isip ko na parang naniniwala sa sinabi ni Dean kaya pinabayaan na ang rasyonal kong kaisipan. As they fade, bumaba na rin ang kamay ko sa kanyang tiyan.
I grasped on his sando, and in doing so, I felt his tense abdominals. Ramdam ko ang bilis ng pagtaas baba roon, coinciding to the rhythm of his breath that's fanning my skin.
Kumukurap ako, umiinit ang mga mata. Hindi man niya hinilig nang labis ang katawan niya, ramdam ko pa rin ang bigat nito dahil sa tulak ng hangin at ng aking kaba.
In the darkness, he sought for my lips. Just feeling his warm mint breath. I knew where to plant mine and I did. Napatawa siya sa ginawa ko.
Sa ngisi niya ay nahalikan ko ang kanyang ngipin. Tahimik kaming nagtatawanan.
Ganito ba talaga dapat? This is not my first kiss but sneaking in the dark for stolen kisses is new to me. And I like it. It's like I discovered a new synonym to fun and being free.
Tumalbog ang puso ko sa biglang pagbukas ng pinto. Bumuntot sa taong pumasok ang lamig. Lumakas ang buhos nag ulan sa aking pandinig.
"Nakita mo ba si Dean?" si Erika!
Namilog ang mga mata ko at pilit tinulak si Dean ngunit pader yata ang tinutulak ko. Kinakagat niya ang aking ibabang labi. He just won't let go!
"It's Erika..." bulong ko.
Sumiksik ako sa dulo at sumunod si Dean. Tinatakpan kami ng nakabukas na pinto.
"Shh...You better shut your pretty mouth or your friend might catch us."
Hindi ako huminga nang kinagat niya nang kaunti ang ibabang labi ko. Warm liquid started spreading in my stomach. His hands that are squeezing my waist made me cement my plan on not breathing.
"Naiwan ni Ruth iyong notebook niya sa Values," ani Erika. "Baka kung saan na naman siya dinala ni Dean. Hindi ko makontak iyong dalawa. Saang bukid ba sila nagpunta?"
Tinulak ko na ang mukha ni Dean dahil hindi ako makapag-concentrate. I wanna know kung sino ang kausap ni Erika. Hula ko ay kapatid ko.
"Hindi ko rin mahanap si Sue. Bigay ko na lang 'to sa 'yo kung hindi ko pa makontak ang sister in law mo." Saglit siyang tumawa. "Tatlong beses na akong tumatawag. Sa text hindi sumasagot."
Si Kiefer ba kausap niya? My shock is absolute! Since when did they exchange numbers?
Tumitig si Dean sa akin. Sa manipis na liwanag na sumisilip sa pinto, kita ko ang neutral lang na ekspresyon. He seems to be listening to my thoughts instead of Erika's talk with his brother.
Pumitik ang pulso ko sa pagtunog ng aking cellphone. I could imagine my friend's confusion.
Tulala pa ako sa gulat, kinuha ni Dean ang phone ko sa bulsa na hindi kumakalas sa lubid ng titigan.May pinindot siya saka ito tinapat sa aking tenga.
I only stood there without knowing what to do. Hindi ko nagawang isigaw ang pag-angal ko. What the hell is he doing?
"Hello, Ruth? Saan ka?" tanong ni Erika sa kabilang linya.
I don't have to strain my ears since nasa tapat lang naman yata siya nag ex-locker ko. Nasa likod lang kaya kami ng pinto.
Bumukas ang bibig ko upang sumagot nang kinulong ng mga salita ng labi ni Dean. I whimpered as he began kissing me. Damn Ortigoza!
"Ruth? Saan na ba 'tong babaeng 'to..."
Dean's gasp as he kissed me is so audible. Kinurot ko siya sa tagiliran. Lihim siyang humagikhik at kinagat ang ibabang labi ko. I whimpered when he did it again, and I'd be stupid to assume na hindi iyon naririnig sa kabilang linya!
Hawak pa rin niya ang phone sa isang kamay habang ang isa'y nangungunyapit sa baywang ko. Every part of him is so busy with me.
"Ruth, I swear to dear God I don't like what I am thinking right now! I could hear chupa chups sounds, Ruth! Just make sure you're kissing a teddy bear and not an actual human mouth!"
Dean moaned against my lips. The fucker!
Tinutulak ko na siya at tinatapik upang tumigil pero nakasemento na talaga ang balak niyang ipagpatuloy ito hanggang sa mahuli kami! Hindi ko maunahan ang karera ng puso ko!
Sinubukan kong magsalita, imbes na mga letra, ang namutawi sa lalamunan ko ay hindi ko inasahan. Humigpit ang kamay ni Dean kasabay ng pagdiin niya ng halik. I felt his desperation. Mariin akong napapikit.
"Holy mother..." At namatay ang tawag.
Pinakiramdaman ko ang paglabas ni Erika. Naririnig ko ang pakikipagkompetensiya ng boses niya sa buhos ng ulan, tinatanong ang kinaroroonan ko.I don't think kaya kong magpakita ngayon.
Pinasara ko kay Dean ang pinto. Pagkatapos ay tinukod niya ang mga kamay sa pader, kinukulong ako. I saw his smirk.
"What d' you think?" he asked, his thick left brow rose.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Ba't mo ginawa iyon?"
Nahagilap kopa ang pamimilog ng mga mata niya. Kita ko rin ang kanyang pagngisi.
"What? it's fun!"
Pinaramdam ng hininga niya ang lapit ng kanyang mukha. Until I felt his lips again on mine as he whispered, "Come on, sugar."
Day 278. March 13, 2009.
In the corners, behind the door, in the dark. lips intertwined. Joined hands. I was seventeen, then. The day he taught me how to live freely.
Kahit papalapit ang graduation ay patuloy sa pagpa-practice sina Dean. Sa gitna ng ingay ng drums na iniensayo ni Sky na beat ng kanta, nagbabasa ako ng mga comments sa fan page nila. His brother is beside her with his guitar, dictating to her the right beat.
Si Cash ang taga update ng page minsan at saka iyong isang fan na responsable sa pagpo-promote sa kanila, which unexpectedly ay si Supremo pala.
"Ano pala iyong tungkol sa registration?" tanong ko nang may makitang naka-tag sa kanilang poster para sa isang event.
Tahimik si Dean sa tabi ko na nakatutok sa phone niya. Seryoso habang binabasa iyong lyrics na kakantahin nila sa gig. The lyrics are not familiar to me. Siguro bagong kanta.
I've watched him being so driven to his passion on playing music. For the first time it's fine with me not to be the priority and to hand that place to the subject of someone else's passion. It's fine for me to be just second best as long as I get to see him do what he loves to do and what he is born to do.
From merely this notion alone, I get to realize that his dream has become mine, too.
How attractive it is for a girl to see a guy turn into a man through his fight for what he wants. For standing firm, for not giving this dream up when everybody has it so easy.
Ilang beses ko nang nasaksihan ang iba na madaling sumusuko sa mga pangarap nila. Isang pagsubok lang ay bibigay na. Most young people are impatient. While some are being competitive. They have full loaded bar of possibility of success in reaching their dreams.
I mean if you really want it so bad, bakit gagawin mong dahilan ang mga harang sa pangarap mo? If you want it so bad, bakit susukuan mo agad? Should you be more determined to have a hold of it?Should you be more aggressive? Mas hinahanap nila ang rason ng pagsuko kesa ang hanapin ang rason kung bakit kailangan nilang magpatuloy at maabot ito.
I wonder about Dean's reasons. I'm sure there is at the rear of that passion, and it's not because of fame. Kasi kung iyon man ang habol nila, sana ay pinirmahan nalang nila ang kontrata noong una pa lang na may nag-alok.
"Ano ulit iyon?" bahagyang lingon niya habang naghuling silip pa sa phone.
Tuluyan na niya akong hinarap. Pinulupot niya ang braso sa baywang ko. Dumungaw siya sa netbook kung saan narito rin ang mga nire-record nilang original songs.
"Iyong registration na binanggit ni Cash dati, is it for this?"
Minando ko ang daliri upang matutok ang cursosr sa poster.
"It's the battle of the bands. We had trouble during the registration since mga underage pa sila. Ako lang iyong pwedeng sumali," aniya.
"Then how did you get in?"
Pinadaan niya ang daliri sa ilong saka suminghot. His nose crinkled a lil'bit.
"We asked help from the bars kung saan kami tumutugtog. They distribute petition papers pleading for our band to join the event. May mga pumirma rin dito sa school."
Bago ko pa maitanong kung kailan ito nangyari ay bigla na lang niya akong inupo sa kandungan niya.
Napamulagat akong napatingin sa mga kabanda niya at sa ilan pang narito sa multi-purpose building. Some chose to ignore us. Ngunit si Cash ay hindi. Kita ko pang nang-aasar ang ngisi niya sa amin habang may kausap.
"Dean, ano ba..." Sinubukan kong kumalas ngunit hinigpitan niya ang hawak sa baywang ko. Mas nilapit pa niya ako.
"What?" Nag-angat siya ng kilay, na para bang bawal siyang sermonan.
Tagilid akong nakaupo sa kanya. Tumukod ako sa kanyang balikat at mas pinuwersa pa ang sarili na lumayo. Umiinit na ang mukha ko habang tumatagal ako sa ganitong posisiyon.
Dean's smirk grew as he witnessed me struggling to get away from him. Pinapalo-palo ko na siya. His smirk has reached into adulthood sa panay na paglaki nito!
I saw how his arms strained as he held all the strength to keep me at my sitting position in his lap. Did he secretly do some push-ups to have developed those attractive arms? May appointment ba siya sa gym nang hindi ko nalalaman?
"Get a room, guys!" tudyo ni Cash.
Tahimik na tumatawa si Dean habang tinitigan ako. Nakaangat na naman ang kilay niya.
"That can be arranged, right?" he said quietly and with his natural rasp.
Umikot ang sikmura ko nang bumuga ang hiyawan na mga nakarinig. Tinago ko ang umiinit kong mukha sa kanyang leeg. Dean's shoulders shook tanda ng aliw niya. Binaon niya ang kamay sa buhok ko at doon marahang minamasahe ang aking ulo.
"Uwi na po ako. Salamat po..."
Sa pumagitnang boses ay inangat ko ang aking ulo mula sa balikat ni Dean. Dumirekta ang paningin ko sa pinto.
Still sitting at his lap, I am openly looking at Jillian on the doorway.
"O sige, bukas ulit. Practice the lyrics na lang din since may sablay kanina," si Wilmer sa malamig niyang boses.
Pinapanood ko ang matagal na pagsuri ni Jillian kung saan ako nakaupo. At sa kamay kong nasa balikat ni Dean, sa mga braso ni Dean sa baywang ko.
Nang umakyat ang tingin niya sa akin ay bigla siyang ngumiti.
I smiled back, ngunit tipid. I'm still not sure how to act around her. I know she's already been aware of our connection. Hindi miminsan ko siyang nahuhuling tinitignan ako sa tuwing kumakain kami ni Dean sa canteen, o sa kahit saan kami nagkakatagpo.
Everytime she's not in her uniform, with the way she dresses, I always get an impression na parang pupunta siyang simbahan. How ironic, we're in a Catholic school.
I have a feeling na gusto niya akong kausapin tungkol sa nag-uugnay sa amin. I wonder about her second thoughts of doing so. Maybe she has heard stories about me which is not a secret. And of course, I'm with Sue.
Inasahan niya ba talagang gagawin ko ang ginawa ni Sue sa kanya? I just hope she doesn't think the worst of me. I'm not that bad.
Tumango si Jillian kay Wilmer at nagpaalam na.
"May susundo sa 'yo?" Hindi ko napigilang ihabol.
Humigpit ang mga braso ni Dean sa baywang ko.
Huminto si Jillian at hinarap muli kami. Magarang sumabay sa kanyang pag-ikot ang mahaba at itim niyang buhok.
Umawang ang bibig niya. Tumingin siya kay Dean, siguro distracted sa panay na paghahalik nito sa balikat ko,bago niya ako tinignan.
"Wala po, e." Sinabayan niya iyon ng iling.
I turned to Dean. Huminto siya sa paghahalik at tiningala ako.
"Ano? Ihahatid ko na naman?"" rinig ko ang mantsa ng reklamo sa likod ng boses niya.
"Sasama naman ako."
"Hanggang eskinita?" Irap niya.
Ngumisi ako. "Hanggang Lahug."
Parang inilawan ang mukha niya. "Talaga?"
Tumango ako sabay ngiti. "Pero magta-taxi ako pauwi."
Bumagsak ang ngiti niya. He looks like a beagle dog that doesn't have an appetite to play.
Muli niya akong inirapan at halos ibagsak ako sa sahig sa pabiro niyang pagtulak sa akin paalis sa kandungan niya. Hinila rin naman ako pabalik. Tumawa ako.
"Oo na, ihahatid ko na." napipilitan niyang sabi. "This is the last time I'm going to babysit, okay?"
Gusto kong magdiwang sa sinaad niya. I don't know if it's because he's going to drive her home, o dahil ba sa sinunod niya ang gusto ko. He deserves something great!
Nilibot ko ang paningin sa mga kasama namin dito sa loob na abala na sa pagliligpit ng mga gamit. The beat of my pulses grew frenzied in anticipation.
Paglingon ko kay Dean ay kinuwadro ko ang mukha niya at mabilis siyang dinampian ng halik sa labi. Humigpit ang kamay niya sa baywang ko at bahagya akong nailapit sa kanya malamang dahil sa gulat.
Kita ko ang pagkatunaw ng marahas niyang simangot. Sa namumungay niyang mga mata, may abilidad itong gibain lahat ng depensa ko. In fact, I felt my insides implode and the debris turned to ashes warming my chest.
"Ihahatid ko na nga siya," banayad niyang sabi, hindi na napipilitan.
Napahalakhak na talaga ako. It's like I held world domination! I quite expected for him to give in right away. When he smiled, he knew that I already have an understanding of my effect on him.
I'm treading on this kind of constancy and I never had qualms about falling. Or maybe, I fell somehow. Sa ibang paraan ako nahulog at sa magandang paraan.
Nasabi ko nang sasalubungin ko ang pagbabago. Hindi pa man ito dumating, alam kong mangyayari ito. May aalis, may mang-iiwan, may mag-iisa, magkakaroon ng bagong kasama...magpapaalam...
"Congratulations! Picture!"
Inakbayan ako ni Erika at mabilis ngumiti nang itinapat ang camera niya sa aming dalawa. We're wearing our white togas and caps. Kakatapos lang ng program at maingay ang paligid na puno ng batian at tawanan.
"Yes! College na tayo!" Tinulak niya ako sa baywang. Kinawag niya ang mga kilay. "Balita ko maraming guwapong nursing students sa UC."
"Ano ka! Sa Cebu Doc, noh! De-kotse pa!" sabat nag bakla naming schoolmate.
We became friends simula noong sabay kaming nag-take ng entrance exam sa university. We both passed. At siguro sabay na rin kaming mage-enroll.
"O, bakit hindi ka roon nag-take ng exam?"
Patuloy sila sa usapang college habang sinisikisk ko ang paningin sa maraming tao. The place is filled with white. I don't know who to search first. Dean or my father and Sue.
Una kong nakita si daddy na malugod ang pakikipag-usap sa isang kakilala na halos ka-edad lang din niya. Nagpaalam ako kina Erika at Leroy at tumungo roon.
"You're very welcome to visit the firm, Vernon," ani dad nang makalapit ako. "Maybe by next week, we'd be having a lighter caseload."
Nakita ako ni daddy at inakbayan. Pinakilala niya ako bilang anak niya at nagngitian kami ng respetadong ginoo. Staring longer at him, naging pamilyar siya sa akin dahil may kamukha itong hinahangaan din sa school.
May biglang humawak sa kamay ko. Akala ko ay si Sue until I felt case-hardened palms. Let's add the manly perfume seeking comfort in my olfactory system.
Una siyang ngumiti sa akin. Wala na ang cap niya dahil sabay namin itong hinagis kanina.
"They're here to meet you."
Nagbabanta na ang pawis sa akin habang lumingon sa likod. There I saw two reverent couple at my dad's age. With their formal expensive looking suits, pakiramdam ko kailangan kong mag-bow sa kanila bilang tanda ng mas malalim na respeto.
Napakalas ako kay daddy nang tuluyang hinarap ang mag-asawa. Mrs. Ortigoza's neatness and calm reminds me of Tita B's wisdom. Nang bumaling sa asawa niya, I could see an older and wiser Kiefer. He got his father's brooding features.
Dean is adopted so obviously, wala siyang kamukha sa mag-asawa.
"Mom, dad...si Ruthzielle po..."
Nagningning ang mga mata ni Mrs. Ortigoza na bumaling sa akin. She has those eyes where you want to seek comfort at the midst of a storm.
"And Ruthzielle is...?"
Even Mr. Ortigoza's voice is as low and dark as his youngest son. Speaking of, bigla na lang itong tumabi sa ama niya sa simpleng gray shirt at faded jeans. May nakaukit nang nanunuyang ngiti rito para sa kapatid. He stood there, arms crossed, secretly encouraging his father to mock Dean some more.
"G-girlfriend..." Nauutal ang katabi ko.
"Kaninong girlfriend si Ruthzielle, Dean?" muling tanong ng ama niya.
Naningkit ang mga mata niyang nakadirekta rito.
Ngumingisi si Kiefer sa gilid, nanginig ang malalapad na mga balikat.
Nilingon ko si Dean at natunghayan ang pamumula ng buong mukha nito na bumaba hanggang leeg. Tinakpan ko ang mahinang tawa. I already heard Kiefer's giggle.
"Ko. Girlfriend ko, " giit ni Dean, nakayuko at panay laro ng kamay sa kanyang buhok. Ganoon siya habang kinakabahan o nahihiya.
"Finally, wala ka na ring ipabubugbog. Na sa 'yo na, e."
Both parents turned to Kiefer, kapwa nagtataka.
"What are you talking about, Kai?" untag ng ama nila.
"It's nothing, dad. He's just trolling you," agap ni Dean. Humalakhak si Kiefer.
Nabitawan na rin si daddy sa pauna niyang kausap. This time I was the one introducing him to Dean's parents. Nagkamayan ang mga ito at kaunting batian.
Pansin ko ang panay na sulyap ng mommy ni Dean sa akin. It's not a look of familiarity since ngayon lang kami nagkita. But rather, it's dripping with gratitude and warmth. Hindi maintindihan, hinaplos nito ang puso ko.
Kung wala lang kaming mga kasama ngayon ay marahil lalapitan niya ako upang kausapin ng pribado.
"Tita..."
Nagulat ako sa biglang pagtambad ni Jillian. I mean I know she's in the school dahil kumanta ang choir sa mass kanina bago ang graduation rites. But her being acquainted to Dean's parents...
"O, ija. Are you with your mom and dad?" tanong ng mommy ni Dean na hinaplos pa ang ulo nito.
"Hindi po e. Ako lang mag-isa,"aniya bago lumipat sa dad ni Dean upang magmano.
Nilingon ko si Dean. Bumaling din siya sa akin at pinakitaan ako ng inosentang tingin.
"What?"
"Kilala niya parents mo?" tanong ko.
Tumingin siya sa kanila na nagkaroon ng kaunting kwentuhan. Dad's within the conversation, too.
Ngumuso si Dean at nagkibit. "Ewan. Siguro. Ngayon ko lang nakita na nagbatian sila."
Bumalik ako sa pagmasid sa kanila. Tinignan ko si daddy na mukhang wala namang nahalata. Binubundol pa rin ako ng kaba ko. I just hope he couldn't catch any semblance of her.
Wala sa sarili kong hinanap si Sue. She must be here somewhere but I couldn't find her. Well, mabuti na lang din at baka kung ano pang sabihin niyon. We're still not okay.
Jillian turned to us at nakita ko agad ang paglusaw ng kanyang ngiti. Napalitan iyon ng kabado at hiya. Right, she's still a kid.
"Congrats sa inyo," mahinhin niyang bati.
Ngumiti ako. "Thanks."
Tinanguan lang siya ni Dean habang akbay-akbay ako.
Umaligid pa ang paningin ni Jillian sa akin, tila may gustong sabihin. Nilingon niya si Dean, ang matitibay na braso nitong inaangkin ang balikat ko, bago muli akong binalingan.
What? She wants us to talk in private? Is it about her mother? If so, then nevermind. Ayos na sa akin ang pagbati niya.
Isang tipid na yuko bago niya kami tinalikuran. I watched her join her co-choir members. Nakahinga ako nang maluwang.
She will always be a reminder of my first heartbreak within family. Siguro kaya ganito na lang bumibigat ang loob ko kahit hindi ko gusto sa tuwing nakikita ko siya. First cut is the deepest.
"Do you know her, Ruth?"
Nilingon ko si dad.
"Po? Sino po?"
Tinango niya ang tinahak ni Jill kanina. "That girl."
Oh...kay. Why is he asking me? Nakita niya ba ang pagkakahawig? I'm crossing my fingers.
Ngumit ako at umiling. "Classmate lang ni Sue."
Hinayaan kong hanggang doon lang ang paniniwalaan niya.
The simple celebration was peachy. Si tita Felicity, as what Mrs. Ortigoza would like me to call her, mismo ang nagmungkahing magkasama kaming kumain. The elders were talking about our life after highschool.
"Ruth decides to study in UC,"ani dad. "Kapag may plano na ang bata ay hindi ko na iyon pinanghihimasukan. As long as it would do them good. I trust their choices..." He looked at me with humored warning. "Well, hopefully."
Tipid akong ngumiti saka sinulyapan ang mga magulang ni Dean. Nacu-curious talaga ako sa pinupukol na tingin sa akin ni tita Felicity. Does she want to discuss something with me?
"I have to agree," Dean's father, ex-general Sebastian Ortigoza. "Forcing them might lead to their rebellion. Every parents' night mare. Basta't nakakabuti lang sa kanila ang mga desisiyon nila, wala akong problema roon. Otherwise..."
He then narrowed his eyes on Dean in silent observation. Ang pumaraan doong sermon ay nagpangyari ng katanungan tungkol sa desisiyon ni Dean na magpatuloy sa kolehiyo.
"May naisip ka ng school kung saan ka magka-college?" tahimik kong tanong. Dad started mentioning about me taking nursing.
Walang sinabi ang mga magulang ni Dean tungkol sa kanya. They're all lauds and encouragements regarding my chosen career. At base sa mukha ni Dean at sa hindi niya pagtango, that gave away the answer.
Tumigas ang mukha niya at bumagal ang pagnguya. Binaba niya ang kanyang kubyertos. Seeing his clenched jaw made me regret my question.
"Ruth, let's not talk about it," he spoke softly, "and besides, school is not my strongest suit."
Sitting across from me, I could feel Kiefer watching us. Katabi niya si Sue na tahimik nagte-text habang kumakain.
"So it's going to be the band after all," sabi ko at nagbalik sa pagkain. " Gustong mag-aral nina Wilmer, Dean. You can't just pull them away from what they want to do to make yours come true. Hindi mo mabasta-basta ang college. Just imagine, mahirap ipagsabay ang pag-aaral sa kolehiyo at pagbabanda."
Unti-unting tumahimik ang mga nakatatanda na marahil narinig ang mahina kong panenermon.
As much as how I want Dean to do what he's so driven to do, I want him to gain education. Mariin ang paniniwala kong iyon pa rin ang mas importante kesa sa ambisyon.
But then, education will always hover around waiting to be learned. While opportunities at times take too long to knock again. Kaya siguro ito ang pina-prioridad ni Dean. Ang minsanang oportunidad. I can't judge him for this.
"Do you want me to quit? Mag-aaral ako." His cold tone made me turn to him.
Inatake ako ng taranta. I didn't suggest for him to quit the band! Pwede namang magpahinga muna sila, o di kaya'y hindi labisan ang pagkalunod sa sarili sa musika. Besides, it's just a hobby. Unless they'd make their hobby as a profession. Or they'd make a job out of their passion.
Hindi naman kasi habang buhay mong magagawa ang gusto mo. Life is a fickle bitch. Passions change. Somewhere along the way, someday, magsasawa ka rin at magkakaroon ng panibagong hilig. Especially when we're this young, our minds are fickle.
Not wanting to shiver on Dean's cold treatment, hinawakan ko ang braso niya kaya natigil sa ere ang pagsubo niya ng meat sa kanyang fork.
Nababasa ko sa mukha niyang sinusubukan niya akong patawarin sa ginawa ko kahit hindi pa siya handa. He only stared at me. At least, he didn't ignore me.
Umiling ako. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng pag-iling ko. I don't want us to fight.
He finally smiled. And with that, I'm okay. All worries turned to dust.
Pinagpaalam ako ni Dean kay daddy na isasama ako sa gig nila mamayang gabi. Napapayag niya ito nang sinabing ihahatid ako bago mag-alas dose. Because after all, I'm still a minor.
It also serves as an after party celebration dahil pupunta rin doon ang mga highchool batchmates namin. Surprisingly, Kiefer would be there, too.
Sue is grounded, though. Sinumbong ko kasing may boyfriend na siya. She hated me for it. At hindi ko pa rin na-meet si Kean, whoever that is.
Suot pa ang mga damit nila kanina sa graduation, ang mga batchmates naming nakikita kong nauna na sa bar.
Ang mga hindi ko nakakausap noon ay bigla na lang bumati sa akin. Nasa iisang table kami. We had small talks, laughters, pinag-uusapan ang mga plano sa college. At sa unang pagkakataon ay nakatikim na rin ako ng beer!
"We're in this together
Yeah, we'll make it somehow
Nothing's gonna stop us now
Growing up won't bring us down!"
Habang kumakanta si Dean ay kita ko ang pagrerebolusiyon ng mukha nang makita akong sinisimim ang bote ng beer na inabot sa akin.
Oh focus on the singing, Dean. Drinking beer won't bring me down!
"Ang galing talaga nila noh? I heard may offer na naman sa kanila. Pumayag na ba si Dean sa dating naga-offer sa kanila? 'Cause you know, he's always been the band's brain."
Nilingon ko si Leroy. Palagi siyang updated sa banda na kulang na lang gawan niya ito ng reality show.
"Walang nabanggit sa akin si Dean tungkol sa offer. Iyong about sa radio plays lang nila."
Tumango siya habang sinalinan ng juice ang baso galing sa pitcher.
"That's one. Actually, last month ko lang din narinig iyong about sa offer ever since their song started exploding the airwaves. Have you seen the increase number of their followers sa fan page?"
Namilog ang mga mata niya sa enthusiasm. Nahawa ako't maigi ring napatango. I always check the fan page. And I'm following them.
"Locals pa lang sila niyan, ha? Sooner or later, they're going to invade Manila. Then nationwide! Dadami na ang mahuhumaling sa boyfriend mo. Dito pa nga lang pinagkakaguluhan na siya. Tignan mo nga naman iyan, o."
Ninguso niya ang stage na agad ko ring sinundan ng tingin. Abala na ang banda sa pag-entertain sa ga-batalyon nilang tagahanga.
I only saw Dean's wet and messy sand brown head, natatabunan na kasi siya ng grupo ng mga nagpapa-picture sa kanya. Mostly girls. Humila ako ng kagustuhang sumugod doon ngunit may ibang humila sa atensiyon ko.
"Anong Manila?"
Galing sa pagtili para kay Dean ay nilingon ako ni Leroy. "Ano iyon?"
"Ano bang tungkol sa offer? At iyong Manila na tinutukoy mo?"
Inusog niya ang upuan nang may dumaang sa likod. Mas dinig ang boses niya sa distansiya namin ngayon.
"Hindi ba binanggit ng nobyo mo sa'yo? Well, siguro kasi baka hindi ka papayag."
"Ano nga iyon?" Naiinip na ako! Halos hampasin ko na iyong mesa.
Hinarap niya sa akin ang palad niya habang malalim na umiinom sa kanyang juice. Every ticking seconds only added my impatience. Dumighay siya at binaba ang kamay.
"Iyon nga, the agent was from Manila nga raw. Doon din ang office nila. They offered the band as one of the talents in their company. Ilang buwan silang hinintay dahil gustong-gusto talaga sila ng kompanya. And I guess the long wait is over."
Nabanggit nga sa akin ni Dean iyon, pero hindi ang pagpayag niya sa kontrata. Kaya ba siya hindi magka-college dahil pumirma na nga siya? In his legal age, I think he can sign contracts without a guardian's consent.
Ang babaeng katabi ko ay naki-tsismis na rin, pinaulit kay Leroy ang binalita nito sa akin.
Dean never told me about this. Naisip niya ba talagang pipigilan ko siya rito just because of my absolute insistence for him to proceed in college?
Muli akong bumaling sa stage kung saan tumutugtog ulit sila. Eyes closed once again for a slow upbeat song, but his emotions are opened for vulnerability.
With his white button downs being worn lazily, made him look like a runaway royalty. Bukas lahat ng butones nito na pinapakita ang hapit niyang sando sa loob at spear pendant na kwintas. Hindi nakatupi ang kanyang manggas, and his black slacks that almost resemble a skinny jeans highlighted his long legs.
Hindi makukumpleto ang imaheng iyon na hindi hinahawakan ang microphone na nasa stand sa harap niya.
Hindi pa man ako sigurado, ngunit ang isipin ang mga posibilidad galing sa balitang nalaman ay nagbuhos sa akin ng kakulangan. As though I am being face to face with the void, giving me a glimpse of distance, running time and spaces.
Naglalakad na siya palapit sa akin. I'm drinking in his smile that dances to the tune of adoration. Ang imahe niyang sinisinigan ng mahinang ilaw sa bar, he's like a walking dream, and is about to be a reality to everybody if ever him signing the contract is confirmed true.
He's not going to be my secret anymore. I want to keep him this way but it would seem selfish. I've had enough being self-centered.
Pero para ngayon, magiging makasarili ako. Ngayon lang. Bago magbago ang lahat.
Tumayo siya sa likod ko at agad pinulupot ang mga braso sa aking leeg. Ramdam ko rito ang pawis sa balat niya. His manly scent instantly assaulted my senses. His warm beer-scented breath caressed my ears.
Narinig ko ang pagngisi niya sa paghawak ko sa kanyang braso upang ipirmi ito.
"I wanna get you alone..." he whispered.
The rasp in his voice tickled my spine to shiver. Nanindig ang balahibo ko.
Pumikit ako at humilig sa paghalik niya sa aking sentido. Tumango ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro