TWENTY FIVE
My mind's as blank as the nine o'clock evening sky. Moonless, the stars are all kinds of blurry and so as my thoughts. All I am are visions and feelings. Tahimik naming tinutungo ni Dean ang Tacoma habang binabalot ako ng lamig ng gabi.
With my criss-cross beige dress, madaling nalusob ng klima ang balat ko. Umakbay si Dean marahil napansin ang aking panlalamig.
Kinabig niya ang ulo ko sa dibdib niya. Mas dumikit ako. He's literally hot all over. Gawa na rin siguro ng pag-konsumo na naman niya ng alak. And by merely smelling the beer from his breath, already splashes a pool of warmth to my whole minor being.
"We're not gonna do it, don't worry."
Nilingon ko siya sa sinabi niya, nagtataka. Mukha ko ang nagtatanong sa ngalan ng aking bibig.
Dinungaw niya ako, naglumagi ang multo ng ngiti sa kanyang labi.
"We're not gonna do it, Ruth."
"Do what?"
Ngumuso siya, hindi makatingin sa akin. "Alam mo na iyon."
Kumalas siya at nauna sa sasakyan habang pinipindot ang lock nito. Tumunog iyon. Naiwan akong pirmi sa kinatatayuan, iniikutan ng sumasayaw na ideya sa ibig niyang sabihin.
Despite the warmth it brought to my cheeks, I still find humor in him thinking that I was pressing thoughts about it. Nagkalaman ang utak ko dahil sa kanya.
Halos matawa ako. "Sino ba nagsabing gagawin natin iyon? I'm not even thinking about it, Dean."
Hinarap niya ako bago umikot sa sasakyan. A slight surprise and humored embarrassment shadowed his handsome face.
"But you look terrified. I just thought..." he trailed off. His lips twitched. "We're not doing it okay? But if you're ready, then...Well, I'm always ready for you. Sabihin mo lang kung handa ka na."
Tinapik niya ang kanyang bulsa. Parang puputok ang pisngi niya sa laki ng ngisi.
Pinandilatan ko siya. I may not be entirely sure but half of me knows what's inside his pocket!
Sa mahinhing liwanag ng gabi ay naitago ko ang pamumula ko. Sumaludo ang balahibo ko sa braso at batok sa kapilyuhan niya.
Tawang-tawa si Dean na unang pumasok sa sasakyan. Parang ayaw ko nang sumama. Parang ayoko siyang lapitan. What he said just brought ideas to my mind that I don't want to entertain. Well...not for now.
"You're an attractive guy at eighteen. Hindi na ako magtataka," sabi ko nang makapasok sa sasakyan.
Inunahan niya ako sa pagkakabit ng aking seatbelt.
Marahan niyang pinisil ang pisngi ko bago hinila ang sarili sa pwesto niya. Lalo siyang humalakhak habang sinaksak ang susi sa ignition at bumuhay ang makina.
And like what he always does, pinapasidahan niya muna ang buhok sa rearview mirror bago patunugin ang stereo at manduhin ang steering wheel. Nag-backing na siya.
"Believe it or not, Ruth, but I'm a proud virgin."
Kahit natatawa ako ay nanalaytay pa rin ang aking kaba. Nasa daan ang kanyang atensiyon. Lights from the street and cars touched his face on and off as we're driving by.
"Pero mas magiging proud ako kung ikaw ang unang makakakuha nun."
"Kuha ng alin?" pagtataka ko.
Ngumisi siya at bahagya akong sinulyapan. It's like he's expecting me to know!
Aliw siyang napailing. Tahimik na humahagikhik nang magbalik tingin sa daan. Inalis niya ang isang kamay sa manibela upang ihaplos sa kanyang panga at tinakpan na niya ang bibig.
"Ng virginity ko," sa wakas na sabi niya.
Pinagtatalunan ko kung idadaan ko ba sa tawa ang ilang o magbato ng pagmumura sa kanya. Why are we suddenly talking about this?
"Stop it, Dean."
Humalakhak siya. I so wanna hit him honestly. Kung hindi lang talaga siya nagmamaneho.
Bumaling ako sa bintana at tinunghayan ang masigasig pang kalsada ng Banilad. Nadaanan namin ang papasukan kong unibersidad sa kolehiyo.
Alam kong marami na ngayon ang nasasangkot sa bagay na iyon. Aware that Dean was just being humorous, pero hindi ko mapigilang seryosohin ito.
Hasn't he really... done it? Sa mga naririnig ko noon ay aktibo siya sa mga babae. Siguro nga sila na iyong naga-alay ng mga sarili sa kanya. At tinanggihan niya iyon lahat? Wala sa mukha niya, huh. He has the face that wants to swallow all the fun and every rich kid's indulgences.
I know a place that we can run to
and do those things we want to
They won't know who we are
Muli akong tumingin sa kanya. The stereo is in cd. Nasa dulo na ng bibig ko ang pagngiti. The song speaks about something that coincides with Dean's plans.
"Bakit?" tanong niya, napansin ang paninitig ko.
I have no shame to admit that I love staring at him. Iyong para bang pakiramdam mo gusto mo na lang mabuhay na iyon ang ginagawa. You're willing to be the revolving planet around him as the sun. With no pay, what you have in return is the affection of the person. I am a planet who is in need of his light.
Umiling ako. "Saan tayo pupunta?"
I know a place where we can hide out
And turn our hearts inside out
They won't know who we are
Let me take you there...
He didn't answer. I think he's cluing me in through the song, kaya nanahimik na lang din ako. As what I am used to, he'd rather let me know through making it happen than letting me know through words.
Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. Matagal niya itong hinalikan, parang ninanamnam bawat segundo.
I can't help but spell out farewell in between those seconds. Tila labahang pinipiga ang puso ko. Lalo na sa nakikitang pumaraan sa kanyang mga mata.
"Dean? May problema?"
He won't seek comfort in kissing my hand for nothing. I could feel it.
Kaunting angat ng labi ang tugon niya. It didn't even reach his eyes. It seems that he has consumed all his humor a while ago and now he's an empty bottle being forced to squeeze a drop.
"Masaya lang ako."
Nanatiling nagpalaboy-laboy sa kanya ang nanunuri kong mga mata.
"I know I should make today the reason for that. But should we all have a reason? Hindi naman lahat kailangang itanong ng bakit. One should ask, 'Masaya ka ba?' Hindi... 'Bakit ka masaya?' It's much more comforting, right?"
Pinigil ng pagtataka ko ang pagpapakita ng pagsang-ayon. What made him say these things? What made him change his mood from an exaltic almost drunk bloke to this sentimental guy? Kung hindi ko lang kilala si Dean, iisipin kong high siya.
"Where are you going with that, Dean?" I silently asked. Inaabangan na ako ng takot.
Sinulyapan niya ako at mabilis ningitian. "Wala, nasabi ko lang."
Malamang may pinag-uugatan ang pag-iisip niya nang ganon. My noisy instinct told me that it's not just a random thought.
Is he really going to leave? Imbes na sabihin sa akin ay nagpaparamdam muna siya. You have underestimated my instinctual abilities, Dean.
I know a place we'll be together
And stay this young forever
They won't know who we are...
Papaakyat na daan ang binabaybay ngayon ng Tacoma. Mula rito, sa kaunting liwanag sa patutunguhan namin, nagawang ipakita sa akin ng ilaw ang makasaysayang parola na ilang beses ko nang naririnig na gustong puntahan ni Dean.
Lumiko pa ito ng isang beses habang papanhik sa malumanay na konkretong daan. Hindi rin nagtagal ay umaalon na ang sasakyan sa mabatong parte ng daan.
Naantala ang huli naming plano na magpunta rito. There was a sudden activity in school nang weekend na iyon kaya ngayon na ito naisakatuparan.
"Ito ba iyong Bagacay Point?" tanong ko habang umiibis ng sasakyan.
"Yep!"
Gumasgas sa katahimikan ang lagapak ng pinto sa pagsara ni Dean. Nilakbay ko ang paningin sa taimtim na paligid.
A few people are here, maybe spending their nights on silent talks and with one with their thoughts. Hindi magtatagal ay uuwi rin ang mga iyan. Tahimik kasi rito, parang abandunado ngunit malinis at mukhang pribado.
Sa tabi lang ng parola ang may ilaw, kaya hindi gaanong maliwanag dito sa pinagparadahan ng Tacoma. I am standing on an elevated land.
At mula sa manipis na liwanag, tanaw kong malawak pa ang lupain sa harap. Puros itim na ang nakikita ko roon kaya mukhang delikadong tahakin.
Without even having to see it, I could feel the sea. I could hear the rough and aggressive crash of the waves against the huge rocks. Slim line of city lights traced the horizon. Kung hindi ako nagkakamali ay Mactan na iyong nasa tapat. Pumapagitna ang madilim na karagatan.
"Sana naging mas maaga tayo. Maganda dito kapag maaraw."
Tumabi sa akin si Dean at nag-inat. Hinahaplos ng malamig na ihip ng hangin ang kontento niyang mukha at sinasayaw ang kanyang buhok.
"Button up your polo. Hindi ka ba nilalamig?" halos penenermon ko sa kanya.
Hindi naman siya payat, pero hindi rin naman sobrang laki ng katawan niya. It's enough to be considered as the makings of a man.
"Polo shits and suit craps..." bubulong-bulong niya habang hinuhubad ang polo.
Papagalitan ko pa lang sana siya nang umikot siya sa driver's seat at may kinuha roon. Naghubad na rin siya ng sando saka sinuot ang kinuhang sweatshirt na may bulsa sa harap.
I followed as he went at the back. Ang bahaging iyon ay nakaharap sa madilim na dagat at citylights. Pinauna niya akong umakyat at inalalayan ako. Ang nakahigang gitara ay agad kong napansin.
My stilleto made a slight thud as I stepped at the back of his pick-up car. Huminto ako nang umuga iyon nang marahan.
Hinubad ko ang aking sapatos at tinulak sa gilid. I remained standing. Mas natatanaw ko nang ganito ang kabuuan sa harap.
Ang ilang mga narito ay unti-unti nang umaalis. Maybe this is a private property dahil mukhang walang nagpapalipas ng gabi rito. Knowing Dean's rule breaking abilities, ay baka nga may balak siyang kalabanin ang curfew!
"Dean, remember I have to be back before twelve."
Nag-angat siya habang umaakyat sa pick up na walang kahirap-hirap. Hindi nga siya humawak sa tailgate pero pinagpag niya ang mga kamay bago dumungaw sa kanyang relo.
"Wala pa namang twelve, a?" May sumilip na angal sa boses niya.
"Kaya nga."
Alangan namang aalis kami ng alas dose? I have to be at home nga before twelve.
Lumapit siya at hinila ako sa dulo. Una siyang umupo at dahil hawak ang kamay ko'y nahila na rin ako. Binuka niya ang mga binti bilang imbitasyon ng pag-upo ko roon.
Naramdaman ni Dean ang halos pagtanggi ko. Bago pa ako makaatras ay binigla niya ang paghila kaya halos bumagsak ang pang upo ko! He held my waist to guide a safe landing of my butt on the pick-up bed.
Nasapak ko nga siya sa tuhod sa ginawa niya. Humalakhak lang siya at ang lapit pa ng bibig sa tenga ko.
"Ang hilig mo talagang manakit..."
Humigpit ang aking sikmura sa pagpulupot ng braso niya sa aking baywang. His hands met at my stomach and intertwined like long lost lovers reunited.
Kinuha ko ang gitara sa tabi namin upang i-distract ang sarili. Because Dean started kissing my hair. Pinangunahan niya pa iyon ng singhap, tila hindi kuntento sa hangin na hinihigop niya.
"Kailan pa ba kita sinaktan?" wala sa sarili kong tanong.
My fingers are carefully caressing the strings. Pakiramdam ko kahit sobrang rami ng nalalaman ko, kapag hindi ko alam ang isang bagay tulad ng pagtugtog ng gitara ay wala na akong halaga. I made aimless strummings.
At kapag wala kang nalalaman, makikipagsapalaran ka muna sa walang kaalaman. Learning is an adventure, I realized. From there, you would get to encounter things you never thought you should know about. Hanggang sa mahanap mo ang tamang tono. Ang karapatdapat na paraan.
But being right is not the end of the journey. In finding the right one, maybe it's only just the beginning.
"Everytime you snob at me in the hallways, at kung saan tayo nagkakasalubong sa school."
Huminto ako at nilingon siya. Kalahating side ng mukha niya ang natatamaan ng kaunting liwanag.
"I was always aware of the girls' obvious advances at me. That's supposed to lift me up, alright? Yet I always feel like an ugly piece of shit everytime you ignore me." Pahina nang pahina ang kanyang tinig.
Tumawa ako. Marahan niya akong kiniliti pero hindi ako tumigil.
"Pangit ako sa paningin ko dahil hindi man lang ako pinapansin ng babaeng gusto ko..."
Binagsak niya ang baba sa aking balikat.
"Hindi lang pala gusto. Higit pa roon," bulong niya.
Tinikom ako ng matinding kalampag ng puso ko. What made me surprised was that I was never surprised at all! Ngunit ang panginginig ko ay hindi na dahil sa lamig ng hangin.
As the wind picked up, na mas lalo pang nagpanginig sa akin kung hindi lang sa sweatshirt ni Dean, ay sumabay ang hampas ng alon sa 'di kalayuang dagat. Wala nang mga tao. Ours is the night now.
Iniiwasan ni Dean ang matignan ako. Kahit pinapalitan na niya ang kamay ko sa gitara ay hindi ako bumitaw.
His thin lips are pressed tight as if fighting for the words to spill. Ang marahang salubong ng kilay niya ay parang dumagdag sa panenermon ng mga salitang gustong kumawala.
"Here, just you and me and fear
I wonder if you are as scared as I am
I'm taking your hand
And pulling you near..."
Ngiti ko siyang nilingon. Kahit naiipit na ang kamay at braso ko sa gitara ay wala akong pakialam. Dean is singing this to me alone!
Natutukso akong pakalmahin ang buhok niyang nililipad ng hangin. But I don't want him to stop. I stared at his black earring, then at the angle of his jaw where newly grown stubbles started to cast a shadow.
"Bliss, the gentle touch of your lips
An endless moment where time is slowing down
Now I can't feel the ground"
Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang unang beses na kinanta niya ito. He was the one manning up the piano instead of Wilmer who stayed at his bass guitar and back vocals. It was during one of their gigs pagkatapos ng final examinations namin.
Mangha ako sa kung paano niya minamando ang piano nang 'di ito tinitignan. It was either he closes his eyes, o bendesiyunan ng paningin niya ang mga tao. His eyes always stops at me. Ngumingiti siya kapag nahanap ako saka pipikit ulit at magpapalamon sa sa emosyon ng kanta.
"If you are wondering what we should do
Don't worry, baby
'cause we don't need a plan
Don't need to understand..."
Altogether with amazement, it was terrifying to have seen this kind of passion he has that he's willing to risk the rudimentaries. Of what should we be doing as per the high-ups's advices.
Hindi lang naman kasi ito isang simpleng hilig lang sa kanya. Music seems to flow in his veins that spending less time with it mirrors losing a body part.
Sa pangalawang beses na pagbisita niya sa bahay ni lola ay hindi kami nakatakas sa mapanuring tingin ni Tita B. Para sa amin ay wala kaming ginagawang masama.
Then I almost forgot that in the eyes of an adult, may nakaagapay nang babala. Whereas teenagers just throws that caution to the wind.
"That boy is too much, Ruthzielle." Malumanay ang boses niyang may banta. Wala na rin yata sa hinahalo niyang chocolate cake condiments ang takbo ng kanyang isip.
Kumunto lamang ang noo ko.
Tinango niya si Dean na nasa pinag-iwanan ko sa kanya sa garden. He was looking at the entrance , tila inaabangan na ang paglabas ko e kakapasok ko pa nga lang.
"Hindi ko sinasabing hindi normal ang ginagawa niyo. Puppy love is mainstream at your age. Pero..." bumuntong hininga siya.
Tumigil siya at bumagsak ang balikat na tinignan ako na parang kanina pa niya ako pinapagalitan.
"The way you hold and look at each other...I hope you're acquainted with the line you need to be careful to cross."
Hmm...as if Dean's mainstream. He hates that, siguro kaya ganito kami.
"We've never been there, tita," panguna ko bago pa niya sabihin. I know what she meant.
Tinignan niya muli si Dean na mukhang hindi na mapakali sa upuan. His hands keep on tapping his thighs and his foot is doing the same on the ground. Kung hindi lang siya nakapag-cr kanina ay iisipin kong gusto niyang magbanyo ngayon.
Kalaunay pumalumbaba siya at bumuntong hininga. Lumingon siya ulit sa entrance. May pangungulila sa mukha nito. Para bang hindi ko na siya babalikan at gusto niyang magsagawa ng lamay.
"You can't keep your hands off to each other. Tatapatin na kita. That alarmed me , Ruth. As your mother's sister, I care for you and Sue."
Nagbaba ako ng tingin at nanahimik. It's no secret that she does. I grew up with her being there guiding us. Kahit nasa kabilang panig man siya ng mundo ay kinakamusta niya kami.
"You are too in love with each other." Napakislot ako sa hindi inasahang salita. "Para kayong mga posporo na kapag pinaglapit ay naglilikha ng malaking apoy. But remember, the fire dies as fast as how it grows. Don't let yourself go there."
Natatanaw ko na ang dulo ng usapang ito. I welcome advices, pero hanggang tenga ko na lang sila. Doon na sila magiipon hanggang maging alikabok.
"Dapat balanse lang. If Dean is the flame, you should be the rain. Paano kayo magugupo kung nagliliyab kayo pareho? Being too much creates a destruction along the way. The most destructive are the ones that comes from the youth. Impulsive. Eager. Reckless. That's a dangerous kind, Ruth. Young, for that matter. Just like the both you..."
Her last words were like the summary of her standpoint.
Naghuling sulyap siya sa aking palapulsuhan bago bumalik sa kanyang ginagawa.
My mind trekked back in the bar.
"I just want to breathe in this feeling
And never let it out
You just gave me something to believe in
You are the one thing I can't live without..."
This part reminds me of him pulling me in a tattoo parlor. Lumabas kaming nagtatawanan na tila sayang-saya pang natusukan ng karayom.
Hinaplos ko ang aking kaliwang palapulsuhan. What I have is a queen's crown and beneath is letter D in german gothic font. Dean has a king's crown and the initial of my name in the same font.
Don't blame me, it was all Dean's idea.
"You are the reason I keep breathing
And believing
Until I dream out loud
And I just want to give in to this feeling
You are the one thing I can't live without..."
Dean introduced me to the fire. I only intend to test the waters for a cautioned touch on the flame but I got burned. And now, we're about to lose control.
This is the birth of our reckless behaviors.
Binalik ni Dean ang gitara sa gilid at bahagya akong inikot upang maharap siya. Nasa baywang ko ang kamay niya habang ang isa'y humimlay sa pagitan ng aking panga at balikat. His thumb caressed my cheek.
There, a bad boy's face that could slice your breath in just a glance. The shape and look of his eyes promises you naughty things but assures you the good and the damn pleasures.
Parang nagbabanta ng bagyo ang biglang paghangin nang malakas. Umakyat ang dulo ng damit ko hanggang hita kaya inangkin na rin ito ng lamig. Nanginig muli ako.
Bigla na lang akong siniil ng halik ni Dean. Mariin na parang katapusan na ng mundo kinabukasan. Napapikit ako at halos mapahiga. Kumabog ang puso ko at napakapit sa kanyang braso.
Una kong inisip ay ang mga nakakakita sa amin ngunit nang bumukas ang bibig niya para sa aking ibabang labi ay tuluyan ko nang nakalimutan ang pangangambang iyon. The kiss didn't just conquer my sanity. He is starting to own me.
"Dean..." singhap ko nang bumaba ang labi niya sa aking leeg.
I bit my lips as I felt his lips opened then closed. Pinilit kong hindi lumikha ng ingay sa pinaparamdam niya sa akin. Walang nagawa ang lamig sa pagliliyab ng katawan ko.
Dear God, is this wrong? O magiging mali lang ba ito kapag hahayaan kong magpatuloy kami rito?
Mas humigpit ang kapit ko sa kanya habang unti-unti niya akong binababa. Pinalis niya ang gitara upang mas bigyan ako ng espasyo roon.
He placed himself on top of me. Tinukod niya ang kamay sa gilid ng ulo ko habang ang isa'y nasa aking likod, nilalapit ako sa kanya. His hot breaths and kisses made the cold wind look like slaves and so as my rationality.
"Oh my God..." pikit mata kong bulong.
Ang mga kamay kong nasa kanyang leeg ay umakyat sa kanyang buhok. I'm trying to hold on to my still sane mind through slightly pulling Dean's hair. Hindi ko alam kung sino ang mas mainit sa amin dahil para talaga akong lalagnatin. But instead of feeling the fatigue, I felt something else.
Dumilat ako upang matitigan ang tanging saksi at iyon ay ang mga bituin. Is this what Tita B has warned me about?
My misgivings began to shut when Dean has his lips back to mine. A rebel's lips that has kissed probably several mouths before, but has spoken a promise to only one. And these calloused hands that has made love with plucking strings, now whispers promises on my skin.
"I'm trying..." bulong niya habang nakalapat ang labi sa akin. Ang pilit na pagpipigil sa tono ay hindi maitatanggi.
Mas pinagbahagi ko ang aking mga binti upang mas maokupa siya. Mas umakyat lang ang damit ko hanggang hita. Dean got the clue and dived in between.
Good God, I'm sorry. His whispering raspy voice just makes me so...
Damn it! Gumraduate lang kami sa tingin ko ay handa na ako sa ganito? Think again, Ruthzielle!
Plano pa lang na hindi pigilan ang sarili ay ginawa na akong ipokrita. Ang lakas kong makapanermon sa kapatid ko. Then this happen and I instantly give in? Wow, Ruth. Really? Ano bang meron sa halik niya at lumandi ka nang ganito?
Dean's tortured groan brought me back to my aggressive hormones. I whimpered then arched my back. Mas tumingala ako upang mas makahalik siya sa leeg ko. I felt him bite my skin lightly, kasabay ang mas pagdiin nag haplos niya sa aking tiyan at baywang.
Feeling that I am the most hypocrite person didn't bother me. Being left aching for Dean's kisses do.
Kalauna'y unti-unting bumagal ang ginagawa niya. Mas naging magaan. At binabalikan na rin ako ng rasyonal na pag-iisip. Inangat niya ang mukha upang madungaw ako.
Namumungay pa ang mga mata niya salungat sa buhok niyang magulo. His lips are reddish and wet. Mas nabasa pa iyon nang marahang pinadaan ang dila rito.
"See? I'm trying." Dinampian niya ng halik ang labi ko. "You should try, too. Stop moaning, Ruth."
Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko kaya ginawa iyon!
Imbes na pagkatuwaan ang aking reaksyon na madalas niyang ginagawa ay iba ang ipininta ng kanyang mukha. Caution and fear are dancing in his eyes.
"I don't want to leave...please say something to stop me..."
May ideya na ako kung para saan. But it's best if it would come from him and not from my conclusions.
"B-bakit...?" hindi ko mapigilang mabahiran iyon ng lungkot.
Ngumiwi si Dean tila nasaktan sa kung ano mang sinabi ko. Nilagay niya ang tumakas na hibla sa likod ng aking tenga. Same fingers that is now smoothly rubbing my lower lip. I kissed his finger.
"I just passed the audition and interview for my admission in Berklee College of Music."
Natigilan ako bago tinagpo ang paningin niyang umiiwas. I didn't expect that he would be the one to initiate the mention of college. Walang ibang umangkin sa isip ko kung 'di ang mga oportunidad para sa kanya.
How I would love to focus on us but that seems...inappropriate. Don't you think it's too early for me to thing about us? At this stage, it is more suitable to center on ourselves and our own dreams and future.
"So..."
"I have to leave for Valencia in Spain," agap niya bago ako may maidugtong.
" 'Di ba Berklee ay sa Boston?"
"The Boston campus didn't offer the course I want."
Hinila ni Dean ang sarili nang sinubukan kong umupo. He was back at his position earlier before...Nilagay niya ulit ako sa gitna ng mga binti niya but he's at my side this time para mas maharap ako.
Habang inaayos ang sarili tulad ng pagtulak ko sa aking damit upang matakpan ang binti, niluluto ko na sa isip ang sasabihin. I am genuinely happy for him, but not with the thought of being away from him.
"That's...actually great, Dean. Berklee is like Harvard for musicians!"
Pinakitaan ko siya ng masayang ngisi. Well, I am. Happy. Really. I remember he mentioned Berklee as his dream school.
"Tapos ano? Iiwan kita dito?"
Sa kabila ng nararamdaman kong guwang sa tiyan ay natawa pa rin ako.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Tunaw ang inis niyang ekspresyon sa ginawa ko.
"Dean, you're going to leave me in the city, not in a jungle full of raging animals. I'd be okay." Mas pampalubang loob iyon sa sarili ko.
"Kahit na, Ruth! Kung mas maaga ko lang nalaman na..."
Pumikit siya at iniwas ang mukha sa kamay ko. Sa pag igting ng kanyang panga ay parang hinihiwa nito ang aking dibdib. Dumagan pa lalo ang sakit sa naramdaman kong bigat ng loob niya sa isang buntong hininga. He looks so much in pain.
"Sana hindi ko na lang tinuloy..." puno ng pagsisisi ang kanyang tono.
"Nalaman na ano, Dean?"
Hinawakan ko ang kamay niya upang tignan niya ako. He turned his face to me but he was facing down. Nakatingin siya sa magkawahak naming mga kamay. His thumb started caressing my skin.
"Na mahal pala kita..."
Namilog ang mga mata ko. Nanuyo ang aking lalamunan. Tahimik akong hinihingal habang iniisip kung ano ang dapat kong maramdaman.
His thumb stopped moving. Ako na ngayon ang hindi makatingin sa kanya.
"Y-You're just eighteen..."
Inipit ko agad ang labi ko. I didn't just let it sound like an insult, I hope.
"So? Love has no age requirement, Ruth. It has no requirement at all!"
Pagod ko siyang tinignan. Honestly I don't want to talk about this. Sa gulat ko'y nagsialisan din sa gulat ang aking pagunawa. I'd rather convince myself that Dean didn't know what he's talking about. I'd rather believe that it was all just infatuation to him.
Love at eighteen seems...I don't know. Unideal. Then kailan pa ba sumunod sa uso si Dean? He always wants to go on a different path that opposes to the trends. Mainstream bores him.
"Paano iyong banda?" iwas ko sa naunang usapan. I expect him to tell me about the contract.
Sa nakikita kong disappointment sa kanya hindi ko alam kung dahil ba sa wala akong naisagot sa inamin niya o dahil ba sa naging tanong ko.
"Isa pa iyan. The agent keeps on hovering around until we sign it so he can bring us to Manila."
"Pumirma ka?" Medyo may gulat doon.
"Siyempre hindi. Tama ka. Gusto pang mag-college nina Wilmer. If I can't go on with the band then might as well I'll go to school, too. But then...I have to leave you. Pero 'di ba gusto mo ring mag-aral muna ako."
Here we go again.
"Dean, hindi nga iyong gusto ko ang piliin mo. Iyong sa'yo!" giit ko. When will he ever learn to decide for himself!
"But you would be disappointed at me if I choose the band! I don't like you disappointed, Ruth. I hate that."
Agad siyang nag-iwas ng tingin na parang alam na niyang makikita niya sa akin ang ayaw niya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Ayokong gawin ang ginawa sa 'yo ng ina mo. I've decided that I won't leave. I'll stay here. May iba naman sigurong music school diyan."
Kinurot ang puso ko sa una niyang sinabi. He always cares about my feelings. Who knows if I've done the same thing to him. I don't think I have and it breaks my heart even more. Gusto kong parusahan ang sarili ko kung ganon man.
Ayaw ko siyang ikulong sa takot ko, dahil may buhay din siyang iba. Ang kailangan niyang tuparin ang pangarap niyang iyon kahit kailangan niyang gawin ang kinakatakot ko. Ang umalis. Ang lumayo. Ang posibilidad na hindi na siya babalik.
"Babalik ka naman kapag umalis ka, 'di ba?"
"I said I won't leave!" pinilit niyang hindi ito isigaw.
Bahagya akong napaatras sa nakikitang pamumula ng ilong at mga mata niya. Suminghot siya at nag-iwas ng tingin saka marahas na pinadaan ang kamay sa ilong.
Umigting ang kanyang panga. Mukhang nagalit pa siya sa naging tanong ko.
I didn't hope for him to leave. What I am hoping for is for him to come back.
Don't make him see that you're still scared, Ruth. My fear would stop him. I can't cage him into my fears that would also render him his freedom. His dreams and his life.
Hindi ko siya ipagdadamot sa kung saan din siya gusto ng kanyang ambisyon.
"Choose your dreams, Dean. Not mine. Not other people's. Dahil sa pagbalik mo, nasisigurado kong sa iyo pa rin ako."
And there, I just cemented my vow. Tinaga ko na iyon sa bato!
Tinignan niya ako. Parang nandiri siya sa sinabi ko o baka ganon lang ka exaggerated ang kanyang ekspresyon.
"I don't need to choose. Handa akong pakawalan lahat dahil bago ko pa man maramdaman na mahal kita, ikaw na ang naging pangarap ko, Ruth!"
Natakpan ko ang aking bibig sa pagpigil iparinig ang hikbi. Mukha ko na ang tuluyan kong tinakpan. Umiiling ako. Kumakapit na ang mga luha sa sulok ng aking mga mata.
"Don't let me go, please..." Dean whispered. Hindi ko man tignan ay nakikita ko na ang pagsusumamo niya.
Hinayaan kong alisin niya ang kamay kong tumatakip sa aking mukha. He framed my face and angled it to look at him. Pinunasan niya ang nabasa kong pisngi habang sumisinghot ako. Kita ko ang pamamasa ng kanyang pilikmata.
Sanay si Dean na hindi kinokontrol. That's because he doesn't want to. External factors couldn't even get a hold of him. So I can see why he is so tortured and frustrated for the situation itself turns out to be the one working the strings for him.
Hindi niya dapat gawing pangarap ang relasyon naming dalawa. I know deep inside him pipiliin niya pa rin ang musika. He just doesn't want to trigger my fears. That should not stop him.
I have to do something. Kung kailan ay pigain ko siya para sa katotohanang hindi pa niya alintana.
Mataman ko siyang tinitigan samantalanag sakit at pagsusumamo ang ganti niya. Nag-iba iyon nang hinawakan ko ang kamay niyang nakakuwadro sa aking mukha.
"Mas madi-disappoint ako kung gagawin mo akong harang na matupad ang gusto mo," sabi ko. "You hate disappointing me, right?"
Tumalim ang mga mata niya. Pinaso ang pisngi ko sa uminit niyang mga palad.
"Iyon ba talaga ang gusto mo? What Ruthie wants, Dean wants it too." Nabasag ang kanyang boses.
"It's what you want. This is my support for you. What you want, I would want it, too."
"Anything? Anything that I want, Ruth?" Pag-asa at alinlangan ang laman ng kanyang tanong.
Pumikit ako at tumango. Agad niyang pinalis ang bumagsak na luha sa mata ko. I tried for a genuine smile but I think I failed.
"Just remember...I won't trade my passion for glory. I won't trade my love for fame. I won't trade you for anything else, Ruth..."
Hindi pa ako nakadilat ay naramdaman ko na ang mainit niyang labi sa labi ko. I could taste the salt in my own tears as his lips moved against mine.
"You'll turn eighteen on August 2, right?" he whispered. Sa lapit niya ay nagtatama ang labi namin sa kanyang pagsasalita.
"Yes..." I whispered back.
"Marry me, Ruthzielle."
Malaki ang nilayo ng mukha ko sa kanya. Ang gulat ko'y walang kapantay!
Hindi ako makasagot. Awang ang bibig ko samantalang nakasemento sa kanya ang seryosong pagsumamo.
"W-what...Dean..."
His hands tightened on my cheeks urging me to speak.
"Please..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro