Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWELVE

Maaga ang isinagawang parade sa school bilang pagsisimula ng Intramurals. Nangunguna sa bawat linya ng mga antas ang mga representative sa Mr. and Ms. Intrams kaya hindi kami magkasama ni Erika. Nasa likod niya kaming mga manlalaro.

"Where is Ms. Saison? She should be here and his escort!"

Matayog na ang sikat ng araw. Bored kong pinapanood ang guro na nasira na ang mukha sa kakahanap sa kanilang muse. Maingay ang mga kaklase ko samantalang wala akong makausap. Hindi ako mabait kapag inaantok at nababanas na rin ako sa panay kong paghikab.

Hindi pa man nagsisimula ay iniisip ko na ang pagtatapos ng parade at didiretso ako sa canteen. Sumusungkit sa ilong ko ang amoy ng putahe sa loob. I should have that fried chicken once this parade ends!

"Tingin ka sa likod." Ang maarte kong kaklase sa likod ang nagsalita. Nag-aabang na ang tenga ko sa kasunod.

"Anong meron?"

"Basta..."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig. Sinundan iyon ng halikhik ng mga babaeng kahanay nila. Pinaramdam sa akin ang pag-alon ng crowd sa pag-anod sa akin nito.

"Usog ka rito, bilis! Para diyan siya."

"Hindi naman siya sa akin tatabi!" May nasungkit akong ampalaya sa boses ng isa kong kaklase.

Suki na ng ilong ko ang mamahaling pabango na pagmamay-ari ng bultong tumabi sa akin. Lahat ng antok na namugad sa diwa ko ay tila nagsiliparang mga ibon na takot sa apoy ng kamay'ng kumukulong sa aking mga daliri.

"Dean," I acknowledged.

Saglit siyang ngumiwi habang nagdadampi ng checkered hanky sa sentido at leeg. Medyo basa pa ang sandy brown niyang buhok na kahit saan tumuturo ang dulong hibla.

Kinusot niya lang yata ng tuwalya iyan at hindi na nag-abalang magsuklay.

"Naligaw ka yata, Ortigoza?" ani ng kaklase kong player ng volleyball boys.

"Hindi, ah." Bahagya siyang ngumuso at inikot ang takip ng mineral water. Pinanood ko siyang umiinom.

Naninibago akong makita siya na naka red Intrams t-shirt. The color suits him hot in his tan skin. Hindi mawawala ang itim niyang hikaw, at mula roon pinalaya ko ang sariling bakasin ang nakakatabas na linya ng kanyang panga.

Four to five years from now, that killer jaw could drive more women into madness. Stabbing you straight to your gut with heat and vehemence. At nang gumalaw ito, nagfa-fangirl ang tiyan at dibdib ko sa paghuhurimentado! Not to mention that mole above his jawline.

I've never been in awe of a mole before. Weird how I almost consider it as my new fetish.

"Fifty people," buntong hininga niya habang binabalik ang takip. "Ganoon karaming tao ang pinagtanungan ko sa 'yo. I should shower you with my perfume next time nang maamoy ko kung saan ka sumusuot at mahanap agad kita."

Inabot niya sa akin ang mineral bottle. "Water?"

Kinuha ko ang tubig. "You're not supposed to be here, Dean. Nandoon iyong red team."

Tinanaw ko ang grupo ng mga nakapula at ang class president nilang nagchi-check ng attendance. Humaba ang leeg ni Wilmer na nakatingin dito. I don't understand that look of disappointment nang ito'y umiling.

Hinila ako ng tunog ng zipper nang binuksan ni Dean ang matamlay niyang bag. Nagkapit-bisig ang mga kilay ko pagkakita sa nilabas niyang orange intrams shirt na siyang suot ko ngayon since magkaiba kami ng section. Magkalaban din ang aming team.

Though, I'm not sure right now. Paano siya nakabili ng orange team shirt? He didn't just buy that in their class! Or in our class!

Binaba niya ang bag sa paanan. Hinubad niya ang kanyang red shirt sanhi kung bakit piniling magpakulong ng mga salita sa lalamunan ko.

Because like seeing Medusa, the words might turn to stone. Hirap na nga akong makalunok ngayon.

"Hala shit." Nagsinghapan ang mga nasa likod ko. May sumipol pa.

Sa harap ay nangalabit iyong isang babae at ninguso si Dean. Nag-domino effect ang pagtama ng pula sa kanilang mga mukha.

I've always thought of Dean as lean and slim. Pero hindi ko naman akalaing sa likod pala ng uniform at ilang kasuotan niya'y isang likha na dapat niyang ipagmayabang. I believe in God even more seeing Dean topless.

"Respeto naman, Dean. Wala kaming abs!" sigaw ng kung sino. Hula ko ay sa blue team.

Ngumisi siya habang iniipit sa pagitan ng baba at dibdib ang dulo ng hinubad na shirt. He's folding it properly. Dinilaan pa niya ang kanyang upper lip tanda ng concentration.

Sinilid niya ang red shirt sa bag pagkatapos ay sinuot ang orange shirt. Buong magdamag ay nakatunganga lang ako sa kanyang ginagawa. Like his act is the one hypnotizing me to marvel at every little thing Dean does!

Nanumbalik ang hawak niya sa kamay ko. Suot ko pa rin ang pagkamangha.

"Mr. Ortigoza, go to your designated line!" Tawag pansin ng aming adviser. She's our English teacher. Sa buo nitong boses ay mapapatuwid ka na lang ng upo at tayo.

Umawang ang bibig ni Dean at swabeng hinila ang harap ng shirt sa parte ng dibdib. "Orange team all the way, Madam!"

Pinagtitinginan kami ng ibang team sa hiyawang sumabog pagkatapos iyong sabihin ni Dean. Lalo na sa red! Humiyaw rin ang iba na inaakala yatang may cheering competition.

Umiling ang guro at binalikan ang pagmando sa ibang pasaway na estudiyante.

"Hi classmates..." Dean greeted. Maarteng hagikhik ang naisukli sa kanya.

I rolled my eyes heavenward. Hindi ako tumingin at baka matamaan lang sila sa pagpukpok ko ng pang-iirap, mabawasan pa ang kaligayahan nila.

"Jealousy, turning saints into the sea..." kumanta si Dean at may tumulak sa aking dukutin doon ang kanyang panunuya.

"I'm not jealous!" Nilingon ko pa talaga siya upang ipaalam iyon.

Kinalas ko ang aking kamay upang makahalukiphip sabay baling sa harap. It's just so inappropriate that he's with me but all the damn while entertaining other girls. He's such a flirt!

Umawang ang bibig niya sa bahagyang gulat.

"Kumakanta lang ako, Ruth," inosente niyang katwiran.

Inipit niya ang kanyang bibig. Sa sobrang ipit nito'y masasabi mong may pinipigilan siya. Ang mga mata niya ay hindi ko alam kung inaantok pa ba o nang-aakit na. In his Caucasian skin, madaling mahalata ang pamumula ng kanyang mukha na gumapang hanggang leeg.

Nalusaw ang talim sa mukha ko kasabay ang pagsakmal ng kawalan nang binitawan niya ang aking kamay. Ngunit napunan ng kalabisan nang pinulupot niya ito sa aking baywang.

"There's nothing to be jealous about, sugar. I'm all yours." The rasp in his voice scattered along with the words. At binuga niya ang bulong na iyon sa aking tenga!

Sabayang buntong hininga ang narinig ko sa likod animo'y iisa lang ang nagkontrol sa mga baga nila. Hindi ko mapigilang mahawa at napahinga na rin nang malalim. Muntik pa akong humilig sa kanya.

This is just the start. One pull from him and I'm already at the verge of the cliff. Hindi man lang ako nakakambyo. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan maghihintay si Dean sa dulo. Malay natin, baka bigla na lang siyang tumakbo sa oras na mahulog na ako.

I have never doubted this much. Kasi noon, alam ko naman kasing ako ang unang kumakalas kaya ayos lang na tumalon sa sitwasyon. I am sure myself. I have already taken stock before diving into the risk. It's never really a risk but more of like an endeavour, a billow of feelings brought about by juvenility and puberty.

Pero kay Dean, hindi ko alam. It scares me to have already envisioned a future every damn time I thought about him. Hindi naman ako mangangamba nang ganito kung hindi ko iniisip ang kasiguraduhan na magseseryoso siya sa akin. It has something to do with Dean being a flirt and playful, so one would abruptly think that this is just a silly game to him.

Unless I am the exception, but I'm not really sure. Ewan ko, I need assurance in this.

Fear is truly a prison cell that locks us up to attain freedom. I jailed myself, along with the steel grates of refrainment, incertitude and reluctance. Courage is the master key. I still have yet to find it within me.

Mahirap siklupin ang tapang kung ikaw na mismo ay iniisip na ang pagsuko.

We may claim that we are brave, but let's admit, may kinakatukan pa rin tayo. We can't always be brave about everything. There will always be this one particularity that we fear.

Siguro katulad ng nakaugalian ay magpapadala na lang din muna ako sa agos ng aking kabataan. I may have not found that strength yet, but maybe in my aimless strolls I would be able to find it.

Isn't it like that? Na nakikita ang hindi hinahanap kung hindi mo ito hahanapin? I guess I'll try that.

Hindi inaalis ni Dean ang kamay niya sa baywang ko sa buong parade. Nagpaigting lang ito sa mga ugong-ugong patungkol sa amin na nagsimula noong una kaming sabay kumain ng lunch sa canteen.

"Pakainin mo nang maayos, ha? Maglalaro pa iyan!" bilin ni Erika at dinuduro pa ang matangkad na si Dean.

Tama lang ang height ni Erika. But with her petite body, she looks so tiny against Dean's towering height, kaya naaaliw ako. Para siyang fairy na tinanggalan ng pakpak at si Dean ang pinagbibintangan niya.

Natawa si Dean at inayos ang strap ng bag kong suot niya sa kanyang balikat. Yeah, he's wearing my cream-colored Coach bag.

"Nako! Pasalamat ka't crush ko ang kapatid mo kung 'di ay hindi mo masosolo ang kaibigan ko! Magiging pangatlong gulong ako sa inyo!"

"Anong gusto mong ipabili, Erika? Ibibili kita," nakangising anyaya ni Dean, nanunukso at kinawag ang kilay niyang mapagmataas. "Wait, tatawagan ko pala si Kai para sabay na kayong mag-lunch." Sabay akmang dukot sa phone niya.

Umirap ang kaibigan ko. "Hindi ako tumatanggap ng suhol, Dean! Nako, diyan na nga kayo." Kumaway siya sabay talikod upang makiisa sa grupong naging classmates namin last year.

Walang minuto na hindi pinaparamdaman sa akin na hindi ako pinag-uusapan. The looks—from Dean's admirers of course—are giving me, ay parang literal nilang kinakagat ang balat ko. I can't afford to stare at those people's eyes for more than a second.

Sa isang iglap pakiramdam ko ay pinagtutulungan akong matalo at gibain ang bakod na tinatayo ko. But I am slowy learning on how to not care what other people say. Yeah, I'm still learning.

Tanaw ko ang mga babae sa pila na nagsisikuhan at pinapanood si Dean na nilalagay sa tray ang mga pagkain. They stared at what he's doing like it's the hottest thing in the world.

Ang walang malay na si Dean katawanan pa iyong lalakeng tindero na nag abot sa kanya ng mga ulam at cups of rice.

I watched his broad shoulders move. At hindi ko alam kung bakit sa kaliit-liitang detalye gaya ng brown leather bracelet niya sa palapulsuhan at itim niyang relo ay nakakamangha para sa akin. At hindi man kasing tuwid ang tindig niya kay Kiefer, ay parang kay hirap nang huminga.

Sa pag-ikot niya papaalis sa counter ay nahuli niya ang tatlong babaeng diyos ang tingin sa kanya. Tamad na kawag sa kilay ang ginawang pagpansin at nagtungo na pabalik sa aming mesa.

I'm bothered. Hindi niya dapat pinapansin lahat ng nakatingin sa kanya. He's too friendly it's irritating!

Kulang na lang ay bumubulang bibig at masasabi kong kinokumbulsiyon ang mga babae sa pagbigay atensiyon sa kanila ni Dean. Hindi ko sila tinatantanan hangga't hindi nila tinatagpo ang aking tingin.

"Anong meron doon?" Nabigla ako't hindi nakita na nakabalik na pala si Dean. Ninguso niya ang counter. "May gusto ka pa bang ipabili?"

Tinignan ko ang mga binili niyang ulam para sa amin. Chopsuey, beefsteak, meatballs at kumuha pa talaga siya ng leche flan. Siya ba kakain niyan? It's sweet, it could affect his voice.

Umiling ako. I'm fine with what he ordered.

Binalikan ko ulit ang counter at naroon pa ang tatlong kitikiti. Kay Dean sila nakatutok at nang mabaling sa akin, mas nanliit ang mga mata ko. Mukha silang nagulat. Napatalon pa iyong isa bago tumalikod.

Inusog ni Dean ang kanyang upuan sa akin. Nilagay niya ang braso sa sandalan ng silya ko.

"Tinititigan mo ba si kuya Gardo? Iyong tindero?" Gulat niya akong binalingan. "May asawa na iyon, Ruth!" halos paghihisterya niya.

Bahagya akong natawa. Ewan ko kung nagbibiro siya o exagerrated lang talaga siyang mag-isip.

"Wala...akala ko lang kasi..." Kinuha ko na ang mga pagkain at may nilagay rin sa harap niya. Maglalagay na sana ako ng mga kubyertos ngunit nailagay na niya pala.

"Anong akala?" Halata sa boses niya na wala siyang maintindihan.

"Wala ka talagang napapansin?"

Tinignan ko ang reasyon niya bago nag-isang suyod sa paligid. May iba na sa amin nakatingin. Parang may shooting sa pwesto namin at kami ang ginawang bida ng direktor.

"Ikaw, napapansin ko."

"Sa paligid mo, Dean," agap ko, pinasipag ang sariling mapakalma ako.

Kumunot ang noo niya at sinuyod na rin ang buong canteen. Kita ko ang ibang umiiwas samantalang nag-aantabay naman ang iba na mabendesiyunan ng paningin niya.

Bumaling siya muli sa akin na tamad nang nakaangat ang kaliwang kilay. "Bagong pintura ang canteen?"

Nabulunan ako ng tawa at halos hampasin siya ng kutsara. "Kumain ka na nga lang!"

Natagpuan ko ang sariling ngumingiti bago ko pa mapagtanto na iyon pala ang ginagawa ko. Wawalain ko pa lang ay humarang na ang mukha ni Dean na halos mapag-isa ang mga kilay. Hindi ko matukoy kung galit ba siya o nag-iisip lang.

"Sinong iniisip mo? Bakit ka nakangiti nang ganyan?" May nasungkit akong banta sa ginamit niyang tono.

Saglit bumilog ang mga mata ko, hindi inaasahan ang tanong. Dean being annoyed is amusing. No wonder kung bakit gustong-gusto niya akong asarin. Maybe he finds me amusing when irate, too.

Alas otso bumalik ang parade sa school. The lighting of the torch was led by the basketball MVP who belongs to our batch. Marami pang mga seremonyas na naganap tulad ng pagpaparinig sa mga cheers sa anim na team bago nagkalat ang mga estudiyante sa paligid.

"Walang english drive dahil Intrams! Makakapagmura na rin ako! Tangina!"

Nilingon ko pa ang tumatakbong lalakeng isinigaw iyon. Hindi ko matukoy kung anong year level siya, but he's wearing a green Intramurals shirt. The section F color.

"Eyes on me, Simeon. Sinong iniisip mo?" mas seryoso na niyang tanong.

Ngumuso na ako at nasa dulo na ng inis. Why is he reacting this way? May seryosong tawag ba sa amin? I don't even know what we're doing! I am just floating along with the waves of whatever he wants to call what we have right now!

I can't really tell if this is already a relationship. I'm terrifed to call this being one. Knowing Dean, wala akong narinig na may nagtagal na babae sa kanya. I mean, he's always the first one to walk away. Like me.

Pero ayaw ko namang paniwalaan ang kung anong narinig ko lang sa iba. They're not Dean, so wala silang alam. What they have are just assumptions anyway. So it's only Dean who could tell me the truth. I just don't know if I should believe everything from him but being here, I think I already trust him.

"Ruth..."

"Huh?" Pinilig ko ang ulo ko. Marahang umikot ang aking paningin at may mahinang pagpintig sa aking sentido. "Uhm...pagkain. Gutom na ako, e."

Mukha siyang nasurpresa sa naging sagot ko. With his amused expression, I think I got him to believe me. That's half truth. I'm really hungry.

Ngumiti siya at tinapik ang aking pisngi. Hinuli niya muli ang kamay ko at hinila na ako sa loob.

It really felt like I'm missing something. As though a black out occurred making me miss every bits and pieces of any recollection from the yesterdays. At sa paggising ko, heto na, may ka holding hands na akong guwapong nilalang! Tinatanong ang iniisip ko. Sinusulat ang pangalan sa balat ko. This is new. So foreign. I haven't been through this with my ex's.

At kung ano ang bago, iyon ang susunggaban. Gusto nating sumubok. But I don't want to treat this just because it's new. I want to be in with this because that's where my emotion is drifting me.

Although, what I had in my past paled in comparison to this thing that I could even barely call a relationship but instead I found myself getting attached to. Maybe it's not on what you label it. Not on how you do it. But it's basing on how you feel.

Remembering what Dean said, walang mali na pakiramdam. We either get blinded, o conscientiously deny.

"Anong kakainin mo?" tanong niya nang huminto kami sa gitna.

Dahil maaga nga kaming nagsimula ay ganoon din kaagang dinumog ang canteen ng mga gutom at uhaw.

"Kahit ano. Iyong may sabaw," tugon ko saka inikot ang paningin upang hanapin si Erika. " 'Tsaka fried chicken pala!" pahabol ko.

Usapan namin na dito kami magkikita after ng parade. Hindi nagtagal ay natagpuan ko siya sa isang mesa kasama ang kapatid ko. Nilingon ko si Dean.

"Doon ako kina Erika." Turo ko sa direksiyon nila. Tinanaw niya iyon saka tumango.

Muli pa niya akong tinignan. Isa, dalawa o limang segundo bago siya tumalikod para sa counter.

Ipinagtaka ko ang sandaling iyon nang pinutol lang ng nag-excuse upang makadaan. Humaharang kasi ako sa daan.

"Kainis! Bakit kasi third year pa si Kiefer? Nagmukha tuloy akong sugar mommy."

Papalapit pa lang ako nang marinig ito galing kay Erika. Pinapaypayan niya ang sarili. Mukhang kakarating lang nila ng kapatid ko na kumakain ng junk food. Umagang-umaga? Gusto kong sermonan si Sue.

"Nangisay iyong muse nila, e. Swerte niya, si Kiefer humawak ng banner."

"Guwapo rin kaya iyong humawak sa banner niyo. Pinsan iyon ng classmate ko, e. Si Montero." Si Sue na tinango ang ulo sa pamilyar na lalakeng kakapasok lang ng canteen. I think she's talking about him. Dala pa nito ang bag ng nobya niyang mestisahin.

Nagkakaintindihan yata ang dalawa. Kami ng kapatid ko hindi naman ganito mag-usap. I don't know if I should feel jealous or entertained.

"Hmp! Hindi ako type niyan," si Erika. "Mahilig sa matalino."

"Ganon din kaya si Kiefer," agap ni Sue at mas nilapit pa ang silya sa kanya. "Sabi ng classmate ko na stalker niya, mahilig sa mga brainy. Kaya siguro wala siyang naging girlfriend dito dahil naghahanap siya ng Scientist!"

Tumikhim ako upang ipaalam ang aking pagdating. Sabay nila akong nilingon.

"Uy, Ruth! Anong oras game mo?" Umusog si Erika upang bigyan ng espasyo sa gitna.

Naghila ako ng silya sa katabing mesa at umupo. "Mamaya pang ten after sa parlor games."

"Nood tayo, ha? Cheer mo kapatid mo, uy!" ani Erika kay Sue.

"Hindi lang ako! Manonood daw iyong classmate ko, ate. Anthony pangalan. May crush iyon sa 'yo. Sabi ko nga 'hindi ka papatulan ng ate ko!'. Kasi nga mga hilig mo, iyong matatanda!"

Ang laki ng tawa niya na dinagdagan pa ni Erika kaya mas lalo sila naging magulo. Tinataliman ko ng tingin ang dalawa.

"Dadaan muna siya kay Dean!"

Uminit ang pisngi ko.

"Iyon ay kung padadaanin siya ni kuya Dean!" Naghalakhakan sila at nag-high five. Sinegundahan pa sila ng pag-iingay ng kanilang mga silya na inaanod ng kanilang kalikutan.

Kung makapag usap sila'y akala mo wala ako sa gitna nila. Inilingan ko na lang ang panunukso habang nagdudusa sa labis na panginginit ng buo kong mukha!

"Nanliligaw ba si Dean sa 'yo? Rumors spread like wildfire, Ruth. Nag-advance nga lang ang tsismis at sinabing kayo na!"

Kinuha ko ang mineral water ni Erika at sinusundan ang paggapang pababa ng malamig na pawis sa bote habang inaalala ang mga pagtatanong niya sa akin. That was last week. Instead na mag-review ay pang-uusisa ang inaatupag niya.

"Ewan, parang hindi naman siya marunong manligaw."

Biglang nawala sa utak ko ang sinaulong taon at date ng pagbagsak ng isang dynasty. Dahilan kung bakit nagmukhang dissappointed ang tono ko.

"So kayo na?" Pumalumbaba si Erika at umaasa ang mukha sa sagot ko.

"Hindi!" desparada kong pagtanggi.

"Nag-kiss na kayo?"

"Hindi! Naman, Erika..." angal ko at tinatakpan ang mukha ng libro.

I don't even know! Pati ako hindi alam! At hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang itanong ito kay Dean! I can't let this thought be welcomed inside my head at the middle of studying! Si Erika naman kasi.

"O, eh nanliligaw iyan! Alam mo naman siguro kung nanliligaw ang isang lalake, 'di ba? C'mon, Ruth! That's not foreign to you. Kada buwan ka yatang naliligawan. Pero ang sinasagot mo naman, iyong mga college boys! Wala kang balak sagutin si Dean?"

"Hindi nga nanliligaw..." pagod kong pilit. May daing na sa lalamunan ko at handa nang sumigaw. I need peace right now, my friend. Let me study in fucking peace!

"Ano ba sabi niya?"

Napairap na ako. Ngunit hindi siya matatahimik hangga't hindi nasusunod ang gusto.

Sinimulan ko ang kwento mula noong sa gig. She knows about that dahil siya mismo ang pinagtanungan ng mga nang-uusisa knowing we're bestfriends.

"You go to lunch together! Sabay kayong umuuwi. Dinadala niya bag mo, mga libro mo. Pinapaypayan kapag mainit ang panahon. Sinisilong ka sa payong kapag umuulan. Anong tawag doon, chaperone? Alipin?"

Hindi ako nakaimik. Hinahayaan ko lang si Dean sa ginagawa niya knowing he has already laid out his intentions. Pero iyon nga, nakakalito pa rin. I really do have to ask him about this.

"And this!" Sinilip ni Erika ang nakasulat sa ibabaw ng dibdib ko. "Ruth...you really don't have to ask! Adik sa 'yo ang lalakeng iyon ultimo pangalan niya sinulat niya sa balat mo! At anong sabi niya? Ipapanotaryo niya 'to?"

Humalakhak siya. Masyadong malakas para sa maliit na babaeng tulad niya.

"Pakasal na lang kayo, uy!" patuloy niyang buga ng tawa.

Unti-unting umugong ang mga boses nila na nagpamalay sa akin sa kasalukuyan. Paksa na ng kapatid ko at ni Erika ang mga lalakeng maglalaro sa basketball mamaya. Iyon naman talaga ang highlight sa Intrams maliban sa cheer dance competition na sa last day pa gaganapin.

"'Di ba ka batch niyo iyong nagsindi ng torch kanina? Maglalaro ba siya?" tanong ni Sue.

Kada rinig ko sa kanya ay palaging lalake ang bukambibig. Pati sa bahay tuwing ka-telebabad ang classmate niya ay mga lalake ang topic.

"Oo naman, Iyon kaya iyong captain..." Nahawi ang mga salita ni Erika. "Bakit ganyan ang suot ni Dean? 'Di ba section A siya? He bought the wrong team shirt color!"

Marahan kong inikot ang aking silya upang makatanaw sa likod. Dala na ni Dean ang tray ng mga pagkain. Katawanan niya ang mga kaklase. Probably teasing him about his wrong shirt.

Dumaplis ang tingin niya rito. Binalikan niya ang kausap at tinango ang direksiyon namin. Hindi agad ako nakaiwas nang tumingin sila rito at ngising binalikan si Dean. Umabot sa amin ang kanilang panlalakeng hiyawan sabay tulak kay Dean.

"Itatanong pa ba iyan, ate Kaka? Ikaw ang bestfriend, you should know why." Si Sue na ramdam kong pumuslit ng sulyap sa gawi ko.

Bumaba ang tingin niya sa ibabaw ng aking dibdib. Sa nakakakilabot niyang ngisi, nagmukha siyang magandang manika na may balak akong katayin. Mahilig siya sa horror movies kaya mas lalo akong nangilabot.

Nagtikhiman sila nang dumating si Dean at nilapag ang tray. Nagtaka ako sa pagtayo ni Erika sabay ayos ng sports wear na suot niya kanina sa parade.

"Sue, tara! Tuturuan mo pa ako ng lakad tips at kailangan kong manalo. Ako mismo ang aagaw sa title ng Lucia na iyon!" Kinindatan niya ako sabay kuha ng kanyang mineral bottle.

Bukas ang bibig ko upang palayain ang mga salita ngunit tinamad yata silang magliwaliw. I know what she's doing. Excuse lang nila iyang practice. Erika's walk has actually improved from zero to hero!

Umingay ang silya sa pagtayo ng kapatid ko. Kinuha niya ang tubig niya. "Basta ate Kaka, tandaan mo lang na sa bawat lakad mo, dapat tumatalsik ang balakang mo..."

Nagawa pa akong itulak ng kapatid ko nang papaalis na sila. Ninguso niya si Dean saka tumalikod na. He's busy putting the food infront of me. Sinunod niya ang mga kubyertos at tubig bago inasikaso ang pagkain niya.

Hindi ko akalain na nagkakasundo ang dalawa. My bestfriend and my sister? Siyempre nasa iisang paaralan lang kami so they must have heard the rumors. Nagkakalapit talaga kapag iisa lang ang iyong pinag-uusapan.

My sister didn't dare question about it because the signs are already there. All she has to do is watch. No questions asked. Now I wonder kung may nabanggit siya kay daddy.

"Wala bang fried chicken?" 

Tinulungan ko siyang ilipat ang mga pagkain sa mesa galing sa tray. Tinolang isda, pork chop at menudo ang mga nakahanda sa mesa.

Umupo si Dean sa inupuang silya ni Sue kanina. "Wala eh. Ito lang iyong mukhang masarap. Sa labas baka meron, bibili ako." Papatayo na siya.

"Hindi, huwag na. Okay na 'to." Pigil ko sa kanyang braso bago pa siya makatayo. 

I'm really fine with this. At least, may binili siyang may sabaw. Hindi naman ako maghihingalo na hindi makakakain ng manok.

Nagsimula na kaming kumain. Background music ang ingay ng canteen dagdagan pa ng speakers na galing sa gym. Humigop ako ng sabaw at masayang ngumunguya.

I noticed Dean's not moving kaya inangat ko ang tingin sa kanya. Holding the spoon and the fork, he's smirking at me.

"Bakit?" pagtataka ko, bumagal ang aking pagnguya.

Tinango niya ang lumalayong bulto nina Sue at Erika na hindi nag-aalis ng tingin sa akin. "Binayaran mo sila noh para ma-solo mo ako?"

Hindi ko mapigilang humalakhak at inabot ang buhok niya upang mahila. "Ang kapal mo, a!"

Hindi ko matanggal tanggal ang ngisi ko kaya parang totoo tuloy ang binibintang niya sa akin!

Nakangisi rin si Dean at sinimulan na ang pag-kain. Iyon lang naman pala ang hinihintay niya bago siya magsimula. Panaka'naka'y sinusulyapan niya ako upang makapang-asar lang. 

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa sa kakulitan niya.

"Ang hilig mong manakit!" biro niyang reklamo. "Pero tinatanggap ko pa rin."

Bumungisngis ako na agad ring napawi. Because in these simple moments with him sometimes made me think of other things that turns out to be the villain of the bliss.

Maybe that's why for the most part, happiness is short-lived. We put ourselves to question the possibilities of its end and the how's and when.

"What is it, Ruth?"

Tinurukan ako ng gulat sa matigas niyang tono. Marahil napansin ang kakaiba kong pananahimik.

"Huh?"

Lumunok siya at binaba ang mga kubyertos. His hard stare directed to me didn't even sway nor quiver. 

"Sinabi ko nang wala akong hindi napapansin sa 'yo. What's bothering you?" banayad niyang tanong, so it's in between a raspy whisper and audibility.

Umawang ang bibig ko na tila uhaw sa tamang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. The right words to say never made it to my brain yet, so I depended on the unknown.

Hindi nakatulong sa akin ang intensidad sa tingin ni Dean kahit hindi naman niya sinasadyang maging ganoon ang mga mata niya. Intense is a natural adjective only made for him.

"W-what are you doing, Dean?" Finally, I spoke. "I mean...ano 'to? Tayo? Nanliligaw ka ba?"

Kinabahan ako sa sariling tanong. The question seems appropriate in my head but it sounds so wrong when it came out from my mouth. For that fleeting moment, I doubted my capability of thinking.

"I'm showing my intentions, Ruth. Hindi ba obvious?" aniya, at ang tono niya'y tila may nagawa siyang mali at gagawin niya lahat upang mapatawad.

"So nanliligaw ka?" maingat kong tanong.

Saglit siyang nanahimik, pinaglalaruan niya ang dila sa kanyang ngipin. Nanatili ang mga mata niya sa aking walang pinapalitaw na kasagutan saka nagkibit.

"I don't know how to do that."

Oh well, he earned points for that honesty.

"Then you're not sure with what you're doing?"

Umawang ang bibig niya tanda ng gulat sa sinabi ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil parang may nakikita akong sakit sa naging reaksyon niya. I didn't mean that for the truth but just an opinion, or a probable conclusion.

In other words, hindi ko sinasadya.

But I only rubbed salt into the wound.

"You're just playing, Dean?" Gusto kong saksakin ang sarili ko ng tinidor!

Nagbaba na rin siya ng tingin at pinagpatuloy ang pag kain. I thought for a moment that he ignored what I said, or the tone my statement was trying to evoke.

Hanggang sa magsalita siya na hindi ako tinitignan.

"I play music, Ruth. I don't play with feelings."

I was thrown down to a cliff that has me hold on to what he said. May umalsang pag-asa sa loob ko na inaangat ako sa katiyakan. Naging sakit na siguro sa ating mga tao na maniwala sa mga salitang maganda sa ating pandinig.

We usually get entranced by the beautiful things and lose ourselves to the beauty of words. I found his words promising. So I found myself believing him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro