Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THREE

"Huwag ka nang mag-aral para parehas tayong bagsak mamaya. Damayan lang iyan!"

Tumabi sa akin si Erika dito sa konkretong upuan na kumukulong sa puno ng mangga. Lunch time kaya nagkalat ang mga estudyente sa paligid. Kakaiba rin ang init ng panahon. Mukhang uulan mamaya.

Ilang ulit nang dumadaan ang mga mata ko sa parehong sentence ngunit mga salita na mismo ang umayaw sa utak ko. Ang nilaktawan kong El Fili period kahapon ay magpapa-quiz naman mamaya.

Worst, hindi nag side notes si Erika. Kadalasan pa namang mga sagot ay wala sa libro.

Wala pa ako dalang Filipino dictionary para sa taimtim na mga salita na ginamit ni Rizal. He was probably being emo while writing the book.

"Bumagsak ka mag-isa," wika ko at sinalo ang daloy ng mani sa aking bibig. Hindi ako nag-rice, matatagalan lang pagre-review ko. In times of cramming, what I need is a comfort food.

Hinawakan ni Erika ang kamay ko na siyang humila ng aking atensyon mula sa libro. Nagdadrama ang mga mata niya.

"Ilang taon na tayong magkaibigan, Ruth. Ako ang unang kumausap sa'yo, freshmen year. Naalala ko pa. If we rise together, we should fail together, sister. That's friendship." Sabay pitik ng mga daliri.

Binatukan ko siya ng ballpen. Tila ba ay matalik silang magkaibigan ng tukso ay nadadala ako minsan kapag hindi siya nagre-review. Madali naman kasing bumigay rito. They offer more fun and excitement. Sino ba namang aayaw sa kung saan mas masaya, 'di ba?

Kaya imbes na mag-aral ay sinara ko na ang libro at tinawid ang isang paa sa kabilang side ng upuan upang maharap ang kaibigan. Kinuwento ko sa kanya ang napag-usapan namin ni Boone.

I can tell her almost everything about me. She does the same. Kahit mga walang kabuluhan ay sinasabi ko sa kanya at ginagantihan niya ng mga patawa kaya minsan ay nagkakaroon ito ng sense. Tulad ko, isa rin siya sa umaayon lang sa alon ng buhay.

"Hindi siya pumayag na maghiwalay kayo? Girl, man is fucked up over you he doesn't want to let you go." Inagaw niya ang paubos kong mani at pinunit ang nagusot na parte.

Pinipino ko sa aking ngipin ang mani habang binalikan ang kagabi. Matagal bago nauwi sa isang konklusiyon ang pag-uusap namin ni Boone. He almost came within an inch of being adamant and it fueled for a change of my mind. The break-up stung a little bit.

No, scratch that. It didn't sting but it only felt like it. What I actually felt was loss and indifference. Not just in a literal sense. Kawalan ito ng nakasanayan ko. I'm used to always having Boone. And with the split that just happened, I started surfing in the new wave of change.

My mother was initially the one who introduced those feelings. Her absence primed our family with it. She made me learn how to stand my ground. She made me learn not to cry for the pettiness of it all. Natularan ko ang ginawa niya na unang kumalas. It wasn't even a mutual decision. She just...did it.

So I welcomed the indifference like it's a much awaited guest and let it dine in my heart. Feeding itself fried hurt, steamed numbness and grilled tears.

I don't mope over these things. Kung may makakapagpabago man sa kamanhiran na ito, marahil iyon ay ang pag-ibig na totoo.

I wasn't in love with Boone. He knows that. And he accepted it.

"Girl, we've become best friends since I asked you for a one whole sheet of paper for our first quiz in our first year."

Tinulak ko ang noo ni Erika. Ang lapit ng mukha niya na kaunti nalang magdikit ang mga ilong namin.

"Kailan ka pa ba nagdala? Kahit red ballpen nanghihiram ka pa rin sa akin," ganti ko.

Mas umusog siya papalapit. Bahagya niyang niyuko ang ulo na, ayaw may makarinig sa kanya. Ngayon pa ba siya magtatago? Kanina pa kaya kami hindi nage-english dito.

"We confide each other everything, Ruthzielle." Mataman niya akong tinitigan. I'm not accustomed to her having a serious look. "So be honest, may nangyari na ba sa inyo? Have you surrendered your v-card and watch him tuck it into his back pocket?"

"The hell?" Tumaas ang tinig ko. Ramdam ko ang paglukot ng aking mukha. "I'm barely eighteen, Erika!" I drastically whispered.

"Iba na panahon ngayon. Girls have swiped their golden V's as often as swiping a credit card prior reaching eighteen. I won't be surprised if you have done it with him. I can't blame you, guwapo naman si Boone. And I won't judge you either. Besides, virginity is not a dignity."

That brought me to how unfair the society is. It's not a big deal to the public if guys fuck just anyone with a pulse and lady parts. Samantalang kaming mga babae ay nahuhusgahan agad. Why do they find us so easy to judge and character shame? The obscene name-calling follow suit.

I wonder how it would be like living in a non-judgemental world. There might not have a total peace. Kasi sa mabuting komunikasyon naman iyon manggagaling. So probably, a refinement of faith in humanity.

Bumaling ako sa ibang direksyon at hindi na nagsalita. Ewan ko kung dahil sa ugoy ba ng hangin, sa mani lang ang kinain, o sa papalapit na hapon ang sanhi ng aking kaantukan. At bakit mas gumaan ang pakiramdam ko ngayong hindi ko na kaharap ang libro?

Sa paglalakbay ng aking mga mata ay nahagip ko ang nagsihulugan mga dilaw na bulaklak galing sa higanteng puno ng Narra. Nasa gilid lang ito ng basketball court. My lips pulled into a reminscent smile.

That tree always makes me feel better. At tila ba hinahalina ako nitong alalahanin siya sa oras gumraduate ako ng highschool. That tree will always embed in my memories, and highlight my brain with the yellow falling flowers.

Nang manumbalik ang paningin ko sa harap ay dinakip nito ng bulgarang pagtitig ni Erika.

"What?"

Walang isang paggalaw upang maibsan ang gatla sa noo niya.

"May naisip lang ako..."aniya. "Tayo na lang kaya? Let's be lesbos together."

Bumagsaka ng panga ako. Say what? Matagal bago ako nakaisip ng sasabihin. But this is Erika. In her deceitful face festooned with light perfect arch brows, hooded eyes and thin lips, walang mag-aakalang hindi siya nagseseryoso sa mga bagay-bagay.

Well, my hands are empty leaving me with nothing against same sex relationship. I'm just not into girls.

"Hindi ko sasayangin ang ganda ko," patianod ko sa biro niya.

"Hindi masasayang ang ganda mo, Ruth. Papaligayahin naman kita. Magaling ako diyan."

Pikit-mata akong humagalpak kasabay ang pagtulak ko sa ulo niya. Tumatawa na rin siya. Hindi ako nakuntento at inagaw ko ang wrapper ng mani at binato sa kanya. Humila ang aliw namin hanggang umayos na ako ng upo at humarap sa court, sinandal ang likod sa konkretong mesa.

Malutong na ingay ng naapakang mga pebble rocks ang gumambala sa kulitan. Ang naunang lalake ay nakangiti na sa aming dako habang nag-iwas naman ng tingin ang nasa likod sabay kamot sa ulo.

I don't know them. Bumaba ang tingin ko sa asul nilang id case. That borne out their year level. Seniors.

"Hi Ruth..." bati ng nauna. No comment ang isang kasama. He looks like he just wants to fade in the face of the earth. Sino ba sila?

Avoiding being rude, I smiled back. Hindi naman bago sa akin na binabati ng mga hindi ko kilala. We're inside the school anyway, so might as well be friendly.

Ang palakaibigan niyang mukha ay naging gaas sa pagkailang kong magtanong kung sino nga ba sila. Them approaching me made me obligate myself to know their names or find for something familiar. I think nakasalubong ko na sila sa hallway, but the probable encounter was not enough for me remember them.

Why is he talking to me, anyway? Naging ex ko ba siya?

Umupo sila sa tapat. May mga mumo pa roon at buto ng manok na iniwan ng mga naunang nag-lunch kanina. Mga seniors rin at hindi nage-english kaya nagkakasundo kami.

Hinawi ng isa ang patay na dahon ng mangga bago umupo. In his short hair, the carrot top still went unnoticed to me.

"What time will you go home later? We have a try out practice in basketball. I hope you could watch," said the friendly guy.

Tahimik si Erika sa tabi ko pero ramdam kong gusto na niya akong sundutin sa tagiliran. Namimilipit na ang mga kamay niya, e.

"I'll go home with my sister," I replied in same genial tone.

His eyes rounded with familiarity. "Oh, I know your sister. She's classmates with my sophomore brother. Suzanne, right?"

"Baka naman alam din niya ang address ng bahay niyo? Nako Ruth, panginigan ka na ng tuhod," bulong sa akin ni Erika.

Kinurot ko siya habang tinanguan ang lalakeng hindi ko pa alam ang pangalan. Pakilala kaya muna siya bago siya makipag-close sa akin?

Tinatambol nito ang mga bakanteng kamay sa konkretong mesa at hindi kumalag sa pagtitig. Ako ang unang nag-iwas nang siniko siya ng wingman niyang may dalang notebook.

This week has been uncanny for me and this guy just adds to the pile of creepiness.

"Brad, huwag ka pahalatang kausap mo iyan. Nako baka mabugbog ka."

Nagkatinginan kami ni Erika. Una siyang bumitaw at nagpanggap na walang narinig. Nag-hum pa siya ng kanta at kinuha ang El Fili book ko, mag-aaral kuno. Maniwala.

"Wala na sila ng jowa niyan kaya pwede ko nang pormahan."

Tumikhim si Erika at maingay ang banayad niyang paglilipat ng pahina. Dinugtungan niya ang drinawing kong buhok ng isa sa mga prayle sa illustration ng libro. Ginagalaw niya ang mga binti at sumagi ang sapatos niya sa paa ko.

Ningatngat ko ang aking ibabang labi. Kung makapagusap naman ang mga ito ay parang wala ako sa harap nila. Aware naman siguro silang ayaw nila iyang iparinig sa akin? So they should mind the range of their whispers.

"Tanga, hindi iyong jowa ang bubugbog sa 'yo. Kilala mo si Morales ng section F? Nanligaw diyan last year, ayun dinala raw sa likod ng first year building. Sinama pa ang kapatid na CAT officer. May pasa na sa mukha kinabukasan."

Wala akong alam sa pinag-uusapan nila kaya sa tingin ko hindi naman ako ang paksa. Assuming ka, Ruth.

"Sanchez! Lino!"

Mababalian na ako ng buto sa walang tawad na pagsiko sa akin ni Erika nang makita ang bagong dating.

In his CAT officer uniform, paired with the face that belongs to the dark and brooding side of male specie, is no other than the guy that captured my best friend's attention for years.

"Kiefer," madilim na sabi niyong kumaibigan sa akin. Tinanguan niya ito.

Kailan man ay hindi ko siya nakakalimutan dahil siya palagi ang bukambibig ni Erika na ngayo'y tila estatwa na sa kakatitig sa kanya. Dalawang apple ang magkakasya sa buka ng kanyang bibig.

Nasa balakang ni Kiefer ang mga kamay at tuwid na tuwd ang tindig habang kinunutan ng noo iyong Sanchez yata. Para bang may nagawa itong offense at siya ang batas na maghahatol dito. His grace and posture alone are dripping with authority.

Bumaba ang mga mata ko sa itim niyang nameplate.

Ortigoza. Dean's brother. But I never heard the end of the story on why they don't have any identical feature. The only common denominator they share are being gorgeous and intense.

"I heard you both. Not speaking English. Id's," utos ni Kiefer sa tinatamad niyang mga mata na tila sanay na ito sa panghuhuli ng mga rulebreakers. Ang nakalahad niyang palad ay parang nag-uutos din.

Suminghap si Erika at nilapit ang bibig sa aking tenga. "Ang hot niyang mag-demand. I'm so willing to be a sub, sir."

Pinigilan kong matawa nang lumingon si Kiefer ngunit agad ring bumagsak dahil ako ang dinapuan ng paningin niya. Pinuno ng init ang dibdib ko sa kaba. Baka ako pa ang pagbintangan na nagsabi niyon!

Ituturo ko na sana si Erika nang binalingan niya ito.

Makina ang kamay niyang tinatanggalan na yata ng balat ang aking tuhod sa gigil nitong pagyamukos. Nang ang nagpapatakbo ng makina ay kinalas ang paningin, ay siya ring pagluwang ng kamay ni Erika sa tuhod ko.

Tinusok ko siya ng ballpen. Ang sakit kaya niyon!

"One hundred push ups this Saturday." Si Kiefer nang makuha ang ID ng dalawa.

"What the—Come on, man!"

"Sabi ko sa 'yo huwag mong lapitan iyong Simeon. Damay tuloy ako."

Huli na ng ma-realize ni carrot top ang pagkakamali nito at sa harap pa ng officer. Napapikit ito at nagmura. Natawa si Kiefer dahil ibang offense na naman ang kakaharapin nila.

Sa inis ni Sanchez ay hinila na nito ang kaibigan paalis. May dumaan na carpool service at nang lumagpas ay wala na sila.

"The legendary Ruthzielle Erelah Simeon..."

Dala ko ang kunot noo nang bumaling kay Kiefer. He's as intimidating as his brother. All the more with his uniform that makes him an overqualified candidate to join the military.

And man, his stance and face could beat assholes along the way!

But what did he say? Legendary? How am I a legendary? I'm not as famed as his brother and him.

"How did you know me?" naghahamon kong tanong.

Kahit sa pagkibit balikat niya ay hindi nawawala ang kanyang postura. Malayo ito sa kaangasan ng kanyang kapatid. At ngayon lang ako natakot sa isang ngiti buong buhay ko. Dean's smiles are arrogant and crooked.

While this guy is ominous. Para bang pinapahiwatig niya na kung may nangyayari mang unos ay siya ang nagpasimuno niyon.

"Ask my brother."

At umalis na siya. Pati likod ay makikita  ang katikasan niya. May sumalubong sa kanyang kapwa officer at nagsaluduhan sila sa isa't isa.

I don't get him. Siya ang tinanong ko tapos ipapatanong niya pa sa kapatid niya? This week is just getting weirder and weirder.

"Ihh! He looked at me! Nakita mo iyon, 'di ba? Tinignan niya ako..." yugyog sa akin ni Erika.

"Ang ingay mo kasi."

Pinulot na namin ang mga gamit nang tumunog ang bell. Tuluyan na akong tinamad mag-aral pero kung iisipin kong wala akong isasagot mamaya ay binilisan ko ang mga yabag hila si Erika. Nanghiram ako ng dictionary sa kapatid ko.

Pumasa ako. I made three mistakes dahil nakalimutan ko ang meaning ng iba at mali ang sagot kong Padre Damaso. Si Erika ay nakakopya sa akin dahil seatmates lang naman kami.

"Muntik na akong mahuli ni Ginang kanina. Sinadya kong ihulog ang ballpen ko para hindi ako mahalata."

Ang tinutukoy niyang ginang ay ang matanda naming guro sa El Fili. Magaling itong nai-impersonate si Donya Victorina kasama ang kanyang dakilang abaniko.

"Tinutukan ka niya kanina, a?" ani ko.

Papunta kami ngayon sa covered court gym para sa P.E period. Nasa hulihan kami ni Erika upang hindi kami marinig na lumalabag sa rules ng eskwelahan.

Umismid si Erika at nagkibit. "Sana in-assume niya na nanlalabo ang mga mata niya. Hindi kasi siya nagsuot ng salamin."

Tinutupi ko ang manggas ng maluwang kong P.E shirt habang inaakyat ang pwesto namin sa bleachers. Nasa baba ang babae naming guro at hinintay kaming mag-settle sa aming mga upuan.

Humikab ako habang pinaglalaruan ang aking naka-ponytail na buhok. Minsan nawawalan ako ng drive na pumasok. Maybe it's true what they say about having an inspiration. I never had one inside this school ever since. Palagi naman kasing taga ibang school ang mga nakarelasyon ko.

Inspiration or motivation? Maybe both? Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa? Ano nga ba ang mas kailangan ko? Can they go with or without the other? In my sense, mas romantic pakinggan ang inspiration when motivation sounds...more determined. More hard-core.

My life doesn't have that much adventure. No thrill. I just sailed along the current of the sea. Or maybe I'm one of the currents of bodies of water. I can be flexible to any situations kasi nga, nagpapatianod lang ako sa araw-araw, ganon din sa mga sitwasyon. Sumasabay lang ako kung saan ako dadalhin ng agos.

I used to be an achiever in the hopes of having my mother back. I want her to make her come to her senses that I am a better daughter so she won't have to leave. That we are a much better family to come home to. Because people usually choose what's better or best. I had hoped that she kept the right choice. Us.

Hindi siya bumalik, so I somehow lost that motivation to excel. I went back being one with the current than the wind that directs the current.

Napaigtad ako sa tadyak sa aking likod. Kaagad nag-sorry ang aking kaklase na animo'y ginawa ng tindahan ng mga hairclips ang buhok niya sa dami ng dekorasyon sa kanyang ulo.

Tumango ako at ngumiti, nagbalik sila sa kanilang hagikhikan at tumatalon sa kanilang mga upuan.

Binalingan ko ang paksa ng kanilang mga reaksyon at nakita ang kakarating na mga fourth year students na taga ibang section. Same sched lang kami ng P.E.

Dean is there.

Looks like P.E isn't his type. Halukipkip pa lang niya at tamad na tayo ay isa nang malaking emphasis. Mukha rin siyang galing sa pagtulog.

His sand brown hair, besides it being clean cut as it is a school standard, ay pwede pa ring magulo. At ang gulo nga nito. Wala siyang pakialam kung huhusghan siya diyan o hindi. That look is even way better. He could still cut a wide swathe.

Nilinga ko si Erika na nakatingin rin sa kanila. Ewan ko lang kung sino ang tinitignan niya. I noticed two more remarkable guys in their class besides Dean. Baka isa sa kanila.

"Kilala mo?" tanong ko, tantiya kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.

I don't want to sound pathetic asking about them...or him. Gusto ko lang kilalanin ang taong bigla nalang kumausap sa akin.

Sa araw-araw ba naman na naririnig ko tungkol sa kanya, hindi ko na kailangan pang magtanong. Sa mga kuwento nila tila ba'y alam ko na ang buong talambuhay ni Dean.

But after talking to him, after those encounters, it felt like there is still something more that I need to know. Ngayon lang ako tinamaan ng kuryosidad.

Inismiran ako ni Erika. "Sinong namang hindi?"

"I mean personally."

Ilang sandali pa siyang tumitig bago nagbaba ng tingin sa kuko niya at sinuri. Like the question has been asked a thousand times before, memoryado na niya ang isasagot.

"Wilmer and Skyler are the Rivero twins. Cashiel is a horn dog. And of course, Dean. Kahit yata foot size niya alam ng lahat. Ewan ko lang kung bakit size ng paa niya ang inaalam nila."

"What?" halos matawa ako. Hindi ko alam iyon. And here I thought I already knew everything about him through word of mouth.

"And you've just met Kiefer Sylvan Ortigoza. The damn younger brother of Dean fucking Cornelius. More academically inclined than his brother who breathes music. He could play five musical instruments."

Hindi ko pinahalata ang gulat ko. I mean, I know he could but I did not expect the five. I couldn't even play a single instrument! Not being a music snob, in fact ay updated ako sa mga latest na kanta ngayon. I'm just not into rock.

But since I heard them practice, I've become a fan. Hindi na malimit ang mga tao ngayong may pakialam sa integridad ng musika. I saw integrity and rawness when they played to me in Cash's house. There's something in the way they play that drives people to them like they're personified magnets.

"What instruments?" Besides guitar, of course.

Hindi agad nakasagot ang kaibigan ko dahil sa inanunsiyo ng guro namin. Realizing that it isn't important, she turned to me. "He could play the drums, guitar, bass guitar, lead guitar, acoustic—"

"Tanga! Gitara pa rin iyon." Hinampas ko siya ng notebook sa ulo.

Natatawa siyang nagbalik at inayos ang bumuhaghag niyang buhok. "Drums, guitar, piano, keyboard, organ—"

Inirapan ko siya at dinala ang paningin kina Dean na halata ang inis habang pinapanood ang guro nilang dini-demonstrate ang stepping ng sayaw. It takes two to Tango, but it seems like he wants to Tango alone.

"Ito na, serious na." Inakbayan ako ni Erika. "Drums, guitar, piano, flute and trumpet. Kung napanood mo lang iyong tumugtog siya ng Careless Whisper? Girl, I almost had myself checked for losing my ovaries."

Natatawa kong tinulak ang mukha niya. Hindi ko mapigilang mapalingon muli sa kanila. Sa kanya. Hinihintay ko siyang magustuhan ang ginagawa ng kanilang guro. He seems to loathe dancing and I find it very entertaining.

Nanatili ang halukiphip, humilig siya sa katabing si Will na seryoso sa pag-aalam ng sayaw. He's the one who's more willing to learn than his friend.

Tinuro ni Dean ang paa ng P.E teacher nila, may tinanong kay Will, at mukhang nainis pa lalo sa sinabi ng kaibigan.Gusto kong matawa sa kanyang reaksyon. Nagkamot siya ng ulo at mas ginulo pa ang buhok.

"Sana i-merge ang dalawang section para may makapartner tayo sa kanila. Sa 'kin si Wilmer, ha?" dinig kong sabi ng kaklase ko sa likod, iyong tumadyak sa akin dahil sa kilig.

Nagtinginan kami ni Erika, walang emosyon ang aming mga mukha.

"Ang tanong, payag ba silang tayo ang makapartner nila?"

Umubo ako upang itago ang tawa. Tinapik ako ni Erika sa likod. Sinubukan naming makinig kay Ms. Belmar pero hinihila talaga ang paningin ko sa kabilang klase.

Tumalon ang puso ko nang makabanggaan ko na ng tingin si Dean. Nag-aantabay ang kanyang paningin at sinalubong ko naman. Ayaw kong magpahalata kaya tumitig rin ako. Nilakihan ko ang aking mga mata. He smirked.

Hindi ko nga lang alam kung ako ba talaga iyong dapat makatanggap ng pagtitig na iyan. I'm not the only girl in this class. Or he must probably be staring at the mango tree at the back.

Luminga ako sa katabi ni Erika at sa hanay na kasunod niya, wala naman sa kanilang nakatuon sa kabilang klase. Baka iyong tumadyak sa akin, kaya sila ang sunod kong nilingon. They're still giggling.

Pagbalik kay Dean ay nakangisi na siya, tila ba hinihintay ang kung sino mang titingin sa kanya. His left intense brow rose in a challenged. Ang antok at katamaran kanina ay burado na ng naaliw niyang ekspresyon.

Nagi-impit tili ang dalawa sa likod ko. Muli akong natadyakan. This time, hindi na niya namalayan. Baka sila talaga ang binibigyang pansin.

"Mr. Ortigoza." Tawag ng kanilang guro.

Biglang pumormal si Dean at nagseryoso. Gaya niya ang tindig ng kanyang kapatid. "Yes, ma'am?"

"Are you listening?"

Inosenteng tumango si Dean. May biglang nagtanong sa guro nila na isa sa kanyang mga kaklase. Habang sinasagot ang tanong nito'y kita ko ang lihim na paglihis ng mga mata ni Dean na pinapanatili pa rin sa harap ang ulo.

Dito siya tumingin. Pinasidahan ko ang hanay ng kaklase kong babae at inasahan silang nakatingin rin sa kanya. But they are all too focused on what Ms. Belmar said, including the girls at the back. Pati si Erika ay milagrong nakikinig.

May pagtataka kong binalikan si Dean. Sino ba talaga ang tinitignan nito?

Naatraso ang panghuhula ko nang bigla siyang kumindat.

Napamulagat ako kasabay ang pagkalat ng init sa buo kong katawan. My nerves just went into a frenzy of madness! I could feel my hair burning because of the heat!

Sa kabila ng lahat ay tinuro ko ang sarili ko, naninigurado lang.

Muling gumapang ang ngisi sa kanyang mukha at isang beses nagtaas-baba ng kilay. Lumawak ang ngisi niya pagkatapos gawin iyon!

I slack-jawed in absolute horror and shock. How am I supposed to think properly now after what he did? Ngumatal ang balikat niya tanda ng matinding kaaliwan. I could even hear him snicker from here.

Lumingon rito si Will dala ang pagtataka. Bago pa niya malaman ay umiwas na ako at binalingan si Erika na ikinabigla kong tumatango na sa sinasabi ni Ms. Belmar. Like a very behaved Ivy League student. Nakinig talaga siya, huh.

"Bakit parang hindi ko sila nakikita ni Dean na magkasama?" I resumed asking, just to pull me away from what happened.

Ngunit ang patuloy na pagpalo ng aking kaba at napapaso kong mukha at batok ay pinapanatili ako sa minutong iyon. Nagawa kong kontrolin ang mabilis na paghingal.

Napairap ako sa ere nang marinig ang tawanan ng dalawang lalake. I don't wanna look at them. I-lock mo na iyang leeg mo, Ruth.

Nagkagatla ang noo ni Erika, iniisip kung sino ang tinutukoy ko. Kumibot ang kanyang labi.

"Madalas silang mag-usap. Hindi mo lang binibigyan pansin. Actually, they're stepbrothers."

Nagsalubong ang kilay ko. "Huh?"

Tuluyan na niya akong nilingon. "You've seen the difference. Kiefer is more on the brooding side. While Dean is intense. Ilong at panga pa lang, para nang hinihiwa ang kaluluwa mo sa talas."

"How did they become stepbrothers?" I asked, ignoring her compliments about him. Alam ko na rin naman iyon.

"Dean is adopted."

That was a bomb to my ears. Hindi ko inasahan na iyon ang malalaman ko. That explains why the variation in features.

"Bakit ngayon ko lang alam ito?"

"Ngayon ka lang naman kasi nagtanong."

Nagsitayuan na ang mga kaklase namin pero kinulong pa rin ako sa mga nalaman ko. Lutang akong tumayo at bumaba sa bleachers kasama ng iba. Ni hindi ko magawang intindihin na wala si Erika sa tabi ko.

Knowing Dean's adopted somehow tugged a familiar string inside me. Bumigat ang kalooban ko. Breathing seems a heavy duty that I am in need of someone to help me pump the air in my lungs. Ang pagtayo at pagkilos ay tila nakakapagod nang gawin na gusto ko nalang umupo, magmukmok at isipin ang rason ng ibang mga magulang na iniiwan ang kanilang mga anak.

"What do we do again?" walang gana kong tanong sa kaklase. Iyan! Hindi kasi ako nakinig.

Natagpuan ko si Erika na nagpapaturo ng stepping sa class president namin, marahil pansin ang walang interes ko sa activity.

"Find a partner for Tango."

"Magta-Tango ba tayo sa prom?" wala sa sarili kong bulong.

Nilinga ko ang kabilang klase at agad siyang hinanap. Nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan habang pumapaligid sa kaniya ang mga nagtuturuan na niyang mga kaklase.

He is staring at me. I stare back.

Umihip ang hangin at humaplos ito sa kanyang buhok. His backdrop was the afternoon light shining the rays on him and all I did was stare in awe. He could grace the runway with that face, body and a little work on his laid back posture that screams rebellion and rock and roll.

Hindi ko pinag-isipan. Ningitian ko siya.

Nalaglag ang panga niya. Shock and incredibility mated on his face.

Lumingon siya sa likod, gilid at sa iba niyang mga kaklase bago ako binalikan. Tinuro niya ang kanyang sarili kasabay ang paghulma ng tanong sa mukha niya.

Lumawak ang ngisi ko at nauwi sa tahimik na hagikhik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro