Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY ONE

Nanindig ang aking balahibo nang maramdman muli ang kanyang labi. Weakness found it's footing which is now taking residence on my knees. Bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay kita ko ang labis na pamimilog ng sa kanya.

By some means, it's a shot of hope for me. Kumalabog ang puso ko. My pride crumbled only to turn into sweats.

He loudly expelled a breath that I didn't remember him sucking in. Nangunyapit ako sa kanyang braso na nararamdaman kong umiigting at mas lalong uminit. I parted my lips to have his lower one in between mine. An open kiss, for him to feel the apology from my lips. I can only hope he still wants this the same as before. And him wanting me the same...as before. 

"Mm...stop."

Ungol iyon ng pagtanggi. Hindi klaro ngunit iyon ang pagkakadinig ko. It has rasp and vehemence but not as convincing as to make me do as he say. Ni ang paghawak niya sa aking balikat upang maitulak ako ay parang balahibo lang ng manok sa gaan.

Isang diin ko ng halik sa kanya ay napadaing siya. I smiled as he groaned and answered the kiss in his lazy lips. Bumuhos ang init sa aking sistema. I could feel that seconds from now he's going to realize what he just did.

Not my pride this time. It took everything for me to let go. Singhap akong bumitaw at labag iyon sa aking kalooban.

Mukha siyang natigilan. His eyes held the same shock so as his parted lips. Humihingal siya sa kabila ng kaunting kilos niyang ginawa. Or was it his emotions that's been struggling that rendered him the look of exhaustion.

"You want me to start this Monday? I'd be in your condo at four in the morning sharp. Marcus has my number so you can ask him to text me the address. Aalis na ako. Nice meeting you again...Dean."

I walked away and was the first to
leave him this time. I hope the longevity of that kiss is enough for the apology to travel in his bloodstream until it finds his heart.

Tinawagan ko si Erika at sinabihan sa address na puntahan ng taxing sinasakyan niya. Namamanhid pa ang aking mga kamay. Sa kaunting sandali ng halik ay tila buong magdamag na sinunog ang labi ko sa panghahapdi nito.

"What the hell is that place,  Ruth? Alam mo namang maga-apat na buwan pa lang ako dito sa Manila," reklamo niya sa kabilang linya. The beeps of cars are so noisy in her background.

I sighed. It's definitely not hell but a devil is residing in it.

"Ikaw ba nagda-drive? Erika, hindi lang pagmamaneho ang halaga ng taxi driver."

Ayaw kong itapon sa kaibigan ang mga natirang frustrations ko. Gusto kong sigawan ang araw na pinapainit na rin ang aking ulo. I can't get my hanky kaya likod ng aking kamay ang pinangpunas sa pawis sa sentido at leeg.

Lumingon ako, inaasahang nakatanaw si Dean ngunit anino ng mga puting buildings ang naghaharing saksi sa aking paglabas sa gate. Cold dread poured in my system despite the heat of the sun.

Sa kabilang linya ay hindi ko matukoy ang pinaguusapan nina Erika at ng driver. He seems to know the place. Kung bakit hindi na lang kasi siya nagpahatid sa asawa niya ay hindi ko maintindihan.

"The driver knows. Malapit na lang daw kami diyan."

"Okay. Nasa labas na ako."

I held my phone after the call ended. Tinanaw ko ang kapayapaan ng daanan. I wonder how they find this place. Tama lang naman ang napili nila dahil tahimik. Mukhang deserted dahil nasa sulok na sa kabila ng nakatayong mga bahay na mukha namang walang katao-tao.

"Ano nga pala sinadya niyo kay Sir Dean ma'am?"

Nilingon ko ang guard sa biglang pagtatanong nito. Nilalaro niya ang ballpen bago pinagitna sa logbook at sinara.

"Why are you asking?" I don't mean rudeness. Curious lang ako kung bakit siya nagtanong. Ganito rin ba siya sa mga pumupunta rito?

Nagkibit siya at naningkit ang mga mata sa pagtanaw sa malayo.

"Mahirap kasing makausap iyon, ma'am. Minsan na rin ho akong napagalitan dahil nagpapasok ako ng mga tao na ayaw niyang makausap. Ganon iyon 'pag wala sa mood, e. Pero palagi naman siyang mukhang galit. Isnabero pa."

Gusto kong matawa sa saloobin niya.  Inipit ko ang aking bibig at nanahimik na lang.

Years ago, he was far as snobbish. Sa mga sinasabi ng iba tungkol sa kanya ay parang lumalayo ako sa Dean na kilala ko noon. I'm getting to know the person I used to know through other people's perspective. Being delighted to know the new him would make me delusional. Because the Dean today doesn't seem to want me anymore.

"Ewan ko ba kung bakit marami pa ring nagkakagusto sa kanya,"patuloy ng guard. "Sa bagay, malakas nga naman ang dating. Guwapo rin. Basta talaga guwapo, iyong iba wala nang pakialam sa ugali."

Ngumuso ako at tahimik na sumang-ayon. But he has to know that Dean has his good sides, too. We all have. People should also see that. But how unfortunate for some of us that the good side people want to believe only outstretches up to his looks.

Ayaw ko na ang dahilan ng pagsikat nila ay dahil sa kanilang itsura. I want them to be known because of their innate talents. At iyong mga pinagdaanan nila upang makamit ang tagumpay. We also have to appreciate the struggle because it is in the middle of making our dreams come true we realize our strengths. Kabilib bilib ang isang taong nakayanan lahat. In standing tall amidst the struggles and the messed ups, it's a beautiful thing. That is what should be the worth of appreciation and praises. Doon nasusukat ang galing. Hindi sa itsura.

"Kaano ano niyo nga pala siya ma'am?" muli niyang usisa. Hindi rin siya tsimoso, noh?

Hindi ko siya nilingon at humalukiphip. Ang tagal naman ni Erika.

"Fianceè niya ako," diretso kong sabi.

"Huh?Sure po kayo?"

Matalim ko iyang binalingan. Parang hinuhusgahan niya ako sa sinabi ko. Oh come off it! I'm no groupie who claims every handsome man as their husbands or pets or what!

May pinindot ako sa aking cellphone at hinarap sa kanya ang aking wallpaper. It's the picture of Dean and I noong prom. Don't judge me. I miss the man.

Umawang ang bibig niya at naningkit ang mga mata.

"Wow! Ang galing po ng pagkaka-photoshop."

Tangina. Ginawa pa akong sinungaling. Hindi ko mapigilang mainis!

I slide the lock and went to my photos. Naroon lahat ng pictures namin mula highschool kahit hindi na ito iyong phone na ginamit ko noon.

Sinaksak ko muli sa paningin ng guard ang screen.

"Here. We're highschool sweethearts." Confident akong ngumiti.

Nagkamot siya ng batok habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa picture.  Kumunot ang noo niya nang manatili na ang paningin sa screen.

"Ang ganda niyo rin pala noong highschool, ma'am. Pati si Sir o, gwaping din. Maangas na pala siya noon pa."

Ang papuri niya ay malayo sa gusto kong marinig. I want him to believe me! One of many things that there is to want in this world, reliance belongs to my list. Iyong hindi na nila kailangang makita at paniwalaan ka nalang dahil alam mong nagsasabi ka ng totoo. Only that it is also hard to believe something without  a proof. We always require for the support of facts in order to call it the truth. Madali rin naman kasing magsinungaling. We are all capable of twisting truths.

"Naniniwala ka na?"  tanong ko, hinahanda ang inis kapag humindi pa siya. Hindi ko siya masisi na hindi maniwala pero naiinis pa rin talaga ako!

Nagkibit balikat siya. So he's still not convinced, then.

"Ang alam ko kasing nobya ni Ser ngayon ay si Miss Jaillin. Nagpupupunta po iyon dito, e."

Inatras ako ng biglang pagpitik ng aking pulso. Marcus words echoed tungkol sa pagkaka-link umano ng kapatid nito kay Dean. Are they talking about the same girl?

"Sinong..." Halos mabulunan ako sa sariling tanong. "Where is she...?" Sa hina nito'y mukhang hindi niya narinig.

That information is a drop of alcohol in my veins. Kung sa sinabi ni Marcus ay parang wala lamang iyon sa akin, ngayong napangalanan ang babae sa tsismis ay bumabaon ang bigat ng loob at tinutulak akong maniwala. At habang papalapit ako roon ay mas lalong sumama ang aking pakiramdam.

Most rumors aren't true, I know. But how about the rest of it? This rumor may be within the rest of the rumors that are well-founded.

Hinang-hina ang mga tuhod kong nanginginig. Maingay ang labas pasok ng hangin sa aking ilong. Blanko ang mukha ng guard na nakatingin sa reaksyon ko. Nahihibangan na siguro 'to sa 'kin. 

Bago pa ako makapangusisa muli ay ang malakas na silbato ang nagpaigting sa akin.  Bumukas ang backseat door ng pumaradang taxi at binulgar si Erika. I still can't believe her fate right now.

The guard will just give me shitty answers anyway. So I'd rather find it on my own this Monday. May nakahanda na akong sagot sa tanong na nanalaytay sa mukha ni Erika habang lumalapit sa taxi.  

"Anong meron diyan?" Naiwan ang paningin niya sa pinanggalingan ko at mukhang drug den ang tingin rito.

Kinuha ko ang aking panyo at dinampi sa pawisan kong mukha at leeg. The cold dread seems to be camouflaging as tapeworms in my stomache. Hindi na malamig ang baon kong tubig nang aking ininom.

"Vinyl records."

"Holy shit! Tell me everything!"

Kahit hindi niya sabihin ay iyon naman talaga ang balak ko. I'm done keeping my problems on my own upon realizing how it is also important to have other people be aware without having to share everything. Siguro ay dahil mas napapaigting nito ang relasyon mo sa isang tao dahil sa pagtitiwalang inalay mo.

But trusting them doesn't entirely mean that I'd get the same in return, which is a palpitating case between Dean and I. Bakit ba kay hirap sa kanyang pakinggan ang panig ko? Why do I still have to go through his bullshits when it is easier for him to just listen to me then let all the hate go?

Kung hindi pa niya ako kayang pakisamahan pagkatapos ng lahat ng malalaman niya sa akin, which I'm sure by the way would still take a dire time, at least I've defended my side and were vindicated.

I filled Erika in for the whole cab ride. Hanggang sa narating namin ang napagplanuhang mall ay hindi pa ako natapos. I want to end my narration so fast dahil kita ko sa mukha niya ang mga nag-ipong tanong at saloobin. Mukhang hindi dibdib ang sasabog sa inis niya kung 'di ang papabilog niyang tiyan! Ayokong magpaanak sa gitna ng mall.

"Table for two please," aniya sa maître d'hôtel ng pinasukang restaurant.

She still looked so pissed habang sinusundan ang waitress sa aming mesa. She reminds me of a pulsing grenade!

Ako na ang nag-order ng pagkain. Erika's still not talking. Prior to early adulthood, I've never had a problem with her being mad at me. But her being in a critical stage of pregnancy has me cautious. Kaya ayaw kong maghatid ng stressful na balita sa kanya.

"Thank you. " Ngumiti ako sa server sabay balik ng menu. Kasama na rin doon ang paumanhin because my bestfriend here doesn't seem to appreciate the hospitality. 

"What the hell are you thinking, Ruth? You have the guts to tell me this at my most vulnerable state?"

Mukha siyang maiiyak sa inis. Habang ako'y nagpipigil ng tawa habang nakatitig sa kanya. She looks funny I can't help it. Tumataba na ang pisngi niya. Mas mabibigla siguro ako kung taon ang itinagal ng hindi namin pagkikita. But we meet almost everyday so her gaining of pounds is not a surprise to me.

"Sabi mo sabihin ko lahat? So I had a tell all." Nagkibit ako at kumuha ng table tissue. 

Kinuha ko ang paubos kong tubig sa bag at binasa ang tissue. I wiped my lipstick off just to re-coat it again on my lips after eating. Pinigilan ko talagang matawa kay Erika.

"You realize that you're going to bite off more than you can chew, don't you?"

"I've dealt with lives before, Erika. Making Dean's personal assistant a child's play," kampante kong sabi.

Like hell I am! I have to fake confidence until I get to believe that I have it myself.

Natitigan ko siya sa likod ng aking compact mirror sa malakas at walang kaaliw-aliw niyang tawa. I wanted to hide and deny that I know her as people turned their attention at our table.

Naputol lang ito sa pagdating ng babaeng server at naglapag ng tubig sa aming mesa. Tahimik siya sa sandaling iyon hanggang sa umalis muli ang server.

Nagbalik ako sa aking pananalamin nang humilig si Erika sa mesa at marahan pang hinampas ito. Nagbabanta ang kanyang tingin.

"Once you've had your fill of the abuse, don't call me at three in the morning bawling your eyes out. I don't think you can survive a day with him, Ruth. You're going to work for someone who is worth as much as a small city! And he's got it all sucked in his arrogant head!"

Bumagal ang pagpunas ko sa aking labi. Wala akong maiganti sa saloobin ng kaibigan. I don't want to argue since she has the right to reprimand me. At isa pa'y ayokong galitin ang buntis.

Although, I shaped an admission that Dean has his share of arrogance, but it was probably just part of his confidence that exudes naturally from him. What other people think of you doesn't define you as a whole. I know Dean...well, at least I used to.

Buntong hiningang binagsak ni Erika ang likod sa silya. She huffed, at marahas na ginulo ang kanyang bangs.

"Your uncle offered you the job at hindi mo man lang pinaabot sa taon bago ka aalis. Just to be under the mercy of a man who wouldn't appreciate your presence." She tsked.

Napanguso ako. I feel like a stubborn child being grounded to go at parties and hang out with friends. Totoo rin naman ang sinabi niya. All of us didn't see this coming so I hope Tito Nelson would understand my resignation despite it being short of a valid reason.

Diniin lang ang bigat sa dibdib ko kung ano ang ilalagay sa resignation letter. Digging for a reason is harder than I thought. At sana mapakiusapan ko na sana wala nang notice.

There'd be so many loose ends if I'd leave rightaway for Monday. Sana pala nakiusap ako kina Marcus na bigyan ako ng isang buwan bago man lang makapagsimula. I highly doubt Dean would consider, though.

"Wait!" Nakaturo sa taas ang daliri ni Erika. Parang may na-realize siya bigla.  "Aha! Pumayag ka sa offer ng uncle mo dito sa Manila dahil dito naka-base sina Dean!  Had it been in Cebu, The hell you will leave the city!"

Napailing ako saka sinara ang compact mirror. "Akala ko hindi mo na maiisip iyan." Because she hit the bull's eye reason!

Uminom ako ng tubig at pinanood siyang natigilan, ninanamnam isa-isa ang mga napagtanto niya. Kinabahan ako nang bigla siyang ngumiwi at napasapo sa kanyang tiyan. 

"Are you okay? Cramps?" tanong ko, halos tumayo upang tabihan siya.

Ngiwi siyang tumango. "Slight. Nawawala rin naman." She took a deep breath.

A slight relief, ngunit nandoon pa rin ang kaba. Malayo rin kasi ang nilakad namin at inis pa siya. But I have to assure her it's normal.

"Your uterus is expanding," I apprised her.

Sandali kaming natahimik sa pagdating ng aming pagkain. I looked at her, she looks bothered habang kinuha ang mga kubyertos kaya hindi talaga tuluyang nawaglit ang pag-aalala ko. She could still be in pain.

"Normal din iyong spotting noh? It's not painful naman kasi at saka mild lang siya.  Dang it. Nakalimutan ko na iyong pinag-aralan natin. Sabagay, hindi ko rin naman binasa iyong mga libro. Ang kapal kaya."

Natawa ako nang maalala ang college days namin. "Bumili ka pa ng libro."

"For inspection purposes. Anyways, normal iyon, 'di ba?" umaasa niyang tanong. She started eating.

"At iyon lang ang naalala mo?" bahagya akong natawa bago tinusok ang chicken meat ng aking tinidor.

Guminhawa ang aking pakiramdam sa pag-iiba namin ng topic. I needed this breather for the mean short time habang may pagkakataon pa.

"It's normal. Pwede ring...baka gusto mong magpalabas ng stomache gas. " kaswal kong sabi.

In Erika's case, sa pagyeyelo pa lang niya sa kinauupuan, hindi ito isang kaswal na usapan lang sa kanya. Pabiro kong tinakpan ang aking ilong habang ngumunguya.

Tinadyakan niya ang paa ko sa ilalim ng mesa. "My uterus is just expanding! That's it!"

Tinatakpan ko ang bibig ko habang tawang-tawa. "It's normal to fart during pregnancy, Erika. Aminin mo na kasing..."

"Ugh! We're not talking about this!"

Tumawa ako at tulad ng gusto niya ay lumiko ang usapan sa classmate namin noon dati na nakasalubong niya recently sa  pinagta-trabahuan ng kanyang asawa. She also asked me to go with her this weekend para mamili ng mga baby stuffs.

"You've got some backbone, do you?"

Kumunot ang noo ko sa pumaligid na lamig sa kanyang boses. Sounds like she's going to start another topic again.

Bumagal ang aking pagnguya. "Backbone what?"

Ngumuso siya at nagkibit. The tan lines in her shoulders were exposed dahil sa suot niyang white off-shoulder dress.

"You know...about..."

Lumunok ako at uminom ng tubig. We're back at it again. Gusto kong idaan na lang ito lahat sa biro para hindi ako masyadong ma-pressure. Alam kong aayawan lahat ang naisip ko kaya hangga't sa maari, si Erika muna ang makakaalam. I'm not in the mood to entertain more questions and explanations. It's not other people's business anyway. I hope this would be the last conversation about this topic.

"Marami-raming gatas din ang ininom ko para rito," sabi ko.

"Ugh! Nakakagigil ka talaga!" Nagdabog pa siya. "May trabaho ka na rin naman kasi, Ruth! Moving mountains for that guy is crazy! Siya, ano bang ginawa niya? After that incident with Wilmer, he's just going to believe that without hearing your side? He can't even afford to believe you while you're willing to make sacrifices for him. I can't just let this go for you! Ngayon pa lang naaawa na ako sa'yo."

Ramdam ko ang bigat sa mga salita niya. Isang buntong hininga ay hindi nagawang pagaanin ang aking loob.

I don't want anyone to worry since ako naman ang masasaktan. And the more they have to kill the worry away because once the shit hits the fan, I'm all set to receive a full package of 'I told you so's'

"I'm a fan of the band, Erika. The job is an opportunity for  me to work with them." I convinced myself. I am really a fan ngunit hindi iyon ang pinaka rason ko.

"Don't give me that shit." Maingay ang tama ng spoon sa plate niya nang binagsak. She drank her water as if to brace herself for another wave of temper.

Her hooded eyes narrowed at me in accusation. 

"You will only work as Dean's P.A. At anong fan ng banda? You know little about them. Puro Dean kaya ang laman ng search history mo. Hindi pinalagpas at binookmark pa."

Bumaba ang tingin ko sa ubos kong plato, medyo nahiya na binanggit niya pa ang tungkol doon. 

"Of course I know a little about the members," agad kong depensa sa maliit na tinig. "Then Dean...I don't want to read rumors about him with other women. Some articles about him are just annoying clickbaits."

"But by working with him, you'd get to confirm every single fucking rumor. How would like that, huh?"

Nanahimik ako, lihim na isinatinig na kung totoo man ang mga balita tungkol sa kanya, sa oras na tumungtong ako sa kanyang balwarte, all those rumors will go down the drain. I'd be the one to stop them. And those women? They  won't like me mad. Their being popular doesn't make them powerful. May mas laban pa rin talaga ang may tapang.

Mahinang ingay ang paglapag niya sa kanyang baso pagkatapos uminom.

"I have never criticized you with your decisions. You've always been my voice of reason. Until this!" dagdag ni Erika, nagdadampi ng tissue sa bibig.

I couldn't look at her straight right now. I couldn't meet anybody's eyes. Pakiramdam ko buong mundo ang ikakahiya ako. Tama nga talagang desperada ang bansag sa akin.

I could care less about that because I have already decided. Wala nang makapagpabago sa isip ko. 

"Kasalanan 'to ni Jude, e! Kung hindi ka lang nilibre ng baklitang iyon, hindi ka mapupunta sa  sitwasyon mo. Have you told him?"

As if that word is a button, kinuha ko ang cellphone sa aking bag. "Itetext ko pa."

Jude is like Erika number two. Kaya hindi na ako magtataka kung pareho lang din ang mga saloobin nila.

Jude:
I'm Dean's new P.A.

Tinabi ko sa plato ang aking cellphone. Mabilis akong umiwas dahil nanunuri pa rin ang tingin ni Erika. Is this because she's pregnant that motherly instinct and protection seems to already claim her?

"I tell you Ruth, I'm on the verge of disowning you as my best friend. Sasabihan ko rin sina Scarlet, Sean at Leroy na itangging kilala ka nila. This is not you!"

Tumawa ako. "I've had enough threats from Wilmer, Erika. So that coming from you...?" mayabang akong umiling. "Nu-uh."

Ngumiwi siya, parang maasim ang lasa ng pangalan at ininuman pa talaga ito ng tubig.

"Wilmer? What did the asshole do this time?"

Medyo napalakas ang pagkakatanong niya. People turned to us again. Hindi ako lumingon. Bahala sila. I don't want them to see my face. Si Erika naman ay inirapan sila.

"He helped me talk to him," pag-amin ko. "Siya iyong nagbigay ng address ng studio."

Sumingasing siya at kumulubot ang ilong. Inangat ang kamay sa pagtawag ng waiter. I see she's not fond of the guy, too.

Niyuko ko ang cellphone kong kumakanta. Not at all surprised to see Jude's name right after what I've just texted him.

"Hey, Jude!" pakanta kong bungad. I do this everytime he calls first kahit noon pang inaakala kong straight siya.

"Biiitch! How did it happen? Halos itakwil ka nila na parang askal noong concert!"

Kahit ubos na ang pagkain ni Erika ay ngumunguya pa rin siya habang nakatitig sa aking nakikinig kay Jude. I'm looking for a dessert in our table pero wala akong makitang ibang pagkain. Kinunutan ko siya ng noo.

"Galit ka ba dahil diyan o dahil natanggap ako? You know, makikita ko si Wilmer araw araw," pang-asar ko. Tinuro ko ang bibig ko at si Erika.

"Both." Si Jude. Naglabas si Erika ng isang pirasong Lindt chocolate at inabot sa akin.

Sa mukha pa lang niya ay parang ayaw niyang ibigay sa akin iyon.

Tumawa ako. Hindi alam kung para kanino.

"I mean, seriously.  Are you out of your mind? I saw his anger, Ruth. I'd be running for the hills if I were to be at the end of that glare! Alam kong hot ang lalakeng iyon but please, don't let his sexual charms lure you to be his slave. I won't be surprised if he fucks you seven ways to your death on a Sunday."

I tried to ignore his words pero napangiwi pa rin ako.

"Parehas lang kayo ni Erika. I'd be fine. Hindi naman ako papatayin nung tao. Para lang akong mag-aalaga ng irate na pasyente. It's like going back to the basics."

Umikot ang mga mata ni Erika at buong sinubo ang chocolate na tinanggihan ko. See? Wala siyang balak ibigay iyon kung hindi ko siya napansin!

"Hmm...fine. Hindi mo naman siguro ilalagay ang sarili mo sa isang sitwasyon kung alam mong hindi mo kaya. That's how I know you, Ruthzielle. I hope that didn't change."

Sa seryosong tono at pag-aalala niya ay inawat ko ang sariling magbiro. Jude may be gay but he's a decent one. He still prefers to wear pants in lieu of dresses. He doesn't try to look like a woman but he likes men. And when he's serious, a single joke wouldn't be welcomed.

"No...hindi iyon nagbago. I know what I'm doing." It's an empty statement.

I gained friends in college. Hindi na  limitado sa isa o dalawang malapit na kaibigan ang nagawa ko. I realized that caged myself  too much in my own world that I wasn't able to explore other options. The social life that I'd thrown myself  in during those days became my escape from the what if's and should have's that jailed me to my own world.

Wala sa mga panahong iyon ang hindi ko naisip si Dean. I wondered how was he on the other side of the world? The women he dated. How was he as a student? Did he try to learn Spanish? Would he sing me a Spanish song? Mas kinakamusta ko siya sa isip ko kesa sa isipin ang galit niya sa 'kin. 

With the distance alongside with hate and love, I learned to accept this kind of love. To love from afar. To love someone whose holding you in contempt. To love someone despite the uncertainties. For the first time, I am willing to receive an unrequited affection. Dati'y limitado lang ang aking konsepto pero dahil sa karanasan ko, natanto ko ang lubos na pagmamahal ko sa kanya. Dahil wala akong hinihinging kapalit.  That's something extraordinary, isn't it? Iyong makita mo lang siya, sapat na. Hindi na niya kailangang mahalin ako ulit dahil kahit sa minsang pagkakataon ay naranasan ko ang mahalin niya. I could still remember how it feels to be loved by him.

All I do want right now is his forgiveness.

Which makes me think...minahal ko ba talaga ang mga taong nakapaligid sa 'kin noon? Si mama? Because i still hate her thinking that she never loved us because she never came back.

Ngunit sa kabila ng pagtanggap, hindi pa rin natin maiiwasang ihiling na maibalik ang lahat. Maibalik ang dati.

"We should have bonded often kung alam ko lang na ito ang mangyayari. Dean's demands I'm sure is going to strain your social life."

Balak pa sana naming ikutin ni Erika ang buong mall. I refused. The pain in her stomache turned constant and even if it is only a mild cramping, prevention is still better  than cure. 

Umisa kami sa linya ng mga naga-abang ng taxi. "Bawal din sa'yo ang lumalabas masyado, Erika. You're pregnant. Dapat nagbe-bedrest ka lang."

"Bed rest my ass. Tataba ako."

Pinasidahan ko siya. "Tumaba ka na kaya."

Tawa ang ganti ko sa masama niyang tingin. Nang makauwi ay matagal kong pinagisipan ang isusulat ko sa resignation letter. Pero mas mainam na kausapin ko muna si tito Nelson ukol rito. Inasikaso ko na agad nang araw na iyon.

"Alam na ba 'to ni kuya Ralph? Why do you want to resign, Ruth?"

The silent accusation from tito's tone is so audible to me. Mas lalong ayaw kong sabihin ang totoo. Tito Nelson is somewhat tita B's male counterpart. 

"Saan ba ang trabaho mo na iyan? Is that even legit?  Where will you stay?" dagdag pa niya bago pa ako makaisip ng sagot.

Manila. Yes. I don't know...lumukob ang lamig sa tiyan ko sa huling tanong. Hindi ko man lang iyon napag-ukulan ng pansin.

I adjusted from my seat. Hindi man makakatulong ay tumingin pa rin ako sa paligid, probably just a normal reaction of reflexes. My cousins haven't arrived from their school yet. Si Tita Athena lang ang nandito sa bahay at ang bunso nilang anak na nanonood ng cartoons tungkol sa ipis. 

"Sa Lunes na po ako magsisimula." Sadya kong paglayo ng sagot sa kanyang tanong. 

"Ba't ang bilis naman yata? When did you apply for this job, Ruth?"

Napakagat ako sa aking labi habang tahimik na dumadaing. Isa ito sa mga ayaw kong sagutin. Just let me go, tito please.

"Uhm, hindi naman po masyadong matagal. " Isang araw nga lang, e. "I'd be a personal assistant..." Hindi ko na dinugtungan.

Matagal siyang nag-isip. Tumatango, tapos kumunot ang noo at tumango ulit. Siguro ayaw na rin niyang ma-stress sa mga malalaman niya kaya tumahan na sa pang-usisa.

Kinuha niya ang resignation letter sa glass table na namagitan sa amin at tahimik itong binabasa. 

"Is this what you really want to do all along, Ruthzielle? Ang maging assistant? You know I could have  just trained you since pwede na rin namang umalis si Jenika bilang assistant ko."

Hmm...your daughter would have been so happy hearing this news, tito Nelson. She hates your assistant like cancer. 

"And ah, iyong condo ni Chuck na malapit sa UST, you can stay there kung wala kang matutuluyan."

Namilog ang mga mata ko. How I would love to but...ayoko namang abusuhin 'tong kabaitan ni tito. Aalis na nga ako sa kompanya niya, patitirahin pa niya ako sa condo ng anak niya. It's too much I can't take it.

Pero sa huli ay nakumbinse niya akong doon pansamantalang manuluyan. My cousin Chuck agreed nang tinawagan nang araw na iyon. Naguumapaw na talaga ang hiya ko na imbes na magpahatid ako sa driver niya sa Lunes ay hindi ko na lang tinuloy.

Ngunit iyon din naman ang nangyari dahil pinasabay na ako ng pinsan ko sa pagbalik niya sa kanyang condo Linggo ng hapon.

"Eight o'clock, tomorrow."

"Eight?" Natigil ako sa paglalabas ng mga damit galing sa luggage . "Sabi ni Dean alas kuwatro."

"Oh and you believed him?" Hindi makapaniwalang tawa ni Marcus sa kabilang linya. The noisy music in the background told me he's in the studio. "He's just provoking you. Everybody knows Dean's ass doesn't wake until ten o'clock."

"Ah, okay." Nagbalik ako sa ginagawa.

"At saka baka puyat iyon marahil paggising. He flew to Cebu last night to check the art album made by their friend. Baka sa ngayong gabi o Lunes ng madaling araw pa ang uwi niyon so...yeah, he'd be pretty worn out so expect for the attitude."

"Maaga akong pupunta para ihanda siya ng breakfast."

"Whatever you want. You're the boss."

I am a woman of my words. Dahil eksaktong alas siyete y-media nang umaga pagtuntong ng Lunes ay nasa harap na ako ng kanyang room na nasa pinakadulo ng hallway.

Muli kong sinulyapan ang text ni Marcus kagabi. Ang address at ang room number ni Dean. Kung bakit hindi ako kinabahan ay wala rin akong makuhang paliwanag. What I have are sets of maybes. Siguro dahil hindi ito ang unang paghaharap namin, o sanay na ako, o baka wala naman talagang dapat ikatakot. Not all threats are that scary.

O siguro ay paparating pa lang. Baka doon pa ako tatamaan ng kaba sa oras na makatanggap ako ng masasakit na salita mula sa kanya.

Without having the need to, I adjusted the chain strap of my clutch bag. Pinuno ko nang hangin ang dibdib at pinindot ang door bell.

Muling hinga nang malalim. I'm not on edge. No, not at all. But my heart felt so heavy.

Papahulog pa lang ako sa pagkakatunganga ay tumunog ang door knob at maingat na bumukas ang pinto.

The impact of the opening of the door had the air brushed against me. Maliban sa lamig na mula sa loob, sumugod sa aking ilong ang hindi pamilyar ngunit mabangong panlalakeng amoy.

Busangot na mukha ni Dean ang bumungad. Humakbang siya at humilig sa pintuan. Kalahating hakbang ang aking inatras.

He's occupying the whole doorway as if claiming his property. Nakataas ang isang braso niya na nakatukod sa pintuan. That tribal tattoo in his biceps stretches. His other hand is lightly scratching his chin, making me notice his newly shaved jaw where I could still sight a light shadow.

Mas naging madepina iyon. At kung pupurihin ko pa siya nang husto ay baka humandusay na ako sa harap niya.

The way he stares at me trampled my practiced confidence. Mas lalo lang itong nalibing nang napagtantong bagong gising siya. Hair's a gorgeous all-around-the place-mess I almost couldn't take my eyes off from it.

I tried not to look down at his naked and very toned tattooed chest and abdominals na inaakala kong hanggang sa Google images ko lang matitigan ng personal, libre at palihim. Hindi ko kailangan ng pruweba na hindi iyon photoshop. Every fucking thing about him is raw and real.

Ang ekspresyon ng mukha niya ay parang naka-default na maging seryoso. Walang pinagkaiba sa noong unang dalawang beses na paghaharap namin muli.

His eyes are a bit bloodshot and heavy. Namumungay ang mga ito sa antok ngunit sinusubukang maging galit at ma-otoridad.

And oh God, his manly sent is so hypnotizing that makes me want to be his slave for life.

I'll get used to this. I should make that as my rule.

"G-good morning!" Masigla kong bati. Ngumiti ako.

Kumunot ang noo niya bago sarkastikong inangat ang isang kilay. His smirk is humorless. Tila nagbabanta na hinaluan nang panunuya.

"Come in."

His stone cold raspy voice stiffened my spine. Napatuwid nito ang aking likod. Lumawak pa ang ngisi niya sa nakitang reaksyon ko bago tumalikod at iniwang bukas ang pinto.

At least, hindi niya ako binagsakan ng pinto. I went in and I closed the door behind me myself. Binalot na ako ng lamig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro