THIRTY FIVE
My father went into a coma due to cardiac arrest. Naging tahanan ko ang ospital sa loob ng isang buwan. It was too sudden that I went as close as being depressed that I almost forgo college. It was so easy for me to give up everything because that's what I always do. It was the easiest to do. To do nothing. To run away. To leave.
Sa kalagitnaan ng pagdedesisiyon ko noong umalis ay pinaalalahanan ako na paano na kung wala ako? With my gestating sister, I'd thought that I have to hold myself for them. Kaya kung ano man ang naisipian kong bitawan ay siya nang kinakapitan ko.Through my college friends I tried to shy away from my problems. Occasional parties, flings and some boyfriends, a little bit of studying all compressed into one being an outlet.
But no matter how many people surrounded me, with sweating, moving bodies one night under the blinding lazer lights, a problem always makes me feel I'm alone.
They all flashed like several sunrises before my eyes. Habang nagpupuyos pa sa galit at mabilis ang mga hakbang palayo roon, iyon ang umangkin sa aking alaala. That state of being alone faired to this kind. This happens to be a déjà vu of being in solitary.
Pumapanaog pa lang ako sa hagdan ay may humigit sa aking braso't muntik ko pang ikinaakyat ng isang baitang sa kabiglaan nito at lakas.
Wilmer's unreadable composure surprised me a bit. He caught me when I almost stumble. Pumalatak siya habang inaayos ako ng tayo.
Sumasakit lalo ang ulo ko. Wala na akong maintindihan at tanging paghingal ang lumalabas sa aking bibig sa halip na boses ng mga katanungan. My throat felt so painful and dry from the threatening sob.
"Alam mong..."I choked. Huminga ako nang malalim. "Alam mong..."
Lalong nagliyab ang aking mga hingal nang may napagtanto. Lumukot ang aking mukha sa subok pagpigil ng hikbi. Nanginig ang aking kalamnan. Dean wasn't even able to keep it a secret the way I expected him to. Ni hindi ko sinabihan si Erika tapos...siya...God! Why? Did I love the wrong man?
"Tita Elle's your mother. Jaillin's your half sister. Yes, I know," mahinahon ngunit malamig na kumpirma ni Wilmer.
"It's Jillian..." hindi makapaniwala kong anas, tila ba panaginip lahat ng nakita ko kanina.
"Whatever. Basta siya."
Mariin akong pumikit at iyon agad ang naglalaro na imahe sa dilim. Her hand on him, intertwined. A kiss in his cheek from a renegade's lips. Painted in pink. Modified beauty masks with innocence.
Nanginginig ako sa paghiling na sana bangungot lang iyon. Please someone wake me up. How did this happen? How come? Sa dinami daming mundo na maaari kaming magtagpo muli, dito pa?Sa ganitong paraan. Sa harap ng taong pinagkakatiwalaan ko. Ayaw ko nang mag-isip dahil wala na akong maintindihan.
"Dean told you..." I breathed the words. The heavy weight in my chest pulled my strength, banning me to speak through exhaustion.
"Hindi na importante kung sino ang nagsabi. You see why only half of me wanted you to do this?"
My brain power's astray for me to analyze anything. Umiling na lang ako at nagbaba ng tingin. Sumusuko at pagod na pagod na walang kinalaman sa mga ginawa ko buong araw.
"Uuwi na ako. Pakisabi na lang sa kanila—"
"Ruthzielle!"
Lakad takbo si Marcus papunta rito na umiigting sa kalituhan ang mukha. I forgot about him for a minute. Ngayong nakikita ko na siya ay binuhay ang sama ng loob ko ng pangangapa ko ng sagot.
"Alam mo ang tungkol dito, Marcus?" Tumaas ang boses ko.
Tila suntok sa kamao ang aking tanong nang siya'y huminto. The stain of confusion a while ago now became drops.
"Ha? Anong alam? I'm here to bring you back there. Bigla ka nalang tumakbo!"
"He doesn't know anything." si Wilmer.
Naparolyo ako sa mga mata ko. Of course! What do you expect Ruth? That at last she has already opened up about you? That she has finally acknowledged her other first two offsprings? Her previous husband? Probably even in my father's grave, she'd keep her lips fucking sealed while dancing in his tomb.
"What is happening? Why did you walk out? Anong alam ko? I don't..."
"Uuwi na ako,"wala sa sarili kong sabi at tinalikuran sila.
"But..."
"Ihahatid ko siya. Go back there Marcus."
"But—"
"I'm going to drive her home. Keys."
Huminto ako at nilingon sila. Nag-aabang na ang nakabukas na palad ni Wilmer. Marcus is digging his pocket for the keys. Ang mukha niyang nahihirapan ay hindi ko alam kung dahil ba sa pakikibaka niyang bunutin ang susi sa masikip niyang bulsa o dahil sa walang nakuhang matinong sagot.
I can't find myself to resist Wilmer's offer. Hindi ko na inalam kung bakit niya ito ginagawa basta gusto ko nang umuwi at siya lang ang pwedeng maghatid sa akin. Ayaw kong magtagal doon kung nasaan sila. Or maybe I should just go back to Cebu but in this state of mind, to make rash decisions is critical.
"This needs to be fucking discussed tomorrow," Marcus muttered while still struggling for the keys.
"Hindi ako papasok bukas."
"What?!" Natigil siya sa pagbunot sa susi.
"Hindi siya papasok bukas. Now let us go so she can go home. Hurry, the keys!" Wilmer's impatience is solid.
"I'm still your manager, young man!" One pull then he handed the keys to Wilmer with sheer annoyance.
"Look, your mother's back so I don't think this still covers your concern..."
"I'd still be handling you. Magfo-focus si mommy kay Jaillin, so I have you alone. Now tell me what is happening!"
Wala akong makapang paraan kung paano ilingan ang hinihinging sagot ni Marcus. Someone owed him an explanation and clearly, that won't be coming from me.
"Go ask your mom,"si Wilmer. "Maybe she can tell you."
Sa kumakalansing na susi ay nagpatiuna siya sa pagbaba ng hagdan. Kaagad akong sumunod bago pa ako madakip ng mga karagdagang tanong ni Marcus. That's better actually. To ask his mother.
Sa humilang mga taon ay hindi kailanlman bumisita sa isip kong magkita ulit kami. I was so sure for Dean but not her. Akala ko huli na noong pagtatapos ko sa highschool. I don't understand why there's still a need for us to meet again. We had drawn the curtain on closure the day she denied us.
Her being here reminded me of those many times that she weren't. Her absence composes the majority of my whole life. We never needed her. There might be those situations where we thought we do, but at the end we're able to survive sans a mother. We're much better without her.
Ngunit naisip ko rin na kung magpapatuloy 'tong galit ko, may magbabago ba? Hate her or not, damaged has been done. We cannot undo the things that has already passed. To ask for a bargain that you would do good in exchange of what you want is not how I can see this going. Good or bad, we all go through this.
Is this the same with Dean? It took so long for me to find absolution towards my mother. At hanggang hindi ko siya napapatawad ay siguro hindi ko rin ito makukuha mula kay Dean. It's not that he's intended it that way. Unless I can forgive, maybe that would be the time for me to be forgiven.
I don't think that's a probable future for now. Lalo na't sa tuwing bumabalik ang imahe sa isip ko'y mas lumalayo lamang ako sa dapat kong gawin. Maybe by this time, I felt nothing towards my mother. Maybe I can already treat her with utter casualty. Baka lumipat na sa ibang kaluluwa ang galit kong ilang taong namugad sa kanya.
Huminto ang kotse at nakita kong nasa tapat na kami ng condo building ng pinsan ko.
"Thank you..." mahinang sambit ko kay Wilmer. Nahagip ko pa ang tipid niyang tango bago ako umibis ng sasakyan.
Sa hallway pa lang ay dina-dial ko na ang numero ni Erika. I suddenly feel like doing something right now and I need her company. I hope she's not busy.
"Hey! How's the rocker's assistant?"Bungad niya, umingit ang kung ano mang inuupuan kasabay ang isang buntong hininga.
"Busy ka?"tanong ko at binuksan ang pinto. It's expected that no one's around since gabi pa ang uwi ni Chuck.
"Hindi. Bored nga ako, e. I wanna eat ice cream pero wala akong mautusan dito. All the maids banned me from eating foods that's against my husband's menu!"
Ayaw kong i-acknowledge ang tuwa ko sa sinabi niya. Kung maga-aya man ako ng gala, gusto ko nababagot ang isasama ko para hindi ako ma-guilty at pareho naming ibubuhos ang sama ng loob sa paglalakwatsa.. This is a good timing for me to steal her from her home and boredom.
"Gala tayo, my treat!"
Kumunot ang noo ko sa pananahimik niya. Bumagsakk ako sa sofa at hinubad ang aking pumps. Minamasahe ko ang aking paa at sinandal ang likod sa backrest. I feel tired but I know I won't be able to have a wink of sleep.
"Sa tuwing nanlilibre ka, alam kong may problema. Iyong nanlibre kang wala kang problema, hindi pa naman nangyari iyon."
Pinag-isip pa talaga ako ni Erika nito. Ganon ba talaga ako? May mga bagay nga talaga siguro hindi ko alam tungkol sa sarili ko na bukas naman sa ibang tao. That closed window to myself is open for other people to see.
Wala sa sariling napasuklay ako sa aking buhok. The locks ran softly against my fingers but then that image of light brown hair flashed like it intended to blind me for life. Sumiklab ang init sa dibdib ko.
"Can you drive? I'm in Chuck's condo here in Quezon."
"So may problema nga?"
"I'll fill you in later."
Pagkababa ng tawag ay dumiretso na ako sa banyo at naligo. If only a single shower could wash my worries away. If only my worries were just made of dust particles then it would be so easy for them wane through soap and water. If only most things were just so easy to solve. Iyon pang mga hindi nakikitang bagay ang mahirap solusyunan. Mahirap kontrolin.
Why can't forgiveness be just a material thing that you can give? Why can't hate be just a trash that you can easily burn? I made my pride an endless supply of water that I drink all the time.Nilunok ko na't lahat lahat pero ayaw ko pa ring umalis.
Nagbihis na ako ng bagong damit pagkatapos. I feel fresh, physically. Internally, I'm not anywhere near as rejuvinated. Hindi na ako nag abalang mag pumps dahil sumakit ang paa ko. My white stan smith made my feet comfortable.
"Akala ko ba kakain tayo ng ice cream? Kaya nga ako sumama para kumain. Noong isang araw pa ako naglilihi."
Hinayaan ko si Erika sa kanyang mga reklamo habang naglalakad kami sa gitna ng mall. Kahit sirang sira na ang mukha niya sa pagprotesta at dumadagdag niyang timbang, she still looks so pretty and youthful. Mukhang bumata itong tignan nang nadagdagan ang laman.
"Kakain tayo mamaya, tiisin mo muna cravings mo. Kumain ka naman sa kotse kanina, e."
She drove all the way to my cousin's condo, at ako naman ang ng-drive papunta dito sa mall. All she did was eat the whole ride!
Tumipid ang mga hakbang ko nang binasa ang pangalan ng salon na nadaanan namin. Sumunod si Erika at nilakasan ang boses sa pagbabasa niyon. Hindi pa siya tapos ay hinila ko siya papasok sa loob.
"Magpapakulay ka ba? Magpapagupit?"
Sabay ang pagbati sa amin ng mga empleyado. Sinalubong kami ng bakla na mukhang mas marami pa yatang pag-aaring make up kesa sa akin.
"Hair cut," sabi ko sabay gala ng paningin. Dalawa na lang ang bakante at karamihan sa mga narito'y mga babaeng nagpapakulay at rebond.
"Kayo rin po, ma'am?"
Hinila ako nito kay Erika at naabutan siyang umiling.
"Siya lang."
"Okay po. Dito po tayo, ma'am..."
Sinundan ko siya sa aking uupuan. Bago napaupo ay nalingunan ko pa ang babae sa tabi na nakapikit habang kinukulayan ang buhok. Nang makaupo na'y kita ko sa salamin si Erika na kumukuha ng magazine at dinala ang silyang hinila sa tabi ko.
"Dito ako, a? Buntis ako kaya i-consider niyo."
Pinandilatan ko siya at halos isatinig ang pagsita. Ngumuso lang ito at padabog na umupo sabay bukas ng magazine. Buti nga't tumawa lang iyong bakla na hinahawakan na ang buhok ko.
"Anong gupit po ang gusto niyo? Sayang naman 'tong buhok niyo, ang lambot. Napakadulas pa. Palagi po ba kayong nagpapa-treatment?" tanong nito sabay tingin sa akin sa salamin.
"Oo nga. Why do you want a haircut?" si Erika na mukhang nakalimutan na ang ice cream nang nahawakan ang aking buhok.
Huminga ako nang malalim at tinignan ang sarili sa salamin, pati na ang kamay'ng naghuhuling haplos sa aking buhok bago ito kitilan ng hibla. I 've always been meaning to cut my hair. Ngayon lang ako nagkaroon ng nagliliyab na dahilan.
"You've been earning offers for shampoo commercials with this hair, Ruth. But all you did was close every door of opportunity. Kahit isang offer lang hindi mo pinagbigyan."
Napansin ko ang tagagupit na mukhang iiyak nang marinig ang sinabi ni Erika. I bet he'd sell a kidney for that opportunity.
Umirap ako sa hangin nang maalala ang aking dahilan.
"Ayokong may kahawig akong buhok. I want to cut it short," determinado kong anas.
Huminga nang malalim ang bakla at tila tutang hinihimas himas ang aking buhok.
"How short po, ma'am?"May nabosesan akong panghihinayang. "Pwede namang mid-length lang kasi sayang...ang ganda po talaga ng buhok niyo, eh."
Sinasabi niya ito habang naghahanap nag magazine at inabot sa 'kin. Puro mga amerikanang may iba't ibang style ng buhok.
I don't need to choose because I had already decided. Mahinahon kong binaba ang magazine sa harap ko.
"Gawin mong kasing ikli ng pasensiya ko.Hanggang batok."
Hindi napigilan ng baklang mapahagikhik. Si Erika ay nagulat, umawang ang bibig.
"Oh no, Ruthzielle."
"Hmm...since wavy ang buhok niyo, why not make this a wavy inverted bob?" The haircutter suggested. Nakikitaan ko siyang may magandang plano.
"What's that?"
" Style po ng buhok. Ganito po."
Kinuha niya ang magazine na nilapag ko at naglipat ng ilang pages. Pinakita niya sa akin ang sinasabi niya. Napanguso ako habang tinatanaw ang sarili sa isip ang ganitong moda. With my natural wavy hair, I'm sure hindi na kailangang plantsahin ang buhok ko para lang ma-achieve ang ganitong alon ng hibla. All it has to be done is chop the locks and angle the ends.
Dahan dahan akong tumango. A spark of anticipation ignited in my chest. Pansamantalang natabunan ang pangyayari kanina dahil sa excitement.
"I like it." Pinakita ko ito kay Erika. "Bagay sa 'kin noh?"
Busangot ang mukha niya nang ako'y tinignan bago ang magazine. Tumulis ang kanyang nguso bago tumango nang mabagal.
Humagikhik ako at tinuro ang picture. "Sige, gusto ko nang ganito."
"How about the color ma'am? Maganda kung ombre or, we'll put some highlights."
Isang balikat ang aking inangat. "Anything that suits me. Basta walang light brown."
Masiglang tumango ang bakla bago lumisan para kumuha ng mga gamit. I could sense my bestfriends's curious stare at me. Hindi muna ako lumingon at pinag-isipan pa ang pag-amin ko sa kanya.
It's not that I don't trust Erika the reason why I haven't told her about my mother and Jillian. It wasn't the kind of talking point that I want to open up. I had no intention of letting anybody know .Nagkataon lang na nalaman ni Dean iyon noon. And the way our mother accredited us, I want that subject to be treated the same. Inconsequential.
"Sa ilang taon nating pagkakaibigan nilihim mo sa'kin 'to? Our friendship went beyond seven years! May anniversary pa tayo tapos...my God! I feel betrayed."
Sinundot ko siya sa tagiliran sa kanyang pagdadrama. Hindi ko alam kung parte pa ba iyan ng pregnancy hormones niya.
Sa buong magdamag na ginugupitan ako ay ito lang ang nagiging usapan namin. We kept our voices low. Baka kilala ng mga tao rito ang pinaguusapan namin. Mga bakla pa naman karamihan dito.
"Papasikat pa lang siya actually. A newly debuted talent from Star Magic but she has already been performing on stage with other young stars. Ang mga ka-batch niya ay nagsisimula na ring gumawa ng pangalan. So she's Jaillin now, huh? Iyong inaway ni Sue dati?"
Tumango ako. "Napanood mo siya sa tv?"
Umikot ang mga mata niya. "Paanong hindi ko mapanood eh iyon ang ginagawa ko buong araw. Everyday! Manood ng tv, kumain, matulog. See why I gain weight? Kulang na lang maging sofa na rin ako dahil panay dikit ng pwet ko do'n."
I laughed a bit. Somehow this is a good distraction. Ayaw kong isipin na ginamit ko ang presensiya ng kaibigan ko upang ialis ako sa kulungan ng aking poot. Maybe I should just not think about it. Hindi rin naman siguro ganito ang iniisip ni Erika. Pagkain ang nasa isip niya.
"Figures, though," aniya. Sa magazine ang mga mata niya but I know she's into the conversation. "When I saw her dancing for the first time in a noontime show, I was like...'she reminds me of a bitch I know!' Nagparetoke siya?"
Nagkibit ako. "Feeling ko lang. Tumangos kasi ang ilong. Nagkadibdib. I think she's wearing fake lashes and contact lenses. Gumanda siya pero...meh." I crinkled my nose.
Biglang sinara ni Erika ang magazine at tuluyan na akong nilingon. Kumunot ang noo ko sa salamin kung saan ko inaabangan ang sasabihin niya. The way she looks at me is as if she's going to shot me a dart and I'm the dartboard.
"You're not the type of person who I could peg as insecure, Ruth. You are never insecure so..."Nag-angat siya ng kilay.
Pagak akong tumawa "Bakit ako mai-insecure sa babaeng retokada? Look at me, may dapat ba akong ika-insecure?"
Kita ko ang pagngiti ng bakla na patuloy sa pagkitil sa kalahating buhay ng aking buhok. I sensed that he's with me on this.
I looked down to witness the locks of my hair that smoothly fell on the tiled floor, begging to be saved and get connected to the lifeline of my hair again. Ba't kasi may nanggaya. Ayan tuloy.
Kung pwede lang kasing dali ng pagputol ng buhok ang pagputol ng ugnayan...
"Is she Dean's girlfriend or..."
Ramdam ko ang halos pagtigil ng tagagupit. Siya ang unang umiwas nang magtagpo ang aming tingin. Walang gulat akong makakapa kung kilala man nito si Dean. Wala pa naman akong nakikilalang bakla na mahilig sa rock, so probably they like him but not his music.
"I have yet to confirm. Si Jillian lang naman ang humawak sa kamay niya. I didn't see Dean hold it back. If he did, maybe he was only compelled to do so. It was more like she was pushing her fake self to him. Hah!"
Hindi ko alam kung kailan bumugso 'tong inis ko sa babaeng iyon. A force was pushing me to not like her during highschool. Naisip ko na baka dahil anak siya ng babaeng hindi kami pinili para sa kanila. I thought it was a pale, incompetent reason so I reigned myself in. May nararamdaman pa rin naman akong pagaalala sa bata kaya iyon ang pinagtuunan ko.
Not until a while ago. Maybe because right off the bat I knew all along. Her clandestine glances at Dean that I chose to overlook. Sa tuwing magkasama kami ay hindi ako ang tinitignan niya kung 'di ang lalakeng kapiling ko!
Then what? Dean and the band became a big name in the music industry so she utilized her father's influence as the network company owner to let her in to stardom just to get close to him!
Together with Madam Vee's words, the long buried strings of observation surfaced out in order to shape this conclusion. Ngayon ko napagtagpi lahat.
"It could be that you're making Dean as your purpose even when he's not."
Nabalingan ko si Erika sa kanyang pagsasalita. Kinabahan ako sa seryoso niyang mukha. She's always been a whiner and playful. Minsan lang 'to magseryoso. When she does, she means business.
"Nagbago na iyong tao, Ruth. It's been seven years. Marahil binago rin ng kasikatan. What you have right now might be just a pseudo-purpose. Dahil nakikita mong may kailangan ka pang ayusin sa kanya. But that's pointless now. It was just to lead you on to something that isn't really what you need to do."
Kumunot ang noo ko. "Pointless in what way? I always know what I want Erika."
Inikot na niya ang katawan upang tuluyan akong maharap. Saglit niyang binalingan ang tagagupit na umalis para kunin ang hair dye. Her eyes told me to listen to her or she'll freak out.
"Him and Wilmer are now in good terms despite what he did. Obviously, he has explained his side and it is to follow that he also knew that you have nothing to do with that incident. How was it possible that he treated you differently? Dahil lang sa inaakala niyang hindi mo pagsipot sa kasal? Eh, tanga siya hindi ka niya hinintay!"
Tinitigan ko ang magazine sa harap ko. Ewan ko ba kung bakit kapag ibang tao ang pinagsasalitaan siya ng hindi maganda, kahit gaano man ito ka-totoo ay nasasaktan ako. Gusto kong itanggi na ganoon siya. Pero kung ako iyong magto-talk shit sa kanya ay parang wala lang sa akin.
"Hindi sa nega ako ha? Siguro wala na talaga iyong dating Dean. That immature highschool boy way back who saw your future as his wife. A struggling musician who dreamt of having a family with you. And up to this point he is still that immature boy."
May panunumbat sa tono niya. Hindi siya nag-iwas kahit nakabalik na iyong bakla upang kulayan naman ang aking buhok.
"Hindi niya maintindihan na kailangn idaan sa usapan ang mga bagay at hindi sa agarang konklusyon. Why are you even so moonstruck over him? You're Ruthzielle Erelah Simeon! You don't pursue boys. They've always been the ones who tail on your tracks. Go look for a man, Ruth. Not chase after a boy. Not like this."
Wala akong maitagpo sa sinabi niya. The more I think about it, the more they sink in deeper for me to believe. But no matter how we believe the words. we always defy the truth in order to seek the other truth. The hope that you want to be the reality. The hope that you're trying to prove.
After all, it's no use. I still won't entertain the advices. Yes, I am that stubborn.
"Ano pa ba ang kailangan niyang gawin sa 'yo para umalis ka na doon? Don't wait 'til the situation's provoked, Ruth."
Huminga ako nang malalim. Inignora ang panunuot ng hapdi ng kemikal sa aking anit. "I've just started, Erika. Wala pa akong isang buwan."
"Do you have a dead cell in your brain para maging ganyan ka kamanhid?The asshole is being insensitive letting those people who almost ruined you get close to him. Can we call it a small world? A coincidence? Yes we can! Pero pwede rin nating sabihin na sinadya niya. He knew how much you'd hurt and hate seeing her. That ruthless man's torturing you without being physical."
It suddenly struck me now that she has mentioned it. Maaari nga kayang ganoon? Ano ba talagang ginawa ko sa'yo Dean upang kamuhian mo ako nang ganito? If you'd only just tell me then I'd leave.
But then maybe you won't so I won't see out. And there would me more chances for you to torture me more and more. I see where you're going now. May planong kumukulo diyan sa utak mo, Dean.
"Ako ang na-stress. Mapapaanak pa ako nang wala sa oras. Maging premature pa 'tong inaanak mo. What would it take for you to leave, huh?"
"Siguro hanggang sa maubos ako. Hanggang sa wala na akong mararamdaman para sa kanya," wala sa sarili kong sabi. Nanghihina sa mga naiisip.
"Fuck. Isang beses ka ngang magmahal, buwis buhay naman. Martyr, Ruth? Hindi ko sasambahin ang rebulto mo uy! Kung ano ang ikinaganda mo, iyan naman ang ikinatanga't desperada mo."
Kulang na lang ihampas na niya sa akin ang magazine na hawak niya. I know, Erika. I know.
"Nako ma'am, pagkatapos makita ni boylet 'tong bagong hairstyle mo ay baka lumuhod pa iyon sa harap mo!" sabat ng bakla.
"Hah! Sana nga!" si Erika at pinitik pa ang mga daliri. "At kung ganon man, huwag mong patayuin agad, Ruth ha? Pahabulin mo si Dean sa 'yo habang nakaluhod siya! Bigyan mo pa ng rosaryo."
Doon ko na gustong tuldukan ang topic. I don't want another discussion about the reason why I'm here. Kaya habang nagkakasundo na ng tsismisan sina Erika at ang hairdresser ko ay nag iisip ako ng bagong pag usapan. Revolving my day around mommy issues, half-sisters and erstwhile love pulled me in deeper to misery. I need to breath out from that cage.
"Bibili pala ako ng relo," bigla kong sambit nang matahimik si Erika.
Mukhang hindi siya interesado sa binabasa niya hanggang magsalita ako't nagliwanag ang mukha nito.
"Papalitan mo na rin si Fossil? Ilang years din iyan nagtagal sa kamay mo, a?"
I sighed. "Nalaman lang na nagkagusto ako sa ibang relo e nagparaya na. Sumuko."
Natawa siya. Ngumiti na rin ako na hindi abot sa mata. My hair's filled with silver wraps right now.
"I want a rose gold weave wrap watch," I said more, desperate for a topic changer. "I love that color. Sana meron dito."
I should feel happy just by thinking that I can have a new item to add on my cart. Mulat ako sa kaalaman na hindi matutumbasan ng mga materyal na bagay ang totoong kaligayahan ngunit ngayon ko lang yata ito mararanasan.
The happiness it would cause would only be superficial, it won't reach further to cover the depth of the pain. Naiisip ko na kung makuha ko man ang bagong bagay na iyon, hindi magbabago ang takbo ng araw ko. It would take time, days...
But it should entail my cooperation. Hindi ako magdedepende sa mga oras at araw upang panatilihin ang sawing pakiramdam. The host of the pain should also do something to get away from that affliction. I should choose to move rather than to stay.
I still choose the latter. Dahil ba mas nakakapagod na sa aking tumakbo at mang-iwan kesa ang manatili at hindi na lang gumalaw? But Ruth...you're still running. Not running away, but running after someone now.
Nakuha ni Erika ang gustong mapala sa pagsama sa akin. Hindi cone kung 'di galon ng ice cream ang binili ko sa kanya kaya sayang-saya siya habang ako ang nagmaneho pauwi. Pabalik sa condo ni Chuck ay nag-taxi ako.
Wala mang bumungad sa sala ay alam kong nakarating na ang pinsan ko. Inabot ng aking pandinig ang paglalaro ng video games mula sa kanyang kwarto. Bigla na lang iyong huminto pagkatapos kong isara ang pinto.
"Ba't parang may naaamoy akong—" Tumigil siya nang ako'y mamataan. "I knew it! Pizza! Whoah!"
Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa box ng pizza na bitbit ko.
"You cut your hair!" bulalas niya habang sumusunod sa akin sa dining. Agad niyang pinagdiskitahan ang dala ko nang mailapag sa island counter.
"Bagay ba?"
Iniiling-iling ko ang aking ulo. My head felt light with my brand new short hair. Medyo nakakakiliti rin sa panga at leeg ang mahabang parte ng buhok ko sa harap.
"Yeah! You look great. Lumiit ang mukha mo." Bahagyang tawa niya sa huli.
Nangalahati ang slice nang inisang kagat lang niya. Kumuha na rin ako at tipid na kumagat sabay hila sa silya upang maupo. Pinadulas ko ang paperbag na may mga inumin palapit sa kanya. He dug into it and pulled a rootbeer.
"You never got yourself a boyfriend since Boone, ate? I don't want to believe it if you say no.It's been like..."
"Anong wala? I had like...four or five ex's I think? Limot ko na." Nagkibit ako.
Gusto kong matawa dito. Bakit ba ito na ang pinag-uusapan namin?
"May mga classmate akong nangungulit para sa number mo. They saw our picture in Facebook, iyong tayong tatlo ni Ming noong Christmas party? But duh? You don't corrupt minors. Sabi ni Ming mga matatanda raw hilig mo."
Doon ay hindi ko na mapigilang matawa. Nailapag ko pa iyong pizza upang uminom ng juice.
"Kung makatanda ka naman akala mo kung sinong matandang madaling mamatay ang nakarelasyon ko."
"That's what my sister sounded like when she told me!" aniya at natatawa na rin. "She thought it's an old hag billionaire."
Napailing akong tumayo at kumuha ng mga cups para sa binili ko ring ice cream kasabay nang kay Erika. Nahinto ako at nilingon ang pinsan nang may nag-doorbell.
"May bisita ka?" tanong ko.
Punong-puno ang pisngi niya habang ngumunguya saka umiling.
"Wala naman."Nilamon niya ang huling slice at pinagpag ang kamay sa boxer shorts."I'll get it," aniya sabay tayo.
"Mag shirt ka baka daddy mo iyan!"
"He won't mind if I open the door naked!" Pilyo nitong sabi.
Habang nilalagyan ng scoop ang mga cups ay pinakikinggan ko lang ang ganap. Pumihit ang pinto ngunit hindi pa man ito nagsara ay ilang mga kilos na ang narinig ko kasunod ang nasasaktang daing ng pinsan ko.
"Chuck!"
Alisto kong nilisan ang ginagawa. Nanghihina ang mga tuhod kong tinakbo ang sala.
"Ow fuck! Anong problema mo?!"
Natagpuan ko siyang bagsak sa sahig habang sinasapo ang kanyang mukha. He curled on the floor, groaning in pain. Mabilis ko siyang dinaluhan at tinulungang makaupo.
"Another guy, huh? And you're shacking up with him now?"
Kompetensiya ng init at lamig ang humaplos sa 'king balat at dugo. Nang mag-angat ng tingin ay ang iritasyon na mismo ang kumamkam sa akin kesa ang gulat. Pansamantala kong nakalimutan ang pag-alo sa pinsan upang tumayo at harapin ang matangkad na bulto.
"What the hell, Dean!"
The teamed up humor, annoyance and arrogance all claimed him. Prente pa siyang nakahalukiphip at suot pa ang pinasuot ko sa kanya kanina. That annoying leather jacket and shirt! Sa ng-aalab kong hingal ay ikinutuwa pa nga niya iyon at tila ba ipinagmamalaki ang ginawa kay Chuck!
"What a girly." He mocked. Tinaasan niya ng kilay ang sumisinghap sa sakit kong pinsan. "Ganyan na pala ang mga tipo mo ngayon, Ruth? I am very disappointed. Tsk tsk. He can't even hold a candle to me. What is he? Highschool?"
Ang gaspang ng tawa niya ay tila mga buhangin na dumadaloy sa dugo ko't gusto kong maglaslas para lang dumanak iyon palabas sa aking ugat.
"Putangina! Pinsan ko 'to!"
Kung bakit hindi pa naputol ang mga ugat ko sa sigaw na iyon ay hindi ko alam.
Mabilis bumagsak ang nakakairita niyang ngisi. Kita ko ang kanyang pamumutla nang binalingan si Chuck na hindi pa tumatayo. He almost couldn't move from the shock of what I just told him. His jaw clenched as he was hit by that realization and I do hope it hit him like a bullet from a Calibre 45 dammit! Straight to his bloated head and groin!
"Aray, ang sakit ate Ruth...iyong mukha ko...tanginis!"
Isang mahigpit na tingin kay Dean bago ko binalikan ang pinsan. Tinulungan ko siyang makatayo. Sinalo ko ang timbang niya nang hinilig nito ang bigat sa akin.
"C'mere. Let me see." Maingat kong tinanggal ang kanyang kamay.
Namumula ang kaliwa nitong pisngi. Kinabahan ako't baka pati mata niya ay napuruhan. Maingat ko siyang giniya patungo sa sofa. Nang matantong doon ang tungo ay winaksi niya ang sarili't mag isa niyang nilakad iyon. Hinintay ko siyang makaupo bago ako pumunta sa kusina.
Niligpit ko na lang ang ice cream at naghanap ng ice bag sa mga drawers. I could sense Dean at the back, following my every move. Sa init ng likod ko lang ay nararamdaman ko ang paninitig niya. Pero wala akong balak magpaamo sa kanya ngayon. I'm off duty, anyway.
"Bakit ka ba nandito? Ba't mo siya sinuntok? Nilumot na talaga iyang utak mo't kahit ano ano na ang inaakala!"
Padabog lahat ng mga kilos ko. Sa pagkuha ng ice hanggang sa pagsara ng ref ay parang babagsak ito sa lakas ng aking pagsara. Nanumbalik ang panggigigil kong nagpahinga lang yata saglit nang gumala ako at nakaipon nang enerhiya nang ito'y naggising.
Umikot ako at binasagk ang yelo sa island counter. Matalim ang tingin ko sa kanya habang hinahampas ko ang yelo hanggang madurog. Nababasa ko ang kaba sa kanya nang kumurap.Kita ko ang malaking pag-alon sa lalamunan niya habang tinitignan ang pagdurog ko sa yelo. Lahat ng pagmumura ay naglambitin sa bawat hampas na iyon.
Malakas kong sinaksak ang kutsilyo sa isang yelong hindi durog. Nanigas ang mukha niya, kumurap at umatras ng kalahating hakbang. Panginigan ka ng kalamnan at baka ito ang magawa ko sa 'yo!
"He's topless. Why is he topless?" Tahimik niyang tanong, parang wala sa sarili.
Kinunutan ko siya ng noo. Anong dumapong sakit sa lalamunan niya't ganyan kalamlam ang kanyang boses?
"Lalake ang pinsan ko! Alangan namang magsuot siya ng bra!"
"Wala ba siyang shirt? Sando?"
Inirapan ko siya. "Sana pala sinuntok kita nang pinagbuksan mo ako ng pinto sa condo mo at naka-topless ka. Your boxers was even shorter than my cousin's it could pass as a thong!"
Naabutan ko ang malaking bagsak ng kanyang panga bago ako yumuko at sinilid ang mga durog na yelo sa ice bag.
I glanced at him again. Hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Pati damdamin ko walang nagbago. Galit man ako ngayon ay matutunaw rin ito, katulad ng yelong dinudurog ko.
Galing sa ginagawa ko ay inangat niya ang mga mata. Kung may mga binti lang ang mga iyon ay matagal na iyong umatras o tumakbo. The moist in his eyes is quivering, para bang nag-aalinlangan. Gusto niyang magbaba ng tingin ngunit hindi niya magawa.
"You cut your hair..."
It was a whisper, and more like he was talking to himself. Hindi ko mahagip kung mangha o surpresa ang laman ng kanyang paghagod sa aking mukha at buhok.
Bumagsak ang aking balikat pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga. That simple acknowledegment of the change he saw in me made me surrender. Sumusuko talaga ako sa huli kahit wala pa siyang ginagawa. Pilit ko mang lagyan ng galit ang susunod kong mga tanong ay nanghihina ako.
"Bakit ka nandito? Bakit mo nalamang dito ako tumitira?" Muli akong nag-angat sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?"
Hindi ko nagustuhan ang himig ng pag-asang dumaloy sa aking tono.
Sa isang pagkurap niya ay muling tumalim ang kanyang mga mata. Tila ba natauhan na nandito siya para sa isang seryosong sadya.
"Pack your things. You're going to live with me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro