Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTEEN

"Manonood ka? But sports isn't your style." Hinaluan ko iyon nang kaunting panunuya.

Ilang sandali rin kaming nagtagal ni Dean sa canteen saka kami tumungo sa gym. Inaakit ng beat ng speaker ang puso kong dumagundong habang naghahanda na ang paligid para sa parlor games. Sumasapaw rin ang announcement para sa mga players.

"I'm a guy, Ruth. Guys love sports." He smirked in full blown arrogance like I should know about that fact. Pumantay siya sa aking mga hakbang.

"Girl's badminton 'to." Muwestra ko sa mga naglalaro.

"Yeah, so?"

I'm in the tug of war between cheering him to keep on doing that brow-raise he just managed and forbidding him to stop doing it. That simple gesture always gets me.

Words fail, so action speaks. Kaya iling ang tanging naitugon ko't umakyat na sa bleachers.

I've been living with the thought that the sports guys love to watch the most is basketball. But badminton? Nah. Pero sino bang niloloko ko? Of course! The reason is so palpable it became an additional pulse as to why he's going to watch me play. Lalo tuloy akong na-pressure.

I expected him to have other commitments tulad ng sa banda ngunit napagalaman kong may sinalihan silang mga games. Will and Sky are in volleyball while Cash is in basketball. I even thought Dean is going to join basketball. His height is obviously an advantage.

"Oy, Dean. Lumipat ka ng section?" rinig kong tanong ng isang kakilala sa baba ng bleachers.

Abala ako sa pagkuha ng susuotin sa laro kaya hindi ko nakita ang reaksyon ni Dean. I was only able to snatch a glimpse on his hands drumming on his thighs. Sumabay rito ang kanyang ngisi.

Natatawang umalis ang nagtanong. That bloated my curiosity kaya buong binalingan ko si Dean.

Mukha siyang napaka-proud na coach para sa mga trainees niya habang tinatanaw ang kaganapan sa gym.

Had I not known that he's Dean Ortigoza who prefers to hold guitars than sports balls, I could have thought that he was contemplating about joining the game since he doesn't have any. Gusto ko ring isipin na naiinggit siyang may laro ang iba.

But knowing Dean for a while, hindi siya ang tipong naiinggit. Siya ang kinaiinggitan!

I was too engaged with my thoughts na labis kong ikinagulat ang bigla niyang pagpalakpak.

"Supremo went to town!" Saka siya sumipol at tumawa. Ang hilig talagang mang-alaska ng Amerikanong 'to. "Galingan mo 'tol! Whooh!"

The guy he called 'Supremo' gave him a fat dirty finger. Mas lalo pang natuwa si Dean! I'm sure that's a classmate of his just by the color of his shirt. Hindi lang din kasi iisang beses ko silang nakitang magkasama.

"Daya mo! Dito ka sa pula!"

"Team orange ako!Ulol!"

Hindi lang sa batch namin maraming nakapansin sa pagiging ligaw ni Dean sa aming team. The people who know him were confused. Nadatnan nga siya ng adviser nila ngunit hindi naman ito nagkomento at ningitian lang kami ng makahulugan.

"Go, Supremo!" muling sigaw ni Dean at pumalakpak.

Tumawa si 'Supremo' na agad kong nakuha kung bakit iyon ang bansag sa kanya. He reminds me of the bouncers in the bar evidenced by his bouncing belly. Ngisi niyang tinuturo si Dean sa mga kantiyaw nito.

Kumunot ang noo ko at tumigil sa paglalabas ng mga damit.

"Ang sama mo. Ikaw nga walang game," sermon ko kay Dean.

Marami na akong nakakaaway pero niisa doon ay wala akong na-bully. I don't do unreasonable fights. At kahit pangiti-ngiti lang iyong kaklase ni Dean sa mga pang-aasar niya ay sa loob nito'y nada-down din siguro ang kanyang confidence.

Hindi ako maawaing tao pero...this squeezes my heart.

I always tell my sister to fight kaya ang resulta, nagmamaldita siya. But this guy...he seems inferior towards Dean. He may be intimidating but I hope not to the point of tormenting. I want Dean to keep his feet on the ground.

"Sumali ka kaya." Turo ko sa mga staffs na naghahanda sa mga dresses at pamaypay.

Umiiling ako sa isip ko. I can't imagine Dean wearing those.

Humilig siya sabay patong ng braso ng bleachers sa likod. He's sitting in confident American Figure Four and his body was slightly turned to me. Mas nakaharap nga lang sa akin ang mukha niya.

That lazy stare is quite devastating. Nagmumura talaga ang kaguwapuhan niya. Whatever he does. Whatever his reaction is a bullet shot to weaken your bones.

"Sa isang laro lang ako magaling, Ruth. Bahay-bahayan. Ikaw ang nanay, ako ang tatay." Makahulugan niyang kinawag ang mga kilay. "Wanna play?"

Pinalo ko siya sa binti ng aking polo shirt saka ako tumayo. "Magbibihis lang ako."

I hope the irritation in my tone would cover for my trembling voice and bones. Kaya naman labis kong pag-iingat habang bumababa sa bleachers. Ako lang din ang umuukit ng banta sa sarili na babagsak ako.

I took a deep breath right after the last step. I made it down alive!

"Sinasaktan mo na naman ako, Ruth! Pero bakit ganon? Tinatanggap ko pa rin?"

Nagsabay ang singhap at mariin kong pagpikit dahil isinigaw talaga iyon sa buong gym! Gusto ko siyang regaluhan ng hiya dahil iyon lang yata ang hindi siya binigyan noong pasko!

Mas binilisan ko ang mga hakbang ngunit alam yata ng sambayanan na ako ang tinutukoy ni Dean. May tumawa, tumili at nanukso pa! Ang stage na kaharap ko ay may mga nag-ensayo para sa cheerdance. They stopped just to watch me under each and every eye of these people!

"Shit!"

"Yumuko ka, Ruth!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng mga sigaw para lang umilag sa paparating na bolang sure shot sa aking mukha. Saglit akong nagyelo bago nagawang yumuko sabay takip sa aking mukha. I heard the ball landed on the bleachers near me.

"Hoy! Mag-ingat ka naman! Inaalagaan ko iyan tapos tatamaan niyo lang ng bola? Bugbugan na lang, o!" si Dean na papalapit ang nagbabantang mga hakbang.

Pakiramdam ko buong gym ang tumigil sa sigaw na iyon. Pati speakers ay biglang pinatay.

Saktong alis ng kamay ko sa mukha ay nasa tabi ko na siya. Hinawakan niya ang aking braso at maingat akong hinila sa kanya.

"Si Kiefer din naman ang bubugbog. 'Tsaka hindi naman sinasadya..."

Lumapit ang lalakeng sa palagay ko ay ang nagmando ng bola. He's wearing a blue team shirt. That and his height made me point out that he's one of the basketball players.

Hindi naging maganda ang pagsalo niya sa bolang hinagis ni Dean. Napangiwi ako sa malakas na pagtama nito sa kanyang dibdib na ikinaatras pa umano nito. Kung hindi lang siya sinalo ng mga kasamahan niya sa likod ay babagsak ang pwet niya sa sahig.

I could hear Dean's anger with that throw.

"Dean..." I only breathed his name so I'm not sure if he heard it. Felt it, maybe.

The guy's co-players chanted their sentiments. Nag-sorry ito at hindi nga raw sinadya. Tumango ako at tipid silang ningitian. Hindi naman talaga maiiwasang may aksidenteng matatamaan ng bola. They should be careful next time.

But it's different in Dean's case. Kanyang inalis ang kamay niya sa braso ko upang umabante. Nag-unahan sa pag-atras ang mga lalake.

"Hindi ko na ipapabugbog sa kapatid ko! Ako mismo ang gugulpi sa 'yo! Ano, simulan na natin? Tutal magkalaban din naman tayo ng team..."

Hinatak ko na siya bago pa niya tapusin ang banta. God! Do I always have to pull him out with his leash like taming a dog barking on its enemy?

"Sorry talaga, Ruth..." paumanhin ng lalake, inignora ang galit ni Dean.

He's not at my batch but I often see him in the hallways. Iyon lang ang natatandaan kong encounter sa kanya. I think same goes with him.

Nagtaka man na kilala niya ako ay agad ring nawaglit dahil sa panay kong paghila kay Dean na ayaw talagang paawat. Parang aso na gustong makipagbuno sa kalaban! I think I heard him growl. Kulang na lang pangil, e.

"Okay lang..." I tried as hard as I can to sound calm kahit gusto ko nang sumigaw sa iritasyon ko kay Dean.

Tipid akong ngumiti sa kanila at nilayo na ang nangangagat kong aso. Ayaw pang umalis noong una kaya biniglang hila ko siya.

"Ano ba! Napaka-bayolente mo! 'Tsaka ba't ka ba nakasunod? Sinong nagbabantay sa mga gamit natin?"

Sinulyapan ko ang lugar namin kanina habang binabaybay ang cr sa likod ng stage. Our bags are there. Walang nagbabantay. Kesa ang balikan iyon ay pinagpatuloy ko ang paghila sa kanya.

"Magbibihis ka 'di ba? Hintayin kita sa labas ng cr."

Hindi ko mapigilang mag-react sa mahinahon niyang tono. Kunot noo, huminto ako at nilingon siya.

There's a faint wake of annoyance from what just happened a while ago. Nag-iwas siya ng tingin at tumanaw sa mga puno ng mangga sa gilid ng gym. Tumangkad ang nguso niya sa ginawang pagnguso.

Pinanliitan ko siya ng mata. Since our lunch together, Dean has been tailing me everywhere in the school; Naghihintay sa labas ng classroom every recess, lunch break at dismissal. Pati sa pagbabanyo ay sumasama siya at naghihintay sa labas. He brings my things like my bag and books. I was used to being treated this way before but with him, it feels like having a boyfriend for the very first time.

The people find this new about their king. Na imbes na siya ang pinagsisilbihan, siya ang naging alipin. I never really wanted to treat anyone like a slave but why do I find Dean's acts heart-warming?

But seeing him submit to someone is too much for me. Kaya't sa maaari, gusto kong bawas-bawasan niya ang pagiging ganito. Truth be told, I like someone who I can argue with. Hindi iyong puro lang siya sunod nang sunod sa gusto ko. I like someone who won't spoil me but instead, would go against me until one of us raises a hand in surrender.

"Dean...you're starting to become a puppy," banayad kong paalala in case hindi niya pa ito napapansin sa sarili niya.

Salubong ang kilay siyang bumaling sa akin. "What breed?"

Nalaglag ang panga ko. That didn't screw his ego? Tinanggap niya ang paratang kong para na siyang tuta na sunod nang sunod?

I was stunned speechless for a moment. Halos natatawa akong tumalikod at sinarili ang aking pagngiti. Sa init ng mukha ko pakiramdam ko ako ang nawawalang kambal ng araw!

Pumasok ako ng cr at agad sinarado ang pinto upang sumandal. Nag-imbak ako ng hangin sa aking baga at tumingala. I exhaled, dinadama bawat hataw ng puso ko sa kulungan nito.

Makalabas man ako rito ay para pa rin akong nakakulong. Ito ang mga umaatakeng pag-iisip sa utak ko habang dinadama ang mainit na pinto sa aking likod.

It doesn't always mean for the door as a sign of a way out. It's a door for another in. For another trap. For another chance. For another batch of new things. A welcome change.

Dean' s waiting outside. I really don't have any way out since that moment I started letting him in and since I welcomed his intentions to affect me this way and this much.

My aim to win suddenly burst like a bubble. Ang gusto ko na lang ay ang maglaro at hindi na isipin ang manalo. But that would be selfish. I want to win for our team, too.

Nakasandal si Dean sa pader paglabas ko ng cr. Sa saglit lang na pagsuri sa kanya ay masasabi nang mukha siyang nagmo-model sa photoshoot para sa isang clothing brand. Tall and lean, hands on the pocket of his dark jeans. Tupi ang isang tuhod at nakaapak sa pader ang Converse sneakers. His sand brown hair is hand-tousled messy. Yeah. He's definitely it.

Dalawang babae ang nabunggo ako sa kanilang pagpasok sa banyo. I made sure that they got stabbed by the daggers I threw at them but they seem to be trapped into getting Dean's attention.

Duh? Mukha ba siyang interested? Kita na ngang hindi kayo pinapansin! Girls, if you don't want to get disappointed, stop what you're doing. It won't get you anywhere but on pathetic land.

The subject to their giggles and blushings is oblivious. Tumikhim ako bilang anunsiyo sa aking presensiya.

Tamad siyang lumingon ngunit alertong tumayo nang makita ako. Bumiyahe ang paningin niya sa aking kabuuan. His Adam's apple protruded in a way that tells you that he swallowed a colossal lump in his throat.

Hindi siya makatingin sa akin habang kinukuha ang mga nahubad kong damit na sinampay ko sa aking braso.

I smirked. You're shy now, Dean? Ang cute mong mahiya, huh.

Erika:

Wala si Kiefer diyan?

Pabalik kami sa bleachers nang mag-text si Erika. I replied to her stating where we are. Siguro tapos na siyang mag-practice para sa competition bukas.

Ginala ko ang paningin sa gym. Sa dami ng lalake nito tiklop naman pala sa isa. Sa isa pang Ortigoza na mahirap paamuin. She's not infatuated to a dog but to a lion.

"Saan kapatid mo?" tanong ko kay Dean nang walang nabingwit niisang bakas ni Kiefer.

Natigil siya sa pagsiksik ng mga damit ko sa bag at dinalhan ako ng salubong niyang kilay.

"Why are you asking about him?" Nasusungkit ko roon ang iritasyon.

"Si Erika ang nagtanong," agap kong pagtatama bago pa siya maghisterya. 

A while ago was already an issue enough. Kung hindi ko agad siya pinigilan ay baka nagpatayo na ng boxing ring sa gitna ng gym.

Nakita ko kung paano nag-relax ang mukha ni Dean. Like a large wave that was smoothened by the single caress of the wind. Hindi ko maintindihan ang pag-aalay nito ng init sa puso ko.

"Kung wala sa table tennis court baka nasa SC office. Mamayang hapon pa laro niya." Binalikan niya ang pag-zipper sa aking bag upang maisara.

Tinext ko ang sinabi niya kay Erika. Nagtitipa ako at naramdaman na nakatitig si Dean kaya sinulyapan ko. My instinct didn't fail me. Ang intensidad sa mga mata niya ay naging maamo sa kung ano mang hinihintay niya mula sa akin.

"Hm?"

Nilipat niya ang bag ko sa kabilang gilid katabi ng matamlay niyang bag. He tapped the space beside him where he previously settled my bag.

Tinignan ko iyon at siya. "Bakit?"

"Just sit, Ruth."

Nagtaka man ay sumunod ako. Umupo ako sa tinapik niyang space.

Dahil nakaharap ako sa tapat na bleachers ay nakasalubong ko ng tingin ang ilan sa mga nandoon. I wasn't surprise that they are looking at us.

Gusto kong irapan ang sitwasyon dahil palagi na lang sinasampal sa akin kung gaano kakilala si Dean sa buong school sa puntong lahat ng kilos niya ay minamatyagan.

It's like he's the school's favorite. He doesn't even attend to his classes that much. How can you favor someone who habitually breaks the rules? Who frequently rebels and who does have a crooked opinion on important issues?

Inikot ako ni Dean upang maharap sa stage kaya ang likod ko ngayon ang kaharap niya. Ganon na lang ang pagtuwid ng likod ko sa paglapat ng mainit niyang palad doon. My heart rate kicked and started racing against me!

What is he doing? Don't tell me susulatan niya ulit ng pangalan niya at sa likod ko naman ngayon? What kind of fetish this guy has?

"Your back's wet, Ruth. Ano bang ginawa mo sa cr? Nag-jogging? You should put towel in your back before the game."

Ang inis sa tono niya mismo ang nagbunyag sa sarili.

Pakiramdam ko isa akong madungis na bata na pinagalitan ng ama. I've witnessed Dean being mad and irritated but not this side of him reprimanding.

And I admit, it feels good. I couldn't deny it to myself because doing so would mean a collateral war against myself.

Nang-asar ang pagkakataon sa pangangati ng lalamunan ko. Umubo ako.

"See? Inuubo ka na! Tsk," sermon niya at inalis sa pagkakatupi ang towel kong hawak niya pala.

"Sorry, daddy..." patuya kong sabi.

Hindi na siya umimik. Naging abala siya sa pagsuot ng towel sa likod ko. The way he's doing it is gentle, like I am a fragile glass made to be preserved in a museum. Sa sobrang banayad ay gusto ko na lang pumikit at damhin ang ginagawa niya.

God, he could probably do massages and spas with those talented hands.

No one has really cared about me this way besides my father. I don't show vulnerability so people didn't bother not to aid me to whatever they think I am capable of doing alone. Unless siguro kung magpapatulong ako but I did not. If I can do it on my own, I won't need anyone's help.

I think Dean was able to overlook that fact from me. Kaya ko namang maglagay ng towel sa likod ko but it was too late before I could even stop him.

"Dean! Pakilagyan din ako ng towel!" Binuntutan iyon ng tilian. Nakakapit na ako sa paglimot kung nasaan ako nang mangyari ito.

Hinaplos ni Dean ang likod ko upang mas maayos ang pagkakalagay ng towel. I muttered a silent 'Thanks' as I faced him back.

Sinikop ko ang aking buhok pataas upang mai-ponytail. Sa 'di malamang dahilan ay nagkatitigan kami ni Dean. Hindi nakaalpas sa akin ang adoration na lumilok sa mukha niya. Na para bang isang napakalaking milagro para sa kanyang makita ako na tinatali ang aking buhok.

It's just likely a shot in the dark but I think I saw his eyes sparked like diamonds were being enrooted in those greens. I basked in the beauty of him for that fleeting moment. With that heart-warming expression, I could almost hear his thoughts flooding me with compliments. Hindi maawat ang init sa aking pisngi.

Mabilis akong nag-iwas at hinaplos ang buntot kong buhok pagkatapos magtali. I rolled my shoulders and my neck. Downside kapag mahaba ang buhok, nakakangalay sa braso.

Nahuli ko si Dean na nakatutok sa leeg ko, or...is he staring at my chest?

Hindi ako nakakilos nang hinawakan niya ang butones ng polo shirt ko. I feel like I am a mannequin.

"Ibubutones ko ba?" banayad niyang tanong. Tunog inosente ang boses niya na ewan ko kung nililinlang ako o sinasadya niya. Kung oo, bakit?

I could barely speak. Wala namang pagkakaiba kung ibutones o hindi. I'm fine with my shirt unbuttoned.

I shivered as his fingers lightly touched my collarbones. Namuo ang bato sa lalamunan ko't hirap akong makalunok.

"I'd rather be it buttoned," sagot niya sa sariling tanong saka inayos ang collar ko. "I don't want them to see how slender your neck is at baka ano pang pantasyang maglalaro sa mga isip nila."

"At ikaw pwedeng tumingin sa leeg ko?" mapangahas kong tanong, sinubukang ignorahin  ang haplos ng daliri niya habang iniisa-isang kinakabit ang mga butones.

"Oo. Hindi naman bawal 'di ba?"

"Hindi rin naman bawal sa iba," bigay-matwid ko. "They can't avoid seeing my neck, Dean."

Dumagdag siya ng lapit sa akin, isang indikasyon sa hindi pag-sang ayon sa aking sinabi. He really wants to be the one who's always right!

May banta at halong paghahamon sa mga mata niya. Lips pressed tightly together as if forcing the words back to the jail of his mouth and sleep in the floor of his tongue. I thought for a while that it's lost as a body part if not only for that pink line. His lip color.

"Gusto mo lagyan ko rin ng pirma ko ang leeg mo? Nang malaman nila kung saan sila dapat titingin at hindi sa pag-aari ko."

"Dean. Stop." Matigas kong agap na tila makakaawat ito sa kanyang pagbabanta.

"Stop, what?" He slightly lifted his chin as a challenge.

"Tama na." Pinandilatan ko siya. "You won, alright? You already seduced me!" mariin kong bulong. Shame be damned.

"Seduced you?" he repeated incredulously. Doon ko pa lang naramdaman ang hiya sa naging tono niya. "B-but I didn't intend to seduce you, Ruthzielle..." inosenteng namilog ang mga mata niya.

"Shut up."

Tumawa siya. "Oo nga!"

"Shut up, Dean." Doble kong pagdiriin.

Don't you dare deny it, Dean. Hindi ako makakapayag! I should be right with what I think he's doing. Sinadya niya, e! Hindi ako maaring mapahiya nang ganito!

Humagalpak na siya at umiiling. Labis ang kaligayan niya na napatapik pa siya sa kanyang hita at pumalakpak.

"Oh well, sorry if I make you feel that way...naturally."

"Shut the fuck up, Dean Cornelius. Stop bragging!"

Ang inis ko'y naging gasolina lang sa aliw niya. Namumula na siya sa kakatawa. Talaga nga namang pinagdiwang niya pa iyon at hindi ako magtataka kung manglilibre siya mamaya.

Sige! Bumili ka na rin ng balloon, Dean.

"Ruth...sugar. Bragging is one thing, telling the truth is another," aniya nang makalma. But his amusement is still so solid it can't be easily crushed.

"Then stop bragging the truth whatever it is!"

Pasalamat ako sa pagbabalik ng speaker at hindi narinig ang paghihisterikal ko.

Saglit ang pagnguso ko at mabilis ang ginawang pag-atras sa paglapit ng mukha ni Dean. Isang tango na lang at maghahalikan na ang mga ilong namin.

I thought he's going to stop there. But he didn't burn any bridges and pushed himself nearer as if distance is still yet to be discovered. The thunderous beat of my heart is alerting me for danger that the fire is threatening to burn me oh so whole.

Inignora namin ang tumatawag sa aming atensiyon gawa ng hiyawan at pang-aasar sa kabilang bleachers. I couldn't even spare an attention for them when Dean is holding me prisoner.

He smiled. He's liking this so much and I so want to gut him for it. I almost forgot that he likes the attention as though his life is depending on it.

"Ruth, ang labi ko, hindi lang magaling humalik. Marunong din 'to sa pagsasabi ng totoo. Hm? So you don't just expect pretty kisses from me. You can expect the great truths, too."

Hindi ko na pinagisipang mabuti ang laman ng mga sinabi niya sa sobrang lapit ng kanyang mukha. The pull of his intensity is too much that I was being devoured by his hazel greens. I was hauled back to the days I'd spent with him.

I never noticed even the most palpable idiosyncracies of a guy. So it's such an anomaly on how I notice even the tiniest things about Dean.

Katulad na lang ng simpleng pagkamot niya sa kanyang panga at tenga tanda ng kaantukan. And when he's thinking deeply, hinahaplos niya ang kanyang panga na parang dinadama niya roon ang solusiyon at ang tamang desisiyon.

There's a part of him that remains a mystery to me. Lalo na kapag tahimik siya at nagtatagpo ang mapagmataas niyang mga kilay, tila ba pinagdududahan niya ang paligid. Maybe he's thinking of a tune, or a creative lyric that he could put into a song.

I can almost smile knowing how deep his thoughts are. Dahil sa unang tingin mo sa kanya, aakalain mong mababaw siyang tao. But he's more than just a handsome face. This guy is talent and vision.

Nabagot ako sa gym kaya hinila ko si Dean upang maglakad-lakad sa school grounds. May isang oras pa naman bago ang start ng first game at since we're always in Filipino time, hindi iyan magsisimula talaga ng alas diyez impunto.

"Kakakain mo lang ha?" Nagsanib puwersa ang tuwa at pagtataka sa tanong at ekspresiyon niya.

Nasa harap pa kami ng stall at masaya kong ninanamnam ang binili niyang pizza. Puno ang bibig ko kaya hindi malinaw ang pananalita.

"Gutom ulit ako, e." Saka pinulot iyong pinya at sinubo.

Ngumisi si Dean at pinisil ang pisngi ko. Kinuha niya ang kanyang sukli at nagpatuloy kami sa aming paglalakad.

My eyes made a trip to the grounds watching the school celebrate. Bawat sulok may stalls ng mga pagkain. Makulay at matingkad ang paligid dahil sa iba't ibang kulay ng team shirts na suot ng mga estudiyante.

The high rays of the sun made the celebration even more cheery that reminds me of positive things. Anayad ang hangin na sinasayaw ang mga colored flags at mga puno. Sa paborito kong Narra ay inuulan ang bahaging iyon ng mga nagsihulugang dilaw na mga bulaklak.

Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko ang stage na para sa Mr. and Ms. Intrams bukas. I can't help but be excited for Erika. Sa pingpong court yata dumiresto ang babaeng iyon.

"This song is for Cristina, from Earl. Uy! Classmate ko 'to, a? Happy monthsary to you guys!"

Ngiti kong binalingan ang nagtitiliang mga babae sa inanunsiyo ng student dj sa radio booth. Nasa grupo nila ang inalalayan ng kanta ng letter sender at ni-request ang isang love song.

Oh, young love. It doesn't happen all the time. Lucky are those who do, 'cause most of us don't have the heart to do so. And most of us don't believe, too.

Napadpad kami sa guard house nang maubos ko ang slice ng pizza. Sa pagpasok ng isang freshman sa entrance ay natitigan ko ang dala niyang tubig.

"Nauuhaw ako," wala sarili kong wika.

"Stay here, bibili ako."

Bago ko pa mapigilan ay nakaalis na si Dean at sumulong sa mainit na sikat ng araw. The rays highlighted every inch of his foreign features and his sand brown hair shined.

I didn't mean for Dean to hear me dahil sa sarili ko mismo ako nakikipag-usap. Ganon ba kalakas ang boses ko? Or did I just have a tendency to think out loud?

Nanlumo ako sa naisip na gagastos na naman siya para sa 'kin. I can afford to buy mineral water! I just don't want to take advantege on people no matter what their intentions are. Not most especially to Dean.

"Ruth..." Kasabay nito ay dalawang tapik sa balikat ko.

I turned to that familiar voice. Laking gulat ko na siya nga iyon!

"Boone?" Surprised is punched into my tone.

Since the break-up, ngayon lang ulit kami nagkita. There was the absence of communication which was understandable. I don't usually befriend my ex's because...talking about being awkward.

But with Boone, it's fine with me. Of all my ex's, he's my favorite. Hindi kasi siya tulad ng iba na bitter. And he's the most mature.

Sinuot niya ang kamay sa bulsa ng kanyang faded jeans. Nahiya siyang ngumiti at nagkibit.

"I heard Intrams niyo. I'm gatecrashing." Pinasidahan niya ako. His gentle face brightened seeing my sports wear. Lumapad ang ngiti niya. "You're playing?"

Tumango ako at ngumiti rin. "Badminton. Ba't mo pala alam na Intrams namin? Ang layo ng Cebu Doctors sa Saint Louis."

"Sandy told me. Nabanggit niyang maglalaro siya ng volleyball mamaya."

"Oh..." mabagal akong tumango nang may ideya na lumusob sa isip ko. Sandy is our chatty neighbor way back in our old home.

"Not what you're thinking, Ruth." Bahagya siyang natawa. Is he thinking that I'm jealous? "I'd actually thought of paying you a visit. You know...kamustahin ka. 'Tsaka inimbitahan din kasi ako nina Ronnie. May game kasi sila so..." He shrugged.

Tumango ako. His cousins and I were on the same batch. Despite what happened, pinapansin pa rin nila ako at binabati kada nagsasalubong. I think it flows in their bloodline to be such nice people.

"Hindi ko alam na open gates pala ang event."

Binisita ko ng tingin ang paligid. Boone's wearing a Raglan shirt so I'm looking for the outsiders wearing clothes that belonged to the casual category. Unless kung may nagsuot ng gown dito.

"The guard knows me," aniya na nagpabalik ng tuon ko sa kanya. "Dito kaya ako gumraduate ng highschool." 

Pinakita niya sa 'kin ang kanyang alumni ID.

"Patingin!"

Kinuha ko ang ID at sinuri. I suddenly remember how we talked about my teachers na naging guro rin niya rati.

Letting go of something good begets guilt. Ito ang napagtanto ko pagkatapos ng relasyon namin. Boone is someone I could consider as something good. That's why the guilt as the aftershock of the break-up.

But it doesn't mean that I regret it. Tinatanong ko sa sarili kung may iba rin bang nakakaramdam ng ganito o ako lang. Guilty over something without regretting the act. I seek this particular common ground for me to feel less responsible. I try to think of those times where I probably had last encountered that kind of feeling. So far ay ngayon pa lang naman. But if it has been gone through by someone or anyone, siguro ay normal lamang itong nararamdaman.

"You okay?"

Hinila ako ng tanong ni Boone. Tumango sabay balik ng id niya.

Ngumiti ako habang pinaypayan ang sarili dahil ang init talaga. A cold drink is what I need right now. Kahit anong liquids pa iyan basta malamig! Hindi ko na magawang pumili ng inumin sa uhaw ko ngayon.

A very nice person as usual, inabutan ako ni Boone ng tubig. The cold and thick sweat of the bottle is so tempting. May ice pa sa loob niyon. Mas lalo akong nauhaw.

"Thanks..."

Akma ko na iyong kukunin nang may sumingit na mas malaking mineral bottle. 1000 ml!

Ang talim sa mukha ni Dean ay parang may babaliin siyang buto. Ang nilahad niyang tubig ang tinanggap ko bago pa siya mageskandalo. Boone's hand holding the water slowly retreated.

My apologetic smile to Boone was cut short when Dean possessively enclosed his arm around my waist. Ang kamay niya'y mahigpit ang lapat sa busog kong tiyan. Nawala ang uhaw ko sa nangyari ngunit dumoble ang panunuyo ng aking lalamunan.

"Friend mo?" Hindi ko matukoy kung kaswal ang tanong o sarkastiko.

Ngunit pinaparamdam sa akin ng tono niya na nagtataksil ako. That threatening calm his voice educes is demanding me to explain myself.

"Uh..."

The stunt Dean pulled warranted Boone's surprised reaction. Inosenteng nanlaki ang mga mata niya sa aming dalawa lalo na braso ni Dean sa baywang ko. The cold water in my hands never helped to balance the heat of my shame and annoyance.

I know Boone's not one to judge. I was the one judging myself for not following the three month rule!

"Uhm...Boone, si Dean. Dean..."

Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. Sinasakal ako ng masikip na guilt na sinusuot ko ngayon.

"Oh! You're the college boy ex." Si Dean at nagpapaka-sarkastiko!

Hinulma ko ang aking mukha sa pinaka-mapagpaumanhin kong ekspresiyon. I should not be sorry for Dean's behavior since this is who he is. Pero nasalo ko ang disappointment mula kay Boone na pilit niyang tinatago. I deserve that.

He smiled. "I'm okay. Hahanapin ko lang sina Ronnie. I'd be with them."

Halos hindi ako makatango. I want to say sorry some more ngunit nakaalis na siya. Kung wala lang siyang kakilala rito, for sure I would accompany him. Iyon ang pampalubang loob ko.

But Dean...

"Boone? What kind of name is Boone, anyway? Sounds like a pet's name! Tss... ano bang hinithit ng mga magulang niya at iyon ang ipinangalan sa kanya?"

Arm still on my waist, ngumunguso niyang tinatadyakan ang maliliit na bato sa konkreto.

And why is he concerned about my ex-boyfriend's name?

Gusto ko siyang paliguan nitong malamig na tubig sa inis ko. But harming his ego infront of his admirers and people is another ticket to trouble. So rather I castigated him.

"Ano bang minamaktol mo diyan? Para kang batang hindi binilhan ng laruan!"

Inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at nagmartsa palayo. Sa ilalim ng sikat ng araw ay mas lalong uminit ang ulo ko!

 Nakasunod sa likod, ay sarkastiko siyang tumawa at walang bahid ni patak na aliw doon.  

"Oh no, Ruth. I'm not a kid but a guy who is not happy seeing his girl talked to her ex!"

Hinarap ko siya't tumigil sa paglalakad. He stopped at his tracks, too.

"So nagseselos ka?"

"Oo! Tangina, hindi ba halata?" paghihisterya niya.

Sandali akong natigilan bago niluwagan ng gulat at hindi napigilang matawa. Tawang-tawa to the point of being called crazy! Para akong inaangat sa alapaap at naglalakad sa mga clouds! 'Tsaka sayang-saya akong bumaba at iaangat ulit. Bawat step ay gawa sa ulap na inaangat ako sa panibagong ulap.

Pinunasan ko ang luhang sumilip sa mga mata ko. One minute I was irritated but now...ewan ko. Maybe I was entertained by my imagination about clouds.

"You like torturing me, Ruth. I'm not happy."

Kumalma na sana ako ngunit sa seryoso niyang tono ay muli akong napahalakhak. Para siyang batang nagta-tantrums.

"I'm so happy..." patuya akong humahagikhik.

"Talaga? Why, Ruth? Gusto mo akong nagseselos?"

Alisto akong tumahimik. Napaungot ako sa pagpigil na patakasin ang kinukulong kong hagikhik. The more I force myself not to laugh, the more I want to laugh!

We're still standing under the sun, at the middle of the driveway and at the center of curious passing pepole. Humakbang siya ng isang beses hanggang sa makalapit.

"Why do you like me jealous, Ruth?"

Napapikit-pikit ako sa bulong niya. Nag-imbak ng hangin sa aking baga nang nilagay niya sa likod ng tenga ko ang hibla ng aking buhok. It's featherweight light it feels like a whisper.

"Hm? Dahil ba...gusto mo lang talaga akong makitang nahihirapan? Pinapakain ba nito ang ego mo or...gusto mo lang talagang malaman na ayaw kong may iba para sa 'yo? Pili lang, Ruth. Or you could offer some choices. I'm willing to hear them." He whispered some more it makes it hard to breath.

Yumuko ako at ngumuso. Nadikit ang tingin ko sa mantsa sa lace ng Converse ko. The image oddly invokes thirst. Sana may laman na mga salita ang tubig na iinumin ko nang may masabi naman ako.

Nilagay niya ang daliri sa aking baba at nagpadala ako nang inangat niya ito upang matitigan ko siya. His eyes are seducing without even trying. Sadyang ganyan na ang mga mata niya sa tuwing naninitig at namumungay. You tend to assume a lot of things when he's staring at you like this.

Hindi ko matagalang tignan ang mga matang iyon. It sends not only heat but a ball of fire launched into my chest. May lava na nga sa tiyan ko. Ginawa kong dahilan ang umiihip ng hangin upang makapikit.

Where's your grit now, Ruth? Patawa-tawa ka pa kanina. Tiklop ka ngayon!

Sinipsip ko ang labi ko at pinaglalaruan ng aking dila upang basain. I really need water like my next breath. But how can I lift my bottle to drink if he is this near? Parang tanga na nga lang ang bote na nakalambitin sa kamay kong nasa gilid.

"Stop biting your lips. Natutukso ako."

Napapikit ako nang banayad. His husky voice reminds me of whiskey nights and what my life would be at twenty five.

Shivers colonized me just by thinking about the future. Hindi ko na matukoy kung para saan ang labis na pagkalabog ng puso ko.

Still eyes closed, I released my lower lip with a sound. Ewan, para lang siguro tuksuhin siya. Ramdam ko ang paghihirap ni Dean sa pagbuntong hininga niya.

"Goddammit..." he whispered.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro