Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SIXTEEN

          

 

Mula noong sembreak ay walang palya ang mga pinsan ko sa pagpapaalala na dalhin si Dean sa birthday ni lola. Mukhang nagsagawa pa nga yata sila ng countdown sa kanilang mga kalendaryo. They kept on reminding me almost every week!

"This Saturday, ha? Punta kayo rito sa bahay. It's lola's seventy eight year! Sama mo rin si tito Ralph." Si Margot sa kabilang linya. Mandy and Belle's cheers of support second the motion.

The day also serves as our annual family reunion. Kumukulo na ang takot sa namuong posibilidad.I hope to dear God that she won't show up like it's always been since she left.

"I'm not sure, baka kasi may gig sila sa araw na iyan. That's a weekend," ani ko habang pinaglalaruan ang cord ng telepono.

Hindi muna sila masyadong tumutugtog dahil sa nalalapit na examinations. They do weekends in place of Tuesday nights, Thursdays and Fridays. Babalik naman sila sa regular schedule sa Christmas break which for sure ay mas malaki ang kanilang kikitain. But they didn't sign up for the money. It was all about the music for them.

Milagro kung maituturing na hindi na nagka-cutting class si Dean. Sinabi ko nga, hindi ko na siya papansinin kung hindi siya mag-aaral nang mabuti. Since then, he shuns cutting classes like a prey running off from its predator.

"Dean..." mahina kong tawag sa kanya habang nakapalumbaba.

"Hm?"

Sa lambing ng boses niya ay nanlambot ako. Iyon lang, nasa ginagawang assignment sa Math ang kanyang buong atensiyon. Mas gusto niyang tapusin ito dito sa library para raw sa pag-uwi ay diretso na siya hilata sa kama.

"Busy ka this Saturday?" tanong ko.

Pumitik pabalik ang kaba sa pagsasalubong ng kilay niya. A wave of alert filled me. For several heartbeats I thought he's pondering about my question.

But I was wrong. Dikit na dikit ang noo niya sa papel habang nagsusulat. His pink lips thinned when he's dead serious about something including this.

"Hindi naman..."

Mas lamang ang concentration niya sa pagbibilang sa kanyang mga daliri kesa ang makipagusap sa akin. Gusto kong mairita! But witnessing how he's being invested in his studies wiped that irritation like a flashflood. 

Sandaling tumambay ang paningin ko roon. He's solving an equation. Sa sobrang seryoso niya ay pakiramdam ko may tutuligsa sa akin sa oras na gigibain ko ang kanyang konsentrasyon. 

Hinintay ko muna siyang matapos sa pagsusulat ng sagot bago ako sumulong.

"Wala kayong practice or gig?"

He stopped and finally, his attention is on me! Ang pagkagatla ng noo niya ay may halong aliw. Sumusundot ang dila niya sa loob ng kanyang pisngi. Sa ganitong ekspresyon, hinanda ko na ang sarili sa kanyang pagbibiro.

"Why? You're gonna ask me on a date?" He smirked then chuckled.

Namilog ang mga mata ko. "Ako pa talaga magyayaya!"

Nagkibit siya at binalikan ang assignment. "Para maiba. Don't worry, ako naman ang magbabayad."

I watched him getting deep into his task again. Weird kung paano may mas gana pa siyang gumawa niyan kung dati rati'y halos isumpa na niya ang pag-aaral. Natutukso na nga akong ipagawa sa kanya ang assignment ko. I'm sure he's going to do it pero ayokong abusuhin iyon.

"Anong silbi ng boyfriend? Siyempre tagadala ng bag mo. Tagapaypay at tagabili ng pagkain. Makakatipid ka pa, 'di ba? Ipagawa mo na rin assignment mo para sulit."

Ito ang sinabi ni Sue na hindi ko napigilang maalala. Nagbabantang tingin ang natanggap niya mula sa akin. Sa paraan ng pananalita ay parang naranasan na niya ito.

But thinking Dean as a boyfriend...I still don't think that we have touched that situation. We never held hands. We don't kiss. Sure he brings my bags and books pero iba sa mga nakikita kong mag-on at sa naranasan ko noon.

And we've never been...intimate.

It is safer to say that he is just an admirer. And us as being close acquaintances. Sinabi ko lang naman iyong nasabi ko sa mga pinsan ko dahil sa aking iritasyon. But it's true that I don't want him with other girls. That doesn't mean that we're in a relationship. Our only connection is the verbal assurances we exchanged.

"So why are you asking me about this Saturday?"

Kumurap ako at unti-unting bumabalik kay Dean. Unused, but he didn't let his pen be left abandoned dahil nakakulong pa rin ito sa kanyang kamay.

"Birthday ni lola."

Tinitigan niya lang ako, naghihintay yata ng kasunod. At sa tuwing ganyan siya manitig ay nakakalimutan ko ang sasabihin ko. It's as though letters A to Z don't exist anymore. And I know he has that same effect to other girls.

Habang hinahagilp sa kasuloksulukan ang kasunod ay pinagtuunan ko nang mabuti ang pagtatagpo ng mga pilikmata niya na tila nagha-high five sa isa't isa.

"I'm inviting you sa bahay ng pinsan ko...parang reunion party din kasi..."

His semi-wide hazel green eyes blinked several times.

"Hmm...A reunion." He droned. "Hence, nandoon ang mga kamag-anak mo..." he trailed off, para bang may kinukutaw siyang agenda sa isip niya. "So dapat pala dalhin ko na rin ang buong angkan ko, Ruth. Magandang timing iyan para makapamanhikan na ako."

Kumunot ang noo ko. I'm treating that statement as a joke. That's Dean and his humor.

"Dean, seryoso kasi..." pigil-ngisi kong sabi.

"I'm serious."

Ayaw ko na sana iyong pagtuunan ng pansin. But by the way his tone and expression, it pulled me to change my mind and believe him. Pag-iling ang humalili sa mga salitang hinahagilap ko pa lang. I repeat that in my head para mas paniwalain pa ang sarili ko.

Mabagal na singhap at tinulak ko ang sarili sa mesa pasandal sa silya. Humalukiphip ako katambal ang inaantok kong tingin sa kanya.

"Ano, pupunta ka ba?" Namantsahan iyon ng kaunting inip.

"Ba't naman hindi?" Nagliligpit na siya sa mga gamit. Malusog na ang itim niyang knapsack. "Mamamanhikan nga ako, 'di ba? Siyempre pupunta ako."

Numipis ang labi ko. Mabibigti na talaga ang pasensiya ko isang beses pa niyang babanggitin ang pamanhikan na iyan.

At seventeen, that wouldn't be an appropriate topic to discuss. Ang dapat pinaguusapan sa mga edad namin ay school, crushes,gala, barkada and whatnots. Hindi usapang pang early twenties!

For a not so mature mind, Dean could have a mature mouth. With a little bit of a dirty stain.

"Seryoso nga kasi, Dean," mas mahigpit kong usal. 

Tumigil siya upang makipagtagisan ng tingin sa akin. His deep-sets went even deeper with his heavy glare. He expelled a frustrated breath then leaned back at his chair.

"Sino ba kasing nagsabi na nagbibiro ako, Ruth?"

Hinintay ko siyang ngumisi kaya tinutukan ko talaga nang mabuti. Does he really think I would be enslaved by that hard stare?

Hinayaan ko nang lumutang sa ere ang sinabi niya. Hindi ito magiging issue sa akin kung babalewalain so I ignored the statement. Mahihinog lang ang pag-aaway kung lalabanan ko pa. Basta ang importante ay pupunta siya. That's what the invitation is all about.

Nasa harap ako ng kama at nakatapis lang ng tuwalya. Lying infront are the subjects of my predicament in the form of peach dress and a floral romper. Kanina habang naliligo ay iniisip ko na kung alin sa dalawa ang isusuot at hanggang ngayon hindi pa ako nakapili.

"Ate!" tawag ni Sue sa labas ng kwarto at sinundan ng katok. "Nasa baba na si kuya Dean!"

Umingit ang pinto tanda ng kanyang pagbubukas.

"Hindi ko alam isusuot ko. " Mas nagmukha lang akong problemado sa naging tono ko kesa ang isipin lang ang bagay na 'to.

Tuluyan nang pumasok si Sue sa kwarto at binagsak ang sarili sa aking kama. Pinasidahan ko ang nakabihis na niyang ayos. Her red blouse and denim shorts seem so simple.

Ngumuso ako. Ayokong magpakasimple ngayon. I want to look more...womanly.

Kinuha niya ang peach dress at sinuri. "Itong dress, o. TopShop. Maganda, bago pa."

It's a lace dress reaching above the knee. Sa katunayan ay may napipisil na akong footwear na pwedeng itambal. Same as with the romper.

"Sure?"

Tinunghayan ko ang wala sa sariling pagtango niya bago ako pumunta sa aircon upang lakasan. Kakaligo ko nga lang ganito na ako pagpawisan.

"Ay! Ito na lang palang rompers. May palaro kasi mamaya. Ako nag-organize ng games!"

Kinuha ko ang peach dress at dinikit sa harap ko. I checked myself with it infront of the mirror. Bakit ba ang hirap maging babae? Mamili lang ng damit ay para nang nagso-solve ng math equation. But of course, I'd rather have a hard time frying my brain on deciding what to wear than hanging out with Mathematics. No offense to Math lovers.

Sumilip ang mukha ni Sue sa gilid ko. Tumango siya at nababasa ko roon ang pagsang-ayon. 

Lumabas na siya nang nagsimula na akong magbihis. Gusto kong bilisan ang pag-aayos pero ayaw ko rin namang madaliin. Lalo na't kailangan kong magingat sa paglalagay ng cheek tint sa aking pisngi at pati na rin sa aking lips. Today's my first time putting on some colors all by myself.

Pumasok ulit si Sue sa kwarto ko na hindi kumakatok. Isa rin 'tong madaling mainip.

"Bakit?" tanong ko nang maramdaman ang paninitig niya. "Si Dean?"

"Nanood ng tv," aniya, at nahimigan kong hindi iyon ang ipinunta niya rito. "Hindi ka naman nagli-lipstick ate, a?"

Kinunutan ko ng noo ang akusasyon sa kanyang tinig. Para bang kasalanan ang mag make-up at hahatulan ako ng kamatayan.

"Bawal kaya make up sa school. 'Tsaka hindi 'to lipstick." Sabay angat sa coral cheek tint. Binili ko ito kasama si Erika bago nag- Christmas break.

"Ba't noong nag-mall tayo ay hindi ka rin naglalagay ng ganyan? Hindi bawal make-up sa mall."

"Sino namang pagagandahan ko sa mall?" sabi ko.

"E sino bang pinapagandahan mo ngayon?" ganti ni Sue.

"Si lola!"

Tumawa siya na hindi ko napigilang sabayan ngunit agad ring natigil sa paghila niya ng umaalong hibla ng buhok ko.

"Iyong buhok ko, Sue! Tignan mo, nasira na tuloy." Inis kong angal at inayos ito muli. Kakapagod kaya subukang paalunin ito. Nanghapdi pa ang kamay ko sa plantsa!

"Sus si ate nagdadalaga! Birthday ni lola ang pupuntahan natin at hindi debut mo kaya bilisan mo na!"

I ignored her. Binalikan ko ang salamin dahil hindi pa ako tapos. Lumabas na rin siya kalaunan.

I put a light gold eyeshadow para ma-emphasize ang pagka-brown ng mga mata ko. Ang coral peach na lipstick ay bumagay sa aking damit. Hindi na ako nag–eye liner, nagmukha namang may linya ang dulo ng mga mata ko sa kapal ng aking pilikmata. Just a stroke of light mascara then I'm done!

Bumaba na ako pagkatapos ngunit napahinto sa gitna ng hagdan. The telly is on habang ang ineengganyo nitong tao sa harap ay nakapikit at nakahalukiphip. His jean clad legs are opened wide at ang likod niya'y kinakain na ng malambot naming sofa.

Even with eyes closed, he could still be as intense as he can be when awake. Iyon lang ay ang kilay niya ang nagdadala na bahagyang nagsalubong. Na para bang kahit sa pagtulog ay sumisisid pa rin siya sa malalim niyang pag-iisip.

It's such a waste to ruin his peace and calm. He mirrors a storm that's being put to rest, at maghahasik ulit ng bagyo sa oras ng kanyang pagmulat. His intensity does the job very well.

Mahina kong niyugyog ang tuhod niya. Pinigilan kong matawa nang umigtad siya at hindi agad gumising. Pungay na pungay ang mga mata niya nang dumilat at diretso agad ang tingin sa akin.

"Hey, sorry..." garalgal ang kanyang boses.

Umayos siya ng tayo at kinusot ang antok sa kanyang mga mata. Nag-inat pa siya bago tuluyang tumayo.

"Tara?" sabi ko saka siya pinasidahan. Nilunok ko na lahat ng laway na pwedeng tumulo sa ilang segundo. 

Because Dean in his dark red leather jacket is a bomb! I thought he would look better in black but he could pull off any colors kahit pink pa yata iyan. Sa loob ay isang gray v-neck shirt at ang itim niyang hikaw ay hindi pumayag na hindi mapansin.

Pinasidahan ng mga daliri niya ang kanyang buhok at bahagyang kinusot nang dumating sa likod resulta ay medyo naging magulo ito. He didn't bother fix it again at hinayaan na lang na ganon.

Kumuyom ang sikmura ko. My cousins are gonna lose their ovaries over this.

"I think I'm too overdressed?" aniya, at ako naman ang pinasidahan ng tingin.

Bahagya siyang ngumuso nang humantong siya sa paa ko. I'm wearing beige pointed heels. Kaya ewan ko kung anong meron doon na tinitigan niya talagang mabuti.

Winakli ng isang mababang pagtikhim ang distansiya namin ni Dean sa isa't isa. Sabay naming nilingon ang pinanggalingan at nakitang pababa si daddy sa hagdan. Nakasunod si Sue sa likod niya na nagtitipa na naman sa kanyang cellphone.

Dad's clothes doesn't signify that he's going anywhere but in this house alone.

"Dad!" ani ko.

He acknowledged me with a slight dip in the head ngunit na kay Dean ang mga mata niya.

"Sir," si Dean at nilahad ang kamay.

Hindi ko alam ang aasahan sa seryosong mukha ni daddy. If he's going to send Dean away or hug him in his open arms and accept him like he's a damn good son.

Dad accepted his hand. Tahimik akong huminga nang malalim. Ngunit binawi rin at nanlaki ang mga mata ko dahil imbes na kamayan ay nagmano si Dean kay dad.

I looked at Sue only to find the reflection of my reaction from this in her face.

"Anong oras po ninyo gustong ihatid ko pauwi ang mga anak niyo, Sir?"

Hindi napigilan ni Sue ang bungisngis niya. Lumobo naman ang pisngi ko sa pagpipigil. Dad's faint smile reminded me of my worries that he doesn't smile a lot. Ang kalmado niyang mukha ay maraming kinikimkim at marahil ito ang naging dahilan ng atake niya sa puso noon. His expressions are reserved dearly for his work and sleep.

"I want my daughters home right after the party. Safe and sound."

"Hindi ka talaga sasama sa amin, dad?" tanong ko.

Pinilit namin siya ngunit ang sabi'y may work daw siya ngayon. Now, what work is he talking about if he's here with his house clothes?

Tinignan niya lang ako at ngumiti. Ang pagod doon ay alam kong hindi niya sinadyang tumakas. "You enjoy the party."

Tumango na lang ako. There's no riff between him and my mother's side of the family. Sanib puwersa pa kami sa pag-iling sa ginawa ni mommy noon dahilan upang ito'y mas lumayo at hindi na nagpakita. So I don't understand why he doesn't attend to our reunion parties anymore.

Sa harap ng three-storey Spanish house ipinarada ni Dean ang Tacoma. The establishment has just been renovated recently. Belle's family previously owned the house but ever since they put down roots in Barcelona, it was handed to our grandmother. Ginagawa rin itong pansamantalang tirahan ng ilang kamag-anak na umuuwi ng bansa as most of them are residing in other parts of Europe and U.S.

Isang beses sa tatlong taon lang nakakauwi ang magkapamilya. Minsan ay hindi pa nagsasabay at ngayon lang naging kumpleto kaya pinaenggrande nang husto ang okasyon ngayon.

"It's a huge house." Halata ang surpresa kay Dean habang iniikot ang susi sa ignition upang mapatay ang makina.

Hindi ko agad napansin si Margot na pumantay sa height ng mga bata upang makipaglaro ng bubbles. Doon pa siya tumayo nang makita akong lumabas ng sasakyan.

"Ruth—"

Naputol ang sigaw niya pagkakita sa taong umibis ng driver's seat. Ni hindi man lang niya napansin ang pagdaan ni Sue. Inunahan ng mga pagtatatalon ang kanyang nakakabasag tengang irit. She's screaming like someone's murdering her.

"Oh my God! Ate Mandy...!"

Tumakbo siya papasok sa gate at hinila hanggang sa loob ang sigaw. Nilingon kami ng mga bata upang hanapin kung saan banda ang dahilan ng reaksyon ni Margot.

"May sunog ba?"

Umirap ako sa naging tanong ni Dean. Ewan ko kung nagmaang-maangan siya o wala talaga siyang alam.

"Ikaw tinilian niya! Umuwi na nga tayo!"

Hihilain ko pa lang siya pabalik sa sasakyan ngunit naabutan kami ng maingay na paglabas ng magkapatid at dinala pa ang iba kong mga pinsang babae. Nakabuntot sa likod ang nagtatangkaran nilang mga kuya. 

"Hi..." Unang lumapit si Mandy at maarteng bumati, halos kalimutan na ang dignidad.

Nilingon ako ni Dean, mukhang nanghihingi ng permiso. Nagkibit ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Andito na kami, e. He's already exposed to the predators that are my cousins. Pulling him out would seem rude.

Tinanggap ni Dean bawat kamay na nakalahad sa kanya. Sa nilalanggam na ngiting sinukli niya sa bawat bati ay naramdaman kong umandar na naman ang kagustuhan niya ng atensiyon.

Habang ako sa gilid ay siya pang nagmumukhang bodyguard para lang hindi magpangyari ang stampede. Because dear Lord! The people swarmed around him like the food for the hungry and the answer to every one's prayer!

Lumabas na ang mga tita at tito ko upang tunghayan ang dinudumog ngayon. I got distracted by Dean's perfume that leaked everywhere. Maybe that's the spell? I can't believe this.

"Hala kuya Dean, dinaig mo pa artista, a?" komento ni Sue sa kung saan.

Tumawa lang si Dean at pinatuloy ang pagbati sa mga kamag-anak ko. Binuhat pa niya ang apat na taong gulang kong pinsan na nagpapakarga. Ipinagpasalamat ko na lang na talagang biro nga lang iyong pamanhikan na tinutukoy niya. Kinabahan talaga ako roon. I really thought he's gonna push it.

"Anong pangalan ng lola mo?" tanong niya nang papalapit na kami kay lola.

"Minerva," sabi ko.

Natatanaw ko na siya lulan ng kanyang wheelchair. My mother truly inherited her Spanish eyes, but I have my father's French ones instead.

"Feliz cumpleaños, lola..." I hugged then kissed my grandmother in the cheeks.

Natuwa siya sa pagsasalita ko ng Espanyol. We all know how she wants to preserve the language she has grown acquainted from.

Nang bumitaw sa yakap ay nakita ko ang pinupukol niyang tingin sa akin na nag-aagawan sa saya at awa. She's happy that we went here and pity us because of her runaway daughter? Iyon lang ang nabasa kong kahulugan sa alinlangan niyang ngiti.

Umatras ako upang bigyan ng espasyo si Sue na batiin siya sa parehong lenggwahe.

"Ang daddy niyo, Ruth? Sue?" tanong niya.

"Busy po, e. Pero pinabibigay niya po ito sa inyo." Inabot ni Sue ang regalo.

Dean seems used to meet other person's family nang nagmano siya sa lola ko at binati sa matigas na espanyol. My cousins at the back swooned over like it could heal every broken heart.

May sinabi si lola na hindi ko maintindihan. Pero nasalo ko ang salitang gwapo sa huli. So she must have complimented him. Malaki ang ngisi niya nang ginawa ito at nagawa pang pasidahan tila isasali si Dean sa isang modeling contest. Tumingkad ang kanyang kutis sa kabila ng mga linya sa kanyang noo at mata senyales ng katandaan.

"Gracias, Senyora."

I heard Margot's giggle.

"I bet my lola's wrinkles, iyan lang ang alam mong Spanish," bulong ko kay Dean.

He raspily chuckled then squeezed my waist. Nakapulupot ang braso niya roon sa buong magdamag.

Sa malawak na lawn sa likod ng bahay ay bumati ang handa. The long table draped in designed red cloth was just waiting for the food to be settled. Isa pang mahabang mesa ang naroon para sa mga dessert at ang isa'y may tore ng mga regalo halo ang birthday at Christmas wrappers. Bawat sulok ng bahay ay may Christmas lights na rin.

I helped my titas prepare the other foods. Hinayaan ko si Dean sa labas na kaibiganin ng iba ko pang mga pinsan. The M sisters seem to be aware of their boundaries dahil nanatili ang kanilang distansiya.

Naiistorbo lang ako sa kusina sa panay na pang-iintriga ng iba ko pang mga pinsan tungkol kay Dean. Bakit ko ba kasi siya dinala rito? Pwede naman talaga akong tumanggi at hindi magpapilit kina Mandy.

"Saang bar siya tumutugtog at pupunta kami!"

"Kahit saan. Iba ibang bar," walang gana kong sabi kahit napakasarap nang kainin ng pasta sa harap ko.

Why are they asking me? Si Dean kaya tanungin nila.

"May kapatid ba siya, Ruth? Kasing guwapo rin ba niya?"

"Taken..." I lied, para matapos na ang usapan. Ang sabihing single si Kiefer ay magbubukas ng panibagong topic at maaatraso lang ang ginagawa ko.

"Tita, si Belle po?" tanong ko kay tita Bianca, Belle's mother. She always reminds me of my mother dahil siya ang pinakahawig rito.

"Upstairs, dear. Maybe chatting to her boyfriend." She's on the finishing touches of the fruit cake.

Umalis na ang dalawa kong pinsan, napagtanto na siguro na wala silang makukuhang matinong sagot mula sa 'kin. They should ask the person they're interested with. Hindi ako na gagawin pa nilang tulay sa impormasyon.

"Oh Ruth, iha!" Bungad ni Tita Sonya nang pumasok sa kitchen. "Doon ka na sa labas at huwag mong iwan si Dean doon."

Hinawakan niya ako sa braso at iginiya sa labas. Ang naiwan kong paglilipat ng mga ulam sa chafer ay nagawa na ni tita Bianca kaya nagpadala na ako kay tita Sonya.

"Maraming nag-aantabay, tignan mo. Nako! Sa panahon ngayon, mahirap nang maagawan lalo na't ganyan kaguwapo ang nobyo mo, Ruthzielle. Aba'y dinaig pa ang matitikas na lalake namin sa France!"

Natawa na lang ako at lumabas na upang tunghayan si Dean na nakikipagtawanan sa grupo ng mga ka-edaran namin. Nakakainggit na nagsasaya na sila roon kaya lumapit ako upang makiisa.

I was distracted by the kids running and shouting everywhere. May hinihintay rin kaming mga kamag-anak na paparating pa. The night is still at its youth anyway.

Papaupo pa lang ako sa bakanteng silya katabi ni Dean ay agad nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko. Nahuli ko ang pagbuntong hininga ni Mandy na tumingin roon. 

"Sugar," mabilis na banggit ni Dean, parang nangti-trip lang.

"O?"

"Smoke," bulong niya at umakto ng naninigarilyo. Ang nakaangat niyang dalawang kilay ay tanda ng panghihingi ng permiso.

His eyes are heavy with an expression I couldn't identify. It's like he's promising you for a good time but would actually bring you to his wild side. 

"Mags-smoke ka? 'Di ba pwedeng chewing gum or lollipop?" sabi ko.

Hindi nagbitaw sa mga mata ko ay nilahad niya ang kanyang palad. Mukha siyang nanghihingi ng baon.

Iling akong natawa. Tumayo ako upang puntahan ang anim na taong gulang na kapatid ni Belle na mahilig sa matamis. Natagpuan ko siyang inaabot ang isang plastic sa mesa ng mga regalo. I asked three lollipops from him at binigay lahat kay Dean.

Ang magkapatid na Mandy at Margot ay ngangang nakatitig sa kanya habang sinusubo ang lollipop. I stab a spying stare at each of them hanggang mamalayan nila ako at napatalon sa kanilang inuupuan. Hilaw silang tumawa.

"Anong full name mo, Dean?" tanong ni Mandy. Nagsundutan sila ng kapatid niya sa parehong oras na nilingon ako ni Dean.

"I was to ask that first!" angal ni Margot.

"Sasabihin ko ba?"

Kumunot ang noo ko, halos matawa. "Nasa sa 'yo iyan. Ikaw, sasabihin mo ba?"

The innocence he's trying to muster is quite off-putting. "Hindi ka magagalit?"

Umawang ang bibig ko. Hinahagilap ko pa ang dahilan kung saan banda sa pagsasabi ng buong pangalan niya ako dapat magalit.

"Bakit ako magagalit?"

Matagal siyang tumitig at ito ang isa sa mga nagustuhan ko. I like confident guys. If you like me, stare at me and let me know. Dean's wearing confidence like a second skin. 

Hinila ako ng paggalaw ng kanyang panga. Animo'y naroon ang mga salitang gusto niyang sabihin, naghahanda at nag-aayos pa ng sarili bago sila lumabas na maganda sa pinto ng labi niya habang matiyagang nag-aabang sa hamba ng bibig ko ang aking mga salita.

"I won't flirt with them, I promise. Sasagutin ko lang ang tanong nila. Iyon lang. Okay?" He gently assured.

"You don't always have to ask for my approval, Dean."

His thin lips twitched. Pinaglalaruan ng mga daliri niya ang buhok ko sa likod. "I need your approval, of course. It's important to me."

Tahimik akong napasinghap at nag-ipon ang hangin sa aking dibdib. Bakit ba ang pinakamabigat pasanin ay iyon pang hindi natin nahahawakan o nakikita? The letters of the alphabet are weightless, but when twined to make into words, they fall like giant boulders in your chest. At habangbuhay na iyong nakaukit doon. I guess weightless concepts are the ones that weighted the most when felt.

Tumango ako upang pahintulutan siya. If he preys on my approval on every thing he does then I'd feed him with my yes and nos. Nods and head shakes. Thumbs up and thumbs down.

Kuntento siyang ngumiti nang nilingon sina Mandy.

"Dean Cornelius Ortigoza the Fifth."

"So si Kiefer kuya Dean ay The Sixth?" singit ni Sue na nagsimula nang ngumatngat ng chicken lollipop.

Dean chuckled sabay iling. "No. I am the last Dean Cornelius Ortigoza that exists. Meaning, lima lang kami sa mundo at ako ang huli."

Hinuli nito ang interes ko. We never talk about his being adopted. Sa tingin ko ay sensitibo itong pagusapan para sa kanya. Hinihintay ko lang talagang mag-open up siya sa akin ngunit ngayon ay hindi ko mapigilan ang magtanong.

Humilig ako upang makabulong sa kanya. His hand stopped playing on my locks.

"Your adoptive parents named you?" I asked.

Nang nilingon ako ay medyo nagulat pa ako sa halos nagdikit naming ilong. Hindi ko alam kung saan ako mas naliliyo. Sa lapit niya o sa kanyang pabango. This isn't the first time pero kinakabahan pa rin talaga ako.

"That's my name since I was in the orphanage. I was a baby," bulong niya pabalik.

The look he has didn't give me an obligation to pity him. It is telling me that he's alright. So it made me think that he has moved on from it, too. O baka dahil wala talaga siyang niisang ideya tungkol sa mga magulang niya at nasanay na siya nito. Wala itong sinasanhing sakit. So he could treat this reality as if it didn't exist for all he want.

Or it could be that maybe he's just good at putting up a front.

"Dean...you don't have to elaborate you're being adopted. If you don't want to talk about it, then don't start. Tama nang sinabi mo ang pangalan mo," mahinahon kong sabi.

Natunaw ang ngiti niya kasabay ng pagpungay ng kanyang mga matang matagal umaaligid sa aking mukha. Sinipsip niya ang ibabang labi at mabagal ang pagbabalik ng matamis niyang ngiti. Walang katapusan ang banayad na paghaplos ng kamay niya sa aking batok.

"Okay..." malambing niyang bulong na halos hindi ito naabot ang pandinig ko.

Ilang sandali lang ay nagsidatingan na rin ang mga ilang kapamilya kaya napuno ng batian at tawanan ang paligid. Hindi na ako nagpapigil kina tita Sonya na tumulong na dalhin ang mga pagkain sa mahabang mesa.

"Mapupusok na kabataan..." pumalatak si tita Bianca sa tabi ko habang nililipat ko ang mga cupcakes sa cupcake stand. 

Sandali kong sinulyapan ang paksa ng kanyang reaksyon. The newly arrived cousins of mine are surrounding Dean. Rinig ko pa ang mga maaarteng tawa nila rito.

"How long have you been dating him, Ruth?"

I know I should not fret about the question but her tone emulates caution. Kalmado ngunit parang may babala at pag-iingat. Somehow, her voice scares me.

"Four po, Tita." I lied. Hindi ko talaga kasi alam, and if I do, I don't know where to start counting.

I filled another cupcakes on a new stand pagkatapos ko roon sa isa. There are three sets at hindi ko itatanggi na gawa ito ng kapatid ko. I wanted to cheer her with pompoms! The cupcakes are so pretty I don't like to eat them. Gusto ko na lang silang i-display.

"Masyado kayong niluluwagan ng ama niyo. Resulta pati kapatid ko nakalaya, hindi man lang hinigpitan ni Ralph ang pagkakatali."

Hindi ko pinaghandaan ang sinabing ito ni tita Bianca. Of all four sisters, siya ang pinakatahimik. The dark out of all the bright colors. But she always makes sense. What my mother lacks of being a mother, tita Bianca fills it.

Binigla ko ang sarili sa naging sagot ko. I told her what I can only understand.

"Maybe he loves my mother so much so he respected her decision, Tita. Kung saan mas masaya si Mommy, ginawa na ni Dad upang mangyari ito. She wasn't happy with their marriage."

"Nonsense. You don't always have to let go of your love ones, Ruth."

Ice filled my veins. Nahinto ako nang tuluyan at nilingon si tita roon. Her face is an epitome of wisdom, so I always take in everything she tells me.

Hindi siya tumigil sa paglalagay ng mga piraso ng prutas sa cake. But her face is demanding me to lend an ear and brace myself.

"Kung pakiramdam mo'y lumuluwang na, higpitan mo kung ayaw mong makawala. Huwag kang masyadong maging mabait. Instead, be vigilant, Ruthzielle. Huwag kang tumulad sa ama mo. I know you're father is a good man but he is too good to a fault." Nilingon niya ako. Her knowing sympathetic smile handed me a lot of interpretations. "You know what happened next. There's just something about good people that makes us want to leave them. You don't want to be left behind, do you?"

Hindi ako nakapagsalita. Ginugupo ako ng mga sinabi niya at alam kong mananatili ito hindi lang hanggang sa gabing 'to.  Wala akong maisip sabihin ngunit may lakas akong tanggapin lahat ng salita niya.

Umalis siya sa harap ko upang tumabi sa akin. Kapwa namin tinatanaw ang lawn sa katapat naming pinaghiwalay na double doors. Bumida ang pag-iingay nila sa labas.

"Lapitin ang nobyo mo. Delikado. "

Tumutugtog si Dean ng gitara na pinahiram sa kanya ng isa sa mga pinsan ko. They were singing along with him. Pinapalibutan siya. Hanggang dito ay umabot ang kanyang talento.

"I trust him, Tita," buong loob kong deklara.

"Pagkatiwalaan mo man siya, paano naman ang mga umaaligid sa kanya?" Walang aliw ang bahagya niyang tawa. "It shows, Ruth. Your girl cousins are not the only ones who are doting on him. There are more of them...out there...waiting on the sidelines, right?"

Nilunok ko ang bola ng panunuyo sa aking lalamunan. Sweat began to warn me and now is heating my skin, trying to burn every drop of fear 'til nothing's left but certainty.

I know Dean is reckless, but the girls around him are wilder.  They would do anything...everything...I can see that. I have seen it! Gigs, malls, school...habang ako dito ay naging tahanan na ang pangamba. May mas alas ang may tapang kesa ang duwag.

Am I strong enough?

"Boyfriend mo na, Ruth? Gandang lalake rin, o. Parang kami lang. We belong to the same flock together."

Tinabihan ako ng kapatid ni Belle upang kumuha lang ng cupcake. But I ignored him. I don't think I would be able to conversate with anyone pagkatapos ng mga naisip ko. I know tita Bianca is just guiding us dahil iyon ang kulang kami. And I appreciate it a lot. Hindi ko lang maawat na malagyan iyon ng pagbabawal.

"Kilig na kilig si lola sa labas, e. Bumabagets. May balak yatang hiwalayan si lolo." Tumawa si Joseph nguya ang papaubos nang cupcake.

Kinantahan ni Dean si lola ng happy birthday kasama ang gitara. Lola's clapping, sa nakikita ko, I think Dean has gained a fan.

"Buti pa ate Ruth's boyfriend, he plays guitar." Singit ng bunso ni tita Bianca. Ginaya niya ang kuya niya na kumuha rin ng cupcake. "And he's so great! While you suck, kuya."

Dinilaan niya ang kapatid bago ito tumakbo at umipon sa mga kalaro.

"What the fu—"

"Better not go there, Joseph," Tita Bianca warned.

Puno ng rebolusiyon ang mukha ni Joseph nang nilingon ang ina. "But he said suck, mom! It's a bad word!"

Dahil alam ko nang magdedebate ang mag ina ay umalis na ako roon at hinatid na ang mga cupcakes sa labas. Sa nanganganak nang dilim ay inilawan na ang mesa kaya tumitingkad ito ngayon.

Ngunit ang ganda nito'y hindi sapat upang sugpuin ang kabang lalo pang namulaklak. 

Pabalik ako sa loob nang mahagip ko si Belle na lumabas sa may sala nila. Kanina pa kami rito at ngayon lang siya nagpakita?

Ngunit hindi iyon ang nagpakain ng aking kurysodad kung 'di ang maputing babae na kasama niya. It looks like Belle was orienting the girl around the house. Her round black rimmed glasses can almost engulf her sweet-looking face. Ang matingkad at may kulay niyang buhok ay masasabi kong dayo ito sa ibang bansa.

Though, she doesn't scream superior. Tango lang ito nang tango sa sinasabi ng parang nagtataray na si Belle.  She has the kind of look that would bend and break for a Latin honor.

"Sino iyong kasama ni Belle, Tita B?" tanong ko pagkabalik sa kitchen. "Is that a friend? Or Joseph's girlfriend?"

Saktong pumasok si tita Sonya at napahinto sa aking tanong.  Kita ko ang alertong palitan ng tingin ng magkapatid. May pumaraan sa mga mukha nilang ikinanliit ng mga mata ko.  at may kaunting kaba rin.

Ilang sandali kong pinanatili ang tingin sa kanila ngunit wala niisa ang nagsalita. Both of ther lips are shut tight as if they're reining themselves in just to not be able to say anything. May digmaan ng desisiyon akong nakikita sa mga mata nila. Tita B's eyes, is more poignant.

Nagtaka man ay hindi ko na lang pinilit kung ayaw nilang sagutin. Maybe it's Joseph's girl and they don't like her for him.

Kinuha ko na ang pangalawang cupcake stand upang dalhin sa labas.

"She's Elena's daughter from her current family...She's your sister, Ruthzielle."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro