Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SEVEN

Sinikap kong indahin ang init sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Hanggang makarating kami sa library ay hindi ko siya inimik. I'm just too stunned to talk!

However, I was somewhat amazed that he put me down here as if he could read my mind. Dito talaga ang tungo ko upang kunin ang bag na iniwan ko sa kakilalang working scholar sa library.

Sa pagbabalik sa driveway ay iniwasan kong dumaan sa gitna na maglalantad sa akin mula sa gym. Binilisan ko ang mga hakbang kasabay ang ginhawa nang matanaw ang kakapasok lang namin na carpool sa school gate.

Sumaglit ang mga mata ko sa naglalaro ng volleyball. Kita ko kung paano sila huminto sa paglalaro at mukhang kanina pa nila ako inaabangan na dumaan. God, I've never been wanted this way for destruction!

Muli kong nakita ang galit mula kay Lucia. Mas binilisan ko ang paglalakad sa pag-aakalang hahabulin niya ako ngunit nang tinanaw muli ay nanatili ito sa kinatayuan na mas kuyom ang kamao at nagdabog.

"Walk straight. She can't hurt you."

Ikinabigla ko ang nagsalita sa likod. Saka ko lang napansin si Dean na nakabuntot.

I don't know what he wants but asking him means regarding him. Again, I have to thank him for this dahil siya marahil ang dahilan kung bakit hindi ako sinugod muli ni Lucia. Yet, my expression of gratitude can wait.

To wherever my urge of snobbing him came from, I still have yet to know. Maybe it sprouted from the shame which rooted from assuming something that isn't even true.

Papahupain ko muna ang hiya ko bago ko siya papansinin. So in order to cover my tracks, snobbbing him would make a good art of it.

At saka...ang sarap kayang nguyain ng pride ko.

Kumalabog ang aking sapatos sa kahoy na sahig ng multicab pagkapasok. Umuga ang sasakyan sa bawat hakbang ko. I am the first one to get in. Sa pinakadulo ako umupo sa mismong likod ng passenger's seat.

As I put my bag on my lap, wala sa sariling bumaling ako sa labas at nakitang papalapit dito si Dean. My eyes rounded in alarm!

Halos mabingi ako sa pagkalabog ng dibdib ko lalo na't ako lang mag-isa sa multicab. Nasa labas si kuya Edwin upang makipag-chikahan sa ibang carpool drivers.

Hiniga ko ang ulo sa headrest ng passenger at nagkunwaring matutulog. Another way to avoid is to pretend. Ilang sandali ang pinalipas ko bago idilat nang bahagya ang kaliwa kong mata upang sumilip muli sa labas.

Dean was already talking to Lucia na mukhang ito pa ang lumapit sa kanya. His broad back is facing me kaya mga kamay lang ng babae ang nakikita kong panay ang taas indicating her frustration.

Galit na boses niya ang naririnig ko though hindi ko masikop ang mga salita niya. Tahimik na nakikinig si Dean na nasa balakang ang mga kamay ngunit halata ko ang inis nito sa mabilis niyang hingal at panay pasida sa kanyang buhok. Para bang hindi na siya makapaghintay pang makaalis doon.

I could tell, but I'm not sure, that they're talking about me. Or maybe about them. Tss. Hindi girlfriend, huh?

Natabunan ang pinapanood ko sa bulto ni Sue na pumasok sa sasakyan.

"Anong nangyari sa braso mo, ate?" tanong niya pagkaupo.

Dumaing ako at kunwaring naistorbo sa pagtulog. Nanginig pa ang aking mga mata na sinubukang sumilip sa labas. So much for pretending, Ruth.

"Wala..." Pinagpasalamat ko ang ngalat sa aking boses.

"Anong wala? Pati mukha mo may kalmot!"

I ignored my sister. I just don't want to talk about it. At ang isipin lang ang tungkol doon ay nagpangyari na ng pangangamba sa akin para bukas.

Hindi masyadong malaki ang gulo kanina. Uwian kaya kaunti lang ang nakasaksi. But Lucia is one of the populars, kaya kahit hindi man kalakihan ang nangyari, paniguradong bomba ang issue na ito na sasabog bukas. Magpakita ba naman siyang may bukol sa noo.

Iyon nga ang nangyari. Kulang na lang huminto sila sa pangongopya ng assignment matignan lang ako. Para namang makukuha nila ang katotohanan sa tingin lang.

Kumalas agad si Erika sa isang kumpulan at pinuntahan ako.

"Totoo ba ang tsismis? Iyong ginawa mo kay Lucia kahapon?" usisa agad niya sabay dikit ng silya sa armchair ko.

"Ano bang narinig mo?" Sinabit ko ang strap ng bag sa likod ng armchair sa aking harapan.

"Binato mo raw siya ng bola."

"Nag-spike ako, siya natamaan. Unfortunately," sarkastiko kong sabi.

Tinitigan niya ang mukha at braso kong may malabong lamay ng mga kalmot ni Lucia kahapon. Wala naman akong sugat kung 'di pamumula lang.

"Sinadya mo raw, e."

Nagkibit ako at pumalambaba. E 'di sinadya.

Kung ano man ang magiging pananaw ng mga tao sa akin sa ginawa ko, they won't matter to me. I don't do things just to make an issue of myself. People are natural sinners and mistake-doers, so they don't dare expect someone to be perfect na aakalain nilang ni makabasag ng baso ay hindi nila kayang gawin.

I am Ruthzielle Erelah Simeon. Certified non-good girl enrolled in a Catholic school.

"Alam mo, sa nalaman ng classmates natin. Takot lang nilang ibigay sa 'yo ang english chip."

Nagtawanan kami ni Erika at hinayaan ko na siyang kumopya sa papel ko. Sinigurado kong hindi niya nakopya ang aking pangalan.

Dean is relentless visiting our classroom on recess as much as I am being relentless ignoring him. But this time, hindi na siya nanghihiram ng gamit. Hindi rin siya lumalapit sa bintana. Nakasandal lang siya sa ledge sa harap ng room namin kakuwentuhan ang barkada niya.

I've never see him alone. Maybe he'd been and I haven't seen it. Palagi siyang may kasama at malimit na siya ang nilalapitan imbes na siya ang lumalapit. All he has to do is sit like a fucking royalty and the people would swarm on him like he's a bonus life point to further survive.

Palagi siyang agaw atensiyon. Tumayo lang siya diyan na walang ginagawa ay may lilingon na sa kanya. Even the sunlight likes him so much na siya lang yata ang sinisinagan nito. The rest are just shadows looming over his smiling frame.

Why does he have to be so hot at...highschool? So illegal and unfair!

Baluktot ang ngiti niya habang nakikinig sa kwelang sinasabi ni Cash na ewan ko kung bakit napunta rito sa second floor. Nasa kabilang building naman ang room ng third year.

Dean's elbow was propped on the ledge while his other hand dug his pocket. His gracefully laid back posture didn't damage his prima facie tall height. Nakatupi ang isang tuhod niya't nilapat ang paa sa pader ng ledge. Every pose he makes is like he's in a photoshoot!

Naiinis ako! He's just so damn attractive and it annoyed the life out of me! Kung dadagdagan ang boses niya ay mas lalo akong nanggagalaiti. This kind of annoyance is choking me!

Sa sobrang attractive ng isang tao, parang ang sikip sa dibdib. You feel cold and hollow at the unknown areas in the stomache. You have acquired this feeling of hopelessness as though you're trying to reach for the Holy Grail.

Iyong gigil na gigil ka at matindi ang bagsak sa iyo ng kung ano kapag hindi mo nakukuha. Nakakapanlumo na ginusto mong huwag na lang itong hangarin dahil alam mong hindi mo kaya. Your body is tired chasing it but your heart is relentlessly going after it!

And I feel like a spoiled rotten child not being able to get what I want for the first time.

A seeking feeling has been attached to me and this should be taken out. I'm okay being with my father, sister and my best friend. I should not need more than this. What I have now should be enough. My doors are locked for a welcome change.

Sumabog ang tawanan nila at kita ko ang guhit sa gilid ng labi niya sa tuwing tumatawa o ngumingiti. Wala siyang dimple, but that crease at the side of his mouth is attractive enough. He's in sideview, so his sharp nose is very defined. His cheekbones are prominent and manly. Wala siyang niisang soft features. Everything about him is...hard and intense.

Tinignan ko ang nunal sa ilalim ng kanyang panga. Mula roon ay bumaba na nagpahagip sa akin sa nakasabit niyang black ballpen sa breast pocket ng top uniform niya. I even checked if it is properly buttoned.

May tinanguan siyang kakilala na dumaan saka binalikan ang pakikinig sa kaibigan. Nag-iwas ako nang papabisita ang mga mata niya sa aking gawi. I continue eating my sandwhich snack in peace. Ngunit ang presensiya niya sa gilid ng aking paningin ay sinisigawan ako!

Pagkatunog ng bell ay umalis na sila sa ledge.

Walang gana kong binaba ang hindi man lang nangalahati na sandwhich. Pakiramdam ko namumuti na ang labi ko sa panunuyo ng aking bibig at lalamunan. Sumasakit ang panga kong walang ganang ngumunguya. I don't want to move, and if I tried, I feel my bones wither.

Damn. I really hate this.

Inirapan ako ng isa sa mga kaibigan ni Lucia na nakita kong kalaro niya ng volleyball kahapon. Kakalabas lang namin ng canteen ni Erika at nakasalubong sila.

I never warned and announced to everyone that I'm a good girl, kaya inirapan ko rin siya pabalik sabay hair flip. Natamaan ko mukha niya.

"Bitch."

Huminto si Erika sa tabi ko. Parang papatay siya ng tao nang nilingon sila. She heard her, all right.

"Aba..."

Pinigilan ko siya bago pa niya sugurin. She has done enough damage to herself for her to be involved in my problems.

"Hayaan mo na. May araw din ang mga iyan," mahina kong sabi at hinila na siya sa ilalim ng Narra.

"Dapat isa-isahin mong batuhin ang mga ulo nila, e. Besides, they play lame! Kaya palaging tayong kulelat sa Intrams! Puro pa-chicks lang ang mga iyan! Mas magaling pang maglaro ang mga sophomore volleyball girls. You should really try-out in volleyball, Ruth."

Hinayaan kong maglabas ng sama ng loob si Erika habang kinukuha ko ang baon ko. Lumagok siya ng tubig pagkatapos mag-rant.

"Sa badminton ako."

Noong isang araw pa nagbukas ang try-out sa mga laro para sa papalapit na Intramurals. Bago pa man ito ay naisip ko nang sumubok sa badminton. Erika decided to be just a water girl. Meaning, tagabigay lang ng tubig sa mga players.

Sana man lang sumali siya sa Dart o di kaya'y isa sa mga parlor games para madagdagan naman ang merits sa bumabaha na niyang demerits dahil sa english drive!

"Saan tayo this sembreak?" Pagbubukas niya ng bagong usapan. Atras sa ulo at ismid ang reaksyon ko.

"Wala pa ngang Intrams iyan na agad ang iniisip mo?"

"Dapat planuhin na natin! Saan ba tayo maliban sa sementeryo?"

I'm not the one to plan things beforehand. Para sa akin mas maganda kung right on the spot talaga. Iyong walang pagpaplanong nagaganap. When you plan, you expect. Tendency, kadalasan sa inaasahan natin ay hindi natutupad. Kadalasan sa mga pinaplano ay hindi natutuloy.

Sa hindi ko pag-imik ay indikasyon na iyon kay Erika bilang pagtutuldok ng usapan. She doesn't push you that much when she knows that I don't want that particular discussion to go through.

Natigil lang kami saglit dahil sa Angelus na pinapatunog kada alas dose impunto ng tanghali. St. Louis is a Catholic school so we have this regulation maliban sa soliditary day every last Friday of the month kung saan libreng namimigay ng ulam ang canteen ng mga hindi sosyal na pagkain tulad ng munggo. It's a tribute to the works of our school saint.

Panay ang likot ng mata ko nang mahagip ang iniiwasan kong tao. Ugh! Why does he always have to be everywhere!

Tinalsikan ako ng kuryente sa pagbabangga ng paningin namin l. That grave and durable stare is almost too impossible to handle. Hindi man lang siya nag-abalang sabayan ang Angelus.

Nang matapos ay nangunguna siya sa paglalakad tungo rito sa Narra. Nakabuntot ang barkada niya na mukhang excited sa gagawin nilang misyon. Tumatalon-talon pa ang isang babae roon na katawanan ang kapatid ni Wilmer.

Every step he takes that earned a nearer distance to me fueled my frown and utter curiosity. Alam naman niyang iniignora ko siya, why should he risk himself being ignored again and again?

Kung ayaw mong mabalewala, huwag mo ring pansinin ang taong nambabalewala sa iyo. Kung ayaw mong maiwasan ng taong iniiwasan ka, e 'di huwag mo siyang lapitan. Simple.

Yet Dean's actions do otherwise.

Hindi ko tiyak kong pinasidahan niya ang buhok o sinadya niyang padaanin ang kamay roon upang guluhin. After all, he made a good art of messing his hair. Tumapak siya sa anino ng puno. I watch his shoes stepped over the poor yellow flowers on the pebbled ground.

Sumalakay sa pang-amoy ko ang panglalake niyang pabango nang dumaan siya sa gilid at pumwesto sa likod ni Erika. My friend is eyeing him. Oo nga naman kasi, bakit nasa likod niya siya?

Sumilong ang mga kaibigan niya sa likod ko hindi malayo sa akin. I'm sitting Indian style at sa harap ko ang nangangalahating laman ng aking baon. Tahimik si Wilmer as usual na half-interested sa mga biro ni Cash. Ano ba kasing ginagawa nila rito?

Kaliwang kilay ko ang nag-angat. "Ano na naman hihiramin mo?"

His mouth twitched, probably debating either to speak or to smile. Pagkatapos kumurap ng isang beses ay nanliit ang mga mata niya, doubling the intensity of his gaze.

"Atensiyon mo."

Gumapang ang init at nakakabinging hiya sa aking balat, lalo na sa narinig na hagikhik ni Cash sa likod ko. Sinita siya ng babae. Either that's Will's sister or the other friend of theirs.

Guminhawa ang loob ko nang tignan si Erika na tinakpan ng gulat at mangha ang mukha. Nagbalik sikip ang dibdib ko nang tignan muli si Dean.

His narrowed eyes never left me, only to be added with igniting amusement. Halos makita kong may nangyayaring fireworks display sa mga mata niya sa sobrang kislap nito.

Nagtitigan kami. Kung bakit mas nakakaramdam ako ng ilang kapag bibitiw ako ng tingin ay hindi ko matiyak. So I stared back at him longer than I should.

I appreciate his eyes with my countless adjectives more than I should seek the narrowest corners for flaws to somehow compensate for his perfect features. Mukhang sa kanya lang nag-over time ang Diyos upang mahulma siyang mabuti. Sa sobrang perpekto niya magdududa ka kung umuutot pa ba siya. It's like he can't do anything wrong!

Every body part, every toned muscles, every structure in his physicality...and that body should not be in highschool. Lean. Kahit mamaluktot yata siya diyan ay may tikas pa rin.

He should be illegal for being too perfect. Iyon lang, hindi ako sigurado sa ugali niya.

Umangat ang gilid ng kanyang labi para sa isang baluktot na ngisi. He seems satisfied with the fulfillment of his black agenda. Umayos siya ng tayo sabay baon ng mga kamay sa bulsa.

"Ayan, nahiram ko na. Hindi ko na ito isasauli. Binigay mo na yata sa akin, e."

Naghiyawan ang mga nasa likod ko. Cash's voice is so loud! Nanigas ang mga balahibo kong ayaw nang kumalma! My arms felt so rough as shiver conquered me.

"Corny mo, Dean! Kaunting creativity naman!"

Binato siya ng naaaliwng babae na may suot na malaking red headband. Suot niya ang matamlay na black knapsack ni Dean. Siya iyong pinagseselosan ni Erika dahil sa pagkakagusto umano ni Jester dito. She's not one of the band, but she's within the squad.

Awang ang bibig ni Dean habang tinutusok ang dila sa ilalim ng pisngi. His eyes full of confidence and mockery like he is plotting for this to happen!

Iyan ang kanyang itsura nang simpleng inilag lang ang ulo sa pagbato ng kaibigan. That look is too arrogant for me. But it suits him just fine. So fine.

Hands still in his pockets, Dean turned his back away at kalmang naglakad palayo pagkatapos ng mga sinabi niya. Sumunod ang mga kaibigan nito. Ningisihan ako ng dalawang babae at kinawayan ni Cash.

I watched at their leaving tracks, stunned. Nag-vibrate pa rin sa akin ang init at hiya. Anong pinaglalaban ni Dean? At ayaw ko sa pakiramdam na nanliliit habang pinapanood silang lumalayo. They're having fun, like they're done bullying me and loving it.

"I think he likes you," ani Erika. "Pansin ko lang, ha? These past few days, tinititigan ka niya na parang ikaw ang nakaimbento ng gitara."

"Ha?"

Umismid siya. "Ang ganda mo, Ruth. Bingi ka lang. Huwag na nating pag-usapan na manhid din."

Inipit ko ang labi ko at nagbuntong hininga. Tinakpan ko ang baon kong hindi ulit naubos.

"I know he likes me. I just don't want to entertain it."

Tumigil ang ingay ng plastic na pinaglalagyan niya ng lunch box.

"Do you like him, too? And also don't want to entertain your feelings for him?" Pinatakan niya iyon ng panunuya.

Her question hits close to home. Sa hindi ko pag-imik ay lihim kong minamando ang depensa kong umangat at pakapalin hanggang sa tuluyan na akong balutin nito. I just went out the door from the ruined house of a recent relationship. So going inside a new one is less potential for being a top list of my priorities.

For now, I'm giving being in a relationship a rest. I can't seem to find the purpose of it now that I am graduating. Siguro sa panibagong responsibilidad ko ay nakakalimutan ko na ang rason ng mga bagay na nakasanayan ko ng gawin dati. The new experiences and mounting feelings are blinding me from those reasons followed up by the people who influenced me. .

And I don't want for it to resurrect, much less for it to affect me more than they did me before.

"Hala! Wala pa si kuya Edwin?" satinig ni Erika sa pagtataka ko nang makitang wala pa ang aming carpool. Nakiki-hitch kasi siya hanggang eskinita.

Tinignan ko ang aking relo. It's five in the afternoon! Nasiraan ba si kuya Edwin kaya natagalan ito? Kahit kailan ay hindi pa naman siya nale-late.

Tinext ko si Sue at inalam kung saan siya naghihintay. Kalimitan ay sa gym pero walang senyales niya sa mga bleachers kahit ng mga carpool mates namin.

Hindi nagtagal ay nag-reply ito.

Sue:

Akala ko hindi ka sasabay? Umalis na kami kanina pa.

"What?!" bulalas ko.

"Ano sabi?" tanong ni Erika habang sumisipsip ng ice candy.

Pinakita ko sa kanya ang text ni Sue. "Kanina pa raw sila nakaalis!"

Her frown mirrored mine. "Ba't hindi ka hinintay?"

Imbes na sagutin ay tinext ko ito kay Sue. Nanginig ang mga daliri kong lumilipad sa bawat keypad.

Sue:

Sabi ni kuya Edwin hindi ka raw sasakay kaya umalis na kami.

"Ughh!" Napapadyak ako sa konkreto at dumaing sa inis! Ginagago ba ako ni kuya Edwin?

"Ano raw sabi?" muling tanong ni Erika at dumungaw.

Ako:

Wala akong sinabi sa kanyang hindi ako sasakay! Saan na kayo? Balikan niyo kami!

Marahas kong hinilamos ang aking mukha at tuluyan nang tinanggal ang tali sa aking buhok. Gusto kong mag-headbang sa inis!

Sue:

Bukas pa kami makakauwi ate kung babalikan ka namin. Traffic.

Tinapon ko ang cellphone sa bag habang patuloy na dumadaing sa iritasyon. Dapat hindi naniniwala si kuya Edwin sa kahit kanino lalo na't hindi ito ang direct source! He knows I will tell him personally kung kailan ako hindi sasakay. At iyon ay nangyayari lang sa tuwing cleaners ako!

"Sasabihin ko talaga kay daddy na hindi ako magbabayad sa carpool ngayong buwan!"

Tinapon ni Erika ang plastic ng ice candy sa kalapit na basurahan saka inangkla ang kamay niya sa braso ko. "Tara na, maglakad na lang tayo pa-eskinita."

Sumunod akong hindi pa rin pinakawalan ng inis. Tumindi pa sa pagdaan namin sa gym at nakita muli ang grupo nila Lucia. I saw how she smirked at me before she did a spike on the ball.

Tss. Mas magaling akong mag-spike kesa sa kanya. Nasapol ko nga mukha niya, e. Kung makapagyabang siya diyan. She can't even win a single parlor game with her lame hands only meant for combing hairs and not for aggressive games.

Bumalik kami sa pinanggalingan naming gate. Mas malapit tahakin dito ang eskinita kesa doon sa pinaradahan ng mga pedicabs. Mas kaunti lang din ang dumadaan na mga sasakyan dahil dead end na ang isang tindahan samantalang sa kabila ay may lusutan at kadalasang ginagamit bilang shortcut upang makaiwas traffic sa main road.

Hindi pa man kami nakalabas ay hinarang na kami ng bulto ni Kiefer Ortigoza. Sa kanyang mukha ay tila pinapamunuan niya ang tag-ulan at madilim na kalangitan.

The intimidation that he possessed only doubled by his wearing of the CAT uniform. Para niya kaming aarestuhin sa krimen na hindi naman namin ginawa. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya, umaasang may dala siyang posas.

"Samahan mo ako."

Namilog ang mga mata ko. I looked at Erika who can pass as a statue. Sa paninigas niya ay hindi ko na yata matatanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Uh...Uhmm..."

Diretso ang tingin ni Kiefer sa nauutal kong kaibigan. What the hell is happening? For all we know, he sucks at flirting at girls! Wala nga yata siyang niisang kaibigan na babae. Then this?

Natulala lang ako habang pinagmamasdan na tinatanggal niya ang kamay ng kaibigan ko sa aking braso. Bigla niya siyang hinila palayo sa lalabasan naming gate!

"Hoy!" Inayos ko ang strap ng bag ko sa balikat at binilisan ang paghabol sa kanila. "Saan mo siya dadalhin?"

Panay ang lingon ng gulat pa ring mukha ni Erika habang may sinasabi ito kay Kiefer. He spoke to whatever she said to him. I couldn't hear them kaya tumakbo na ako upang mas mahabol sila at mapigilan.

Bago pa ako makalapit nang husto ay nilingon ako ni Erika. Eyes wide, but shock and fear were dead. Kumikislap pa nga ang mga ito.

"Mauna ka na, Ruth!" sigaw niya, patuloy pa ring hinihila ni Kiefer na hindi man lang lumingon dito upang ipaliwanag ang nangyari!

Napahinto ako sa sinabi ng kaibigan. They never stop walking. Hindi na nakahawak si Kiefer sa kanya ngunit sabay silang naglalakad.

"What the hell, Erika?"

Tumango lang siya at sumenyas na mauna na ako. Pagkatapos ay parang naengganyo na siya sa pagsama kay Kiefer. Sabay silang lumiko sa corridor na maghahatid sa kanila sa canteen. What?

I saw people's eyes following their tracks. For sure pag-uusapan sila. Sikat ba naman si Erika bilang playgirl. And Kiefer is never one to have girls inside his circle. Headlines about them is blaring an alarm.

Nang nakitang nilamon na sila ng hamba ng canteen ay doon ko lang nakuhang kumilos. Whatever they'd be doing today, I'll make Erika fill me in tomorrow.Wala naman sigurong gagawing masama sa kanya si Kiefer. He's respected not just as an officer but also as a part of the Student Council.

Wala nang pedicab dahil papalalim na ang hapon. Naglakad na lang ako na walang ibang inaalala kung 'di ang marating ang eskinita as fast as possible. Nabibilang na lang ang mga nakakasabay kong naglalakad. Ilang classmates ko noong past year levels ay ningingitian ko.

Sa gilid ay tiningala ko sa likod ng konkretong bakod ang sumilip na bahagi ng canteen. Nandiyan pa kaya sina Erika? Ano ba kasi sadya ni Kiefer sa kanya? Kung hindi ko kakayanin hanggang bukas ay matatawagan ko talaga siya mamaya upang malaman.

I've never felt this kind of alone. Iyong naiilang ka dahil ikaw lang mag-isa na gusto mo na lang itago ang mukha mo. Being alone like this felt like being stripped naked infront of everyone to see and judge. Iyong nahihiya ka dahil mag-isa ka at pakiramdam mo walang gustong kumaibigan sa iyo. You could hear people's questions and their looks without you having to hear or see them.

Kasi kadalasan doon nakikipagkaibigan ang mga tao sa may marami ring kaibigan. Maybe because they think that person is more fun while this alone person is boring.

But somehow it's good to be able to feel this. I appreciated it. We can't be indulged with fun at all times. Everybody should have to feel alone sometimes. It's not wrong to feel alone.

And I, who has never been thrown down into the pits of solitary, never thought would like this. Masaya rin pala na mag-isa. But this would only be short-lived, I know. No man can survive alone. I won't be able to survive this alone.

Nakarinig ako ng ingit ng kadena at tunog ng mga pagpadyak. Papalapit ito at dahil sa dumaang trak ay nabaon ang ingay na iyon at lumitaw muli nang lumagpas. Tinakpan ko ang ilong sa iniwan nitong alikabok.

"Hello!" pakantang bati ng pamilyar na boses, at sa tonong marahang nanunuya.

Hindi pa ako tuluyang nakalingon ay tumabi na sa akin ang pedicab lulan si Dean. He's not smiling, but his eyes are twinkling in full blown entertainment. Para bang enjoy siya sa kakapanood sa aking naglalakad.

Kumunot ang noo ko sa kanya at sa driver ng pedicab na palagi kong nasasakyan. Pasalit-salit ang mga mata ko sa kanila habang binabalot ng pagtataka. Seriously, amo ba talaga nito si Dean?

"Sakay ka na, Ruth."

Diretso akong tumingin sa nilalakaran. "Wala na bang mas ikabibilis ang pagpadyak mo manong?" Para hindi na niya ako masabayan.

"Ganito talaga kabagal 'to, miss."

Umirap ako. Hindi naman ganyan kabagal iyan last week. They can actually overtake and leave me.

Tuwing binibilisan ko ang lakad ay tinutumbasan ito ni manong. At kapag mabagal ay binabagalan rin niya ang pagpadyak. And Dean is enjoying this to the extremes!

Pakiramdam ko pati iyong sasakyan ay kinakampihan siya at nag-joined forces sila upang asarin ako!

"So ganito," tumikhim si Dean, "let's apply a bit of Physics in here. If the speed of your walk has the same speed as the pedicab, but walking takes much more effort and force than the slow smooth ride of the vehicle. Who do you think tires more? Ang naglalakad? O ang sumasakay sa pedicab na may katumbas lang ang bagal sa lakad mo?"

Damn, he's really enjoying this to the depths!

My exhausted feet and leaking sweat betrayed me at nag-cheer sila sa pagsang-ayon kay Dean. Kung iisipin ay malayo pa nga ang lalakarin ko. Hindi pa nga ako nakalagpas sa bakod ng eskwelahan. And just by thinking about it tires me even more.

Huminto ako at siya ring paghinto ng pedicab sabay ingit ng kadena. Tinali ko ang buhok ko sa isang messy bun. Magpapagupit na talaga ako.

I huffed. Hindi ko tinignan si Dean nang padabog akong sumakay na ikinauga ng sasakyan. Hindi man tignan ay kita ko ang kaaliwan niya. Umusog siya sa kanan upang doon ako sa pinakaloob.

I can feel the rush of air as the pedicab started to advance. Galing sa bagal at bigla na lang sumusulong ay ramdam ko ang struggle ni manong sa pagpadyak since dalawa na kaming kargado niya. I am making this as my focus than Dean's overwhelming proximity.

"Anong oras P.E niyo bukas?"

Bahagya akong nagulat sa bigla niyang pagtatanong. Oh, I bet he knows we have the same P.E schedule.

Tinago ko na lang ang gulat sa isang malamig na mukha.

"Ano na naman ang hihiramin mo?"

"Depende kung magpapahiram ka. You've been ignoring me like it's a new found religion and you devoted yourself to it."

Nilingon ko siya. Umakyat ang paningin ko sa buhok niyang tumutusok na sa takip ng pedicab kaya marahan siyang nakayuko. Sa laki ba naman ng katawan niya at tangkad, he almost occupied the whole seat. Kung hindi lang ako manipis na babae ay hindi kami magkakasya.

"You can't always borrow things from me, Dean," I said. "Estudiyante ka, so you have to be responsible and bring your own supplies."

"Estudiyante ako dahil enrolled ako sa eskwelahan,"agap niya, nasalo ang balingkinitang inis sa kanyang tugon. "Being a student is just a title when you're in school."

I sighed saka humarap sa daan. I hugged my bag to feel more comfort.

"Fine, school is not for you, I see. But in our youth, education will always chase us in different forms, Dean; A requirement in the society, an encouragement from a mother, support from the father, and the willingness from yourself. Kaya hindi mo matatakasan ang edukasyon. We need it."

"We need it with a reason to get us a job. That is education in school," mabilis niyang sagot. "But if you have the ability and ingrained talent, I don't think it's needed. Marami namang nagtatagumpay na hindi nakapagtapos ng pag-aaral."

Sandali akong natilihan. I know I should respect his statement since it doesn't do any damage to me but I totally disagree.

"Well, for your interest, you don't have to go to school because you have that innate talent." Hindi ko mapigilang bahiran ito ng uyam. "Life experiences can educate you alone, I get that. Pero saan ka matututong magbasa? Magsulat? Socializing? The outside world has a lot to offer for learning than the indoors, Dean."

May pumaraan sa mukha niyang hindi ko mabasa. I could interpret that as grave and something that reverberates consideration to what I said. An agreement to my statement that he's trying to suppress dahil gusto niya siya ang mas tama.

"I just want to live my life without the rules but the ones I set on my own," he finally said.

Tahimik ko siyang tinititigan. What are the factors that could affect a person's characteristics? Dean is adopted. Kung ganito ang gusto niyang piliing buhay, did something happen at his adopted home that affected this way of thinking? This behavior? This seek for freedom? Hinihigpitan ba siya masyado ng mga magulang na kumupkop sa kanya? Are those parents wanted him to be someone like their real son Kiefer?

If he wants to make his own rule then maybe my opinion of him won't matter. He has his own garbage full of opinions coming from judgemental people.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Hindi lahat sasang-ayon diyan sa paniniwala mo, Dean. What you have is a brow-raising issue. Sa lahat ng narinig kong opinyon, yours is the one I can adulteratedly disagree."

Ngumisi siya, like he's been waiting for me to object to him all his life. Or he's been expecting for me to raise a brow.

"I'm all armed against criticism and I give a zero fuck. People won't like me because of my crooked opinion, anyway. People like me because I'm in a band."

"So you're armed with what? With your charms?" I said, surprised at his confidence with a perimeter of boasting. He knows he's got the trifecta of tall, talent and gorgeous and he's using it to his advantage!

"Just so you know, may ibang hindi natatablan ng charms mo, Dean. Not all people or 'ladies' are fond of...band guys."

"Bullshit."

Tumalim ang tingin niya sa akin. Umismid ako sa rahas ng pagmumura niya.

"Sorry, don't you like me cursing?" kumambyo ang boses niya.

Isang balikat ko ang inangat. "I'm not against it."

"So...it's okay if I curse? Hindi ka magagalit?" May bahid na lambing at pag-iingat sa tono niya. Parang tinunaw rin ako sa lambot.

"Hindi. Why should I? Gusto mong magmura, so go. Curse all you want."

If that's one of your rule that you want to set on your own, then proclaim it. That's an afterthought.

"Hindi ka ba matu-turn off kung magmumura ako? 'Cause I warn you, I have a dirty mouth, Ruth."

Ngumisi ako. "You should brush your teeth often, then."

Humagalpak siya. I could smell the mint from his breath kahit hindi ko sinadyang amuyin. And how can a laughter be sexy? Akala ko katawan lang ang sexy, iyong tawa rin pala. May six-pack din kaya ang tawa? Natawa ako sa sariling tanong.

"You're not fond of band guys?" Tahimik niyang tanong. Nahimigan ko ang pinaghalong pag-asa sa kanyang tanong at kabiguan sa kanyang tono.

Taas kilay ko siyang nilingon, naghahamon. "What would you do if I'm not?"

Saglit at marahan ang pagnguso ng labi niya. "Sa tingin mo, anong gagawin ko?"

The challenge in his eyes never left it.

"Quit the band?" I'm not sure.

"Why do you think I would quit the band?"

"Because I don't like you being in the band."

"Don't you?" Kilay niya naman ang nag-angat, tila ba hindi ako pinapaniwalaan. Bahagyang umawang ang bibig niya.

"I do."

"Then I won't quit the band."

"What if I don't like you being in the band?"

"But you do like me being in the band," natatawa niyang sabi.

"Paano nga kung hindi?" Natawa na rin ako. "Pagdating ng panahon, ayaw kong nasa banda ka."

"Pagdating ng panahon?" Humagalpak ulit siya na parang hindi posible ang sinasabi ko at malayong mangyari. "Bakit sa tingin mo magkakasama pa rin tayo sa panahon na tinutukoy mo? Do you have any ideas or plans for us, Ruth?" He chuckled.

Uminit ang pisngi ko sa nagsusumigaw na aliw sa pagkakatanong niyang iyon. Sinubukan kong itakwil ang pananayo ng balahibo ko sa pagkuskos ng aking braso sa tela ng aking bag. I hope he didn't notice.

"It's just a 'what if', Dean. Don't set your hopes too high."

I hate the fluttering in my stomache. Lalo na nang tumawa ulit siya!

"Oh believe me, Ruthzielle. My hopes have passed beyond a tower they could make the yet to be the tallest building in history."

"Dahan dahan lang, baka mag-collapse." Sabay ko sa trip niya.

"Hahayaan mo bang bumagsak kahit hindi pa natutupad?"

Inipit ko na ang labi ko upang magpigil ng ngiti sa pinagtambal na patuya at naghahamong tono. Dean is good at mockery and sarcasm. I'll give him that. He's good at taming the shivers that conquered my spine, too. Tila ba may string ng gitara ang likod ko na eksperto niyang kinakalabit upang panginigan ako.

Lumiko na kami sa may nursery ng mga halaman kung saan may short-cut para sa main road. Pero ayaw naming dumaan ni Erika dahil sa no trespassing.

"Huwag mo akong landiin. Kagagaling ko lang sa break-up," sabi ko, hindi siya tinitignan.

Kahit ang mga tumatawag sa atensiyon namin, lalo na kay Dean ay hindi ko nililingon. I think Dean is ignoring them, too. Kahit sobrang lakas ng pagkakasigaw ng pangalan niya galing sa grupo ng mga babae.

"So what? Minahal mo ba?"

Umismid ako sabay iling. "I'm too young for love."

"Love has no age. Love doesn't care about how young you are."

Whoah! Hindi ko mapigilang lingunin siya upang makipag-argumento ukol rito.

"You enlighten me, Cornelius," namamangha kong wika. "What do you know about love at such youth? You're not even in college yet. And given your reputation? I'm not expecting a mature explanation from you."

He looked so snob as he turned to me.

"I don't need to be mature to be able to explain things the right way. Saying the right things doesn't come from your level of maturity but from what you feel, Erelah."

He pronounced my second name slowly with such emphasis and accuracy.

"Explain the right things based from your feelings, then. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang isang pakiramdam. We can feel wrong feelings."

"We don't. You only think that what you feel is wrong but it's only because you're blinded by what you wanted to feel and you deny what you actually feel. So no, Ruth. There are no wrong feelings. We can only fake them. We can only pretend."

Inaaresto pa rin ako ng paningin niya at sa mga sandaling iyon ay wala akong maisip na ibabatong salita. His stare is forbidding me to think. And I allowed myself to be prohibited. That pointed stare is telling me that I said something wrong.

"And why do I have to explain if I can just show it?"

Kumunot ang noo ko, nakawala sa pagbabawal gawa ng tingin lang.

"Show it, how?"I absentmindedly asked.

Napaatras ang ulo ko sa paglapit ng mukha niya. Sa gilid ng paningin ay kita ko ang braso niyang kumakapit sa sandalan kong upuan. Gumagalaw kami sa pedicab at tumatalbog sa nadadaanang lubak na daan. Kung hahayaan namin itong kontrolin kami ay marahil magbubungguan ang mga ulo namin!

"Do you really want me to show it, Ruth?" naghahamon siya sa pag-aakalang hindi ko kaya ang pinapagawa niya.

Hindi ako sumagot. Senyales iyon sa kanyang mas ilapit pa ang mukha. I could almost feel the hair of his nose tickle my nose! Pinapaso ng hininga niya ang paligid ng aking bibig.

"Ruth...do you want me to show it?" he whispered, I shivered. The air in my lungs is pulling my breath down I can't almost speak!

"Paano..." bulong ko pabalik.

Inaabuso ng mga mata niya ang kalayaan na maglakwatsa sa aking noo, mga mata, ilong, pisngi at...labi. Nang matignan iyon ay bahagya niyang sinipsip ang labi niya at kinagat nang marahan bago pinakawalan. Damn.

Kumuyom ang tiyan ko sa napanood. Pinigilan kong mapaawang.

Pumaraan ang multo ng kanyang ngiti saka bumaling sa gilid. Tumango siya sa kabilang daan. "Hatid na kita."

Ginising ako nito sa animo'y nananaginip kong estado. Nasa eskinita na pala kami at nakaparada na ang pedicab. Nagpangyari sa akin ang hiya sa inisiip na kanina pa kami nito hinihintay bumaba.

Katulad ng nakaugalian ay si Dean muli ang nagbayad. I'm just too stunned to act just about anything that I could feel myself being wrapped in a tight rope.

At katulad rin ng nakaraan ay pinapauna akong umakyat ni Dean sa Skywalk. Pinapantayan ako sa taas at pinapaunang makababa nang nasa kabila na kami. We were silent all the way. Pinagpahinga sa mahaba-haba rin namang usapan kanina.

Pinara niya ang paparating na jeep. Bago pa ako makapanhik ay nagsalita siya.

"Oh, and by the way. I may still be in highschool, but I'm already eighteen. In fact, hindi lang ako maaaring magmahal , Ruth. Sa edad ko, pwede na rin akong magpakasal."

Namilog ang nga mata ko. "Bakit mo sinasabi sa akin iyan?"

"Sa tingin mo?" he asked like I knew. But I don't!

"Aba, malay ko!"

"Pagdating ng panahon, Ruth?" Ngumisi siya. "Hindi natin alam, baka magdilang anghel ka." Nanliit ang mga mata, as if a sudden thought has tapped him. Tumagild ang ulo niya. "Oh...wait. Erelah means angel, right?"

"In Hebrew, yes."

His mouth frowned, ngunit tumango siya. "I have high hopes that you have the prophetic tongue of an angel."

Umirap ako. "Ang landi mo, Dean." Saka umakyat na sa jeep na pinara niya.

Tumawa siya at tinapik ang jeep saka ito lumarga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro