NINE
Bumalik kami ni Dean sa loob para sa kanilang second set. Sa backstage na ako nanood upang makaiwas sa mga roaming guards. Ang iba kong kasamahan ay may kanya-kanya ring ingay sa likod.
"I love me!"
Kahit mula rito sa frontseat ay kinayang makalusot ng boses ni Erika na naglilikot sa likod ng pick-up. Hearing her like this? I can only assume that they had some liquiors just a while ago backstage.
Napangiwi na ako sa lumalalang tawanan habang tutok sa sinusundan naming pick-up ni Cashiel. Doon kinakarga ang ibang instrumento.
Binigyan ako ng rason na lumingon sa likod pagkarinig ng dabog kasabay ang pag-uga ng sasakyan. Erika was jumping and laughing already, so were the people around her except Wilmer na ang sama ng tingin sa kanya habang sinusubukan siyang paupuin.
"Pwede ihatid natin si Erika sa kanila? She can't go home like that alone," pagod kong saad kay Dean.
I know that he's tired, too. Akalain mong limang kanta sa dalawang set so that made him sang ten songs tonight. Or at least, just several minutes ago. Five minutes after midnight was the displayed time above the stereo.
At ngayon nagmamaneho pa siya. Mas inalala ko pa ito kesa ang pagharap kay daddy mamaya.
Kita ko ang pagsisikap niyang pigilan ang paghikab. Nang nilingon ako ay halata na talaga ang pagod niya sa namumula at namamasang mga mata. He smiled.
I'm sorry, Dean. Kung hindi lang talaga lasing si Erika ay hindi ko hihingin ang pabor na 'to.
"Okay lang ba? I hope it's no trouble, Dean. Pero pwede mo rin naman kaming ibaba at magta-taxi na lang kami. Ako na maghahatid sa kanya pauwi..." I trailed off as I witness the dark and quiet streets outside.
Agad nahawi ang ngiti niya. Iyan at ang imahe sa labas na mismo ang nagbabawal sa aking ituloy ang alternatibo kong plano.
"Then what, Ruth? Have some bunch of assholes do something to the both of you? Alam mo ba kung anong oras na? In this part of the city, it's murder time. Nothing good happens here at past twelve midnight."
His annoyed tone was enough for me to shut up. Alright, he's right! Hindi naman niya kailangan siraan ang lugar na 'to.
Seeing how the dark streets painted a lot of colorful pictures in my head, I know where his annoyance was coming from. I know exactly where that underlying fear was coming from. I have that in me myself.
Pagkatapos maihatid si Erika ay sa parehong eskinita nagpababa ang magkapatid na Rivero. Marami pang mga pampasaherong sasakyan na dumadaan kaya mas ligtas. Out of way na rin kasi kung ihahatid pa sila ni Dean.
Bumagal ang sasakyan at kita ko ang nakatayong bulto ni daddy sa harap ng gate ng bahay pagpasok pa lang sa subdivision. Ramdam ko ang paglingon ni Dean sa akin ngunit nanatili ang mga mata ko kay dad na alam yatang lulan ako ng sasakyang bida ng kanyang paningin.
As the headlights tainted his face, I saw his stare could send this pick-up in flames anytime. Pumalo ang kaba sa dibdib ko. I texted him a while ago, pero huli na. I should have texted him right after agreeing to go to the bar.
Nang umibis ng sasakyan ay doon ko pa lang naisip na sana hindi muna kami umuwi. Bigla akong naduwag. Bumaba na rin si Dean tanda ng lagapak ng pinto sa side niya.
Nothing scares me more than seeing my father angry. It scares me even more to know the extent of it.
"You didn't tell me na aabutin kayo ng madaling araw," aniya nang nasa harap na niya kami. Ang tindig at halukiphip niya'y sapat na upang mapaatras ang kahit sino.
"Sorry, Dad."
Malikot ang mga paa kong nakatago sa itim na Converse sneakers, naghahanap ng maapakang bato upang doon ibaling ang kaba. I usually find comfort in keeping my feet and hands busy while at the middle of something nerve-racking.
"Saan ka pa uuwi, iho?" Even when calm, hidden behind my father's tone was a demand for an answer.ASAP.
Tumikhim si Dean at matapang na tumabi sa akin. Ang manggas ng shirt niyang tumama sa braso ko ay humango ng pangingilabot. Marahas haplusin ang balat ko ngayon.
"I'll crash at my friend's house tonight, Sir. Hindi tamang hahayaan ko lang si Ruth umuwi mag isa sa ganitong oras. So I drove her home all the way to keep your daughter safe. Mas kampante ako kapag ako ang naghahatid sa kanya."
Mariin akong napapikit na parang kaya nitong awatin ang dugong gustong manirahan sa buong mukha ko. I can't look at him without feeling something weird and unfamiliar.
The more I can't look at my father. I never brought boyfriends in my house. Dean isn't even my boyfriend! Pero ito, nasa harap siya ng bahay ko. Kaharap pa niya ang ama ko! Irony at its best.
Gusto kong tumakbo sa aking kuwarto at magkulong hanggang Lunes. I could feel the moon and the stars and the midnight clouds mocking at my blushing.
Sa nakayuko kong ulo ay bahagya kong sinilip ang reaksyon ni daddy. Tumango siya nang tipid. "Magpahinga na kayo." Bumaling siya sa akin. "Ruth..."
Huminga ako ng malalim bago humakabnag upang tabihan siya. Like the good daughter that he thought I am.
Hindi pa buo ang ginhawang nararamdaman ko. There could be a reason why he's not admonishing me. O siguro ay ayaw lang talaga niya akong pagalitan at iyon ang pinagtaka ko.
I'm reminded about Erika talking about always being reproached by her father kaya malimit itong inaatake sa puso. Sana lang hindi ito ang naghihintay sa pinto nila ngayon at baka mapaaga pa ang novena para sa kanya.
Nagkatitigan kami ni Dean. Mukhang ang takot na mismo ang umiiwas sa kanya dahil hindi ko siya nakikitaan niisang pag aatubili habang kaharap ang ama ko. As though facing other daughter's father is a daily life habit to him like facing himself in the mirror everyday.
Parang nanghihingi ng permiso ang mga mata niya. I don't know what to respond so I just stared. Bahagya siyang yumuko pagkabaling kay papa saka siya tumalikod at tinungo ang gate nina Cash. Sumasayaw ang susing nakasabit sa kanyang jeans.
Nang kinatok ay lumaslas sa katahimikan ng madaling araw ang kahol ng mga aso. Hindi nagtagal ay bumukas ito at nagsara nang siya'y makapasok.
Then my eyes cut to his Tacoma parked infront of our gate.
"Are you dating him?"
My father's voice held no danger. Kaya hindi rin ako kabadong sagutin dahil alam ko ang isasagot ko at ang isasagot ko ay kung ano ang totoo. It's the truth, after all. We don't fidget from saying the things we didn't plan to deny. We don't feel the fear when you don't have an intention to lie.
"Hindi po. Schoolmate. Tsaka...siya iyong vocalist ng bandang pinanood namin kanina."
Pinamunuan ko ang pagpasok sa bahay bago pa niya ako mausisa nang mabuti. Lumalamig na rin ang hangin at gusto ko nang magtalukbong ng kumot.
"Ba't siya ang naghatid sa 'yo?"
Hinarap ko siya. Dugtong ang kilay niya habang hinahanapan ng senyales na maguugnay sa kung ano mang maling akala niya. He's already assuming something, I see. At ngayon pa lang ako nakilatis nang ganito.
Now being here, I have to understand. Mag-isa niya kaming binuhay at hindi kalimitan namin siyang nakakasama ni Sue sa bahay. He's trying to work this out for us being a single father. Kaya wala akong karapatang magmaktol. Hindi madaling magpalaki ng dalawang anak lalo na't puro kami babae. Mga alagain. Mga dapat patnubayan.
Going home at this hour—tinignan ko ang wallclock. It's almost 1:30—I am giving him more reasons to react like this. I probably am giving him more reasons to tighten his hold on his daughters. This serves as his warning without even intending to do so.
"Dahil siya lang marunong mag-drive?" pagbibiro ko pa.
Lalong dumiin ang pagdududa sa mukha niya. Still with his arms crossed, it creates a wall announcing that he cannot be lied to. But I'm not lying!
"I saw our neighbor arrived home driving his own car."
He's talking about Cash. Malamang kanina pa siya naghihintay sa labas at nakita ang pagdating nito.
Hindi ko alam ang isasagot. Bakit nga ba siya ang naghatid? Bakit hindi si Cash na kapitbahay namin? I even asked myself but ended up falling into confusion.
"Do you like him, Ruth?"
Nagulat ako sa tanong niya. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi agad ako makasagot.
"Dad..." may lihim na protesta sa mahina kong boses. Bigla ang pagbagsak sa akin ng pagod sa tanong na 'to.
Bakit ba nakakapagod sagutin ang totoo? Anong meron sa katotohanan na hirap tayong aminin ito? Bakit mas gusto pa natin ang mahabang paliwanag kesa sambitin ang maikling sagot?
"May itsura siya. He's the kind of guy countless girls want to fall in love with. Ganyan din ang mommy mo, Ruth. Unfortunately, she ended up with me."
Sa hindi inaasahan ay binalot ng lamig ang aking dugo. Tulala ako habang tahimik na dinudugtungan ang sinabi niya. Where is she? She left the good for the bad? She left the good things for her bad wants?
"He's the kind of guy most girls would leave their good boys for..."
Ang malungkot niyang ngiti ay nagudyok sa higanteng kamao na kumuyumos sa puso ko. The air that he left as he passed by me wasn't enough for me to breathe strongly. Nangangapa pa rin ako, hindi lang ng hangin kung di ng karagdagang paliwanag. Ng karagdagang sagot.
Hanggang sa umingit ang pinto sa pagbukas at sara nito, tulala pa rin ako sa dulo ng hagdan.
He didn't just say that to me. He didn't just hinted that I most probably be ending like my mother. Who had her types but fell on the wrong ideal and ended up abandoning us.
It's easier to be selfish. Doing the things for our own good seems to be the easiest task to take. Kaya kalimitan itong nagagawa dahil madali lang. And when it is done often, it leads into the abuse of doing it repeatedly. Kaya maraming nakakalimot sa mga pangako at responsibildad nila sa iba.
My mother went overboard with her limits. She overlooked the boundary line. Na dapat hanggang dito lang ang pagiging makasarili mo. You can't love yourself fully because you have to share that love of yourself to others.
But she loved herself too much that a sacrifice for her self-interest didn't occur to her so she did the only thing that she knows. Staying wasn't even in her option.
I thought I was the one's who's unintentionally reminding him about his loose chain on us. Mali ako. I am the one being reminded tonight.
What dad said never stuck that strongly to me for long. Lubid itong pinutol ang kaugnayan sa utak ko't nakaligtaan na tila hindi ko iyon narinig nang sumapit ang Lunes.
Maingay ang nagmamadaling mga yapak namin ni Erika sa hagdan habang hila hila niya ako paakyat. Tumatawa siya. Hinihingal ako. Halata ang excitement niya habang ako'y aalamin pa lang kung bakit.
Sumiksik kami sa palumpon ng mga estudiyante na may tinitignan sa harap ng pader. Maingay ang ilan at may hiyawan.
Pagdating sa harap ay mabilis naidikit ni Erika ang daliri niya sa pangalan ko bilang isa sa mga nakapasa sa tryouts. Tumubo ang kwitis sa lalamunan niya at sinabayan ito ng talon.
Ngumingiti lang ako at nagpapaanod sa kalikutan niya at kilos ng mga nagtutulakan sa likod.
Wala kaming balak magtagal at may assignment pa kaming ipapasa bago mag flag ceremony. Pagkaharap ko upang makalabas ay nabunggo ako sa matigas na pader na katawan.
Magkapanabay ang singhap ko't mabilis na pagkapit sa mga braso niya upang isalba ang sarili sa pagkakatumba. Saglit akong biningi ng kaba ko. I saw his eyes rounded in panic. Dahilan ito ng alistong paglapat ng kanyang kamay sa likod ko at hinila ako sa kanya.
I heard Erika's gasp somewhere. Hindi ko na matukoy kung sino pa ang ibang nag react nang nilapit ni Dean ang bibig niya sa tenga ako.
"Pahiram ulit ng Filipino book mo. You won't care that I didn't bring that again, right? You like me to be me." he whispered. His mint breathe tamed my hair to tickle my cheeks.
Umikot ang mga mata ko sa kawalan. Naramdaman ko ang pagbaba ng takot ko na tila alon at ako'y isang baybayin.
"Recess."
Inatras niya ang kanyang ulo upang ilantad sa akin ang baluktot niyang ngisi. Today is the first Monday of the month of September, hence, bagong gupit ang mga boys para sa inspection mamaya. Balik ikli muli ang buhok niya.
Ngumuso ako. Nagugulo pa rin naman.
Sumulyap siya sa ibabaw ng ulo ko. Nanliit ang mga mata habang tahimik na binabasa ang nakasaad sa papel sa pader. I watched his lips move as he mouthed my name at doon pa lang siya huminto. Inipit ko ang labi ko nang magbalik tingin siya sa akin.
Tinaasan niya ako ng kilay. Naningkit ang mga mata ko. What's his problem?
Walang niisang salita siyang tumalikod at hindi na kailangang sumiksik pa dahil mga tao na mismo ang nagbigay daan sa kanya.
Umawang ang bibig ko. These people are so unfair giving special treatments! Animo'y mga automatic sensor doors na nagsara ay nagbalik kumpulan sila nang makalabas na si Dean. Napailing ako sa pinaghalong mangha at inis.
Siniko ako ni Erika at bumulong. "Lumalandi ka na, a? Huwag kang magtangkang usungan ako, Ruth. Ako lang dapat ang malandi sa 'tin."
Kinurot ko siya sa tagiliran at hinila na siya papuntang faculty room. Doon na namin aabangan ang class president na siyang magpapasa ng assignment sa aming guro.
Sa magkasunod na mga practices kada hapon ay hindi pa rin nasanay ang katawan ko kaya igting ang sakit at hapdi nito paggising ko Sabado ng umaga.
Nadatnan ko si Sue sa island counter namin at may hinahalo. Nagkalat ang mga tupperwares, trays at iba't ibang condiments. Habang papalapit ay naaninag ko ang umiilaw naming microwave.
Dumiretso ako s aref at binuksan. Nilabas ko roon ang pitchel ng tubig at kumuha ng baso. Pumwesto ako sa tapat ng kapatid ko na mukhang hindi pa ako namamalayan.
Kahit sa pagsalin ko ng tubig ay tila soundproof ang sariling mundong binibilanggo siya. Hindi nga niya ako nakitang pumuslit ng isang brownie.
"Anong gagawin mo diyan?" agaw atensiyon ko sa kaniya saka sumimsim sa malamig na baso.
Naigting siya at doon pa ako nakuhang gawaran ng pansin. Tulala nga siya kanina.
Binuhos na niya ang hinalong chocolate mix sa cup trays na may mga paper wrappers na. "Ibebenta ko. Maraming stalls ngayon kasi Intrams week."
"Punta kang school ngayon?"
Sa pagkakaalam ko walang activity meron ang mga sophomores kapag Sabado. The juniors and seniors are way busier.
Tumunog ang microwave. Kinuha niya ang bagong bake na mga brownies. Amoy pa lang busog na ako. I can already see my sister snatching a degree in Culinary or Business.
"Ate..."
"Bakit?" Binalik ko ang pitchel sa ref at hinugasan ang baso.
"Nanliligaw ba sa 'yo iyong foreigner sa fourth year? Iyong guwapo. Kita raw kasi kayo ng classmate ko na palaging sabay umuuwi."
Natigil sa ere ang kamay kong hawak ang basong akma kong ibabalik sa lalagyan.
True. Dahil nga sa hindi na ako nakakasakay sa carpool ay balik sakay kami sa pedicab. He has a damn Tacoma! Ewan ko nga kung bakit hindi niya gamitin iyon. How he looked so out of place as a foreign-looking guy riding a local vehicle in thin wheels.
"Nagsabay lang umuwi nanliligaw na?"
Ngumisi siya. "Kaya nga. Iyon nga sabi ko, e. OA ng classmates ko."
Well in every suspecting sight, that would always give people a reason to assume things. Hindi rin naman natin maiiwasang magduda, lalo na kung umaalingawngaw ang mga senyales.
But that doesn't mean that what was obvious in the eyes of the people is true. Minsan naghahanap lang talaga ng topic na mapaguusapan ang mga tao.
"Pero ate, kung maging kayo man, madadagdagan ang haters mo. Alam mo namang maraming nagkakagusto sa Ortigozang iyon. Kulang na lang siya ang papalit sa estatwa ng santo sa school natin. Dadasalan pa nila."
Imbes na mabahala ay natawa na lang ako. Bumalik ako sa taas upang kunin ang mga gamit dahil gagawin ko ang mga homeworks ko ngayon para bukas ay matutulog na lang ako for the whole day.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng aking pangalan nang tumunog ang doorbell namin sa gate. Nag isang subo pa ako ng brownie at pinagpag ang kamay sa shorts bago lumabas at pagbuksan ang bisita.
Kagat kagat pa ni Dean ang guitar pick niya habang nakasandal ang isang braso sa bakod at nakabaon sa bulsa ang isang kamay pagkabukas ko ng gate.
Dumikit lang sa mukha ko ang hindi naisatinig na tanong.
"Hi." Ngumiti siya.
"Bakit ka nandito?" Humalukiphip ako at sinandal ang gilid sa pader ng bakod.
Tinanaw ko ang bahay nina Cash at wala naman akong narinig na ingay ng kanilang pagpa-practice. Kaya hindi ko ring inasahan na mapapadpad siya rito. If there is, what for?
Umayos siya ng tayo at tinanggal ang pick sa bibig niya. Pinasidahan niya ang buhok kahit hindi naman ito gumagambala sa kanyang mukha.
"Uhmm..." Galing sa buhok ay dumulas ang kamay niya sa kanyang batok upang haplusin. Nakaangat ang isang kilay niya habang nag-iisip at kinakagat ang gilid ng kanyang ibabanglabi. "Busy ka ba?"
I'm doing my homework.
"Hindi naman. Bakit?" What, Ruth?
Tumango siya at patuloy na abala ang kanyang ngipin. "Imbitahan sana kitang manood ng practice namin. I hope it's no trouble for you."
Sa muli kong pagkurap ay namilog ang mga mata ko. I could feel the fireworks in my eyes. Bakit bigla siyang nag-anyaya?
But then...
"Sure! Bihis lang ako."
"No need." Malayang naglakbay ang mga mata niya mula ulo hanggang paa ko. I feel naked by his blatant once over at me. "You look fine."
Hindi maganda ang tingin ko sa Tweetie shorts ko at bugs bunny na sando. "Pantulog ko 'to."
Nagtaas siya ng kilay. "So?" At nag-isang sulyap pa sa pantulog ko.
Wala akong undies. Hindi pa ako naliligo. Hinigpitan ko ang pagkrus ng mga braso ko upang itago ang bakat na dibdib kong walang bra. Ayokong ipakita ang hiya ko sa kanya.
"Basta. I'll change."
Iniwan kong bukas ang gate nang tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay.
Mabilis lahat ng aking kilos. Ang karaniwang fifteen minutes na pagliligo ay naging limang minuto na lang. Habang nagsisipilyo ay naghahanap na rin ako ng masusuot para pagkatapos ay diretso bihis na.
Limang pagsusuklay ng buhok at kumaripas na ako ng takbo palabas ng kwarto. Dahil basa pa ang mga paa ay kamuntikan na akong madulas. Mabilis akong nakakapit sa door knob ng pinto at hindi ko sinadyang makapagmura.
Sa ganoong sitwasyon ako naabutan ni Sue na kakalabas lang din ng kwarto niya.
"Ate?"
Nilagpasan ko siya.
"Sa kapitbahay lang ako!" sigaw ko habang bumaba ng hagdan.
Walang pinagbago ang awang ng gate pagbalik ko. Dean's lean and tall frame was leaning on the wall kagat na naman ang pick niya. Natunugan niya ang paglabas ko nang lumingon ito.
Huminga ako ng malalim. "Tara?"
Matagal bago siya nakasagot. In that duration, nakatitig lang ito sa akin, tila ba sinusuri ang bawat espasyo ng mukha at lantad kong balat kung alin ang hindi nadaanan ng tubig.
"Dean!" Pinitik ko ang mga daliri sa harap ng mukha niya.
Kumurap siya at biglang nagbalik sa mundo. "Yes? Tara?"
Nauna siyang maglakad. Sa lawak ng hakbang niya ay parang gusto nitong magpahabol kaya iyon ang ginawa ko hanggang sa mapantayan ko siya.
Tahimik ang bahay nina Cash nang pumasok kami. From the living room to the kitchen, I couldn't tell that a noise has ever passed by in the area. Malinis din, walang niisang kalat.
Sa taas ay wala akong narinig kahit bulungan man lang. The usual noises seem to be just only a plan on paper.
"Nasaan sila?" Hindi na kailangang pagdudahan ang pagtataka sa tanong ko.
Agaw pansin sa akin ang hindi pag imik ni Dean kaya nilingon ko. Nakatayo siya sa dulo ng hagdan, tutok sa cellphone niya habang hawak ang kanyang labi. I could see the slight scratch of frown in his face.
What made him react like that? Sino ba ka-text niya?
Sabay ang kanyang buntong hininga at pagbaon ng cellphone sa bulsa. Hindi niya binalewala ang tanong ko dahil sa pagangat niya ng tingin sa akin. He didn't make me repeat the question either.
"They're buying the food."
They? Ilang sako ba ng snacks ang kailangan bilhin at dapat silang lahat ang bibili? Kaya pala wala ang pick up niya sa labas. Pero wala rin naman akong nakitang niisang sasakyan .
"Si tita? Iyong mom ni Cash." Tanong ko habang naghahanap ng senyales niya. I expect her to pop out somewhere and greet us with her warmth.
"Out. Nakipag-date daw."
Medyo nasupresa ako roon. It's not that I should be but I just didn't expect to hear it.
Mukhang sanay nang pumaparito si Dean dahil sa napapansin kong kumpiyansa niya sa sa kahit saang pasikot sikot. He knows which cabinet the spare glasses and plates are being kept.
"Bakit mo ako inanyayahang manood ng practice niyo?"
Bumagal ang pagsara niya ng ref kaakibat ang pagkulong sa kanya sa sapot ng gulat. The way he looks at me is as though I have offended him.
"Ayaw mo ba?"
Umawang ang niya. Seeing that threatening vulnerability from him, parang hindi ko kayang pasanin iyon. It's just too much. He's too much being just a single individual.
Mabilis akong umiling. "That's not what I meant. Nagtanong lang ako kung bakit gusto niyo akong manood. Ire-recruit niyo ba ako bilang new memeber? I don't know how to play any instrument."
Ngumuso siya habang tinititigan ako. Siguro nag-iisip. Ano ba iniisip niya? I want to know!
"Gusto mong matutong mag-guitar?" It doesn't seem like a question but more of like a suggestion.
"Guitar, drums and piano..."
Kita ko ang amusement sa kanya kahit umiinom lang siya ng tubig.
"I know how to play those three."
Inikutan ko siya ng mata. "Yabang..."
Tumawa siya at tumigil lang upang ubsuin ang laman ng kanyang baso. He resumed laughing ngunit bahagya na lang ito. Sinundan ko siya sa hagdan.
"Tuturuan mo ako?" umaasa kong tanong habang nakabuntot sa kanya na nangunguna sa hagdan.
Nilingon niya ako habang umaakyat. The smirk that tugged on his lips declared a challenge it's like he's so delighted watching me here being under him.
"Magpapaturo ka ba?"
Bumilis ang mga yabag niya na tumatawa kong hinabol. Maingay ang mga paa naming tinakbo ang music room.
Parang kailan lang ay pinanood ko sila ritong nag-practice. I was so much in awe it's so hard to forget. At mahirap talagang kalimutan dahil solong-solo ko sila ng araw na iyon.
Bahagya akong nilamig sa basa kong likod dahil sa basa ko pang buhok. Siniksik ko ang mga kamay sa bulsa ng itim kong shorts. This is awkward. Wala ba talagang naiwan dito? Silang lahat talaga ang bumili ng snacks?
Dean went to the keyboards and played some tunes. Once those hands touched a musical instrument, all his focus would be on that instrument alone. I saw how that drive and passion did to him.
"Anong gusto mong ituro ko sa 'yo?" tanong niya sa gitna ng pagtugtog sa keyboards. He didn't even look at me as he asked.
"Hmm..." Tinignan ko ang bawat instrumento. Oh I'm sure hindi ako magpapaturong kumanta. Pagtatawanan niya lang ako.
"Iyon!" Turo ko sa drums.
Sumulyap siya roon ngunit hind agad bumitaw sa keyboards. He played a little more before he left it and sat behind the drum set.
But he's not totally sitting on the stool chair. May iniwan siyang espasyo sa harap. Tinapik niya ang espasyo na iyon. His thighs are spread very widely adding more space on the chair.
Nag-udyok iyon sa mga lubid na pumulupot sa tiyan ko. Mga lubid na pinipigilan rin akong huminga. Hindi ko akalaing mangangailangan ako nang husto ng tubig ngayon.
Every part of my body is screaming for water. He wanted me to sit...there? As in...doon? Diyan?
Indikasyon ang pagbuntong hininga ni Dean na nakikita nito ang digmaan sa mga mata ako.
"How can I teach you properly, Ruth? This ain't like teaching you Math, kaya hindi tayo magkatabi. This is teaching you how to play drums. And in between my thighs is the perfect place."
Uminit ang pisngi ko sa mga ginamit niyang salita. He should think about choosing his words next time! My flaming cheeks pushed his lips to smirk. Nairapan ko tuloy siyang ikinatuwa niya nang labis.
"Come on, sugar..." he teased.
Ilang sandali pa akong nag-alinlangan. I don't have any choice. Paano nga ba niya ako matuturuan nang mabuti kung hindi ako uupo sa dapat kong upuan? Hindi yata ako matututo nito. Ganyang mukha ba naman ang maging tutor mo.
You beat down your hater's asses through your spikes, Ruth. This isn't even fighting against someone so this should be easy for you.
Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya. Pinadaan ko ang dila sa nanunuyo kong labi. Buti na lang talaga naligo ako at nagsipilyo.
Once I took the space on the stool, namuo ang pawis na nagsusumigaw ng peligro. Tumikhim si Dean at umusog pa kaunti upang mas bigyan ako ng lugar. Ngunit sa liit ng stool chair, nagkadikit kami. His front on my back. And our legs, too. This is...too intimate.
The three surfaces of cloth failed to keep the sheer warmth of his chest a secret. Literal talaga siyang hot.
Marahan siyang tumagilid upang abutin ang Ipod niyang nasa dock. Pinanood ko siyang nagscroll ng mga kanta.
"Huwag iyong mabilis, a? I'm still new into playing drums so I should start from slow."
Nanunuya ang ngisi niya sa akin. "Slow it is. You're such a girl."
"I am a girl!"
His crooked grin widened. Umiiling niyang kinuha ang drumsticks saka binigay sa akin. "Tsk. Walang challenge, Ruth."
Siniko ko siya. Pumikit siyang dumaing na natatawang sinapo ang tagiliran niyang tinamaan ko.
"You don't only spike, lady! Ang sakit..."
Binelatan ko siya at mahinang tinatama ang sticks sa cymbals, sinubukan ang mga tunog nila. Gusto ko ring malaman kung anong feeling ni Sky. Mukhang madali lang naman itong gawin. All she has to do is beat and beat, at siya lang ang nakaupo sa kanila.
The intro of the strumming guitar of 'Yellow' starts.
Kinulong ako ng mga braso ni Dean upang maibalot ang kanyang kamay sa kamay kong hawak ang mga drumsticks. His hands are warm and rough against mine.
How I thanked God that he wasn't holding me on my wrist, dahil nandoon ang pulso kong nagwawala at gustong makatakas sa pinagkukulungan nitong ugat.
Sandali akong natigilan nang umusog siya. That made him lean his chest closer to my back that air could no longer squeeze in between.
Diretso ang tingin ko sa kamay ko. Ngunit hindi maignora ng gilid ng paningin ko ang mukha ni Dean na lumapit. I could see the outlie of his nose. I could feel his breathe on my neck and shoulder. Lalo na nang sinikop niya ang hibla ng buhok ko at nilagay sa kaliwa kong balikat.
Pakiramdam ko'y instant ang pagkakatuyo ng buhok ko. Pati mga balahibo ko sa balat, nanuyo!
"Is this okay?" he asked softly. Mabagal at may pagiingat niyang nilagay ang baba niya sa isa kong balikat.
I bit the insides of my lower lip. Halos hindi ako makatango. Halos hindi na ako gumagalaw.
Hindi ko siya matignan. Can we just beat the drums already? In the hopes that this could defeat the fast beat of my heart trying to compete against what I'm trying to learn?
Hindi kami nakaabot sa kung saan kami dapat magbe-beat. Doon na kami nagsimula sa pagkanta ng singer. I was in awe watching our hands beat it. Nakaawang lang ang bibig ko, nagtatalo sa tawa at sigaw ang gustong ilabas ng aking lalamunan.
Naki-hitch lang talaga ang kamay ko. Dean did all the work. All I did was held the sticks.
May parteng ako ang nagte-take over sa drumming at naiinis si Dean dahil wala ako sa tono. He hissed at my every wrong beat. Parang iniinsulto ko raw iyong kanta. Napapakagat labi na lang ako at medyo nahiya. Tinatawanan ko lang ay iyong mga pagmumura niya kada maling tama ko sa cymbals. Kaya resulta, ang ingay namin.
"Wohoo!" tawa ko.
Kalauna'y hinahayaan na niya akong mamuno at mamali ulit ng tama sa drum at tumawa ulit. Napapasandal ako sa dibdib niya sa sobrang tuwa ko sa bawat pagkakamaling natatamo. Hindi na napigilan ni Dean ang sarili at nagtawanan kami.
It really sounds bad. Gusto ko na ngang tumigil at hayaan nang si Dean ang mag drums but I still like to play and I enjoyed beating. Para akong masiyahing bata na binigyan ng drums set ni Santa Klaus.
Habang ginigiya pa rin niya ang kamay ko ay nangahas akong sulyapan siya. I saw his lean and tan arms first. Dahil sa kulay nitong inaakit palagi ng araw ay otomatiko mong mararamdaman ang init.
He's wearing a white muscle shirt, so his young and tan biceps are exposed. How I imagine those muscles to mature four to five years from now. Dodoble ang hahanga sa kanya. But I don't want the people to be in awe of him only because of the superficial. There is more to Dean than what most people like about him. I hope the people can see that.
'Cause I do.
"For you I bleed myself dry..."
Nakapikit ang mga mata niya habang sinasabayan ang linyang iyon. Hindi ako nag-aalis ng tingin kahit dumilat na siya at tinagpo agad ang mga mata ko. Hindi siya mukhang nagulat na nakatingin na ako.
"Nakakapagod pala ang ginagawa ni Skylar," puna ko, dahil nagsimula nang manakit ang buto ng aking braso.
Kaya hinayaan ko nang si Dean ang magmando sa kamay ko.
"Kaya nga may muscles ang babaeng 'yon." Nagtawanan kami.
Tinapos namin ang buong kanta. Umuugong pa ang huling tunog ng cymbals na ginamit sa pagtatapos. Walang nagsalita sa amin ng ilang sandali.
Unang gawin ay dapat tatayo na. Pero bigla akong nawalan ng logic dahil nakaupo pa rin ako. Hindi ako pinagpapawisan ngunit gumigitgit ang init sa mga braso ko na gusto ko itong ihipan.
Kumuyom ang sikmura ko nang lumapat ang mga kamay ni Dean sa aking baywang. Ang noo niya ay kanyang binagsak sa aking balikat. Tahimik akong humihingal. At ang mainit niyang hininga ay tinatamaan ang braso ko.
Kung sa eskwelahan ay naaaway ko siya. Pero rito, tila hari siya't nasa teritoryo niya ako at hindi ko siya malabanan.
"A-alis na ako..." Halos sumabog ang dibdib ko nang sinabi ito.
"Sa bahay o sa harap ko? Pwede ring hindi, Ruth." Mababa ang boses niya at magaspang.
"Dean..." banta ko.
Mahina siyang tumawa at sa wakas ay tumayo na. Kinalagan na ako sa mga lubid at nakahinga nang maluwang.
Nilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon at tinulungan niya akong tumayo.
"Next time ulit?" angat-kilay niyang tanong.
"Guitar," maikling sabi ko.
Ngumisi siya. Alam ko ang ibig sabihin niyan. He's teasing me and he knows how embarassed I was from a while ago. He wants the upper hand. He wants me weak kaya niya ginawa iyon!
Nanunuya ang kamay niyang nilalapit sa baywang ko dala ang patuya niyang ngisi. Lumayo ako at hinampas ulit siya.
"Dean!"
Tumawa siya na hindi rin nagtagal. Ngumingiti na lang siya ngayon.
"Fine, hindi na tayo sa drums. Kasi kahit naman sa pagtuturo sa iyo ng gitara mayayakap pa rin kita patalikod."
Hinampas ko siya ng drumsticks sa ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro