Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY TWO

Ang tunog ng ospital ang umaagapay sa aking pagbabasa. I am face to face with a Lippincott manual of nursing practice book that I just recently purchased ahead from everyone else. Para naman hindi ako magmukhang mangmang na papanoorin na lang ang ama kong hindi pa rin naggigising hanggang ngayon.

The flashbacks from three days ago was even dreadful. His face today was a better view despite the machines with the means of life support. Salungat ito sa guhit ng hinagpis noong nakaraan habang sapo ang dibdib niya hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

My heart ached as I was being reminded of it. Mabilis kong pinikit ang mga mata at pinilig ang aking ulo, inalis sa buntong hininga ang bigat ng loob nang binalikan ang binabasa. The words and sentences didn't make sense to me anymore. 

Mag-isa akong nagbabantay sa ICU. Despite the peace , the ventilation hiss, monitor beeps and other sounds combined scared the daylights out of me. Dagdagan ng lamig, tila ba ay nasa paligid lang si kamatayan at ang mga tunog ng makina ay ingay ng paghahanda para sa madrama niyang pagdating upang sumundo ng mga kaluluwa. That thought made this whole thing all the more terrifying that I shivered.

Ipinagpasalamt ko ang tunog ng cellphone upang tigbasin ang daloy ng aking isip. In the screen is a long line of number from overseas. Nanginginig ang kamay ko sa lamig habang pinipindot ang accept call icon.

"Hello?"

Malabo at putol-putol ang boses noong una kaya tumayo ako't lumapit sa bintana. Paulit –ulit akong nag-hello at pati na rin ang boses sa kabilang linya.

"Hel..lo Ruth..."

"Tita B..." tugon ko upang ipaalam na malinaw na ang boses nito sa akin. Sumandal ako sa bintana at katapat ang isang blankong pader.

"Ruthzielle ijha, Kamusta? Can you hear me now? How's your dad?"

I drifted my eyes to my unconscious father. Wala akong makapang emosyon ngunit labis ang nararamdaman kong panghihina at pagod.

"He's still not waking up..." gumaralgal ang aking boses.

Mabigat ang pagpapakawala niya ng hangin. "Pasensiya na't hindi ako makakabalik muna diyan. You know that I've just recently travelled back here in France at hindi rin ako papayagan ng employer ko. But I'll try to convince her, okay? Naitawag ko na rin sa mga tita's mo ang nangyari. They'd probably be giving you a ring in any minute by now."

"Thanks tita, I understand... "

"Are you in the hospital? Sinong kasama mo diyan? Si Sue?"

Niyakap ko ang sarili sa kabila ng suot kong cardigan at inalay na ang buong likod ko sa de-kurtinang bintana.

"Ako lang po. Kakagaling ko lang sa school. Pupunta rin dito si Tito Nelson upang bumisita.  He caught the first flight as soon as I told him what happened. Si Sue naman ay hindi ko masyadong pinapalabas ng bahay sa kalagayan din niya ngayon, but she was here yesterday."

"Okay good..." She was silent for a fleeting moment. Hinihila hila ko ang red and white ribbon ng aking nursing uniform. "How about you? Kamusta ka?"

I could hear an undertone of the question that reaches back to the wedding that didn't happen. Hindi ako sigurado kung nasiyahan siya nang malaman ito dahil siya ang labis na tumanggi. Asking me if I'm okay everytime she gets the chance made me doubt how she really felt about it.  I could adeptly spell worry, but dumb to make out the real intentions. 

"I..." The unorganized words got stuck in my throat. "Fine. I'm fine, tita." I convinced myself. I should be.

Muli na naman siyang nanahimik. And with the silence, the machine sounds crept its way to try to haunt my spine again. Sinasanay ko ang sariling hindi kilabutan.

Panibagong buntong hininga ang bumingi sa aking tenga.

"Kung hindi mo na kaya, don't hesitate to contact me. Pipilitin kong makabalik diyan agad."

Walang nakakiyak sa sinabi ni Tita B ngunit kusa ang paglaya ng patak ng luha. Kaagad ko iyong pinalis at tinatagan ang aking boses.

"I can get by, tita. Don't worry." Siniglahan ko ang aking boses. That should convince her and put a stop to all her distress.

I am an eighteen year old woman, so by now I should prime myself to take up responsibilities outiside the box of academic stipulations.  That situation with Dean has, by some means, preceded my exercise of discretion of not going with the marriage had I only made it on time to catch him waiting.

Tulad ng sinabi ni Tita B ay nagsunod sunod ang mga tawag ng mga kapatid niya. Even dad's siblings reached out to me with texts and calls. Kabi-kabila ang tugon ko sa mga tawag nila but not one of them are assurances about dad's condition.

"Hindi ko pa po alam...I have yet to talk to the doctor about the prognosis," ani ko sa isang tiyahin.

"Contact me as soon as you can if there's an improvement or...any news, okay?"

"Yes po."

"Are you alone? If dumating si Nelson ay siya muna ang pumalit para naman makapagpahinga ka. I know you still have your classes..."

"Saang ospital siya na-admit at baka may kakilala ako..."

"Three days ago?! What triggered the attack, Ruthzielle?"

Sa mga tanong at pag-aalala nila pakiramdam ko responsibilidad ko rin ang nangyari kay dad. Ilang mga text replies din ang aking naisagawa bago muling nakatanggap ng tawag.

"Your bitch of a mother should pay for this!" Kumakain ako nang marinig ito sa tiyahin kong kapatid ni daddy.

Nabulunan ako at nilayo ang sarili sa higaan ni dad nang mabulunan at umuubo. Hampas ang aking dibdib ay malinaw pa sa akin ang paghihisterya niya sa kabilang linya.

"That whore should die! Makita ko lang ang babaeng iyon ay siya ang ipapalit ko diyan sa ICU! Goodness! Hindi na ba talaga bumalik ang walang hiyang talipandas na iyon, Ruthzielle?"

Umiinom ako ng tubig at umiling. "Hindi na po, tita." I coughed again.

"Not satisfied with your father's wealth, huh? At naghanap pa marahil iyon ng mas mayaman. Hala sige! Kainin niya ang perang hinuthot niya't sana mabulunan siya ng barya! The nerve of that old hussy!" panggigigil nito.

Tahimik lamang akong nagpatuloy sa pag-kain habang nakikinig sa kanya. I began to care less about my mother and everything that involves her. Kaya wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa kanya. Silence would mean lesser troubles.

May mga araw na sumasabay sa akin si Erika kaya nasasamahan din niya ako sa ospital. Doon na rin kami nagre-review at gumagawa ng mga researched assignments. Her parents would pay a visit kapag sinusundo siya ng mga ito.

"Thank you po, tito...tita." sabi ko nang papaalis na sila isang gabi ng alas diyez.

"Take care, iha...hindi pwedeng ikaw naman ang magkasakit."

"Pakopya ng rationale sa RLE, ha?" habol pa ng kaibigan ko.

That's when I learned how to drive. Biyahe sa school, ospital, bahay...doon lang umiikot ang mundo ko kaya iyon ang nagmistula kong kulungan ng isang buwan. I know, a month seems short but with the way the loneliness dragged me down, it felt like a lifetime. 

With the greetings and concerns from relatives and some extended families, being lonesome should not be entertained. But there are just these certain circumstances that calls for that feeling. Other people may have their own drawbacks to deal with but if they don't have the problem that I have been going  through, that would my kind of lonely.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Ang mawala ang problema o ang mahanap ang makakaintindi sa akin? Maybe what I really want is to find someone who I can be miserable with so I would feel less alone.

"Ano po iyon?" Napatayo ako nang marinig ang pag-iiba ng tunog ng monitor. 

Namimilog sa takot ang mga mata ko nang tinagpo ang tingin ng kakapasok na ICU nurse. She was conducting an assessment examination on my father and was also checking his IV fluid.

I am observing her every move. Hindi pa kami umaabot sa discussion about IV at kung ano pang nakakabit kay dad. Handwashing pa lang ang alam kong gawin ngayon at pagsusuot ng medical gloves.

Nainis ako sa ngiti na iginawad niya. While I am here panicking!

"Anong year ka na ba?" Her sweet and tender soothing voice almost made me stop. Ganyan din kaya dapat ang boses ko? I am far from being a honey-toned lass.

"First year pa lang." medyo pataray ang naging tono ko.

Even in my afterthought, I sounded more haughty. Hindi ba niya kita sa uniform at sa librong binabasa ko?

Muli siyang ngumiti habang tumatakbo ang tinta ng black ballpen sa kanyang clipboard. "I see. Hmm, temporary reaction lang iyon. Siguro narinig ka ng daddy mo. I mean..." she looks at my dad then to me. " Nakakarinig pa rin naman sila kaya maganda na kausapin mo siya. Tell him about your day in school."

Natahimik ako. I am not entirely close to any of my family members but, is it not enough that I cared for them despite the gaps?

"Nasa labas na ang mga doktor para sa rounds," aniya saka siya lumabas sa kuwarto.

Nakaabang na ang mga mata ko sa pinto. The murmur of voices had me anticipating for the group of physicians. May mga kasama silang nage-elective rotation na mga medical students.

Umingay na ang kwarto sa kanilang pagpasok. Pinanatili ko ang aking pagtayo. Alas diyez pa ang aking klase kaya umabot ako sa morning rounds nila.

The resident doctor presented the case of my father to his team  which includes his condition, test results, treatment plans and prognosis. Posibleng hindi magiging taon ang aabutin ng pagkaka-coma nito which is better than what we mostly expect from a coma patient.

"Just continue with the close monitoring, alright?" anito sa nurse na siyang tumugon sa pagtango.

Lumapit ang doktor at nagsagawa ng assessment. I have that penlight he's using to test my father's eye pupil. He's also done a pain stimulation but there was still no response.

They talk a lot that includes medical terms I could hardly comprehend. Nago-observe lamang ako sa kanila hanggang sa napatigil ako sa pamilyar na mukha.

The beat of familiarity fueled my hasty heartbeat. In his all white clinical gown, nagtama ang  paningin namin at pati rin ito'y hindi nakatakas sa hagupit ng gulat.

"Boone?"

He flashed his surprised eyes to my unconscious father. Ilang sandali itong nanatili na tila kinikilala pa kung tama ba ang kanyang natutunghayan. Sa pagbalik ng paningin sa akin ay gumapang ang malungkot at nag-aalalang ngiti sa kanya.

It's been...what? A year? My last memory of him was when Dean rudely shoo him away the first day of Intramurals.

Sa ginawa ni Dean sa kanya ay pakiramdam ko hindi na niya ako papansinin kahit kailan. It's not that I knew Boone that way but, that's just what I thought. 

Nagbaba ako ng tingin, ginapangan ng hiya sa hindi malamang dahilan. Ganito ba talaga ang pakiramdam? Na para akong pinaparusahan sa mga pagkakamaling ginawa ko na siguro ang iba'y hindi ko sinadya at parte lang ng aking ugali. I was often unkind, and this is the price I have to pay. My unkindness begets unkindness.

Ilang pagpapalitan ng diskusyon sa mga doktor bago nila nilisan ang kwarto para sa panibagong pasyente. Boone was the last to leave. Isang sulyap ang ginawad sa akin bago siya sumundo sa grupo. 

How could I forget, right? How could it slipped my mind that he attended medical  school amidst our break up?

"Ruthzielle!"

Papabukas ako sa pinto ng aming red Audi nang marinig ang alingawngaw ng boses sa basement parking lot ng ospital. I turned to see Boone and his clinical gown billowed along as he jogged his way to my direction.

Tuluyan na akong humarap sa kanyang paglapit.

"Hi!" Bumuga siya ng hangin at dinampi sa likod ng kamay ang pawis sa kanyang noo.

He's the same boyish guy I dated way back for six months. Except that he's taller.

"Musta?" ganti ko. Honestly, it's awkward. Standing right infront of your ex who you broke up to.

Hindi niya matuloy-tuloy ang ngiti kahit siniglahan ko namang maigi ang aking boses.

"I'm sorry about tito Ralph. Uhm..."

Matagal niya akong tinitigan, sa nag-aalala niyang mga mata ay naghahanap din ito ng sasabihin sa paglakbay ng paningin sa aking mukha. I couldn't tell his thoughts much less bad ones with how soulful those eyes are.

Pang-doktor talaga ang mga mata niya, madaling gagaling ang mga pasyente sa kanya.Malayo sa tulis at intensidad ng kay Dean. Every pretty eyes that I encountered always leads me to compare them to the hazel green ones.

Bigla siyang ngumiwi at umiling.

"Really, I don't know what to say, Ruth." He sounded more problematic than me when I speak to people.

"Okay lang." I assured. Pinaglalaruan ang susi sa kanang kamay. "Dito ka pala nag-internship?"pag-iiba ko ng usapan.

Sinuot nito ang kamay sa bulsa ng clinical gown. "Yeah, the school had my elective rotation in cardiac ICU. Ang liit ng mundo. And..." Pinasidahan niya ako. " You're a nursing student. We might work together someday."

Tumango at ngumiti, somehow getting hopeful with the possibility.

"Ihahatid sana kita sa school niyo but..." Tinango niya ang Audi amin. "I can see you can drive now."

"Kailangan kasi. And you don't have to drive me to school, Boone. May duty ka  pa."

Nagkibit siya. "Sabagay."

"And...your girlfriend might think wrong about us. I ain't going to be a third party," Subok kong biro sa boses kong matamlay.

Napakurap ako sa pagbagsak ng kanyang ngiti. Nagpangyari ang kaba nang muli niyang tinitigan nang seryoso.

"Wala akong girlfriend. Ang hirap mo kasing kalimutan."

"Boone kasi..." Tinulak ko siya sa balikat.

"I'm not joking!" Marahang tawa niya sabay huli sa kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan bago dahan-dahang pinakawalan. It landed safely and smoothly right back beside me.

Muling tumamlay ang ngiti nito. But a playful curiosity escaped as he quirked his thick eyebrows and tilted his head to the side.

"Kamusta na nga pala iyong...are you still together with that American guy?"

Ngayo'y ako naman ang binagsakan ng ngiti. Do ex's really talk about their new relationships and old ones? I mean,  this is my first time talking to an ex since I never really befriend them given that they all came from different schools, a college university at that.

Sa matagal kong hindi pag-imik ay iba ang indikasyon niyon sa kanya.

"What did he do?" An unexpected threat on his tone.

Ikinagulat ko iyon at iba muli ang pinapahiwatig nito para sa kanya.

"Ruth, sinaktan ka ba niya?" Hinawakan niya ang aking balikat at mataman akong tinignan.

Mabilis akong umiling. "Like I always do, Boone. I hurt people. I broke up with you, I left boyfriends when I get bored...not that I'm bored with you. I just have my reasons..."

Yumuko ako at pinanood ang paglalaro ko ng susi sa aking kamay. I cannot look at him and tell him what happen. It's not that I don't trust him or was afraid of being judged. Isa lang talaga iyon sa mga bagay na ayaw ko nang ungkatin pa. That was my great great downfall that being reminded of it brings me to that white tower again.  

Napaangat ako sa pagluwang ng kamay niya sa aking balikat.

"I won't judge you, Ruth...whatever you did to him. I can see how were you with that guy. You never looked at me the way you did to him. Kaya alam kong mas may dahilan ka upang gawin ang ginawa mo sa kanya kesa sa dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa 'kin."

Inipit ko ang aking labi at muling yumuko. The way he said it, adding the light heartache he delivered along with the words, made me feel sorry for myself.

"I'm sorry..." I whispered.

Kinalabit niya ang chin ko kaya muli akong napaangat sa kanya. I always feel like a kid when I'm around him. Limang taon ba naman ang tanda niya sa 'kin.

"Sorry for...breaking up with me?" He pouted and tilted his head playfully. "Well, we can always try again."

"Boone,"banta ko.

Ngumisi siya at tinapik ang ulo ko na parang bata. "Fine. Biro lang. Forget I said that."

Pero tunog naman iyon hindi biro. Binalewala ko na lang at nagkunwaring hindi napansin.

Siya na ang nagbukas ng pinto upang makapasok ako. I pushed the key into the ignition.

"See you tonight. May evening rounds kami mamaya," aniya.

Pabiro akong sumaludo. "Thanks, doc." 

Araw-araw si Boone sa room ni daddy. Under the supervision of the resident, fellow and attending physicians, he performs the assessment. Sometimes he was more than a medical student for me dahil pagkatapos ng duty ay nananatili pa rin siya sa ospital at sinasamahan pa ako sa pagbabantay.

"I saved a life today," ani pa niya isang gabi. Lumapit siya kay daddy at sinuri ang mga nakakabit doon.

Minsan ayaw kong titigan si dad. Parang labahan na pinipiga ang puso ko kapag matignan ang nakapikit nitong mga mata. I know there's a possibility of him to wake up but the other half is a possibility for him not to.

"It was a worst case scenario compared to tito..." Nilingon niya ako. His smile laced with assurance reminded me of optimism. "Your father will make it, Ruth."

Ngunit bangungot ang turing ko sa isang araw nang biglang nag-anunsiyo ng code blue.

Umabsent ako sa klase at nasa labas ng kwarto, binalot ng lamig at pamamanhid ang buo kong katawan habang nagkakagulo na ang mga doktor sa loob. Humahagulhol si Sue sa aking tabi. Si Tito Nelson ay hindi mapakali na nagpalakad lakad sa aming harap.

Habang ako'y tahimik lamang, ngunit nag-iingay ang ulan ng luha sa aking pisngi. Walang maintindihan sa nangyayari at sa mga nagaganap sa loob. They're saying these terms outloud like they're trying to wake my father.

"'Di ba naggising na siya? You saw his hands move! Bakit ganon?" pa-histerikal na iyak ni Sue sa aking tabi.

Nag-aalala rin ako sa kanya dahil sa pagbubuntis nito. At sa totoo lang hindiko na alam. Nagwawala na ang utak ko kung alin ba ang una kong aalahanin.

Lumapit si tita Athena kay Sue at inalo. "Iuuwi ko muna ang kapatid mo," anito sa akin. "This might stress her and the baby."

"No...si daddy..." tanggi ni Sue nang pahirapan siyang patayuin ni tita.          

"Umuwi ka muna,  Sue. Babalitaan na lang kita," pilit kong maging panatag at buo ng aking boses. Ngunit kahit anong subok ko ay may nabubulunan ako sa papaakyat na hikbi.

May katawagan na si Tito Nelson sa kabilang linya, probably their brothers and sisters. Mukha na ring bibigay si tito sa iyak habang sinasabi ang mga nangyari kanina nang humantong sa kaganapan ngayon.  

More doctors went inside. More noises of beeps, demands and loud hisses of the ambubag filled the place and fueled my fears and tears. Tuluyan na akong napatakip sa aking mukha at humagulhol. 

Inisip ko na isa itong pagsubok sa akin. A wake up call, I say. Na sanayin ang sarili sa mga ganito dahil mula noon ay si daddy ang pumasan ng lahat. I can't be all content with the status quo and treat everything so easy in all my born days so fate made it this way for me to feel the struggle, too. When I used to think my life would be as carefree as it was for the past years then, this is the deal breaker. The downside of too much bliss is we tend to forget how reality bites when possibilities of tragic take place. 

Maybe happiness is just a fantasy, for it is short-lived as a limited hundred page tale of romance and chivalry. And tragedy is the reality. Long lasting, and without so much as a happy ending.

Dahil sa realidad ko ay tinatrato kong madali ang lahat. I think that's my fatal flaw besides pride. I've been leading an easy life without a mother. A bratty sister, and a heartbroken inhibited father. Pakiramdam ko sa pamilya namin ako lang iyong matino. I created this image of myself to be the indomitable. The resting bitch face, the feel of power as I snob people in which I hate most of them, the bossy girlfriend. These are all a façade. A make-believe of strength.

My reality is...I am weak in my attempt to appear stronger than anyone.  Hindi ko pala kaya lahat.

Tumigil ang sunod sunod na tunog. I heard gasps and sighs of relief  and every second only made my heartbeat worse and desperately reach for the finish line.

Nagkatinginan kami ni tito Nelson na siyang napahinto rin. Obvious stress etched on his forty year old face.

Several doctors came out at hindi namin alam kung sino ang lalapitan.  One of them approached us and told us the news.

"We were able to revive the patient. But we still call for a close monitoring before we transfer him to a private room until he's fully stable."

A wave of relief drowned me that pushed me to cry harder.  Muli ang pagtakip ko sa aking mukha sa mas malakas na hagulhol. Ayaw ko man ay naisip ko kung paano nga ba kung hindi naisalba si daddy.

I felt a warm body that enveloped me in an embrace. Ang pamilyar na samyo ni Boone ang nagkusa sa aking yumakap sa kanya pabalik at sa kanya umiyak nang husto.

Ngunit nakiisa sa mga luha ko ang kahilingan na sana siya ang nandito. I hugged Boone tighter as I thought of my silent hope.

"You're one of the team who saved my father. Thank you, Boone."  I meant that with sincerity.

Umuwi ako ng bahay upang kumuha ng mga gamit ni dad. He's already woken up at nandoon sina tito upang matunghayan iyon. Hinatid ako ni Boone at sabay rin kaming babalik sa ospital.

Ngumiti siya, at sa tuwing ginagawa niya iyan ay lumalambot ang ekspresyon ng kanyang mukha ngunit mukhang malalim din ang takbo ng kanyang isip.

Kinuha niya ang mga bag at isang plastic ng grocery items na pinamili namin kanina. I was just observing him carrying them at the trunk of his car. Kumunot ang noo ko nang may mahagip sa kanyang kamay.

Shock struck him as I rudely snatched his hand. Tinitigan kong mabuti ang drawing ng maliit na korona sa kanyang kanyang palapulsuhan. I thought it was a tattoo...like his tattoo...

"Ginuhit ng isang pasyenteng bata. He loves to draw so...I made him draw in my wrist," ani Boone.

"Bakit crown?" Nagsimula na akong suminghot.

"He says he wants to rule the world someday. Maybe he wants to be a political leader or something. Kids and their dreams..."

Dreams...and ambitions always remind me of him. Dahil doon siya nagsimula. He might be in hiatus right now for his studies but I know he's going to come into his own.

"Ruth, what's wrong?"

Kinuwadro niya ang aking mukha at magaang pinunasan ang basa kong pisngi. Hindi ko maalis sa isip ang galit sa mukha niya nang araw na iyon. The thought of not seeing him again. Sa lahat ng mga nangyari nitong nakaraan ay mas umawang lang ang butas ng aking pangungulila.

I closed my eyes and saw his face again. I'll say my sorry the very first thing if ever he appeared right infront of me.

"Ruthzielle..."

At tatawagin niya ako sa pangalan ko nang pabulong. He's calling me...

"Hey, Ruth..."

Humigpit ang pagkwadro niya sa aking mukha.

"Are you alright, Ruthie...?"

"Dean..."

Tinulak ko ang sarili sa kanya at naramdaman ang malambot niyang labi. Umawang ito sa gulat. I opened my lips just to caress more of his in soft and slow motion. Mahigpit akong kumapit sa kanyang braso habang dinadama ang init ng halik sa malamig na simoy nag hangin.

Dean, this is my sorry. Ganito mo gusto akong magpatawad noong unang pag-aaway natin. I hope you'd still want it the same. I hope you'd still want me to apologize like this.

Umakyat ang mga kamay ko sa kanyang balikat na naglakbay sa kanyang leeg at huminto sa kanyang mukha.  I cupped his face and pulled him closer. Bumaba ang kamay niya sa aking baywang at nagawa na akong tugunan pabalik ng mga halik niya. But it felt different. Why would this feel different?

Dean, sana ikaw iyong nandito. Kung sasabihin ko ba sa'yo ang lungkot ko ay babalikan mo na ako at hindi ka na magagalit sa 'kin? Kung sasabihin ko bang mahal kita pero hindi pa ako handang magpakasal, matatanggap mo kaya? You've never heard me say I love you, too. But feel this Dean, I do. So much.

"Dean..." nakangiti kong bulong. Panibagong patak ng luha ang umagos sa aking mukha. Tumatawa akong umiiyak habang humahabol pa ng halik sa kanya.

"I'm not Dean..."

Buhos ng lamig ang umangkin sa akin ng mga sandaling iyon. The cold night monsoon picked up to support my shame that crept into me. Hindi ako makatingin nang diretso kay Boone.

"I'm sorry...sorry..." mabilis kong hinila ang sarili palayo. Ako na ang pumunas sa sarili kong luha.

"It's okay..." His voice bordered into a whisper. " Let's go?"

Tumango ako at pumasok na sa sasakyan.

I have always thought of my father as a coward but inspite of it all, still admired him for his generosity. Being in the same situation, I came to think that yes, it is strong to fight for who you love and for what you believe in. But you are even stronger to let everything and everyone go those who have hurt you and you want to keep but you can't.

All along, I am just a pretend of my strength. No bitch face or fierce word could tantamount the truth that deep inside, I was weak. I couldn't let go of my hate. I couldn't let Dean go even after all this time, he has nothing for me anymore.

Hiyang hiya ako sa sarili habang nanlalantang bumagsak sa sofa. Ang mga hingal na salin ng sigawan at galit ay panatag ang paghahari. Ang mga hikbi ni Sue, ang pananahimik ni Dean ay mas lalong nagpapabigat sa aking loob at kahihiyan.

"Ate...ate, I'm sorry..." Lumuhod siya sa harap ko at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

I couldn't look at anybody's eyes. Ang namumugto kong mga mata ay tila ba hindi ko dapat ipagmalaki dahil hindi ako ang biktima.

"Bukas na tayo mag-usap, Sue...doon ka muna kina Chuck, o sa Laguna...kina tito..." nanghahapo kong tugon.

Sa mga kamay namin ko ako nakatingin. Nararamdaman ko siyang tumango.

"Babalik kami ni Arrow bukas..."

Tumayo si Sue at narinig ko ang mga hakbang niya sa hagdan. I'm too tired to think of anything but my exhaustion and wounded emotions.

"Sue, where are you going?" si Wilmer. "You can stay with me..."

Sa pagbukas ng pinto ay iyak ni Arrow ay dumumina at ang pagaalo ni Skylar.  Sinamahan ito ng galit na mga hakbang muli sa hagdan. 

"For as long as you can't respect my sister or if you don't apologize to her, under no circumstances will you ever see your son again, Wilmer."

"What? Sue that's unfair—"

"Shut up!"

"He's my son! May karapatan ako sa anak kong tinago mo sa 'kin—"

"Sana naisip mo iyan bago mo insultuhin ang kapatid ko! She sacrificed a lot for us so you don't have any fucking right to insult her like that! Kayo ng kaibigan mo! Now I see how you two belonged to the same class together in highschool. Section A as in Assholes!"

"Suzanne..."

"Shut up!"

Sumabog ang pinto sa pagsara nito. Hanggang sa hallway ay naririnig ko pa rin ang mga kalabog ng mga hakbang, iyak ni Arrow at ang kanilang pagtatalo.

Mas naririnig ko ang nagpangyaring pagbundol ng puso ko sa kulungan nito habang kinukumutan kami ng buong katahimikan. Dean's silence and the cold room made me shiver and terrified for something unknown.  

Kalaunan ay umupo siya sa kaharap kong sofa na inokupa ni Wilmer kanina. For slapping to me the truth on what happened, I was in a bout of war of hating him  and thanking him at the same time.

"Wilmer was wrong..." panimula ko.

Dean remained hard and stoic. Tanging tugon niya ay ang pag-igting ng panga habang nakatitig sa kawalan. With the emptiness, his eyes preserved the depth and intensity. Nagsalikop ang mga kamay niya sa pagitan ng kanyang tuhod at tinukod ang mga braso sa hita.

"I wasn't committed to any relationship that time. Pero inaamin ko, a year after I'd been to a few dates but nothing serious. But definitely there was no one three months after your trip to Spain." 

Sasabihin ko sanang hindi ko alam na bumalik pala siya. With a ring...for me...again. At anong sasabihin niya? Na kung nalaman ko ay hindi ko magawang humalik sa iba? Yeah, they will all definitely come back to me.

It was a dead silence again. I don't know if Dean wants me to shut up or to keep on talking. Nanatili ang pagkakatulala niya sa sahig sa matigas nitong ekspresyon.

I remembered the things that I have to explain to him. To clear up, and the one of the many reasons I came for.

"Nangangapa pa ako kung paano pasanin ang mga responsibilidad ko noon. I just turned eighteen who got used to an easy flowing life. So setting my priorities, I know I had to sacrifice some things and people...on who's going to be first. Hindi ko kayang unahin lahat. I know some people do but, I am not some people."

Hindi pa rin siya umiimik. I know he's listening so I went on. Huminga ako nang malalim. Umiinit na ang mga mata ko sa panibagong grupo ng pag-agos.

"And I'm sorry, because it wasn't you. I love you just enough but you were not my first choice. Sue was fifteen when I found out she was pregnant. I've mentioned that I got delayed at the exact time you want us to meet. Then my father started showing signs of his deteriorating health until the attack happened. Kaya naisip ko na kapag magpapatuloy iyon lahat, I knew that I cannot be the best for you. Not just yet..."

Nabulunan ako sa umaambang hikbi. Nagpaangat iyon ng tingin ni Dean. Ilang sandali ang pinalampas ko upang kalmahin ang sarili bago nagpatuloy. 

"Kaya kailangan  ko ring kalimutan ang sarili ko para sa kanila. But you know what? I always fantasize how would it have been without all the troubles. I always fantasize how would it have been for us...getting married at that young... a teenage dream for me at eighteen. How happy would I have been to get married to you, Dean..."

Nanlalabo ang aking paningin habang humihikbi ngunit nakangiti kong sinasaad sa kanya lahat ng mga pantasya ko. In my dreamy sobbing voice, tears showered on my cheeks like infinite waterfalls on the sadness of summertime.

Mabilis siyang tumayo nang makita ako sa aking kalagayan. Alert and caution painted his hard and rough canvass. Pero hindi ako tumigil sa pagsasalita.

"Parte ka ng sarili ko, Dean. Hindi ako ang inuna ko. Hindi tayo ang inuna ko. Hindi ko kayang unahin ang sarili ko habang naghihirap ang mga tao sa paligid ko. I can't be fully committed to you that time...Kaya I'm sorry! Sorry kung ipinagpasalamat kong hindi ako nakaabot. Pero kung naabutan man kita, iyon ay tatanggi ako sa kasal..."

Binaon ko na ang basang basa kong mukha sa aking mga palad. I cried harder than the last time I did years ago. Ayokong makita ang sakit na umuukit sa mukha niya pagkatapos kong ilahad ang aking mga dahilan.

Naramdaman ko siyang lumuhod sa aking harapan. Humigpit ang pagtakip ko sa aking mukha ngunit nang hinawakan niya ang aking kamay upang alisin ay nanghina ako. He was able to uncover since I was too weak to fight and resist.

But I didn't meet his face. Nanatili ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang mga kamay ko sa aking hita.

"Do you know why I hated you?"

The thought of him still feeling it had my eyes spring for the waterworks once again.

"Hindi dahil sa hindi mo pagsipot. Well yeah, initially that's how I felt but I tried to understand. God knows how I want to marry you."

Suminghot ako at tumango. Inipit ko ang nanunuyo kong labi upang basain. My eyes sting and so as my shoulders from crying and I knew this won't be the last.

I felt his calloused and warm hand in between my neck and jaw. Kumiliti sa pisngi ko ang haplos ng kanyang hinlalaki. Sa kabila ng mga iyak at lungkot ay pinapatayo pa rin nito ang balahibo ko. Shivers managed to conquer my spine.

One drop fell when I blink to meet his bloodshot hazel green. Marahan siyang suminghot at kita ko ang basang-basa at namumula niyang labi. Even his nose was red.

Muntik na akong magbitaw ng tingin sa nakikita kong panghihina at sakit sa kanyang mukha. I saw the blame, the reminders of the past, the pain he's felt and as he made me see him break, I turned to become the pieces.

"I'd rather hate life and everyone than appreciate it without you. I'd rather hate you than accept you being happy and in love with someone else who is not me. I am selfish like that, Ruthzielle. That's why I hated you, 'cause you couldn't be with me."

Another batch of drops fell like they have their own heartbeat to beat and fall on their own. Nanunubig ang kanyang mga mata. Kumunot ang noo niya sa pagsubok na hindi sila kumawala.

"Hanggag ngayon ba? Do you still love me?" Nanuyo ang lalamunan ko sa sariling tanong.

Kakayanin ko ba kung hindi na?

Matagal niya akong tinitigan. Tila ba ay hinihintay niyang mag-iba ang aking reaksyon bawat segundo ng aking paghihintay. It was cautious, measured and hopeful all in one in those green pools.

"Hindi ko alam..."

Ramdam ko ang unti-unting paglukot ng aking mukha sa panibagong paghikbi. Tinakpan ko muli ang aking mukha at umiyak. Pigang-piga na ang puso ko. Gigil na gigil bawat hagulhol.

"Hindi ko alam kung galit pa ako sa 'yo."

"Love me again, please..." Nanginig nang husto ang aking balikat sa pakiusap kong iyon. I have never begged for a love like this. Never for an arrogant man like him.

Pinagbahagi niya ang aking mga binti at paluhod siyang umusog sa gitna. He held my waist at first before he went to hold my hand again and took them away from my ugly crying face. Siya ang pumunas sa lahat ng pammasa roon bago sinikop sa malalaki niyang kamay ang aking pisngi.

Sumisinghot kong tinagpo ang tingin niyang nanlalambot at may bahid nang aliw.

"Why love you again? Who said I stopped?"

Umawang ang aking bibig. Without blinking, tears fell from my eyes again.  Imbes na magpakita ng tuwa ay mas lalo lamang akong humagulhol. Nilipat niya ang isang kamay sa aking batok at hinila ito upang sa balikat niya ako maglupasay ng iyak. I can't believe I have still all these tears to shed.

His hot naked chest filled me with warmth when he totally snaked his arms around me. Pakiramdam ko ay kakapit nang husto ang kanyang bango sa akin sa higpit ng kanyang yakap.

"Will you leave? Tutal ay ito ang ipinunta mo noong una pa lang. Ang linawin sa akin lahat, " aniya at ramdam ko ang pangangamba sa kanyang boses.  With my palms on his warm and hard chest, I felt his heart beating in wilderness and in fear.

I felt him kissed the side of my head as he softly stroked my hair. My wet lips touched the skin of his shoulder.

"Do you want me to leave?" My voice resembled of that fearful little girl.

Ramdam ko ang agaran niyang pag-iling.  His hand tightened on my waist and at the back of my head.

"No...stay..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro