Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTEEN

Mabilis ang takbo ng mga araw lalo na't hindi ko ito masyadong iniisip. Badminton and Dean have been feeding any distraction na wala itong pinipiling sugpuin. Nababatid kong nagsimula ito noong gabing hinalikan niya ako sa ilong.

That was just a kiss in the nose. Nose! Yet it already molded itself to be a burning issue on my part. At dahil iyon sa namamalayan kong lumalambot na ako. That's quite alarming! I welcomed the change. My fierce level has toned down into one bar. Sinusunog mismo ng apoy ni Dean ang tapang ko.

But when he's being out of line, hindi ko naman kinukunsinti iyon. I still want to argue with him somehow.

Hindi kami ang nag-Champion sa Intramurals this year. Leading ang red team ng limang puntos sa team naming nakuha ang first place. Ito pa ang naging paksa ng maliit na pagtatalo namin ni Dean.

"Ang galing ng team namin noh?"

Ang pagmamayabang niya ay hindi ko kayang kaibiganin at pakisamahan. Kanina pa ang ngisi na iyan na kailangan pa yatang gamitan ng itak upang matanggal. It's the palpable truth that they've won. Yeah, so? He doesn't have to remind me through his roars of victory.

Niluwa ko ang confetti na dumapo sa bibig ko. Maingay pa rin ang buong gym sa resulta ng championship. Nasa likod si Erika kausap ang bagong manliligaw niya na lumitaw lang noong tinanghal siya na Ms. Intrams.

"Sinong nagsuot ng Orange team shirt noong first day ng Intramurals?" pangangahas ko.

"Ikaw."

Hiniwa ko siya ng pang-iirap ko. May malaking bahagi na humimok sa akin na awayin siya. I hate that he keeps on bragging about it! Pero noong parade ay akala mo classmates kami kung makasuot siya ng team color shirt namin. Orange team all the way my ass! Balimbing ka, Dean!

Siguro kung kami iyong nag-champion ay ide-deny niyang sa red team siya. I can already imagine.

"At least ako, naipanalo ko ang girl's badminton. Nanalo kami sa Cheerdance at Ms. Intrams! Ikaw? Wala kang game ni isa!" ganti ko sa kanya.

Tatlong patak ang idinagdag ng inis ko nang tinawanan niya lang ang pang-aaway ko sa kanya. Inalis ko ang kamay niyang pinaglalaruan ang aking buhok.

Lalo siyang natuwa. "I-congrats mo na lang ako, Ruth."

Yumukod siya at nilagay ang mga braso sa kanyang hita. His head is the only thing facing me. That amused mocking expression he's wearing is a humored warning that he's up for more bragging games. And he wants me as his competitor.

Pairap akong kumalas ng tingin. I'm taking in the sight of the sea of colorful students. Ang panoorin sila ay mas nakakaginhawa sa loob kesa ang isipin pa lang na magsusumiksik kami sa kanila.

"You only won because you belong to the class where the varsity players are who made your team the champion. So you did not really win individually, Dean. Unless may naipanalo kang game, which obviously you didn't. Kahit parlor games hindi mo sinalihan."

Marahang umawang ang bibig niya na mukhang hindi niya inasahan na masasabi ko iyon.

"That hurts..." But he didn't look any less in pain.

"You wouldn't have been that hurt if you have only won a single game. Because had you were, maco-congratulate pa kita."

I boosted my own esteem after hearing myself saying that like I could win this. Ayaw kong makipag kompetensiya pero gusto ko talagang tinatalo siya. It's fun actually, lalo na't ikaw ang lamang. I think this has become our version of bonding. And I find delight in seeing him speechless.

Nakapkapan ko ang pagsulyap ni Dean sa akin. His burning stare is indisputably heating my face. Fine. One of his strengths is having zero shame. But turning to him would mean I lose. I still enjoy mocking his ego.

"Erika, inaaway na naman ako ng kaibigan mo," sumbong niya na tinawanan lang ng kaibigan ko.

A single word about the event was never breathed again. Nagiging dahilan din kasi iyon ng pagtatalo namin ni Dean. Petty things...juvenile issues...and he doesn't want to argue with me.

Siguro alam niyang matatalo ko siya. But when he knows he's right, ipaglalaban niya talaga. Outside opinions are not entertained.

Tempus fugit. I encountered this phrase habang nagre-research ako para sa project namin. Pinapaalalahanan lang ako nito kung gaano kabilis ang panahon. September seems to only happen yesterday at kinabukasan ay Disyembre na.

Imbes na ipagpatuloy ang pagri-research ay hinila ko ang cursor sa Pictures. I scrolled through the folders and clicked the latest shots from the last trip we had.

How can I cherish every moment that seems to move so fast? If only we can move things slow...then madali nating masisikop bawat alaala at bawat pakiramdam na nakapaloob sa mga alaala.

But of course, we probably just want to collect the laughters and happy seconds. Sinong tanga ang mangongolekta ng kabiguan at lungkot? No one, right? Unless one would want not to feel, then that person would surely collect hate.

I went on a road trip last sembreak visiting new tourist spots in Cebu. Kasama ko ang mga pinsan ko sa mother's side. Our bond is much tighter than with the side of my father's. Sa Manila kasi ang karamihan sa kanila at bihira lang nakakauwi rito.

I clicked a stolen shot of me by my frustrated photographer of a cousin. Nakahilig ako sa sementadong railing at seryosong pinagmamasdan ang buong siyudad ng Cebu. Sinasayaw ng hangin ang buhok ko. Looking down on me is a goddess statue holding what reflects to be a torch with a crytsal ball.

The photo brought me back to a random memory na hindi ko mapigilang alalahanin. Kasi doon ko sinimulang hingin na huwag bilisan ang mga oras na dati kong ginusto dahil nababagot sa bagal ng mga araw.

There are just certain moments that we want to stay still until we're ready for a brand new memory.

Now, it's like I'm riding on a freight train and everything just seems to be a blur of passing moments.

"How's your trip? You're enjoying?" si Dean sa kabilang linya. Ang paos niyang boses ang una kong napansin.

Rinig ko ang pagprotesta ni Will na sigurado akong si Cash na naman ang pinapagalitan dahil sa hindi makuha-kuhang chords na dapat gamitin. I ignored that and focused on Dean's breathing instead.

"Mm-hm...paos ka. Kamusta practice?"

Medyo umismid ako. I sounded too sweet. Tumikhim ako bilang paghahanda sa pagiiba ng tinig.

"A bit tired but I'm all good." He tailed it with a sigh that filled my ears. "We're going to play tomorrow night infront of an agent. Music agent, Ruth! Can you believe it?"

Napangiti ako sa tawa niyang walang katumbas. Nakikita ko pa nga siyang tumatalon-talon habang binabalita ito. He always has that undeniable energy.

"Nood ka ha?" Nahihimigan ko roon ang nag-aagawan na alinlangan at pag-aasam.

Bukas ay pupunta naman kaming Oslob dahil gusto nilang makakita ng butanding. Whale-shark watching. Hindi na lang siguro ako sasama. We have to leave by four thirty in the morning! Tamad kaya akong bumangon ng madaling araw.

"Sure," sabi ko.

Umikot ako at likod ko naman ang isandal sa konkretong balustrada. I caught my sister doing poses on the fountain settled at the very core of the temple. My cousin manning the DSLR took her photo. Ganon din ang eksena ng iba ko pang mga pinsan sa may hagdan na papasok sa templo at ang iba'y nasa tabi ng higanteng leon. The structure reminds me of Parthenon. Parang nasa ibang bansa lang ako.

"Do you have a towel at your back? Mabilis ka pa namang pagpawisan. And send me pictures on your trips, 'kay?" ani Dean na nagpabalik sa akin sa usapan.

Naisipan kong ikuwento sa kanya ang tungkol sa templo. Telling him what I've read from the plaque, the temple was constructed as a symbol of the man's perpetual love and ceaseless devotion to his late wife Leah Adarna.

"Where is Leah?" he asked.

Napangiti ako. I thought he'll get bored pero nakinig nga talaga siya.

"She died. Then pinagawan siya ng templo."

His voice hummed which sounded like he's deep in his thoughts.

"Hmm...you like that?" he asked softly.

"Like that, what?"

Mas dinikit ko ang phone sa aking tenga nang may dumaan na nagtatawanan sa harap ko. I moved aside, ripping myself away from their photoshoot.

"Iyong gagawan ka ng templo." Sa mahina niyang boses ay naging paos ulit ito. I don't understand the shivers that colonized my skin despite the November heat.

"Bakit? Pagagawan mo ako?" nangingiti kong untag.

"Mmm...mag-iipon muna ako," aniya. "Ipapagawa ko pa nga iyong mansyon natin, e."

Hininaan ko ang aking tawa upang marinig ang sa kanya. His signature lazy laugh always gets me. Pakiramdam ko nakahilata siya sa kama, nasa tenga ang phone at nakangiti sa kisame habang kausap ako.

It's not bad to imagine things about him like that, right?

"Dean, husto na iyan, balik na." Boses ni Cash.

Ilang sandali pa kaming nagpaalam bago naputol ang tawag. Ang dami pa kasing mga pahabol. Post ko raw pictures namin. I'm not even sure kung makakapag-online ako mamaya dahil paniguradong pagod ako sa biyahe. I'm surely going to walk straight to my bed and sleep undistracted.

Nagbasa pa ako ng ilang mensahe galing kay Erika saka ako nag-angat ng tingin. Watching the view again, especially the temple, remembering the story behind...marami akong naisip.

I believe in love for older people. For someone who has found it with their other halves. I don't believe in that four letter word for myself. I'm one of those to see and feel is to believe.

Para sa akin ay inspirasyon din ang templong ito sa mga nagmamahal. That love can indeed be undying and ceaseless as long as it's with the right one. But if you weren't with the right person, would the love still stand the test of time? Hindi naman siguro tayo hahayaan ng Diyos na mapunta sa hindi tamang nilalang.

But why did my parents...

There I begin to learn that we don't get to choose our fates but we could do something to get ahold of what and where we want to be. But some fates are just not meant for some people. Some fates are meant for someone who did not ask for it. Some people are not meant to end up with the person they marry. Some people are just not meant for what and who they want to stay in their lives. Those are just snippets of the ugly truths.

And I wonder if I am meant for something that I never want. Am I not meant for something that I truly have been hoping for?

"Ruth!"

Sumabay ang buhok ko sa pagbaling sa pinsan na tumatakbo sa aking direksyon.

"Bakit?" tanong ko nang siya'y makalapit.

Dahil mainit ay hinila niya ako sa may mga hagdan na pababa sa templo at doon sumilong. Pinakita niya ang kanyang phone.

"Who's this? Naka-tag ka sa facebook." Hindi maitanggi ang excitement niya sa tanong.

Naga-adjust pa ang paningin ko galing sa sinag ng araw kaya medyo malabo pa ang imahe. But when it solidly surfaced into my sight, I get to understand why Mandy asked about the picture.

It was Dean and me taken during their gig night. Kuha ito bago ang simula ng sembreak. Nakaakbay siya sa akin at nakahilig ang ulo sa ulo ko. He's wearing his crooked smile while I opted a tight-lipped but wide one.

Mas nakikita ko ang laki ng gap ng height namin. He's unbelievably tall for a guy who doesn't play basketball. Sabi nila tumatangkad ka raw kapag naglalaro ka niyon. I'm not sure if it's proven true.

"What's that?" Dumungaw mula sa likod ko si Margot, Mandy's younger sister. "Boyfriend mo, Ruth?"

Naunahan ng kilos ko ang mga salita. Habang umiiling ay niluluto ko pa lang ang paliwanag ko sa picture na iyan.

The M sisters are notoriously coquettish. So saying Dean is single is definitely an open card revealing an invitation. There's no two ways about it that they're going to make me hook them up with him. The hell I'm gonna do that!

"Saan 'to? Ba't siya nakaakbay? Oh! Click mo iyan ate, there are three more pictures."

Sinunod ni Mandy ang sinabi ng kapatid. True enough, meron pa nga ibang litrato na naka-tag sa akin at kay Dean. Part of the bar is to take pictures of their customers and guests for souvenir purposes at ididikit nila ito sa wall ng bar. Our pictures included.

"Oh my gahh!!!"

Parang tinusukan ng patalim ang tenga ko sa tili ni Margot nang bumungad ang isang random shot. Dean was kissing me in the nose. Nakapikit ako roon dahil sa gulat kaya para akong tanga sa litrato.

May isa pang shot na nakaangat ang kamay ni Dean hawak ang nangangalahating bote ng Jack Daniels. His other arm snaked around my waist and a cigarette stick was tuck at his left ear. Nakaawang ang bibig niya at namumungay ang mga mata. He's had one too many at that time.

Ang ikinabaliw ng mga pinsan ko ay ang umangat na dulo ng white shirt ni Dean kaya kita kung paano nagmakaawa ang kanyang dark ripped jeans na makakapit sa baywang upang takpan ang na-expose niyang V-line.

The picture garnered the most comments and likes.

Ngayon ko lang din nabigyang hustisya ang term na happy trail. Dahil sayang-saya ang kay Dean na maidikit doon sa puson niya na maligayang binabaybay pababa ang paraiso. Hence, happy trail.

Nahihilo ako sa panay na pagyugyog sa akin ng magkapatid. They were giggling and shrieking like crazy! Sinita ko sila dahil pinagtitinginan na kami.

"Sue, alika ka muna!" tawag ni Mandy, medyo humihingal sa kakatili.

Nag-isang pose pa si Sue sa ilalim ng higanteng lion bago niya kami nilapitan. Mukhang nairita pa ito sa pagkaudlot ng kanyang photoshoot.

"Kaano-ano ng ate mo? She said hindi raw boyfriend. Is it true?" si Margot ang nagtanong, in her Bronx accent.

Nasira ang mukha ni Sue nang pinakita ang picture sa phone 'tsaka naging ismid rin habang tinitignan ito isa-isa hanggang sa mag-angat siya sa akin.

"Ewan ko diyan," aniya habang pabalik sa pinanggalingan kanina. " Mukhang sila na pero sabi niya hindi raw. Denial masyado..." kanyang akusa bago tumalikod.

Parang gusto niyang itanggi na magkapatid kami sa tono ng kanyang pananalita.

"Dang it! He could fair with the hot guys in Hollywood! Brad Pitt in the making, baby! I haven't seen this kind of gorgeous in New York. My crushes and ex-boyfriends definitely would look like a bunch of losers kung ipagtabi silang lahat sa lalakeng 'to. He's even hotter than the local hunks here! Wait, singer siya?" tanong niya pagkatapos ng mahabang parada ng mga pagpupuri.

"Vocalist ng banda..." tipid kong tugon, not elaborating further.

To feel proud is how I should feel after hearing their praises about him. Ngunit ang mga pagpuri mismo ay nagsisilbing banta para sa akin. I could sense a competition.

Dean is a very engrossing topic but I prefer for him not to be discussed about like this. Pero paano ba iyan? Guwapo siya. Kaya siyempre unang pag-uusapan ang kaguwapuhan niya!

"Hmm...figures." Tumatango –tango si Margot. Her lip-bite is making my tummy squirm. I wanna puke. "One look and you could already tell. A rock band, right?"

"Patingin!"

Nagulat ako sa pagsingit ni Belle na isa ko pang pinsan. Humaba ang braso nito para maabot ang cellphone ni Mandy.

"Oh my God! Sino 'to? Ang hot niya, ha. Artista? How come I didn't know?"

"Now you know he's mine," hagikhik ni Margot at parang kitikiti na kinokombulsyon sa tabi ko.

"Marge, he's Hindi-boyfriend-pero-mukhang-boyfriend-ni-Ruth. So you back off and stop being a bitch."

Nilingon ko si Mandy sa tonong ginamit para sa kapatid.

Inirapan lang siya ni Margot at hinawakan ako sa braso upang yugyugin. "Dalhin mo siya sa birthday ni lola this December! It would be our family reunion, too! Ipaghahanda siya ng bongga ni tita Bianca."

"Goodness Margot! May iniwan ka pang boytoy sa New York kaya huwag kang lumandi rito! This guy doesn't even scream fuck boy!" sermon ni Mandy at sinarili na ang kanyang cellphone.

"So? Fuck boy or not, he's hot! Like suuper..." Tumirik ang mga mata ni Margot. "Mukhang isang haplos lang niya mapapaso ka na. He's a walking sin and sex in motion!"

Ningisihan niya ako na parang may binabalak ito. Oh no, I don't want to hear the end of it.

"Let me remind you that you just turned eighteen last month." Mandy's getting serious. "So technically, hindi pa buo ang pagka-legal niyang utak mo. You're still a kid!"

"Buzzkill." Margot sounded like a brat.

Inilingan siya ni Mandy at umipon na kina Sue sa ilalim ng higanteng lion. Sila ang mas nagkakasundo.

Nakahinga ako nang maluwang nang sa wakas ay tapos na ang usapang Dean. Sumandal ako sa balustrada sa gilid. Ang ilalim na bahaging ito ng templo ay hindi pa natatapos. Also included here are life size statues now were being photographed by some tourists.

Mabilis kong nilingon si Margot sa bigla nitong pag-impit tili. Her thumbs are murdering her touch screen cellphone.

"I'm gonna add him on Facebook. What's his name again?" she asked to whoever would answer. Definitely not me.

"Dean Ortigoza." Si Belle. "Or you can search him on Ruth's timeline since silang dalawa ang naka-tag sa picture."

Annoyed, me crossing my arms is a palpable denotement that I don't want to talk about this. Dahil alam ko ang destinasyon ng usapan na ito. Hindi na ako babiyahe doon bago pa kami dumating sa panghihingi nila ng number niya.

Then what's next? Home address ni Dean? I love my cousins to death but...no. Just no!

Hindi ko nga alam kung saan ang bahay nila. Ako muna ang unang makakaalam bago sila!

"Pwede siya maging model ng underwear, noh? Kahit wala siyang abs, okay lang. Iyong brief lang naman niya ang titignan ko."

Pumitik nang husto ang pulso ko sa sinabi ni Margot. They were rejoicing the statement and Dean's picture to no end while I was revolting in my insides!

Pinagpapawisan na sila sa pagtitig lang sa mga pictures niya. I should tell Dean to make his photos private, or much better, just eradicate them to all social media sites.

Hindi ko alam saan nanggaling ang lakas ko. Marahil sa nagtutulungang iritasyon at pangamba upang masabi ang isang bagay na pagsisisihan ko. Siguro.

"Girls! Fine, boyfriend ko siya so cut it okay? Binibiro ko lang kayo kanina."

Nanginig ang labi ko. Bumaling ako sa kabilang dako upang itago ito. Hinihingal ako sa aking kaba kahit nakatayo lang at walang ginawa kung 'di ang mainis. I can't wait to be in the van just so I can vent it all there.

Hindi naman siguro malalaman ni Dean ang ginawa ko. This is forgivable.

"Aha! Sue! Tell tito Ralph that Ruth has a boyfriend again. Hotter this time!"

Dahil medyo sabay ay hindi ko matukoy kung si Margot iyon o si Belle. Hanggang ngayon wala pa rin talaga silang pinagbago. They're always the noisy duo ever since we wore our diapers.

"Sabi ko na, e! Kayo na, e!" Pinapaulanan ako ng agresibong hintuturo ni Sue. "Sinasabi ko na talaga, e!"

It's a warning that she's gonna tell daddy. Ayan na naman ang ngiti niyang parang sinaniban na manika.

"Guwapo rin kaya iyong last boyfriend niya. Boone, right? O may sumunod pa sa kanya?"

Gusto kong mabulunan sa tanong. Belle's making me sound like I change boyfriends as often as I change underwears!

Umagap ng sagot si Margot.

"Yeah...but Boone's too good, Belle. The kind who can't please you in the bed so you'd just end up making out in the couch. Itong si Dean mukhang wild, e. Sa langit ka na talaga dadalhin."

Nasa gitna nila ako at sinusunog ng kanilang mga hininga pati na ang paksa ng kanilang tinitilian.

They can't see Dean in person. I'll make sure of that. Picture pa nga lang ay mukhang matatanggalan na sila ng lalamunan. I'm just concern for their welfare.

Kumurap ako ng ilang beses sa pagsubok na itakwil ang ideya kaugnay sa sinabi ni Margot. Ba't pa ba ako nagtaka e mga laking Amerika nga pala ang mga 'to!

"I just told you that he's my boyfriend," nagtitimpi kong usal.

Isang bagsak ang pagtigil nila at tumahimik.

"Yeah, so?" si Margot at nagbalik sa paninitig sa picture. Kinalabit niya pa si Belle upang masabayan ulit siya sa pagtili.

"Girlfriend niya ako." giit ko pa, tinodo ko na at sinaksak ang hintuturo sa aking dibdib.

"We heard you, Ruth. Where are you getting at?" natatawang ani Belle at agad ring binalikan ang phone ni Margot.

Sandali ko pang pinanood ang dalawa na tila wala na ako sa harap nila. I huffed and let them indulge in Dean's face in pictures. Tutal ay hanggang diyan lang naman din sila. It would still be me who gets to have a piece of him at the end of the day.

Pauwi na kami galing Sto. Nino bilang huling destinasyon namin sa araw na iyon. Katabi ko si Margot sa front seat sa van. Sinadya kong ilagay ang cellphone ko sa pagitan namin.

My phone rang, as expected. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Margot. Sabay ang singhap at awang ng bibig niya sa nakitang pangalan ng tumatawag. Dean's crooked smile in the picture was above it.

"Uy! Tumawag siya!" Kunwaring gulat ko. Humahagikhik kong sinagot ang tawag. "Dean, you called!"

Tumawa si Sue sa likod.

Mabilis siniksik ni Margot ang sarili at dinikit ang tenga sa aking phone. Sakto ang patapos nang magaspang na tawa ni Dean.

"You sound so happy, sugar..."

"His voice is even as hot as he looks!" Inanunsiyo ito ni Margot sa likod.

Nag-unahang lumapit sina Belle at Mandy na halos talunin na ang front seat. Sinisita sila ng mga kuya nila sa likod.

"I-loudspeaker mo, Ruth!"

Inilingan ko sila. Mukha namang ngayon lang sila makakarinig ng lalakeng tumatawag. They have mastered collecting boys even better than collecting Barbie dolls.

"Who's that?" tanong ni Dean.

"Mga pinsan ko." Mas sumiksik ako sa gilid dahil halos higaan na ako ni Margot. "Gusto ka nilang marinig."

"O? And...? Is this call on loudspeaker? I'm cool with it."

Hah! No way. Pagkakaguluhan ka lang nila.

"They're mostly girls. Tatlo lang ang lalake," sabi ko. Well, not to mention...they're pretty. Siyempre, magkamag-anak kami, e.

Lumiko ang van para sa isang fastfood chain. Halos hindi na kami magkarinigan ni Dean sa pag-iingay nila para sa kanilang mga orders.

"Fries at saka Sundae lang iyong sa 'kin!"

"I want mine with burger!"

"So what if they're mostly girls? Hmm...?" His knowing hum denotes something. Pinainit nito ang pisngi ko.

"Uhm..."

"Ilan sa inyo ang gustong mag-Sundae?"

"Have they seen me?" dagdag ni Dean. We have our own phone world here while everyone's in chaos. "Did they go crazy on me? And you don't like it, do you?"

Gumaspang ang braso ko sa paggaralgal muli ng kanyang boses dahil sa mahinang pananalita. He seems to be in his bed and is about to fall asleep.

"Ruth?"

"No," agap ko. I was too engrossed watching my rocky road looking arms na nahila ako nito upang makalimutan ang sinabi niya.

"No, as in they haven't seen me? Or no, as in you don't like them to go crazy on me?"

Hindi ko agad ito nasagot. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kanyang tono at nagdududa ako. He made it sound like this is a tricky question. Both answers would benefit him.

"Bakit ba palagi mo akong inaasar?" akusa ko.

He sleepily chuckled. "I'm not teasing you, sugar. I only want an honest answer."

"Iyong pangalawa!" sabi ko nang matahimik na siya.

"Ano iyong pangalawa? Please be specific."

Pinataba ko ang baga ko sa paghinga ng malalim. Why can't I just admit it? Bakit ang hirap sa aking sabihin ang totoo? Kung ipakita ko na lang? Which made me ask, could Dean want it the same, too? Iyong huwag na lang sabihin, pruweba na lang iyong kilos?

At isa pa, sa iprinisinta ng sitwasyon ngayon, na nasa paligid lang ang mga pinsan ko, I don't think I can compete with ther noise at maisigaw ko pa ang sagot. Pwede bang i-text ko na lang?

Sa huili ay naisipan nilang bumaba na lang at pumasok sa loob ng fastfood chain. Umusog ako upang bigyang daan si Margot.

"What's yours, Ruthie?" tanong niya.

Umiling ako. I'm keeping Dean on the line here.

Her smile is dripping with flirting shenanigans. "Huwag muna end-call ha? Let me talk to him!"

Wala akong binigay na sagot at sinara na ang pinto ng van. Silence defeaned me as most of my cousins vacated the vehicle. Kami na lang ni manong driver rito at ang pinsan kong six years old na naglalaro ng gameboy.

I guess this clearance is enough. Inaabangan ko ang pinto ng fastfood kung may lalabas na isa sa kanila.

"Ruth, still there?" si Dean.

"I don't want them to go crazy on you," mabilis kong sabi. "I mean it's okay pero...not the way na parang magpapabuntis na sila sa 'yo at pinaplano na nila ang kasal niyo."

Sa bilis ng pananalita ko ay hindi ko alam kung may naintindihan siya roon. I was rapping the words again. Dumudumina lang ngayon ay ang malakas niyang paghinga na tila hinahamog na nito ang aking tenga.

Tinignan ko si manong sa tabi ko. Mukha siyang tulog. If anything that he's able to catch what I just said, siguro naman ay hindi niya ipagsasabi sa kanila. The old man is literally too old to gossip.

"Why?" Dean silently asked. He sounded stunned.

"Anong why? You know why!" Ano bang gusto niyang explanation?

"No, I don't know why.And if I do, I'm not even sure."

Natilihan ako sa pahayag niya. This conversation added to the cold that the air conditioner only contributed one fourth of it. Binagsak ko ang likod sa sandalan at hinigpitan ang kapit sa aking cashmere sweater.

So I wasn't alone in being uncertain then. Thrice being in a relationship and I can't even afford to come to grips with this?

Oh, wait. Is this even a relationship? Sa palagay ko ay si Dean lang ang makakapagsabi nito. He initiated us. But for the most part, it was like I was the one controlling him. I've never been in this predicament before kaya ang tagal bago ako maka-adjust.

"Dean...you know why. What do you think?" I submitted. The ball's in his court. Nanghahapo ako at halata iyon sa aking tono.

"Hmm...you tell me, Ruth. Assure me."

Mas lalo lamang akong bumabagsak sa gaan ng tinig niya, ngunit ang bigat ng mga salita. Assure? Paano nga ba napunta dito ang usapan namin? I only intend for my cousins to see the boundaries I draw in a red flaming line!

And hell, I don't even know what to say now. Assure him what?

"Ruth, I had the assholes who goes within a ten mile radius near you be beaten up on their asses. What do you think that means? I tell you, nagseselos ako. I don't want them to touch you even a hairbreadth from yours. Now you tell me why you don't want your girl cousins to go crazy on me. Assurance baby, that's all I need to hear."

He's asking me for assurance in the middle of this? Ano bang assurance ang gusto niya?

I've never assured anyone. Kahit si Boone noon ay wala akong ipinangako. Why promise anything if you're just going to bend and break it? And I know I am going to break it! Pinaplano ko na lahat noon kung paano ko tatapusin ang isang relasyon. I have the ending on a string tied from my porcelain fingers.

But I told him the boldest answer I've ever dare stated in my whole damn life.

"I get jealous, too. And those girls should know better than dare mess with me."

Ikinagulat ko ang tapang sa aking boses, as though it's really meant to swear off bitches along the way. But is my tone too much? Am I too much? Nanahimik kasi si Dean.

If not for his audible breathing in and out, maiisip kong tinulugan na niya ako. He sounded really sleepy until the talk about assurence surfaced out. He was desperate and vulnerable within those minutes.

Napatuwid ako ng upo nang huminga siya ng malalim, sa palagay ko'y hinahanda ang pagsasalita.

"You've said it all right, baby. Just the right amount of answer my heart needs to get full."

Hindi ako nakapagsalita. A mention about his heart is too much to contain for me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro