Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EIGHTEEN

To say that the situation at home influenced one's way of life outdoors in social aspects, is somehow an understatement. Mas napatunayan ko lang ito ngayon dahil sa nangyari. I so much looked up to the elders weaving a presumption that what they do is okay. So it's okay for me to walk their way, too.

But there's one point in our lives that changes those notions. Isang pangyayari lang at masasabi mong mali pala. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang ginagawa ng taong tinitingala mo.

We often forget the fact that nobody's perfect, that even the kindest people make mistakes.Even the ones you thought would shame the saints who could do no sin disappoint people, too.

Ironic how one petty mood swing and inhibition could affect an awful lot. It's the reality to my metaphor of a single flick of a small match that created a wildfire.

"That was a low blow, Ruth. Their band is a far cry from being good for nothing!"

Buntong hininga ang isinangga ko sa disappointment ni Erika. I told her what happened before speculations could get the best of us.

Pangalawang araw pa nga lang ay tinatanong na ako kung bakit hindi na kami magkasama ni Dean. Their questions dragged on the third day hanggang sa bumuo na sila ng sariling haka haka.

I ignored everything. Iba-iba rin ang naririnig kong tsismis na may iba siyang dini-date. I know that's not true but still, it hurts. Kasi may posibilidad na baka hindi na iyon maging tsismis.

"I saw her with Lucia in the canteen. Nagtatawanan pa nga sila, e."

Kung bulong man ang maitatawag iyon ay hindi ko alam dahil naririnig ko pa rin naman. Or maybe my classmate just wanted me to hear it. She's not even speaking English. Muntik ko na siyang i-report but I changed my mind.

Mabait pa ako niyan.

Nahihiya akong aminin na inaabangan ko ang paghihintay niya sa labas ng classroom kada recess at dismissal. These things should not occupy and exhaust me. Wala akong maintindihan kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko. It's depressing me for days.

Kahit ganon ay nagpaturo ako kay Sue na gumawa ng kahit anong pasta recipe. Maybe with this, he'd consider my apology. Aaminin kong kasalanan ko. Dean's not as harsh as he looks. Kaya confident akong bukas ay bati na kami.

"Dean..."

Nalulunod ako sa pag-asa sa paglapag ko sa tupperware laman ang paborito niya. He likes anything pasta.

"It's a...uhm...Fetuccine Alfredo with bacon..." mahina kong sabi. Ayaw niya sa gulay so Sue suggested to have bacon instead.

Sumadya talaga ako rito sa likod ng senior building. Siya lang ang nakaupo sa lupa, nakasandal ang likod sa pader at naninigarilyo. All the buttons of his polo are open as if inviting for the beholders to drink in his lean torso.

Tipid kong ningtian ang mga kabanda niyang tahimik na nag-aabang sa kanyang kilos. Lahat sila ay nasa tapat ni Dean na parang masusunog kapag tatabi sa kanya.

Tumikhim si Cash at naglihim ng ngiti. Kinunutan ko ang suot niyang blue headband.

Niyayakap ko na ang sarili habang tumatagal na hindi ginagalaw ni Dean ang tupperware. He stared at it as if it's the strangest object. Naisip ko na ngang dinudurog na niya ang pagkain sa tingin pa lang.

"I'd rather you entertain your suitors. They're waiting for you." The cold in his voice wrapped around my gut.

"What the fuck, man?" si Cash na halata ang gulat sa ginawa ng kaibigan.

"Dean Cornelius!" Walang nagawa ang tawag ni Skyler nang tumayo na si Dean.

Pagkatapos pagpagin ang khaki pants ay diretso siyang umalis. My face was being painted white to result to a blank canvass. Kasing blanko ng tiyan kong sinukluban ng guwang.

Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi niya iyon. Maybe because the guys he used to warn off before resumed talking to me.

Bumuntong hininga ako. Wala akong matignan ng mata sa mata sa kanila sa kahihiyan ko. First try pa lang 'to, Ruth. Maybe at attempt number three he'd cave in.

He is really a hard shell to crack when resenting. Mukhang gawa sa kabaong ang kapatawaran niya at ibinaon sa lupa at paghihirapan ko pang bungkalin.

Like how I am decaying myself from guilt. I'm a human with a heartbeat buried alive in a land of regret. Sumalangit nawa ang nagsisisi kong kaluluwa.

"He loves the band like it's the perfect wife so that is definitely an insult on his part. Pero hindi naman yata tamang tratuhin ka niya ng ganoon!"

Pumalibot sa akin ang saloobin ni Erika habang tinutulungan akong pagmasdan ang mga CAT officers sa pebbled ground. Kiefer is manning the group. Hindi na siya gaanong bukambibig ng kaibigan ko marahil ay dahil sa bagong admirer niya.

I wanna talk to him about Dean. But his brooding appeal makes him so much as unapproachable. They can be both intense but if I have to differentiate, Dean could lure you to a wild life in paradise while Kiefer could entice you for a good time in hell. Parang pagbabawalan ka niya sa lahat.

Sa tingin ko nga pati siya ay galit sa akin. He lighted a loyalty torch for his brother.

"Seniors! Gather now!"

Sa sinandalang bakal sa gilid ng bleachers, tamad kong tinulak ang sarili. Nag-isang pasida pa ako sa magandang hapon bago umakyat sa bleachers para makaupo.

Right after dismissal ay pinadiretso ang mga seniors sa gym upang pagusapan ang paparating na prom. We'd be busy for the first half of the year especially with the upcoming graduation, too.

Ang isiping magtatapos kami na hindi nagkakabati ni Dean, it strokes an awareness that I still have a remaining strength to get hurt. Akala ko nabuhos ko na lahat sa ina ko.

Without having to think about it, I blamed it on her. Her doing, her presence and everything affected my relationship to other people.

Tinanaw ko ang hanay ng mga estudiyanteng nakaupo na. I saw one of his classmates at 'di nagtagal ay siya. Wilmer is beside him silently focused on the next teacher's words while Dean's talking to...Lucia.

Knots coiled my stomache. Uminit ang bugso ng dugo kong 'di ko napigilan sa bahagyang galit. Ang bilis naman yata kung totoo man iyong sinabi nila tungkol sa kanila ni Lucia? And what is this I heard? She was an ex-fling!

Hindi kaya siya ang naghanap ng dahilan upang makaiwas sa 'kin? He's making my mood swing as an arrow to see out! Nanigas ang mga ugat ko nang maisip iyon.

"Uy, tumayo ka na." Tinapik ako ni Erika na nakatayo na.

Hindi ko nasundan ang inanunsiyo ng guro. Basta tumayo na lang din ako tulad ng iba at nagpaanod sa daloy kung ano man ang ipapagawa sa amin. I'm too exhausted to move and get enthusiastic.

"Boys and girls, fall in line and find your height."

Madali kaming sumunod sa mando ng guro para mabilis din kaming matapos. Maingay at ang nagtatawanan pa ang ibang nangungutya ng height. Hindi kami naghiwalay ni Erika dahil halos magkasingtangkad lang kami.

"Hindi ko mahanap ang height ko, Miss! Masyadong maliit."

Napangiti ako sa biro ng isang babae sa ibang section. Nilingon namin siya at nakitang classmate pala ito ni Dean. Ito iyong mahilig sa makulay na hairclip.

Napawi ang ngiti ko nang makita si Dean sa likod nung babae. It's a punch in the gut to catch him already looking at me. Lumala pa iyon sa pagdilim ng mukha niya nang magbangga ang mga mata namin.

Panibagong pagbagsak ang humambalos sa akin nang mag-iwas siya ng tingin at ningitian si Lucia.

Tahimik akong humihingal. Kumakatok ang maiinit na luha sa gilid ng aking mga mata. Nanghahapdi ang bibig kong bumubuo na ng asido. I want to get mad at him but I know it's my fault so I should get mad more at myself.

Ang maramdaman ito ay nagpabalik sa akin sa mga karanasan ko noon. Warmand prickling realization started to flow in my blood like it was part of the circulation all along.

I make my emotions as an excuse to blame other people especially when I feel like I am the victim. When the truth is, me feeling so is only the consequence of my mistakes and misgivings. I never wanted to take the blame.

"Hindi ka pa rin kinakausap? Text mo kaya."

Ganon pa rin ang reaksyon ko nang nilingon si Erika. I'm sure may nakikita siyang galit dahil tinaasan niya ako ng kilay na parang wala akong karapatan.

"What? It's your fault so you do the groveling. Minsan hindi nakakatulong ang pride, Ruthzielle," eksperto niyang ani.

Napairap ako. "It's not about pride. Baka hindi siya mag-reply."

Tuluyan na siyang umikot upang maharap ako. Kung may mukha lang ang binuga niyang hangin, sasalamin ito sa hindi makapaniwala niyang tingin sa akin.

"That's still pride! Ano ngayon kung hindi siya mag-reply? At least you tried. Ipakita mo sa kanya na nagsisi ka sa pinagsasabi mo. Ikaw ang makipagbati. You're not Maria Clara na hihintayin pa iyong lalake ang gumawa ng first move."

Believe me, I've already thought about that. I planned on asking aid from his friends, yet in retrospect as to how I talked ill about the band, parang nawalan ako ng karapatang kausapin sila.

Tinanggap ko ang sermon ni Erika at hindi na kumibo pa. Bumaling ako sa nagtutulakang mga lalake dahil hindi yata tanggap ang height nila. Tumigil lamang ito nang sinita sila ni Ms. Guillen.

Na-curious ako sa pagta-tango tango niya sa likod kaya lumingon ako roon.

I'm tall enough but I'm not the tallest. While Dean's height towered the most among the guys. Kaya iba ang partner niya. Aileen, one of Lucia's friends na varsity ng volleyball girls.

Mas lalo akong nawalan ng gana. I wanna go home and sulk all night. Ayaw ko nang pumasok bukas. Everything about this school reminds me of not one but three people I wanted to distance myself away from.

I suddenly want to isolate myself until I feel better. Until I seek for someone's company. Kasi sa ngayon parang sarili ko na lang ang karamay ko. I instill the hurt so I should be the one to heal myself, too.

At dahil pakiramdam ko walang mangyayaring maganda sa akin sa prom ay wala na rin akong pakialam kahit sino ang partner ko. I don't give a damn if I wear a trash bag on the event. I just don't care anymore!

"He doesn't go to practices anymore."

Nilingon ko ang malamig na boses sa tabi ko. It's Wilmer. He's staring straight ahead with both hands on his pockets. Walang kaemo-emosyon ang malamig niyang mukha.

So...siya ang partner ko?

Medyo napaatras ako sa kanyang paglingon. In his face of displeasure and cold, talking to him seems a thou shall not that you would fear to disobey.

Dati ko na talagang nahahalata na ayaw niya sa akin. I wonder why. O baka ayaw niya lang talaga sa mga babae?

"What did you do, Simeon?" He narrowed his dark eyes at me.

Ngayon ko napagtanto na ang sinabi niya kanina ay hindi upang balitaan ako tungkol sa matalik niyang kaibigan. Iyon ay bilang pamimintang sa akin.

Lumukot sa inis ang mukha ko. Ako talaga, e. Pero sabagay kasalanan ko naman talaga. Sa tono nga lang niya ay parang pinagbibintangan niya ako sa lahat. Pati korupsiyon sa bansa ako na ang may kasalanan.

"Can you help me talk to him?"

Kahit mukhang ayaw niya sa akin, I gave it a try. Maybe he likes to help his best friend. In that way, baka sisipot na si Dean sa practices nila.Then he'd be a happy kid since he cared about the band so much. It's a win-win situation.

Naninimbang ang titig niya. I think ganito siya sa lahat. I can only read two the way he stares. He's suspicious towards you or he just doesn't want to give any time of the day to talk to you.

"He pets his pride like a dog, You know damn well how to feed it. Iyakan mo, habulin mo. Then his pride would be a happy animal chewing a bone."

Umawang ang bibig ko. How would that help me talk to Dean?

"You're being cryptic, Will."

Umirap siya at bahagya lamang ang ikot ng ulo sapat upang marinig ko siya. He's more focused to the talking teacher.

"Sinabi ko na. 'di ba?" pagsusuplado niya. "Iyakan mo. If you really regret what you did, you do as I say," he snapped.

Tahimik akong suminghap. Sinabi kaya ni Dean? But the good-for-nothing remark was not actually directed for them. They just receive the worst end of my bitchiness. I meant that for someone and unfortunately, si Dean ang napagbuntungan ko.

I hope I can explain this. And I hope they can understand and believe me. Dahil habang tumatagal na walang improvement ang aking ginagawa ay parang naging totoo na ang paratang ko sa kanila. I should double my efforts.

May lumapit na isang faculty member kay Ms. Guillen kaya napakawalan kami sa pagiging seryoso. Nagtatalak na ulit ang mga estudiyante. Nagigiba na ang tuwid na linya kanina. The teacher doesn't mind at mukhang urgent ang usapan nila ng kausap.

I use this opportunity to approach Dean instead of just texting him. At least 'di ba, mas sincere ang paggawa ng paraan kung personal sa halip na sa cellphone lang.

Aileen saw me first. Sabay naglaho ang ngiti at boses niya. I'm not here for her reaction so I turned to the guy beside her.

Hindi man ako nilingon ay alam niyang ako ang lumapit. I saw his back and shoulder tensed. Bigla siyang yumuko at pinasak ang mga kamay sa bulsa. Tinitignan niya ang kanyang paa na parang may inaapakang langgam sa gym floor.

"Dean..." I called his name that sounded so scared to touch an open flame.

Igting ng panga ang nakuha kong sagot. Para siyang pader na sinusubukang magmatigas kahit papaguho na. Ang mahigpit at manipis na linya ng mala-rosas niyang labi ay nagaanunsiyo na ayaw niyang mag-aksaya ng hangin para sa 'kin.

Kung kanina pa ako binagsakan ng kawalan, naghihingalo na ako ngayon. Nagmamakaawa sa buhay ko.

"Can we talk, please?" I said softyly. Sobrang hina na gusto kong siya lang ang makarinig.

Nagkamali ako nang marinig ang ngisi ni Aileen at ilang babae sa likod kong kabarkada niya. Lucia, included.

Alam kong mas matangkad siya, but hell, I can do spike better. I really should have tried out in volleyball, baka maging under lang siya sa leadership ko bilang captain.

"Wow, Ruth," humalukiphip si Aileen at ako'y pinasidahan. Tinapunan niya ako ng ngisi na nakakababa sa sarili. "Ikaw na pala ang naghahabol ngayon. Wala na bang epekto ang ganda mo kaya lumalandi ka na lang? Kasi 'di ba, talo ng malandi ang maganda."

Dean's rejection has already pulverized me. That makes me too dead to retaliate to Aileen's taunts and her friend's laughters.

Extending my stay would mean bearing more rejections. Kita ko kung paano tuwang-tuwa si Aileen sa nakikita, and I know so as her bitch friends, too.

Hindi ako iiyak sa harap nila. Hindi naman 'to dapat iyakan. I've been here before and I survived.

Ngunit ang hindi pag-imik ni Dean na parang okay lang sa kanya ang natatanggap kong panunuya, all strength crumbled as if they're made of a weak foundation. Nagpanginig ito sa mga tuhod kong tumakbo at magtago.

Nilunok ko ang hikbi na may balak harangan ang aking mga salita. "Just text me if you feel like talking to me again...I'm sorry."

Bumalik na lang ako sa aking pila, hindi alam kung pinagsisihan ang ginawa.

Had I known he would embarrass me like that, I shouldn't have done it. Sino ba naman kasing nagsabi na walang mawawala kung susubukan ko? 'Cause man, it's like I've just lost my dignity!

"Anong sinabi niya? Pumayag ba?" nag-aalalang tanong ni Erika. Lumagpas ang tingin niya sa likod at tumalim ang tingin. I know to whom that is for.

Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang sakit sa aking leeg kasabay ng aking pagtingala at hapdi sa aking anit. Humulma sa sakit ang aking mukha.

"Ano ba?!" galit kong nilingon ang humila sa buhok ko.

It's one of Lucia's friends again. Sa sama ng ugali ng babaeng iyon, pinagtaka ko ang dami ng kanyang kaibigan.

"What? What did I do? Baliw ka ba?" natatawa niyang sabi.

Here eyes are trying to look innocent as if that would vindicate her from pulling my hair.

"Bakit mo hinila ang buhok ko?" matapang kong tanong.

Inikutan niya ako ng mata. "I did not."

You lying bitch. Nagpupuyos ako sa galit lalo na't alam kong isa siya sa mga kaibigan ni Lucia. So she's not done with me, huh? Nagtawag pa talaga siya ng reinforcement thinking that her number of 'friends' would threaten me. Hah!

Sa kuyom kong kamao nag-ipon ang galit ko. I'm so ready to punch her but I kept a tight rein on my emotions. I thought about this anger that has already affected a lot of things and people these past few days.

Pero ang insulto sa kanyang tingin ay tinutukso akong gawin ang dinidikta ng aking kamao.

Natatawa siyang umiling. "You're crazy, Simeon. Kaya siguro hindi na sumasama si Dean sa 'yo."

Matalim pa rin ang tingin ko sa kanya na hinila ko sa katabi niyang nerd. He's cleaning his glasses, but I don't think he's oblivious. He's just afraid.

Hinila ako ng paggalaw ni Wilmer sa gilid. Diretso pa rin ang tingin niya sa harap.

"She pulled my hair. Nakita mo, 'di ba?" puno ng pag-asa kong tanong. He's my witness.

Wilmer shrugged. "I didn't see anything."

Umawang ang bibig ko. Matagumpay na ngumiti ang babae sa harap. Pinigilan kong umiling upang itago ang naramdamang hiya but seeing their stares at me, alam kong naliligo na ako sa kahihiyan.

I can't believe this. Bakit ba pinagkakaisahan nila ako? I know I'm not the friendliest person but that doesn't require for them to punish me like this!

Without looking back, I walked out of the gym. Nakakasakal na pinagtutulunagn ka ng mga taong wala ka namang atraso. I only offended one guy, but it was like I offended the whole world na pati ito'y tinatalikuran na rin ako.

"Ruth!"

I didn't heed to Erika's call. Sunod ko na lang narinig ay malutong na sampal at tilian. Nagtuloy-tuloy ako sa kabila ng kaguluhan sa likod.

"Ms. Simeon! Where are you going? We're not yet done!"

Pinalis ko ang naglandas na luha habang mabilis ang aking mga hakbang. The noise of the pebbled rocks has at least veiled the sob that escaped my throat.

Tumakbo ako bago pa may makahalata at sa kagustuhan kong manatiling lihim sa mundo pansamantala.

Matingkad ang ingay na nagawa ko sa pagsara ng pinto sa cubicle ng cr. Mabilis kong kinabit ang lock saka umupo sa nakatakip na bowl. Malalim na hininga ang inipon ngunit hindi sapat upang pigilan ang hagulhol. Tinakpan ko ng panyo ang aking bibig.

I've never wanted to cry like this. I poured every inhibitions, bottled pain and sadness that I refused to let go for the past years. Inalagaan ko silang lahat na parang mga binubuhay na anak at ngayo'y nais ko na lang silang palayain at magkaroon ng sariling buhay.

And they did. They let go with life leaving a wake of hurt and a gash in my heart. I can be anything but emotional. Yet being emotional is all that I can afford to be right now.

I cried everything hoping to make myself better, hoping to lighten the heavy burden in my chest. I cried everything to open new spaces and regain fearlessness.

Umingit ang pinto kasunod ang mga yapak.

"Ruth...si Erika, 'to..."

Kinalma ko ang mga hikbi ngunit walang tigil pa rin ang luha. I quite expected for someone to follow me here. Him. Pero nang marinig si Erika at hindi siya, I realized, it's better. Ayaw kong isipin na wala siyang pakialam.

Sumilip ang mukha niya sa ilalim ng cubicle. Kung sa ibang pagkakataon ay baka napatili na ako sa gulat.

"Hey...I just slapped the bitches. Dalawa sila, actually."

Suminghot ako at natawa nang bahagya. Gumapang siya sa ilalim since hindi ko binuksan ang pinto.

"Maga-guidance ako. But it's okay. At least they learned their lesson not to mess with me."

Lumuhod siya sa harap ko at nilagay ang mga braso sa aking binti. With my puffy, red eyes, hindi ko siya matignan nang diretso. I probably look funny.

"I realized, ngayon lang kita nakitang umiyak." Nagkibit siya. "I should let you be."

Tumango ako at pinunasan ang pumatak sa aking mga mata.

"Ayokong bumalik." Panay punas ko sa aking ilong. "Ayoko na ngang umatend ng prom. I just want to graduate rightaway."

Nanatili kami roon kahit pinatawag na kami para sa flag retreat kada hapon. Kahit may attendance iyon bawat klase ay hindi pa rin kami lumabas. Masyadong masakit ang mata ko upang tumagpo ng liwanag sa labas. And I'm not in good terms with everybody.

Pumasok pa rin ako kinabukasan. Why shouldn't I? What they did and the shame they make me walk into should not stop me from having fun and do my obligations.

I am their problem? I should be walking with my chin up high as me as a problem makes a starring role in their daily lives. Kasi sila, hindi ko sila problema.

"Let's eat outside, Ruth. Lucia and friends are near the narra tree. Seeing them is an eye sore."

Nasa hamba ng classroom si Erika at mukhang may minamatyagan sa labas. Tumango ako at sinilid ang huling libro sa bag.

Isusuot ko pa lang ang strap sa balikat ko nang magahip sina Sky at Cash sa labas, nag-aabang. May pag-aalinlangan akong nakikita sa babae samantalang ang sa likod niya ay mukhang napipilitan lang sumama.

Lumabas na kami ni Erika ng classroom. Hinarangan nila kami.

"Ruth...?"

Hindi ako umimik. Inaabangan ko ang ipinunta nila rito.

"Can you talk to Dean, please? Hindi kami natuloy sa gig namin last time kasi...hindi siya sumipot. Wilmer's hysterical. Kung magtatagal ang ganito baka ma-disband kami. We're not even practicing anymore."

Nanghihinayang man ako kapag mangyari iyon, ngunit nang binalikan ko naman ang kahapon ay nawalan ako ng gana na makipagbati. At isa pa, kasalanan ko ba kung madi-disband sila?

"I already tried, Sky. Alam mo naman ang nangyari, 'di ba?"

Tuluyan ko na silang nilagpasan.

Wala akong ideya sa kung anong alam nila sa walang imikan namin ni Dean at nagawa pang magmakaawa sa akin ni Skylar. Cash was there when it happened. Siguro ay wala rin siyang sinabi. Had he were, it would not only be Dean who would have hated me. Buti nga si Cash ay cool lang. Walang hassle.

I tried. But he didn't give me a chance. I know one attempt is not enough. Or two. But I'll give him space before gracing into his forgiveness again.

Magpahinga muna ako, ha? Dahil hindi lang siya ang problema ko.

Nasa grounds na lang kami ay nakasunod pa rin ang dalawa sa likod namin ni Erika na panay ang putak sa kada pakiusap ni Skylar.

"Sanay kasi siya ang hinahabol, Ruth. Kaya please..." si Cash naman ang nagsalita ngayon.

Umiiling ako at hinila si Erika upang makasabay sa akin sa paglabas sa school gate.

"Twenty push-ups!"

The dark and authoritative voice made me turn to that direction. Sa ilalim ng puno ng narra ay si Kiefer na nasa likod ang mga kamay. Mukhang kanina pa ito dahil marami na ang pumapalibot sa kanila.

He's pacing back and forth na parang hinahatulan ng bitay ang apat na babae sa harap.

Tuluyan akong tumigil nang mapagtanto kung sino ang mga iyon.

"Holy shit...is that...?"

Lucia and her friends. I finished Erika's words. Naka-plank sila sa mabatong lupa. Sa bawat likod nila ay may mga officers na binibilang ang kanilang pag push-up. They're not smiling, maybe mirroring their leader's hard face.

"You can't do twenty push ups? Might as well I tie you in the tree!" banta ni Kiefer.

Humakbang kami upang mas mapalapit doon. Kitang-kita ko kung gaano na nahihirapan ang apat sa ayos ng kanilang buhok at madudungis nilang mukha. Malayong-malayo sa imaheng nakasanayan naming makita sa kanila.

"This is an injustice! This is an abuse of power!" iyak ni Lucia. "I know Dean's your brother pero sumusobra ka na Kiefer!"

Tumigil si Kiefer. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko malaman ang pinta ng mukha niya. But basing from his tensed shoulders, I know it doesn't promise anything fun.

"Who cares about your opinion Ms. I-Don't-Give-A-Damn-What's-Your-Name."

Walang mang banta sa boses niya but Kiefer is downright scary without trying to do so.

Hindi ko alam kung bakit ginaganyan sila ni Kiefer. But hey, who cares?

Aalis na sana ako nang pinigilan naman ako ulit ng sinabi ni Skyler.

"Kinain ni Dean iyong gawa mong pasta. Hindi nga namigay, e."

Gulat ko siyang tinignan. Tinanaw niya si Kiefer na patuloy sa pagpapahirap sa apat. Tumango siya roon.

"Hindi na ako magtataka kung siya ang nag-utos niyan. Kiefer has always been his bitch."

Wala akong masabi roon. The part of me that believes what she said made my tummy do cartwheels. Pero baka patibong niya lang iyan upang kausapin ko si Dean at makabalik na siya sa practice. Ang parteng iyon na hindi naniniwala ay naghatid din naman ng pagdududa at hinila akong maniwala.

But if he has done these things then siguro nga mapapatawad niya pa ako. Pinaliguan ng init ang puso ko.

"The narra tree's width is very welcoming to accommodate the four of you."

Kiefer is being sarcastic. Nakapamaywang na siya sa harap nila. After knowing what I know, mukhang naging exciting sa akin ang pinapanood ngayon. The four struggled for twenty push ups that they could even barely make into ten.

"Kiefer, please..." angal ni Aileen, nahihikbi na.

Arte nito. Push up lang, iiyakan na?

Masama na nga akong babae kung hindi ko man napigilan ang pagngiti.

"I don't take any girly bullshits from girls who have attitude problems. Tie them!"

Like high paid servants, the officers moved swiftly as per Kiefer's urgent command. Tila namamatayan na nag-iyakan ang apat. Hawak ng mga officers ang mga kamay nilang nasa likod at hinatid sila sa puno ng narra. The rope is ready.

The scene is making a spectacle. Siguradong pag-uusapan 'to buong linggo.

Wala bang guro na rerespunde rito? Because I may like what I am seeing right now but I agree, bawal ito. Kiefer could get into trouble, lalo na't officer siya.

"Hindi na ako galit sa kanya." si Erika sa tabi ko. "Kung ganyan ba naman siya ka hot, ay, willing akong magpatali. Tie me, too, Kiefer!" malandi niyang sigaw.

Napailing ako at hinila na siya upang makalabas. Gutom na gutom na ako upang hintayin pa kung paano sila mabubuhay na nakatali sa puno.

Huminto ako sa naramdamang kamayna humila sa aking braso. Halos mabulunan ako sa gulat at uminit ang mukha ko sa pag-aasam.

Sa bigla niyang paghila sa akin ay doon na akong marahas na bumaling sa kanya. Lamig ang bumuhos sa nakatagpong mga mata ni Wilmer.

"Ano ba Wilmer!"

Muli niya akong hinila na kasing higpit rin kung gaano ako pumirmi. I'm trying to equal his strength as guy with a handful of strong hands and arms. Pero bawat pumiglas ko ay lumalalim ang pagbaon ng kamay niya sa balat ko!

Mas nabigo pa ako sa pagtulong ni Erika na tinulak ako kay Wilmer para madala niya.

"What the fuck, Erika! What is this?" paghihisterikal ko. Hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin.

"Sumama ka na sa kanya!" Sinabayan niya ito ng mas malakas pang pagtulak!

Skylar and Cash were at her back silently supporting her through watching me under Wilmer's grip. Kung kahapon ay masasabi kong pinagtutulungan ako. Mas dumiin lang ito ngayon!

"No! Saan ba kasi ako dadalhin?" Napaos na ako sa kakasigaw.

Patuloy ako sa pagpumiglas. Ganon din si Erika sa pagtulak at dinikit pa ako sa taong ayaw na ayaw sa akin.

"Wilmer, bitaw!" gigil kong utos.

Hah! As if he's going to follow as I say. Muntik ko nang makalimutan na ayaw sa akin ng taong 'to so why should he allow himself be under my commands?

Napatili ako nang hindi ko na maramdaman ang lupa. I feel I was being harassed with Wilmer's tight-holding hand on my waist as he lifted me!

Tumila rin ang sigaw nang maramdaman ang sakit sa tiyan ko dahil tumama sa matigas niyang balikat. I almost choke.

Hindi na ako nakaawat nang magsimula na siyang maglakad. Nakasunod ang tatlo sa kanya na may multo nang excitement at tagumpay. Nag-agawan ang iyak at inis na nauwi lamang sa pagsuko.

"If this would end up good, just know that I'm not doing this for you. As long as Dean's troubled because of you, hindi siya babalik sa banda. So, don't thank me," sunod sunod na sabi ni Wilmer sa malamig niyang boses.

Dalawang eksena na ang pinagtutuunan ng mga tao at ang iba'y hindi alam kung saan mas manonood. We're like two different channels showing the top rated drama programs at the same time!

Paingay nang paingay ang nilalapitan namin na multi purpose building. Sa ingay ay gusto ko na lang mapatakip sa aking tenga. The drums seem to be murdered through endless beats and pounds aiming an undecided tune.

The cymbals are screaming bloody murder. Wala ngang lumapit sa dako rito dahil ayaw sa nakakabasag tenga na ingay.

Bago ko pa marehistro ang nangyari ay binaba na ako ni Wilmer sa loob.Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na lumingon, na-lock na niya ang pinto.

Responsible of the noise infront of me, is Dean in all his mad glory. Nakapikit at nakatingala habang marahas na pinapalo ang drumsticks sa drums at cymbals. Para bang doon niya binubunton lahat ng galit niya. The poor instrumemt serves as his outlet.

There's no dead-air. Shouting for help is useless.

"Dean..."

I can't even hear my own voice. The nonstop drum beating didn't allow me.

Kumunot ang noo ni Dean. His lip twitched so I'm not sure if he has heard me, or felt my presence. Kita ko ang pagtalsik ng pawis niya nang mas lumakas ang kanyang mga pagtambol. He licked his lower lip before biting it vehemently.

Napaatras ako. Going near his radius mirrors an entrance to hell and you don't wanna try getting in despite of curiosity.

Parang impyerno nga ito na sa halip ay apoy, ingay ng drums ang sumasalubong sa akin. At ang hari ay nasa harap na naghahanda nang parusahan ka. Nag-iipon lang ng lakas sa mga pagtambol na iyan.

Tinakpan ko na ang tenga ko sa pakiramdam na mawawalan ako ng pandinig. I'll just wait for him until he's done.

Dean's tan arms already glistened with sweat. Nasa gilid niya ang naghihingalo niyang polo uniform so he's left wearing a sando. His sand brown hair is all over the place na mukhang kakasabunot niya lang rito.

May dumikit pa na hibla sa basa niyang noo na masasabi kong bagay rin sa kanya ang may bangs. His tongue touched his upper lip, as if to wipe out the impending sweat. Nakapikit pa siya niyan. Nakatingala...

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko at hinihila ako ng kung ano sa isang pakiramdam na hindi angkop sa aking edad. Being seventeen, is it natural to have these kinds of thoughts I don't wanna name?

His neck and the front part of his sando is wet, too. Tinutukoy nitong kanina pa siya rito.

Isang bagsak pa ay naghari ang katahimikan. Unti-unting naglaho ang huling ingay hanggang sa ingay sa labas ang lumilitaw sa pandinig. Humihingal siya at ilang sandali pa bago siya dumilat.

From his hooded eyes, that look turned into knives when he directed his eyes at me. Maybe he knew all along that I've been standing here watching him beat the madness to thy kingdom come.

Nang hindi nag-aalis ng tingin ay binaba niya ang drumsticks. Umigting ang panga niya habang hinahanda ang sariling tumayo.

Kinakabahan ako sa galit niyang walang pag-aalinlangan. Sa paraan ng paninitig niya ay parang sa akin niya binibintang lahat ng karahasan sa mundo: Korupsiyon, krimen, drugs, pagnanakaw...ako lahat may kasalanan!

"Dean, I'm sorry..."

Hearing my own voice fully clothed in guilt and regret, bumukas ang bintana sa mga mata ko upang makasilip ang luha. Nangangatal na ang humahapdi kong labi na handa nang palayain ang hikbi.

"You should mean that sorry of yours."

Inipit ko ang labi ko at yumuko. Siguro nga'y hindi tama na dinala nila ako rito. Today's not the right time to mend things between us. Tama akong palipasin muna ang nangyari kahapon.

Pinalis ko ang naglandas nang luha sa mga mata ko. Why is it so hard to apologize to him? And why don't I care? Pinapayagan ko pa ang sarili kong tratuhin nang ganito!

Napaigtad ako sa ingay ng silya. Tumayo siya at takot ang tumulak sa akin upang umatras palayo sa kanya na tila aatakeng hayop na lumalapit sa akin.

Panic rose as he neared until he's infront of me. Pero hindi siya tumigil sa paghakbang at hinawakan pa ako sa braso upang tulungan akong makaatras pa hanggang madikit niya ako sa pader.

Napasinghap ako sa gulat at takot.

"Mean it, Ruth." He demanded it hard in his clenched teeth.

"I made your favorite pasta," I said as if that's enough.

Umiling siya. That means no, right? He doesn't look happy with my answer. Ano ba dapat?

"Y-you embarassed me, Dean. Infront of my haters. Hindi pa ba sapat iyon?"

"I didn't like that to happen to you." He whispered with his natural rasp.

Matagal ko siyang tinitigan at inasahang sasabihin niya kung ano ang dapat kong gawin. Wala siyang balak magsalita kaya sumuko na ako.

"Paano ba, Dean?"

Umawang ang bibig niya at kita ko ang paglalaro ng kanyang dila sa itaas niyang ngipin. That gesture, for me, always means he's challenging me, lalo na't angat ang kaliwang kilay niya.

He's looking down at me as if daring me to slice my wrist.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi, at habang tumatagal ang mga mata ko roon ay bumibilis ang paghinga niya. In his every inhales, his chest touches mine. In his every exhales, his breath warmed my eyes.

Niyuyugyog ako ng sariling kalabog ng aking puso.I did what I think he wants me to do. Subok lang naman. If it turns out wrong, then I could try again.

Tumingkayad ako at inabot ang labi niya. Humawak ako sa kanyang braso bilang suporta habang ang kamay niya'y lumipat sa aking baywang. As my lips neared to his, his fast breathing turned louder and louder as though I'm getting near to the entrance of his beating heart.

My lips trembled. But I braved myself and kissed him.

With its hard lines, I never thought his lips feels so soft against mine. Sa nakasara kong bibig ay sinubukan kong dilaan ang sariling labi ko. Just to feel the taste. I could taste the sweat and mint from him.

Sa kanyang pagbuntong hininga ay bumitaw ako. The kiss was short-lived. Halos hindi ako makahinga sa ginawa. Tumindi pa ito sa pag-aabang ko sa hatol niya. Humigpit ang kanyang hawak sa aking baywang at hindi ko maintindihan ang protestang nakikita sa mukha niya.

"That's it? Ganyan lang ang sorry mo, Ruth? I can't even feel it. Not even almost."

My jaw incredulously dropped. Ilang beses akong kumurap hanggang sa makuha ko kung totoo ba ang naririnig ko. His bullet of insult shot my heart!

And I can't believe myself, too. Dahil parang pinapaniwalan ko na kulang pa nga ang ginawa ko. My effort is just a dust in the wind. I suddenly feel like submitting to him. I want to make him happy. Compensate for my rude days to him.

Lumipat ang isang kamay niya sa aking batok at hinahaplos haplos iyon. Nalalasing ako sa kanyang ginagawa.

"Let me teach you how to apologize properly, Ruthzielle," he whispered.

With my lips already parted from shock, his lips touched mine. Malayo sa halik ko kaninang dampi lang, sa kanya'y ramdam ko kung paano nagbukas sara ang labi niya sa ibabang labi ko.

My hands curled at his biceps. He went with it with no warning peck. He slanted his head just so he can kiss me even more. Mariin akong napapikit. I don't think I'm breathing anymore.

Nanghihina ako sa mainit at banayad niyang mga halik. I may didn't answer to his kisses, it's because I'd rather just feel how soft and warm his lips are. At dahil mababaw lang ay hinila ko siya palapit para laliman niya.

As I inhaled loudly, he pushed himself even more as if we're creating the pull of gravity. His kisses added momentum. Halos hindi ko iyon masabayan sa pag-iisip kung lock ba iyong pinto. I don't care if we're still inside the school premises. Wala namang nakakakita sa amin. So this is okay as long as we're not caught.

Unti-unti ang aking pagdilat sa pagbakas ng mga halik niya sa aking pisngi. His whispered kisses lead themselves to my ears. Ang humapdi kong tenga dahil sa marahas niyang tambol kanina ay hinihele at ginagamot ng mainit at magaspang niyang hininga.

"Ruth..."

His breath emitting heat burned my ears and neck as he spoke. Naluluha ako sa init ng aking mga mata gawa ng matinding pawis.

"If you want to be forgiven, make sure I could taste the apology in my lips. And that's how you do it. I just had mine, now where's yours?"

___________________________________

HAPPY NEW YEAR! :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro