Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EIGHT

"So anong ginawa niyo?" tanong ko kay Erika.

Nagkibit siya habang lumilipad ang mga daliri sa cellphone niyang nakabaon sa makapal na libro. Nasasayangan nga ako. Malalim ang gupit sa gitna ng mga pahina . This is her way of hiding the phone while texting during class. 

"Wala...kumain lang. Nilibre niya ako ng mango shake."

Malikot ang mga binti niya at tila wala na sa katext ang atensiyon kung 'di sa anumang nangyari kahapon.

"Bakit niya ginawa iyon?" patuloy kong usisa.

Ningisihan niya ako,  isang patunay sa tumitiling damdamin  para sa malamig at madilim na Ortigoza'ng iyon. Tinignan niya ang mga kaklase kong abala sa ibang bagay bago ako masiglang binulungan.

"Nag-like siya sa status ko sa facebook kagabi!" aniya at impit na tumili.

Napairap ako. "Nag-like lang si Kiefer sa status mo akala mo naman liligawan ka na niya. Nilibre ka lang din ng shake, hindi binigyan ng singsing!"

Tinulak niya ako't kinuha ang binabasa kong The Little Prince upang ihampas sa aking braso. Binawi ko iyon agad at hinaplos. Pabalik-balik kaya ako sa bookstore sa SM at Ayala para lang makabili ng kopya. 

Of course, hindi ito pinalagpas na hiramin ni Dean. Hindi na talaga ako magtataka kung wala akong makikitang laman ng bag niya maliban sa tubig at pick ng gitara. Figures to me kung bakit palagi ito mukhang matamlay.

"Magpapa-quiz si Ginang sa inyo mamaya. Nag-quiz kasi kami kanina pagkatapos ng lecture. " Binuksan niya ang libro sa isang kabanata at itunuro ang sinulat niyang side notes. "Memorize this. Lalabas 'to."

Tumatango-tango na si Erika sa gilid ko hindi pa man tapos sa pagsasalita si Dean. Inagaw niya ang aking libro upang simulan nang magsaulo.

As usual, Dean's squad was biding their time like the King's slaves, waiting for their master to tell them what to do. Ganon nga siguro ang aura ni Dean. Always the leader of his pack. The master of his domain.

Ngayon ko naitanong kung saan sila kadalasang nagla-lunch. Kung naaabutan ko naman kasi sila sa canteen ay hindi ko sila nakikitang kumakain. Well, I've never really seen them eat at all!

Ang mga babaeng madalas na umaaligid sa kanya ay hinihintay rin siya sa kabilang puno ng mangga. They're giving me the stink-eye as though I'm the offensive dirt on their million dollar worth outfits. And I don't like it.

Mabilis akong tumango at hinihiling na kasing bilis din rito ang pag-alis ni Dean upang mailayo na sa akin ang mga babae niyang nagpapagandahan sa kanilang mga pamaypay, dinaig ang Donyang may makapal na kolorete sa mukha sa El Fili.

"Uhm...Ruth?"

Kumurap ako sabay lingon sa kanya, maang-maangan sa nagliliyab niyang presenya at kung paano ako pinapaso nito.

"Hm?"

May pag-aatubili sa kanyang mga mata. Bahagya ang kagat niya sa ibabang labi. Tila ba tinatantiya niya kung ano ang maging kalalabasan ng kanyang sasabihin.  May balingkinitang takot sa anumang hatol ko. I swear, the sight alone pinches a part of me, tugging a string to make this young numb heart feel.

"Sasakay ka ba sa carpool niyo mamaya?" Humugis ang pag-asa sa kanyang tanong.

"Oo, bakit?"

Wala akong masungkit na rason sa pagkatunganga niya. I want to interpret it as shock but I don't think so. Mas humukay ang ngipin niya sa kanyang labi sanhi ng pamamasa at pamumula nito saka bumaling sa ibang direksiyon, tila may lihim na pinaplano.

"Kaya mo iyan, Dean!" walang hiyang sigaw ng babae niyang kaibigan sa likod.

Wala sa sariling lumingon ako muli kay Erika. I caught her eye-rolling towards that extroverted girl with colorful fake hairlocks.

"Uh...sige. Next time, then..."

Natalikuran na ako ni Dean bago pa ako maka-react. He joined his squad and further witnessed how he really towered over his friends. Pangalawa si Wilmer na nakakaintimida rin ang tangkad.

Animo'y may gate na bumukas ay nilusob agad si Dean ng mga babae karga ang kanilang mga hagikhik. Their flirting voices are disrespecting my ears! Some were offering a bottle of water to him and I don't get it.  Mukha bang kailangan niya ng tubig?

I hate the view. Pero bagay naman kasi ang imahe na iyan dahil siya mismo ay mukhang babaero.

He gets along with those girls very well. Tumatango at ngiti sa kung ano mang sinasabi sa kanya at hinding-hindi nawawala ang pagpasida niya sa kanyang buhok. Like he's not Dean Ortigoza without doing the finger-comb and devil-may-care.

"Ikaw talaga ang nag-imbento ng gitara para sa kanya."

Hinayaan kong lumutang sa ere ang sinabi ni Erika. I don't want to catch it for me to consider because surely, I'm not. How can he be that amazed at me when he'd even still entertain other girls' flirtations?

Pagkatapos ng dismissal ay dumiretso kami sa gym upang sunggaban ang last day ng try out sa badminton. Pinilit ako ni Erika sa volleyball pero mariin ko itong inilingan.

"Iyon naman ang game mo noong first year, 'di ba? Muntik ka na nga maging varsity!" aniya sa tonong umaangal.

Ngumuso ako sabay tadyak sa maliit na bato. Inadjust ko ang jacket ng racket sa aking balikat.

"Ayoko na nga. Marami nang maaarte sa volleyball girls ngayon." I said, remembering Lucia.

Ipagpapasalamat ko yata kay Dean kung bakit hindi na niya ako nilapitan kailanman. Though the eye rolls and hisses never ceases especially from her friends.

Pumwesto na ako sa loob ng guhit habang pinapaikot-ikot ang racket. I am not at the very least apprehensive. Kung hindi man ako mapapabilang sa mga players ay ayos lang sa akin. Leastwise, I tried. Unless ay gusto ko maging varsity ay magiging mandirigma ako sa larong ito makuha lang ang posisyon na iyon.

I hit when the shuttlecock was being thrown at my side of the court. Tumili ang sapatos ko sa ginawa pati na rin sa kalaban ko.  If my sister's obsessed with beauty pageants, I am inclined into sports. I vent my worries to any games of my interest and this is one of them.

We had three sets of games. Pagkatapos ng laro ay hinagisan ako ni Erika ng towel para ipampunas sa basang-basa kong likod at mukha. Sa Monday pa ipo-post ang mga nakapasa sa try-outs kaya pwede na kaming umuwi.

Hindi na ako nagbihis at sinuot na lang ang towel sa aking likod. Nagpabango ng kaunti para hindi mangamoy pawis. Habang ginagawa iyon ay sinusuri ko ang kaibigan kong tila tinubuan ng pakpak ang mga kamay sa bilis ng lipad ng mga daliri sa keypad ng cellphone.

Dudungaw na sana ako ngunit naagaw ang sana'y gagawin ng mga bagong dating. Sumasabay sa tili ng mga sapatos at hampas ng bola sa gym grounds ang tawanan at asaran ng isang grupo.

"Uy, si Ruth!" si Cash na tila ba isang panimula. "Hi, Ruth..."

"Hi, Ruth..." sumunod ang sabayang bati ng mga nasa likod niya na pinapaalahanan ako sa paraan ng pagbati namin sa tuwing pumapasok ang aming guro sa klase.

Binuntutan nila iyon ng hagikhikan. Sa rami nilang nasa mahigit lima, si Cash lang ang kilala ko. Maybe his classmates. May isang lalake roon na todo makangisi sa akin habang pinapaikot-ikot ang bola sa kanyang daliri. I snubbed him.

"Punta kayo sa gig namin mamaya. Wala namang pasok bukas, e," anyaya ni Cash habang lumalapit sa dako namin ni Erika. Tila inahing manok siya na sinusundan ng mga kasama.

Biglang tumayo si Erika at siniko ako. "You should watch. Masaya talaga. Para kang nasa concert,"  udyok niya.

Hah. Kung alam niya lang. Kita ko na silang nag-practice. At iyon pa lang, masasabi kong mukhang hindi iyon rehearsal.Bagaman, inaalipin ko ang sarili sa misteryo kung bakit hindi ko iyon masabi sa kanya. Siguro ayaw ko lang na pag-usapan. Baka kasi kahit ano na naman ang sasabihin niyang hinala. I don't want to hear her hunches.

"Ruth, punta ka! Hindi mo pa kami napanood tumugtog sa bar, 'di ba?"

"Pupunta ba si Kiefer?" sabat ni Erika. Cash turned to her.

"Yata." Nag-isip siya bago muling nagsalita. "Hindi ako sure, e. Maaga pa kasi iyong magpapa-push up bukas."

Sa huli ay napapayag nila akong sumama. Gusto ko rin namang matunghayan kung paano sila tinatangkilik ng mga tao sa labas ng eskwelahan. I heard a lot of positive things and I want to witness how great they really are. Iba na kasi kapag outside sa school na nagpe-perform. O baka iyon lang ang sa tingin ko. 

Maingay kaming sumakay sa likod ng pick-up nina Cashiel. Kami ni Erika ang pinakamatanda dahil third years 'tong mga kasama namin.

"Uwi kaya muna ako?" pag-aalinlangan ko sabay pasida sa sarili.

"Ayos na iyan. Converse shoes, pink polo shirt at shorts, ang chicks mo nang tignan, Ruth! Daig mo pa ang trying hard na magpaka-sexy!"

Sexy? E, may towel pa ako sa likod! Kulang na lang magdala ako ng lunch box na may handle at saka bagpack. Tapos anong pupuntahan namin? Bar! Mukha akong naliliigaw na kindergarten student!

Samantala ang mga kasama ko'y bihis na bihis. Even Erika was able to change her clothes from uniform to a ruffled blouse and a denim skirt.  Nanghiram lang siya ng damit sa classmate naming malapit ang bahay sa school.

Lumarga na ang sasakyan. Mas lalong nag ingay ang mga kasama namin at tumayo sa harap upang mas damhin ang hangin sa mga mukha nila. Umuga ang pick-up sa kanilang kakulitan.

Yakap ang aming mga tuhod, nasa gilid kami ni Erika kausap na ang isang babaeng third year.  Habang ang matatapang ay nasa dulo ng pick-up. Ako ang kinakabahan sa kanila dahil delikado mahulog. Mga patpatin pa naman kaya madali lang mahagip ng hangin.

"Papapasukin kaya tayo nito?" bigla kong tanong nang maalala ang edad ko. I'm barely eighteen! At school id lang ang meron ako. This is like doing some shenanigans that I don't want my father to know about.

He had warned me about going out with the wrong set of people. Pero kahit yata alam mong maling grupo ang kinabibilangan mo, as long as they make you happy and you are, all those warnings and red flages turned useless. You do your own way. Happiness is freedom. Kapag masaya ka, pakiramdam mo malaya ka.

But father, I am not in the wrong set of people. That, I'm sure.

"Si Dean na bahala. Palaging nakakalusot iyon. Palibhasa dise-otso na," iyong classmate ni Cash na tinatawag nilang Kennedy.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok kong inaaway ang aking mukha. Nakalabas na kami sa eskinita at papatahak na sa main road kung saan inaabangan na kami ng traffic. Threatening darkness is about to fill the city as the vehicle's headlights blinding other means of transport.

Tiningala ko ang dinaanan naming Skywalk. Somehow I got used to Dean's company lalo na kapag dismissal. Hating how I look forward to the pedicab rides and the skywalk strides buries me deeper into the expectation hole. Hating seems to only feed the anticipation.

Kaya mas mabuting ibaling na ang atensyon ko sa ibang bagay katulad ng pakikinig ko sa pinag-uusapan nila tungkol sa gig mamaya.

Dahil sa traffic ay naging malayo ang dating ng biyahe namin. Pumarada ang pick up sa ilalim ng malaking puno na pinapalamutian ng series lights. Patalon kaming bumaba sa sasakyan.

Erika was having a hard time jumping since she's wearing a skirt and strap sandals. Dalawang lalake ang tumulong sa kanyang bumaba.

"Aba...reynang reyna, a..." panunudyo ko. 

Two bodyguards were manning up the entrance kaya sa backstage kami dumaan. Skylar was the first one to greet us at pinapasok kami tila bahay itong pagmamay-ari niya. 

"Come in, come in...pasok kayo...free drinks for the ladies. Sorry boys."

"How 'bout iyong trying hard maging babae?" tanong nung isang bakla.

"Lalake pa rin iyon! Unless you show me your lady parts."

Nagtawanan kaming nasa likod. Nang makita ako ni Sky ay kitang-kita ko ang gulat sa kanya.  Nalaglag ang lolipop mula sa malaking awang ng kanyang bibig.

"Dean's property is here!" Bumaling siya kay Cash na nasa likod ko. "You made her go?"

Hindi ko na nakuhang alamin ang sinagot ni Cash sa pagkabigla ko. Dean's property? If she's talking about me then that earned a what-the-hell from me! Ano ako, isang ektaryang lupain?

I was slightly pushed forward by some group of fangirls setting me free from being stunned. Medyo nakalayo na sina Erika na ginigiya ni Sky sa table namin. Mabilis akong sumunod.

Padarag ang paghila ko sa uupuang silya sa pagmamadaling makaupo. Kung saan man galing ang pamamanhid ng mga tuhod at paa ko'y hindi ko matukoy. Tila may maliliit na buhangin na nakikisama sa dugong dumadaloy sa aking ugat kaya namanhid pati mga kamay ko.

Pagkalapag ng server sa glass water ay agad akong uminom.

Kinalma ko ang sarili sa pagsuri sa interior. Every piece screams aboriginal. From the low lights setting a soothing mood in an old-looking place like this. Old guitars and framed murals are hanging on the wall as decors. Pati mga ito'y mukhang makaluma.  Ang mga muwebles na inuupuan namin ay gawa sa matitibay na kahoy.  The speakers and the instruments on the stage are the only modern-looking ones.  

Tanaw ko ang guard na sinusuri talagang mabuti ang id ng mga gustong pumasok. Thank God to the creators of backstage.

"Uy, mag-ate ka! Mas matanda sila sa atin!"

Patuloy ang asaran ng mga classmates ni Cash. May tinutudyo sila kay Erika.  My friend's being playful to these little boys and I bet she'd only make them as her toys.

"Half ka? That's why the slight blonde hair," aniya sa isang half-German na third year sabay laro ng mga daliri sa blond locks nito.

Gusto kong sitahin si Erika ngunit dumaig ang kaaliwan kong panoorin ang pamumula ng ng lalake.

Inikot ko ang straw ng aking four seasons tsaka sumipsip mula rito. Kumunot ang noo ko sa biglaang pananahimik ng aming mesa.

"You came..."

Nabuga ko ang inumin at napaubo pagkarinig ng bulong na iyon. Mabilis kong nilapag ang baso at bumunot ng tissue galing sa holder nitong nasa mesa.

I'm wiping my wet mouth habang kinukulong ng buong paninindig ng aking balahibo. Gusto kong itapon ang tissue sa kanya. Ginulat niya ako! He can actually say what he just said without whispering too close to my ear!

"Are you drunk?" inis kong tanong.

Nagaatubili pa akong lumingon. I could tell the proximity of his face from my cheek.  Ramdam ng likod ko ang magkapatong niyang braso na nasa sandalan ng aking silya.

My insides turned cold when he exhaled.  But the whiff of beer from his hot breath made my skin went into invisible flames. Tila mandirigmang lumusob ang hininga niya sa buhok kong humawi upang magbigay daan patungo sa aking batok.

"I just took sips to keep up the hype for later. Inantok kasi ako kanina." Marahan siyang suminghot.

Tuluyan ko na siyang nilingon at natagpuang pinisil nito ang ilong bago binalik higa ang braso sa sandalan ng aking silya.

Bahagya siyang nakayukod sapat upang magpantay ang mga mukha namin. Ngiti siyang nakikinig sa masayang usapan ng mga kaklase ni Cashiel. I took his distraction as my opportunity to stare at him longer. Namumungay na ang mga mata niya kaya duda akong 'sips' lang ang kanyang ginawa.

Huli na bago ako magbawi ng tingin at nahuli niya ako. Left intense brow raised in a demanding question. Walang panunuya roon. Kaya binawi ko ang akmang dadamhin na kahihiyan sa pagkahuli niya sa akin.

"Concern?" He smirked. "Don't worry, I'd keep myself sober so I would be able to drive you home."

Sumimangot ako at inirapan siya. His chuckle is seducing my ears! Damn. It!

Hinila niya ang bakanteng upuan sa tabi ko. Kung bakit pa iyon ang tanging bakante ay hindi ko alam! Umupo siya at umusog palapit.

"Did you ask permission that you'd go home late?"

His beer-scented breath is tempting me to look at him. Umigitng ang panga ko sa pagpipigil gawin iyon.

Pinaglalaruan ko ang baso ng aking four seasons. I want to drink again pero hindi naman ako nauuhaw. I just need the cold drink to soothe the heat of my beating heart. I just need the action for this to look less awkward.

"Cashiel's gang kidnapped us. Kaya hindi na ako nakapagpaalam. Not even to my sister."

Dumekwatro siya. Ayaw ko na siyang tignan. Lalo na nang inakbay niya ang isang braso sa sandalan ng chair ko.

"Are you allowed to go home late? Hmm...let's say at twelve?"

The concern and hope in his voice made my skin hairs rise once again. Ako lang ba ang nakakasalo sa nakatagong kalandian sa kanyang boses? Like he's seducing me to do something with him? Not to mention his beer breath! Mariin akong napapikit.

"I don't know...siguro..."

Ininom ko ang kaba ng juice saka nagkibit. I haven't tried going against the rules of my father. Ang tanging gusto lang naman niya ay makapagtapos kami ng pag-aaral. He's not that stern towards me and my sister. He wants us to enjoy our youthful glory days at the same time learn from our mistakes.

Kung pagkakamali man itong ginagawa ko, then a learning is absolutely to follow suit. Although, hindi ko rin mapigilang isipin na mag-aalala siya dahil hindi pa ako nakapagpaalam. Biglaan din kasi.

Nanigas ako nang maramdaman ang paglalaro ng mga daliri niya sa dulong hibla ng aking buhok. May kung anong kiliti na kumalat mula sa hibla at nag ipon sila sa aking mukha. Parang may pinupuluputan ng lubid ang tiyan ko.

Pagkatapos sa buhok ay sinunod niya ang parte ng towel kong nakasilip sa collar ng aking polo shirt sa likod. He tugged a little on its edge. Narinig ko siyang ngumisi.

"Psst, Dean!  Ligawan mo muna! 'Di pwede ang ganyan!" Mula iyon sa kabilang mesa kabuntot ang mga hiyaw.

Uminit nang husto ang pisngi ko. Kung hindi ako namamalikmata ay pati mga braso ko ay namumula!

Dean gave them the dirty finger habang kinakagat nito ang ibabang labi. Patuloy ang ngisi niya, mukhang sayang-saya sa pang-aasar ng mga kaibigan.

Huminto lang ito sa isang tapik sa balikat galing sa staff ng bar. Tinuro nito ang stage habang nagsasalita.

Umingay ang silya sa pagtayo ni Cashiel  at lumapit sa kanila. The staff told them about some technicalities na kailangan ayusin kaya medyo matatagalan sila sa pagsisimula.

Ang mahinang music sa speaker ay walang panama sa mga bulungan, mahihinang usapan at tawanan sa mga tables. The stage's all set. I wonder kung sila ang mauuna. Nabasa ko kasi sa labas na tatlong bands ang magpeperform ngayon.

"I told you..."

Taka kong nilingon si Erika. "Huh?"

Sa stage siya nakatingin. Isang makahulugang ngisi ang tumakas sa manipis nyang labi saka siya umiling. It's like she knew something that she wanted me to find out myself. Hell. Parang alam ko na rin naman kung tungkol saan iyon.

I joined our table's laughters and teases habang hinihintay magsimula ang unang performer. Kahit isa ako sa pinakamatanda sa table, pakiramdam ko magkasing edad lang kami rito at pantay-pantay. 

Being here, I begin to think that maybe this is one of the things youth is all about. Not on youth alone but the fact that you're still stuck into the stage of discovery. We seek for belongingness and companionship. We want to belong inside a circle of people where we can be accepted. We seek something that we cannot find in our own homes and we create another home in the form of peers and friends.

Kasi pakiramdam natin kung wala tayong kinabibilangan ay kulang tayo. Parang hindi tayo buo. Nangangapa tayo sa hangin ng makakasama at karamay. Kung kaya mong damayan ang sarili mong mag-isa, malakas ka. Pero hanggang kailan?

Ironic how you should feel that security in your home but you still seek the outside world for comfortability.

Sa kagustuhan nating tanggapin tayo ay nakikisama tayo sa kanila. Minsan ang mga ginagawa nila na inaayawan natin noon ay natutunang gawin para lang mapabilang sa grupo.

But in this shared laughters, without us being close friends, I could say that I already belong to this group.

I thought I would remain stuck on my mantra of 'Alone but not lonely' for the rest of my life. Until I was being thrown to this crowd...masaya. Mas masaya pala kapag marami kayo.

At habang pinapanood ko si Dean na tahimik na nakikipag-usap sa mga kabanda niya, pinapahiwatig sa akin nito na walang ganyang ganap sa kanilang bahay. I don't want to think that his adopted family is treating him unfairly. If so, him and Kiefer wouldn't have been that good to each other.

Tingin lang sa mata kina Skylar, Will at Cash ay parang nag-uusap na sila. That bond was what I was talking about. I can't help but wonder if somehow, may ganyan ding bond meron siya sa mga magulang niya. Because why does he want to rebel? Why does he want freedom so much?

Or is it because he is also searching for something he couldn't find in his own home? Does that have to do with his real family? Kasi kahit ako, hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalikan kami ni mama kahit anong tanggi kong ayaw ko na siyang makita.

"Last night I did things, my mother told me not to, with the people I shouldn't see, in the places that I should not go..."

Marahan nang naghe-headbang ang ulo ko at tapik sa paa, enjoy sa tinutugtog nila. Kung hindi ko lang alam ang kantang iyan, iisipin kong si Dean ang nagsulat. I could tell that he can relate to the words. And again, that made me think about his situation at home.

Siniko ako ni Erika.

"Ano iyon, Kaka?" sambit ko sa palayaw niya. She hates it kaya hampas sa braso ang tinugon niya sa akin.

Habang tumatagal ay mas dinumog lang ang set nina Dean kaya naman nang matapos ang limang kanta na hinanda nila'y agad silang pinagkaguluhan. Another band manning the stage playing a dance song so the place suddenly turned into moving bodies.

All chairs and tables were set aside. First time ko sa bar kaya para akong tanga na nakatunganga sa pwesto ko. In the middle of all the grinding and sweating! My seventeen year old mind couldn't accept what I am seeing here.

Worst, hindi ko pa mahanap si Erika. Sabi niya kanina magbabanyo lang siya pero hindi na ako binalikan! Nasa kabilang siyudad pa ba ang cr nila rito?

Panay kong siniksik ang sarili palabas upang makaraos sa init at paninikip. Seeing the women with their heels and stilletos, I feel out of place with my Converse. My towel pa sa likod so I feel like being the butt of the joke!

I saw Kennedy not far from where I am talking to a guy I'm not familiar with. Siya lang ang nahagip kong kakilala. Ang iba ay hindi ko na alam saan napunta. Isa, dalawang hakbang ang ginawa ko at ang sanang ikatlo'y naging singhap dahil sa paghila sa aking braso.

"Dean!" That turned out to be an exclaim of relief. Kita ko ang pagtataka niya sa naging reaksiyon ko.

"Are you okay?" Sa pagdaan ng isang makulay na ilaw sa kanyang mukha, kita kong mas tumitig pa siya. Humigpit ang kapit niya sa braso ko, mukhang may dinadama. "You're cold, Ruth."

At mainit ang kamay niya.  Mas nadama ko ang init na iyon sa mata niyang nag-aalab na berde. Kaya siguro hindi ko agad siya nahagilap kanina dahil maliban sa pinagkaguluhan sila, naligo pa siya. He always smells freshly showered. Palagi yata niyang dala ang cr nila kahit saan siya magpunta.

Nilingon ko ang pagdungaw ng mukha ni Wilmer sabay tapik sa kanyang balikat. Hindi nag-aalis ng tingin si Dean sa akin habang nakikinig sa sinasabi ng kaibigan. I strained my ears for what he said. 

"May nagsumbong na may nakapasok na mga underage. I already got them at the back bago pa sila mahuli. " Tumingin siya sa akin. Pinaningkitan niya ako ng mata na parang ako iyong nagsumbong.

"Motherfuckers..." malutong na mura ni Dean. Ang matalim niyang mga mata ay gumala sa mga nagsasayawan.

The wave of the crowd shifted, at napagtanto kong dahil ito sa kung sino mang pinagbibigyan daan ng mga tao. Nagkatinginan kami ni Dean , then he looked at Wilmer. Nagtanguan sila. 

"I got her." Sabay hatak sa akin palapit sa kanya.

May nahagip ang gilid ng paningin ko. It's the bodyguards and they're approaching our direction!

Nanlaki ang mga mata ko.

"Si Erika!" bulalas ko nang maalala ang kaibigan. I tried getting away from Dean's hold and decided to find the comfort room. Mas humigpit lang ang kapit niya.

"I already led her out."Si Wilmer at bumaling kay Dean. "Iyang bata mo na lang yata ang naiwan dito."

Nalaglag ang panga ko. Kung maka-bata 'to! Magkasing edad lang naman kami. He said  it like he's already in his 50's!

Hindi nagsalita si Dean at hinatak na ako palabas ng dancing crowd. Takot makawala ay kinapit ko ang isang kamay sa braso niya na agad kong naramdaman ang tigas. Fudge! I even felt it flex!

Nang halos makalabas na kami ay binitawan niya ako upang maipuwesto sa harap niya at hinawakan nang bahagya ang aking baywang.

Sumuot sa akin ang lamig ng hangin nang makalabas kami ng bar. Nanghina ang ingay ng mga yapak ko kasabay sa bagal ng aking hakbang. Not even a shadow of my friend is here, pati na rin iyong mga kasama namin kanina.

"Bakit mo ako dinala rito? Saan sila?" tanong ko saka siniksik ang daliri sa sapatos dahil sa pumasok na maliit na bato.

Dumulas ang kamay niya sa baywang ko upang manumbalik sa pagkakahawak sa aking kamay. I gasped a little, but not shocked a little. Habang hinihila ako ay lumingon ako sa nilabasan naming pinto.

More people swarmed the bar. Abala ang entrance sa mga pumaparoo't parito. Nilulubog ng distansiya at kulay kremang mga pader ang kantahan at ingay ng kasiyahan sa loob.

Dean brought me to the parking lot. Agad kong hinanap ang sinakyan naming pick-up kanina ngunit ibang lote yata 'tong pinagparkingan niya. Bumitaw siya at umupo sa hood ng isang black Tacoma pick-up truck. Malaki at matataba ang mga gulong nito. Naiiba rin ang stilo at kulay kumpara sa ibang gulong ng mga naka-park na mga sasakyan.

Is that his? Bakit pa siya nagpe-pedicab kung may ganyan siya kagarang wheels?

Hindi agad ako sumunod. Inipit ko ang kalituhan sa kanya at sa prente niyang inuupuang sasakyan. Tumingin siya sa akin at tinapik ang espasyo sa tabi niya.

"They're backstage." Diyan pa lang niya nakuhang sumagot nang makaupo na ako sa kanyang tabi.

Salubong ang kilay ko. "Backstage? E, bakit ako dinala mo rito sa labas?"

Tamad siyang nagbuntong hininga na para bang nakakabagot na ang aking tanong. Pumalatak siya at humalukiphip.

He didn't answer my demanding question. Nag-uudyok ang pananahimik niya ng misteryo sa kung ano ang daloy ng kanyang isip. Simple question, Dean. Why do you  make it seem like you have to think about the answer? 

At kung mananahimik siya ng ganyan, mas pauulanan  ko siya ng mga tanong!

"The rest of the band members are underage." That requires an explanation. Hindi naman siguro siya ganyan katanga upang hindi makuha iyon. 

"They're exempted since they're part of the band."

"And the bar allowed that?"

Tamad siyang nagkibit. "Business.  We partake in earning their riches especially on Friday nights." At ngumisi siya nang pilyo.

Ayoko sa pilyo niyang ngisi. How I love to hate his crooked smiles. Upang mailagan ang maiiwan sa gabing ito ay uuwi na lang ako. But I have to find Erika first.

I know she can handle herself pero hindi naman pwedeng hindi ako mag-alala. Dean is keeping on assuring me that she's safe with Will and the rest of Cashiel's gang backstage.

"The guards are still hunting for the underage, Ruth. Paano kung mahuli ka? Hingan ka ng id?" Halata ko na ang iritasyon sa boses ni Dean sa panay kong pangungulit.

"Then make them go here! Hindi kami pwedeng maghiwalay ni Erika!"

Umawang ang bibig niya at hindi maipagkakaila ang kanyang kalituhan. His expression is already enough for me to get the silent question in his head.

Inikutan ko siya ng mata. Now he thinks my soul got the wrong body.

"She's my best friend, Dean." Mariin kong katwiran. "Kami ang magkasamang sumama rito, kaya kami rin ang magkasamang uuwi!"

"Gusto mo nang umuwi?" May halong bigo at lamig sa tono niya. "But we still have one more set."

Napabuga ako ng hangin sabay harap ng mata sa pinanggalingan naming bar. Sinuklay ng mga daliri ang buhok ko upang ihawi ang mga hiblang nakikipagsayaw sa ihip ng  hangin at tinutusok ang aking mukha.

Wala akong magawa kung 'di ang pumayag na manatili. Kulang ang pera ko pamasahe pauwi. Then I haven't tried commuting on this part of the city. So the safest choice is to go with Dean and his squad.

Inaaliw ko ang mga mata at ginawang komportable ang sarili sa mga taong naglalakad  sa harap ng bar. Iba ay lasing na, ang iba naman ay may balak pa. Bigla kasing tumahimik si Dean at sa tuwing tahimik siya, parang naghihila iyon ng awkwardness sa pagitan niyo.

Nakatukod ang kanyang braso sa mga tuhod na kita ang balat dahil sa kanyang tattered jeans. Igting ang panga niya habang pinaglalaruan ang kanyang kamay.  Gusto ko siyang titigan sa mukha ngunit takot akong mahuli niya ulit ako.

So I played safe. Kamay nalang niya ang tinitignan ko.

Nagtaka ako nang bigla siyang tumawa. It's just a low chuckle. Pero kahit side view, I know he has that smile crooked again.

Nanginig ang balikat niya hanggang sa palakas nang palakas ang kanyang tawa. Umalingawngaw na ito sa gabi at sapat upang magambala ang mga ibong namamahinga sa mga puno.

"Bakit?" tanong ko, natatawa na rin. He's weird. May nag-joke ba sa kanyang multo?

Umiling siya, ngunit nanginig pa rin ang kanyang balikat. Ang nakakaakit niyang tawa ay hinahalikan ang tenga ko.

"What's funny, Dean?"

"This...us." Tawa niya.

Mas lalong naningkit ang mga mata ko.

Mabagal siyang suminghap saka humilig. Tinukod niya ang mga kamay sa likod at marahang tumingala. A reminiscent look took over his expression.

"Sa tuwing nasa malayo ka, gusto kong makipagusap sa iyo. Ang dami kong naiisip na pwedeng sabihin. Pero kapag nasa malapit ka naman, iniiwan ako ng mga salita." Nilingon niya ako. Kumislap sa katuwaan ang kanyang mga mata. "Nakakabobo ka, Ruth."

Nanalo ang init kontra sa lamig ng hangin sa pag-angkin sa buong mukha ko. Pati yata ako ay iniiwan na rin ng mga kawal ng mga salitang tinutukoy mo, Dean.  Ayaw kong makipagkarera sa takbuhan kontra ng puso ko dahil alam kong matatalo lang ako.

Nilunok ko ang bola ng panunuyo sa aking lalamunan. I don't even know what to say. Pinilit kong paniwalaan na laro lang ni Dean ang mga pangungulit niya nitong mga nakaraang araw pero tinakwil na ang paniniwala kong iyon ng gabing ito.

As if saving me at the middle of the hell-hole awkwardness, gumitaw sa isip ko ang tanong na palagi kong nakakalimutan.

"Why are you eighteen?" Nabibingi pa rin ako sa kabog ng puso ko. How am I ever going to face him after the weekend?

"Interested or curious?"

"Nevermind."  That question is a trap.

Marahan  siyang tumawa. "Huminto ako ng dalawang taon. I told you, school's not for me. Ikaw, you're supposed to be just sixteen."

"Hindi ako nag-kinder," tugon ko. "I enrolled late in grade one."

Sinubukan kong ituon ang atensiyon sa mga bagong dating sa bar at kay Erika but Dean's presence is just so demanding and powerful. Bilyon-bilyong magnet ang nakadikit sa kanya kaya mahirap siyang ignorahin! Mahirap siyang layuan.

Kaya kahit hindi ako nakatingin, I'm aware of his every move. May binunot siya sa kanyang bulsa at nang nilingon, naabutan ko ang pagsubo niya ng stick ng sigarilyo.

Mukhang naulanigan niya ang pagbaling ko dahil sa natigilan siya. Bahagyang umawang ang bibig niya na parang ngayon niya lang ako namalayan at ikinagulat niya ito.

"Sorry, ayaw mo ba akong...?" Tinuro niya ang sigarilyo habang kagat kagat pa ito.

"Bakit mo ako palaging tinatanong sa ayaw at gusto ko? You can do whatever you want without my approval."

Matagal niya akong tinitigan. I hate how I can't read him!  Palagi na lang akong nangangapa ng kahulugan sa kanyang mga ekspresiyon at hanggang assume sa mga iniisip niya.

"If I tell you that I like you, Ruth, would that answer your question?" Nag-angat ang kilay niya sa paghahamon, like he thought he's gonna win this one.

"I don't want to depend on the what if's Dean, kaya sabihin mo muna sa aking gusto mo ako para sigurado akong masasagot talaga ang tanong ko."

Humalakhak siya at umiiling-iling. Nagawa pa niyang pumalakpak. His laughter warmed my heart and tummy. Nabawasan kahit kaunti man lang ang nakaka-intimidate na intensidad sa kanyang mukha.

Pinatong ko na ang tuhod ko sa hood upang mas maharap siya. 

"And if you like me to like you," patuloy ko, "you should be more responsible. Mag-aral ka nang mabuti. Halt the cutting classes."

Tila hinawi ng ihip ng hangin ang tawa niya't naging ngiti na lang. Pinadaan niya ang dulo ng dila sa ibabang labi bago marahang kinagat.

He's thinking. I'm not ready on what he's about to say. Nakakalagnat ang init ng kaba ko ngayon.

"I wanna be liked for who I am. So why change myself?" He turned to me, telling me that he's confident with his answer. He really likes arguing with me, huh?

"If you don't like me for who I am, maybe I should let it that way. May iba naman siguro diyan na magugustuhan ako sa kung sino ako. And those people should matter. But hey,  it's not that you don't matter." Gumuhit ang pilyo niyang ngisi na parang gusto niya itong ipagmayabang sa akin.

"But I won't change because she asked me to and because I am obliged. Kung gusto niya naman ako bilang ako, bakit pa ako magbabago kung tanggap niya ako? But then, I would change for her because I want to."

Kahit wala akong nasabi pagkatapos niyang magsalita ay parang may nabanggit akong nagpabagsak sa kanya sa kaseryosohan. Ang pagtitig niyang naninimbang ay kayang guhuin ang kamanhirang tinatayo ko sa paligid ng aking damdamin.

"Would you like me to change, Ruth? Would you like me to be someone I'm not?" He asked softly. The hope in his voice burned the hard edges around my heart.

"You're good as you are."

Bahagya siyang ngumuso. Nanumbalik ang pamumungay sa kanyang mga mata tila alak ang mga salita ko sa kanya.

Sa akin siya nakatitig ngunit ramdam kong nasa malayo ang isip niya. His thin lips twitched as if to suppress a smile.

"Do you like me the way I am?"

Kinagat ko ang sariling labi. Nanginginig na ang kalamnan ko sa kung saan man kami iaanod ng usapang ito.

"I'd like you to be you..." I said, almost a whisper. Sana ihatid iyon ng hangin patungo sa tenga niya.

"Paano kung...may mga ugali akong hindi mo magugustuhan?"

Inangat ko ang chin ko. "Try me, Dean."

Ang unti-unting paggapang ng kanyang ngiti ay nakakamangha. It stretched all over his face.

"Then you should try me, too, Ruth." He chuckled softly. Kita ko kung paano inaabot ng ngiti niya ang kanyang mga mata.

Pinakita niya sa akin ang stick ng sigarilyo at kinawag, parang nanghihingi ng permiso. Tumango ako, telling him without speaking to go on and smoke.

I don't care, Dean. Do whatever you want. It's not that I don't like you already anyway.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro