Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4. River


Sinadya niya akong paghintayin dito nang matagal. Napabuntonghininga ako nang malalim. River and his unending little pranks on me. Kababata ko si River. My father practically raised him like he's a family. He saw potential in him, pinag-aral ito ni Daddy at binihisan. He's the closest person to me. Nabibilang sa mga daliri ang mga taong acquainted sa akin. The reason was that the less people I knew, the less chance of getting secrets spilled. I have to be very careful now that we're getting closer to the end of the tunnel.

River Torrez was one of the country's most famous criminal lawyers. Sa kanya ko madalas nakukuha ang profile ng mga bida ko sa novel. This man was dark, mysterious, and very handsome. Sought after siya ng mga high-profile criminal sa bansa dahil sa de-kalibre niyang galing sa courtroom. Sumikat siya nang isa sa pinaka-sensational na kaso ng isang politikong nanggahasa at pumatay ng isang estudyanteng aktibista ang kanyang ipinanalo. Sa umpisa, walang pagtaguan ng baho si Cong. de Dios. Sumikat sa social media ang ginawa nitong kahayupan kaya kinamuhian ito ng mga tao. Lahat ng kalaban nito sa politika ay nag-fiesta na dahil alam nilang hindi na makakabangon pang muli ang congressman.

Until Defense Lawyer Atty. River Torrez took over the case. Matalino, gwapo, malakas ang kumpiyansa sa sarili, at alam na alam ang batas. 'Yon ang mga nakakatakot na kombinasyon ng isang magaling na abogado. Nagawa niyang baliktarin sa korte ang mga ebidensya; karamihan ay lumabas na circumstantial evidence lamang. Sinira ng abogadong ito ang kredibilidad ng biktima sa publiko. Sa huli, lumabas na sinadya lang ng biktima na i-blackmail ang congressman para sa pera. Napawalang-sala ang politikong iyon.

When I tried to ask River about the truth, he said he can't disclose client information. It's against the law. I knew right there that the congressman was indeed guilty of the crime charged. Magaling lang ang abogadong nagtanggol sa korte. Maraming butas ang batas. Para sa mga taong alam ang pasikot-sikot nito, mabilis lang na napapawalang-sala kahit pa ang pinakamababahong kriminal.

"What's up with the shirt and denim jeans? Wala ka bang kliyente ngayong araw, Mr. Engineer of Injustice and Lawyer of Satan from hell?"

"Whoa. Sandali lang naman. Baka may makarinig sa 'yo niyan," tumatawa-tawa niyang sagot. River Torrez has got the swagger of a ramp model. Simpleng paghawi nito ng buhok, mukha na itong nagpi-pictorial para sa isang brand ng clothing line o 'di kaya ay brand ng relo. Or shampoo.

Nanatiling seryoso ang mukha ko. "Sa tingin mo, nagdyo-joke ako?"

"Ano na naman ba ang ginawa ko?"

"Wala, may naalala lang akong ipinanalo mong kaso."

"Which case in particular? Lahat ng kasong hinawakan ko, panalo. Wala pa akong talo, Ms. Author of Psychopath Murderer Novels."

Umikot ang eyeballs ko sa kanya. Pinakitaan niya lang ako ng matamis niyang ngiti at mapupungay niyang mga mata na madalas niyang gamitin para ilagay sa ilalim ng spell niya ang mga judge lalo na kung babae regardless kung ano ang edad nito. Hindi niya ako madadala. Sanay na ako sa gwapong mukha ng lalaking ito na madalas may maitim na balak sa utak sa kabila ng maningning na mga mata. They say that eyes are the windows to one's soul. Not this man. His eyes were cheerful and kind, yet his soul was dark.

Meron lang mga iilang tao na pinapakisamahan niya nang maganda at kasama na ako roon. Hindi ko ma-imagine kung aabot ako sa puntong makakabangga ko siya. Tiyak na hindi ko nanaisin ang resulta niyon.

"So what do you want to eat? Dating gawi?" aniya.

Doon kami sa isang pwesto sa Guadalupe na puro buffet ng mga street food ang nakalatag. Masarap ang barbeque nila pati na rin ang betamax at tainga ng baboy.

"Kaya ganito ang suot ko, kasi alam kong dito tayo pupunta."

Pinilit kong ngumiti kahit punong-puno ng noodles ang bibig ko. Nagbebenta na rin sila rito ng Korean black noodles at 'yon ang una kong sinubukan.

"Alam mo naman na ikaw lang ang pwede kong isama rito."

"Makipagkaibigan ka kasi. Bakit ba kasi hindi mo ipakita 'yang maganda mong mukha sa publiko? Sa tingin ko, mas dadami ang fans mo kapag ginawa mo 'yon."

"Nagagandahan ka sa 'kin?" Pinapungay ko ang mga mata.

"Matagal na. Ayaw lang kitang patulan dahil baka patayin ako ni Uncle Morgan."

"Hmp. Hindi mo ako type, 'no. I've seen your types."

"Talaga?"

"Maganda. Sexy. Matangkad. At ubod ng yaman. Kagaya ni Heather Vistal."

Nanlaki ang mga mata nito. "Shh! How did you know?"

"Halata naman sa mga blind item na ikaw 'yung lalaking tinutukoy nila." Heather Vistal was a very rich widow following the death of her husband that was more than twice her age. "River, these are very shady people you deal with."

"Well, what can I do? I'm an ambitious man, and my line of work tends to get me up close and personal with shady people. I can't help it."

"I know," maikli kong sagot. Binaling ko na lang ang atensyon sa pagpapak ng pagkaing nasa harapan ko. Bihira lang mabakante ang gahamang lawyer na ito na sa kasamaang palad ay ang nag-iisa kong kaibigang mapagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Bukod sa nakakainis na background ni River, napaka-inconvenient pati rin talaga ng pagmumukha niya. Sa crowded places na ganito yung aura, mukha, at pormahan niya, kahit na isiksik sa pinaka-kanto ng restaurant ay parang gintong kumikinang sa gitna ng mga tanso. Lingunin, pansinin.

"Sa susunod na pupunta tayo sa lugar na ito, huwag ka ngang magsusuot ng gan'yan," paingos kong turan sa kanya. Kumunot ang noo ni River.

"Bakit? May masama ba sa damit ko? Hindi na nga ako naka-suit and tie kasi alam kong maghuhurumentado ka tapos mali pa rin pala 'to? Ano ba'ng gusto mong isuot ko sa susunod?"

"Sako. Sako ng kamote," pa-angil kong bwelta.

"Haha. Very funny."

"Seryoso ako."

Nawala ang tawa sa mukha nito. "Alam mo kanina ka pa, e. Hindi mo ba alam kung gaano kadaming appointments ang kinansel ko para lang kumain ng isaw kasama ka ngayon? Alam kong bad trip ka at sa 'kin mo na naman ibubuntong."

Napabuntonghininga ako. Wala talaga akong maitatago sa kaibigang kong ito. Matamlay kong binitawan ang hawak kong chopsticks at humarap sa kanya nang maayos. "My dad wants me to marry Azazel Angelos Del Cuevo."

Natigil sa pagsubo ng pagkain si River at tumingin nang mataman sa akin. "Ang sabi lang ni Uncle sa akin ay ipapakilala ka na niya sa mga tao. Hindi niya binanggit na ipapakasal ka niya."

"Kailan niya lang sinabi. Mukhang mabilisan ang desisyon. I have this feeling na bina-blackmail ni Dad ang matandang chairman. Kailangan niya ng sponsor sa election at magandang pangalang masasandalan."

"Of course," River murmured. "Azazel Angelos Del Cuevo, huh?"

"Kilala mo siya?"

"Sino ba'ng hindi? Kilala ang taong 'yan sa business world. Pinangingilagan ng ilan sa mga kliyente ko dahil mayabang, hindi marunong makisama, at pakiramdam niya nasa pedestal siya lagi. He'll make your life a living hell. Don't tell me you agreed to this bullshit? Your dad is clearly using you again, Eva."

"Wala naman akong choice."

"Anong walang choice?" Tumaas ang boses ni River. "Meron kang choice. Wala ka na sa isla, malaya ka na sa kanya! Pwede mo nang gawin kung ano ang gusto mo! Bakit ba nagpapakulong ka sa takot mo sa daddy mo? You're a different person now with a different path in life. Find a decent man to marry, hindi ang Del Cuevo na 'yan."

"River, ako lang ang nakawala sa isla, ako lang. Paano ang kapatid ko? Dad threatened he will do something bad to my sister kapag hindi ako pumayag sa gusto niya."

"Morgana is his daughter too, remember? Hindi pwedeng sirain ni Senator Alcaraz ang sarili niyang anak. Pati siya, babagsak."

"He knew the consequences, River, believe me. Kung hindi rin lang siya magiging presidente, wala siyang pakialam masira man ang pamilya o ang reputasyon niya."

"Eva..." Bumuntonghininga si River. "I know I will sound a jerk with this, but can I ask you to just forget about your sister? Kalimutan mo na siya at magsimula kang mabuhay nang hindi nakagapos sa kapatid mo. Look, hindi mo kasalanan ang mga kasalanang ginawa ni Morgana. Huwag mong hayaang masira ang buhay mo nang dahil sa mga kahayupang pinaggagagawa niyang kapatid mo noon!"

Kumirot ang dibdib ko sa narinig ko. Buong sistema ko ang hindi pabor sa ideyang iyon na abandonahin ang kapatid ko. Simula nang mamatay si Mommy sa isang vehicular accident noong bata pa kami, kami na lang ang magkakampi. Ipinangako ko bago ako umalis ng isla na babalik ako at kukunin ko siya roon. I wanted to keep that promise no matter what.

"I will go through the wedding, River. I have to."

"Fine." Disappointed ang mukha nito at galit sa desisyon ko. "Ang tigas ng ulo mo. Pero tandaan mo, hindi nalalayo ang Del Cuevo na iyan sa daddy mo. He's as controlling and dominating as your father, twice even. I have seen how he operates; he's heartless. That kind of man wouldn't even give a damn care about fidelity. He will have as much women as he wants, he will neglect you and will even try to imprison you. Hindi mo papayagang gawin niya sa 'yo 'yon, maliwanag?"

"Kailangan kong gawin 'to. He's like a scary rotten bridge I have to get through to reach the other side of the river. I need this man for my freedom." So does my sister.

Bagsak ang balikat na umiling-iling si River. Alam niyang kahit na anong pangkukunbinsi, hindi niya na mababago ang isip ko. He knew by now that I was the one person immune to his charm and convincing power. That's why we're friends. "Remember this. When the walk to the other side gets dangerous, you can call me for help, okay?"

Manipis na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Thank you, River."

"Anytime."

Pinunasan ko ang pawis na nagsimulang mamuo sa noo ko. Inagaw ni River sa akin ang panyo at siyang nagpatuloy ng pagpunas sa mukha at leeg ko.

"Siya nga pala, an officer came to me a few days ago about a serial murder case. Apparently, the murderer is copying the killing style of one of my psycho killers in my novel."

Dumilim bigla ang anyo ni River. I saw tension, fear, and worry cross his handsome face. Mas malala pa sa reaksyon niya nang sabihin kong may arranged wedding ako. "Ano kinalaman n'on sa 'yo? Bakit ka kailangang kausapin ng pulis? Hindi ka dapat pumayag! Bakit hindi mo muna ako tinawagan?"

"Kumalma ka nga. River, ayokong gumawa ng malaking eksena para lang doon. May ilang tanong lang ang pulis na nasagot ko naman. Iniimbestigahan pa nila hanggang ngayon."

"Tell me about this case, Eva. I'll look into it. Baka madamay ka."

Tinawanan ko siya. "Bakit naman ako madadamay, e, wala naman akong ginagawang masama? I write about killers, yes, pero hindi ako mamamatay-tao."

"Ibigay mo na lang ang pangalan ng pulis at kung anong kaso ito. Mahirap na. Isa pa, baka masilip ng daddy mo ito, mas lalong maging malaking problema. Hindi mo ba alam na kung may mga reporter na makaamoy na kinausap ka ng pulis tungkol dito, maaari kang maging suspect sa mata ng media?"

Kinabahan ako. Sa totoo lang, hindi ko naisip iyon. Naka-focus ako sa kung ano ang iisipin ng pulis na iyon sa akin. Ayaw kong mapagdudahan ako. But now that River brought the idea into light, napag-isip-isip kong isang malaking risk ang pagpayag ko na makausap si Ana.

"Huwag ka nang makikipag-usap sa pulis nang wala kang abogado. Hindi pwede ang imbita-imbita na lang nang wala namang sapat na papel."

Tahimik akong nagnguya ng barbeque. Binigyan ko si River ng matipid na tango.

"Eva. Seryoso ako."

"Oo na nga."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro