Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

MARISTELA

   MASAKIT ang aking katawan ng ako'y magising. Napaigik na lamang ako bago maupo sa higaan ko.

Ang huling naaalala ko ay nakatulog ako sa bisig ng prinsipe, marahil ay inilapat niya ako sa aking silid kagabi.

Hindi ko maiwasang hindi mahiya para sa aking sarili ng maalala ko ang nangyari kagabi. Napatingin ako sa palad ko at napakunot noo ako ng makita mas malinaw na ang marka ko doon.

Tumayo ako at nagtungo sa palikuran, tumingin ako sa salamin at napapikit na lang ako ng makita ang mga kagat doon.

Mga kagat ng Prinsipe Ozul

Napahinga na lamang ako ng malalim bago magsimulang maligo. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis at lumabas.

Kailangan ko pa ring magsilbi kahit hindi maganda ang aking pakiramdam. At higit sa lahat, kailangan ko pa ring harapin ang Prinsipe Ozul kahit nakakahiya.

"Maayos naba ang iyong pakiramdam?" Salubong sa akin ni Harem ng makababa ako sa ikalawang palapag. "Anong nangyari sa iyong leeg?"

"Wala 'to," Gamit ang mahabang kulay mamula mula kong buhok ay tinakpan ko ang aking leeg

"Maayos kana ba? Ang sabi ng iyong Ama ay inaapoy ka ng lagnat," Sambit nito at hinipo ang aking noo.

"Maayos lang ako," Bahagya akong lumayo sa kaniya. "Nasaan ang Prinsipe Ozul?"

"Umalis siya para mangaso kasama ang Hari," Tugon nito. "Oo nga pala, ibinilin niya sa akin na ayusin mo raw ang kaniyang kuwarto."

Nananadya ba siya?

Tumango na lang ako bago magtungo sa silid ng Prinsipe. Napangiwi na lang ako dahil gulo non. Tila dinaanan ng bagyo.

Nagsimula na akong maglinis. Hindi ko maiwasang hindi mahiya habang inaalala ang ginawa namin kagabi. Pakiramdam ko pinatunayan ko kay Prinsipe Callum na tama lang na pangkama kaming mga Hybrid.

Ewan kona, naguguluhan na ako. Tuwing kaharap ko si Prinsipe Ozul ay iba ang nagiging kilos ng aking katawan at iba ring kaba ang ibinibigay niya sa akin.

Mabilis kong tinapos ang paglilinis ko at lumabas ng kuwarto ng Prinsipe Ozul.

"Nakabalik na ang Prinsipe," Salubong sa akin ni Harem. "Kasama niya daw ang mga kaibigan niya."

Tumango lang ako.

Bumaba kami sa ikaunang palapag. Pinadiretso ako ni Harem sa kusina dahil ipinapatawag daw ako ni Matandang punong tagapagsilbi.

"Ihatid mo ang meryendang iyan sa Prinsipe at mga kaibigan niya," Sambit nito. "Nasa punong aklatan sila. Makikita mo agad iyon kapag nakalabas ka sa kusina."

Tumango lang ako.

"Anak," Napahinto ako ng harangin ako ni Ama. "Kapag naihatid mo iyan sa Prinsipe, magtungo ka ating silid, nagdala ako doon ng dugo at makakain mo."

"Paano ka Ama?" Tanong ko dito. "Kumain kana ba?"

"Kanina pa," Tugon nito. "Sige na."

"Salamat po." Nakangiting sambit ko dito

Lumabas na ako ng kusina. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa huminto ito sa isang pintong may nakaukit na libro. Marahil ay iyon na yun.

Naglakad ako palapit doon. Pinagbuksan ako ng pinto ng mga guwardiya kaya nagtuloy tuloy ako sa pagpasok.

Namangha ako ng sumalubong sa akin ang mga iba't ibang libro na maayos ang pagkakaayos.

"Nalalapit na ang pagkaluklok mo ngunit wala ka pa ring Reyna?" Nakarinig ako ng boses mula sa hindi kalayuan.

"Bakit kasi hindi na lang si Marzal? Marangal ang Pamilya niya at wala namang tutol kung magiging kayo," Dinig kong sambit ng isang lalaki.

Natigilan sila ng bigla na lamang akong sumulpot. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Prinsipe Ozul ngunit hindi ko siya binigyan ng tingin.

"Ipinadadala ng punong tagapagsilbi," Walang emosyong sambit ko bago ibaba ang kanilang meryenda.

"Hybrid," Sambit ng isang lalaki na may gintong buhok.

Hindi ko sila kinibo. Akmang aalis na ako ngunit natigilan ako ng hawakan ako sa braso ng lalaking may kulay puting buhok.

"Ano ang iyong ngalan?" Tanong nito

Tinabig ko lang ang kamay niya. Hindi ako interesadong magkaroon ng interaksiyon sa mga purong bampira, maliban na lamang ay Prinsipe Ozul.

"Matuto kang gumalang, kinakausap ka niya ng maayos Hybrid!" Inis na sabi ng babae kaya nilingon ko siya.

"Hindi ako interesado," Malamig kong sambit

Mabilis nitong dinampot ang tinidor, akmang isasaksak niya sa akin ito pero mabilis ko itong iniwasan.

"Marzal," Natigilan itong babae ng dumagundong ang walang emosyong boses ni Prinsipe Ozul sa loob ng silid aklatan.

Takot na bumalik sa pagkakaupo itong Marzal. Nilingon ko naman si Prinsipe Ozul.

"Susunod ako sa'yo," Kausap nito sa aking isipan

Hindi ko siya pinansin o sinagot. Lumabas ako ng silid aklatan at nagtungo sa silid namin ni Ama.

May nakita ako doong pagkain, agad ko namang nilapitan iyon at nagsimulang kumain.

"Mas masarap ba iyan kaysa sa akin?" Natigilan ako sa pagsubo ng bigla na lamang sumulpot si Prinsipe Ozul sa aking tabi. "Galit kaba? Kanina mo pa ako hindi tinatapunan ng tingin. Masyado ba kitang nasaktan kagabi?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ipaalala mo iyan at hindi ako magdadalawang isip na itarak itong kutsilyo sa dibdib mo."

Natawa ito bago ako yakapin sa beywang. "Masyado mona akong pinapahanga sa iyong katapangan."

"Prinsipe, mabuti pa ay umalis kana dahil baka pumasok ang aking Ama at makita tayo," Sabi ko dito. "Bilis na."

Hindi ito nakinig kaya napahinga na lang ako ng malalim.

Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isip niya. Madalas siyang seryoso at walang kibo ngunit pagdating sa akin ay tila tutang maamo siya.

"Tingnan mo ako sa mukha," Utos nito kaya napatingin ako sa kaniya.

Kitang kita ko ang marka ng isinumpang tinta sa mukha niya.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Ang sarap mo," Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito

"Talaga bang gusto mo ng mamatay?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Mabuti pa ay umalis kana dahil kaunti na lang ang natitirang pasensiya ko sa iyo."

Nataw ito bago pagdikitin ang labi namin.

"Anak?" Malakas kong naitulak ang Prinsipe ng marinig ko ang boses ni Ama. "Papasok ako."

"Alis na!" Pinanlakihan ko ng mga mata si Prinsipe Ozul. "Ozul!"

"Mas gusto ko ang Ozul," Muli ako nitong hinalikan bago mabilis na naglaho.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Ama. "May kasama kaba?"

"Wala po," Pagsisinungaling ko. "B-Bakit po?"

"Sa makalawa ang selebrasyon, kinakailangan mong umuwi sa atin," Seryosong sabi nito. "Kabilugan ng buwan sa makalawa, hindi ka puwede dito."

Napatango ako. "Sige po, Ama."

"Sige na, iyon lamang baka kasi makaligtaan mo," Sambit nito. "Babalik na ako sa aking trabaho."

Tumango lang ako.

Lumabas si Ama kaya napahinga ako ng malalim. Muntik na yun

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro