Kabanata 4
MARISTELA
"BILISAN ANG KILOS!" Sigaw nitong matandang babaeng kinaiinisan ko
Ito pala ang punong tagapagsilbi ng buong palasyo.
Pinagbihis niya kami ng damit na kamukha ng suot niya. Hapunan na daw ng Hari at Pamilya nito kaya kailangan naming mag ayos ng lamesa.
"Mayroon na bang sumundo sa prinsipe?" Salubong ang kilay na tanong nito kaya napahinto kami sa pag aayos. "Wala!? Hindi ba at kayong mga Hybrid ang tagapagsilbi niya?"
Kung hindi kaba naman tanga, ikaw ang walang ginagawa bakit hindi ikaw ang sumundo? Kung puwede lang sabihin ko sa pagmumukha niya iyan ay ginawa kona.
"Tawagin mo ang Prinsipe Ozul," Baling nito sa akin. "Anong tinatanga tanga mo? Kilos!"
Umalis naman ako sa hapagkainan at naglakad patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid ng itinakdang Prinsipe.
Ito na naman ang hindi maipaliwanag na kaba sa aking dibdib.
"Mahal na Prinsipe?" Malakas akong kumatok sa pinto ng silid nito. "Mahal na Prinsipe?"
Ilang beses pa akong kumatok ngunit walang sumasagot kaya pumasok na ako sa loob. Wala akong nakitang bampira sa loob.
"Mahal na Prinsipe?" Tawag ko dito. "Kakainin na raw ho kayo."
"Hindi ba at mas masarap kung ikaw ang aking magiging hapunan?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa aking likuran
Nakita ko ang Prinsipe Ozul na walang pang itaas na damit. Basa pa ang buhok nito, mukhang bagong paligo siya.
"Wag mo naman akong pagnasahan aking Reyna," Ngumisi ito. "Payag kana bang ikaw ang aking maging hapunan?"
Buong akala ko talaga ay isang siyang seryoso lang sa buhay at walang kibo. Hindi ko akalaing ganito ang ugali niya.
"Tantanan mo ako," Masungit na sabi ko dito. "Ipinatatawag kana, ang bagal bagal mong kumilos."
Natawa ito. "Sa tono ng iyong pananalita ay parang asawa kitang kulang sa lambing."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mo akong asarin ng ganiyan Prinsipe Ozul, konting pasensiya na lang ang mayroon ako sa iyo–sa inyong nga purong bampira."
Nilampasan ko siya at lumabas ng kaniyang silid. Naglakad ako pababa ng hagdan.
"Hindi ba at kabastusan na mas mauna ka pang maglakad kaysa sa iyong pinagsisilbihan?" Sa isang iglap ay nasa tabi kona siya
Napahinto ako sa paglalakad sa hagdan at hinarap siya. Sisinghalan ko sana siya ngunit natameme na lamang ako ng makita kung gaano kaakit akit ang kaniyang itsura.
"Mauna kana po, Prinsipe," Nagtungo ako sa likuran niya. "Lakad."
Dinig ko ang mahinang pagtawa nito bago maglakad. Nang makapasok kami sa hapag kainan nila ay kumpleto na ang Pamilya niya doon, may mga ibang maharlika din silang kasalo. Halos lahat ng tingin ay nasa amin ni Prinsipe Ozul.
Umupo si Prinsipe Ozul sa tabi ng Reyna, ako naman ay nagtungo sa isang gilid katabi ng aking mga kasama. Walang emosyon ang mukha ni Prinsipe Ozul.
Parang hindi walanghiya kanina.
"Naririnig kita aking Reyna," Natahimik ako ng marinig ko ang boses nito sa aking isipan.
"Bakit nga pala naisipan ninyong isali sa mga tagasilbi ang mga Hybrid?" Tanong ng isang matandang lalaki sa Hari. "Hindi ba kayo natatakot na baka makagulo lamang sila sa ating pagdiriwang?"
"Sila ay akin pa ring nasasakupan," Tugon lang ng Hari
"Ngunit hindi ba at sila ay iyo ng ipinatapon?" Tanong naman ng isang matandang babae
"Hindi ko sila ipinatapon," Sumeryoso ang mukha ng Hari. "Sila ay akin lamang inilayo para maiwasan ang gulo."
"Patawad, Mahal na Hari," Nakayukong sabi nung matandang babae
Alam kong sinasadya nilang iparinig sa aming mga Hybrid ang mga sinasabi nila.
Dumako ang tingin ko kay Ama, umiling ito sa akin at ngumiti. Napahinga na lang ako ng malalim bago tumango.
"Wala pa bang nakatadhana sa itinakdang Prinsipe?" Pag iiba ng usapan ng isang matandang babae. "Hindi ba at nasa tamang edad na siya?"
Lahat ay nabaling ang atensiyon kay Prinsipe Ozul.
"Malapit ka ng maluklok bilang Hari, hindi ba dapat ay may Reyna kana na magsusupling ng iyong tagapagmana?" Dagdag pa ng matanda.
"Ang tanong may gusto kayang makipag tadhana sa isang prinsipeng isinumpa?" Lahay kami ay nabigla dahil sa salitang binitiwan ng ikalawang Prinsipe
"Callum!" Sita dito ng Reyna at Hari
Napatingin ako kay Prinsipe Ozul na napatigil sa pagkain at seryosong tiningnan ang kaniyang kapatid.
"Kung ako sa iyo itinakdang Prinsipe, maghahanap na lamang ako na pakakasalan sa mga Hybrid," Dagdag pa ni Prinsipe Callum at tiningnan kaming mga babaeng Hybrid. "Mukhang nababagay ka naman sa isa sa kanila."
"Mga mabababang uri.." Pahabol pa nito
Hindi kona napigilan ang aking sarili, namalayan kona lamang na sakal sakal kona si Prinsipe Callum.
"Kaming tinatawag ninyong mabababang uri ay kaya kayong pantayan!" Galit kong sambit. "Kung sila ay nakakaya ang inyong pang aalipusta, ibahin mo ako."
"LAPASTANGAN KA!" Sa isang pitik nito ay tumilapon ako
Buong akala ko ay tatama ako sa pader ngunit may mga bisig na sumalo sa akin.
"Sa isang pitik ko lamang ay kayang kaya kong bawiin ang iyong buhay, aking kapatid." Walang emosyong sabi ni Prinsipe Ozul na nakaalalay pa rin sa akin.
"At bakit mas pabor kapa kaysa sa Hybrid na iyan?" Tumalim ang tingin sa akin ni Prinsipe Callum. "Wag mong sabihing isa ang Hybrid na iyan sa mga babaeng parausan mo tuwing gabi."
Akmang susugurin ko ito pero hindi ako binitiwan ni Prinsipe Ozul kaya matalim ko itong tiningnan.
"Buhay mo ang aking babawiin kapag hindi mo ako binitiwan," Matalim ang tinging sambit ko dito
Natawa lang ito na ikinasinghap ng lahat. "Minsan ay bawasan mo ang pagiging mainitin ng iyong ulo. Hindi kapa man nagdadalang-tao ay ganiyan kana."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa sinambit nito.
Sinamaan ko siya ng tingin bago siya malakas na itinulak. "Kung ayaw ninyo ng gulo, tingnan ninyo kaming mga Hybrid ng pantay."
Padabog akong umalis doon. Walang nagtangkang sumunod sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
Alam kong kasiraan kay Ama ang ginawa ko ngunit hindi kona napigilan ang aking sarili. Bata pa lamang ay itinatak kona sa aking isipan na hindi ako magpapa-api basta basta sa mga purong nilalang.
Ang pang-mamaliit at panlalait nila sa aming nga Hybrid ay hindi makatarungan. Ayokong tinatapakan nila ang pagiging Hybrid ko dahil parang tinatapakan na din nila ang pagkatao ng aking mga magulang. Lalong lalo na ng aking Inang tao.
Papatunayan ko sa kanila na hindi lang ako basta Hybrid, papatunayan kong kaya ko silabg tapatan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro