Kabanata 21
MARISTELA
HINDI ko maigalaw ang aking katawan dahil may itim na usok ang nakapulupot sa akin. Kanina kopa gustong gustong patayin ang matandang ito na siyang pinuno ng itim na kapa.
Nasa gitna ako habang nakaharap sa kaniya, nakaupo ito sa kaniyang trono habang nakangising nakatingin sa akin. Ang mga tauhan naman niyang iba't ibang nilalang ay nakapalibot sa akin.
"Ang sanggol na nasa iyong sinapupunan ay ang siyang magbibigay ng pang walang hanggang lakas ko," Tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin. "Ang Anak ng isinumpang Prinsipe ay mapupunta sa akin."
"Hinding hindi mo kami mapapatay ng aking Anak!" Bulyaw ko dito. "Magkamatayan man tayo."
"Tunay na ikaw ay matapang," Madiin nitong hinawakan ang aking panga. "Manang mana ka sa iyong Ina."
"Wag mong idamay dito ang aking Ina!" Galit kong sambit dito
Tumawa ito at pumitik sa ere. Halos kapusin ako ng hininga ng may lumitaw na isang babaeng hindi ko inaasahan. Kamukha ko ito lalo na kung ako'y susumpungin ng pagiging tao.
"Ina," Bulalas ko
Tulala lamang ito at halatang kinokontrol lang ng nilalang na ito.
"Walanghiya ka!" Sinubukan kong gumalaw ngunit ayaw makisama ng aking katawan. "Anong karapatan mong kontrolin ay gawing laruan ang Ina kong nananahimik na!"
Tumawa lamang ito bago lapitan ang aking Ina. Nagtungo ito sa likuran nito at kinagat ang leeg ng aking Ina.
"Papatayin kita!" Galit na galit kong sambit. "Bitawan mo ang aking Ina!"
Tumawa lamang ito ganoon din ang kaniyang mga tauhan. Napahinto lamang sila ng may marinig silang alulong.
Napakurap kurap ako dahil sa isang iglap ay hawak na ni Ozul ang aking kamay at wala na ring itim na usok ang nakapalupot sa akin.
"O-Ozul?" Muli akong kumarap upang masigurong hindi ako nananaginip
"Pasensiya na kung ako'y natagalan," Ngumiti ito sa akin. "Nandito na ako mahal ko."
"Nandito rin ako, akin kaibigan," Napalingon ako sa kabilang gilid at napaawang na lamang ako ng bibig ng makita ang itinakdang Prinsipe ng mga lobo. "Sana ay iyo pa akong natatandaan."
"Lorcan," Banggit ko sa ngalan nito. "Anong nangyayari?"
"Narinig ko ang iyong tinig," Sabi nito at mabilis na nag anyong lobo. "Hindi ba at sinabi kong darating ako sa oras ng pangangailangan mo?"
"Maraming salamat!" Hinaplos ko ang balahibo nito.
"Nasaan ang aking pasasalamat?" Sabad ni Prinsipe Ozul kaya sa kaniya ko naman naibaling ang aking atensiyon. "Nagseselos na ako."
Natawa ako bago siya patakan ng halik sa labi. "Maraming salamat, aking Mahal."
Napangiti ito. "Walang anuma, Mahal ko."
"Kung gayon ay nagkaisa na kayong lahat!" Lahat kami ay napatingin sa pinuno ng itim na kapa. "Ang magkaibang lahing aking pinaglaban ay muling nagbuklod dahil lamang sa isang Hybrid."
"At ito na ang magiging katapusan mo," Sambit ko dito.
Sinugod ito ng dalawang itinakdang Prinsipe na magkaiba ang lahi. Ako naman ay tumulong sa iba na puksain ang mga tauhan nito.
Napahinto lamang ako sa pagsugod ng may umatake sa akin. Galit ko itong nilingon ngunit agad ding umamo ang aking mukha ng makilala kung sino ito.
"Ina," Bulalas ko
"Ako sa kaniya," May humarang sa pagitan namin. "Hayaan mong ako ang magpatahimik sa iyong Ina."
"Ama," Lumingon ito sa akin at ngumiti. "May tiwala ako sa iyo Ama, mag iingat ka po."
Umalis ako doon at nilapitan pa ang ibang mga kalaban. Mabilis akong umiwas ng may mabilis na pwersa ang sumugod palapit sa akin.
"Ako ang harapin mo," Nilingon ko ang nagsalita. Si Marzal, ibang iba na ang itsura nito halatang nilamon siya ng kapangyarihan ng itim na kapa. "Dito kita tatapusin ngayon."
"Yun ay kung kaya mo," Sinugod ko siya ngunit mabilis niya itong nasalag.
Umamba ito ng sipa sa aking tiyan mabuti na lamang ay nahawakan ko ang kaniyang paa.
"Papatayin kita, pati na rin ang iyong Anak!" Kinalmot ako nito sa mukha. "Siguradong sa akin na mapupunta si Ozul kapag nawala ka!"
"Kahit mawala ako," Hinawakan ko ang leeg niya at ibinaon ko ang aking kuko sa kaniyang leeg. "Hinding hindi ka pipiliin ni Ozul!"
Malakas nitong hinawi ang aking kamay na nakasakal sa kaniya. Ngayon ay ako na ang kaniyang sakal sakal, ramdam ko ang pagbaon ng kaniyang kuko sa aking leeg.
"Paalam," Lalo nitong idiniin ang kaniyang kuko sa aking leeg.
May kung anong enerhiyang nabuhay sa aking loob. Napatingin ako sa kamay ko dahil lumitaw dito ang isinumpang tinta na kamukha ng kay Ozul.
Hinawakan ko ang braso ni Marzal na agad na nasunog kaya nabitawan niya ako.
"Ikaw ang mamamatay!"
Pinahaba ko ang kuko ko kung saan lumitaw ang isinumpang tinta. Ibinaon ko ang kuko ko sa puso ni Marzal.
Unti unti itong nasunog.
"Arghh!!" Daing ko ng may brasong pumulupot sa aking leeg mula sa likuran.
"Sige! Ngayon inyo ako subukan!" Ang pinuno ng itim na kapa. "Saksihan ninyo kung paano ko patayin ang magiging Reyna ninyo!"
Lahat ay napatigil at sa akin napunta lahat ng atensiyon.
"Mabuti pa ay sumuko kana lamang," Malamig na sabi dito ni Ozul. "Mag isa kana lamang ngayon!"
Ramdam ko ang pagngisi nito. Napasigaw ako ng bumaon ang kuko nito sa aking likuran.
"Mag isa na nga lang ako ngunit ako pa rin ang mananalo," Pakiramdam ko ay kinapos ako ng aking hininga ng tumagos ang kamay nito sa aking tiyan.
Napatingin ako kay Ozul na natulala na lamang at tila hindi malaman ang gagawin.
Marahan ko siyang nginitian. "O-Ozul."
Ang huli kona lamang nakita ay ang pagbabagong anyo nito.
Ang Anak ko..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro