Kabanata 19
MARISTELA
KAY ganda ng aking araw ngayon, pakiramdam ko ay wala akong dinadalang bigat o problema.
"Prinsipe, gusto kong kumain ng sopas," Sabi ko dito at naglalambing siyang niyakap. "Pakiusap, gusto ko ng sopas."
"Sopas?" Maingat ako nitong hinila at inupo sa kaniyang kandungan. "Ano ang sopas?"
"Basta, niluluto yun ni Aechira," Tugon ko. "Masarap yun."
"Sige, pupuntahan ko si-"
"-Hindi na," Putol ko sa sasabihin nito. "May tambak ka pang trabaho, gawin mona lamang iyan."
Napahinga ito ng malalim. "Mag iingat ka."
Tumango naman ako. Pinatakan ko siya ng halik sa labi bago lumabas ng kaniyang silid.
Malapit na siyang iluklok kaya masyado siyang abala ngayon, marami siyang kinakabisa at nilalagdaan kaya't hindi ko siya gaanong iniistorbo. Isa pa sa kaniyang iniisip ay ang kasal namin.
"Aechira!" Tawag ko dito ng makita ko siya
Kasama niya si Prinsipe Callum na buhat ang kanilang Anak. Mukhang nagkausap na silang dalawa.
"Maristela," Ngumiti ito sa akin. "May kailangan ka?"
Nahihiyang ngumiti ako. "Maaari mo ba akong lutuan ng sopas? Iyon kasi ang gusto kong kainin."
Natawa ito. "Oo naman, halika sa kusina."
"Ngunit, hindi ba ay may pupuntahan tayo!?" Parang paslit na maktol ni Prinsipe Callum
"Matuto kang maghintay," Masungit na sambit dito ni Aechira. "Halika na Maristela."
Dinala ako ni Aechira sa kusina, wala namang nagawa si Prinsipe Callum kung hindi ang sumunod sa amin.
Nang makarating sa kusina ay pinaupo ako ni Aechira sa isang upuan bago siya mangielam doon.
"Bawal mong galawin ang mga iyan!" Masungit na inagaw ni Matandang punong tagasilbi ang mga kasangkapang gagamitin ni Aechira. "Lumayas ka dito!"
"Ibabalik mo sa kaniya iyan? O ipapalunok ko sa iyo?" Banta dito ni Prinsipe Callum kaya sa amin napunta ang atensiyon nito.
Mukhang hindi niya kami napansin, mabuti na rin iyong napagbantaan siya ng Prinsipeng masungit na ito.
"Pakain ko sa'yo 'to eh," Inagaw ni Aechira ang kasangkapan dito. "Chupi!"
"Umalis kana lamang dito, wag ka ng dumagdag sa istorbo sa amin," Madiing sambit nito habang masamang nakatingin sa akin.
Inikutan ko lamang siya ng aking mata bago ibaling ang aking tingin kay Aechira na nagsisimula ng magluto.
Halos kalahating minuto lang ay natapos itong magluto. Nagsandok ito at inilapag sa mesang nasa aking harapan.
"Maraming salamat!" Nakangiting sabi ko bago magsimulang kumain. "Tunay na kay sarap ng iyong sopas."
"Kumakain kana, kaya maiwan kana namin," Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ni Prinsipe Callum si Aechira.
Wala tuloy akong kasabay kumain, ngunit ayos lang naman.
Nagpatuloy lamang ako sa pagkain ngunit napahinto ako ng maramdaman kong may mga matang nakatitig sa akin. Inilibot ko ang aking paningin at ang mga Hybrid at purong bampira ay nasa akin ang tingin.
"Gusto ninyo?" Alok ko ng sopas. "Masarap ito, kumuha lamang kayo."
Hindi sila kumibo kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nang matapos ako ay tumayo ako at hinugasan ang aking pinagkainan.
"Maraming sopas pa ang natira, kung gusto ninyong tikman ay kumuha lamang kayo," Nakangiting sambit ko sa kanila. "Ngunit wag ninyo lamang sanang ubusin."
Lumabas ako ng kusina at umakyat sa ikalawang palapag. Saktong pababa si Ama kaya nagkasalubong kami.
"Ama," Nilapitan ko siya. "May sopas sa kusina, kumain ka."
"Sopas?" Kumunot ang noo nito. "Paano mo nalaman ang pagkaing sopas?"
"Kay Aechira po," Napatango ito. "Bakit Ama? Paborito niyo ba iyon ni Ina?"
"Oo, Anak laging niluluto iyon ng iyong Ina noong ipinagbubuntis ka niya," Tugon nito. "Sige na, magpahinga kana."
"Kumain ka po ah?"
Tumango lang ito.
Hinalikan ko sa pisngi ang aking Ama bago maglakad patungo sa silid ng itinakdang Prinsipe.
Nakita ko itong nagtatrabaho pa rin at halatang seryosong seryoso siya sa kaniyang ginagawa.
"Ayos ka lamang ba?" Tanong ko dito
"Mahal, pakiramdam ko ay mababaliw na ako," Parang paslit nitong sumbong. "Ngunit aking kakayanin para sa ating kinabukasan."
"Ipagpatuloy mo iyan, ako'y maliligo lamang," Hinalikan ko siya sa labi bago magtungo sa palikuran
Naghubad ako ng aking suot at nagsimulang maligo. Nagkuskos ako ng aking katawan ngunit natigilan ako ng mapadako ang aking tingin sa aking tiyan.
Nakaramdam ako ng takot ng makitang may nakaukit na isinumpang tinta dito na kagaya ng kay Ozul.
"Maristela?" May kumatok sa pinto. "Ayos ka lang ba?"
"O..Oo," Utal kong sagot. "Wag kang papasok, patapos na din naman ako."
Umilaw ang isinumpang tinta at unti unting naglaho. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng palikuran ng walang saplot.
"Ako ba ay iyong inaakit?" Tanong ng Prinsipe
Nginitian ko siya ng tipid. "Nakalimutan kong magdala ng saplot sa loob."
Kumuha ako ng aking susuotin at isinuot iyon. Ramdam ko ang seryosong titig ng Prinsipe kaya nilingon ko ito.
"May problema ba?" Tanong ko dito
"Ikaw ang akin dapat tanungin," Tugon nito. "May problema ba?"
Lumapit ako sa kaniya at kumandong sa kaniyang kandungan. "Wala naman, siguro ay napagod lamang ako."
Yumakap ako sa kaniyang batok bago sumubsob sa kaniyang leeg. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng nakita ko kanina ngunit aking natitiyak na hindi maganda iyon.
"Maaari mo bang papuntahin dito ang manggagamot na tumingin sa akin nung ako'y nawalan ng malay?" Tumingin ako sa kaniya. "Nais ko lamang itanong dito kung kamusta ang aking Anak."
"Yan din ang plano ko," Hinawi nito ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. "Ipapatawag ko siya mamaya, magpahinga ka muna."
Tumango naman ako bago muling sumubsob sa kaniyang leeg at doon pumikit hanggang sa lamunin ako ng dilim.
Nagising ako at nasa isang malawak na lupain ako. Tahimik sa lugar kung nasaan ako ngayon.
"Ozul?" Tawag ko sa Prinsipe. "Ozul!?"
Sa isang iglap ay nagbago sa paligid, nasa isang lugar ako na parang impyerno ang itsur-hindi, nasa palasyo ako. Nasusunog ang aking paligid at lahat ng bampira ay naliligo sa kanilang sariling dugo.
Inilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa mapadpad ito kay Ama at Ozul na wala na ring buhay.
"Ama! Ozul!" Nilapitan ko ang dalawa. "Pakiusap, gumising kayo."
"Ikaw ang gumawa niyan sa kanila," Nilingon ko ang nagsalita. Isang nakaitim na kapa. "Binawi mo ang buhay nilang lahat."
Umiling ako.
"Bakit hindi mo tingnan ang iyong kamay," Napalingon ako sa aking kamay na nababalutan ng isinumpang tinta. "Lahat ay pinatay mo, ganun din ang iyong Anak."
"HINDI!" Malakas kong sigaw
"Maristela!" Mabilis akong napamulat ng aking mata at ang nag aalalang si Prinsipe Ozul ang bumungad sa akin.
Umupo ako sa higaan at niyakap ito ng mahigpit. "Buhay ka, hindi ka mawawala diba?"
"Dito lamang ako," Tugon nito. "Ayos lang ang lahat."
Hindi ko alam ngunit parang totoo ang aking panaginip. At isa pa, sino ang nakaitim na kapa na iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro