Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Last Chapter


NINA

    AKALA namin okay na, akala namin magiging masaya na kaming lahat. Pero hindi. Dahil may bagong pagsubok na naman ang dumating sa Pamilya ni Nico–Sa pamilya ni Coco.

Muling nakikipaglaban si Coco sa kaniyang buhay matapos niyang mabaril sa ulo.

"Kaya niya yan," pabulong na sabi ni Nico. "Nabuhay nga siya nung una, ngayon pa kaya."

"Tama yan." Niyakap ko siya mula sa tagiliran. "Nandito lang kami ni Neia, para sa'yo."

"Tara..." Tumayo ito at hinila ako patayo rin. "May pupuntahan tayo."

"Ha? Saan?" takang tanong ko.

Nagkibit balikat lang ito. Lumabas kami ng bahay at dumiretso sa kotse niya.

Hindi pa rin gaanong nawawala ang mga galos at pasa ni Nico, pero kung titingnan siya, sobrang fresh ng itsura niya. Swerte ko naman ata sa supladong ito.

"Stop staring me like that.." Saglit ako nitong nilingon. "I know that you love me."

"Kung hindi ka siguro nagselos kay Coco noon at hindi ka umamin, siguradong hindi tayo ang magkakatuluyan..." Sabi ko dito.

"No, Nina, kahit hindi ako umamin noon, sa 'kin pa rin ang bagsak mo." Taas ng confidence.

Nagpatuloy ito sa pag-da-drive hanggang sa huminto kami sa dati naming school na ipinagtaka ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko. "Mag-e-enroll ka ulit?"

Umiling lang ito bago bumaba, kahit nagtataka ay sumunod na lamang ako sa kaniya.

Naglakad kami papasok sa loob ng school. After so many years, nakabalik ulit ako dito, kasama ang lalaking mahal ko. Maraming nagbago sa school pero tandang tanda ko pa rin ang mga madalas naming tambayan ni Nico.

"Doon mo sinapak si Coco." Tinuro ko yung malaking puno sa garden. "Doon ka din umamin."

Natawa ito. "Let's go there."

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako doon sa ilalim nung malaking puno.

Naalala ko tuloy kung paano umamin sa 'kin si Nico.

Flashback

"Wag mo na ngang iyakan si Nico," sabi sa'kin ni Coco.

Kakambal siya ng taong nagugustuhan ko. Mabait si Coco, kumpara kay Nico na sobrang sungit at malandi.

"Akala ko kasi gusto niya rin ako." Nagpunas ako ng luha. "Tapos bigla ko siyang nakitang kahalikan si Ariel."

"Gago talaga yun." Pinunasan nito ang mukha ko. "Hindi mo siya deserve."

"Ikaw na lang kaya? Magkamukha naman kayo," nakangusong sabi ko dito.

Umiling ito. "No, may first love na ako."

"Ang swerte ng first love mo, sana ganiyan din si Nico, sa'kin." Muling tumulo ang mga luha ko. "Nakakainis kasi! Maganda naman ako, tapos mabait, ano bang kulang sa'kin?" Napatingin ako sa dibdib ko. "Hindi niya ba ako gusto kasi hindi gaanong malaki yung boobs ko?"

"Nina, what the fvck!?" Gulat na sambit ni Coco. "Wag ka ngang mag isip ng ganiyan!"

"Totoo naman eh!"

Napahinga ito nang malalim bago punasan ang mga luha ko. Nasa ganoon kaming senaryo ng nang bigla na lamang may sumuntok sa kaniya.

"Coco!"

Sinamaan ko ng tingin yung sumuntok sa kaniya, pero nanlambot ako nang makilala ito.

"Nico.."

"She's mine, Coco, back off!" Bigla itong lumuhod sa harapan ko. "Si Ariel ang biglang humalik sa'kin. I'm sorry because you saw that. Promise, magmula nung nagkasama tayo, wala na akong ibang babae bukod sa'yo."

"Nico.."

"M-mahal kita." Umiwas ito ng tingin. "W-will you be my girlfriend?"

Totoo ba'to?

"Nico!" Patalon ko siyang niyakap, kaya bumagsak kamisa damuhan. "Mahal din kita, Nico. Mahal na mahal."

"Pabebe pa kasi.." Napatingin kami kay Coco. "Torpe!"

"Fvcking leave, Coco!"

Nginisihan lang siya ni Coco bago umalis. Bigla naman nitong hinila ang batok ko at hinalikan ako.

Emd of flashback

Malakas akong napatawa na ikinagulat ni Nico.

"Naalala ko yung time na yun," sabi ko dito.

"Nina.." Nabigla ako nang lumuhod ito. "Hindi kita naipaglaban noon, pinabayaan kitang mahirapan, but can you give me a chance? Nina, nakaluhod ako ngayon sa harapan mo, para hingin muli ang mga kamay mo para pag alayan ko ng singsing." Nanggilid ang luha ko nang maglabas ito ng singsing. "This time, wala ng divorce 'to. Akin ka na, Nina."

"Paano kung tumanggi ako?" tanong ko dito.

"Sa tingin mo, papayag ako?" Isinuot niya sa daliri ko yung singsing. "Kahit isumpa mo pa ako, matutuloy ang kasal natin."

"Next time, wag ka ng magtatanong ah?" Natatawang sabi ko dito. "Cute mo!"

"I'm handsome, my love." Hinapit nito ang beywang ko. "And you're beautiful, my wife."

"Ang dami mong call sign para sa'kin ah?"

"Ganoon kita kamahal." Pinatakan ako nito ng halik sa labi. "Nina, I want a baby boy. Nag aaway kasi kami ni Coco, kapag kalaro ko si Cole."

"Si Neia, ang tanungin mo." Hinaplos ko ang patubong balbas nito. "Tanungin mo siya, kung pwede na."

"Pwede na po!" Pareho kaming napatalon sa gulat nang biglag sumulpot si Neia. "Gusto kona din ng baby brother."

"Paano ka napunta dito?" tanong ko dito.

"Nagtago ako sa backseat." Humagikhik ito at niyakap ang beywang namin ni Nico. "Ang sweet niyo po."

Binuhat ito ni Nico. "Dalaga kana, Neia, you deserved a baby brother."

"So, pwede na akong mag-boyfriend?" tanong ni Neia sa Ama. "Sabi mo kasi po dalaga na ako eh."

"No, you're only 11." Sabi dito ni Nico.

"Dalaga na nga po–"

"–Shut up, Neia, I said no!"

"Bahala ka, bawal pa ng baby brother."

"It's fine," tugon dito ni Nico. "Ikaw na lang ang panggigigilan ko."

Tumakbo si Neia na agad namang hinabol ni Nico. Natawa na lang ako, habang pinagmamasdan ang mag ama ko.

Muli ng magsisimula ang bagong kabanata para sa amin ni Nico, kasama si Neia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro