Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Hi po Ate Jessica sicachuu Thank you po for supporting. I love you po💙


NINA

    NANG magising ako ay puting kisame agad ang bumungad sa akin, nakaamoy ako ng halo halong gamot at kemikal kaya sigurado akong nasa Hospital ako.

Bumalik sa mga ala-ala ko ang mga nangyari kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Kagulat ka naman Sis!" Napalingon ako kay Carla na nakahawak sa kaniyang dibdib habang gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"Kailangan ko ng umalis," Akmang bababa ako ng Hospital bed ngunit agad ako nitong nilapitan at pinigilan. "Nasa panganib ang mag ama ko."

"Kumalma ka nga," Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. "Kalma, okay? Hindi kapa puwedeng umalis, kailangan pa ng permiso ng Doctor."

"Carla, ayos lang naman ako," Sabi ko dito. "Pupuntahan ko sila Nico at Nina."

"Sissy, masyadong bagsak ang katawan mo sabi ng Doctor," Aniya nito. "Please, calm down ka lang diyan."

Tumango na lang ako.

Sana ay ayos lamang ang aking mag ama. Lalo na ang aking Anak, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako roon. Pumasok si Kuya Cy at Ate Pusha, kasunod nila ang isang babaeng Doctor.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ate Pusha.

"Ayos lang po," Tugon ko. "Medyo nahihilo po ako pero kaya kona naman po."

"Nina, masyado kang stress sabi ng Doctor, hindi maganda ang lagay ng katawan mo," Lumapit sa akin si Kuya Cy. "Ang baba ng dugo mo. May problema kaba kaya lagi kang stress?"

"Sa trabaho lang po," Sagot ko. "Salamat po sa pag aalala."

"Makakauwi na siya mamaya," Sabad ng Doctor kaya sa kaniya nabaling ang atensiyon namin. "Magbibigay ako ng vitamins at ilang gamot sa kaniya."

Tumango lamang ako.

Kalahating minuto pa kaming nag-stay sa Hospital bago ako tuluyang i-discharge.

"Narinig mo ang sabi ng Doctor? Less stress daw Nina," Sabi ni Ate Pusha na nasa front seat. "Hindi mabuti sa kalusugan mo yun."

"Opo," Tugon ko lamang at tumingin sa bintana ng sasakyan ni Kuya Cy.

Ayos lang kaya si Neia at Nico?

Nang makarating sa bahay nila Kuya Cy ay agad akong dumiretso sa kuwarto kong laging tinutuluyan dito tuwing pumupunta ako dito.

Naupo ako sa kama at muling tumulala. Hindi ako mapapalagay ngayon dahil muli ng nagpakita sa akin si Austin.

Kilala ko si Austin, kapag ginawa niya ay kaniya talagang gagawin. Wala siyang sinasanto.

Naputol ang aking pagmumuni muni ng biglang mag ring ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang caller.

Unknown Caller

Imbis na sagutin ang tawag ay inilapag ko lang ang cellphone ko sa kama.

Natatakot akong sagutin iyon dahil baka mamaya ay si Austin iyon–

Muling nag-ring ito. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko bago ito kuhanin.

Bahala na

Pinindot ko ang answer at itinapat ang cellphone sa aking tainga–

"You're wasting my load! Kailangan talaga, madaming tawag bago ka sumagot!?" Kilala ko ang boses nito. "Are you there!?"

"N-Nico," Utal na sambit ko. "S-Saan mo nakuha ang numbet ko?"

"Really Nina? Mafia ang tatanungin mo ng ganiyang bagay?" Sarkastikong tanong nito.

Napahinga ako ng malalim. "Nasaan si Neia? Magkasama ba kayo?"

"She's sleeping," Huminahon na ang boses nito. "How are you? Na-Hospital ka daw."

"H-Ha?"

"Are you deaf!?" Inis na tanong nito. "I'm asking if you're okay!"

"A-Ayos lang ako," Kusang gumuhit ang isang ngiti sa aking labi. "Wag ka namang highblood."

Alam ko kung bakit ganiyan siya umakto. Nag aalala siya, mabilis talagang mag iba ang moodi niya kapag nag aalala.

"You should take care yourself," Mahinahong sabi ito. "What if something bad happens to you?"

Lalong lumawak ang aking ngiti. "Nag aalala kaba sa akin?"

"Tsk. Don't be assuming," Palatak nito. "Mag isip ka nga, paano kung may mangyari sa iyo? Mahihirapan din si Neia."

"Hanggang ngayon ang hilig mo pa ring mag-deny," Mahina akong natawa. "Ang torpe mo pa rin talaga Nicolm Jeremiah Sullivan."

"I'm not like that!" Tanggi nito

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong hiyang hiya at pulang pula na ang kaniyang mukha.

"You're like that," Pang aasar ko dito. "Hindi ba? Kung hindi ako umamin noong college tayo, hindi mo pa ako popormahan?"

"Shut up! Stop being air head–"

"–Aminin mona lang kasi," Putol ko sa sasabihin nito. "Hindi ba? Elementary pa lang crush mo na ako? Pero takot kang umamin. Sinabi sa akin lahat ni Coco."

"That fvcking idiot," Dinig kong sabi nito na ikinatawa ko. "But that was before. Iba na ngayon Nina."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng panghihinayang.

Tama siya, iba na ngayon. Iba na kaming ngayon.

Iniisip ko kung hindi ba Mafia si Nico ay mararanasan namin ito? Kung hindi ba ako duwag ay ganito ang nangyayari sa amin?

"Tama ka," Sabi ko dito. "Iba na ngayon ang lahat."

"I'll go now," Paalam nito. "Tatawagan na lang kita kapag puwede na ulit kayong magkita ni Neia."

"Sige," Mahinang tugon ko. "Mag iingat kayo. Nico, sana ay ingatan mo si Neia. Ikaw ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa kaniya."

"I know, kung hindi ko man siya ma-protektahan. Kuhanin mo siya." Biglang namatay ang tawag.

Napatingin na lang ako sa cellphone ko bago ito ibaba sa kama.

'Kung hindi ko man siya ma-protektahan. Kuhanin mo siya'

Gagawin ko talaga yan, dahil kahit delikado ang buhay ko. Alam kong kaya kong protektahan ang Anak ko at sigurado akong mas ligtas siya sa aking puder.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro