Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

NINA

   HUMINTO kami sa isang Donut House. Agad kaming inasikaso ng staff na babae ng makapasok kami, mukhang kilalang kilala na ang mag ama dito.

"Same order," Sabi ni Nico sa babaeng kumuha ng order namin. "But make it two box now."

Tumango ang babae. "How about drinks po Sir?"

"Three Dark Choco Milktea," Tugon nito.

Tumango muli ang babae, ngumiti ito bago umalis.

"Mommy, lagi kami dito ni Daddy," Kuwento sa akin ni Neia. "I love Donut po, like you."

Ngumiti lang ako bago haplusin ang buhok nito.

Nakatitig lamang ako sa Anak ko, hindi ko akalaing mahahawakan ko muli siya. Buong akala ko ay titingnan kona lamang silang dalawa ng Ama niya mula sa malayo, pero ngayon, heto ako at kasama na sila.

"Mommy, baka matunaw na ako sa kakatitig mo," Ngumisi si Neia. "Alam kong maganda po ako, siyempre magkamukha tayo."

Tumango lamang ako habang nakatitig pa rin sa kaniya.

Naputol lamang ang pagtitig ko sa aking Anak ng dumating ang mga inorder ni Nico.

"Here, Mommy," Inabutan ako ng Donut ng Anak ko. "Kain kana po."

Kinuha ko naman iyon at sinimulang kainin. Kumuha din ang Anak ko ng isa at nagsimulang kumain.

"Alam mo Mommy? Favorite ko ang donut, lagi akong binibilhan ni Daddy ng donut, pati na din po si Mommy Mafu–" Napatigil ito sa pagsasalita na animo'y may nasabing hindi maganda. "Sorry Mommy."

"Para saan?" Takang tanong ko. "Dahil ba sa pagbanggit mo kay Mafu?" Dahan dahan itong tumango na ikinatawa ko. "Ano kaba, Anak. Hindi ako galit, naiintindihan kita. Si Mafu ang nag alaga sa iyo at ang nakalakihan mong Mommy, kaya naiintindihan ko."

"Pero ngayon, nandito kana po," Ngumiti ito ng malaki. "Ikaw na ulit mag aalaga sa akin, diba Mommy?"

Tumango ako. "Babawi si Mommy sa iyo, lahat ng pagkukulang ko ay pupunan ko."

"Let's go, Neia." Napatingin kami kay Nico ng bigla itong magsalita. "Neia."

"Bakit ang bilis?" Reklamo ni Neia. "Daddy, gusto ko pang makasama si Mommy!"

Umiling lang si Nico bago ito lapitan at buhatin. "Iuuwi na kita sa Lola mo."

"Teka," Pigil ko dito. "G-Gusto ko pa sanang makasama si Neia. Puwede ba akong makasama?"

"Are you making fun of me?" Sarkastikong tanong nito. "Galit ang mga magulang ko sa iyo. Ayaw mo naman yatang mabutas ang noo mo diba?"

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.

"Daddy! Ang rude mo kay Mommy!" Inis na sambit dito ni Neia. "Can you please be kind with her?"

"Shut up!" Saway dito ni Nico. "We'll go now."

Bago pa ako makapagsalita ay umalis na sila. Dinig ko pa ang pagwawala ni Neia pero wala na itong nagawa.

Napahinga na lang ako ng malalim bago bumalik sa pagkakaupo.

"Ang bilis magbago ng mood niya," Bulong ko. "Pero sure akong magkikita pa kami ni Neia."

Tumayo at binitbit yung milktea ko at ang dalawang box ng donut na may tira pa. Lumabas ako ng Donut House at nagtungo sa gilid ng kalsada kung saan ko nakita kanina yung isang batang babae na namamalimos.

"Hi," Kumaway ako dito at inabot sa kaniya yung mga donut. "Para sa'yo."

"Salamat po," Ngumiti ito bago kuhanin yung box. "Salamat po."

Ngumiti lang ako bago iabot sa kaniya yung milktea. "Nainuman kona ng konti, bibilhan sana kita ng bago kaso wala akong dalang pera eh."

"Okay lang po," Kinuha nito yung milktea. "Salamat po, Ate Ganda."

"Mag iingat ka dito," Ginulo ko ang buhok niya. "Aalis na ako."

"Ingat po!" Nakangiting sabi nito

Tumango lang ako bago pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa bahay nila Kuya Cy. Hindi pa rin maganda ang aking pakiramdam pero kaya ko pa naman.

"Sandali lang po Manong," Sabi ko dito ng makababa ako

Pumasok ako sa loob ng gate nila Kuya Cy. Nakita ko naman si Carla sa garden na nag-ce-cellphone kaya agad ko siyang nilapitan.

"Carla, pahingi ngang pambayad sa taxi, wala akong dalang wallet eh." Sabi ko dito

"Wala din akong dalang wallet, kay Kuya Cy ka dumiretso," Utos nito.

Tutok na tutok sa cellphone si Carla kaya siguradong may kalandian na naman siya na peperahan na naman siya. Wala talagang kadala dala ang baklang ito.

Napailing ako bago pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang mag asawa na naglalambingan sa sala.

"Kuya Cy," Lumapit ako sa kanila dahilan para matigil sila sa kanilang moment. "Hi Ate Pusha, sorry po sa istorbo."

"Nina," Nginitian ako ni Ate Pusha. "Lalo kang gumanda."

Natawa ako. "Ate, later na tayo mag-chikahan at may naghihintay pang taxi driver sa akin sa labas." Binalingan ko ng tingin si Kuya Cy. "Kuya Cy, nakalimutan ko po yung wallet ko sa condo. Pwede pong makahiram ng pambayad?"

"Sure," Kinuha nito ang wallet sa bulsa bago ako abutan ng isang libo. "Here."

"Thank you po," Kinuha ko iyon bago nagmamadaling lumabas.

Nagtungo ako sa side ng pinto ng driver. Kumatok ako sa bintana nito at agad namang bumabaang bintana nito.

"Bayad po, magkano po?" Tanong ko dito

Nag angat naman ito ng tingin. Agad nanginig ang aking katawan, kasabay ng pagsikip ng aking paghinga nang makilala ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.

Sa loob ng maraming taon ay muli siyang nagpakita. Ang bangungot sa aking buhay–sa Pamilya ko.

"Mukhang nakakalimot kana ata Nina," Ngumisi ito. "Lagi akong nakabantay, ipapaalala ko lang."

Hindi ako makapagsalita, nanginginig lang ako habang naiiyak na nakatingin sa kaniya.

Hinila nito ang kamay ko kaya lalo akong napadikit sa taxi. "Marunong ka ng sumuway ah? Tingnan natin ngayon kung anong kahaharapin ng mag ama mo."

"H-Hindi," Umiling ako. "W-wag, pangako hindi na mauulit. Lalayo na ako."

Tumawa ito. "Huli na Nina, kailangan mong tanggapin ang patikim kong parusa."

"Pakiusap, wag," Tumulo ang mga luha. "Ako na lang, pakiusap wag na sila."

Ngumisi ito. "Pang huli ka, Nina."

"NINA!" Dinig kong sigaw ni Carla

"Tandaan mong laging may mga matang nakabantay sa'yo, hindi pwedeng maging masaya kayo," Pabarag ako nitong binitawan. "Sisirain ko pa lalo ang buhay ng duwag mong asawa."

Pinaandar nito ang sasakyan niya paalis.

Nakatayo lamang ako doon habang nanginginig at umiiyak.

Hindi pwede, wag ang Anak ko.

"NINA!" Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa aking balikat. "Nina, anong nangyari? Ayos ka lang ba?"

Hindi kona alam ang sumunod na mga nangyari dahil tuluyan na akong bumigay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro